Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio

Part 3

Chapter 3 3,982 words Public domain Markdown

Mana,i, nang matapos pagbasa nang sulat sa puno nang cahoy humilig na agad, na larauang bato ang nacacatulad: ganito ay dinguin man~ga pan~gun~gusap.

«Mundong sinon~galing, sumandaling layao, «touang sa sangquisap, asóng mapaparam, «lumayo ca hayo,t, ualang cararatnan «sa aquin ang iyong camandag na alay.

«Caran~gala,t, yaman agad cumucupas, «tulad sa sampagang biglang nalalagas, «isinusumpa cong di ca matatangap «niring aquing pusong dili pabibihag.

«Malicmatang ganda,t, balo-balong diquit, «magdarayang touang may paing pan~ganib, «magbago cang hanay at di mahihilig «aco sa ligayang puno nang ligalig.

«Mahabaguin lan~git, iyong tinutunghan «acong na sa guitna nang casacunaan, «mahina cong lacas iyong saclolohan «nang upang matamo ang pagtatagumpay.

«At icao, o Virgeng matibay na cuta, «sa baua,t, dumulog na napa-aaua, «sa mahal mong puso,i, nagtatagong cusa «itong alipin mong napacacalin~ga.

«Sa harap co,t, licod sa caliua,t, canan «nagcalat ang silo nang lilong caauay, «cundi mo amponi,t, anong cararatnan «niring catutubong aquing cahinaan.

«¿Mangyayari caya namang paghatiin «yaring aquing puso,t, papagdalauahin, «ang isa,i, ibigay sa Nacop sa aquin, «at ang icalaua,i, sa may sintang hain?

«Cayong sari-saring naritong bulaclac, «ang sinasacsi co nitong pan~gun~gusap, «na sucdang maguho ang sang maliuanag «di co dudun~gisan yaring pagca-uagas.

«Sucdan sa madurog magcauaray-uaray «ang laman at buto nang aquing catauan, »cay Jesus cong poon aquing iaalay «ang libo mang puso,t, ang libo mang buhay.

«Cung pag-uariin co,t, timban~gin sa isip «ang lahat nang yaman nitong sandaigdig, «sa dalagang buhay at in~gat na linis «alan~gang di palac na ipaquiparis.

«Icao, camatayang aquing iniirog, «baga man sa iba,i, caquilaquilabot, «gamitin mo hayo tabac na pang-lagot «pagca,t, ang nasa co,i, hinin~ga,i, matapos.

«Cung gunitain ca,i, iquinalulumbay «nang pusong alipin nang samundong layao, «n~guni,t, cung sa aqui,i, quita,i, minamahal «at inaanantay ca sa gabi at arao.

«Camatayan lamang ang nacapipinid «sa aqui,t, sa Poong ligaya nang dibdib, «icao,i, siyang uacas nang dalita,t, saquit, «at mula nang toua na hindi malirip.»

Sa mauica ito,i, tambing na linisan ang masayang jardin na dating aliuan, binalot nang paño ang binasang liham at saca nagtuloy pumanhic sa bahay.

Pagca,t, binaui na sa sang maliuanag nang arao ang huli,t, malamig na sinag; saca unti-unti namang nacacadcad ang tabing sa gabing maitim na ulap.

Nang macapanhic na ang bunying dalaga umupo sa sillang malapit sa mesa, tintero,i, binuhat, guinamit ang pluma, sinagot ang sulat ganito ang badya.

«_Sa may sintang handog_.»

«Houag mong hanapin, sa imbi cong sulat «ang maranghang tula nang man~ga poetas «ualang talinghaga aco cung man~gusap, «dati cong ugali,i, magsabi nang tapat.

«Averno,t,[7] Olimpio[8] hindi maquiquita «sa titic nang aquing maralitang pluma, «gayon si Apolo,t,[9] masayang musa «sucat ang matanto ang ipagbabadya.

«Ligaya sa mundo ang iyong pan~gaco «igauad sa aquing tumatan~ging puso, «dalisay na sinta,t, tunay na pagsuyo «n~guni,t, ualang daan ang iyong pagsamo.

«Tahas na nica cong bilang pahimacas «na di magmamalio, buhay ma,i, mautas «at cung uulitin ang hin~gi co,i, tauad «ito,i, mabuti ring iyong matalastas.

«Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay «nang tungcol sa sinta na gaya mo naman; «n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan «dili matatangap niring calooban.

«Pagca,t, malaon nang tinica nang diua «na aquing lisanin ang sa mundong daya, «at sa isang silid na lubhang payapa,i, «maglingcod sa Hari nang lan~git at lupa.

«Hanganan co rito,t, dapat nang mabatid «na ang iyong nasa,i, camandag sa dibdib: «Pag-utusan naman itong nagnanais «mabilang sa tanang lingcod mo at cabig».

Ang taguisuyo mo.

Ano,i, sa mayari,i, biglang isinara nang bunying dalagang n~gala,i, Eufrasia, saca sinutsutan ang alilang isa, cusang ibinulong ang pagpapadala.

¿Anong loob caya itong nag-aantay na pilit lalasap nang malaquing lumbay? mana,i, sa mabasa ang may lasong liham limang buan halos na umotay-otay.

Sa nagpipighati,i, marahang nag-uica yaong si Hortensio,t, malaqui ang aua aco sa lagay mo,i, nagtatacang lubha ang dating ugali,i, tila sinisira.

Bayani mong loob cusang napatalo sa dahas nang sintang iquinagugulo, iyong linilimot sampong pagca tauo, anaqui,i, uala nang babayi sa mundo.

Pag-uari catoto,i, dili yata dapat na ang buong puso,i, lubos na pabihag, at siyang isipin sa lahat nang oras ang di nabighani sa iyong pagliyag.

Gayon ma,i, mabuti ang iyong parunan, baca hari na n~gang siya,i, malunusan: isang gabi n~gani pinagsadya naman pagsunod sa hatol nitong caibigan.

Tinangap din siya nang magandang loob bagaman sa nasa,i, ayao pahinuhod, anyong sasabihin ang haing pag-irog mahal na dalaga,i, tambing na sumagot.

Banta co,i, sucat na ang catagang uica sa isang gaya mong marunong maghaca; doon pa sa sulat dapat na maunaua ang aquing pag-ayao, yamang di ca bata.

Sa pagcacagayo,i, hindi nacaquibo itong sumisinta,t, parang ipinaco, mata,i, itinun~go, at ang quinucuro ang cahalay-halay na pagcasiphayo.

Dalaga ay parang naacay nang habag sa cay Eliseo,i, tambing na nan~gusap: puso,i, itahimic houag mabagabag: ¿anóng magagaua ay hindi mo palad?

Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin at sa ibang bagay cusang inahinguil yaong salitaan, at nang di mailing, malubos ang hiya at pagcahilahil.

At ang uica niya,i, ang tauong mahiya dapat cahabagan at caaua-aua, baga ma,t, di ibig ayunang ang nasa nang houag malubos ang pagdaralita.

Mapamayamaya,i, parang natauhan ang naabang sintang tumangap nang ayao, sa caniyang puso,i, nanariua naman ang hatol nang pili niyang caibigan.

Yaong si Hortensio, ang uica sa aquin, ang talagang ayao ay houag pilitin at baca matulad aco sa nagtanim nang halamang lanta ay dinidilig din.

Inari lamang tunay na capatid ang di nabighani sa suyo,t, pag-ibig, sa sarili lamang nihang pag-iisip: ¿Anong gagauin co,i, di loob nang lan~git?

Yayamang hindi mo aco capalaran, uica nang dalaga, quita,i, tuturuan «magmula na rito ay icao,i, bumilang at sa icaualong bahay ca humangan.»

CAPÍTULO IX.--_May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas._

«Sa bahay na yaon ay may magcapatid dalauang dalaga unahan nang diquit, aquing sasabihin nang iyong mabatid ang cani-canilang ugali at hilig.

Ang bilang pan~ganay n~gala,i, Esperanza, malouag ang loob na ualang balisa, cataua,i, magaan at lubhang masigla ang ano mang hirap inaalintana.

Sa caniya,i, uala munti mang bagabag parang namamayan sa lupang mapalad, sa capoua tauo,i, lubos ang pagliyag inaari niyang capatid na lahat.

Ang mumunting sira ay pinaraan, hindi alumana cahit masahol man, dunong na mag-in~gat sa capahamacan nang paraang sucat na macahahadlang.

May magandang nasa, at ang panaghili ay di man sumun~gao sa pinto nang budhi, mababa ang loob na di caugali ang nacacatulad isang batang munti.

Cung maquita niya sino mang may hapis ang luha sa mata,i, dadaloy na pilit, at di pa magcasiya sa habag ang dibdib ang tulong at lin~gap agad icacapit.

N[)g]uni,t, cung sacali nama,t, ang mamasdan ay ang nagtatamong toua,t, capalaran, puso,i, lumulucso sa caligayahan, iquinalulugod ang sa ibang dan~gal.

Sa cay Esperanza,i, ualang masisilip na hindi mabuti at ugaling pan~git liban sa salita nang masamang bibig na ang cahinhina,i, nagculang nang muntic.

Sapagca,t, sa loob na lubhang masaya at magaang bibig sa balang maquita, ang naguiguing dahil ipula nang iba dito sa uliran nang man~ga dalaga.

Capatid na bunso n~gala,i, Eduvigis, timtimang babayi, anaqui,i, tahimic, at sa silid niya,i, laguing lumiligpit anopa at parang buhay, taga lan~git.

Yaong cagaslaua,i, malayong malayo, at ang cahihina,i, parang catutubo, ang lahat nang quilos mabini at uasto; n~guni,t, hindi gayon ang lagay nang puso.

Ang man[)g]a salita,i, hindi nasisinsay sa iguinuguhit nang magandang asal, dili maibiguin lumabas nang bahay at cung sacali ma,i, tun~go,i, sa simbahan.

Caya,t, sa caniyang isip, uica,t, gaua ualang ipipintas, mabuting paua, sampo pa nang tanang man~ga binabanta n~guni,t, nalilihim ang nacasasama.

Sapagca,t, ang boo niyang pagca-isip ay caniya na lamang ang tan~ging matouid: ang sa ibang uica cung baga,t, marinig cahit di masama ay minamapait.

Ang quilos nang iba cahit hindi mahalay ay minamasama,t, quinamumuhían, ang caniyang haca ay siya na lamang babaying nabucod sa sang sinucuban.

Ualang puno,t, mula biglang napopoot ang babaying itong cabanala,i, bantog, lahat nang marinig iquinababagot, at hindi macuhang magtipid nang loob.

Baquit lubhang hilig sa pagtataniman ang dalagang bunyi cung sa cabaitan, ang muc-hang payapa,t, quilos na timtiman di taglay sa puso,t, paimbabao lamang.

Sucat masuclam ang macamamalas capag-nagagalit mata,i, nagninin~gas, at uala mang quibo,t, hindi nan~gun~gusap ay daig ang tanang halimao sa gubat.

N~guni,t, ang lalong camandag sa budhi ang siya,i, magcusa na unang bumati, ito,i, catutubong caniyang ugali na inaari pang caran~galang tan~gi.

Capag nangyayari ang nasa at ibig muc-ha,i, maligayang parang taga lan~git; n~guni,t, pag hindi na,i, agad magn~gin~gitn~git at ualang demonio acong maiparis.

Magandang ugali,i, agad mabibiling sisin~gao na pilit ang casamang lihim, ang capalaloua,t, pagca-masumbatin at saca ang nasa na siya,i, purihin.

At cung sacali pa,t, mayroon umayo lalong mag-uulol ang malaquing labo, at ang paimbabao na hinhing palalo ay di na maquita,t, cung saan nagtago.

Lubos sa uari co,i, ang nacacabagay ay tubig sa laua cundi guinagalao, anaqui ay bubog na lubhang malinao, n[)g]uni,t, ang ilalim ay carumal-dumal.

Itong magcapatid alit ang ugali, caya sa dalaua icao ay mamili, nang houag sisihin aco cung sacaling mapalisiya ca sa iyong pagpili.

Ang cay Eliseo na ipinagturing aco,i, uala riang itulac cabiguin; ang isa,i, masaya,t, ang isa,i, mahinhin; n~guni,t, ang pan[)g]anay yata ang magaling.

Cung gayon ang uica nitong capanayam, icao ang bahala nang upang macamtan; ang isa cong bili,i, pacatatandaan sa paquiquiusap ay magpacarahan.

CAPÍTULO X.--_Ang catampalasanan ni Neron at ang matandang mangagauay_.

Mana,i, sa matapos yaong salitaan ay si Eliseo,i, umoui nang bahay; agad sinalubong mula sa hagdanan nang parang capatid niyang caibigan.

Di agad tinanong muna ang nasapit nitong si Hortensiong may in~gat na bait, niyayang cumain nang macapagbihis ang parang nagdaan sa landas na guipit.

Nang cumacain na,i, napagsalitaan yaong sa cay Nerong catampalasanan; ang bagay na ito,i, tiquis na binucsan nang ang nagugulong loob ay malibang.

«Ang lilong si Neron, uica ni Hortensio, cung sa calupita,i, pang-ulo sa mundo, sampo nang asaua[10] ay pinatay nito si Burro,t, Séneca[11] at si Británíco.[12]

At inibig niyang ang sang catauohan ualang maguing ulo cundi isa lamang, nang sa minsang taga,i, mapucsang paminsan ang lahat nang tauo sa sang sinucuban.

Tila nacucutya ang man~ga dila co tumauag sa gayon nang pan~galang tauo, cundi isang Furiang galing sa infierno, sun[)g]ay ang corona na putong sa ulo.

Ito,i, Emperador sa Romang calac-han, cuhila,t, mabagsic, daig ang halimao, may alilang tigreng pinacamamahal, na catulad niya cung sa caban~gisan.

Febea sa tigre ang ipinamagat nang capoua tigreng may coronang hauac, laguing guinagamit nitong lilo,t, sucab sa man~ga cristiano nang pagpapahirap.

Sapagca,t, si Nero,i, malupit na ganid na uala munti mang aua at pag-ibig, cung caya ang puso ay doon nahilig sa capoua niyang hayop na maban~gis.

N~guni,t, ano caya, sagot nang causap, ang napala niya,t, anong naguing uacas niyong gayong asal, puso,i, nagagalac pumatay nang tauo,t, laguing magpahirap.

Sa palaciong bantog nang lilong si Pluton[13] caloloua niya ay doon humantong, ang hirap, dalita, pighati,t, lingatong laguing linalasap nitong tauong pusong.

Di maca aalis magpacailan man ang Can-Cerbero,i,[14] bantay sa pintuan ang balang pumasoc pinababayaan, n~guni,t, ang paglabas ay ibinabaual.

Ang Can-Cerbero ay may tatlong ulo, at pauang serpiente yaong balahibo, ualang casing ban~gis na ang cagat nito ay nacatataos sa utac nang buto.

Sa tabing Estigia,i,[15] doon nagtatanod, tanicalang ajas siyang nacagapos, ito ang tinalo niyong semi-dios anac ni Jupiter, Hércules[16] na bantog.

Ang sinomang tauo,i, dapat quilabutan sa dalitang hindi masayod na turan, ang lalong-lalo na tanang tampalasan, catulad ni Neron niyong nabubuhay.

Ani Eliseo,i, may isang matanda, Bárbara ang n[)g]alan lubhang solipica, na cay Eufrasiang tunay na alila, ang muc-hai,i, masun~git, baquit sadyang tina.

Maputi ang buhoc, madilim ang noo, matulis ang cucong parang aliman~go, n~gipi,i, sincol-sincol, at cung may catalo mata,i, nanlilisic, daig ang demonio.

Ang caniyang ulo naman ay mahaba, tain~ga,i, piing-piing na parang sinadya, muc-hang mangagauay, pagca,t, ualang baba quinatatacutan nang lahat nang bata.

Main~gay ang bibig na tila pacacac, anaqui ang dila,i, puno nang camandag loob ay sucaban, ualang pagtatapat, saca cung maupo ang tuhod ay yacap.

Sa gayong catanda ay lubhang masiba, laguing nagbubuncal siya sa cusina, nagdadahandaha,t, baca mahalata nang man~ga casama na capoua alila.

Ualang quinausap na di nacaauay, ang balang maquita ay pinipintasan, damit sa cataua,i, mistulang basahan at n~gun~guyan~guyang parang camatayan.

Hindi co malaman cung saan nunuha nang ipagtitiis ang man~ga casama, lalong lalo na n~ga ang bunying dalaga na di nababagot sa matandang bruja.

At canina lamang aco ay doroon ay nan~gun~guaco at un~gol nang un~gol, saca nang utusang pacunin nang apoy malaonlaon din na nagmuc-hang tuntong.

Aquing napagmasdan anyong malalapit na ang paa pala,i, tila sa sulyasid, tatlo ang daliri na nagcacadiquit, aco,i, napalin~gon at di co matiis.

Dahil sa ugali ay aquing nasabi ito,i, siyang Neron nang man~ga babayi, na uala isa mang guinauang mabuti, matulis ang dila na parang putacti.

Houag nang litisin ang matandang iyan pinalalaqui mo ang mumunting bagay, uica ni Hortensio,t, ang sabihin naman cung anong nasapit nang iyong pinacay.

Ani Eliseo,i, hindi ninanasa ang pag-aasaua,t, cusang isinumpa sa harap nang lalong Mahal at Daquila ang tica nang puso halos pagcabata.

Gayon man ay aco,i, pinamili niya sa cay Eduvigis at cay Esperanza, sila,i, magcapatid hiuaga nang ganda, at man~ga ulila sa ama at ina.

Itong si Hortensio,i, nan~giti nang muntic at naala-ala niya ang nasapit, niyong dacong arao na si Eduvigis nag-asal lalaqui tungcol sa pag-ibig.

Datapoua,t, hindi ibig ipamalay gayong sa catoto,t, sa tauong sinoman, cusang inilihim nang di madun~gisan puri nang dalagang nabucod sa tanan.

Bagcus ang sinabi iyo nang tun~guhin cung sinong lalo mo na minamagaling n~guni,t, ang hatol co,i, iyong paglinin~gin ang sa habang buhay ay cacasamahin.

Datapoua,t, tayo ay magpahin~galay, bucas na tapusin itong salitaan; dalauang binata,i, agad nagtindigan sa cani-canilang quinaluluclucan.

CAPÍTULO XI.--_Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan_.

Bahag-ya na lamang ipinamamalas nang arao ang muc-ha niyang maliuanag; ay nan[)g]aguising na itong magcausap, tila may gagauing hindi nalulutas.

Malicsing nagbihis, nanaog sa bahay, parang inaalio ang pusong may lumbay, nag-uica ang isa, catoto,i, pagdaha,t, ibig cong matanto ang tun~go nang pacay.

Sagot nang tinanong ang aquing pasiya ay ang piliing co ay si Esperanza, at si Eduvigis cung iyong macuha magbibilas tayo na ualang pagsala.

Cung sa ganang aquin, cay Hortensiong uica, ang bagay na iya,i, di co ninanasa, tanto mo nang lubos aco,i, maralita sa isang mataas ma-aalipusta.

Hindi nila tantong may nacaririnig na dalauang tauong lacad ay mabilis, nang malalapit na,i, pagdaca,i, nagsulit binabanta ninyo,i, lisiya sa matouid.

Nahahaling yata, ani Eliseo, ang ating casabay na dalauang tauo, ¿anong mauauala sa alin ma,t, sino sa mabuti,i, dili ang ninanasa co?

Nang muling magsulit agad naquilalang isa sa canila,i, si Valerio pala; uica,i, houag ninyong iraos ang tica sa cay Eduvigis at cay Esperanza.

Di pa natatapos ang sinabing ito,i, pagdaca,i, sumagot bunying si Hortensio; (na parang paglibac sa sucab at lilo) cami,i, sumusunod sa baua,t, utos mo.

Agad nahalatang siya,i, tinutuya caya biglang biglang namula ang muc-ha, puñal ay binunot patain ang nasa itong si Hortensiong dating inaaba.

Ang casama niya,i, dili macaimic, pagca,t, natatantong uala sa matouid, sucab na Valerio ulol ang caparis, at munti ma,i, hindi nabahirang bait.

Dinaluhong na n~ga,t, parang inudyocan nang sang infierno itong tampalasan, ang dalauang mata ay binubucalan nang gahasang apuy niyong cagalitan.

Abang si Hortensio,i, iniuaang agad, ¡salamat sa lan~git siya,i, nacaiuas!; dalauang casama nama,i, nagmamalas sa maguiguing hanga niyong paglalamas.

Sa muling pag-iua,i, pagdaca,i, naagao sa camay nang lilo ang puñal na tan~gan, tuloy inihaguis na pina-ilandang pang di nagnanasang matay sa sinoman.

Nang capoua uala nang sandata,t, naghamoc dalauang bayaning lumilipad halos; ang suntoc at sicad caquila-quilabot, na daig pa mandin ang taga at ulos.

Ang init nang arao di pa dinaramdam nang pamulan nila itong paglalaban hangang sa mataas di pa nagtatahan at nang mag-uauagui dili maalaman.

Ang lacas nang suntoc lintic ang catulad cahiman at sino,i, pilit magugulat; at cung ang dugo ma,i, hindi nagdaranac ay ang pauis naman ang tumatagactac.

Pagtataca,i, labis nang piling catoto sa naquitang dahas nitong si Hortensio, na di nagpalalo sa sino mang tauo ay cung maquihamoc parang ipo-ipo.

Ang caniyang asal, quilos at salita, sampong pag-iisip niya,t, ninanasa, ualang cataasan at budhing cuhila, palibhasa,i, galing sa pusong payapa.

Nasa ni Valerio,i, cumitil nang buhay, si Hortensio,i, hindi,t, nagtatangol lamang, di caguinsa-guinsa,i, biglang napipilan yaong may masama,t, budhing tampalasan.

Saca ang guinaua ay ibinaligtad, tinampal sa muc-ha,t, binayo nang sicad, ang boong cataua,i, binugbog nang hampas; nang di mamihasa sa gauang magsucab.

Itong nagtagumpay na bagong bayani quinulong nang isang Homerong[17] magpuri na bucod sa lacas, catapan[)g]a,t, licsi,i, may uagas na pusong ayao maghiganti.

Cung pag-iisip ang tanang guinaua nitong si Valerio sa ulila,t, duc-ha, di man camag-anac tutulo ang luha at acayin din nang gauing maaua.

Ang dalauang ito,i, nang nagcacasama sa bahay nang pari na binanguit co na, gaua ni Valeriong may budhing vivora ang imbing Hortensio,i, laguing minumura.

Sa balang mauala,i, pinagbibintan~gan ang abang ulilang ualang casalanan, hindi nan~gin~gimi yaong man~ga camay na ang maralita,i, hampasi,t, sugatan.

Sampo nang cacaning ipinacucuha itong tampalasan sa ibang casama, caunting tinapay ang itinitira,t, ang lalong masama ang pinipili pa.

At ang guinagaua na parang aliuan paglibac, pagcut-ya, pag-api,t, pag-uyam dito cay Hortensiong inaalalayan nang daquilang aua ninyong calan~gitan.

Tatlong taong sincad binata nang diua ang balabalaquing hirap at dalita, ¿baquit natitiis caya nitong lupa at hindi lamunin yaong alibugha.

¿Baquit, man~ga lan~git, at di ibulusoc sa bayan nang apoy, nang doon magduop? at hangang may mundo,t, ang Dios ay Dios yaong pagdurusa,i, hindi matatapos.

Iyong inaampon at pinagpapala ang tanang malupit at budhing masama, sa lahat nang bagay pinapagsasaua at ang mabubuti siyang inaaba.

¡Oh hindi mataroc na lihim nang lan~git! ¡oh dagat na ualang pangpang mang ó guilid! ¡oh daquilang Dios iyong nababatid ang lahat nang bagay nitong sandaigdig!

Sa buhay na ito,i, itinutulot mo sambahi,t, igalang ang sucaba,t, lilo; saca sa cabila naman ibubunto ang tanang pahirap doon sa infierno.

Ang tapat na loob pinapag-titiis sa balat nang lupa nang dalita,t, saquit, saca puputun~gan sa bayang tahimic nang coronang ualang sucat macauan~gis.

Datapoua,t, n~gayo,i, ipatuloy co na ang guinaua nitong Marteng pan[)g]alaua, sandaling inisip ang masamang tica nang maghihiganting lilong nacabaca.

Cung caya n~ga hindi niya itinulot na macapagban~gon sa pagcasubasob, ang dalauang camay binaliting bagcus, nang upang magbauas pagca-asal hayop.

At pinag-uicaan sa pagayong anyo: iyo nang natatap, Valeriong palalo, ang bun~gang masaclap niyang panibugho na lumilingatong na lagui sa puso.

¿Masdan mo ang iyong dan~gal na quinamtan, aco,i, alipin mo lamang cung sa bagay? ¿nahan ang maraming iyong cayamanan sa oras na ito,i, di ca matulun~gan?

Cundi ca susuco,i, anomang masapit sa lagay na iya,i, di ca ma-aalis; itong pan~gun~gusap ano,i, sa marinig ay halos magputoc cay Valeriong dibdib.

Datapoua,t, di rin munti man lumubag yaong pusong bato yata ang catulad, yayamang ayao rin biglang nagsilacad ang bagong nag-uagui,t, ang catotong liyag.

Pinabayaan nang baliti ang camay culang na maghapon sa guitna nang arao, cung caya guinaua ang ganitong bagay nitong si Hortensio,i, nang magbagong asal.

Saca ang casama nang lilong Valerio ay pinagsabihan nang dalauang ito, na houag calaga,t, nang upang magbago ang caniyang ugaling higuit sa demonio.

Siyang naguing dahil nang pagcacasaquit, pitong bouang halos naratay sa banig: ang nangyaring ito,i, ano,i, nang mabatid nang amaing pari ay naghinanaquit.

Doon sa inampon halos pagcabata, caya n~ga,t, ang bagay ay pinag-usisa, at si Hortensio rin ang nagpaunaua nang dahil nang caniyang doo,i, ninanasa.

Hindi co po ticang patai,t, masactan ang iyong pamanquing pinacamamahal, at ang guinaua co,i, nang madala lamang magbauas nang munti ang capalaluan.

Bucod dito,i, dapat mo pong matalastas ang caniyang pita,i, buhay co,i, mautas, at cung sacali pang n~gayon ay malacas pilit na quiquitlin hinin~ga cong in~gat.

Natanto co pong dapat patauarin ang balang caauay at may nasang linsil; n~guni,t, hindi baual nang Dios sa atin na pacain~gatan ang buhay na angquin.

Cundi co guinayo,i, inaacala co na aco,i, uala na,t, nasa isang mundo; cayo ang magsabi, yamang alam ninyo ang asal na ganid nitong si Valerio.

Pari,i, naniuala at lalong minahal ang hindi pamangquin na may cabaitan sapagca,t, minsan ma,i, hindi nadun~gisan bibig ni Hortensio nang cabulaanan.

Toto,t, sa caniyang loob na sarili ay siya ang tan~gi na hamac at imbi; n~guni,t, ang matouid capag sinasabi hindi nan~gin~gimi na parang bayani.

Laguing uiniuicang ang catotohana,i, tiquis ilaladlad sa harap ninoman; at ang puso niya,i, sapagca,t, dalisay ay di nagagahis niyong catacutan.

Dili maibiguing maquisalamuha sa man[)g]a guinoo, mayama,t, timaua; datapoua,t, hindi iquinahihiya yaong casalatan niya,t, pagcaaba.

Mama ni Valerio,i, sumapayapa na, at hindi sinisi tauong ualang sala: dito napanatag yaong magcasama pagca,t, masusunod ang canilang pita.

Isang gabi n~ganing parang nabibitin ang buan sa caniyang liuanag na angquin, itong si Hortensio,i, ganito ang turing sa catoto niyang lubhang guiniguilio.

Samantalahin mo ang caliuanagan nang tanglao sa gabi,t, sa madaling arao, n~gayon di,i, lumacad, pagca,t, caraniuan malamig ang ulo nang cadalagahan.

At si Eliseo pagdaca,i, sumunod sa mabuting hatol niyong nag-uutos minulan na rito yaong paglilingcod sa cay Esperanzang may ugaling ayos:

Mataric na bundoc ang nacacatulad, na cung salun~gahin ay lubhang mahirap; tatlong taon halos saca pa naagnas yaong batong pusong ualang casing-tigas.

Ang bagay na ito,i, sandaling ihimpil pagbalican natin ang linisang Fidel, sa cay Eliseo mana,i, sa darating, doon sa colegio,i, bagong cagagaling.

CAPÍTULO XII.--_Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan._

Dalaua,i, nagyacap capoua lumuluha sa malaquing touang quinamtan nang diua, hindi magcamayao nang pag uusisa sa canicanilang palad ó dalita.

«Nabalitaang co, ang uica ni Fidel, «na si Esperanza ang casi mo,t, guilio; «aco cung sa bagay naliligaya rin «at may landas ca nang binucsan sa aquin.»

Sa bigcas nang sabi,i, agad nahalata nitong matalino niyang casalita, caya n~ga,t, ang tugon cung gayo,i, humanda at mamayang gabi,i, tayo,i, magsasadya.

Sa sariling loob nang bagong ninibig, ay nacatagpo rin siya nang mainit; aco,i, antain mo, ang ipinagsulit, ang ama,t, ina co,i, baca naiinip.