Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio

Part 2

Chapter 2 3,972 words Public domain Markdown

»Ang sinomang tauong may magandang asal »siyang catotohing itan~gi sa tanan; »puso mo,i, cung baga,i, may capighatian »ay maguiguing lunas at caguinhauahan.

»At sa balang sucab magpacailag ca, »pagca,t, ang casaman ay nacahahaua: »iyong hihiran~gin ang macacasama »nang di ang buhay mo ay mapalamara.

»Cung magca utang cang loob sa sinoman »ay iyong gantihin nang loob din naman: »ang na sa sacuna,i, agad saclolohan »mayaman ma,t, duc-ha ó cahit caauay.

»Icao na bunso co, bahalang maglining, »yamang batid mo na masama,t, magaling, »malibing man aco,i, houag lilimutin »ang madla cong aral, ¡ay pamangquing guilio!

»Bucod dito,i, dapat, yamang panahon na »na icao,i, humanap nang macacasama, »ang ibig co sana,i, maraos ca muna »hangang aco,i, buhay matulun~gan quita.

»¿Anong gagauin ta,i, ito na ang guhit, »ito na ang hanga na taning nang lan~git? »n~guni,t, ang bilin co,i, magpapaca-bait »at ang pipiliin timban[)g]in sa isip.

»Houag cang hihirang nang lubhang butihin, »cundi yaong lalong timtima,t, mahinhin, »pagca,t, aco,i, ayao n~g quequendeng quendeng »lason sa mata co,t, nacaririmarim.

»Hindi co rin ibig ang sumasagadsad »laylayan nang saya ay puno nang lusac, »anaqui,i, may buntot na quinacaladcad »hayop na mistula ang nacacatulad.

»Ang hahanapin mo,i, may loob sa Dios, »banayad man~gusap at hindi mataros, »ayao naman aco nang iin~gos-in~gos »na sa tingnan lamang ay nacayayamot.

»Cung baga sacali,t, icao ay macasal »ang pagtitiis mo ay cararagdagan »sa asaua,t, bayao, hipag at bianan, »gayon din sa iyong boong casambahay.

»Hangan dito aco,t, pagpalain ca rin, »amponin touina nang mag-Inang Virgen, »sa capayapaa,i, tantong palaguiin; »at houag mo namang aco,i, lilimutin.»

Pagcauica nito,i, nagtindig pagcouan, umacbay sa aqui,t, napasahihigan, saca nagpatauag isang paring banal at ang tanang sala,i, ipinan~gumpisal.

Mapamayamaya,i, aquing nahalata siya,i, nalalagnat mainit ang muc-ha; n~guni,t, hindi naman totoong malubha, ¿paano bagang ito,i, mamamatay caya?

At ang médico mang sa caniya,i, tumin~gin, malayong mamatay, ang uica sa aquin; n[)g]uni,t, unti-unti naming napaglining na tunay ang sabi na ipinagturing.

¿Sino cayang tauo ang hindi mamaang sa lubhang magandang sa mundo,i, pagpanao? totoo n~ga palang _cung ano ang buhay ay siya ring hanga nama,t, camatayan_.

At quinabucasan ay biglang naglubha cataua,i, balisa,t, malatang malata, hindi macaquiling sa cana,t, caliua, at nagagaril na sa pagsasalita.

Aco,i, pajesusan ang ipinagturing at sa santo Cristo,i, mata,i, itinin~gin, aniya,i, _sa camay mo,i, inihahabilin yaring caloloua nang iyong alipin_.

Nang mauica ito,i, siyang pagcalagot nang tan[)g]ang hinin~ga nang mama cong irog, ang puso co nama,i, parang pinaglabot nang lahat nang dusa nitong sang sinucob.

Nagsipagcatipon mapamayamaya ang man[)g]a catotong dinatnang balita, sila,i, para parang mata,i, lumuluha sa panghihinayang na ualang camuc-ha.

N~gayo,i, natapos na ang lahat mong hirap, at ang humalili ualang hangang galac: aco,i, iniuan mo na tiguib nang sindac sa guitna nang mundong lipos nang bagabag.

Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig nang ligayang hindi sucat na malirip; aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib, ¡oh pan~gun~gulila na cahapis-hapis!

Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao nang iyong pagtauag na lubhang malayao: aco,i, iniuan mo sa capighatian, nacaisa-isa,t, ualang caaliuan.

Anopa,t, sa aquin ay naguing camandag ang pagpapalayao niya at paglin[)g]ap; ¡oh buhay na imbi at cahabag-habag! ¿saan ihahanga, lan~git, yaring hirap?

Ito,i, siyang dahil nang aquing dalita na dini sa puso,i, laguing umiiua: ¿batid mo na baga, catoto, ang mula niring dalamhati at linuhaluha?

Caya,t, cung ibig mo, hirang na Hortensio, ay samahan mo na ang abang catoto, upang matiuasay ang sinicdosicdo niring gulong dibdib na di magcatuto.

CAPÍTULO V.--_Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo_.

Ito,i, bagong tauo, na lalabing siyam ang bilang nang taon na linalacaran, naguing caquilala,t, laguing capanayam niyong Eliseo sa caulilahan.

Siya,i, unang bugtong na ipinan~ganac nang inang si Florang di na nagcapalad na hagca,t, calun~gin ang angel sa dilag, caya,t, sa cay Fabiong ama ay nalagac.

N[)g]uni,t, inihandog nang masintang ina nang bago malagot ang tan~gang hinin~ga sa mapagcalin[)g]a,t, lubhang macalara, dalisay na Virgeng ualang bahid sala.

Naiuan sa ama na caaua-aua, salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana, naualay sa ina baquit batang bata bagama,t, sa bait ay lubhang matanda.

Dan~gang may capatid isang binibini dito sa mag-ama ay siyang nag-iui: pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi, matalinong isip, daig ang lalaqui.

Ang caniyang edad apat na puo,t, isa na di nabighani nang pag-aasaua, at sa boong loob tantong pinasiya ihandog cay Jesus puso,t, caloloua.

Bagama,t, marami niyong dacong arao nabihag nang ganda niya,t, cariquitan; dapoua,t, ang baua,t, magsabi nang pacay hindi na macuhang muling ipagsaysay.

Sapagca,t, pagdaca,i, cusang tinatapat nang uicang mariing, conoua,i, banayad; «Sa bagay na iyan ang hin~gi co,i, tauad «at dini sa puso,i, lason at camandag.»

Cung pinaliligoy ang pagsasalita nang adhicang sinta ninomang binata, agad sasagutin nang ganitong uica: «Linauan po ninyo at nang maunaua.»

Saca sasabihing masasayang lamang tanang guguguling dusa,t, capagalan, idinudugtong pa nang lalong tumibay: «Ito,i, una,t, huling aquing casagutan.»

At cung maramdamang ibig magtiyaga di na paquiquita,t, magtatagong cusa, cundi macaiuas sasabihing bigla: «Sucat na sa iyo ang catagang uica.»

Ito ang nag-iui dito cay Hortensio, capatid nang amang pan~galan ay Fabio, at sa isang pinsan ipinaquinuso, ang batang ulila paglabas sa mundo.

Icapitong taon ang edad nang bata ay sa isang pare,i, ipinacalin~ga mabait, marunong, at ang labi,t, dila ay batis nang aral na cahan~ga-han~ga.

Daquila ang toua mula nang mamalas ang sa cay Hortensiong loob na banayad, at ang cabaitang caguila-guilalas anaqui,i, sinusong casama nang gatas.

Lalo nang matantong lubhang mapagtiis sa pagod at puyat, sa pighati,i, hapis; at cahit mayroong maramdaming dibdib ay hindi sumuco sa dahas nang saquit.

Baquit parang sadya na itinalaga nang lan~git sa madla,t, sari-saring dusa, quinaguisna,i, lucsa,t, ulila sa ina at ang caruc-haa,i, ualang pan~galaua.

Sa lahat nang bagay ay capos na capos sa canin at damit, sampong sa pagtulog; sa tanang casama na sa paring lingcod ay uala isa man na nagdalang lunos.

Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis, ang luha sa mata,i, laguing nagbabatis, naualay sa ama,t, aling nagtangquilic: anopa at naguing hantun~gan nang saquit.

May alagang pari sabihin ang aua, dapoua,t, quinusang di nagpahalata, nang lalong mauagas ang puso at diua, luminis sa apoy nang madlang dalita.

¿Aling cabaitan ang hindi magmalio sa guitna nang gayong hirap at hilahil, n~guni,t, ang bayaning lubhang matiisin dusa ay hindi man lamang naidaing.

Capag dinadatnan anomang balisa sa lan~git na lamang siya umaasa, sa sariling loob ay ang uica niya «Maguing bayad naua sa lahat cong sala.»

Napagtanto mo na, bumabasang liyag ang cay Eliseo na causap-usap, caya naquilala,i, siya ang nagligtas sa lubhang daquila na pagcapahamac.

Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari, Valerio ang n~galan ay may panaghili, doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi dahil sa dalagang sa iba,i, natan~gi.

Sari-saring bagay ipinadadala nito cay Hortensio,t, natatanto niya, na ualang mabisang pang-aquit sa sinta gaya nang mabuting loob na paquita.

Puso ni Hortensio,i, hindi naligalig sa mapulang pisn~gi,t, malagquit na titig, at maputing noong capilas nang lan~git nang isang babaying n~gala,i, Eduvigis.

¡Oh diamanteng pusong ualang casing tigas at quinucusa na,i, ayao pang pumayag! n~guni,t, ¿ano caya,t, tila nabaligtad ang dating ugali nang sa mundong lacad?

Ang bato balani ang siyang lumapit lumapit sa bacal na di co ma-isip, ¿ano caya itong hiuaga nang lan~git, hindi mapaghaca nang pantas na bait?

Isang arao n~gani ay parang nagtipan itong si Hortensio,t, ang dalaga naman sa bahay na isa,t, nagcasalitaan nang tungcol sa mundong man[)g]a cahirapan.

Sa aming babayi, ani Eduvigis ay loualhati nang pan~galauang lan~git, ang cami tumama lalaquing mabait, marunong dumamay sa hirap at saquit.

At cung mayroon pa sa sang maliuanag na isang lalaqui na iyong catulad, ó ibang Hortensiong asal na banayad maiisban-isban ang tindi nang hirap.

Pagca,t, ang Hortensiong aquing capanayam, uala manding aua sa boo cong damdam, sa mauica ito mata,i, itinunghay dito sa ulilang nagcacamamanghan.

Sa salitang ito,i, biglang namutla ang buroc na pisn~gi nang ating binata, at ang sumaisip nang lipos dalita ang babaying yari,i, labis na manuya.

Hindi maniuala ang mababang loob na sa lagay niya,i, mayroong iirog, caya sa dalaga,i, ualang isinagot cundi «sucat na po ang iyong pag-ayop.»

Sa oras na ito ay siyang pagdating niyong si Valeriong sa paring pamangquin, ito,i, may pagsinta na laong inangquin sa cay Eduvigis babaying butihin.

Isang bagong tauong marin~gal ang ticas magandang lalaqui,t, marahang man~gusap, man~ga panucala,i, lubhang matataas, at ang pananamit ay nacagugulat.

Sa yama,i, sagana, malacas, matapang, ualang pan~galaua sa binatang tanan, laguing tinatanghal sa man~ga lansan~gan sapagca,t, bihirang tumira nang bahay.

Ang tabas nang muc-ha niya ay mahauas, at saca ang puti ay lubhang matingcad; n~guni,t, maganda ma,i, parang nalilimbag ang capalalua,t, pagcabudhing sucab.

Ualang hindi siya pinaghimasucan, na sinalicsic ang sa ibang buhay; ang malicsing bibig hindi nan~gan~galay sa puri nang capoua niyong paghahapay.

Hindi bibihira ang nan~gatatacot sa malicsing dilang ualang munting pagod, naguguniguning matalas pa halos sa talim nang tabac talagang panghamoc.

Mapusoc na loob hindi mapasucan nang hatol na dapat sa ganoong asal, tanang camag-anac pauang naninimbang dito sa binatang lubhang tampalasan.

Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua sa ugali niyang magpagalagala; ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá sa caniyang asal na dating masama.

Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan ang taglay touinang matulis na puñal; paglilibot niya,i, pinaglalamayan, saca ang pagtulog naman ay sa arao.

Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig yaong si Hortensio sa cay Eduvigis, at sa salitaan siya ay lumapit catulad nang isang tauong ualang bait.

Nag-uaualauala,t, nang di mahalata ang lihim na galit na taglay nang diua; n~guni,t, sa caniyang quilos at salita ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua.

Si Hortensio naman at si Eduvigis sa pagdating niya,i, hindi na umimic, na siya pang lalong na ipinagn[)g]alit nang naninibughong haling sa pag-ibig.

Dito na nag-isip itong alibugha nang cay Hortensiong icapan~ganyaya, hindi nan~gilabot ang sariling diua magnasang lasunin ang caaua-aua.

Lihim na sinabi sa cay Eliseo nang may budhing sucab n~gala,i, si Valerio ang lihis na nasang udioc nang demonio pagca,t, malaon nang sila,i, magcatoto.

Nahambal ang puso nang pinagsabihan caya,t, cay Hortensio sinabi ang bagay: icao ay lalasunin niyong tampalasan at sa panibugho yata ang dahilan.

Dito na lumayo ang ulilang aba sa lilong Valerio hayop ang camuc-ha, talaga nang lan~git at malaquing aua,i, sa cuco nang ganid di napan~ganyaya.

Nagmula na rito ang pag-iibigan nang dalauang laguing magcasalitaan ang canilang puso,i, pinag-isang tunay parang magcapatid ang nacacabagay.

Hindi man ugali nitong si Hortensio ang siya,i, magtanim sa sinoman tauo; gayon ma,i, nan~gilag sa nan~gin~gimbulo, at di na minarapat na gauing catoto.

At si Eliseo naman ay gayon din sa lilong Valerio,i, tantong narimarim; na hindi mangyari cahima,t, pilitin ang may asal hayop na gayo,i, guiliuin.

CAPÍTULO VI.--_Ang uliran nang man~ga dalaga._

Ugali nang tauong maganda ang asal sa may dalang hapis puso,i, nahahambal, caya si Hortensio,i, tambing napaalam sa nagcacalin~ga. Ganito ang saysay,

Houag pong magdalang cagalitan n~gayon, at ang pag-alis co,i, hindi malalaon, aquing sasamahan ang nalilingatong na si Eliseong catoto cong bugtong.

Pinahintulutan siya sa pagpanao, sa pagca,t, mabuti ang nasa at pacay; n[)g]uni,t, nagdamdam din ang pari nang lumbay dahil sa daquila niyang pagmamahal.

Nagcasama nan~gang parang magcapatid itong si Hortensio,t, Eliseong ibig; mana,i, isang hapo,i, canilang na-isip na pa sa vintana,t, mag-alio nang dibdib.

Nagcataon naman siyang pagpapasial sa jardin nang isang dalagang timtiman, hindi sumasala yaong paglilibang capag malapit nang lumubog ang arao.

Sapagca at hindi nalalayong lubha, cun caya,t, naquita nang man~ga binata, nagcaca-abutang suliap sa vintana, di lamang macuha ang pagsasalita.

Ang tinatahanan ay calugod-lugod libid nang halaman sa harap at licod; ang ibig pumitas hindi mapapagod mula sa vintana bun[)g]a,i, na-aabot.

Nagbibigay alio sa pusong may sindac ang balabalaqui na man~ga bulaclac, sa dacong umaga,i, cung namumucadcad ang cahalimbaua,i, ang lupang mapalad.

Ang babaying ito,i, di lubhang maganda dapoua,t, mayroon sucat icapuna, masaya ang muc-ha,t, ang hinhin nang mata ay cagalang-galang sa macacaquita.

Labi ay mapula sa pisn~gi may lunal, ang tubo nang buhoc sa noo,i, mahusay, catauang butihin ay bagay na bagay sa catoua-touang maliit na bayuang.

Ang hubog candilang caniyang daliri ay parang sinadya nang pagcayari, n~guni,t, ang lalong nagbigay uri, ang cabanayara,t, buti nang ugali.

Bihirang man~gusap at ang catabilan malayong-malayo,t, quinayayamutan; gayon ma,i, cung mayroon siyang capanayam ang saya nang loob ay pinatatanao.

Maminsan-minsan lamang namintana, ang catahimica,i, siyang laguing nasa: at cung may pumanhic na man~ga binata ay di maitunghay ang mata sa hiya.

Lalabing anim pa hustong cabilan[)g]an nang caniyang taon na linalacaran, na cun sa bulaclac cabubuca lamang bagong calilipat sa cadalagahan.

Sucat cauiliha,t, lubhan matatamis lahat nang caniyang man~ga bucang bibig, mabini ang quilos na naca-aaquit sa ibang dalagang palaring tumitig.

Hindi mayamuti,t, mababang man~gusap, mapagbigay loob sa quinacaharap, minsan man ay hindi narinig pumintas cahima,t, sa tauong may loob na sucab.

Loob ay di hilig sa pagmamariquit, magsoot nang madla,t, mahalagang damit: sa catauan niya,t, ualang masisilip cundi caraniuan lamang at malinis.

Sapagca,t, di taglay ang palalong nasa nang ibang dalagang matan~gi sa madla, na cung magcagayo,i, ang boong acala pupulot nang puri,i, hindi pala,t, pula.

N~guni,t, ang ugali niyang pananamit ay cauili-uili sa baua,t, tumitig, yaong caayusa,t, palaguing malinis larauan nang caniyang dalisay na dibdib.

Taglay na palagui ang magandang loob, cahiman at duc-ha,i, hindi inaayop, ang pag-ibig, niya ay lubos na lubos di sa bibig lamang at sa puso,i, taos.

Sa mag-uumagang tila nag-aauay ang ulap nang dilim at caliuanagan, unang tutun~guhin yaong pag-aalay nang cay Jesucristong dugo at catauan.

At sa bahay nitong lumic-ha nang lahat tantong nauiuili yaong pusong uagas, ang pagsinta niya,i, lalong nag-aalab na cung mangyayari,i, doon ay lumagac.

Muli,t, muli niya na iniluluhog ang icagagaling nitong isang sinucob, na inihahadlang sa galit nang Dios ang sa anac niyang dugong ibinuhos.

Saca ihahain ang cataua,t, buhay _Sa napapalihim na anyong tinapay_ at bago aalis nang boong pag-galang, mahinhing uui sa caniyang bahay.

Cung na sa bahay na,t, iyong mapanood yaong paglilinis niya,t, pag-aayos, ay mauiuica mo sa sariling loob ito ay babaying sa iba,i, nabucod.

At cung maquita mo yaong casipagan niyong pananahi at paghabi naman, baca mo sabihin ito ang matapang babaying pinuri ni Salomong paham.

Ito,i, siyang bun~ga nang laguing paglapit sa mahal na dulang na piguing nang Lan~git, cung caya ang diua,i, lagui nang tahimic mahinhin ang asal na caibig-ibig.

Cabaitang ito,i, napag-uunaua nang na sa bintanang dalauang binata, at ang isa rito,i, malaon nang lubhang nag-in~gat sa puso nang lihim na nasa.

Dili iba,t, ito ay si Eliseo, caya n~ga,t, nag-uica dito cay Hortensio: ¿sa dalagang iyan ano ang uica mo, iibiguin baga ang abang lagay co?

Napan~giti muna,t, mata,i, itinunghay nitong tinatanong, at saca nagsaysay: panain~gahan mo yaring casagutan at hatol nang isang matandang datihan.

CAPÍTULO VII.--_Ang pagpili nang cacasamahin[5] at ang mabuting paraan nang nangyaring macamtan_.[6]

Niyong dacong arao cami,i, nag-uusap para-parang batang casiglahang lahat, may isang matandang tambing naquisabad, aquing sasabihin ang ipinahayag:

«Man~ga bata, aniyang aquing guilio, ang magandang palad nasa sa atin din, sapagca,t, cung ano ang punla,t, pananim ay siya ring bun~ga namang aanihin.

N~gayo,i, panahon na dapat na magpunla, cayo na n~gang lahat nang mabuting gaua, nang upang maputi ang catoua-toua matamis na bun~ga sa bayang payapa.

Mana ay sumagot ang isa sa amin ang ituro ninyo,i, cung anong magaling paraang marapat na alinsunurin tungcol sa pagpili nang cacasamahin.

Sagot nang matanda ay maraming bagay diyan sa pagpili na dapat tandaan, nang di lumalauig ay atin nang lisan ang hindi totoong man~ga cailan~gan.

Houag maniuala sa balibalita na ang caraniua,i, cabulaanang paua; gayon ma,i, sa lagay nang nagsasalita ang catotohana,i, mapag-uunaua.

Cung saca-sacaling cayo,i, may mamasdan na isang dalagang mahinhin ang asal, houag mabighani mana capagcouan hangang di mauri ang catotohanan.

Ang balang babaying maraming salita caraniua,i, tamad ualang guinagaua, at ang mapintasin ay lalong masama sa pinipintasan siya caipala.

Capag nagsabi dalagang sinoman nang sarili niyang man[)g]a cailan~gan, ay isa nang tanda nang capalaluan, malupit na ina nang casamang tanan.

At cung batiin man ay ayao sumagot ay tandaan ninyong ang tono,i, matayog, ang naghihicab nama,i, pala-antoc na ualang adhica cung hindi matulog.

Capag ang dalaga,i, madaling pa oo ay tandang maraming lubhang catrato, ang mahinanacti,i, itatan[)g]i ninyo,t, may lihim na sinta at malaquing gusto.

At capag sa gabi,i, ang ulo,i, may bigquis houag maniualang tunay na may saquit, ang dahilan nito,i, tantong naiinip at di dumadating ang toua nang dibdib.

Saca ang dalaga na taua nang taua,i, ibig nang totoong macapag-asaua, cung aling binata ang pinagmumura ay siya cung minsang bubugbog sa caniya.

Dapoua,t, ang ayao na maquipanayam at cung sumagot ma,i, nagmumuc-hang calan, ay hindi malayo na mapagculian, sinintang sandali,t, saca inayauan.

Ang gayong babayi ay nacacataua na tila aayao na totoong tumugpa; n~guni,t, cung lumao,t, tumandang dalaga caraniua,i, bao naguiguing asaua.

Sapagca,t, ang dapat sila,i, tumahimic capag tumanda na,t, sa bahay lumigpit harapin nang lubos ang santong pag-ibig at ang paglilingcod sa Hari nang lan~git.

Ipalagay nating maganda ang ticas, mabait, mahinhi,t, ualang ipipintas; n~guni,i, ang dapat namang matalastas cung sa inyong hiling caya ay papayag.

Caya cailan~gang inyong maunaua ang man[)g]a paraang mabubuting paua, at uala munti man na cahalong daya ganito ay dinguin nang man~ga binata.

Iyong dadagdagan ang paquitang loob, susunod na tambing sa balang iutos; paca-iin[)g]atan ang iyong icapopoot at ang pagpipilita,i, ang icalulugod.

Laguing huhulihin ang caugalian, cun baga,t, may galit houag lalapitan n~guni,t, ang babayi,i, may caugalian cahit umiibig conoua,i, aayao.»

Hindi na napiguil biglang napataua ang hinahatula,t, nag-uica pagdaca: «¡datihang matanda,t, lubhang dulubasa dapoua,t, ang iba,i, dagdag mo na tila.»

Sagot ni Hortensio,i, catoto cong liyag, ¿baquit baga icao ay nanguiguilalas? tauo,i, tumatanda,i, dapat matalastas ang caliua,t, canan nang sa mundong lacad.

Datapoua,t, n~gayon atin nang tapusin ang lahat nang bagay na dapat mong gauin, cung baga sacali,t, iyo nang malining na may daan ca nang sucat pasuquin.

Taunin mo siyang mabuti ang loob saca mo lapitan nang galang na puspos, bago mo sabihin ang iyong pag-irog ay macaitlo ca munang maghimutoc.

N~guni,t, nauucol iyong pag-in~gatan ang masamang anyo,t, quilos na mahalay gaya nang ugali nang hindi nag-aral at ualang inimpoc na magandang asal.

Pag-ayusin naman ang pagsasalita sa dalagang iyan,nang di ca malisiya, sapagca,t, ang tauo,i, sa gaua at uica mapagquiquilala ang may turo,t, uala.

Cahit natatanto na may capintasan sinomang binatang nagnanasa naman, ay houag sabihin nang hindi mahapay ang puri nang capouang dapat pag-in~gatan.

Hindi natin tanto na cung tayo pa n~ga sa mata nang Dios ang lalong masama; caya cailan~gang piguilin ang dila nang houag man[)g]ahas sa iba,i, pumula.

Di dapat saysayin ang yamang sarili, sapagca n[)g]a,t, ito ay pagmamapuri bagcus na ilihim na cung mangyayari ay ipagcaila cung baga,t, masabi.

Dapoua,t, houag acalain naman na ang iyong nasa,i, agad aayunan, at macalilibong naca-iibig man di caraca-raca ay magpapamalay.

Sapagca,t, totoong malaqui ang hiya cung caya aayao na magpahalata, at baca uicain nang masamang dila sila sa lalaqui,i, nagcacandarapa.

Sa madlang paraan na sinabi co na cung baca sacali,t, di mo rin macuha, aco ay mayroon na ituturo pa, cagalin~gan nito,i, mahiguit sa una.

Cundi mabighani ipalagay natin sa muli,t, muli mong himutoc at daing, ang maraming pagod houag nang sayan~gin sapagca,t, ang ayao di dapat pilitin.

Cundi gumanito, ay matutulad ca doon sa nagtanim nang isang sampaga, ang lahat nang daho,i, naquita nang lanta cung anong dahil at dinidilig pa.

Ani Eliseo,i, tila cailan~gan na ang ating gauin muna ay sulatan, Sagot ni Hortensio,i, mangyayari naman sa lahat nang bagay quita,i, tutulun~gan.

Sa oras ding yao,i, tambing isinulat ang cay Eliseo na sa pusong in~gat saca nang mayari,i, cusang iguinauad sa caniyang catoto,t, baca may pintas.

Marahang binasa nitong caibigan, baua,t, isang letra ay pinagninilay, sa sobre nang sulat ay nababalatay ang ganitong uica: _Sa tinatan~gisan_.

«Magpahangan oras na tan~gan sa camay «ang plumang lumagda nitong carain~gan, «iniisip co pa cung aquin nang taglay «yaong catutubong limang caramdaman.

«Sa pagca,t, touinang pilitin ang dila «na ipasalual ang lihim na nasa, «parang tumatapon sa aquin ang diua «at di co macuha ang pagsasalita.

«Dan~gang nan~gan~ganib baca magtumulin «tacbo niring buhay patun~go sa libing, «mag-ulol ang unos nang madlang hilahil «at sa dalamhati hinin~ga,i, maquitil.

«Caya mabalinong daluyan nang aua «itong lumuluhog na napacaaba, «gutom sa ligaya,t, busog sa dalita, «mata ay uala nang ipatac na luha.

«At cung mangyayaring sa iyo,i, igauad «ang lahat nang toua sa sang maliuanag, «disi,i, inihandog sa mahal mong yapac «calaquip ang aquing tunay na pagliyag.

«Dapoua,t, yayamang ualang maihain «cundi yaring pusong tiguib nang hilahil, «isinasamo cong iyong marapatin «sapagca,t, di baual nang lan~git ang daing.

«Iyong paglubaguin matigas na loob «para nang pagsaguip cung sa nalulunod, «icao ay may puso,i, ¿baquit di malunos «sa capoua puso na naghihimutoc?

«Di co calauigan ang hinibic-hibic «yamang dili bato ang mahal mong dibdib; «gayon ma,i, cung lalong hirap ang icapit «mangyaring sabihi,t, nang aquing mabatid.»

=Ang iyong alipin na suma sa yapac=.

Iya,i, ma-aari, cay Hortensiong uica; n~guni,t, caraniua,i, lampas ang salita, gayon ma,i, sa sobre ipasoc mo na n~ga saca ipadala sa isang alila.

CAPÍTULO VIII.--_Ang pusong garing na di malamuyot._

Nagcataon namang doroon sa jardin ang bunying dalaga na may pusong garing, ang sariling diua parang inaalio, sa tanang bulaclac at simoy nang han~gin.

Siyang pag-aabot nang naturang liham sa parang linalic at maputing camay, quinuha at saca tumanong pagcouan: ¿sino caya baga ang pinangalin~gan?

Basahin po ninyo upang matalastas, uica nang alila, cung sinong may sulat, ang pagcatin~gin co,i, sa puso,i, may sugat at ang ninanasa marahil ay lunas.

Agad napan~giti at di napiguilan niyong catutubong bait, cahinhinan, sa malaquing hiya,i, tumun~go na lamang; pinunit ang sobre,t, binasa pagcouan.

Sa calaguitnaan nang pagbasa niya sandaling tumiguil nagmasid pagdaca, at baca sacaling may nacacaquiquita, cauicaan niya,i, cahiyahiya pa.