Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio

Part 1

Chapter 1 3,968 words Public domain Markdown

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders. Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. This ebook edition was typed page by page from digital images taken of the book which was too fragile to scan.

[Transcriber's note: Two diacritical marks on g were used by the original publisher of this book. We have marked breve g as [)g] and tilde g is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: Dalawang klaseng tuldík ang ginamit sa g ng orihinal na naglimbag ng librong ito. Minarka namin ang breve g na [)g] at ang tilde naman ay minarka ng ~g.]

PATNUBAY NANG CABATAAN

Ó

TALINHAGANG BUHAY

NI

ELISEO AT NI HORTENSIO

NA QUINATHA

NI JOAQUIN TUASON

nang may cunang uliran ang sinomang babasa.

Inihandog sa calinislinisan at lubhang

MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA

Sa dulo,i, linag-yan nang isang pagpupuri

CAY S. LUIS GONZAGA

TAÑGING PINTACASI NANG CABATAAN

May lubos na capahintulutan

MANILA

Establecimiento Tipográfico de Modesto Reyes y C.^{a}

Salcedo núm. 190 (Sta Cruz)

1901

¿Quod mimus Reiplublicae majus, meliusve affere possumus, quam si docemus, atque erudimus juventutem? Cic. II, de Div.

SA CALINIS-LINISAN AT LUBHANG MAPAGCALIÑGANG PUSO NI MARÍA

O _Pusong_ hindi man nalahirang libag nang sala ni Adang minana nang lahat, magsaganang bucal na di na-aampat pagdaloy nang aua sa balang dumulog na napalilin~gap.

Cutang sadyang tibay na nacababacod sa canino pa man palaring pacupcop, mariquit na jarding hindi mapapasoc nang lalong pan~gahas, sucab na caauay at may budhing hayop.

Oh daong ni Noé, na pinagpitagan nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao, tantong maliligtas sa capahamacan ang lumulang tauo, cahima,t, busabos na macasalanan.

Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop ang napa-aauang malinis na loob, ipinan~gan~ganib ang lubhang marupoc na catauang lupa na sa ati,i, laguing naquiquihamoc.

Caya ang samo co, _Pusong_ lubhang uagas; aco,t, ang babasa,i, tapunan nang lin~gap, na houag itulot cami,i mapahamac habang nabubuhay sa balat nang lupang lipos nang bagabag.

Mapagpalang Ina,i, iyong calin~gain aco nang _Puso mong_ lubhang mahabaguin; houag pabayaang quita ay purihin sa mundo, at saca doon sa cabilang buhay caaua-yin.

Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang n~gayon sa dan~gal mo, buti,t, cariquitan, lubos na lumagui habang aco,i, buhay at hangang sapitin yaong bayang puspos nang caligayahan.

JOAQUIN TUASON.

Sa mañga dalagang babasa nito.

Cung capanahunan nang pamumucadcad nang balabalaqui na man~ga bulaclac, sa mata at puso,i, nagsisipag-gauad nang caligayahang lubhang aliualas.

Di sucat masabi ang pagcacalin~ga nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t, baca cun malanta ang pananariua tambing na malagas, lumagpac sa lupa.

Sapagca n[)g]a,t, cayo ang nacacatulad nang aquing binanguit na man~ga bulaclac, at capanahunan nang pamumucadcad nang sigla nang iyong catauang marilag.

Sa arao at gabi pauang caaliuan sa iyo ay halos ang pumapatnubay, ang dusang mapait bahag-ya na lamang ihandog ang caniyang lilong caban~gisan.

Ang masayang tinig nang man~ga música ay iguinagauad sa inyo touina; sa bayan ó nayon, cayo ang ligaya anopa,t, cauan~gis nang man~ga sampaga.

Alin mang ligaya anaqui ay culang cundi macasama ang cadalagahan, malungcot ang bahay, ualang cahusayan ito,i, hindi sucat ipag-alinglan~gan.

Cayo n~ga ang laguing hinahanap-hanap nang ibig cumita nang maguiguing palad; baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag.

At cayo rin naman ang guinagauaran nang labis na puri at lampas na galang, sa inyo ay madla ang nag-uunahan sumunod nang baua ninyong maibigan.

Bagama,t, marahil ang inadhica,i, ang bun~ga nang inyong pagcapan~ganyaya, cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t, malayong malayo uari sa gunita.

At sa inyo naman aquing inihandog yaring duc-hang gugol nang isip na capos, marapatin nauang tangapin nang loob ang inadhica co na icalulugod.

Sa oras na tila ibig mamanglao ang dibdib na gaui sa caligayahan: at nang sa pagbasa ay houag manamnam ang saclap na gauad nang capighatian.

Bumabasang irog, houag ipagtaca ang lagda nang aquing mabagal na pluma sa gusot na hanay acalain mo nang sa salat ay ¿anong hahanapin baga?

Inaasahang cong mayroon din naman na puputihin cang bun~ga,t, paquinabang, at houag man[)g]amba sa catitisuran na macarurun~gis sa pusong dalisay.

Sa may tauang uica na parang aglahi ang magandang aral parang itinahi at sa di nangyaring buhay ay nagbinhi nang isang maayos na pag uugali.

Cung baga,t, mabuti ang iyong matunghan Dios ang purihin at pasalamatan; n~guni,t, cung masama nama,i, cahabagan ang laqui nang aquing hindi carunun~gan.

PASIMULA

Sa tabi nang isang malauac na dagat na pinanununghan nang bundoc at gubat, may isang lalaquing doo,i, lumalacad ulol ang cauan~gis, ualang tinatahac.

Sa lagay nang anyo,t, mapanglao na muc-ha mapagquiquilalang may dinaralita, ang buntong hinin~gang hindi quinucusa nag-aabot-abot na uala nang tila.

Ang pananamit pa,i, ualang munting ayos at basa nang pauis sa harap at licod, hindi anumana munti man sa loob ang init nang arao na catacot-tacot.

Mariquit na buhoc gulong gulong lubha anopa,t, mistulang guinusot na cusa, at namamalisbis na manacanaca sa mata ang lalong mapait na luha.

Anaqui ay ualang matutuhan gauin lalacad nang munti, at saca titiguil, uupo sa cahoy, papagdadaupin ang dalauang camay, labi,i, cacagatin.

Itong tauong lipos nang dalita,t, dusa,i, marilag ang tindig na caaya-aya, ang tabas nang muc-ha,i, caliga-ligaya at buháy na buháy ang daluang mata.

Noo,i, maliuanag, malago ang buhoc, mapula ang pisn~gi, ilong ay matan~gos, ang guitling nang liig ay calugod-lugod, daliri,i, maliit at sadyang bibilog.

Ang dibdib ay buo, paa ay cabagay nang ugaling laqui nang pan~gan~gatauan, malicsi ang quilos; n~guni,t, namamasdan na nahahalo rin ang cabanayaran.

Sa caniyang lagay ay mapaghuhulo na may catiisan siyang catutubo baga ma,t, cung minsan ay tila susuco sa dahas nang dusang nanaca sa puso.

At sa muc-ha niya,i, mapag-uunaua nang macaquiquitang siya,i, batang bata cahit nalilipos nang hindi cauasa at lubhang maban~gis na pagdaralita.

Sa guitna nang saquit niya,t, pag-iisa humahanap mandin nang macacasama, ang boong acala ay cung maihin~ga maiisban-isban ang tindi nang dusa.

Di caguinsaguinsa siya,i, nacarinig nang yabag nang paa sa dacong malapit, agad natilihan, at ang sumaisip, ito,i, capara cong may sucal sa dibdib.

Mapamaya maya lamang ay naquita ang quinaugitlahang hinabol nang mata, pagdating sa harap niya ay nagbadya «¿Eliseo,i, baquit, at narito ca?»

«Salamat, Hortensio, catoto cong liyag at natagpuan mo acong lipos hirap, sa lagay na yari ay humahaguilap nang isang gaya mong may loob na tapat.

«At aquing bubucsan laman niyaring dibdib na pauang dalita,t, suson-susong hapis, diua ay uala nang lunas na macapit sa binilogbilog nitong sang daigdig.

«Caya naparito,i, aquing linilibang ang dusang habilin nang mama cong hirang, tila tumatangui sampong calan~gitan umalio sa aquing pusong nalulumbay.»

«Houag magca-gayon, anang bagong dating, laganap ang aua nang Dios sa atin: pacaasahan mong hindi magmamalio ang dating calin~ga sa nahihilahil.

«Caya sabihin mo ang puno at ugat niyang dalita mong sa muc-ha,i, nalimbag: isinusumpa cong caramay mo, liyag, ang bagong catoto, bagama,t, di dapat.

«At cung sacali ma,t, sa sang lingo lamang pagquiquilala ta, Eliseong hirang, sumapanatag ca,t, iyong namamasdan ang uri nang aquing pag-ibig na tunay.

«Tahas na uica cong malayong di palac sa abang Hortensio ang gauang magsucab, lalo,t, sa para mong sa aqui,i, nagligtas doon sa nagnasang buhay co,i, mautas.

«Yaring boong buhay alan~gan pa mandin ibayad sa iyong paglin~gap sa aquin, dahil sa tulong mo,i, siyang nacapiguil sa camatayan cong biglang sasapitin.»

«Cung gayo,i, halica,t, tayo,i, mag-agapay sa lilim nang cahoy na lubhang malabay: di lamang ang dusa cundi boong buhay ang sasalitin co,i, mangyaring paquingan.

«At ligaya co nang iyong matalastas ang buhay na yaring silo-silong hirap, nang ang paglin~gap mo,i, siyang maguing lunas na lubhang mabisa sa pusong may sugat.

CAPÍTULO I.--_Ang magandang asal na dapat pasimulan mula sa cabataan_.

«Sa Limang[1] capital nang Perúng calac-han masaganang ciudad nang maraming yaman; siyang naguing palad na quinamulatan niring man~ga matang sa pagluha,i, laan.

Nanariua n~gayon dini sa gunita ang camusmusan cong quinandong nang toua; man~ga magulang co,i, ang laquing adhica masunod ang aquing balang ninanasa.

Caya,t, ang uica co,i, sa buhay nang tauo, oh catotong ibig, guilio na Hortensio, ay maicacapit ang n~galang paraiso sa buhay nang batang bago pa sa mundo.

Sapagca at ualang munting ala-ala sa gutom at puyat, sa dusa,t, pan~gamba; loob ay payapa, laguing nagsasaya sa inang candun~gan na nagcacalara.

Ang lahat nang bagay sa sang daigdigan pauang naghahandog nang caligayahan, di nagugunita yaong camatayan quiquitil nang buhay sa sang catauhan.

Balang macaquita ay nan~galulugod at catuoa-toua ang lahat nang quilos, pagca palibhasa,i, malinis ang loob at ang cumacasi,i, ang gracia nang Dios.

Ganito ang aquing dinaanang buhay nang cabataan co cay inang namatay: ¡oh cung mangyayari sanang pagbalican ang cauili-uili,t, mapalad na arao!

Di co na nalasap ang layao cay ama, yayamang hindi co siya naquiquilala, icalauang taon nang edad cong dala siyang pagcamatay aco,i, nan[)g]ulila!

Nang aquing sapitin icapat na taon pan~gun~gulila co,i, lalo pang nag-ulol, ang masintang inang lubhang mapag-ampon binauiang buhay nang Dios na Poon.

Sa pagpipighati di lubhang nalugmoc, palibhasa aco,i, cabataang puspos, natuyo ang luhang sa mata,i, naagos, ang ama co,t, ina,i, lubos na nalimot.

Naguing parang ama na nagcacalin~ga capatid na bunso nang ina cong mutya, ang pagpapalayao ay cahan~ga-han~ga sa palad cong yari na napaca-aba.

Ang mama cong ito,i, isang bagong tauo, ang edad na dala ay dalauang puo,t, pito, may loob matanda at di nagugulo sa man~ga dalagang paroo,t, parito.

Pan~gala,i, Prudencio, banayad ang asal at sampo nang quilos ay hindi magaslao, mahusay man~gusap naman at magalang sa cahima,t, sino na macapanayam.

Ualang pan~galauang magturo,t, humatol sa nasasalatan, para co n~ga n~gayon, dunong na umalio sa nalilingatong, sa ulila nama,i, lubhang mapag-ampon.

Sa boong maghapo,i, hindi nauaualan nang quinacalin~ga na caabalahan, at namamahala sa naiuang yaman nang man~ga nuno cong caniyang magulang.

Pagdating nang gabi aco,i, tinatauag, at tinuturuan nang gagauing dapat, caya sa puso co,i, dili nacacatcat ang aral nang aquing mamang liniliyag.

Nang aco,i, arala,i, bata pang maliit nang dapat asalin nang tauong may bait: pinan~gun~gunahan aco sa pagsambit sa n~galan nang Dios, lumic-ha nang lan~git.

Sa touing umaga, ay bago co lisan ang lubhang malambot na aquing hihigan, unang babatii,t, pasasalamatan ang lan~git sa dilang biyayang quinamtan.

Pinag-iin~gatan ang bata cong dibdib na houag sayaran nang sa salang dun~gis, at lagui na acong pinapananalig sa aua ni Mariang Inang matangquilic.

Tacot ay di gayon nang mama cong irog aco ay mahilig sa may lasong lugod, na ipinapain sa bata cong loob nang marayang mundong madaling matapos.

At sa aquing puso ay ipinupunla pagsinta sa Hari nang lan~git at lupa, gayon sa sarili, at sa tauong capoua, saca ang maganda,t, loob na payapa.

Halay ay di gayon, nitong mama co, nang batang lagui nang naquipagtalo, palalong man~gusap, anaqu,i, demonio, ualang munting aua sa capoua tauo.

Dila,i, tampalasa,t, ualang pacundan~gan sa matandang tauo,i, hindi gumagalang, ang masamang bibig binubuca lamang ay ang sinasabi,i, di na-aalaman.

Ang pagbubulaa,t, pag-uupasala, paninirang puri, paglibac, pagcuta at iba pang sin~gao nang masamang dila inuulit-ulit na ibinabala.

Di mamacailang sabihin sa aquin na ang catamara,i, aquing susupilin, at hangang bata pa,i, dapat hiratihin sa pagod at puyat ang catauan co rin.

Ang tauong touina,i, ualang guinagaua sa boong maghapon cundi magsalita, sa nacaquiquita ay cahiyahiya, at nacamumuhi sa loob nang madla.

Cataua,i, masagal, di paquinaban~gan tungcol sa gagauin na may casaysayan, paroo,t, parito siyang catungculan at ang inuuncat buhay nang may buhay.

Ang ganitong asal ay tantong malapit sa madlang dalita, hirap at pan~ganib, pagca palibhasa,i, hindi iniisip ang huling sandaling sasapiting pilit.

Inaalintana,t, di nahihinayang sa arao, at oras na nacararaan, sa toui-touina,i, tila namamanglao at ualang magaua na anoman lamang.

Tayong nauiuili sa pagsasalita nang bago at bago na man~ga balita: ¿ano caya bagang ating mapapala sa buhay na itong dapat icacutya?

¿Dili natin tanto,t, darating na pilit ang arao at oras, na tacda nang lan~git, na hihin~gan tayo nang cuentang mahigpit sa tanang guinauang buctot at matouid?

Tayo na n~ga lamang ay napararaya sa hiling nang ating catauang masama; ang mama mong imbi unang una na n~ga: ¡iyong patauarin Dios na daquila!

Di pa sucat ito ay idinuructong parang pahimacas sa lahat nang hatol, icao ay bata pa,i, dapat na magtipon nang magandang asal habang may panahon.

At nang cung tumandai,i, houag cang magsisi sa di carunun~gan nang bait mong imbi, at pag nagcataon masasabisabi dica tinuruan nang gauang mabuti.

Anopa,t, sa aral nang mama cong ibig nabubucsan naman yaring pag-iisip, saca unti-unti nanasoc sa dibdib ang sintang dalisay sa Hari nang lan~git.»

Capagdating dito,i, nag-uica pagcouan itong si Hortensiong parang napamaang: «pasalamatan mo yaong calan~gitan, ang naguing mama mo,i, dunong na umaral.»

Sa cay Eliseo namang isinagot, «di co linilimot ang aua nang Dios, palalaguiin co hangang sa malagot ang tan~gang hinin~ga,t, buhay co,i, matapos.»

CAPÍTULO II.--_Ang pinagcautañgan nang buhay._

«Isa namang gabi,i, aco,i, quinauayan nang guilio cong mamang labis na magmahal, aniya,i, dinguin mo ang ipagsasaysay cun sa natutulog ay parang pamucao.

Pacatandaan mo ito at iguhit sa caibuturan nang puso at dibdib, at isa sa samong utos niyong lan~git sa lahat nang tauo nitong sangdaigdig.

Icao ay bata pa niyong camatayan nang masintang ama,t, inang mapalayao: houag mo rin, bunso, namang calimutan, iyong idalan~gin sila nang mataman.

Liban na sa Dios bilang pan~galaua dapat na suyuin ang ama at ina, igalang at sundin utos na bala na at houag bibig-yan anomang balisa,

Ang uica ni Platon,[2] filosofong paham, ay Dios sa lupa ang man~ga magulang, pagca,t, pan~galauang pinagcautan~gan, nang tauo sa mundo nang in~gat na buhay.

Ang sila,i, igalang tantong nararapat, suyo at pagdama,i, laguing igagauad, tuloy abuluyan sa madlang bagabag, pighati,t, dalita, ó anomang hirap.

At ang man~ga anac na nagsisigalang sa canicanila na man~ga magulang, tantong naghahanda nang caguinhauahan dito,t, saca doon sa cabilang buhay.

Dapoua,t, ang lilo na may asal ganid sa man~ga magulang culang nang pag-ibig, dito pa sa lupa,i, lalasap na pilit nang pait nang dusa,t, saclap nang hinagpis.

Para nang nasapit niyong si Absalon nasabit ang buhoc sa puno nang cahoy at doon namatay: ¡Oh parusang ucol niyong calan~gitan sa may pusong gayon!

Ang nasapit naman niyong ualang galang na anac ni Noè na pan~galan ay Cam, siya,i, naruhagui sampong boong angcan, sa canilang muc-ha sumpa,i, napaquintal.

Caya, Eliseo, cung tanto mong ibig na ang iyong buhay sa mundo,i, lumauig, man~ga magulang mo,i, mamatay man cahit sa lupa ay houag catcatin sa dibdib.

Yamang hindi na mangyayari naman ang paglingcuran mo sila at igalang, iyong idalan~gin sa Poong may capal caloloua nilang sa mundo,i, pumanao.

CAPÍTULO III.--_Ang hiyas nang isip._

Icapitong taon nang aco,i, sumapit, na capanahunang pagsilang nang bait, tantong minarapat nang mama cong ibig sa isang maestro aco,i, ipahatid.

Ang n~gala,i, Pancracio, pan~galauang Mentor[3] cung sa cabaita,t, gayondin sa dunong, siyang minabuting sa aqui,i, mag-ampon, magturo,t, umaral nang gagauing ucol.

Sa anyo at muc-ha parang naquiquintal ang caguilio-guilio na magandang asal; at sa bahay niya,i, aco,i, pinatahan yamang nalalapit ang caniyang bayan.

Minulan na niyang tiquis isinabog ang lunas na aral sa bata cong loob, at sa aquing bait ay ipinapasoc yaong carunun~gang camahala,i, puspos.

N~guni,t, pahintulot niya ang maglibang sa capoua co batang nagsisipag-aral, at isa n~ga rito,i, naguing caibigan mahiguit sa isang capatid na tunay.

Pan~galan ay Fidel, matalinong bait pandac na lalaqui,t, mariquit ang voces, quinauiuilihan nang balang dumin~gig ang lubhang maayos niyang pagsusulit.

Mapusoc ang loob, lubhang salangapan ang aquing napiling unang caibigan; datapoua,t, dahil sa mabuting aral ay cabaitan din ang namamag-itan.

Puso,i, bahag-ya na dalauin nang sindac, anaqui ay laguing nasa sa panatag, inaalintana anomang bagabag, caya n~ga,t, malapit sa pagcapahamac.

Pagca,t, ualang hantong sa balang maisip at dili gunita anomang pan~ganib, houag lamang hindi masunod ang nais; n~guni,t, sa hatol co,i, siya,i, naquiquinig.

Ang ugaling ito ay binagong cusa nang naturang Fidel, aquing cababata mulang mapag-uari niya,t, maunaua na sa cotouira,i, tantong nalilisiya.

Aquing quinasama habang nag-aaral ang tapat na loob na catotong hirang; dito nalathala yaong catalasan nang isip ni Fidel na quinahan~gaan.

Aming iniraos ang pagsusumaquit nang maliuanagan ang malabong bait: lacad nang bituin aming iniisip, saca ang sa arao na laguing pagliguid.

Ang lahat nang bagay nating natitingnan sa balat nang lupa na may caramdaman: ang tauo,t, ang hayop, at ang uala naman na para nan bato at man~ga halaman.

Gayon din n~ga naman yaong man~ga diua na ualang cataua,t, espiritung paua: ang Hari sa Lan~git na di matingcala, caloloua nati,t, Angeles na madla.

At itinuturo nang maestro namin ang ugaling dapat sa mundo,i, asalin: na _ang catouirang aalinsunurin; ang masamang gaui nama,i, susupilin_.

Ang tatlong daquila nating catungculan: una ay sa Dios na dapat igalang, at sintahin lalo sa lahat nang bagay, itanim sa puso habang nabubuhay.

¿At paano cayang hindi iibiguin yaong cagalin~gang ualang macahambing? malauac na dagat na hindi malining nang lalong mataas paham na Querubin.

Ang caniyang sinta,i, laguing nag-aalab sa linic-hang tauo na aliping hamac, na pinapanaog ang bugtong na Anac sa caalipinan nang tayo,i, maligtas.

Tungcol sa sarili pan~galaua bilang nang aquing sinabing man~ga catungculan, pag-in~gatan baga,t, mahalin ang buhay; n~guni,t, lalo pa n~ga yaong ualan hangan.

Saca ang icatlo,i, pag-ibig sa capoua, tulun~gan sa dusa, pighati,t, dalita: di co na sayuri,t, lalauig na lubha ang itinuturong cagalin~gang paua.

Sa oras nang aming pagpapahin~galay sari-saring laro,i, pinag-aaliuan, na may tumutula,t, may nag-aauitan: tignan mo ang aquing sa Virgen ay alay:

«_Pag-asa sa Ina nang aua._»

«Icau na tacbuhan niyaring abang puso »sa anomang dusa na sumisiphayo, »sa lilim nang iyong ampo,i, nagtatago »itong alipin mo, taglay ang pagsuyo.

»Icao ang ligaya cung aco,i, malumbay, »matibay na moog niring cahinaan, »saclolo cong tan~gi sa capan~ganiban »at sa aquing isip ay caliuanagan.

»Icao ang tinudlá nang aquing pag-irog, »bilang pan~galaua nang anac mong Jesus, »pagsambit sa iyong n~gala,i, naghahandog, »sa puso nang lalong dalisay na lugod.

»Icao ang maestra nang di carunun~gan, »mabisa cang lunas nang saquit na tanan, »masaganang batis na binubucalan »nang tubig nang graciang mapagbigay buhay

»Dahilan sa iyo,i, ang bayan nang hirap »ay inaari co na Edeng[4] mapalad, »mahina cong loob ay mapapanatag »sa huling sandali na casindac-sindac.

»Dahil sa tulong mo ay madadalisay, »lilinis ang pusong sa dilag mo,i, alay; »ang bininhing sinta,i, iyong alalayan »nang houag malanta magpacailan man.

»Dahilan sa iyo,i, mapapauing pilit »ang ulap nang ibang sintang maligalig, »lulucso ang diuá, tatahip ang dibdib »sa caligayahan na gauad nang lan~git.

»Hangan dito, Ina,t, ticang pagtamanan »pagpuri sa iyong man~ga cagalin~gan; »di linilimot naman ang pag-galang »sa iyong Esposong calinis-linisan.»

Ano,i, nang matapos ang pagbasa nito; tila mabuti na, uica ni Hortensio, na tayo,i, umoui, at sa cuarto mo ay ualang dirin~gig cundi lamang aco.

CAPÍTULO IV.--_Cung ano ang buhay siyang camatayan_.

Sa bahay nang isang laqui,i, ugali, pinto,i, bahag-ya na nabuc-san nang munti, at sa loob nito ay may natatali isang asong galgo na nacalupagui.

Sa lual nang bahay may isang halaman na di co masabi cung ano ang n~galan, daho,i, malalapad, san~ga,i, malalabay at ang isang silid ay nalililiman.

Sa lupa,i, nagcalat na lumilipana yaong tinatauag nating macahiya, ito,i, tumutungo,t, nan~gan~gayupapa sa capoua damo, anang man~ga bata.

Nang isang tanghali mana ay pumasoc dalauang binatang tumatacbo halos, sa pauis nang muc-ha,t, hin~gang nan~gan~gapos mapagquiquilalang malaqui ang pagod.

Ang dalauang ito,i, di co na sabihin at quilala mo na, bumabasang guilio, ating pabayaan cung anong gagauin, salitaan nila,i, pilit tatapusin.

Di naghantonghantong camunti man lamang nagtuloy pumanhic sa naturang bahay, at ang isang silid agad na binucsan at capagcapasoc ay muling sinarhan.

Nag-upuan sila,t, tica,i, mag-uusap sa dalauang silla na nagcacatapat, isa sa canila,i, pagdaca,i, nan~gusap: ganito ang dinguin, bumabasang liyag.

Ani Eliseo sa catotong ibig, labing ualong taon ano,i, nang sumapit, dumating ang isang sulat na pahatid niyong aquing mama, ganito ang sulit:

»Guilio cong pamanquin, yaring carain~gan »ay talastasin mo at panain~gahan, »na cung mangyayari,i, muling pagbalican »ang bahay na itong iyong quinaguisnan.

»Tanto mo na, bunso,t, aco,i, nag-iisa »ualang magcalin~ga baquit matanda na, »icao ang pangdugtong nang tan~gang hininga »at caligayahan nang dalauang mata.

»Icao ang tuncod cong pan~gun[)g]unyapitan »nang mahinang lacas niring catandaan »at cung ang buhay co,i, malapit nang manao »sa man[)g]a camay mo nasa cong mamatay».

Nahambal ang aquing puso sa pagbasa nang liham na lagda nang boong pagsinta, caya n~ga,t, niyon din aquing pinasiya na ganaping agad ang caniyang pita.

Linisan co na n~ga iyong pag-aaral at aquing tinun~go, ang iniuang bayan, nang aco,i, dumating sa mama cong bahay toua,i, dili gayon nang aco,i, mamasdan.

At saca nag-uica, guilio cong pamanquin, paquimat-yagan mo yaring sasabihin, pagca,t, panahon nang dapat mong lasapin ang pait nang dusang pamana sa atin.

Nang nunong si Adan na pinatamaan nang sumpa nang Hari nang sangcalan~gitan, _na sa iyong pauis_, aniya,t, _capagalan doon mo cucunin ang icabubuhay_.

Munti man ay hindi nagdamdam nang hapis yaring aquing puso sa gayong narinig, sapagca n~ga,t, tantong ayon sa matouid ang caniyang aral na ipinagsulit.

Bagcus pa n~gang aquing pinasalamatan ang paglin~gap niya sa aba cong buhay, tuloy na tinicang siya,i, paglincoran hangang may hinin~ga na iniin~gatan.

Mangyayari caya ang maghinanaquit sa hatol na lagda nang boong pag-ibig, pagca,t, ang mama co,i, may tapat na dibdib at lubhang marunog siyang magmasaquit.

Nagsama na caming hustong pitong boan niton~g amain cong labis na magmahal; mana,i, isang hapo,i, nag-uica pagcouan: «di na malalaon yaring aquing buhay.»

Tila di mangyaring aco,i, maniuala sa bagay na yaong caniyang uinica; n~guni,i, niyong din cusang inihanda ang naquiquinitang pagpanao sa lupa.

Uala acong sucat na pagcaquitaan nang icalalagot nang hinin~gang tan~gan; malacas na lubha naman ang catauan, bagama,t, ang muc-ha,i, uari namamanglao.

Hindi co napiguil pagtulo nang luha sa paglin[)g]ap niya touing magunita, dinguin mo ang caniyang matamis na uica udyoc nang malaquing pag-ibig at aua.

«Itanim sa iyong puso at panimdim »itong sa mama mong huling tagubilin: »sa arao at gabi,i, houag lilimutin »ang Dios na Haring lumic-há sa atin.

»Ang pananagano sa Ina nang aua »ay palaguiin mo sa puso at dila, »siyang pagsacdalan sa hirap, dalita »habang nabubuhay sa balat nang lupa.

»At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog »ay paquitaan mo nang magandang loob, »houag mahinayang masayang iabot »ang macacayanang ipagcacaloob.