Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio

Part 4

Chapter 4 2,685 words Public domain Markdown

Itong sa cay Fidel na man~ga magulang ay lubhang sagana sa lahat nang bagay, dalaua ang bun~ga nang pag-iibigan dalaga ang isa,t, bagong sumisilang.

Mana,i, nang sumapit yaong tacdang oras dalauang may pacay pagdaca,i, lumacad bago pang nananhic nahalatang agad na tila mabuti ang maguiguing uacas.

Nagcatotoo n~ga,t, di pinaghirapan ang bunsong capatid gaya nang pan~ganay; n~guni,t, si Hortensio,i, cung anong dahila,t, dili naquisama cahiman at minsan.

Cung caya ganoo,i, may lihim na nasa na di napapacnit sa puso at diua, loob na timtima,i, ang inaadhica,i, maguing cahalili ni Cristo sa lupa.

Caya n~ga,t, touina,i, ninanais-nais na maparaos na ang catotong ibig, sa pagayong buhay parang naiinip, pagca,t, tinutugtog ang puso nang lan~git.

Baquit ang caniyang banayad na asal nagpapaquilalang talaga sa altar, at ang laguing nasa,i, yaong capurihan nang lalong Daquila sa sang sinucuban.

Ang sala nang tauo,i, iquinahahapis, tandang maliuanag nang pagmamasaquit sa capoua niya,t, tunay na pag-ibig doon sa lumic-ha nitong sang daigdig.

Datapoua,t, ating ipatuloy muna yaong nagca-isang puso sa pagsinta, na si Eliseo at ni Esperanza dumating ang arao pagcacasal nila.

Lilisaning co na ang laqui nang galac nang dalauang sintang nagca-isang palad, sa piguing na yao,i, inubos ang cayas, at casalamuha tanang camag-anac.

Gayon din si Fidel doroon din naman at si Eduvigis siyang capanayam: uica nang lalaqui,i, tayo,i, naunahan houag ca na sanang mag-ayaoayauan.

Nahahalata cong iyong iniibig aco,i, ang ligaya nang puso mo,t, dibdib, dan~gan marami ca na patumpic-tumpic tingnan mo ang atin n~gayo,i, nasasapit.

Sa aglahing ito,i, ang bunying dalaga alan~gang magalit, alan~gang tumaua, guinanti ang biro: pabayaan mo na at may panahon ding mararaos quita.

Hindi n~ga malao,t, tatlong buan lamang ang nan~gahuhuli nama,i, napacasal: nagsasama sila nang lubhang hinusay; n[)g]uni,t, may nangyari na malaquing bagay.

Itong magcapatid ay may caquilala na isang dalagang butihi,t, maganda, ang lahat nang quilos nacaliligaya mata ay mapun~gay at mapanghalina.

Tila naglalambing cung siya,i, man~gusap, na nacalulugod sa quinacaharap, at cung lumacad pa,i, tila umiindac, sampo nang pag-imbay ay tama sa cumupas.

Hindi naman landi,t, cacanyahan niya ang gayong ugali capagcabata na, ang pan~galan nito ay si Efigenia, at lalabing ualo ang edad na dala.

Dalauang magbilas sabay tinamaan nang titig na tila tunod ang cabagay, tumaos sa puso,t, hindi maiuasan; n~guni,t, sa sinoma,i, ayao ipamalay.

Gaon ma,i, sa pagca,t, di maililihim ang sinta at pilit na mahahayag din, agad nahalata,t, naguiguing butihin dalauang magbilas cung ano ang dahil.

Lalong-lalo na n~ga capag dumadalao ang himalang lagda niyong cagandahan, sila,i, nagbibihis na nag-uunahan, at sampo nang buhoc ay pinaghuhusay.

Agad nanibugho bunsong Eduvigis asaua,i, di ibig maualay sa titig, lalong-lalo na n[)g]a cung siya,i, malapit doon sa dalagang diua,i, may pang-aquit.

Hindi macatulog sa gabi at arao, balisa ang puso niya,t, agam-agam, ang caniyang isip parang naulapan niyong panibugho at malaquing lumbay.

Parang binabatac nang dating ugali nanglisic ang mata,t, nagulo ang budhi, ibig nang isabog ang puring calapi nang caniyang puring doo,i, natatali.

Dan~gan sa caniya,i, biglang umalalay ang cay Esperanzang loob na tiuasay: «magmuli muli ca bunso, at paquingan «ang pamanang hatol nang ating magulang.

«Cung cayo, aniya,i, dalauin nang hapis «ay maghunos dili,t, tumauag sa lan~git, «sa sucal nang loob houag pagagahis «nang di maululan ang pagcaligalig.»

«Cung sa bagay aco ay caparis mo rin «sa dinadalita,t, taglay na hilahil; «n~guni,t, nararapat ay ating isipin «ang paraang ucol na lalong magaling.

«At ang gauin natin tayo ay dumalao «sa cay Efigenian quinahihiligan, «nang canilang pusong n~gayo,i, nadidimlan: «¡Mahabaguing lan~git sila,i, liuanagan!

«Sa gahasa,t, galit di dapat daanin «ang canilang puri,i, puri naman natin, «at cahalay-halay na ito,i, pagdinguin, «caya,t, sa malubay ang lalong magaling.»

Mana ay nang gauin ang gayong paraan may puring dalaga,i, agad nacamalay, magmula na noo,i, pinutol pagcouan ang dating ugali na pagdadalauan.

Nagdamdam nang hiya naman ang magbilas nadidimlang isip tambing lumiuanag, Man~ga bagong casal ang mata,i, imulat masdan ang mabuti na paraang dapat.

Sa lubhang mahinhing tacbo nang panahon Fidel sa asaua,i, nagcamit lingatong, pagca,t, nalasap din ang masidhing lason nang casamang asal na tinagong laon.

Tunay at cung biglang abutin nang suliap ay ang cahinhina,i, cabagay nang dilag, n[)g]uni,t, cung litisin ang sa pusong ugat ang lihim na dun~gis ay mapagmamalas.

Ang matimping loob nang masintang Fidel sa dahas nang dusa,i, munti nang magmalio: gaua nang asauang pagcamasumbatin naguiguing camandag tila sa panimdim.

Ang caniyang puso ay pinamamahayan nang lalong maban~gis na capighatian, lalo nang matantong paimbabao lamang yaong naquiquita na magandang asal.

Datapoua,t, hindi nasira ang loob siya ay nanalig sa aua nang Dios, at sa arao arao ay iniluluhog iyong sa asauang asal na pahayop.

Bagama,t, ang lagui niyang naririnig ay man~ga salitang pauang masasaquit, na nababagot sa lalong matipid at payapang pusong marunong magtiis.

Bagaman aayao gumanti nang pala sa mabuting loob niya at calin~ga, ay minamahal di,t, ang caniyang uica: ito ay palad co loob nang Maygaua.

Bagama,t, ang lagui niyang namamasid ay masamang muc-hang may paquitan galit dilí pinapansin at ang suma-isip ito,i, cung punahin mananadyang pilit.

Pagca,t, ang babaying ugali masama, capag-pinuna mo,i, lalong lumalala, at cahit pamalong bacal ang ihanda hindi magbabago muc-ha ma,i, mapasa.

At saca ang dila nang gayong babayi cung may guinagaua,i, hindi natatali, ibig na maturang masipag, malicsi, anaqui cung sino yata ang pupuri.

Inuulit-ulit na uala isa man marunong gumaua sa loob nang bahay, caya ang mabuti,i, patapunan naman nang camunting puri cahit paimbabao.

Talastas ni Fidel ang bagay na ito niyong pa mang unang siya,i, bagong-tauo, pagca,t, bihasa rin sa lacad nang mundo, caya,t, sa paraan lubos na natuto.

Hindi pinapansin ang asauang ibig capag naquitang siya,i, nagagalit, bagcus pinupuri, upang tumahimic ang di nan~gan~galay na dila at bibig.

N[)g]uni,t, cung mamasdang mabuti ang loob agad sinasabi nang boong pag-irog, catulad mo hija,i, ang inahing manoc sa pinutac-putac hindi napapagod.

Houag acalaing icao,i, napupuri, ineng, cundi bagcus lalong naiimbi: mag-uariuari ca,t, ang lalong mabuti ay magpacababa ang isang babayi.

Ang bibig touinang hindi natiticom ay nacacapara na sa asong tahol, caya catitiis, pagca,t, nauucol sa balat nang lupang bayan nang lingatong.

Ang sala nang iba,i, iyong titiisin pagca,t, tayong lahat nagcacamali rin: pagbata na hija,t, baca acalain nang tauong hindi co icao sinusupil.

Masasabi-sabing aco,i, natatacot sa iyo,t, cung baquit di ca binubugbog, caya, aquing ineng, icao ay sumunod sa man~ga hatol co,t, banayad na himoc.

Tantoin mo, hijang, isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan; dito na nagbago sa asauang asal dahilan cay Fidel mabuting umaral.

CAPÍTULO XIII.--_Ang buhay taga lañgit at ang pahimacas._

Si Hortensio nama,i, ating pagbalican ang catoto niya,i, ano,i, nang macasal, ay hindi naglao,t, tambing nagpaalam, ticang tutuparin ang laon nang pacay.

Daquila ang lumbay niyong si Eliseo sa pagpapaalam nitong si Hortensio, hinadlan~gan sana ang pag-alis nito dan~gan ang dahila,i, malaquing totoo.

Sa isang convento,i, pagdaca,i, pumasoc pagsunod sa lihim na tauag nang Dios, ualang iniisip cundi big-yang lugod ang nagpacamatay dahil sa pag-irog.

Uala na n~gang dapat tayong pagsicapan cundi mamintuho habang nabubuhay, sa Poong lumic-ha nang sang daigdigan, gaya ni Hortensiong humandog na tunay.

Saca iguinauad sa caniya nang lan~git ang capangyarihang ualang cahulilip, na di ibinigay sa tanang Angeles sucat na mamaang ang pantas na isip.

Hamac na tinapay ay sa uica lamang naguiguing mistulang cay Cristong catauan, tauong nasa sala ay quinacalasan, ang yaman sa lan~git parang na sa camay.

Taga pamag-itan sa dios na galit, guinhaua at alio nang dalita,t, saquit, sa puso nang tauo,i, siyang naghahasic, nang cay Jesucristong aral na matamis.

Tungcol sa mabait na si Eufrasia, iniraos naman ang lagui nang pita, linisan ang mundo, at nagreligiosa sa mag-inang Virgen ito ay panata.

Ipinamahagui ang lahat nang yaman sa maraming duc-ha at man~ga simbahan matandang Bárbara,i, biniguian din naman bagaman at tila muc-hang mangagauay.

Sa pagpasoc niya sa mahal na claustro nang bunying Serafin[18] may catauan tauo, agad nagparali ang sabi,i, ganito «Paalam paalam magdarayang mundo.

«Linisan quita,t, di co hinahan~gad «ang toua at layao na handog mo,t, gauad, «idulot sa iba,t, di co matatangap, «at ang aquing ibig ay dalita,t, hirap.

«Camataya,t, dusa,i, siyang ninanasa «nang bunying Teresa, inang daraquila, «ang cay Pazis nama,i, sucat ang dalita «at houag mamatay sa laguing pagluha.

«Mapalad na saquit, matamis na hirap, «na pinapalitan nang ligayang uagas: «mapait na toua,t, guinhauang camandag, «na hinahalinhan nang saliuang palad.»

Dito na lumagui ang bunying dalaga, at pinapagsaua puso sa pagsinta: ang pagod at puyat inaalintana, sampong camataya,i, hindi anumana.

At ang uica niya,i, cung ualang dalita uala ring hihinting ligaya at toua, ang hindi nagbata sa balat nang lupa sa cabilang buhay naman ay luluha.

Minahal sa guinto, diamante at perlas yaong caruc-haan, cilicio at hirap mahalagang damit lubos na hinamac pinili ang lalong magaspang, magalas.

Nacaliligaya sa isipin lamang yaong sa dalagang doo,i, pamumuhay ualang ini-iisip sa gabi at arao cundi ang maglingcod cay Cristo,t, gumalang.

Sa caniya,i, hindi nacacagambala tungcol salitaan ualang napapala ang man~ga casama niya palibhasa ay pauang uliran nang tauo pala.

Datapoua,t, yamang hindi matularan nang madlang dalaga ang ganitong buhay, ay tupdin na lamang ang macacayanan sa cani-canilang bahay na tahanan.

O baca sacali cayang tinutugtog nang lan~git sa gayong buhay na maayos, cung hindi mangyari ang iyong pagpasoc ay cay _Mariang Puso_ cayo ay pacupcop.

Hayo na,t, pasuquin yaong Pusong mahal, lubhang maauain at mapagtangcacal, doo,i, ipinatag caloloua,t, buhay at sampo nang liriong inyong calinisan.

Hanganan co rito, bumabasang guilio, icao na ang siyang bahalang maglining, ang mabuting asal ay alinsunurin; n~guni,t, sa masama nama,i, marimarim.

Natatalastas mong ito ay tadhana nang dapat asalin mulang pagcabata, nang upang calugdan ay aquing tinula, sa icatataua,i, pinaca-sagana.

Tantoin mo namang dapat sa sumunod cung mapagquilala ang tugtog nang Dios, at nang cung maganap mahal niyang utos sa Siong[19] mapalad magtamo nang lugod.

Madla cong sinabi ay inilalagay sa santa Iglesia na capangyarihan, at isinusumpang hangang sa libin~gan sa caniyang aral ay hindi sisinsay.

At isinasamo sa Ina nang aua ang tunay na aral ay lumagui naua, sa sang capuloa,t, ang toua,i, payapa maghari sa puso nang toua sa lupa.

Bilang icaapat nang buang masaya: mapalad na Mayong laan sa cay Maria, at pamumulaclac nang man~ga sampaga ang quinathang tula,i, binigyan cong hanga.

Ang man~ga bulaclac ay iniaalay sa hindi nagmana sa sala ni Adan, na siyang sampagang sadyang caban~guhan sa masayang jardin niyong calan~gitan.

Sari-saring rosas siyang dinadala niyong mabait na anac ni Maria, at taglay sa puso ang toua,t, ligaya niyong paghahandog sa canilang Reina.

Oh mayong mapalad, buang pagdiriuang sa mahal na Virgen nang capayapaan, lalaqui,t, babayi, mahirap, mayaman bayang Antipolo ay pinaglalacbay.

Hindi anumana ang hirap at pagod sa sinasalun~gang mataric na bundoc, hangang sa sumapit doon sa taluctoc na quinalalag-yan nang Ina nang Dios.

Sa nagsisidayo,i, ualang nalulumbay, cundi paraparang nagcacatouaan, pagca palibhasa,i, ang naca-aacay pag-ibig sa ualang dun~gis camunti man.

Mula sa Cainta hangang Antipolo ay lumilipana ang dami nang tauo, na ang iniisip nila,i, pasaclolo sa Ina nang gracia nilang tinutun~go,

¿Natatalastas mo na, bumabasang irog ang arao at buan na iquinatapos nang pinangugulan nang puyat at pagod na sa Inang Virgen ay inihahandog?

Dito sa daquila,t, mapagpalang Reina dapat na magsacdal ang tauo touina, at gayon din naman sa Esposo niya, san Joséng natan~gi sa lalaquing iba.

At sa cay san Roqueng hinirang nang Dios na magcacalara sa nan~gasasalot, ay magmacaauang taimtim sa loob dito sa panahong caquilaquilabot.

Aquing ninanasa cung maguiguing dapat at cung bibig-yan pa nang buhay at lacas, tulain ang buhay na lubhang mapalad nang daquilang Santo na nagpacahirap.

Nang tularan natin man~ga cabanalan na iniuang bacas sa lupang ibabao, at sa panalan~gin niya ay mahambal ang puso ni Jesus sa sang capuluan.

Hanganan co rito,t, tayo namang lahat ay man~ga panuto sa tunay na landas, nang ating sapitin ang bayang mapalad pan~gaco nang Dios sa may pusong tapat.

Sa lalong capurihan nang Dios.

MGA TALABABA:

[1] Lima capital nang república nang Perú, may silla arzobispal; may universidad, at iba pang establecimientos literarios; ang man~ga simbahan ay sagana sa man~ga alhajas at ornamentos. Sa ciudad din namang ito ay lumitao ang cabalitaang Sta. Rosa de Sta. Maria Patrona de las Indias.

[2] Platon, balitang filosofong taga Atenas, discipulo ni Pitágoras at maestro ni Aristóteles. Lumitao nang di pa nagcacatauan tauo ang Dios Anac.

[3] Mentor, n~galan nang balitang ayo ó tagapagturo cay Telémaco, anac nang Haring Ulises; ang pamagat na ito,i, caraniuang ibinibigay sa man~ga maestrong marunong magturo, humatol at magcalin~ga sa canilang discipulo.

[4] Eden, ay ang Paraiso.

[5] Itong man~ga tanda sa pagpili na maquiquita dito ay pauang catatauanan lamang, bagama,t, cung minsa,i, nagcacatotoo rin; at di dapat alinsunurin, sapagca,t, maguiguing daang icapipintás at icapupula sa di dapat pintasan.

[6] Itong man~ga paraang naririto tungcol sa pan~gan~gasaua ay isang tunay na catatauanan din, at ualang anomang cahalayan.

[7] Averno ang infierno.

[8] Olimpio, ang lañgit.

[9] Apolo, Dios nang poesia música at medicina. Ang mañga salitang ito,i, madalas na guinagamit nang mañga poeta.

[10] Ang asaua ni Neron ay ang mabait na si Octavia.

[11] Si Burro at Séneca ay siya niyang director ó tagapatnubay. Ang sabi sa historia ay niyong umaalinsunod si Neron sa dalauang ito ay naquiquitaan siya nang cagandahan nang loob; datapoua,t, nang caniyang ipapatay ay naguing tunay na halimao.

[12] Si Británico ay caniyang capatid; at ang lahat nang nasabi na,i, para-parang ipinapatay nitong quilabot nang catampalasanan.

[13] Pluton, anac ni Saturno at ni Ope, at dios sa infierno, anang mañga poetas.

[14] Can-Cerbero, isang malaquing aso na may tatlong ulo, ang pinaca balahibo ay pauang serpiente, ipinañganac nang gigante Tifon at nang monstruo Echidna, siyang nagbabantay sa pinto nang palacio ni Pluton, pinababayaan ang nagsisipasoc at ibinabaual ang paglabas.

[15] Estigia; anang mañga poeta, ay isang maitim na dagat sa infierno at sa guilid nito,i, nagdaraan ang mañga caloloua nang nañgamamatay.

[16] Hércules, anac ni Júpiter at ni Almena, asaua ni Anfitrion, siyang gumahis sa Can-Cerbero.

[17] Homero, ang lalong balitang poeta griego; autor nang dalauang poema épico ang Iliada at Odisea.

[18] Serafin, may catauang tauo ay si S. Francisco dahil sa pag-aalab nang caniyang puso nang pagsinta sa Dios.

[19] Sion, ang bundoc na canugnog nang Jerusalem doon natatayo nang una ang palacio ni David; caraniuang inihahalimbaua sa lañgit.

INDICE

Sa calinis-linisan at lubhang mapagcaliñgang puso ni Maria, 3.

Sa mañga dalagang babasa nito, 5.

Pasimula, 7.

Capítulo I. Ang magandang asal na dapat pasimulan mulang cabataan, 10.

Capítulo II. Ang pinagcautañgan nang buhay, 15.

Capítulo III. Ang hiyas nang isip, 16.

Capítulo IV. Cung ano ang buhay siyang camatayan, 21.

Capítulo V. Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo, 27.

Capítulo VI. Ang uliran nang mañga dalaga, 34.

Capítulo VII. Ang pagpili nang cacasamahin at ang mabuting paraan nang mangyaring macamtan, 38.

Capítulo VIII. Ang pusong garing na di malamuyot, 44.

Capítulo IX. May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas, 50.

Capítulo X. Ang catampalasanan ni Neron, at ang matandang mangagauay, 53.

Capítulo XI. Ang pagtatagumpay nang cababaan at pagcaduhagui nang capalaluan, 58.

Capítulo XII. Isang cabaitan ang maghunos dili cung may cagalitan, 65.

Capítulo XIII. Ang buhay taga lañgit at ang pahimacas, 72.