Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas

Part 3

Chapter 3 4,247 words Public domain Markdown

56.--Ang ibang m~ga Apo ay pipiliin n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g capulun~gan n~g m~ga Propesor sa baua't Colegiong pagturuan n~g mataas na aral ó n~g carunun~gan, tig-isa ang baua't Colegio; n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g m~ga casan~ga sa baua't samahan sa pagcacalacal ó hanap-buhay na hindi nasasaclao n~g núm. 55, n~guni't bumabayad n~g m~ga ambagang pinacamalaqui sa lahat tungcol sa malinis na hanap na sumampa taontaon, tig-isa ang baua't samahán; n~g m~ga Director sa m~ga bahay na itayó sa pagcacaauang gaua sa m~ga cabayanan; at n~g m~ga umaambag na bumayad n~g malaqui sa lahat sa ambagan sa hanap-buhay.

57.--Ang m~ga cabayanang bumilang n~g limangpung tagapaghalal na paitaas ay pipili n~g tig-isang Apo; mula sa isang daan na paaquiat dalauang Apo; at tatlo mula sa isang daan at limangpu na paitaas.

Capag ang m~ga tagapaghalal n~g isang cabayanan ay di umabot sa limangpu ay pipisan sa m~ga tagacapit cabayanan upang macapili.

58.--Ang paghahalal sa m~ga Apo ay gagauin para n~g m~ga Tagatayó.

59.--Ang Tanun~gan ay magpapalit n~g m~ga Apo bauat apat na taon gaya n~g Kapisanan; n~guni't palaguing bucás.

Sa Presupuesto n~g calahatan ay maglalaan nang pang upa sa Presidente, Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad. Ang ibang Apo ay di tatangap n~g ano mang upa, n~guni't hindi magbabayad n~g ano mang ambagan habang humahauac nang Katungculan.

60.--Sa pamula n~g Tanun~gan at sa baua't taon n~g paghahalili ay ito'y bubucsan n~g Presidente n~g República at gagauin ang m~ga pag hahandang nabibilin sa núm. 45. na ualang maiiba cundi ang bilang n~g m~ga Kagauad na mababauasan at madadagdagan n~g Pamunoan alinsunod sa dami n~g gagauin.

61.--Ang lugal na pinagpupulun~gan n~g Tanun~gan ay lubhang cagalangalang para rin n~g sa Kapisanan at ang m~ga Apo ay di mapaquiquialaman sa canilang m~ga caisipan gaya n~g m~ga Tagatayó.

62.--Ang m~ga pulong n~g Tanun~gan ay hayag din at upang magcaroon n~g bagsic ang caniyang m~ga tadhana ay cailan~gang maharap ang dalauang icatlong bahagui man lamang n~g m~ga Apo.

Ang Presidente, ang Pan~galauang Presidente at ang m~ga Kagauad ay di macaliliban sa ano mang dahilan; n~guni't ang m~ga ibang Apo ay macapaghahalihalili n~g pagliban cun may pahintulot ang Tanun~gan, matiran lamang na palagui n~g dalauang icatlong bahagui. Sa panahon n~g cahigpitan at cahirapan ay ualang macaliliban.

63.--Ang Tanun~ga'y didin~giguing palagui nang Presidente na parang Sangunian sa lahat na bagay na malaquing halaga at mabigat, n~guni't ang m~ga casagutan noo'y hindi macapipilit dito. Gayon may cun ang ano mang tadhana ay pagcaisahang macaitlo sa iba't ibang panahon ay cailan~gang icuhang sanguni sa Kapisanan upang pasiyahin cun dapat magcaroon n~g bagsic n~g cautusan.

Macapaghaharap din naman n~g ano mang panucala tungcol sa cautusan; n~guni't ito'y gagauing palagui sa Presidente n~g República na siyang magpapadalá sa Kapisanan cun minamagaling niya.

Sa m~ga pagpupulong at sa iba pang nauucol sa pamamahala at cahusayan sa loob ay susundin ang m~ga Tagobiling cathain nito ring Tanun~gan.

64.--Upang maguing Apo ay quinacailan~gan, bucod sa caraniuang casangcapan, ang mag taglay n~g tatlongpung taong sincad; sampahan n~g isang malinis na hanap na maliuag maparam at magcasiya sa isang buhay na catamtaman at sarili; at magcaroon n~g m~ga casangcapang nasasabi sa número 52 ó macagaua n~g malaquing paglilingcod sa bayan.

Ang katungculang Apo ay casing tagal n~g sa Tagatayó, at itong dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin malalangcapan n~g ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong bayan.

ICALIMANG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa man~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan_.

65.--Pagcapaghalal n~g man~ga Tagatayo ay ang m~ga catiuala sa baua't cabayanan ay magbubucod-bucod sa apat na puctó, cailan ma't bauat puctó ay bumilang n~g pito catauo man lamang.

Cun ang bauat puctó ay di macaabot sa nasabing bilang ay magbubucod sa dalauang puctó lamang.

Ang m~ga puctong ito ang maghahalili sa taon-taon ó bauat icadalauang taon sa Sanguniang cabayanan sa loob n~g isang capanahunan, at maquiquialam sa m~ga usap sa cabayanan na parang m~ga casanguni.

66.--Ang m~ga matanda sa bauat bayan ay magbubucodbucód sa dalauang puctó na siyang maghahalili baua't icalauang taon sa Sanguniang bayan.

67.--Ang m~ga catungculang ito ay nagbibigay puri, n~guni't ualang upa; gayon ma'y ang m~ga Kasanguni ay di magbabayad n~g ano mang ambagan sa canicanilang capanahunan.

68.--Sasangcap sa Sanguniang cabayanan ang Punong cabayanan na siyang Presidente, ang Punong bayan sa loob na n~g cabayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang m~ga casanguning dinatnan n~g capanahunan sa cabilugan n~g m~ga catiuala at ang Kagauad n~g Pamunoang cabayanan; n~guni't ito'y di macapagbibibig ni macabobotos sa m~ga pagpupulong.

Ang Pan~galauang Presidente ang hahalang sa Presidente sa boong capangyarihan nitó.

69.--Sasangcap sa Sanguniang bayan ang Punong bayan na siyang Presidente, ang Pan~gulo sa loob nang bayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang iba pang man~ga Pan~gulo at ang m~ga Kasanguning dinatnan nang capanahunan sa cabilugan nang m~ga matandá at ang Kagauad sa Pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di rin macabobotos.

Ang Pan~galauang Presidente ang siyang hahalang sa Presidente sa dalauang cutungculan nito na Presidente n~g Sangunian at Punong bayan.

70.--Tutungculin nitong m~ga Sangunian ang pagpapasiglá sa pagtuturo at pagaaral at gayon din ang pagpapasulong sa gaua sa lupa, paghahayop, gauang camay at pan~gan~galacal, at cucupcupin ang m~ga nacacatuclas n~g m~ga mabubuti at malalacas na paraan; gumaua n~g Tandaan n~g m~ga tauo at m~ga usap (Censo y Estadistica) at n~g yaman (Catastro) para n~g tandaan n~g m~ga lupain, bahay at hayop at iba pang pag aari; at man~galaga sa mahusay na pag gugol sa salapi n~g bayan, ihablá ang m~ga sumira noon at gauain ang canicanilang Presupuesto ó Kuruan nang magugugol.

Pan~gan~galagaan din naman nang m~ga Sanguniang cabayanan na sa bauat cabayanan ay magcaroon man lamang nang isang Colegio ó Aralán na magturo nang mataas na aral at nang isang limbagan, hindi lamang upang maquilala n~g lahat ang m~ga pacaná nang napupunoan, cundi naman upang macalat sa paraang itong mabisa ang pagcabucas nang isip at iba pang pagcaquilalang paquiquinaban~gan sa sariling pamumuhay n~g m~ga tauo at cagalin~gan nang lahat.

71.--Ang m~ga Kasanguni sa cabayanan ay may catungculang magpaaninao at maghamong sa Pamunoang cabayanan n~g lahat na m~ga pacanang nahihinguil sa caguinhauahan n~g cabayanan; maquialam sa n~galan nitó sa pamamahala n~g salapi n~g bayan: at magtangcacal sa m~ga duc-ha at di macacaya sa canilang m~ga usap sa Pamunoan.

Ang m~ga Kasanguning bayan ay magcacaroon n~g m~ga ganito ring catungculan sa canilang quinalalagyang bayan at mag hahalal n~g isa sa canila na maguiguing Pintacasing maquiquialam sa Hucuman, upang dito'y maganap ang m~ga cautusan n~g ualang quiquilin~gan ang sino man.

ICAANIM NA CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Presidente n~g República at caniyang Pamunoan_.

72.--Ang Presidente at Pan~galauang Presidente n~g República ay ihahalal n~g m~ga cabilugan nang m~ga katiuala sa baua't cabayanan cahalintulad n~g paghahalal sa m~ga Tagatayó; n~guni't maquiquialam sa paghahalal bucod sa Punong cabayanan na pinaca Presidente ang m~ga Pintacasi n~g República sa bauat cabayanan na m~ga taga pagsiyasat casama n~g m~ga inihalal n~g m~ga catiuala, na siyang man~gan~galaga upang ang paghahalal ay madaos ayon sa ipinaguutos.

Ang Puno at ang m~ga Pintacasi ay hindi macabobotos; n~guni't susugpuing mahigpit ang suhulan at daya sa butusan.

73.--Ang m~ga tunay na casulatan n~g paghahalal sa bauat cabayanan ay ipadadalá n~g Puno sa Tanun~gan at ang matitirá sa archivo n~g cabayanan ay isang saling pinilmahan n~g naturang Puno, n~g m~ga Pintacasi at iba pang tagapagsiyasat.

Capag natangap n~g Tanun~gan ang m~ga casulatan sa paghahalal n~g lahat na cabayanan ay magpasabi sa Kapisanan ó sa Laguing Paniualaan cun nasasará, at ito'y magsusugo n~g tatlo catauong tagapagsiyasat na maqui-alam sa pagbibilang n~g botos.

Cun ualang macalicom n~g botos n~g dalauang icatlong bahagui man lamang n~g lahat na katiuala sa m~ga cabayanan ay uulitin ang paghahalal, n~guni't ang pag bubutusan ay ang m~ga nacalicom n~g lalong maraming botos hangan sa tatlo man lamang.

74.--Ang Pan~galauang Presidente ay ang macalicom n~g mahiguit sa calahati n~g botos at siya ang hahalang sa Presidente, cun ito'y mamatay ó magcaroon n~g tunay na capansanan bago matagpós ang capanahunan na limang taon.

Habang hindi siya humahalang ay di macagagamit n~g ano mang capangyarihan ucol sa caniyang sariling catungculan; n~guni't paghalang ay malilipat sa caniya ang boong capangyarihan n~g Presidente.

75.--Ang mahalal na Presidente ay ihaharap sa Kapisanan n~g hahalinhan at n~g Presidente n~g Tanun~gan, at cun malagay na sa talagang luclucan n~g Presidente n~g Kapisanan ay babasahin ang caniyang calatas sa pagbati at dito'y ipan~gan~gaco sa mahigpit na panghahauac sa sariling dan~gal at capurihan na pagpipilitan niya sa boong macacaya ang caguinhauan n~g bayan at mag bibigay nang halimbaua sa lahat sa pagyucó at pag galang sa m~ga cautusan sa pagbaban~gon at iba pang bagaybagay.

Pagcatapos n~g pagbasa ay igagauad n~g Presidenteng hahalinhan ang m~ga saguisag na pagcacaquilanlan nitong mataas na catungculan, at quiquilanling hauac na niya ang boong capangyarihan.

76.--Ang presidente ay siyang pinaca catauan n~g bayan, caya't siya'y dapat igalang at huag pagpahamacan at di mabibiguiang usap habang di naa-alisán nang catungculan.

Ang Presidente ay hindi iba cundi ang capatid at caibigan n~g lahat na taga Pilipinas, at caya lamang mauiuicang siya'y nacalalalo ay sa pagca't siya ang dapat man~guna sa pagpapasunod nang ugaling magandá at mahusay at sa cabutihan nang gaua sa bayan.

Utang niya sa caniyang sariling dan~gal at sa Dios ang mag taglay n~g isang ugaling ualang ipipintas, upang mapapurihan niya ang caniyang bayan sa harap n~g m~ga taga ibang lupa, at mag bigay sa caniyang m~ga cababayan n~g halimbaua n~g cabaitan at casipagan.

77.--Siya ang quinabobooan n~g capangyarihang magpasunod sa m~ga cautusan at nalalaganapan n~g capangyarihang itó ang lahat na bagay na quinacailan~gan n~g cahusayan sa loob n~g bacuran nang República at sa icapapanatag sa labas, ayon sa ibinibilin n~g m~ga cautusan sa pagbaban~gon at sa iba pang bagay.

78.--Ang Presidente ang mag lalathalâ n~g m~ga tadhana n~g Kapisanan upang mapilit sa pag sunod ang tauo; gayon ma'y cun inaacala niya na ang alin man sa m~ga tadhanang ito ay macagagambala sa cahusayan sa loob at sa capanatagan sa labas ay malalaguian niya n~g sansalâ (veto) sa ilalim n~g boo niyang capanagutan.

79.--Ang Presidente sa sarili niyang isip ó sa hamong n~g alin man sa caniyang m~ga Kagauad ay macapaghaharap sa Kapisanan n~g ano mang panucala n~g cautusan; n~guni't bago gauin yaon ay didinguin muna ang Tanun~gan.

80.--Bucod pa'y nauucol sa caniya itong m~ga malaquing capangyarihang susunod:

Una. Kumathá n~g m~ga atas at tagobiling quinacailan~gan sa pagtupad n~g m~ga cautusan at man~galaga na sa boong nasasacupan n~g República ay ualang maghari cundi ang madali at ganap na catouiran.

Icalaua. Gumaua n~g m~ga cautusan at bagong pacaná na inaacala niyang dapat ihamong sa Kapisanan ucol sa cagalin~gan n~g República, upang pagnoynoyin n~g nararapat.

Icatlo. Maghalal sa m~ga may catungculan sa bayan ayon sa m~ga cautusan.

Icapat. Acayin ang Hocbong dagat at Hucbong cati at pagayao-ayaoin sa paraang lalong nararapat sa pamamaguitan n~g m~ga Generales na lalong may catampatan na siyang pagsasalinan niya n~g Kapangyarihan.

Icalimá. Mag tuto sa paquiquipulong sa m~ga Pamunoang taga ibang lupa at maghalal n~g m~ga sugo at Consul na cacatauanin niya.

Icanim. Mamahala sa pagpapabubo n~g m~ga salapi at mag atas n~g m~ga pag-gugulan, n~g m~ga itinatalagá sa baua't san~gá n~g pamamahala sa bayan.

Icapitó. At catapustapusa'y man~galaga sa lahat n~g nauucol sa cahusayan at icatitimaua n~g bayan sa m~ga sáquit.

81.--Ang man~ga hanganan nang capangyarihan nang Presidente ay itong man~ga susunod:

Una. Sa ano mang dahila'y hindi masasan-sala ang pagcacatipon n~g Kapisanan sa m~ga panahon at pangyayaring nabibilin sa cautusan, at gayon ding hindi yaon mapipiguil at mapaghihiua-hiualay at cailan ma'y di magagambala ang man~ga pagpupulong at paglilining nitó.

Icalaua. Hindi siya macalalabas sa nasasacupan n~g República at di niya masisira ó maihihiualay at malalaguian nang ano mang capanagutan ang alin mang bahagui nang lupain nitó.

Icatló. Hindi macapagyayari n~g anomang tipanan at iba pang casundó at gayon ding hindi mapaiiral ang digmá at mapababalic at mapagtitibay ang capayapaan cun ualang pahintulot ang Capisanan.

82.--Ang man~ga pasiya nang Presidente nang República ay pipilmahang palagui nang Kagauad na nauucol; n~guni't hindi ito mananagot na casama niya cundi maquilala na itong Kagauad ang naghamong nang m~ga naturang pasiya.

83.--Hihirang ang Presidente sa m~ga Tagatayó at Apong halili na at quinaquitaan nang ugaling ualang ipipintás sa pag ganap nang catungculan ó di caya'y sa man~ga nag gugol nang malalaquing paglilingcod sa bayan, n~g m~ga Kagauad n~g Pamunoan na siyang tutulong sa caniya sa paglulutas nitong m~ga susunod na san~gá:

Una. Paquiquipanayam sa tagá ibang lupa at pagcacalacal.

Icalaua. Panihala sa loob na nacasasaclao sa cahusayan sa loob, sa pagtuturo at pagpapalayó sa m~ga sáquit.

Icatlo. Gauang bayan, at dito'y masasama pati n~g gayang lupa at gauang camay.

Icapat. Catuiran.

Icalima. Yaman.

Icanim. Digmang cati.

Icapito. Digmang dagat.

84.--Ang m~ga Kagauad n~g Pamunoan ay macahaharap sa Capisanan at Tanun~gan cailan ma't may ipagsasabi sa n~galan n~g Presidente ó sila'y turulin cayá n~g hayág nino man sa Kapulun~gang itó.

N~guni't cun pagbobotosan na ang dahil n~g canilang pagdayo ay lalabas at di maquiquialam dito.

85.--Hihirang din naman sa m~ga tauong nababanguit sa núm. 83 at sa m~ga Katiuala at Punong bayang halili na at quinaquitaan n~g ugaling ualang ipipintas, n~g m~ga ihahalal niyang Punong cabayanan, na siyang pagsasalinan niya n~g boong capangyarihan sa loob n~g cabayanang masacop nitó.

86.--At gayon ding hihirang sa tatlong iharap sa caniya n~g Sanguniang bayan n~g gagauing Punong bayan na cacatauanin niya sa baua't bayan. Upang mabilang sa m~ga ihaharap ay quinacailan~gang nagdaan sa pagca matandá ó Pan~gulo at di napapintas sa ugali.

Ang m~ga Pan~gulo na siyang catiuala n~g Punong bayan sa bauat nayon ay ihahalal n~g Punong cabayanan sa m~ga mapili n~g umaambag na may carapatán. Ang pagpili sa m~ga Pan~gulo ay caparis din sa m~ga matandá.

87.--Ang catungculan n~g Punong bayan at man~ga Pan~gulo ay tatagal n~g dalauang taon; at ang m~ga Punong cabayanan ay apat, liban na lamang cun bago lumampas ang taning na ito ay mapagquilala n~g Presidente na ang cagalin~gan n~g boong República at ang sariling cagalin~gan n~g cabayanang quinalalaguian ay nagcacailan~gang siya'y halinhan nang iba.

88.--Sa bauat san~gá n~g pamamahala sa bayan ay magcacaroon n~g Lugal cagauad na siyang Pan~galauang Puno sa baua't Gauaran; sa bauat Pitac ay maglalagay n~g isang Oficial at m~ga catulong at manunulat na quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g man~ga usap.

Ang man~ga Katungculang ito ay maguiguing isang tan~ging hanap-buhay gaya naman n~g sa man~ga Hocom at sandatahan, at ualang macapapasoc dito cundi magdaan muna sa sungcaran, maguing sa hagdang mataas na buhat sa baitang n~g man~ga Katulong na paitaas, maguing sa mababa na quinalalagyan n~g man~ga manunulat at iba pang alagad na quinacailan~gan sa baua't sánayan.

Ualang maguiguing dahil n~g pagtaas dito sa dalauang hagdan cundi ang catagalan at ang man~ga tan~ging paglilingcod na gauin n~g may Katungculan, cun yao'y mapatotohanan at marapatin n~g Tanun~gan. Upang macalipat mulá sa mababa tun~go sa mataas na hagdan ay cailan~gan ding magdaan sa sungcaran.

89.--Ang lahat na Katungculan sa bayan cahit ano ang quinauuculan ay babayaran n~g catamtaman, liban na lamang ang man~ga nasasabing ualang bayad sa man~ga cautusan, at di matatalagahan n~g ano mang upa ang man~gahiualay sa Katungculang ito. Ang sino mang mapahamac sa pagtupad n~g Catungculan at dahil dito'y marapatin n~g Kapisanan na gantihin ang gauang yaon, ang bihis ay ibibigay na paminsanan sa halagang pasiyahin nito ring Kapisanan.

90.--Ang man~ga sanayán (oficina) n~g Bayan ay bubucsan umaga't hapon gaya n~g sa man~ga magcacalacal, at magtatayó lamang n~g man~ga calalaguiang tunay na quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g man~ga usap.

91.--Baua't Punong cabayanan ay magcacaroon n~g nasasacupan niyang man~ga oficial, catulong at manunulat na quinacailan~gan sa iba't ibang san~ga n~g pamamahala sa cabayanang nasasacop niya, at ang oficial na catiuala sa cahusayan sa loob ay siyang Kagauad na maguiguing pan~galauang Puno sa Sanayán n~g cabayanan.

Ang m~ga manunulat ay caniyang ihahalal capag nasungcad n~g Sanguniang-cabayanan.

Ang sino man~gatungculán sa cabayanan ay dapat macaalam n~g salitá dito.

92.--Baua't Punong bayan ay magcacaroon nang; isang kagauad hugot sa baitang n~g m~ga catulong at n~g m~ga manunulat na ihahalal niya, capag nasungcad n~g Sanguniang-bayan. Magcacaroon nang isang catulong na Comisario n~g Pan~galagaan na may bayad. (Comisario de Policía).

ICAPITONG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa panihala nang catuiran_.

93.--Ang capangyarihan sa paghatol at sa pagpapatupad sa maguing hatol ay tataglayin lamang n~g m~ga Kapulun~gan (Tribunales) n~g catuiran at n~g m~ga Hocom, na ualang magagaua cundi ang mag lapat n~g m~ga cautusan sa usap ó gauang ihablá.

94.--Itatadhana n~g m~ga cautusan ang pagcacasunodsunod n~g m~ga paraan at pag uusisang dapat gauin sa m~ga usapin sa boong nasasacop n~g República, at ang panununtunan ay ang camunting sabi at ang caliuanagan at lilipulin yaong man~ga gauing luma na ualang quinauuculan cundi ang mag acsayá n~g m~ga papel at ang pahabain mag parating man saan ang m~ga casulatang usap.

Bibiguian ang m~ga nahablá sa usap-sala n~g boong-caluagan upang magamit ang m~ga paraang quinacailan~gan nila sa pagliligtas sa canilang catauan sa ano mang calagayan n~g nasabing usap.

Catagalan n~g m~ga usap-sala ang anim na buan at pagcaraan nitong taning ay dudusahin nang mahigpit n~g m~ga Capulun~gan ang m~ga Hocom na di magpaquita n~g tunay na cadahilanan nang pagcabalam.

95.--Magcacaroon n~g iisa lamang sacdalan (fuero) sa lahat na usap sala at usap catuiran, bucod lamang ang m~ga sandatahan na magcacaroon n~g sariling sacdalan cun sila'y magculang sa man~ga Cautusang nauucol sa canilang casamahan; n~guni't masasacupan din sila n~g sacdalan n~g lahat cun sila'y magcasala sa paquiquisama sa man~ga tauong bayan.

96.--Aalisin ang man~ga Pintacasing hindi upahan n~g bayan, pagca't sa haharapin ay ang man~gan~gasiua ay ang tunay na may usap ó di caya'y ang man~ga Abogadong biguian nito nang kapangyarihan.

Gayon ma'y cun ang may ari ay ualang cáya at di macaquita n~g Abogadong magmacaalam ay macapaglalagay n~g m~ga tan~ging sugo na man~gatauan sa caniya, n~guni't ang m~ga sugong ito ay mapapara sa m~ga tunay na Abogado na bumabayad n~g ambagan dahil sa canilang katungculan.

87.--Ang m~ga cahalili, Hocom at iba pang may katungculang nacacapit sa san~gang itó ay mananagot na isa-isá sa man~ga gauang pagcuculang sa cautusan, at sino mang mamamayan ay macapaghahablá tungcol sa pagpapasuhol at masamang pag gamit n~g katungculan.

98.--Sa calooban n~g República ay magcacaroon nang isang kataastaasang Kapulun~gan n~g catouiran na mag bubucod sa quinacailan~gang Licmoan (Sala) na lalaguian n~g limang cahalili bauat isá; sa bauat calauacan (Region) ay lalaguian n~g isang Kapulun~gan (Audiencia ó Tribunal) na may tatlong cahalili; sa bauat Hucuman (Distrito Judicial) ay magcacaroon n~g isang Pan~gulong Hocom (Juez mayor); at sa bauat bayan ay isang Hocom na taga pamaguitan (Juez de Paz), na ihahalal n~g Presidente n~g Kapulun~gang nacasasacop capag naiharap n~g Sanguniang bayan ang man~ga mamayang lalong marapat sa catungculang itó cun may sariling pamumuhay.

Sa boong nasasacupan n~g República ay magcacaroon n~g anim na calauacan man lamang na iaayao sa m~ga lupang lalong nauucol ayon sa dami n~g m~ga tumatahan, at sa bauat calauacan ay magcacaroon n~g m~ga Hucumang macailan~gan sa madali at matuid na pag aayos n~g catuiran.

99.--Sa siping n~g m~ga Kapulun~gan n~g catuiran ay malalagay ang casamahan n~g m~ga Pintacasi n~g República na pinan~gun~gunahan n~g Punong Pintacasi.

Ang m~ga Pintacasing itó ang man~gag aalaga sa mahigpit na catuparan n~g m~ga cautusan at maquiquialam hindi lamang sa m~ga usap-sala at usap catuiran (Juicios criminales y civiles), cundi naman sa m~ga usap-bayan (expedientes administrativos). Sila rin ang macapagpapatotoo sa m~ga gaua at casundong ibig pagtibayin upang paniualaan.

Sa bauat cabayanan ay magcacaroon n~g isang Pintacasi na casingtaas n~g Pan~gulong Hocom, at cun dito'y magcaroon n~g dalauang Hucuman ay ilalagay sa Piling n~g Hucumang (Juzgado) uala sa loob n~g cabayanan ang isa pang Pintacasing catulong na capantay n~g kagauad n~g Hucuman.

Sa bauat Kapulun~gan ay magcacaroon din nang isang Pintacasi na casingtaas n~g Cahalili, n~guni't ito'y ualang paquiquialaman cundi ang m~ga usap sa Kapulun~gan: at sa calooban (capital) n~g República lalagay ang Punong-Pintacasi na siyang mag tututo sa m~ga ibang Pintacasing quinacailan~gan upang mapaquialaman ang m~ga usap sa cataastaasang Kapulun~gan at sa m~ga Sanayan n~g Pamunoan at gayon din ang paghuhusay at pamamahala sa casamahan.

Sa bauat bayan ay magcacaroon n~g isang Pintacasing-bayan na huhugutin sa m~ga kasanguning casalucuyan.

100.--Sa mataas na hagdan nang pan~gan~gatungculang-hocom ay macapapanhic cun mag daan sa suncaran mulá sa unang baitang n~g m~ga kagauad n~g Hucuman at m~ga Pintacasing catulong, at ang pagtaas ay para n~g sa pan~gan~gatungculang bayan dahil sa catagalan at sa malalaquing paglilingcod na pinatotohanan at minarapat n~g Tanun~gan.

Sa pan~gan~gatungculang itó ay ualang tatangapin sa hagdang mataas cundi ang m~ga Doctor sa catuiran (Doctor en derecho) at ang m~ga Abogado.

101.--Tatalagahan n~g Kapisanan ang m~ga naglilingcod sa pan~gan~gatungculang Hocom n~g catamtamang bayad, upang magcaroon sila n~g pitagan at casarinlang quinacailan~gan sa maluag na pagtupad n~g mahal nilang catungculan; at huag tutulutan na sa m~ga Kapulun~gan at Hucuman magcaroon n~g m~ga manunulat at iba pang alagad na tagá mababang hagdan na di bibiguian n~g catamtamang upa, upang mailagan ang masasamang gauing pinag apuhan na sa ilalim n~g yamungmong n~g Pamunoang castila.

102.--Ang lahat na cahalili sa cataastaasang Kapulun~gan ang hahatol sa Presidente n~g República capag naipahayag n~g Kapisanan na ito'y may casalanan, pagca nahalinhan sa catungculan.

At ang isang Licmoan nitó ring Kapulung~gan ang hahatol:

Una. Sa m~ga Kagauad n~g Pamunoan, pagnaipahayag n~g Kapisanan na sila'y may casalanan.

Icalaua. Sa m~ga Tagatayó at Apo, cun maipahayag na sila'y may casalanan n~g isang Paniualaang ipalagay n~g canicanilang casamahan.

Icatló. At sa m~ga cahalili nito ring Kapulun~gan at n~g m~ga natatayo sa calauacan at sa m~ga Pintacasing capantay n~g m~ga cahalili at sa m~ga Punong cabayanan.

103.--Iisang cabooan (Código) n~g m~ga cautusan ang iiral sa boong nasasacop n~g República at dito ipagsasaysay ang bilang n~g m~ga Hucumang itatayó gayon din ang m~ga capangyarihan n~g isa't isa at n~g bauat Capulun~gan ayon sa patuntun~gan nabibilin dito sa Panucala.

104.--Sino mang nalalagay sa pan~gan~gatungculang-hocom ay di macahihin~gi n~g ano mang upa sa m~ga usap-sala at usap-catuiran at iba't iba pang pag gamit n~g catungculan. Pagcatapos n~g m~ga usap ay babayaran ang costas n~g mahatulang magbabayad nito at ang cabooa'y guguling lahat sa m~ga papel-multá na itatahi sa m~ga sulat-usap.