Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas

Part 2

Chapter 2 4,132 words Public domain Markdown

20.--Ang República n~g Pilipinas ay ang Katipunan n~g m~ga namamayan dito, na natatayó sa lupaing nasasaclao n~g m~ga Puló n~g Luzong, n~g m~ga Bisaya at Mindanao, n~g capuluan n~g Joló at n~g iba pang m~ga pulopuloang nacacapit sa m~ga sinabing itó at nasasa loob n~g calauacang tinatauag n~g una pa na capuluan n~g Pilipinas.

Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasasacop n~g Pamunoang castila dito sa Oceania ay malalaquip sa República cun sila'y talagang maquipag-isá sa m~ga taga Pilipinas sa gauang pagbaban~gon n~g casarinlan ó sariling basaysay.

21.--Ang lupain n~g República ay pagtatan~gitan~giin sa man~ga nayon, at baua't isa nito'y pamamahayan n~g ilang maganac na napopooc sa isang lugal.

Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas.

22.--Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay ang pamamahala n~g isang República.

Caya n~ga't mula sa Presidente hangang sa lalong maliit na may capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing patungtun~gan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na caran~galan at capurihan at iba pang cahusayan n~g ugali na ipaquita n~g isa't isa.

Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang.

Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.

23.--Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin n~g Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g Tanun~gan.

Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang Presidente nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang Pamunoan at inaalalayan n~g Tanun~gan.

At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman.

ICATLONG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Kapisanan (Congreso_).

24.--Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong inihalal n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan sa canila at magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang Cabayanan at nang boong República.

Umaambag na may carapatán ang m~ga lalaquing may taglay nang m~ga casangcapang nabibilin sa núm. 16 at ang m~ga babaying nasasaclau sa icalauang pangcat nang núm. 17.

25.--Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.

26.--Hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na Tagatayo ang sino mang humanap nang botos ó man~gaco nito sa can~gino mang tauo.

Ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin mang naghahan~gad ay hahalan~gan sa catungculan at cacapitan nang usap na nababagay sa caniyang masamang quilos.

27.--Ang catungculan nang Tagatayo ay siyang lalong maran~gal sa lahat na mahahan~gad n~g taga rito sa Pilipinas, sa pagca't ang caniyang capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang n~g di mayabang na urian n~g suyo sa bayan.

Sucat na lamang ang naturang catungculan na maguing tactac na di mapapaui n~g capurihan sa maguin dapat sa caniya alang-alang sa cahusayan n~g paquitang ugali at calaquihan n~g na aalaman at casipagan; siya ang catibayan; di mapupuing n~g sariling dan~gal at pag ibig sa bayan.

28.--Ang patungtun~gang dapat alinsunurin sa paglalagay n~g Tagatayo sa bayan ay ang dami n~g man~ga umaambag na may carapatan, at n~g matanto ito ay ipacacana n~g Pamunoang Tagapagban~gon, caracaracang matamó ang tagumpay at quilanlin ang casarinlan n~g Pilipinas, ang paggaua sa madaling panahon n~g isang Censo ó Talaan n~g man~ga mamamayan, at tuloy ipahahayag ang man~ga tagubiling quinacailan~gan n~g huag magculang at mamali.

--Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod.

29.--Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.

Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa n~g paacyat.

Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.

30.--Ang man~ga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na may carapatan ay pipili n~g isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo; apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis pa nang paacyat.

Ang calabisan sa man~ga bilang na ito ay di macadadagdag pag hindi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.

31.--Bauat nayong bumilang n~g limangpung mamamayang may carapatan ay pipili n~g isang matanda; paglabis sa limampu hangan isang daan ay dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at limampu, tatlo; mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima pag labis sa dalauang daan na paacyat.

Ang di bumilang nang limampu man lamang ay lalaquip sa man~ga capit nayon sa pag pili nang matandá.

Ang calabisan na di umabot sa tatlong pu man lamang ay di macadadagdag n~g bilang n~g man~ga matandá.

Ang loob n~g bayan ay isang tunay na nayon.

32.--Hindi mahahalal na matandá at catiuala ang hindi maaaring mahalal sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin n~g núm. 16 nitong Panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay.

Hindi rin mahahalal ang man~ga tumatan~gan n~g capangyarihang magparusa sa tauong bayan, at gayon ding hindi magagauang matandá ang nagtutumirá sa ibang bayan ni catiuala ang taga ibang cabayanan, at bucod pa'y itong catiuala ay cailan~gang matuto n~g salitang bayan (idioma oficial).

33.--Ang paghahalal sa man~ga matandá ay gagauin sa buan n~g Septiembre n~g taong nan~gun~guna sa pagbubucas n~g Kapisanan. Sa pag gaua nito ay magsasadya ang Punong bayan sa baua't nayon, upang ang paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos.

Ang pag hahalal sa m~ga Katiuala ay gagauin sa buan n~g Octubreng susunod at dahil dito'y lalacbayin nang Punong cabayanan ang baua't bayan.

34.--Sa arao na tadhana n~g m~ga nasabing Puno ay mag titipon ang m~ga may carapatán sa baua't nayon at ang m~ga matandá sa baua't bayan at pasisimulan ang pulong, pag papauna n~g Puno sa m~ga caharap na ang tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalin~gan n~g lahat ay hindi iba cundi ang man~ga tauong tuga at may puring inin~gat, marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya't ang macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat macahiram n~g pananalig n~g bayan.

Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap sa canila ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tribunal nang paghahalal.

Saca itatanong n~g Puno sa m~ga caharap cun may ibig mag saysay n~g pagsusuhulan sa paglicom n~g botos, at cun mayroon ay sa oras ding yao'y palalaguian n~g ganap na caliuanagan at catotohanan, na hindi na isusulat ang ano mang pag uusisa. Cun totoo ang hablá ay aalisan n~g capangyarihang macapag halal at mahalal naman ang sino pamulpugan n~g casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino mang mag ban~gon n~g paratang; at ang maguing hatol dito ay di mababago nino man.

Cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinataglay na carapatan nang alin man sa manga caharap ay ang Tribunal ang magpapasiya nang lalong matouid at sa maihatol sa oras ding yaon ay ualang macasasalangsang at macasusuay.

Pagtutuluyan ang pagpili sa man~ga matanda ó catiuala, at sa bagay na ito ay lalapit na isá-isá sa Tribunal, nan~gun~guna ang man~ga marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pan~galan nang man~ga tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili sa isang talaang natatalaga. Cun ang napili ay di maalam bumasa ay macapagsasama nang isang marunong sa man~ga caharap, upang maquilala niya na ang pan~galang caniyang sinambit ang siyang isinulat. Dito at sa alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang sarili ay maaalisan nang botos.

Cun matapos ang pilian ay bibilan~gin nang Puno at n~g man~ga tagapagsiyasat ang man~ga botos at itititic n~g Cagauad sa casulatan ang ano mang mangyari. At cun mayari na ang casulatan ay babasahin n~g malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol ó pag naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang man~ga caharap cun ang pinili ay man~ga catiuala, at cun matandá ang man~ga nahalal ay ang pipilma ay ang man~ga casangcap sa Tribunal lamang.

At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang m~ga nahalal n~g tig-isang salin n~g casulatang guinaua, sa may pilma nang Tribunal sa bauat salin, at matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang man~ga casulatan nang bayan.

35.--Upang mahalal ang sino man namamayan quinacailan~gang malicom niya ang mahiguit sa calahati n~g man~ga botos.

Ang m~ga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay di macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang m~ga taga pag usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat.

Ang Punong nan~gu~guna sa paghahalal ay di bobotos; n~guni't pagnagca patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang caniyang magalin~gin.

Hindi maaaring maquisalamuha sa pulong ang sino mang magbitbit nang sandata.

36.--Sa unang lingo n~g buan n~g Noviembre ay man~gagtitipon sa loob n~g cabayanan ang m~ga catiuala n~g baua't bayan na dala ang m~ga saling magpapaquilala nang canilang hauac na capangyarihan, upang maihalal ang m~ga Tagatayong nauucol sa cabayanan.

37.--Ang pulong ay pan~gu~gunahan n~g Punong cabayanan sa bahay na itinalagà nito at gagauin itong man~ga paghahandá: ipaquiquita n~g baua't catiualá ang saling dala niya; ihahalal at huhugutin sa nan~gagcacapisan ang pagcacaisahan nang marami na tatlong taga pagsiyasat at isang Kagauad na siyang magnonoynoy sa m~ga saling iniharap, at n~g tatlong sugó na magsisiyasat sa salin nitong apat na nahugot; at bago babasahin ang man~ga Pangcat nitong Panucala na nagsasabi n~g paghahalal.

Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pagnaipagpauna n~g Puno ang nabibilin sa unang pangcat n~g núm. 34 ay ipababasa n~g malacas ang pinagcatoosan n~g man~ga tagapagsiyasat at Kagauad gayon din ang sa man~ga sugó, at ang pasiyahin n~g caramihan sa man~ga bating ipaclí sa man~ga salin ó catiuala ay siyang susundin n~g ualang tutol sa pangyayaring yaon lamang.

Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat nang naturang número 34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin sa pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal nang man~ga Tagatayó sa paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na número.

Cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang Puno pati nang man~ga tagapagsiyasat at nang cagauad ang man~ga botos at mahahalal ang macalicom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang muli ang man~ga nagcaroon nang lalong maraming botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap.

At catapustapusa'y ititic nang Kagauad ang casulatan at pagcayari babasahin nang malacas at pag napalagay ang man~ga bating itutol ay pipilma ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong capag nabiguian nang tig-isang salin ang man~ga nahalal, na pipilmahan nang Puno, nang man~ga tagapagsiyasat at n~g Kagauad.

Sa Kapulun~gan nang m~ga matandá cun ihalal ang m~ga catiuala ay ang pagsisiyasat n~g m~ga salin ay gagauin sa oras ding yaon n~g Tribunal, capag naipabasa ang m~ga salin n~g tagapagsiyasat at Kagauad na nahugot. Cun batiin at paualang halagá ang salin n~g alin man sa nahugot na ito ay hahalan~gan n~g ibang pagcaisahan n~g caramihan.

38.--Cun mamatay ó di macacaya ang alin man sa m~ga Tagatayó ay dadayo at haharap sa Kapisanan ang m~ga nagcaroon n~g mababang bilang n~g botos sa m~ga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at cun hindi ay mas gagaua n~g bagong paghahalal sa paraang nasabi na.

39.--Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g cabayanang pinag gauan n~g paghahalal.

Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan.

40.--Ang baua't Tagatayo'y may catungculang man~galaga sa m~ga catuirang quiniquilala nitong Panucala sa m~ga namamayan at magsigasig n~g icaguiguinhaua n~g República at n~g cabayanang caniyang tinatayuan.

41.--Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay tatalagahan sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang gugugulin.

42.--Sino ma'y di macatatangui sa catungculang Tagatayô, Catiuala ó matanda man, sa pagca't ito'y isang suyong dapat gugulin n~g sino man sa caniyang bayan, cun may puri at dan~gal na sinimpan at may pagtin~gin sa sariling cagalin~gan.

43.--Sa unang arao n~g baua't taon ay man~gagtitipon ang man~ga Tagatayó sa calooban (capital) n~g República at gagauin ang hayag na pagbubucas nang Kapisanan, tuloy babasahin ang taonang calatas n~g Presidente n~g República nito ring Presidente, ó di caya'y n~g Presidente n~g Kapisanan cundi taon n~g pagbabago.

Ang man~ga abala at pagpupulong n~g Kapisanan ay mumulan sa nasabing arao hangang catapusan n~g buan n~g Marzo sa taontaon. Ang man~ga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi mapagquilalang yao'y cailan~gan.

Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na ang isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang República at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang dalauang icatlong bahagui nang m~ga Tagatayó.

44.--Ang capanahunan n~g nan~gagcacapisan ay tatagal n~g apat na taon, at cung ito'y macaraan ay papalitan ang man~ga datihan n~g bagong Tagatayo.

45.--Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang pagtatayó nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat nang man~ga salin nitong limang nauna.

Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin, han~gan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong usapan tungcol sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayó. bago lumampás ang sampong arao. Sa susunod nang taon gagauin, pagcatapos nang pagbubucas, ang m~ga quinacailan~gan sa pagpapasiya sa m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayóng maharap na bago.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga paghahalal na itó.

46.--Ang man~ga Tagatayo'y hindi mapaquiquialaman tungcol sa canilang man~ga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may capangyarihan sa ano mang paraan.

Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang Paniualaang ipalagay nito ring Kapisanan. Ang m~ga habla sa ano mang casalanan habang nasasará ay mabibigyang usap na di na magdadaan sa alin mang Paniualaan, n~guni't ang kapulun~gang hahatol ay magpapasabi sa laguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap upang matapos agad. Samantalang ganito'y ang may usap ay di macahaharap sa m~ga pulong nang Kapisanan hangan di maquilalang siya'y ualang sala.

47.--Ang man~ga capangyarihan nang Kapisanan ay ito:

Una. Cupcupin at itangcacal ang man~ga catuirang quiniquilala sa mamamayan nitong Panucalá at pan~galagaan ang ganap na catuparan nang cautusan sa pagbaban~gon at iba pá.

Icalaua. Kumathá n~g m~ga cautusan, magpaliuanag sa m~ga cahulugan nito at paualan n~g bagsic ang m~ga naquiquilalang lipás na.

Icatlo. Ilagay sa catungculan ang mahalal na Presidente nang República capag nadin~gig ang unang Calatas nito sa pagbati.

Icapat. Aminin bago pagtibayin ang ano mang cayaring gauin sa m~ga taga ibang lupa at quilanlin muna ang pagcacailan~gan bago pairalin ang ano mang digma.

Icalima. Magbigay ó tumangui sa capahintulutang quinacailan~gan upang macapasoc ang m~ga sandatahang taga ibang lupa sa nasasacupan nang República.

Icaanim. Pasiyahin taon taon cung maquita ang hamong n~g Presidente n~g República ang Hocbong dagat at Hocbong cati na dapat gamitin sa panahon n~g capayapaan at ang maguiguing caragdagan sa arao n~g digma, at maglagay n~g man~ga cautusan tungcol sa cahusayan at paraang dapat sundin n~g m~ga naturang hocbo.

Icapito. Ipacana taontaon ang m~ga ambagan at ang pagaayau-ayau noon.

Icaualo. Pasiyahin ang dami nang magugugol sa pamamahala sa bayan at pagnoynoyin ang catoosan (cuenta) noon.

Icasiyam. Magtayo nang m~ga Aduana (pamahalaan sa m~ga lalauigan) at maglagay n~g man~ga Aransel ó Tandaan nang m~ga opang dapat sin~gilin sa m~ga calacal na idoong.

Icasampu. Magpasiya nang nauucol sa pamamahala, pagiin~gat at pagaaluas n~g m~ga pag aari n~g República at humiram sa n~galan nito n~g salapi cun baga't cailan~gan.

Icalabingisá. Magdagdag ó magbauas n~g m~ga Katungculang quinacailan~gan n~g isang matipid na pamamahala.

Icalabingdalaua. Pasiyahin ang halaga, timbang, uri at n~galan nang man~ga salapi, at gayon din ang huarang lalong madali at matuid n~g man~ga timban~gan at panucat.

Icalabingtatlo. Guisin~gin at pasulon~gin ang lahat nang paraan nang hanap-buhay at alisin ang man~ga nacahahadlang sa paglaqui.

Icalabingapat. Ilagay ang paraan n~g pagtuturo sa bayan sa boong nasasacupan n~g República at ituro ang man~ga patungtun~gang susundin sa paghuhusay sa man~ga malacas at sa man~ga maysaquit.

Icalabinglima. Magcaloob n~g man~ga Karan~galan at gantí, pati nang capatauaran sa sála, na ihamong nang Pamunoan.

Icalabinganim. At catapustapusa'y pasiyahin muna ang capanagutan n~g man~ga Kagauad n~g Pamunoan, at n~g Presidente n~g República cun ito'y mahahalinhan na.

48.--Ang lugal na pinagpupulun~gan nang Kapisanan ay lubhang cagalang-galang at di mapagpapahamacan at sino ma'y ualang macapapasoc doon cun may bitbit na sandata cahima't ang Presidente n~g República. At hindi rin macapapasoc dito ang m~ga sandatahan, liban na lamang cun ipatauag nang Presidente nang Kapisanan upang maoli ang cahusayan sa loob na guinambala nang man~ga di marunong magbigay puri sa sarili at sa hinahauacang catungculan.

49.--Ang alin mang Tagatayó ay macapaghaharap sa Kapisanan nang ano mang panucala nang cautusan, cailan ma't ito'y gauin sa sulat; at cun ipahayag nang Kapisanan na yao'y marapat pagpulun~gan at pagnoynoyin ay bibiguian n~g salin ang Tanun~gan upang paglini~gin nitó.

Hindi mapagbobotosan sa Kapisanan ang ano mang panucala, cun hindi maquita muna ang man~ga pinag usapan sa Tanun~gan.

Ang man~ga pacaná nang Kapisanan ay may bagsic nang cautusan, n~guni't hindi pa dapat sundin cun hindi pa ilinalat-hala yaon nang Presidente.

50.--Sa man~ga pagpupulong at iba pang nauucol sa panihala at cahusayan sa loob nitong Kapisanan ay ang susundin ay ang man~ga Tagobiling caniyang quinathá.

51.--Ang man~ga Tagatayó sa cabayanang calooban nang República pati nang tigisang pili sa man~ga tumatayo sa man~ga capit cabayanan ang naguiguing Laguing Paniualaan na, cun nasasara ang Kapisanan, ay man~gan~galaga sa ganap na catuparán n~g m~ga Cautusan at siyang tatauag sa man~ga capulong cun ito'y hin~gin n~g Presidente sa pagca't dumaan ang caguipitan ó may pagpupulun~gang lubhang malaquing bagay.

ICAPAT NA CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Tanun~gan (Senado)._

52.--Ang Tanun~gan ay isang cabilugang lubos na cagalang-galang, na quinadoroonan n~g man~ga tauong lalong hirang dahil sa cahusayan n~g paquitang ugali at sa calaquihan n~g naalaman sa ano mang san~gá n~g carunun~gan at paghahanap-buhay.

Ito'y natatalagang magpaliuanag sa Kapisanan at sa Pamunoan sa canicaniyang usap na hinahauacan, upang ang lahat na itadhana nilong dalaua ay masamahang palagui n~g pagcatuga at catuiran; caya't ualang macaaaquiat dito sa mataas na luclucan cundi yaong m~ga piling mamamayan na nagpaquita n~g di caraniuang talas n~g isip at casipagan.

53.--Ang Tanun~gan ang una-unang magsisigasig sa icasusulong n~g pagtuturo sa bayan at n~g gaua sa lupa, gauang camay at gauang mag-calacal, pati n~g m~ga daong na calacalan at pangdigma; caya't pag-aaralan ang malayong inabot n~g m~ga iba't ibang lupa tungcol sa m~ga bagay na ito at iba pang icagagaling n~g República, ihahamong sa Presidente ang pagpapasoc dito n~g man~ga cagagauang hindi pa natatahacan n~guni't napagquilalang mabuti, cucupcupin ang m~ga tan~gi sa caramihan dahil sa talas n~g isip at sa m~ga natuclasang icagagaling n~g lahat at pasisiglahin ang loob n~g tauo sa pagtatayó n~g m~ga samahan at pagpapaquitaan n~g canicanilang gauang carunun~gan paris n~g m~ga peria at exposición at sa pagbubucas n~g mabibilis na daan n~g pagcacaabutan n~g m~ga iba't ibang bayan sa pamamagitan n~g man~ga limbagang marunong magpahatid tungcol cabaitan at catotohanan, palibhasa'y di nasosopalpalan nang casaquiman at cadayaan.

54.--M~ga Apo na tatayó sa Tanun~gan (Senador) at magbibibig sa canicanilang casamahan ang man~ga General at Almiranteng casalucuyang naglilincod; ang Rector ó namamahala sa bucal n~g carunun~gan (Universidad Central) at n~g m~ga Sanayang (Academia) itayó ucol sa alin man san~gá n~g dunong at alám; ang m~ga Decano n~g m~ga Sindicatong itayó n~g m~ga humahauac nang iisang hanap-buhay; at ang m~ga Director n~g m~ga bahay na natatalaga sa pagcacaauang gaua sa tauo, na pinan~gan~gasiuaan n~g Pamunoan.

Ang m~ga nasabing Rector n~g m~ga Sanayan gayon din ang m~ga Decano at Director ay hindi macatatayong Apo, cundi nila hin~gin sa Kapisanan na sila'y, biguian n~g capangyarihang itó sa pagca't ang canicanilang pinamamahalaan ay nacatutulong n~g malaqui sa cagalin~gan n~g lahat.

55.--Macahihin~gi din naman nitong capangyarihan sa Kapisanan at macahuhugot n~g isang Apo sa canila rin ang m~ga casangcap sa malalaquing samahan sa pagcacalacal at iba pang hanap-buhay na itayó n~g m~ga taga Pilipinas upang macapagbucas n~g m~ga mabibilis na daan at magcaabutan ang m~ga malalayong bayan ó di caya'y maisulong ang m~ga naturang hanap-buhay at guminhaua ang lahat.