Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas

Part 4

Chapter 4 2,899 words Public domain Markdown

105.--Sa baua't bahay-bayan ay magcacaroon n~g isang silid na parusahan, sa bauat Hucuman ay isang bilangoan at sa baua't Capulun~gan ay isang Presidio.

Ang pasunod na icacana sa m~ga parusahang itó ay ang lalong nauucol sa pagcaaua sa tauo at sa pagbabalicloob n~g may m~ga sala.

106.--Ang m~ga Cahalili at Hocom pati naman n~g m~ga Pintacasi ay di mapaquiquialaman sa pag gamit n~g canilang capangyarihan at paris din n~g may m~ga catungculang bayan at sandatahan na di maaalisan n~g catungculan cun ualang usap at hindi maililipat sa ibang lugal cundi nila hin~gin ó dumating caya ang panahon n~g canilang pag taas, ayon sa ipinaguutos.

ICAUALONG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa man~ga ambagan_.

107.--Ang Capisanan ang magpapasiya n~g gugugulin sa taontaon sa lahat n~g san~ga nang pamamahala sa bayan alinsunod sa Curuang (Presupuesto) iharap sa caniya n~g Kagauad sa Yaman, at siya ring mag aatas n~g m~ga ambagang macayang ibayad n~g isa't isa ayon sa panucalang (plan) iharap nito ring Kagauad. Sa pagbabayad n~g ambaga'y ualang maliligtas cundi ang m~ga Apo na hindi mahalal na Presidente, Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad n~g Tanun~gan; ang m~ga Punong-bayan, ang m~ga kasanguning bunot sa cabilugan n~g m~ga Catiuala at Matandá at ang m~ga Pan~gulo, na hindi magbabayad n~g anomang ambagan habang gumugusad n~g catungculan.

Hindi rin magbabayad ang m~ga tauong napapasoc sa sandatahan n~g República at ang pangcat n~g m~ga caual sa Hocbong dagat at Hocbong cati.

108.--Pipilitin na ang m~ga ambaga'y tapatan at huag pailalim, bucod sa magaan.

Ang ulohang ambagan (contribución ó capitación personal) ay babayaran n~g lahat n~g tauo na hindi magcacalaman~gan mula sa edad na labingualong taong singcad hangan sa di na macacaya sa gaua sa halagang maluag pasanin n~g m~ga duc-ha.

Ang ambagan sa hanap-buhay (contribución de rentas ó industrial) ay babayaran n~g m~ga sinasampahan n~g halagang lumalabis sa pagaagdon sa buhay na catamtaman, dahil sa hinahauacang pagaari ó hanap-buhay.

Ang ambagang bahay (contribucion urbana) ay dadalhin n~g may m~ga ari n~g bahay na inuupahan ó talagang paupahan.

109.--Macagagamit lamang n~g ambagang pailalim upang macupcup ang m~ga calacal nitong bayan ó di caya'y cun ang bigay na cabigatan ay may cauyang paquinabang, ó cun di ma'y upang mapiguil ang malabis na pagsusunodsunod sa catauan.

Caya't ang m~ga Aransel n~g m~ga pamahalaan sa lalauigan (Aduana) ay isusunod at ibabagay sa guinagamit sa m~ga capit lalauigan (puertos vecinos) at n~g marami sa m~ga ibang sacupan.

Ang papel na may tatac ay gagamitin lamang sa man~ga catibayan (títulos), sa m~ga multá at sa m~ga casundong itititic n~g ualang bayad n~g man~ga Pintacasi sa Pan~gulong Hucuman (Juzgados mayores), at ang papel na pangdigquit ó pangdiquit (timbre móvil) ay gagamitin lamang sa m~ga padalahan sa coreo, sa cauad (telégrafo) at suclian (giro).

Ang lotería ripa at ang m~ga patente sa juego at ang hulugan sa sabong ay maguiguing pan~git, na anino lamang n~g Pamunuang castila, sa pagca't sa haharapin ay ang lahat na laro ó ripang may tayaan ó pustahan ay maguiguing salang paguusiguin n~g may m~ga Kapanyarihan.

Ang m~ga sabun~gan ay mapaparis sa man~ga pareha n~g cabayo, at ipauubaya sa may ibig ang pagcacaná noon; n~guni't babahagui sa paquinabang ang Pamunoan. Kalaquihan na ang pahintulutan ang sabong sa catapusang lingó n~g baua't buan at sa capistahan n~g pagtatayó n~g República, at di na mangyayari sa ibang arao pa.

Sa lugal nito'y ang paiiralin ay ang m~ga Mangharan at peria (Esposiciones y férias), ang m~ga palabas at aliuang macapagsusulong sa m~ga hanap-buhay ó di caya'y macababago sa masasamang gaui ó cundi ma'y macapagtuturo n~g pagquilala tungcol gauang carictan (bellas artes.)

110.--Ang icatlong bahagui n~g man~gasin~gil sa bauat bayan ay iin~gatan sa Tagoan n~g cabayanan na pan~gan~galagaan n~g isang nan~gan~gatungculan sa yaman sa ilalim n~g pamamahala n~g Punong-cabayanan na siyang magaatas n~g pagcacagugulan at n~g m~ga Casanguning-cabayanan na mag hahalihalili sa catungculang umayon sa pagpapabayad.

Ang dalauang icatlong bahagui ay dadalhin sa Caloobang tagoan (Tesoro Central), na paaalagaan sa Banco n~g Pilipinas na uuyanan n~g m~ga tan~ging pagcacaloob, at ang maguiguing catibayan n~g salaping ito ay ang malinis na puhunan n~g nasabing Banco at cun culang pa ay ang m~ga pag aari n~g m~ga calamitang nan~gan~gasiua dito.

111.--Baua't Punong bayan ay tutulun~gan nang m~ga Pan~gulo sa paninin~gil bauat icatlong buan n~g m~ga ambagan, at ang masin~gil ay aalagaan n~g Kasanguning may pagaaring casiyang ipanagot, na siyang pipilma pagtangap sa m~ga tandaan n~g paninin~gil, hangan maisulong ang masin~gil sa Tagoan n~g cabayanan.

112.--Ang Sanguniang-bayan ang gagaua sa taon-taon n~g Curuan n~g pagcacagugulan sa bayan pati n~g panucala n~g m~ga ambagang dapat ipalagay sa caniyang nasasacupan cun may pagcucunan, at ipadadala yaon sa Sanguniang cabayanan na siyang magboboo sa m~ga Curuan sa bayan-bayan upang magcapisanpisan sa Curuan n~g boong cailan~gan n~g cabayanan.

Itong Curuan n~g cabayanan pati n~g panucala n~g m~ga ambagan sa boong Kabayanan at bauat bayan ay ipadadala sa Kagauad sa Yaman, upang mapalagay sa Curuan at Panucala n~g calahatan at mapagsiyasat at mapagnoynoy n~g Kapisanan.

Ang m~ga cailan~gan sa baua't bayan ay tatacpan n~g salapi sa cabayanan, caya't ipaguutos n~g Punong cabayanan n~g macapagpacuha sa Tagoan n~g halagang nasasabi sa Curuang napagtibay na ang bauat Punong-bayan na pipilma sa sulat-bayad (Carta ú orden de pago) ó recibo casama n~g Kasanguni sa Yaman.

Ang m~ga cailan~gan n~g Kabayanan ay tatacpan n~g salapi ding itó at cun magculang ay pupunan sa iniuucol sa calahatan.

113.--Ang m~ga olat (cuentas) ay magcacaroon n~g dalauang hanayan, isá sa pumasoc at isá sa lumabas, at dadalahin n~g m~ga Kagauad n~g Sanguniang bayan at may tungcol nito sa Pamunoang cabayanan: at sa taontaon ay ipadadala n~g m~ga Punong cabayanan sa Kagauad sa Yaman, upang mapag isá ang m~ga olat sa iba't ibang san~ga at maiharap sa Kapisanan.

114.--Ang Pamunoan ay di macauutang sa loob ó labas n~g República cundi quilanlin n~g Kapisanang yao'y cailan~gan at pasiyahin tuloy ang cahalagahan at ang paraang gagauin upang mabayaran n~g unti-unti.

115.--Ang m~ga Sanguniang bayan ang magtutungcol n~g m~ga Talaan n~g tauo at yaman ó pagaari (Centro, Estadística y Catastro), tan~gi ang Talaan n~g hayop, lupa at bahay (Registro de la propiedad) at n~g m~ga paglilipatlipat n~g m~ga bagay na ito, upang tumibay.

Dito sa m~ga huling gagauin ay macasisin~gil n~g camunting upa na siyang pagcucunan n~g magugol sa lahat n~g gagamitin at sa quinacailan~gang catulong at alagad sa Sanayang bayan, pati nang upa n~g Kagauad at n~g Comisario cun maaabot pa.

116.--Ang m~ga Hocom na tagapamaguitan ang magdadalá n~g Talaang bayan (Registro civil) na siyang pagtatandaan n~g pan~gan~ganac, pagcacasal at pagcamatay, at sa m~ga capagalang ito ay macasisin~gil n~g camunting upa na pagcucunan nang gagamitin at ibabayad sa Kagauad at iba pang; catulong sa Hucuman (Juzgado).

ICASIYAM NA CASAYSAYAN.--_Tungcol sa Lacas n~g Bayan (Fuerza militar._)

117.--Sino mang mamamaya'y di macatatangui sa pananandata cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, n~guni't di mapipilit ang alin man hangan may magcusang pumasoc.

Ang Kapisanan ang magpapasiya sa taon-taon n~g dami n~g lacas sa dagat at cati na dapat in~gatan sa cahusayan sa loob at capanatagan sa labas n~g República.

118.--Magtatayó n~g m~ga aralán sa pananandata ayon sa m~ga houarang lalong mabuti na maquita sa iba't ibang lupa, na pagtuturuan n~g lahat nang paraan sa paquiquidigmá sa dagat at cati, at pipilitin na ang pangcat n~g m~ga caual ay matuto n~g m~ga bagay na nasasaclao n~g simulang aral (instrucción elemental).

Ang sino mang maghan~gad mula sa pangcat n~g m~ga caual hangan sa baitang n~g Sargento ay pahihintulutan sa panahong payapa na macapasoc sa m~ga aralan sa pananandata, upang macaaquiat sa pangcat n~g m~ga Puno (clase de Jefes).

Ang pagtaas ay manununton lamang sa catagalan ó sa malaquing paglilincod na napaglinao at natunayan sa pamamag-itan n~g isang hatulan.

119.--Ihahanay n~g Kapisanan sa pamamag-itan n~g nauucol na cautusan ang lahat na quinacailan~gan sa pagtatayó, paghuhusay at pamamahala na lalong mabuti n~g Hocbong dagat at Hocbong cati.

120.--Sa bauat baya'y ang m~ga bagong-tauong sumapit sa dalauangpung taong singcad ay papasoc sa sandatahan n~g República, bucod lamang ang man~ga nagaaral sa m~ga Colegio, Alulod nang carunun~gan (Universidad) ó Bucal n~g carunun~gan (Universidad central), na natatayó sa ibang bayan at ang m~ga hindi macacaya na may tunay na cadahilanan.

Sino ma'y ualang macatatangui sa pag gusad na itó at sa m~ga bagongtauo ring itó huhugutin ang macailan~gan sa m~ga alagang Hocbo (fuerza permanente) cun ualang mag cusa.

Ang m~ga naturang bagongtauo'y magbubucod sa dalauang puctó na maghahaliling gumusad sa bauat anim na buan, cun ang bauat puctó ay di nagcuculang sa dalauang pu catauo; n~guni't cun magculang ay gugusad na lahat sa loob n~g isang taon.

Sila'y pagpupunuan n~g Comisario n~g Pan~galagaan (Policía) at sila rin ang maguiguing lacas na taga pagalaga sa bayanbayan, upang maganap ang m~ga atas n~g Punong bayan at Hocom na tagapamaguitan na siyang malapit nilang Puno at n~g Punong-cabayanan na siyang lalong Puno.

Ang Comisario n~g Pan~galagaan ay bubunutin sa m~ga nahiualay sa sandatahan mula sa baitang n~g Sargento na paitaas, cailan ma't di naquitaan n~g ipipintas na ugali; siya'y babayaran at quiquilanling parang isang Teniente n~g Hocbo at siyang magtatayó at magtuturo sa caniyang acay na lacás na parang tunay na sandatahan sa Hocbo.

Ang nan~gapapasoc sa sandatahan n~g República ay di magbabayad n~g ano mang ambagan at pararamtan at pacacainin n~g Pamunoan sa bayan habang gumugusad n~g catungculan.

121.--Sa calooban n~g República at sa m~ga bayang malalaqui at daldalan n~g sarisaring tauo ay maglalagay n~g isang casamahan n~g m~ga Polisonte, at ang macapapasoc dito ay ang m~ga tauong may pinagaralan at quilalang may inin~gat na dan~gal at tuga ang pamumuhay, na mauauan~gis sa Comisario sa caupahan at catayuan.

Ang m~ga nasabing Polisonte ang siyang man~gan~galaga sa bayan at tutulun~gan n~g lacás na ibigay sa canila n~g Comisario sa paghuhusay, at malalagay para rin nitong Comisario sa ilalim n~g capangyarihan n~g isang Prepecto na babayaran at quiquilanling parang isang Capitan n~g Hocbo.

122.--Pipilitin na sa Hocbong cati at Hocbong dagat at sa m~ga Pan~galagaan ay tingnan n~g m~ga Puno ang canilang nasasacop na parang tunay na anac, cayá susugpuin n~g ualang aua hindi lamang ang paglabag sa Puno cundi naman ang masamang pasunod sa m~ga sacop.

123.--Sa panahon n~g digma ay papapagsandatahin ang m~ga lalaquing ualang asaua mula sa dalauangpu at isang taon hangan limangpu, at cun di pa magcasiya ito ay tatauaguin ang m~ga uala ring asaua mula sa labing ualo.

ICASAMPUNG CASAYSAYAN.--_Tungcol sa pagtuturo sa bayan_.

124.--Ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon n~g tatlong pagtang: una simulang aral; icalaua mataas na aral; icatló m~ga carunun~gan.

Sa simulang aral ay ituturo ang pagbasa, pagsasalitá at pagsulat n~g mahusay nang uicang tagalog na siyang uicang bayan (idioma oficial), at camunting pagcaaninao n~g uicang inglés, pagbilang at n~g m~ga quinauuculan n~g sarisaring bagay na naquiquita sa ibabao n~g lupa (Ciencias exactas, fisicas y naturales), at pupunan n~g camunting pagcaquilala n~g catungculan n~g tauo at n~g namamayan.

Sa mataas na aral ituturo ang dalauang sunduan (curso) n~g uicang inglés at dalaua ring sunduan n~g uicang francés na isasalit sa m~ga iba't ibang sunduan n~g m~ga sipi n~g nabanguit na carunun~gan at iba pang nauucol sa caugalian at pamamahala sa bayan (Ciencias morales y politicas), at n~g m~ga pasimulá n~g pag gauâ n~g m~ga libro at pagsulat sa m~ga limbagan at n~g m~ga gauang carictan (principios de literatura y bellas artes).

Sa m~ga carunun~gan ituturo ang malaqui at ganap na pagcaquilala n~g iba't ibang san~gá na nasasaclao n~g talas n~g isip at talas n~g camay. Sa carunun~gan n~g pilosopia at panunulat ay malalaquip ang pagtuturo n~g uicang latin at griego.

125.--Sa bauat baya'y magcacaroon n~g isang aralán n~g bayan, at dito'y nacapapasoc n~g ualang upa ang m~ga batang lalaqui at babayi na ibig macataroc n~g simulang aral, at ito'y pan~gan~gasiuaan n~g Sanguniang bayan na siya ring magpapalagay n~g m~ga Maestrong catulong sa baua't náyon.

Sa bauat cabayanan na may calaquihan ay pipiliting macapaglagay n~g isang Colegio na pagtuturuan n~g mataas na aral, at sa bauat bayang pinacamalaqui at mainam sa lahat ay magtatayó n~g isang Alulod n~g carunungan (Universidad).

Sa calooban n~g República ay maglalagay n~g bucal n~g carunungan (Universidad Central) at dito at sa malalaquing bayan ay maglalagay din naman n~g m~ga Sanayán (Academias y Conservatorios) sa ibat ibang san~gá n~g carunun~gan, gauang carictan at tálas sa hanap-buhay; casiping naman dito ang m~ga bahay na itinatalaga sa pagcacaauang gauá sa m~ga duc-ha at may m~ga saquit.

126.--Ang m~ga Propesor sa simulang aral ay cailan~gang mag taglay n~g catibayan n~g pagcabatsilier sa mataas na aral, at ang m~ga Propesor dito sa mataas ay magcacaroon naman n~g catibayang hauac n~g isang Licenciado ó Doctor sa ano mang san~gá n~g carunun~gan. Ang m~ga Propesor sa m~ga carunun~gan ay cailan~gang maguing Doctor sa san~gang ituturo.

127.--Casapol nitong pan~gan~galaga sa isip nang bayan ang pan~gan~galaga naman sa catauan, at dito'y sasanayin ang lacas n~g m~ga nagsisipagaral n~g unti-unti hangang matayang totoo at magamit sa pag aagao buhay (lucha por la existencia).

128.--Ang Tanun~gan, at sa capaniualaan nito'y ang m~ga Sanguniang cabayanan, ang cadóroonan n~g mataas na pan~gan~gasiua sa pagtuturo sa bayan, at dahil dito'y pag-aaralan at ihahamong sa Capisanan ang lalong mabuting pagpapatayó n~g m~ga Aralan at ang paraang lalong mabisa upang macapag aral ang lalong salát, at bucod pa'y pan~gan~galagaan na magcaroon ang m~ga Propesor nang catamtamang upa sa pagca't ang caalama'y isa sa malalaquing panulong sa icadadaquila n~g bayan.

129.--Ang m~ga Colegiong iban~gon n~g m~ga mámamayan ay ibabagay sa m~ga sinabi dito.

130.--Capag totoong nacalat na sa boong Capuluan ang uicang inglés ay siyang gagauing uicang-bayan.

MAN~GA CAPUPUNAN.

Cailan ma't aminin n~g Capisanang Tagapagban~gon ang Panucalang ito ay siyang maguiguing maliuanag na sigao at mistulang anino n~g m~ga hinagap at pacay n~g Pagbaban~gon (Revolución); caya't alin mang Tagapagban~gon na mag ibá n~g lacad at di tumulong sa paglalatag nitó mulang maagao ang tagumpay ay tutucuying mag lililo sa caniyang bayan.

Habang umiiral ang Pagbaban~gon ay gagamitin itó n~g Pamunoang Tagapagban~gon na parang pang dagdag na cautusan; caya't itó ang ipupunó sa m~ga caculan~gan n~g m~ga umiiral na cautusan at gagauin ang boo niyang macacaya upang maihandâ ang bayan, n~g pagsapit n~g tagumpay ay caracaracang mapairal at maipasunod ang boong maisasalio at papayagan n~g di ugaling cabagayan n~g digmá.

Capagcatayó n~g unang Capisanan n~g República ay mumulan ang pagcat-há n~g tunay na cautusan sa pagtatayó (Ley constitucional), na huag sisinsay sa m~ga patuntun~gang natititic dito sa Panucala at sa m~ga Pagbabagong ihatol n~g caramihan sa bayan, pagca't ang cautusang yao'y siyang bugtong na catibayan sa pagpasoc sa cabilugan n~g m~ga bayang timaua.

=INDICE=

Sa bayang Pilipinas

Ang tunay na sampung utos n~g Dios,13

Unang casaysayan.--Tungcol sa m~ga taga Pilipinas,17

Icalauang casaysayan.--Tungcol sa República n~g Pilipinas,26

Icatlong casaysayan.--Tungcol sa Capisanan (Congreso),27

Icapat na casaysayan.--Tungcol sa Tanun~gan (Senado),39

Icalimang casaysayan.--Tungcol sa m~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan,43

Icaanim na casaysayan.--Tungcol sa Presidente n~g República at caniyang Pamunoan,45

Icapitong casaysayan.--Tungcol sa panihala n~g catouiran,52

Icaualong casaysayan.--Tungcol sa m~ga ambagan,57

Icasiyam na casaysayan.--Tungcol sa lacas n~g bayan (Fuerza militar),61

Icasampung casaysayan.--Tungcol sa pagtuturo sa bayan,63

M~ga capupunan,65