Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Part 9

Chapter 9 4,221 words Public domain Markdown

Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo. Dinguin ang pag pupuri nang man~ga Santos Padres sa virginidad.[85] Bulaclác nang Santa Iglesia ang tauag ni San Cipriano, hiyas at pamuti nang gracia, larauan nang Dios na pinag niningnin~gan nang caniyang casantosan.

Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid, naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matantó nang man~ga magulang ang cataása,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios. Virgen ang santo Precursor, Virgen ang dibdib nang discipulo at apostol na minamahal sa lahat nang apóstoles, quinalugdan hiniligan at pinahayagan nang matataas na misterios, at Virgen din naman ang apóstol na iniaquiat sa icatlong lan~git, at nacarinig nang matataas na lihim, na di nararapat ipahayag sa tauo, _Et audivit arcana verba quoe non licet homini loqui_ 2. Cor. 12 4.

Caya cun ang dalaga,i, na sasa mundó ma,i, parang na aan~gat, at ang caniyang puso,i, itinalaga cay Jesucristo, ay di dapat pilitin nang magulang sa pag tangáp nang matrimonio, at nang di nila agauan ang hari nang man~ga virgenes nang isang esposa niyang virgen. Isang virgen, na sa isang daa,t, apat na puo,t, na libong virgines, casunod-sunod n~g Cordero[86] ay mapapaquibilang at magcacapalad mag siualat sa harap nang trono nang bagong auit na ualang macacasambit, cun di sila lamang na humaharáp sa Dios, na di nadun~gisan sa mundó.[87]

Cun ang isasagòt sa aquin nang man~ga magulang totoo,t, caaya-aya, na ang isang dalaga,i, mag in~gat nang caniyang pagca virgen, n~guni,t, cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio ó monasterio, ay malaqui ang pan~ganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang mundó. Sa sagot na ito,i, ang itutulot co,i, cun sila,i, itinatalagá nang Dios sa estadong iyan, ay matututo silang umilag sa pan~ganib na icapapahamac, tuturoan nang paraang icapag iin~gat nang calinisan, at cun canilang pagpilitan ay di naman ipagcacait nang Dios ang caniyang gracia.[88] Si Santa Lucia virgen, Santa Filomena, Santa Ursula at libo-libong virgenes na casama niya, ay sa mundò na buhay, ay naca pag in~gat at nang pumanao sa mundó ay taglay ang lirio nang canilang pagca virgen, na inihandóg sa virgeng esposo.

Cun ang dalaga,i, may tacot sa Dios at napa aampon, ay di mapapahamac; at pag dating nang tucsó ay iin~gatan siya nang Dios at ipag tatangól sa casamaán.[89] Dinguin ang nangyari sa isang mapalad na virgen.

Ipinan~gaco ni Santa Cecilia Romana sa Dios na di niya sisirain ang canyang pagca vírgen; n~guni,t, ipinacasal nang ama sa isang baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating nang gabi, nangusap cay Valeriano na esposo niya: aco Valeriano,i, ipinagtatangquilic nang isang Angel at siyang nag iin~gat nang aquing pagca vírgen,[90] caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca capootan nang Dios. Sa uicang ito,i, di naca pan~gusap si Valeriano at nag saysay na siya,i, sasampalataya cay Jesucristo cun maquita niya ang Angel. Ang sagót ni Santa Cecilia ay di mo maquiquita, cun di ca mag binyag. Sa malaquing nása ni Valeriano na maquita ang Angel, na pabinyág cay San Urbano Papa. Nang maguing binyagan na,t, mag sauli cay Santa Cecilia, ay naquitang nananalan~gin na casama,i, isang Angel, nag niningning at nag liliuanag, sabihin ang tacot ni Valeriano nang maquita ang Angel, na tapon ang nasang sisirain ang pagca vírgen ni Santa Cecilia. Tinauag si Tiburcio na caniyang capatid, (si San Urbano rin ang nagbinyag cay Tiburcio) at pinapanood sa cauili-uling Angel. At hangang silang tatlo ay pumanao sa mundó at nan~gaguing mártir ay di rin nasirá ang pagca vírgen ni Santa Cecilia.

Dito maquiquita nang man~ga magulang ang tan~ging pag tatangquilic nang Dios sa man~ga vírgenes, na cahit ano mang masapit ay caniyang ipag tatangcal, cun sa caniya tumatauag at nananalig. Caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic,[91] nang pag papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua. Ang carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang ualang casinghalagáng hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang in~gatan nang magulang, at palibhasa,i, talaga sa lalong camahal-mahalan at cariquit diquitang esposo. Dinguin nang ama at uliniguin nang ina ang uica nang ating Pan~ginoong Jesucristo sa Santo Evangelio: ang santong bagay, ay houag ninyong ibigay sa aso, at houag ninyong ihain ang inyong perlas sa harapan nang babuy.[92]

Ang cahulugán ay di dapat ibigay sa hamac na tauo ang cayamanang talagá sa Dios.

N~guni cun ang caasalan nang anac na dalaga ay di na uucol sa isang vírgen, cun ang mata,i, di mahinhin, na para nang sa calapati, cun di para nang sa lauin na sadyang talas sa pag hanap nang patáy na hayop, cahit mag sabi sa magulang na aayao mag asaua, ay houag paniualaan. Si Job ay Santo may tacot sa Dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at ang Dios ang nag saysay na ualang caparis sa balát nang lupa;[93] ay ang tauong itong ulirán sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tipán sa caniyang man~ga matá, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing tacot na siya,i, mahulog sa calupaan, cun ito,i, Santo na,i, gayon ang pahayag ¿ang babaye pa caya bagang daquila ang carupucán ang maca pag sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui? Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa magaling.

Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malápit ang catauan sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob ang cahalayán, ay houag pabayaang masunód ang masamang cáasalán. Gayon din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calin~gatan nang magulang. Ang uica ni San Pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumaláng sa babaye;[94] ay isa namang tanda nang cabaita,t, calinisan nang isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui. Ang uica ni San Basilio cun ang babae ay vírgen, vírgen naman ang pagtin~gin, vírgen ang caasalan, vírgen ang lahat nang quilos, vírgen ang boong catauan.[95] At cun di rin lamang maca pag iin~gat; nang calinisan, ay iquita agad nang cagamotan sa Santo Sacramento nang matrimonio, sa pagca,t, ang uica ni San Pablo ay mahan~gay mag asaua cun masusunod din lamang nang apóy nang calupaan.[96] N~guni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa dahan-dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa pagca,t, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, o di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha, palaguing an~gil an~gilan o irin~gang caya, sa cahinaan nang loob nang isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa magulang, na mag asaua sa di nila ibig. N~guni, ¿ano ang nasapit nang man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang napapahamac lalo,t, cun may ibang na iibigan. Nag papahayag nang óo sa ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa canilang catipán. Ano pa ang nasasapit cun macasál na? Ang asaua,i, di mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig. Cun magca gayon na,i, ¿ano ang quinahihinatnán nang ganitong matrimonio? Ang lalaqui,i, nag sasaua, palaguing namumuhi, ang babaye nama,i, gayon din sa munting magca bihira,i, nag tatalo ang mag asaua at ang quinasasapita,i, ang alin man sa dalaua,i, naca iisip mag lilo. ¿Sinong may casalanan cun magca gayon, cun di ang nag camaling magulang? Pacatantoin nang ama,t, ina na ang pumilit sa anac sa pag aasaua ay casalanang daquila, sapagca,t, ipinahamac ang canilang caloloua. Ang uica ni San Pablo,i, ang capangyarihan nang magulang ay di dapat gamitin sa icapapacasamá nang anac cun di sa icapapacagaling.[97]

Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panahón ay mag nasang tumangáp nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang carunun~gan na itutupád nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t, cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan. N~guni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan, nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin. N~guni ¿sino caya itong mapalad na Estudiante?[98] Cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap nang orden sagrado, ay pan~ganib na mapacasama. Houag ipahintulot nang magulang na ang, caran~galan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap nang orden sagrado. At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay pacasansalain.

Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao. In~gatan cayong mag asaua nang Dios at ni Guinoong Santa Maria.--ISANG SACERDOTE

SANTONG ARAL NANG ISANG MAGULANG SA MAN~GA ANAC BAGO PUMANAO SA MUNDO.

_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBONG....

URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap; siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga mata.[99] Mumulang co ang salita.

Si ama nang á las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay natisod sa lansan~gan, narapá ay nabalian sa dibdib. Capagcarapá ay dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamdám cong dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na napipiquit ang matá, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di macáyanan. Gayon man ay tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing caalio-alio: _huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din_. Sa salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang patac na luhang tumama sa noó ni ama. Siya namang pag dating ni ina at ni Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay. Dito co na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca higá sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib, inaapóy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na gulong-guló ang pulsó. Nang á las seis nang hapon cami ay tinauag na lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i, nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,[100] at hangang nan~gin~gibang bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcób nang pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.[101] Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa harapan nang Dios.[102]

Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang marinig na ang tugtog nang campana sa pag labás nang Viatico, ang catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit na iyon. N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao. Marahil Urbana,i, na aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,[103] caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcapán nang Sacramentong Extremauncion ay pinapag daop ang camáy, ibinabá ang matá at hinin~gi cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.

¿Ano caya bagá Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang ipinagcaloob mo sa aquin?[104]

N~gayon tinangáp co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,[105] ay sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang pag panao sa mundó ay inaasahan co na ipag tatangól mo aco sa man~ga caauay co.[106].

Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.[107]

Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.[108]

Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua.[109]

Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.[110]

At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugó, oh Dios na Pan~ginoong co.[111]

Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.[112] Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.[113] Cun itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si Honesto,t, aco, at cami binendicionan.

Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.[114] Nang maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang hinin~ga.

Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis, dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan, n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.

Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol, ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang Beaterio, tumalicod sa mundò, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan hangang sa camatayan. At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong malinis na para nang isang vírgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.[115] Bilin pa sa amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatáy, cun di cun siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at nang di na pagca abalahán, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun ano ang bilin ay siya co namang sinunód.

Sa pag cacasaquít ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang nag si dalao, naquiramay sa aming hapís, marami rin naman ang quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang dumalao, ay dili naualán nang tauong cun di nasansala, ay nacaguló disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co alalayan nauá nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib.--FELIZA.

CAHATULANG UCOL SA PAG AYON SA CALOOBAN NANG DIOS

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mulá nang saquít ni ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan, ang pag aayunar, ay ihandóg natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. Ipag handóg nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnán nang hirap dito sa buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at sumaclolo doon sa isang buhay.

Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua.[116]

Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na man~ga cahatolan.

Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing pag tiponan nang di mamagcanong, sáquit ang caniyang dibdib, ay nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang siyang mangyari, cun di ang calooban mo. Ano ang nararapat n~gayon cun di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.

Houag uicain, na cun di nagca malí ang médico ay di sana namatày, cun di guinamót nang mahusay, cun pina inóm nang gayon, cun tinapalan nang ganoon, di disin napahamac. Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang médicong gumamót ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala ang saquít, hindi matutuhan ang tapal na gamot. Dinguin ang nangyari sa Seraphin sa pag ibig cay Jesús na si Santa Teresa de Jesús.

Nagca saquit nang mabigát ang isang mongja na minamahal niya, sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.

Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang médicong gumagamót, ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa matá nang isang Angel. Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang médico,i, di matutong gumamót sa may saquít, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa isang buhay. Caya ualá siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa.

Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di pa tapós ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apóy na galing sa Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtás at nang sa iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating, ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na Pan~ginoon.

Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran nang pag titiis. Hindi tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios. Ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i, pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pan~galan.[117]

Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.