Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal, na Hinañgo sa Novela

Part 2

Chapter 2 4,261 words Public domain Markdown

Sa pag mamadali ni Sofia naman ang casi,t, esposo,i, quinagugutuman, hindi natatanto,i, ilinutong minsan ang m~ga bitoo,i, balat ualang laman.

Hinan~go sa palloc niyong maluto na saca pa naalman~g man~ga balat pala, ang uica sa anác ay cun baquin baga man~ga ualang laman ano,t, nanglimot ca.

Sa dalauang matá luha,i, bumalisbis nalumbay ang loob at siya,i, tuman~gis, boong acala co at lulan nang dibdib may ma-iuulam ang esposong ibig.

¡Ay! baquit ca caya naman nagca gayon pumulot nang balat na sa tauong tapon, sa tubiga,i, di ca palá nag tutuloy bitoong marami doon naroroon.

Hindi na tumutol sa uica nang iná nag balic na muli na nag madali na, tumauid nang ilog at hinanap niya ang quinalalagyan bitoong lahat na.

Natagpuan niya yaong caramihan nanglimot na siya,t, lagay na sisidlan, ano,i, nang mapuno,i, umoui na naman at ang ala ala iná,i, nag-iintay.

Natoua ang loob nang siya,i, dumating ang uica,i, ito n~ga bitoong magaling, linuto pagdaca,t, caniyang inihayin sa sintang asaua ay ipinacain.

Sa aua nang Dios at Vírgen María niyong macacain nag tamóng guinhaua, inulit cay Juan niyong canyang iná baquit sa primero,i, balat ang dinala.

Ang cay Juang Tamad na ipinag turing iná po,i, di baga yao,i, bitoo rin di ninyo sinabi at ipinalining bitoong may lama,i, siya cong cucunin.

Ang uica sa canya,i, icao pala naman di naquiquilala bitoong may laman, lumuti,t, may taquip iyong tatandaan cun icao ay aquing muling pag utusan.

Cayo po ang tacsil ina,t, hindi aco di liniliuanag cun mag utos cayo, di dapat sisihin acong anác ninyo ualang casalanan at na sasa inyo.

Sa ganitong pulong at pag uusapan asauang may damdam naquiquinig naman, nag uica,t, sinabi na may catouiran esposa cong sinta ang anác tang iyan.

Sagót ni Sofia sa casi,t, esposo sa anác tang iya,i, nag tataca aco, di naman marunong at ualang estudio cun baquit maalam parang abogado.

Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin nang na sasa pulóng aquing cacaonin, sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin tanang significa ay ipinalining.

Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob sa canitang anác maalam at talós, pag quinacasihan niyong Poong Dios daig pa n~ga,t, talo ang nan~gag estudios.

Salamat sa Dios ang uica nang amá at di man nag aral may sinimpang ciencia, cahimanauari ay ituto siya sa capayapaan na toua,t, ligaya.

Sa usapang yaon nang canyang magulang hindi umiimic cahit caputoc man, anopa,t, ang puso,i, tumatangap naman nang galac na toua ayon sa sinaysay.

Ano,i, nang matapos ang canilang pulong sa amá,t, sa iná ang uica ay gayon, man~ga loob ninyo,i, houag malingatong at mag hahanap na mag pamula n~gayon.

Maguing ilang arao siya ay nalis na reino nang Portugal ang canyang pinunta, ang nasa nang loob at ticang talaga balang hanap buhay papasucan niya.

Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap uala siyang gaua cun hindi humicap, ang pagcain niya ay sa batóng in~gat doon humihin~gi pag dating nang oras.

Sa lugar na ualang sucat macaquita siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na, saca sasabihing daling mag handa ca n~g comida,t, aco ay nagugutom na.

At pagcacatapos siya,i, macacain ang uica sa bató,i, madaling ligpitin, inaala ala ay baca malining nang capoua tauo na sino ma,t, alin.

Nang maguing sanglingo itong nacaraan pagca tahan niya sa reinong Portugal, isang hating gabi,i, na catahimican batóng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.

At sinabi niyang icao aquing bató na bigay sa aquin matandang Nuno co, daluang sacong bigas sa ami,i, dalhin mo para cacainin nang amá,t, iná co.

Gayon ang pan~gulam ay iyong samahan sundin mong madali,t, huag cang magculang, nang oras na yaon agad naganapan sinunod nang batóng canyang casangcapan.

Ano,i, nang maguising ang amá at iná daluang sacong bigas naquita pagdaca, sa guitna nang bahay at may casama pa na isda at ulam loob ay nag taca.

Ináng si Sofia ay agad namanglao malaquing totoo dalang gunamgunam, ang esposong sinta,i, canyang tinauagan aco ang uinica,i, hindi mapalagay.

Ito,i, saan galing na bigas na ito taglay cong pangamba,i, malaquing totoo, baca ito,i, dala nang anác tang bunso pinagmulan nito ay ala-ala co.

Ang paquiramdam co cataua,i, malambót hangan di co ito matanto,t, matalós, asaua cong sinta sa gusto co,i, sunod nang di alinlan~gan ang puso co,t, loob.

Icao ay umoui,t, pumasoc sa reino ang man~ga tindaha,i, pauang libutin mo, na cun may nangyaring anoman at ano hindi masasarhan ang bibig nang tauo.

Sa sintang esposa si Fabio,i, sumunod umoui sa reino at nag libot libot, siya ma,i, may roon na dala ring tacot na hindi mauala pan~gambá nang loob.

Nang ualang maquitang man~ga capulun~gan ni balitang hugong tungcol sa nacauan, cun dito,i, may roong tindahang naualan hindi malilihim pilit maaalman.

Lumagay ang loob umahon na siya sa Visadang villa tumun~go pagdaca, ano,i, nang dumating bati ni Sofia ano ang lacad mo n~gayo,i, magsabi ca.

Ang sagót ni Fabio esposa cong irog ang bagay na yao,i, ualin mo sa loob, lahat nang tindahan ay aquing nalibot ualang nanaualan houag cang malungcot.

Man~ga calumbayan ni Sofiang sinta nang matanto yaong sabi nang asaua, nasaulang muli para nang dati ca anác niya lamang siyang ala-ala.

N~gayo,i, sanglingo nang nacaalis dito di pa bumabalic na guilio na aco, saan cayang lugar yaon napatun~go baquin di hanapin sintang asaua co.

Ang sagót ni Fabio,i, houag cang manimdim cun hindi narating aquing hahanapin, di baga,i, nang malis paalam sa atin mag hahanap búhay cacainin natin.

Totoo n~ga yaon sangayonan quita mag hahanap búhay nang paalam siya, una,i, ang pag guilio saca ang isa pa maalman ang bigas cun saan quinuha.

Hindi na natuloy si Fabio,i, naghanap cagyát sa darating ang canilang anác, nan~gag comustahan saca siniyasat cun sinong nagdala daluang sacong bigas.

Aco po ang sagót mahal na iná co ang siyang nag utos nag padala rito, at ala-ala co,i, magugutom cayo pinag hanapan po ang ibinili co.

Anác co,i, cun caya hindi mapalagay loob co,i, palagui na may gunamgunam, at hindi mauala pag aalinlan~gan pinag mulan nito,i, ibig cong maalman.

Diyata,i, cun gayong pinag hanapan mo malaqui ang toua nang puso,t, loob co, anong colocacion tanong co sa iyo ang pinapasucan ay anong trabajo.

Iná po,i, bala na na nacacayanan na iniuupa nang sino,t, alin man, pinapasucan co,t, macaquita lamang maiisustento sa man~ga magulang.

Sa iyong tinuran oh bunsó cong sinta tinangap cong toua,i, ualang macapara, caming nag aruga,i, inaala-ala cacasihin ca rin nang Dios na Amá.

Aalis na muli,t, ang pag hahanap co iná,i, matitiguil cun tumahan dito, pinuntahan niya,i, Portugal ding reino,t, marami na roon siyang amistado.

Ito,i, sabi lamang sa canyang magulang na siya ay doo,i, mag hahanap buhay, bago,i, ualang gaua cung hindi mag pasial sa man~ga amistad naquiqui paglibang.

Cun caya marami siyang caquilala dahil sa ugaling ipinaquiquita, sinomang mag utos sinusunod niya houag lamang hindi niya nacacaya.

Cun siya,i, pacanin nang alin ma,t, sino ay hindi cumai,t, ayao na totoo, uiuicain nila,i, icao ay paano panagót na lamang ay busóg pa aco.

Siya ay mayroong naguing caibigan na casama sama sa gabi at arao, saan man paroo,i, di naghihiualay parang magcapatid ang pagsasamahan.

Caibigang ito,i, taga Babilonia capoua binatang pareho ang dalua, caya naroroo,i, layás sa canila ang sabi,t, pahayag tumampo sa amá.

Mana,i, isang arao sila,i, may naranan na maraming tauo,t, mayroong baysanan, sila ay pumanhic ibig na matingnan ang novio at novia na bagong quinasal.

Palibhasa,i, dati at caugalian na tungcól casam ento ay mayroong boda, ang nan~garoroon ay niyaya sila at pinacacain magcasamang dalua.

N~gala,i, Feliciano niyong caibigan pagdaca,i, dumulóg na cumain naman, si Juan ay hindi,t, totoong naayao siya rao ay busóg ang sagót sa tanan.

At nang macacain ay napaalam na sila,i, nag pupulong sa paglacad nila, ani Feliciano aco,i, nag tatacá caibigang Juan cung baquit gayon ca.

Umaga,t, tanghali maguing sa hapunan di co naquiquita na cumain icao, icao baga,i, santong ualang cagutuman sa iyo ay aco,i, nag cacamamanghan.

Caibigang Sanoy aco,i, hindi santo naguing ugali na capagca bata co, pagdating nang oras ang guinagaua co iinom nang tubig ay busóg na aco.

¡Jesús! ang uinica niyong caibigan namamaang aco sa iyong tinuran, ¿sino caya baga sa mundong ibabao sa tubig na lamang tauo,i, mabubuhay?

Ang sagót ni Juan aco n~ga amigo sa pag inom lamang nabubuhay aco, magaling pa icao ani Feliciano ualang cagastahan at daig mo aco.

Bago,i, hindi gayo,t, ang paraan niya cusang nahiualay sa canyang casama, at sa batóng in~gat niyang encantada doon humihin~gi nang pagcain niya.

Hahanap nang lugar mabuting tayuan na uala sinomang sucat macamalay, at cun matapos na,i, babalic na naman sa cay Felicianong canyang caibigan.

Ganitong palagui guinagaua niya hindi natatanto nang canyang casama, sa laqui nang hili siya ay gumaya nainom na lamang cung nagugutom na.

Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit cataua,i, humina,t, naratay sa baníg, sa canya ay uala sinomang nalapit na tumin~gin baga at mag malasaquit.

Sa bahay na canya na tinutuluyan hindi naman siya pinaquiquialman, maliban cay Juang canyang caibigan ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.

Ang saquit na yao,i, iquinamatáy na sa mundo,i, pumanao ang canyang hinin~ga, mapanaghiliin ay di sucat palá at di cagalin~gan ang naguiguing bun~ga.

At nang mamatáy na ay uala sino man na tauong nalapit bilang maquialam, palibhasa,i, uala na camag-anacan maliban cay Juang canyang caibigan.

Pinasán ni Juan bangcáy ay dinalá yaong cementerio ay tinun~go niya, at pagdating doon ay humucay siya inabot nang dilím di nalilibing pa.

Nang oras na yaon ay may cadilimán linapitan siya,t, pinag sungabanan, sa laqui nang canyang man~ga catacutan nag tacbo pagdaca,t, bangcáy ay iniuan.

Naualan nang loob isip ala-ala sigla nang malaquing catacutang dala, palibhasa,i, dilím ay hindi maquita pinto nang libin~gan na lalabsan niya.

Cun caya malaqui dalang catacutan na sa loob niya,t, laguing gunam gunam, sumungab sa canyang marami,t, cabanan ay man~ga caloloua nang naroong patáy.

Ang boong acala,i, na sa huli niya cabang nag sisungab hinahabol siya, sa quinatatacbo,i, halos ang hinin~ga di na magca uli at humihin~gal na.

Nalugmoc sa lupa sa laqui nang pagod halos ang hinin~ga niya,i, nan~gan~gapós, sapagca lugami sumilid sa loob ¡Jesús co! ang uica ilayo sa tucsos.

Itong uicang Jesús nang canyang masambit nasaulang loob luminao ang isip, sampong catacuta,i, napaui,t, naalis pinto nang libin~gan ay canyang nabatid.

Nag labas na siya at nag patuluyan tinun~go ang dating bahay na urun~gan, nang quinabucasan canyang naisipan umalis na roon sa reinong Portugal.

At noui nang muli sa Visadang villa ang amá,t, ang iná,i, dadalauing sadyá, ano,i, nang dumating sabihin pa baga ang toua nang loob nang magulang niya.

Ang uica n~g iná,i, salamat sa iyo lubhang malaqui na man~ga pag-guilio co, comusta ang búhay ¿oh bunsóng anác co? at saan nagbuhat pagdating mong ito.

Sagót na tinuran iná co,t, magulang pinangalin~gan co,i, ang reinong Portugal, cusang naparito,t, cayo,i, dinadalao cabuhayan ninyo,i, ibig cong maalman.

Lubós yaring toua n~g puso,t, loob co di mo linilimot caming magulang mo, cacasihin ca rin n~g Poong si Cristo pamamanahin ca ligaya sa mundo.

Dapua,t, ang iyong minumutyáng amá mulá nang gumaling ang saquít na dalá, pumirme na rito,t, di umaalis pa cataua,i, mahina,t, di para nang una.

Ang sagót ni Juan ano pong gagauin diyata,i, cun siyang caloob sa atin, tibayan ang puso,t, tumauag dalan~gin sa Dios at tayo,i, caaauaan din.

Lumapit sa amá,t, humalíc sa camáy at saca nag-uicang ito ang tinuran, calagayan ninyo,i, houag ipamanglao tiisin ang hirap Dios ang may bigáy.

Cahima,t, mahina ang catauan ninyo at cayo po amá,i, di macatrabajo, dumalan~gin lamang tayo po cay Cristo hindi mauauala ang aua,t, saclolo.

Ang cacanin ninyo sa gabi at arao amá po ay cayo,i, aquing padadalhán, caya po naalis nag hahanap buhay maisustento co sa man~ga magulang.

Di lubhang nalauon doon sa canila siya,i, napaalam sa amá,t, sa iná, aalis na muli,t, ang nasa co,t, tica ang tutun~guhin co,i, reino nang España.

Lumuhód sa harap n~g canyang magulang bendición po ninyo aco,i, pabauonan, ang camáy nang amá,i, iguinauad naman pinahalíc niya at benendicionan.

At saca sa iná ay siya,i, lumapit hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc, benendicionan di,t, ang uicang sinambit ang paroronan mo naua ay masapit.

Naglagos na siya,t, tinun~go pagdaca ang talagang nasang reino nang España, nang dumating doon nagpapasial siya ang loob nang reino,i, linilibot niya.

Naglilibang siya sa man~ga tindahan at umaamistad sa canino pa man, palibhasa,i, bagong cararating lamang humahanap siya tutuluyang bahay.

Ang ugaling dati capagcaraca na cun sa ibang lugar naroroon siya, dating catamara,i, linilisan muna maalam sumuyo,t, loob ay maganda.

Cun paquiusapan nang alin ma,t, sino tungcól sa anoman na cayang trabajo, loob ay malinis sa capoua tauo madaling cumita man~ga amistado.

Di humabang arao pagcatahan niya sa Españang reino,i, may caquilala na, doon na tumuloy at naguing casera sa arao at gabi ay urun~gang sadyá.

Ang caserang yao,i, may binatang anác na casama-sama ay ni Juan Tamad, sa loob nang reino ay pahicap hicap casayahang madla,i, siyang minamalas.

Cun matapos silang macapag pasial na ooui sa bahay magcasamang dalua, caibigang ito,i, tantong nagtatacá at di mapacain doon sa canilá.

At sa encantadong bató niyang in~gat laguing humihin~gi pagdating nang oras, cagagauang ito,i, lihim at di hayág ni sinoma,i, uala na nacatatatap.

Pumucao sa loob at naala-ala baca nagugutom ang magulang niya, humin~gi sa bató niyang encantada dalhan nang cacanin ang amá at iná.

Guinanap pagdaca na hindi naliban n~g oras na yaon man~ga cahin~gian, natoua ang loob nang canyang magulang sila,i, may cacanin sa gabi at arao.

At natatanto na n~g magulang niya ang bigas na yao,i, sa anác na dalá, hindi lamang batid nila,t, natataya anác ay mayroong batóng encantada.

Ang magcaibiga,i, muling sabihin co sa umaga,t, hapon sila ay paseo, Tamad na si Jua,i, bihasang totoo na ualang trabajo mulang maguing tauo.

Doon sa canilang man~ga pagsasama nalilibot nila loob nang España, capag may naranang dalagang maganda ang uica cay Juan ay ibiguin mo na.

Isasagót nama,i, ang bagay na iyan uala sa loob co,t, di pa gunam-gunam, ang pagparito co sa Españang bayan di iyan ang hanap cundi caibigan.

Mana,i, isang arao naparaan sila sa tapat n~g torre n~g bunying princesa na na sa bintana,t, sila,i, naquiquita ang pinagmamasdan ay silang dalaua.

Natin~gala naman ni Jua,t, namalas n~ginibitan niya,t, sinusuliap suliap, princesa Leonila ay napahalac-hac natoua sa anyong nan~gibit nasuliap.

Ani Juan Tamad ay tingni amigo nataua sa aqui,t, na-iibig aco, tumiguil na cusa titingna,t, tutun~gó toua nang princesa ay di mamagcano.

Uica nang princesa sa canilang dalua hayo,t, magpatuloy na cayo,i, malis na sa catouaan co,i, ang aquing hinin~ga nan~gan~gapós halos di na macataua.

Nalis na n~ga sila na nag madalian at noui na naman sa canilang bahay, magmula na noon bagama,t, napasial di napaparoon cundi noon lamang.

Di naman nalauo,t, ang bunying princesa loob ay pumanglao at nagca balisa, hindi magca uasto loob ala-ala catauan ay hindi capara nang una.

Misterio nang Dios na sucat pagtac-han princesa Leonila,i, nag laman ang tiyan, ang loob at puso ay di mapalagay sa dagsang sacuna na cahambal hambal.

Puso,i, nalugami at tatan~gis-tan~gis sa dalauang matá luha,i, nabalisbis, ang loob ay guló puputoc ang dibdib sa di maulatang signos na sinapit.

Di icacatulog sa gabi at arao at pinapanimdim ang cahihinatnan, baquit caya baga yaring capalaran palad na quiquitil nang tan~gan cong búhay.

Hindi co malirip ang bagay na ito cun ano,t, sinapit nang imbing palad co, ualang masasabi cahiman at anó cundi ito,i, signos nitong catauan co.

Paano ang aquin n~gayong calagayan puri co,i, uala na anong casaysayan, ang libác at pula nang tauo,i, cacamtan di ano pang aquin na capapacanan.

Icao catauan co caya ay paano n~gayo,i, saan caya aco patutun~go, mabuhay man baga ang tauo sa mundo cun uala nang puri parang gamó-gamó.

Ang lalong matinding inaala-ala di co icacain sa toui toui na, cun ito,i, maalman n~g hari at reina na amá,t, iná co,i, magcacamit dusa.

Sa mundo,i, uala na,t, para cong pinatáy ang nagcalauin~ging pinagcautan~gan, nasira ang puri,t, parang pinugayan cun matanto ito,i, capalít ang búhay.

Himalá nang Dios na bigay sa aquin signos co na yata at planetang linsil, ualang naaalmang daang maguing dahil nang sacunang itong aquing nararating.

At sa torreng ito,i, mulá nang matira aco,i, ualang sucat gá masasabi na, cundan~gan n~ga yata signos co,t, planeta caloob sa aquin nang Dios na Amá.

Cundi noong minsang mamintana aco taóng nagdaraan ang dalua catauo, isa,i, tumin~galá at naquita aco tumaua,t, n~gumibit ay natoua aco.

Dili co mataróc matapos isipin ang nangyaring yao,i, sumasapanimdim, diua ay yaon n~ga,i, siyang naguing dahil pinagmulán nitong sacuna,t, hilahil.

Dios na Poong co,t, Pan~ginoong Amá calarahin aco,t, iyong ipag-adyá, sinapit cong ito,i, malaquing pan~gambá titiisin co po cun iyong talagá.

¡Oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo! patnubayi aco at ipagtangól mo, sacuna,t, lingatong niyaring catauan co matiis co rin po,t, ilayó sa tucsó.

Aco man ay ualang inaala ala sucat pagbayaran na guinauang sala, cun ito,i, maalman nang hari cong amá buhay co,i, peligro,t, cacamtan co,i, dusa.

Maguing limang buan itong nacaraan ang bunying princesang tiguib hapis lumbay, di niya maisip damdam nang catauan cabuntisan niya,i, halata nang tunay.

Yaong si D. Feliz hari niyang amá at ang reina Inés na casi,t, esposa, pumanhic sa torre at vinivisita ang canilang anác princesa Leonila.

Ano,i, nang dumating sa torreng tahanan ang hari,t, ang reina,i, tantong napamaang, cun baquin anila,t, ang princesang mahal di sumasalubong sa aming pagdatal.

Princesa Leonila,i, hindi macaharap sa amá,t, sa iná matá,i, di isuliáp, ang tacot at hiya ang dumadagabdab sa dibdib at puso ay hindi maagnas.

Nang oras ding yao,i, nahalata nila yaong cabuntisán n~g bunying princesa, naboual sa tindig pareho ang dalua naualan nang loob isip ala-ala.

Nang mahimasmasang pag saulang isip ang hari,t, ang reina buman~go,t, nagtindig, ang uica nang amá ¿oh anác cong ibig? ano,t, gumaua ca nang hindi matouid.

Reinang iná niya nama,i, ang uinica ¿oh anác cong sintang sa puso co,i, mutyá? baquin baga icao ay nag pacasira puri,i, sinayang mo,t, uinalang bahala.

Di muna linin~gón caming namuhunan nagcandi candili,t, nag pala palayao, guinugol ang puyat at malaquing pagál saca ang ganti mo,i, laso,t, camatayan.

Acong nag aruga,t, nag pasupasuso nagtiis nang hirap sapol pagcatauo, di mo na dinamdam inala-ala mo puri,i, inin~gatan tiquis cang naglilo.

Macetas ca nami,t, sa matáng aliuan camuc-ha ay rosas sadyáng caban~guhan, man~ga loob namin at dinadampiohan anomang sacuna,i lunas ca at cordial.

Saca n~gayo,i, ito ang ganti mo,t, bayad tubo,t, paquinabang sa pagál at puyat, palamara,t, tacsil anác na dulin~gás anác na souail campón ni satanás.

Ang bunying princesa,i, naluhod pagdaca na bumabalisbis ang lúha sa matá, mahal na iná co aco,i, natalaga cabit yaríng búhay n~gayon ay quitlin na.

Iná,i, pag hinaho,t, sandaling paquin~gan ang ilang catagang sa inyo,i, tuturan, marapat n~gang aco,i, inyong paratan~gan parusa,i, ilagdá at may casalanan.

Mahal na iná co ay signos co yata at palad na lihis bucod sa capoua, ualang nasasabi diua ay himalá n~g Dios na Hari nang Lan~git at lupa.

Unauain ninyo mahal na iná co pinagmulan nitong pagcacaganito, noong isang arao nanunun~gao aco taóng may nadaan na dalua catauo.

Natin~gala aco,t, nagpanamang titig aco,i, tinauana,t, sa aqui,i, n~gumibit, di co napiguilan natouang masaquit sa naquitang anyong anaqui bolislis.

Magmulá na noon ay nagca balisa sa aquing cataua,i, may nababago na, ito n~ga po iná aquing naguing hanga ualang uala acong masasabing ibá.

Diua,i, ito,i, signos at planetang linsil na bigay nang Dios caloob sa aquin, tinatangap co po,t, aquing titiisin sampong yaring búhay ay inihahayin.

Narin~gig na ninyo mahal na iná co Dios ma,i, sacsihi,i, totoong totoo, lahat cong casama ay tanon~gin ninyo cun may masasabi cahiman at sino.

Sa sinabing yaon n~g bunying princesa ang mahal na hari,t, ang mahal na reina, hindi umiimic linilining nila ang man~ga sinaysay nangyari sa canya.

Man~ga dibdib puso nila,i, alinlan~gan at dili maisip ang pag papacanan, tumauag sa Dios na sila ay bigyán lubos na payapa at caliuanagan.

Ang hari,t, ang reina,i, n~g macapag-isip gayari ang uica,t, canilang sinambít, sa tahanang ito,i, di cana aalis layao ay di mo na n~gayon masisilip.

At tuloy umalis nang ma uica ito tumun~go na sila sa real palacio, magmulá na noon loob nila,i, guló hinayang sa anác ay di mamagcano.

Tinasahan nila sa canyang pagcain sampong ala-ala,i, pinaram pinouing, nauala sa loob toua at pag-guilio di na alintana anomang marating.

Ano,i, nang sumapit yaong cabouanan na capan~ganacan nang princesang mahal, sa aua nang Dios at Vírgeng maalam nacaraa,i, ualang sacunang anoman.

Cambal nang man~ganác capoua lalaqui maganda ang quias pauang mabubuti, tumauag n~g hilot at ang servidumbre na casama niya sa arao at gabi.

At siya rin naman ang naquiquialam buhat nang man~ganác ang princesang mahal pagcai,t, lahat nang man~ga cailan~gan ang criadang yao,i, siyang nagbibigay.

Pan~gala,i, Ursula nang canyang criada na may cabaita,t, hustong umarregla, princesa Leonila,i, tumanong sa canya cun anong mabuti na gauing magandá.

Nan~gun~gusap siya luha,i, naagay-ay sa dalauang matá ang camuc-ha,i, cristal, yamang talastas mo yaring calagayan maguing iná ca nang dapat pagsabihan.

Ano caya bagang marapat cong gauin ali,t, sino cayang papapag anaquin, aco,i, ualang sucat na dapat tanon~gin hatol mo ang siya na aquing susundin.

Sagót ni Ursula sa bunying princesa cun gayon po,i, aco siyang bahala na, pinaronan niya cabo de la guardia at nagsabi siyang ganito ang badyá.

Don Federico,i, caya aco naparito,t, sa inyo Don Andrés mayroon pong gusto princesa sa torre inutusan aco daluang anác niya,i, hauacan dao ninyo.

Sagót nang dalaua dito cay Ursula sabihin mo,i, oó sa bunying princesa, yaong m~ga bata,i, inyong ipasoc na doon sa simbaha,t, cami susunod na.

Nasoc na n~ga sila,t, canilang dinatnan yaong daluang batang aanaquing tunay, hinauacan nila, at nang masangcapan nang mahal na padre, ang ulo,i, binusan.

Isa,i, ang pan~gala,i, Antonio de Risa icalua,i, ang n~gala,i, Feliz de Carcaja, lumabás na sila,t, nouing para-para man~ga bata nama,i, sa torre dinalá.

Loob nang princesang na sa capanglauan man~ga anác niya,i, niyong mabinyagan, naisban nang munti,t, ang uicang tinuran Ursula ay ano ang man~ga pan~galan.

Pan~ginoong mahal princesa Leonila ang man~ga pan~galan anác ninyong dalua, isa po,i, ang n~gala,i, Antonio de Risa ang isa po nama,i, Feliz de Carcaja.

Ang dalauang bata,i, capoua maquisig ang pan~gan~gataua,i, pareho ang tindig, ang tabas n~g muc-ha ay paris na paris nag tataglay toua balang macamasid.

Lacás nang paglaqui nang batang dalaua parang binubunot ang paghaba nila, maguing limáng taón ang edad na dalá ang loob nang hari totoong balisá.

Ang uica sa reina esposang sinta co sandaling paquingan ang sasabihin co, lulan nang loob co,i, cun aayunan mo paalsin sa torre mag-iinang tatlo.

At di co na ibig na doo,i, matirá cundi ang gusto co,i, maualay sa matá, cun palagui riya,t, aquing naquiquita ang loob co,i, parang mainit na baga.

¡Oh cun dili caya sintang esposa co aco,i, mag-uutos at mag papabando, mahal man at mura tungcól bagong tauo man~gag siparito sa real palacio.

Bagong tauo lamang mahal man at mura at yapusan nitong apó nating dalua, mamarapatin co na nalang pagsala ipacacasal co princesa Leonila.

Sintang esposa co icao ay tumugón sa aquing sinabi, ano nasang-ayon, caya n~ga,t, nangyari at magca gumayon ualang ibang amá cun hindi n~ga yaon.