Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal, na Hinañgo sa Novela

Part 3

Chapter 3 4,207 words Public domain Markdown

Reina ay sumagót cun siyá mong gustó masamáng di sundin yao,t, pacaná mo, cun icao,i, souayin icapopoot mo at maguiguing sanhi sa puso,t, loob mo.

Pinagcaisahan nilang mag-asaua ang bagay na ito,t, minagaling nila, nang quinabucasa,i, nag-utos na siya at pinabandohan loob nang España.

Ang resa nang bandong ipinagtatauag tungcól bagong tauo mahal man at hamac, sa real palacio ay man~gag siharap at may patorneo sa arao nang bucas.

At sa iba,t, ibang caapid na reino ay ipinag-utos gauin ang bandillo, gayon din ang resa tungcól bagong tauo mahal man at hamac ay mag siparito.

Ganaping madali,t, sa arao nang bucas sa real palacio ay matipong lahat, na houag ang hindi man~gag sisiharap at may patorneo ang haring marilág.

Nang quinabucasa,i, nan~gag datin~gan na sa real palacio ay nagcaipon na, iba,t, ibang reino,i, pauang naroon na pagsunód sa hin~gi nang haring monarca.

Nan~gusap ang hari sa haráp nang tanan unauain ninyo at aquing tuturan, anác cong princesa,i, may anác na cambal na daluang lalaquing pinacamamahal.

Mura man at mahal tungcól bagong tauo at yapusán nitong aquing daluang apó, ay ualang pagsala,t, ipacacasal co princesa Leonila na mutyáng anác co.

Daluang apó niya,i, tinauag pagdaca pinahalobilo sa tanang grandeza, sa pagcacapisan nang tauong lahat na ualang niyapusán daluang apó niya.

Nang lumilipas na tauong caramihan ay siyang pagdating nang magcaibigan, ni Juan Tamad at saca ni Julian nag mamalas sila at papasial pasial.

Tinamaang titig niyong man~ga apó yumapós cay Jua,t, uica nila,i, ito, amá po ang sabi saan galing cayo baquit n~gayon lamang cayo naparito.

Amá po,i, lauon nang cami,i, naghihintay ay baquit n~gan~gayon naparito lamang, umi-iyac sila,t, luha,i, naagay-ay at capona yapós na di humiualay.

Ang mahal na hari,t, ibang man~ga tauo lubhang nagtatacá sa nangyaring ito, sa lahat nang mahal iba,t, ibang reino ualang niyapusan cahiman at sino.

Cundi isang hamac at ualang cuenta niyapusán nitong m~ga batang dalua, anhin na ang hamac at hindi vale na cun baquin at yao,i, nag n~gin~gibit baga.

Calat ang pulun~gan niyong capisanan uica,i, loco yata iyang tauong iyan, ang sabi nang iba ay di naman ganyan hichura nang locong ualang cabaitan.

Ang haring Don Feliz nag-utos pagdaca at si Juan Tamad ipinadaquip na, dinalá sa cárcel at piniit siya uala siyang malay cun anong causa.

Nang oras ding yaon ang haring maran~gal nagpagaua agad nang jaulang bacal, at capagcayari Tamad na si Juan quinuha sa cárcel doon inilagay.

Sa jaulang bacal maisoot doon ay maraming tauo na pumaparoon, dahil sa balitang matunóg na hugong ang na sa jaula,i, nan~gibit nasan~goy.

Una,i, sa balita,t, saca ang isa pa ibig mapanood tinauag na amá, balang macaquita uica,i, iyan palá ang ipacacasal cay Doña Leonila.

Yaon namang daluang anác niyang cambal palaguing paroon sa jaulang bacal, ang uica nang dalua na isinisigao amá po ay baquin cayo,i, naririyan.

Tauong nan~garoo,i, lubhang nagtatacá nagtatalong lubós bait isip nila, ang hichurang iyan ang uica nang iba ma-iibig baga ni Doña Leonila.

Anang iba namang nag sasalitaan hindi masasabi nang sino,t, alin man, di naquiquilala sa estado,t, lagay ang tauong mayroong in~gat na panglumay.

At may nag sasabing diua ay himalá nang Dios na Hari nang Lan~git at lupa, ayuán cun gayon dapat maniuala cun pacaná noon ay mangyayari n~ga.

Yaon namang canyang caibigang carnal na casama niyang pan~gala,i, si Julian, si Jua,i, nang dacpin sa tacot na taglay lumigpit pagdaca,t, umalis tumanan.

Hindi na linin~gon caibigan niya tumacbó nang agád punta sa canila, di pa natatanto cung anong causa iniuan at sucat di inalintana.

Muli cong sabihin yaong magcapatid anác n~g princesa na may lumbay hapis, sa jaulang bacal dudulog lalapit at quinacapulong ganito ang sambit.

Ano ang dahila,t, nacuculong cayo anong casalanan sabihin po ninyo, caming anác ninyo n~gayo,i, naririto na mag dedefensa sa anomang trato.

Sa bagay na yao,i, ang haring maran~gal ang loob at puso,i, hindi mapalagay, sa tanang grandeza,i, ang uicang tinuran hindi maaari cundi ang icasal.

Lalo at mahigpit ang sa bandong resa pilit gaganapin na ualang pag sala, Tamad na si Juan ay ipinadala sa real palacio pati nang princesa.

Nang siya,i, maharáp sa haring maran~gal si Jua,i, tinanóng cung anong pan~galan, gayon din ang bayang iyong tinubuan sampong magulang mo sa aquin ay turan.

¡Oh sacramagestad at pan~ginoon co sasagót po aco,t, tinatanong ninyo, Juan ang n~galan co at hamac na tauo sa Visadang villa tumubo po aco.

Ang lugar na yao,i, sacop nang Portugal ang amá,t, iná co,i, doon tumatahan, Fabio ang amá co isang hamac lamang iná co,i, Sofia na quinamulatan.

Sa mahal na hari na matanto ito ipinatauag na Señor Arzobispo, n~g oras ding yaon doon sa cabildo si Jua,t, princesa ay denesposado.

At saca ang hari agad nagpatauag limangpuong soldado sa cabildong hayág, n~gayon di,i, magbigla na cayo,i, lumacad ipagsama ninyo apat na mag-anac.

Sa Monte Cantabros ay dalhin ninyo doon sila iua,t, magbalic na cayo, mag biglang lumacad sundin ang hatol co nang sila,i, di co na naquiquita rito.

Nang matanto yaon n~g bunying princesa na silang mag-anac itatapon palá, naualan nang isip sampong ala-ala sa quinalalagya,i, nalugami siya.

Calahating oras na pinag ulapan nauala ang canyang man~ga caisipan, sa aua nang Dios at Vírgeng maalam pinagsaulan din at naliuanagan.

Taghoy nang princesa ¡oh Vírgen María! patnubayi aco,t, iyong ipag-adyá, sa sentenciang bigay n~g hari cong amá tinatangap co po cahit ualang sala.

Sa dalauang matá ang luha,i, nunucal sa habag na dala nang princesang mahal, maraual cong palad na quinahinatnan Dios co po,i, aquin na pagtitiisan.

¡Oh torreng tahanan aalis na aco! ¡oh catreng hihigán paalam sa iyo! hindi na babalic at uacás na ito nang capós cong palad sa Españang reino.

Paalam ¡oh balcong aquing panun~gauan! ¡Oh sillang loclocan sa iyo,i, paalam! ito ay uacás na,t, cayo,i, malilisan nang saliuang palad sa Españang bayan.

At icao hagdanan paalam sa iyo acong ualang palad sa Españang reino, di na tutuntun~gan icao nang paá co cundi n~gayon lamang sa pag panaog co.

Sa iyo Ursula aco ay paalam ang pagsasama ta ito,i, catapusán, sa pinagdaanan cong man~ga cahirapan ay para cang iná na tinataghuyan.

Ano cayang aquing igantí sa iyo sucat maguing pála na paquinabang mo, utang na loob co,i, malaquing totoo nag malasaquit cang parang magulang co.

¡Oh iná cong sintáng pinagcautan~gan! nag pasupasuso,t, puhunan ay búhay, acong anác ninyong aalis papanao maanong tanauin muc-ha ay isilay.

Mahal na iná co cahima,t, mapait at aco ay lason sa puso at dibdib, cayo po ay di man sa aqui,i, lumapit tanauin man lamang aco sa pag-alis.

Guilio na iná co cayo ay cahiman uala sa haráp co ay linuluhuran, bagaman at lason sa puso ay subyáng bendición po ninyo aco,i, pabauonan.

Paalam sa iyo ¡oh Españang reino! bayang tinubua,t, dito naguing tauo, ang arao na ito,i, uacás nang totoo di na yayapacan nang m~ga paá co.

Saca nagpatuloy sila,i, lumacad na apat na mag-anac at soldadong sama, sa laqui nang galit n~g hari at reina di man tinanauan tiniis binatá.

Habang lumalacad ang princesang mahal umiiyac siya,t, luha,i, naagay-ay, ang dalauang anác siya,i, lalapitan uiuicai,i, iná houag pong mamanglao.

Baquin baga cayo,i, umiiyac iná narito at ating casama si amá, cayo po ay houag na mag-ala-ala ang pagtan~gis ninyo nama,i, itahan na.

Di rin tumitiguil nang quinaiiyác at di pinapansin ang sabi nang anác, ang casi,t, esposo na si Juan Tamad hindi umiimic sucat nagmamalas.

Ano,i, n~g sapitin bundóc n~g Cantabro iniuan na roon n~g m~ga soldado, ang soldadong ito,i, bumalíc sa reino at doon nagtuloy sa real palacio.

Haring pan~ginoon ay naroroon na sa Cantabrong bundóc aming iniuan na, ang sagót n~g hari ay mabuti anya cayo naman n~gayon ay magsi-oui na.

Apat na mag-anac siyang sabihin co nang sila,i, maiuan nang man~ga soldado, princesa Leonila man~ga matá,i, puctó puputóc ang dibdib ang loob ay guló.

Lumapit si Jua,t, ang uinica niya esposa cong guilio baquit niniyac ca, capilas nang dibdib houag manimdim ca aco ay narito,i, di babayaan ca.

Sinapit tang palad ay di gunamgunam na magca ganitong pinag-isang tunay, dilidilihin mo,t, sa dibdib iquintal capalarang ito,i, Dios ang may bigay.

Samantalahin mo,t, hirap ay tiisin pagtauag sa Dios sa puso,i, itiim, cacasihan tayo niya,t, bibihisin ipagcacaloob ang aua sa atin.

Iyang man~ga luhang natác sa matá mo ipinanglolomó niyaring catauan co, sucat na,t, itahan ¡oh casit, sintá co! houag cang manimdim ang bahala,i, acó.

Ang uinica naman n~g dalauang anác, tahan na iná po cayo nang pag-iyac, di pababayaang tayo,i, mapahamac si amá ang siyang bahala sa lahat.

Man~ga luha ninyong tumulo sa matá guilio naming iná lubhang marami na, alalahanin po caming inyong bun~ga pagtiisan ninyo hirap na lahat na.

Yaong amá nilang Tamad na si Juan humanap nang lugar sucat pagpalagyán, tatlong mag-iiná doon pinatahan dito muna cayo,t, sandaling iiuan.

At houag aalis cayo bagang tatló at aco,i, hahanap mabuting puesto, anang dalauang anác amá po,i, paano cayo ay aalis saan patutun~go.

N~gayon cami dito ay inyong iiuan at di na babalic at pababayaan, paano ang aming man~ga calagayan mabubuhay caya na sa cabunducan.

Nanglaglag ang luha ni Juan sa matá sa tinurang yaon anác niyang dalua, cayo ay houag na mag-ala-ala at di malalauon babalic pagdaca.

Umalis si Jua,t, naparoon lamang sa hindi na nila siya matatanao, saca yaong in~gat canyang casangcapan batóng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.

At uinica niyang icao aquing bató na bigay sa aquin matandang Nuno co, n~gayon di,i, madaling dito,i, itayó mo yaong isang bahay sa diquit ay husto.

Sahig at quisame ay salaming lahat at ébano naman ang cahoy na sangcap, hagdanan ay puro na lantay na pilac na macatutoua sa matáng mamalas.

Ang dingding ay pauang esmaltadong tunay n~g m~ga brillanteng sa ningning ay sacdal, ang salas ay pilac at perlas na lantay templo ni Salomón halos pang laluan.

Sa loob nang bahay lagyán nang pamuti sari-saring mutyá rubí,t, esmiralde, cortina ay pauang batbat nang brillante sa matáng titin~gin ay macacauili.

Ang bubong nang bahay ay pilac na lantay cosina,i, gayon din houag cang magculang, cun tamaang sinag nang init nang arao ay macadudulit sa matáng tatanao.

Paliguid nang bahay ay jardineria macetas na pauang caligaligaya, ang sinoma,t, aling tauong macaquita cun may capanglaua,i, magtamong guinhaua.

Saca sa hagdana,i, iyong patayoin ang dalauang ásong capoua magaling, aco,t, man~ga anác at esposang guilio ay halabin cami dito cun dumating.

Nasunod na paua tanang cahilin~gan nang oras na yaon na hindi naliban, si Jua,i, bumalic at quinaon naman man~ga anác niya at esposang hirang.

Ano,i, nang maquita nang sintang asaua at dalauang anác nagtamong guinhaua, cami po,i, totoong nag-aala-ala baca di na muling cayo,i, magbalic pa.

Sagót na tinura,i, humahanap aco tatahanan nating mabuting puesto, niyaya na niya,t, lacad abá tayo sa hinin~ging bahay sila napatun~go.

Sa bahay na yao,i, nang dumating sila hinalab pagdaca nang ásong dalaua, man~ga anác niya,t, saca nang asaua nan~gaguiclahana,t, loob ay nagtaca.

Si Doña Leonila na esposang hirang namaang ang loob sa naquitang bahay, ano,t, ito,i, bundóc gubat calauacan dito ay may bahay sadyáng cariquitan.

Doon sa hagdanan nang dumatal sila ang dalauang áso,i, humalobilo na, yumapós cay Jua,t, nan~gag sisisalta na pinag mamasdan anác at asaua.

Liuanag nang ilao ang camuc-ha,i, arao hagdanan ay pilac na nag niningnin~gan, tatlong mag-iiná,i, nagcacamamanghan sa naquitang diquit na ualang cabagay.

Nagsipanhic sila ay nang macasaltá nagtatacáng lubós yaong mag-iiná, sahig at quisame ay salming lahat na anong bahay ito,t, sa dilág ay sadyá.

Ang dingding ay pauang esmaltadong lubós nang man~ga brillanteng sacdál nang alindóg, ang salas ay pilac perlas ang calahoc tinalo,i, dinaig cay Salomóng templos.

Sa loob nang bahay ang nan~galalagay nan~gapapamuti mutyáng maquiquináng, anong bahay ito at napacainam ualang capareho,i, na sa cabunducan.

Parang naiisban capanglauang dalá nang bunying princesang si Doña Leonila, sa naquitang diquít na ualang capara ang loob at puso,i, nagtamong guinhaua.

Bagaman at cubcob nang pighati,t, lumbay nang maquita yaong sadyáng cariquitan, naparam ang lungcót cusang nahalinhan nang di mamagcanong galác casayahan.

At saca si Juan na canyang esposo humin~gi sa canyang casangcapang bató, n~gayon din aniya,i, dito,i, ihanda mo ang isang comidang sa putahi,i, hustó.

Lutong masasaráp ay ilagay agad sa lamesang guintó,t, lagyán nang alfombras, sa alfombrang yaon ay ang nababatbat ay hilo de oro na nag quisáp quisáp.

At pilac na lahat yaong man~ga silla gamit na cubiertos guintóng para-para, man~ga servilleta ay pulos pa tela may hilo de orong macaliligaya.

Ang man~ga matamis sarisaring bagay sa lamesang perlas doon malalagay, man~ga asistente pagcain sa duiang ay tatlong castila bucod ang utusán.

Saca tatlong damang pulós magaganda magsisilbi yaon sa aquing asaua, ang lahat nang ito,i, ganaping dali na cami,i, nagugutom ibig cumain na.

Nasunod na paua man~ga cagustuhan na isang comidang hustong cagayacan, conforme ang hin~gi guinanap na tanan batóng encantado niyang casangcapan.

At saca tinauag anác at asaua halina na cayo,t, tayo,i, hahapon na, nang matingnan yaon na handang comida lalo nang tumangap daquilang ligaya.

Namamanghang lubós man~ga calooban ang comidang handa ay napacainam, man~ga gamit ditong man~ga casangcapan ay guintó at pilac na nag quiquinan~gan.

Man~ga nagsisilbi pulós na castila man~ga dama nama,i, magagandang lubha, nan~gagsi upo na at cumaing paua apat na mag-anac na ualang bahala.

At nang macacain ay nagsi pasoc na sa salas n~g bahay nagpapasial sila, ang m~ga cuarto,i, pinapasoc nila minamalas yaong cariquitang sadyá.

Si Doña Leonila,i, ang uinica,i, ito esposo cong sinta sa itatanóng co, houag maglilihim pagtatapatan mo n~g di alinlan~gan ang puso,t, loob co.

Aco pagca tauo,i, laquí sa guinhaua palibhasa,i, hari ang mutyá cong amá, ang ating quinain na handang comida gayong cagayaca,i, di pa nag quiquita.

Pati itong bahay sa diquit ay sacdál na ualang susulit cahit sa reino man, sa aqui,i, sabihin n~gayo,t, maalaman ang may ari nito cun sino,t, alin man.

Ang sagót ni Juan na casi,t, esposo ang bahay na ito,i, maguiguing canino, ito,i, ating tunay pinagmulan nito ay aquing hinin~gi sa in~gat cong bató.

Comida,i, gayon din ang pinangalin~gan sa bató ring in~gat perlas ang cabagay, at ang batóng yao,i, encantadong tunay anomang hin~gin co,i, agad gaganapan.

Sa man~ga saysay mo na aquing narin~gig damdam co ay aco,i, parang napa Lan~git, acala nang tauo,i, ang asauang ibig ay ualang cuenta,t, nasan~goy nan~gibit.

Pag ang Dios palá ang may calooban ay uala sinomang sucat macaalam, marami at madlang nag uiuicang tunay catauan co,i, uala na carurumatnan.

N~gayon ay sa aua nang Poong si Cristo ay na sa ligaya at payapa aco, sa nangyaring buhay na pinagdanan co ang cutyá nang tauo ay di mamagcano.

Salamat sa Dios at sa Ináng Vírgen di na magluluto tayo nang cacanin, mabuti at iyo na ipinalining ang casangcapan mo,i, sinabi sa aquin.

Ani Juan Tamad esposa cong hirang daluang anác natin ay anong pan~galan, ibig cong matanto sa iyo,t, maalman man~ga n~galan nila sa aquin ay turan.

Pan~galan nang isa,i, Antonio de Risa at ang isa nama,i, Feliz de Carcaja, matanto ni Juan uica cay Leonila tunay co n~gang anác m~ga batang dalua.

Aquing sasabihin esposang sinta co significang dala m~ga apellido, ang isa,i, sa taua ipinaglihi mo isa,i, sa halac-hac dahilang totoo.

Naala-ala co at nagunamgunam nangyari sa atin niyong isang arao, cami,i, nag daraan na mag caibigan sa tapat n~g torre icao,i, nanunun~gao.

Natin~gala quita,t, nagpanamang titig sa iyo ay aco,i, comindat n~gomibit, humalachac icao tumauang malabis siyang naguing dahil mulang pagbubuntis.

Sa iyong sinabi esposo cong sintá cung aquing lihimin husto ang prueba, sintang esposa co houag cang mag duda talagang totoo aquing ibinadyá.

Calooban ito,t, pacaná nang Dios na bigay sa iyo planeta mo,t, signos, houag mamamangha ang puso mo,t, loob dagdagan ang iyong pagtauag sa Dios.

Ano,i, sa matanto niya,t, maalaman sa dalauang bata daang pinagmulan, escrupulong dala sa loob naparam man~ga anác niya,i, lalo nang minahal.

Nang quinabucasa,i, niyong maumaga napasa dun~gauan si Doña Leonila, at pinagmamasdan ang man~ga maceta caparis nang jardin niya sa España.

Malaquing totoong dalang catouaan alin mang bintana na canyang dun~gauan, ay jardineria,t, sari-saring bagay nan~ga mamacetas sadyáng caban~guhan.

Ipagparito co sa haring monarca bunying si D. Feliz amá niyang sinta, isang arao n~gani nanunun~gao siya sa real palacio loob ay nagtacá.

Natanauan niya,t, tinamaang titig na sa cabunduca,i, may nacadudulit, ang casi,t, esposa na si reina Inés tinauagan niya,t, ganito ang sulit.

Tingnan mo,t, pagmasdan yaong cabunducan na may nag niningning at quiquirao quirao, nang una ay uala na capara niyan cun tamaang sinag ay di matitigan.

Ang uica n~g reina sa haring esposo diua,i, yaon yata bundóc nang Cantabro, ay di baga roon ipinatapon mo sa bundóc na yaon ang anác tang lilo.

Ang sagót ay oó nang haring monarca ang mabuti caya ay ipavisita, pinagcaisahan nilang mag-asaua nang oras ding yao,i, nag-utos pagdaca.

Tamauag na siya nang man~ga soldados at pinaparoon sa Cantabrong bundóc, cami ay mayroon na napapanood nanag niningnin~gan ibig na matalós.

Nagbiglang lumacad ang m~ga soldado at tinun~go nila bundóc nang Cantabro, ang pinagtatac-ha,i, naquitang totoo bahay na malaquíng cariquita,i, hustó.

Ang man~ga soldado,i, noong malayo pa natanauan sila ni Jua,t, princesa, doon sa bintana,i, di na nalís sila at inaantayan ang pagdating nila.

Ano,i, nang dumatal sa canilang bahay yaong mag-asaua,i, ganito ang saysay, ano cayang inyong sadyá,t, pinapacay naparito cayo sa amin ay turan.

Cami,i, inutusan n~g haring monarca dahil sa natanao sila,i, nagtatacá, may nag niningnin~gan at caaya-aya ibig matalastas nila,t, maquilala.

Cun gayo,i, magtulóy cayóng calahatán at pumanhic dini,t, magcasalitaan, ang tanang soldado,i, nanhic nagtuluyan pauang nagtataca sa diquit nang bahay.

Cayo pala,i, siya na may bahay nito na napacariquit ang lagay estado, bahay ninyong ito,i, nanglalong totoo doon man sa reino,i, ualang capareho.

Tingnan na n~ga nati,t, bulayin n~g isip at di masasabi ninomang may bait, pag ang Dios pala,i, siyang nag-iibig ligaya sa mundo,i, ipinacacamit.

At cun caya gayon tinuran sa inyo cayo,i, itinapon caya naririto, yaong si D. Feliz haring amá ninyo nag-utos sa amin daig ninyo,t, talo.

Ang sa mag-asauang sagót na tinuran cahiman at cami ay itinampulan, ualang naaalman caming casalanan ang ganti nang Dios ay caligayahan.

Cami,i, aalis na,t, babalic na muna sa haring nag-utos sa reinong España, á dios ang uica niyong mag-asaua at sabihin ninyong nagpapacomusta.

Nang sila,i, dumating sa Españang reino nagpatuloy agad sa real palacio, ang sa haring tanong sa man~ga soldado ano ang nangyari n~gayo,i, turan ninyo.

Haring pan~ginoon ang aming naquita bahay na malaquing cariquita,i, sadyá, tumatahan doo,i, yaong mag-asaua ni Jua,t, princesang si Doña Leonila.

Bilin po sa amin nang inyong manugang saca nang princesang anác ninyong hirang, icomusta sila sa man~ga magulang sila nama,i, hindi nan~gagcacaramdam.

Ang reina,i, nagsabi sa haring monarca cun pahintulot mo at minamaganda, mangyaring sulatan man~ga anác nata dahil sa soldadong man~ga sabi,t, badyá.

Gá nasaganyac na ang puso,t, loob co ayon sa sinaysay nang man~ga soldado, cahima,t, mapait at lason sa iyo padalhan nang sulat anác nati,t, apó.

Ang sagót nang hari ¡oh casi co,t, sintá! cun siya mong gusto,i, sang-ayunan quita, siya ay gumaua nang sulat pagdaca at capagcayari ay ipinadalá.

Ang napapalaman sa padalang sulat comusta sa inyo guilio naming anác, ang inyong magulang nana sa bagabag nagtamong guinhaua dahil sa tinangap.

Ang sabi,t, pahayag nang man~ga soldado bahay ninyo riya,i, sa diquit ay husto, cami,i, paririyan dadalauin cayo maquiquipag quita na magulang ninyo.

Sa lacad nang bouan n~gayo,i, icalima sa icapito,i, cami ay paririyan na matangap ang sulat canilang mabasa parang na pa Lan~git silang mag-asaua.

At guinanti naman ang sulat na ito ni Jua,t, ang lama,i, hintay namin cayo, caming inyong anác guilio nang totoo touang ualang hangan cun dalauin ninyo.

Mayari ang sulat ibinigay niya doon sa portador saca nagbilin pa, ang inyong sabihin sa hari at reina naghihintay cami,t, totoong guilio na.

Nang quinagabihan quinuha ni Juan ang in~gat na bató niyang casangcapan, at canyang hinin~gi na houag maliban ang tauirang ilog lagyan mo nang tuláy.

Itatayong tuláy cayaria,i, ito catulad nang bangca at pilac na puro, brandilla ay guintó,t, lagyan nang damasco nang génerong tela,t, may hilo de oro.

Sa dalauang dulo,i, lagyan nang garita at patatayuan man~ga de la guardia, pauang coroneles iba,i, man~ga dama sila,i, sasalubong sa hari at reina.

At man~gag si hatid na tumuloy dito maquiquipanayam hangang naririto, houag cang magculang icao aquing bató sa arao nang bucas pilit paririto.

At pamula dito magpa hangang tuláy ay lagyan n~g calleng sa linis ay sacdal, mag cabilang tabi capoua tabin~gan pulós na de tela,t, sadyang cariquitan.

Sa actong paglacad banda nang música man~gag tutugtugang caligaligaya, putaca,i, gayon din man~gag sipag salva hangan sa pumanhic ang hari at reina.

Icao aquing batóng bigay nang Nuno co susundin mong paua hin~gi co sa iyo, guinanap na lahat conforme ang gusto siya n~gang nangyari sa aua ni Cristo.

Nang quinabucasa,i, ang hari at reina ay lumacad na n~ga sampong man~ga sama, bundóc n~g Cantabro ay tinun~go nila pagdating sa tuláy sinalubong sila.

Niyong m~ga dama,t, m~ga coroneles nag si cortesia sa haring mariquit, sa tuláy na yaon ay nang macatauid paglacad sa calle sayáng di mumuntic.

Tugtog nang música,i, caligaligaya inam nang putuca,t, nag sisipag salva, man~ga coroneles at ang m~ga dama sa lacad na yao,i, guiniguitna sila.

Ang mahal na reina at haring maran~gal nagtacang totoo sa sayá at dan~gal, aco ay hari na,i, di co nararanan ang ganitong diquit man~ga pagdidiuang.

Nang sila,i, sumapit sa bahay nanhic na lubha pang malaqui pagtatacá nila, bahay pala rito anác naming sinta sa sang reino,i, ualang catulad capara.

Hagdanan ay pilac na nag quiquinan~gan sahig at quisame ay salaming lantay, ang dingding ay pauang esmaltadong tunay na naca-aalio sa may dalang lumbay.

Sa loob n~g bahay nan~ga papamute mutyá at carbungco rubí,t, esmiralde, ang sahig n~g salas sampon n~g quísame templo ni Salomón dinaig sa buti.

Ang bubong n~g bahay ay pilac na lantay cun tamaang sinag nang init nang arao, sinomang tumin~gin ay di matitigan at macadudulit sa pagquiquisapan.

Calagayan ninyo pala ay guinhaua paliguid nang bahay ay jardineria, itong tauo pala,i, uala mang cuenta ay di masasabi sasapiting hanga.

¡Oh man~ga guilio co na man~ga anác co at sampon sa daluang aquing mga apó, cayo ay cun caya dito,i, naparito dahilan sa cayo,i, ipinatapon co.

Man~ga loob ninyo ay pacalinisin ang madlang sigalót sa puso ay ualin, cahit anong samá sa dibdib ay alsin magaling ang siyang pagsamahan natin.

Ang mahal na reina naman ay nagbadyá na tumataguistis ang luha sa matá, ¡oh anác cong bunsó princesa Leonila! patauad ang aquin na nagauang sala.

Icao aquing bunso,i, sa pinagdanan mo na hirap dálita,i, pauang tiniis co, cahima,t, masucal ang puso,t, loob mo pacalinisin na n~gayon at magbago.

Princesa Leonila sa reina,i, sumagót sa dalauang matá ang luha,i, naagos, mahal na iná co,i, malinis ang loob ni camunti ualang sanhi man at cubot.

Ang pag-uusapan ay n~g matapos na quinuha ni Juan casangcapan niya, icao aquing bató sundin mo pagdaca maghanda n~gayon din mabuting comida.

Sari-saring lutong man~ga masasaráp pauang de almacen sa putahing sangcap, sa lamesang guintó ay mahanda agad gayon ang cubiertos ay guintó ring lahat.