Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal, na Hinañgo sa Novela

Part 1

Chapter 1 4,255 words Public domain Markdown

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

[Patalastas: Imprenta at Libreria ni J. Martinez]

=BÚHAY NA PINAGDAANAN=

NI

=Juan Tamad=

NA ANAC NI

FABIO AT NI SOFIA.

SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,

NA HINAN~GO SA NOVELA.

* * * * *

=MAYNILA, 1920.=

* * * * *

IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA

NI

=J. MARTINEZ=

P. Moraga 31-36, Tel. 5005 P. Calderón 108, Cabildo 253 Intramuros.-Tel. 3283.

BÚHAY NA PINAGDAANAN

NI

=Juan Tamad=

NA ANAC NI

=FABIO AT NI SOFIA=

SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,

NA HINAN~GO SA NOVELA.

Oh serenísimang maauaing Iná sa tauong cristiano na iyong oveja, sa lupa at Lan~git n~galan mo ay siyáng tinatauag namin sa toui toui na.

Icao po ang Torre at cabán n~g tipán Iná nang sumacop sa sala nang tanan, cami pong inapó ni Eva,t, ni Adán sa lubós mong aua cami,i, nananaban.

Ituto mo rin po Ináng mapagpala masayod na lahat yaring ninanasa, mapuról cong isip capós na acala matutuhan co rin ang isasalita.

Man~ga camahalang napapauang nobles may sinimpang dunong at tahó sa leyes, manipis cong alam at salát na isip nangahás cahima,t, di talastas batid.

Lumalacad aco,i, piquít ang capara ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya, pan~gahás cong isip doon umaasa sa pa-honrang lin~gap nang m~ga bihasa.

Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip lathala nang verso,i, ayos sa matouid, sa man~ga bihasa,i, culang din at lihis anyayang pa-honra ay inihihibic.

Pinupuring tunay niring sumusuyo ang man~gag anyayang malin~gaping puso, cahit di dalisay sa lustre,i, malabo ay paparahin nang brillante at guintó.

Gayon din sa hindi,t, aayao lumin~gap yaring si I.A. nag papasalamat, itong ninanasang ibig na matatap ay búhay nang isang sa novela,i, banság.

Na dili umano,i, nang panahóng una sa reinong Portugal sabi sa novela, sa sacop din nito na Visadang villa doon ay mayroong pobreng, mag-asaua.

Fabio ang lalaqui tunay na pan~galan ang casi,t, esposa ay Sofia naman, mag-asauang ito,i, buhat nang macasal sapól sa dálita,t, ualang pamumuhay.

Capagca bata na ay itong si Fabio hanap búhay niya ay pag jujuego, nang magca asaua,i, siya ring oficio na pinagcucunan canilang sustento.

Maguing ilang taón yaong pag sasama matrimoniong mahal nag supling namun~ga, nang isang lalaquing quias ay maganda naguing n~gala,i, Juan nang mabinyagan na.

Malaqui ang toua,t, ualang pagcaronan dito sa cay Juan niyong pag mamahal, palibhasa,i, uala at iisa lamang di ibig ni Fabiong bata ay oouang.

Ináng si Sofia,i, ualang guinagaua arao, gabi cundi ang pag-aarugá, si Fabiong asaua ay palaguing uala hanap ang sugalan at pagalagala.

Pagsapit nang hapon ooui sa bahay dadaan sa tinda,t, mamimili naman, madla,t, sarisaring man~ga cailan~gan na cacanin nila sa pag hahapunan.

Doon sa canila cun siya,i, dumating sa casi,t, esposa ay sisiyasatin, baca ang anác tang mutyang guiniguilio pina-iiyac mo,t, di mo linilin~gil.

¡Iná co! ang sagót ni Sofia naman uala acong gaua cun hindi hauacan, cahit nag luluto,i, quinacaulayao sa pan~gin~gilag co na baca omouang.

Anitong si Fabio na sintang esposo gayon n~ga ang aquing ibig guinugusto, icao ay hindi man macapag trabajo bata,i, houag lamang pababayaan mo.

Pagcaca umagang macapag almusal paalis na siya,t, punta sa sugalan, sa aua n~g Dios guinagaling naman sa touing ooui ay may panalunan.

Lumalaqui naman anác nilang ito di nag cacaramdam sa aua ni Cristo, matanto at siya,i, mahal na totoo ang sugo nang iná,i, hindi asicaso.

Ináng nag mamahal ay di alintana cahit di sumunod cun utusan niya, loob ay malinis sa anác na sinta palibhasa,i, bugtong at iisa isa.

Nang mag cabait na,i, naguing cagauian umaalis siya sa canilang bahay, sa man~ga capoua,i, hindi omaabian na naquiquilaró sa canino pa man.

Sa capan~gilagan nang catauan niya at ang catamara,i, siyang nagdadala, aalis sa bahay tatanan sa iná susuot sa pulóng casucala,i, sadyá.

Siya ay gumaua doon nang tahanan sa puno nang cahoy Betis ang pan~galan, na canyang lininis at siya,i, nag lagay m~ga baguing hagting na sadyang hihigan.

Doo,i, uala siyang munting guinagaua cundi palagui na lamang nacahiga, oras nang tanghali ay saca bababá ooui sa bahay pagcain ang sadya.

Cun siya,i, dumating sa canilang bahay ang bati n~g iná,i, saan galing icao, si Jua,i, ang sagót ay dini po lamang naquipag laró po sa ating cahangan.

Di naman iimic yaong canyang iná sa uica ni Jua,t, natatalastas na, ito,i, nag yayabang ¿ano caya baga? ang anác cong ito,i, bucod at caiba.

Nagtataca aco ¡oh Dios sa Lan~git! ang bait isip co ay uulic ulic, cagagauang ito nang anác cong ibig caguilaguilalas at di co malirip.

Marami rin namang man~ga bata dito sa caapid bahay, na naquiquita co, itong aquing anác caibang totoo na palaguing uala at di masugo co.

¿Ano caya bagang talaga nang Dios di paquinaban~gan ang anác cong irog? gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob cun ito ay siyang sa aqui,i, caloob.

¡Oh Dios na Hari,t, Pan~ginoong Amá! pagcalooban mo ang anác cong sinta, amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia matutong mag silbi sa magulang niya.

Mulit muling taghoy na inihihibic sa Dios na Amá na Hari sa Lan~git, cahimanauari ang anác cong ibig bigyan nang liuanag carunun~ga,t, bait.

Saca cun matapos magtatanao tanao anác na si Juan ay ibig matingnan, cun hindi maquita,i, mananaog naman hahanaping pilit ang quinalalagyan.

Sa man~ga cahangan ay titingnan niya ipinag tatanong cundi naquiquita, ualang macasabi ooui na siya mapanglao ang loob náluha ang matá.

Cun siya,i, dumating sa canilang bahay puputóc ang dibdib ináng mapagmahal, ang loob at puso,i, hindi mapalagay sa di pagca quita sa anác na hirang.

Ano pa,t, sa touing gustong cumain na siyang pag paroong pag haráp sa iná, ináng nalulumbay cun siya,i, maquita maguiguinhauahan pusong may balisa.

Saca uiuicaing ¿ano caya ito? saan nangagaling itong aquing bunsó, sa touing cacain lamang paririto ni anoma,i, hindi paquinaban~gan co.

Matapos cumain guinaua nang iná inaban~gan niya cun saan pupunta, iná,i, sumusunod na sa huli niya natanto,t, naalman ang tahanang sadyá.

Naquita ang cahoy na hinahantun~gan sa loob nang puló na pinalinisan, sadyang may oyayi na tinutulugan sa cahoy na Betis doon nalalagay.

Ang uica nang iná ¡ay Juang anác co! may sadya ca palá na tahanan dito, ¿ano bagang iyong guinagaua rito ali,t, sino bagang dito,i, casama mo?

Anong naisip mo,t, nasoc sa acala dito ca nalugmoc anong guinagaua, talastas mo naman at hindi cailá mahal na amá mo ay palaguing uala.

Nag-iisa aco,t, uala cundi icao dapat casamahin sa gabi at arao, icao naman bunsó ay sa toui lamang na gustong cumain nonoui sa bahay.

Aco ay paano ¡oh anác cong guilio! nag tataglay aco sacuna,t, hilahil, mahal na amá mo sa ati,i, uala rin sa sang-lingo,i, minsan lamang cun dumating.

Saca icao nama,i, di co maasahan palaguing uala ca,t, dito tumatahan, mabuti n~ga rito,t, icao ay maaluan mula n~gayo,i, icao,i, Tamad na si Juan.

Di naman sumagót sa man~ga sinambit sa iná,i, ang matá ay di maititig, ang loob at puso niya,i, may pan~ganib na baca ang iná ay may dalang galit.

Iniuan na roo,t, noui na ang iná lumalacad siyang náluha ang matá, ¡Jesús co! ang uica bucod at caiba itong aquing anác na iisa isa.

Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co caya cun umoui ay nag mamacatlo, hanap búhay niya na pag jujuego sinasamá siya at palaguing talo.

Siya ma,i, narating sa canilang bahay cun minsan ay di na naoosisa man, ang anác na bugtóng na sa puso,i, mahal loob ay balisa,t, ualang mapuhunan.

Mana,i, isang arao ang uica ni Fabio esposa cong sinta tanong co sa iyo, ¿baquin baga aco,i, touing paririto di co naquiquita ang anác tang bunsó?

Sintang esposo co sagót ni Sofia di anong gagauin sa Dios talaga, di mo n~ga talastas at dito,i, uala ca m~ga cagauian nang bunsóng anác ta.

N~gayo,i, ang tauag co ay si Juang Tamad dahil sa ugaling caiba sa lahat, touing macacain panaog na agad pupunta sa puló sa loob nang gubat.

Aquing sasabihin at nang matanto mo cabiac nang pusong casi,t, esposo co, bunsóng anác nata,i, pagcacaalis mo ay palaguing uala,t, di nasusugo co.

Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan sa m~ga barcada batang caramihan, ay hindi calaró uala,t, cung nasaan loob co,i, agad na na malulupaypay.

Babalic na acong puputóc ang dibdib sa di pagcamalas sa anác tang ibig, sa daluang matá co luha,i, nabalisbis sa iyo esposo ay inihihibic.

Di co pag aanhin mana,i, isang arao ang loob co,t, puso,i, di na mapalagay, niyong matanghaling tatapat ang arao oras nang pagcain dumating na naman.

Nasoc sa isip co,i, aquing susubuquin pinag aban~gan co niyong macacain, tica nang loob co ay aquing susundin ang pinarorona,i, n~g aquing malining.

Anác ta,i, nanaog n~g macacain na sumusunod acong na sa huli niya, uala siyang malay at di naquiquita naalman co yaon na tahanan niya.

May cahoy na Betis san~ga,i, malalabay sa loob nang puló na pinalinisan, sa cahoy na yaon siya ay nag lagay man~ga baguing hagting parang oyayihan.

Ang sagót ni Fabio ¡oh Jesús na Amá! ano caya,t, gayon ang anác tang sinta, lulan niring dibdib at nasang talaga papapag-araling capara nang iba.

Di anong gagauin ay cun siyang bigay sa atin nang Dios na Amáng Maycapal, ay houag isucal puso,t, calooban lagacan din siya niyong graciang mahal.

Nagsama ang dalua,t, naparoong tiquis puló ay sinoot at ibig mabatid, nang si Juan Tamad datna,i, nahihilig himbing nang pagtulog at hilic na hilic.

Dinulog nang amáng marahang marahan anác niyang bunsó ay canyang pinucao, guising ca anác co at paquimatyagan acong iyong amá na na sa ligamgam.

Naguising pagdaca na may dalang tacot tinangnan n~g amá t, ang noo,i, tinutóp, mag pacahusay ca,t, tumauag sa Dios ualin sa panimdim sacuna nang loob.

Aco,i, bago lamang na cararating pa pinangalin~gan co ay malayong sadyá, sa atin ay di co icao naquiquita aquing itinanong sa mutyá mong iná.

Sumasagót siya luha,i, nabalisbis sa daluang matá perlas ang cauan~gis, nagulumihanan ang puso co,t, dibdib n~g oras na yao,i, nagdilim ang isip.

Nang aquing malining pauang maunaua ang sa iyong ináng m~ga sabi,t, uica, sa daluang matá co,i, umagos ang luha sa laquing hinayang sa anác cong mutyá.

¿Oh bunsong anác co,i, baquit caya naman cabutóng iná mo,i, pinababayaan? talastas mo aco na uala sa bahay lagay ang loob co,t, ang casama,i, icao.

N~gayo,i, sumagót ca,t, n~g maalaman co lulan nang loob mo,t, m~ga guinugusto, di paquinaban~gan icao nang iná mong lauong nag aruga,t, nag pasupasuso.

¿Cundi ca mag silbi,t, mag lingcod sa amin ano caya bagang iyong mararating? búhay ang puhunan n~g iná mong guilio saca n~gayo,i, di mo siya gagantihin.

Tunghay ang muc-ha mo,t, matá ay isulyáp sagutin mo aco nang nasa mo,t, han~gad, ang hiya at tacot siyang nag-aalab caya di mangyaring bibig ay mabigcas.

Yayamang di ca rin sumagót sa aquin malis cana dito,t, moui ca sa atin, ang calooban mo ay iyong baguhin at sa magulang mo,i, mag silbing magaling.

At houag ca ritong mag papalumagác sa loob nang pulóng casucalang gubat, tumatahan dito ay hayop na lahat hindi ang para mong cay Cristong ovejas.

Di naman sumouay pagdaca,i, sumama Tamad na si Juan sa gusto nang amá, pagdating sa bahay ang uica sa canya anác co ay dinguin hatol cong lahat na.

Magpamula n~gayon magbago nang loob at dumalan~gin ca sa Poong cay Jesús, sa amá,t, iná mo,i, magsilbi nang lubós nang ang aua niya sa iyo,i, idulot.

Isilid sa loob houag calimutan sa umaga,t, hapon icao ay mag dasal, pintacasinin mo ang Vírgeng maalam n~g caauaan cang gracia ay pacamtan.

Houag cang aalis dito,t, pumirme na sa arao at gabi n~g macasama ca, ang mahal mong iná,i, nag-iisa isa ualang masusugo cun dito,i, uala ca.

Tuloy namang icao ay ibibilí co n~g isang cartillang mapag aralan mo, di man macapasoc icao sa maestro ay tuturuan ca guilio na iná mo.

Ani Juan Tamad na sagót sa amá lahat ninyong hatol aco,i, tatalima, susunod sa utos aco po nang iná at saca sa Dios mananalan~gin pa.

Malaqui po amá yaring catouaan sa inyong sinabing aco ay mag aral, at harin~garin po na aco,i, casihan na matutuhan co gauang cabanalan.

Bumilí ang amá n~g isang cartilla, at si Juan Tamad ay tinuruan na niyong sarisaring pan~galan nang letra sa A nag pamula,t, pinaquiquilala.

Ang uica ni Fabio,i, salamat sa Dios at sa hicayat co anác co,i, nasunod, iyong tuturuan esposa cong irog harin~ga,t, maalman cartilla,i, matalós.

Iiuan co cayo,t, aalis na muna mag hahanap búhay na ating magasta, icao na anác co,i, maquiquinig baga houag mag susutil sa mahal mong iná.

Oó po amá co,t, tatalimahin co mag papacasaquit na mag-aral aco, harin~ga,t, loobin nang Poong si Cristo na maguing Pari rin acong anác ninyo.

Sa sagót na yao,i, ga mapapan~giti ang amáng si Fabio niyong talumpati, salitang may daguil at umaaglahi sa man~ga magulang ay parang tagurí.

Sa casi,t, esposa ay napaalam na tumun~go sa dating paroronan niya, nang quinabucasan niyong maumaga si Jua,i, uala na at nacaalis na.

Si Sofiang iná,i, di na matahimic mapanglao ang loob puputóc ang dibdib, inantayan lamang amá,i, nacaalis lumayas na nama,t, sa puló,i, nagbalic.

Naparoong agad at canyang tiningnan dahilan sa hindi siya mapalagay, dinatnan ang anác na nagugulaylay sa oyaying baguing na dating tulugan.

Ang bati nang iná ¡ay bunsóng anác co! baquin naman icao,i, muling naparito bilin nang amá mo,t, pan~gusap sa iyo houag cang aalis icao,i, casama co.

Di icao ay dico n~gayon malilin~gil di matuturuan at uala sa atin, di po cailan~gan yaon cun sa aquin cartilla po iná,i, paua co nang lining.

Unauain ninyo at aquing tuturan linalamán noo,t, m~ga cahulugan, yaong letrang =C=, iná,i, caharian nang Dios na Amáng macapangyarihan.

Yaong letrang =a=, na munting casunod angeles na madlang catoto nang Dios, sa coro ay pauang nag pupuring lubós sa Amáng lumic-ha nitong sangsinucob.

Yaong letrang =r=, bilang pacaitlo si Maríang Vírgeng Ináng masaclolo, Reinang tinatanghál nitong boong Mundo sacdalan nang tanang ovejas ni Cristo.

Yaong letrang =t=, ay ang cahulugan tribunal nang Dios talarong timban~gan, masama,t, magaling doon matitingnan ang juicio nang Dios pagdating nang arao.

Yaong letrang =i=, cahulugang dala Imperio at bayan nang Dios na Amá, ang lahat nang banál doon naquiquita na nan~gag pupuring touang ualang hanga.

Yaong letrang =ll=, ay ang cahulugan iná po ay dinguin at aquing tuturan, ang Dios na Amá,i, caya nagpalagay gloria,t, infierno na pag pipilian.

Ang tauo sa mundong inapó ni Eva anomang ibiguin pahintulot niya, cun caya nag lagay ay laang talaga sucat pag palagyan pagdating nang ora.

At ang letrang =a=, bilang catapusán cahulugan naman ay inyong paquingan, pagdating nang arao na tayo,i, hucumán mayama,t, mahirap paparehong tunay.

Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic at ualang marunong ualang ignorantes, uala namang Papa,t, ualang Cardenales paparehong lahat pagdating nang guhit.

Narin~gig na ninyo lahat cong binaybay di na dapat yata na aco,i, mag-aral, hindi macasagót iná,i, natiguilan at pauang totoo ang man~ga sinaysay.

Ani Juang Tamad umoui na cayo sa bahay iná po,t, doo,i, ualang tauo, houag pag pilitan na paalsin dito at dito po nama,i, ualang basag-ulo.

Ang iná ni Juan tantong nagtataca sa man~ga sinaysay tungcol sa cartilla, ganitong cabata,t, di nag-aaral pa ano,t, naalaman tanang significa.

Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan caya naquilala ang man~ga pan~galan, ay baquit naalman dalang cahulugan sulat na cartilla quinapapalagyan.

Sa ganitong ito ay pahat pang pahat sasampuo pang taón dinadalang edad, natutuhan itong casaysayang lahat biyaya nang Dios na sa caniya,i, lagac.

At saca umalis canyang iniuan na habang lumalacad náluha ang matá, aco ay paano uala ang asaua saca ang anác co ay di macasama.

Yaring catauan co caya ay paano na caaua aua ang calagayan co, ¡oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo matiis co rin po ang hirap na ito!

Itong aquing anác na iisang tunay dapat casamahin sa gabi at arao, touing magugutom siya,i, saca lamang na naparirito,t, pagcain ang pacay.

Macapangyarihan na iisang Dios lauitan nang aua ang palad cong capós, alalayan mo po mahina cong loob na houag din nauang madaig nang tucsó.

Bugtong niyang anác na si Juang Tamad na nasa sa puló sa loob nang gubat, ang canyang cartilla,i, laguing hauac hauac binabasa niya at buclat nang buclat.

Ang pagbasa niyang inuulit ulit ¡oh Dios na Haring aquing iniibig, hulugan mo aco nang biyayang bait at biyayang graciang ualang caholilip!

Saca isusunod hulugan mo aco nang biyayang aua sa pagca higa co, ipanatag mo po yaring catauan co sa ligayang lubos ilayó sa tucsó.

Macapangyarihang Amáng maauain bigyan mo po aco nang aquing cacanin, sa pagca higa co,i, idulot sa aquin iinuming tubig naman ay gayon din.

Cun siya,i, iníp na niyong pagca higa sa canyang oyayi siya ay bababá, sa pag mamadali nagcacandadapa pupunta sa iná,t, mag papacabuya.

At cun macatapos siya,i, macacain aalis na muli puló,i, tutun~guhin, hihiga pagdaca sa oyaying baguing matutulog siya nang himbing na himbing.

Ano,i, nang dumating yaong canyang amá agad itinanong sa esposang sinta, ang bunsóng anác co,i, nasasaan baga baquin uala rito,i, di co naquiquita.

Sa casi,t, esposang isinagót naman nang macaalis cang quinaumagahan, macaban~gon aco,i, uala,t, cun nasaan at nag balic pala sa dating tahanan.

¿Ano caya Dios? ang uica ni Fabio gayon ang ugali nang anac cong bunsó, marami rin naman na naquiquita co, caiba at tamad di tumahan dito.

Sagót ni Sofia ay mabuti naman at doon ay uala na macacaauay, cun palaguing sama sa man~ga laroan ay macacausap nang sino,t, alin man.

Caya houag mo nang piliting hanapin ang tamad na tauo,i, anhin man at anhin, sintang esposo co,i, pamanhic at hilíng aguantahin mo na,t, talaga sa atin.

Hindi na tumutol nang anoman siya sinunod ang hilíng nang casi,t, esposa, mag mula na noon silang mag-asaua lumagay ang loob di na alintana.

Sa touing darating na gustong cumain ni anoma,i, uala silang sasabihin, pinapara nilang uala sa panimdim panatag ang loob sa Dios ay hayin.

Ito namang anác ay di nag tatanong at anoma,i, uala na inioon~goy, sa canyang tahana,i, laguing naroroon sa oyaying baguing humiga,t, buman~gon.

Mana,i, isang gabi na catahimican sa oyayi niya ay nagugulaylay, himbing nang pag tulog siya,i, linapitan nang isang matanda,t, cagyat na pinucao.

Juan ang uinica icao ay gumising at aco sa iyo ay may sasabihin, nag ban~gon pagdaca ang sagót ay baquin ano po ang gusto ibig cong malining.

Tinatatap quita caya naparito at cucumustahin ang calagayan mo, mahaba nang arao pagtahan mo dito di nag caca pulong icao man at aco.

Nuno po,i, malaqui tinangap cong toua tinatatap ninyo calagayang abá, maraming salamat Dios ang mag pala pagcalooban din tayo nang biyaya.

Sa matandang sagót dito sa cay Juan pagtahan mo dito,i, nag-iisa lamang, icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban isang batóng munting perlas ang cabagay.

Iniabot niya cay Juan ang bató at pinag bilinang ang uica,i, ganito, pacaiin~gatan at mamahalin mo houag masasabi sa alin ma,t, sino.

At ang batóng iya,i, ang virtud na dala anomang hin~gin mo,i, agad bibigyan ca, pacamamahali,t, in~gatan mo siya houag masasabi sa ama mo,t, iná.

Tumangap nang touang hindi ano lamang pag papasalamat niya,i, ualang hangan, nuno po,i, sa inyong caloob at bigay ano cayang aquing igaganti naman.

Sagót nang matanda,i, houag cang manimdim at anoma,i, houag may alalahanin, anopa,t, ang aquing muli,t, muling bilin dati mong ugali houag babaguhin.

At halos dagdagan pag tauag sa Dios pa pag-alabin mo puso sa pag-irog, pag papalain ca,t, gagantihing lubós loualhating gloriang ualang pagcatapos.

Saca napaalam matanda,i, nalis na at si Juang Tamad iniuan na niya, sa canyang oyayi nahilig pagdaca cartilla,i, tinangna,t, canyang binabasa.

Uala siyang tahan nang quinabubuclat fojas nang cartilla,i, nababasang lahat, na ang sinasambit sa canya,i, igauad nang Dios na Amá yaong graciang uagás.

Saca yaong tatlong cabanalang lubós na dapat sunurin nang tauong cristianos, inuulit ulit na uicang mataós na manampalataya,t, manalig sa Dios.

At yaong icatlo ay pacaibiguin ang Amáng Maycapal sambahi,t, purihin, ang capoua tauo,i, sintahi,t, ibiguin para nang pag-ibig sa sariling atin.

Salit salit itong canyang binabasa touing bubuclatin sulat na cartilla, naguing ganting pála ay binigyan siya batóng encantadong lubhang mahalaga.

Mahabang panahóng canyang in~gat-in~gat ni sinoma,i, uala na na cacamatyag, bilin nang matanda,i, canyang guinaganáp pag mamahal niya,i, ualang macatulad.

Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya batóng encantadong perlas ang capara, isang arao n~gani na icacain na sa bató,i, humin~gi nang isang comida.

At uinica niyang icao aquing bató na bigay sa aquin matandang Nuno co, icao ay mag handa n~g putahing husto na aquing cacani,t, nagugutom aco.

Ualang liuag liuag lumabas na agad ang isang lamesa,t, casangcapang lahat, sari saring lutong man~ga masasarap nacaliligaya sa matáng mamalas.

Dumulóg na siya at agad cumain man~ga catouaa,i, di sucat sabihin, saca nang matapos ang ipinag turing icao aquing bató ligpitin n~gayon din.

Nasunod na lahat man~ga cahilin~gan lamesa at lahat agad nang naparam, pag papasalamat niya,i, ualang hangan sa matandang Nunong sa canya,i, nagbigáy.

At di na umuli na humin~gi siya tiniticman lamang batóng encantada, ang nasoc sa loob inaala-ala baca mamalayan nang magulang niya.

Sa capan~gilagan na baca malining ang ugaling dati ang guinagaua rin, sa touing tanghaling oras nang pagcain ay ualang pag sala,t, siya ay darating.

Yaong canyang amá,i, dinatnan nang damdam hindi macaalis na mag hanap búhay, guilio niyang iná loob ay mapanglao ualang macacain ala alang tunay.

Juan ang uinica niyong canyang iná icao baga bunsó ay paano baga, amá mo,i, may saquít ay saan cucuha nang ating cacanin cundi mag hanap ca.

Sumagót si Juan oó po Iná co houag pong manimdim ang bahala,i, aco, hindi mauaualan nang cacanin tayo humin~gi po lamang sa Poong cay Cristo.

Totoo n~ga yaon ang uica nang iná at tayo,i, sa Dios lubós umaasa, dapua,t, cun hindi mag tatrabajo ca di ca rin bibigyan cun nacaugmoc ca.

Umuling sumagót sa iná si Juan di n~ga po bibigyan cun hindi maalam, cun ang ating loob manalig na tunay humin~gi ma,t, di man ay caaauaan.

Cahulugan iná nang ipinagturing tauo,i, cailangang sa Dios ay hin~gin, bago mag trabajo,i, dapat manalan~gin humin~gi nang aua,t, nang maquinabang din.

Houag pong manimdim mahal na iná co di po mauauala ang aua ni Cristo, malacás po lamang yaring catauan co ay mag tatrabajo,t, macaquita aco.

Salamat cun gayon dapat n~gang asahan palibhasa,i, uala cundi icao lamang, quita mona itong ating calagayan na ualang di uala at cahambal hambal.

Doon sa tubigan icao,i, pumaroon cahima,t, bitoo,i, manglimot ca roon, lacad nang madali,t, houag malalauon at ang iyong amá,i, lubhang nagugutom.

Naparoon siya at hindi sumouay tuloy nag dala pa nang sadyang sisidlan n~g siya,i, sumapit sa catubiganan may ilog na isang canyang tatauirán.

Tumiguil na roo,t, di tumauid siya doon manglilimot ang nasang talaga, linibot ang ilog nag mamalas siya n~g man~ga bitoo ay di macaquita.

Di nalauong oras cagyat sa sisipót ang man~ga bitoo na dala nang agos, natoua,t, ang uica,i, salamat sa Dios may madadala na sa ináng nag-utos.

Hindi natatanto niya,t, naaalman ang bitoong yaon ualang man~ga laman, na tapon nang tauong man~ga balat laman ay siyang sinaguip isina sisidlan.

Yumao na siya,t, lacad ay matulin ang toua nang loob di sucat sabihin, sa pag mamadali halos na liparin ang canilang bahay agad nang marating.

Ano,i, n~g dumating maquita nang iná ang toua nang loob ualang macapara, salamat ang uica,t, macacacain na may maiuulam may saquít mong amá.