Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo

Part 4

Chapter 4 4,084 words Public domain Markdown

Sa han~gad n~g anac ang capanatagan inihabilin pa sa dating sulitan n~g sala, di iba't ang Paring nagtibay sinta ni Romeo cay Julietang hirang.

Sa pari hinin~ging piliting matalos ang dusang matago n~g cabutóng irog, samantalang bago, lunas n~g masunod upang di icupas n~g boong alindog.

Ang ina cahi ma't matalinong isip caniyang dinaanan ang sintaha'y litis, ó cahit babaying sa gayo'y di piquit, n~gunit ang sa anac sa uari'y nalin~gid.

Bago ang cumaring sinigla n~g anac ay laban sa tan~gong ibig ipaganap, ang Pari sa pagcat ang tanun~gang lunas noong magsingcasi sa amis na palad.

Julieta'y sa Pari ang laman n~g layon "sa bagong hilahil ay biguian n~g tulong; n~gunit cun di caya ang paraang ucol siya'y pagcalooban n~g masidhing lason;

Pagcat ito, aniya, ang huling calasag sa caauay sinta ang mag-ad yang dapat, at cung ito'y sala sa lan~git na atas ay lalo ring salang sa sumpa'y payurac.

Mamatay sa sala at cayá tiniquis sa pagcat sala rin ang sanhing matouid, sa balac, aniya, masintahing lan~git ang capatauaran hindi icacait.

Anhin pang mabuhay sa lupang ibabao mabuhay nabucod cay Romeong hirang malabis na pacla at handog ay suclam pagcat catacsilan sa sintang nag-tibay;

At cayá, aniya, lason iyaring han~gad pagcat malaqui na sari-saring gayac sa Palacio nilang na sa Mantuang Ciudad, sa tica n~g Condeng tun~go sa pag ganap.

At baca sacaling capusing panahon sa sariling puring pilit itatangol pagcat cung guipit na't sa pan~ganib culong. yaring pag iin~gat culang isagumon.

Sa n~galan Romeo, aniya'i alang alang na catotong tapat at dating cadamay, caniya pipilitin huling cahilin~gan tagumpay n~g sinta n~g upang macamtan."

Ang Pari sa busal n~g namanghang isip sa naririn~gig niyang malinao na sulit si Romeo'y n~g di magcahinanaquit, gayari ang sagot sa tan~gay n~g sáquit

Aniya'y "cahilin~gang huli ay mabigat gaya n~g may sumpang sa licó uminlag gayon ma'y bibig-yan n~g paraang dapat upang sila'y capoua sa sala'y maligtas.

N~g upang malinis paraang gagauin Romeo'y sa dusa at nasang sapitin, dalaua n~gang bagay Julieta'y taglayin: ang tapang sa loob at sinop sa lihim;

Pagcat hindi lason nasang ipagcaloob sa linao na sabi sadiang pampatulog, sino man sa lupang sanay na mang-gamot hindi sasabihing buháy macalagot.

Sa lacas n~g pulbos sa tubig inumín apat na puo't ualong oras na hihimbing, sinuboc n~ga ito sa gabing malalim pagbucang liuay-uay sa bangcay na hambing;

Cung ito'y maganap ualang sala't tunay Julieta'y dadalhin sa calilibin~gan at doon cucunin sa inaacalang oras na pag-lipas n~g pulbos na taglay,

Harap ni Romeo at saca dadalhin, n~g lubos maligtas sa bagong hilahil, at sa dating tiis paraan isipin ang bun~ga n~g tica n~g boong namnamin;

N~gunit huag--aniyang--limutin sumulat sa asauang casi't gayo'y n~g matatap n~g di ibalisa balitang cacalat at siya, ring nan~gacong magpadalang agad.

Ng magcaisa na sa acalang gayong Julieta'y nui nang tila hindi tungtong sa lupa sa pagcat bun~ga n~g linayou sa toua nahinguil at hindi sa lason.

Sila'y maliligtas sa tamóng hilahil n~g asauang mahal ¿ano pang idaing? saca hindi batid huling sasapitin nila ni Romeo, na calaguim-laguim;

Touá'y palibhasa sa muc-ha'y nalimbag sa asam na bitouin n~g magandang palad, pagdating sa bahay magulang namalas lalong naniualang tunay ang hinan~gad.

Palagay n~g ama sa pagayong litis, na tinacpan saya n~g bugtong na ibig, ayos na ang tan~go sa ticang mapilit at di maurun~gan sa Conde de Paris;

Cayá ualang tanong pinadalang agad sa handang Palacio sa Mantuang ciudad, upang pagtitibay doo'y magaganap n~g Conde de Paris sa magandang han~gad.

Sa anyo n~g handang Julieta'y dinatnan sa Palaciong batbat n~g pamuting mahal, napag-quilala niyang sa quinabucasan tutupdin ang ticang sa caniya ay subiang.

Aniya'y sa sarili "¡ó Conde mapilit, umabang sa di mo tungcol at sing-ibig, guinugol mo'y sayang at maguiguing sáquit pagcat aco'y bucas bangcay na sa masid!"

Ang touá mo cung n~gayo'y ualang macatimbang pagcat ang ligaya sa isip mo'y nam-nam lalo pang malaqui hahali mong lumbay sa anyong pagpitas sa sampagang aaam;

Pagcat sa iyo ito'y di tungcol n~g lan~git, cun di cay Romeong ilao niyaring isip, Romeo'y ang tan~ging dapat na magcamit altar palibhasa quinunang matouid;

At halimbaua mang iyong macacamtan ¿anong ligaya mo at hindi ca hirang? anhin mo ang ganda cung sa boong silang at icao ang dilim na maguiguing hadlang?

Caya n~ga sapagca sinsay ca sa landas n~g sintang casundong hanapin mong dapat, sa sunod na arao puso mo'i igayac pagcat sisicatan n~g sisi at hirap.

At cayo ¡ó ama't inang matangquilic, sa hindi co hirang sugod nagpumilit! ihanda ang luhang di dapat mapatid hangang magcasundo tayo n~g caalit."

At tuloy humiga sa tadhanang ucol na bilin n~g Pari tinupad at layon, cataua'y pinaris sa sang nabuburol hangang sa tumalab pulbos na ininom,

Ang arao n~g anyong di na matitigan Palacio'y handa na sa cau-uculan, minulan ang dating n~g Conde't magulang ni Julieta't galing sa Veronang bayan.

Sa busal n~g touang di cayang salitin niyaring dilang capos sa acmang gamitin, Julieta'y nabucsan sa tuluga't hambing bangcay nang malamig at hindi maguising.

Naguing casagutan tanang mangagamot. na nagsidatin~gan sa madaling utos. hinin~ga anila'y, pumanao nang lubos at lasong mabagsic ang biglang lumagot,

Uica sa saring: "pagsisi at hirap" Julieta,y sa Conde dito na natupad, at saca "ang luhang sa mata'y lagaslas n~g ama at inang" sa nasa'y nalinsad;

Tan~ging iminali sa sariling sulit ang tungcol sa luhang di dapat mapatid n~g sintang magulang, pagcat asang isip sila ni Romeo ang lubos papahid.

Catuturan nito saca na malaman bumabasang ibig sa bandang hulihan, pagcat cung n~gayon pa'y boo nang tuturan sa utos n~g auit tula'y masisinsay.

N~g agad matanto ang dapat mong gauin tin~gin n~g isip mo isunod sa aquin, sa munting panulat masusing ilibing Julieta'y sa busal n~g luhang masin-sin;

Pagcat sa panulat nino mang umauit ualang pusong lihim na hindi masilip, uala ring Palaciong hindi mapapanhic at ualang libin~gang hucay di magahis.

At n~gayong lagac na ang catauang buhay n~g abang Julieta sa quinalibin~gan, lumbay n~g may tungcol marapat nang iuan Romeo'y sa dugtong n~g hirap tunghayan;

N~gunit ang mata mo cung baga nangauit mapapahin~ga na, bumabasang ibig, pagcat malapit nang maquiat ang sing-ibig sa tuctoc n~g dusang sa buhay pamatid.

Hayo cay Julieta na linagdang sulat Paring nag ampon ay hindi tinangap n~g casing Romeo, palibhasa'y atas n~g pagcacagayon n~g amis na palad.

Sa balat n~g lúpa ito'y calacaran ang pagcacataon dalaua ang taglay: touá cung maganda natin't capalaran, n~guni at cung amis bun~ga nama'y lumbay.

Ualang malay isip Romeo'y di talos sa paraang libing n~g asauang irog, n~g malamang patay cay Montescong utos, Romeo'y ang dib-dib halos na sumabog;

Dapouat pinag tibay ang loob sa sáquit sa pagcat naghari sa madlang inisip na pilit damayan ang asauang ibig sa quinalibin~gan ano mang masapit;

Ang cahit ano may hindi pinaquingan, mahigpit na baual n~g caniyang magulang, capag siya'y nasoc sa Veronang bayan, marahil magtamo n~g icamamatay

Sa pagcat masuguid sa caniya'y pagsuboc caual n~g Principe, Verona'y naglibot, baca sacali n~gang man~gahas na masoc siya'y masasaui sa nalagdang utos;

N~gunit si Romeo sa gayong pag upat, di nahintacutan dahilan sa liyag, pagcat sa sarili ang buhay na in~gat dusang sinusunong na matinding bigat.

N~g upang madali sa casi pagdamay lason ang hinanap na pinagpilitan, halos na nalibot sa Mantuang tindahan at n~g macatagpuó ay ayao pagbilhan,

Palibhasa'y gayon ay laban sa utos n~g alin mang ley sa boong sinucob, ang parusa'y lapat sa culang sumunod pagcat sapantahang sa buhay panlagot.

Romeo'y sa gayon banayad nagbalac at, aniyang sarili, sa quislap n~g pilac sa dilat di ilang nag-aanyong bulag ang ley sa lupa't lan~git niyuyurac;

Sa guintong calansing may bin~ging matunog: luha'y aapihin, ó bagsic n~g utos, puri ilulugso, ó pabubusabos, buhay man ó caniyang bagay pasasalot.

At, aniya sa lupa ¡ó punong pitagan n~g salaping toua, ó lumbay cung minsan, n~g tauo ó bayan, lacas mo'y asahang magbulid sa uala sa di cayang buhay!

At saca dumcot at pinacalansing salapi sa bulsa't linapag na tambing, harap n~g may tinda't nito'y ang hilahil n~g ley, linimot yumucó sa hiling.

Romeo'y ang lason n~g caniyang macamtan lacad na tinumpa ang Veronang bayan, damit magbubuquid balatcayong taglay baca cung mahuli, tica'y masasayang.

Sa lupang libin~gan n~g anyong malapit n~g casing asaua, nasoc na namasid dalauang lalaqui't ang isa may quip-quip n~g isang bilaong bulac-lac ang silid;

At ang nan~gu-n~gunang payucó't malumbay di iba't ang Condeng sumintang di hirang sa abáng Julieta't ang sadiya'y dahilan liguising bulac-lac ang acalang bangcay;

N~guni ó n~g anyong ang Conde'y pumasoc, butas n~g libin~gan naramdama'y catog n~g hacbang sa lupa sa daco niyang licod umurong sa nasa't tuma~gong pasuboc.

Romeo'y di iba't caniyang inilagan, na may dalang ilao tungo'i sa libin~gan lahing Capuleto ang hanap na hirang at ualang bahala sa iba pang bagay.

Sa camay piniguil n~g anyo nang masoc n~g Conde'y sa big-la tantong nan~gilabot at saca tumanong n~g uicang may poot sa gayo'y cung sinong pan~gahas na loob.

"¡Romeo Montesco! sa Conde tumugon n~g uicang may tuya at lubhang maugong. ani Conde baga bilango ca n~gayon, sa Verona,y nasoc pagcat di ca ucol.

Sa lagdang parusa malinao n~g titic Verona'y pag nasoc buhay mo'y capalit." Romeo'y pumac-ling ang buhay niya sáquit sa lupa ang tacot di laman n~g isip.

Ang tugon n~g Conde, "sinabi mo'y linsad sa pagcat nasoc ca n~g gabi sa ciudad, sa cagalang-galang lupa,y ¿anong hanap at linapastan~gan sa ganitong oras?

Romeo'y tumugon ¿"sinong lapastan~gan aniya, sa canita ó Condeng maran~gal? sa pag-parito co'y catouira'i umacay masusi't nagtibay sa harap n~g altar."

Ang Conde sa gayo'y sa galit nag-alab at biglang binunot maquinis na tabac saca aagauin cay Romeong sacbat, n~gunit ito'y dag-ling uurong't gumayac.

At saca binunot ang nasang agauin n~g Conde't sa caniya sinacsac na tambing, hindi nailasan bumaong malalim sa lupa'y nabual ang buhay naquitil.

Romeo'y naurong't ang bangcay minasdan n~g ibig magcamit cay Julietang hirang sa niuari-uari pinasoc n~g suclam pati pinamatay ay pinagtapunan;

At saca madaling ang bangcay binuhat tuloy iquinanglong cung saan nalagac ang sa cay Tibaldong, naguing punong hirap nila ni Julietang, patay rin sa balac.

Palibhasa, aniya isang camay lamang lumagot, sa capoua inin~gat na buhay, dapat na magsama labing camatayan, ó caya magpatong sa isang lagacan.

Tuloy idinugtong, sa caniya'y malapit hindi maglalaon mahihimbing pilit, buhay n~g umutang na capoua'y mapatid, n~g Conde't Tibaldo, palibhasa'y nais.

Aniya, "di acala ¡ó Condeng maran~gal! sacbat co'y lalagot sa mahal mong buhay, ang pagparito coy maghatid sa pacay hinin~ga cong hapo ang hangahad lamang;

Di rin sapantahang cami n~g sing-ibig sa lupang payapa maguiguing caratig ninyong puno't dulo n~g dusang malabis sa capoua hinin~ga namin ay papatid;

Dapouat icao Conde, na may capatauaran cung hindi namatay si Julietang hirang, tica mo ay linsad hindi rin macamtan ang han~gad mong gandang sa pusong candun~gan.

At n~gayo'y lisan na iniyong pagcahimbing sa lupang mayapa't gaua n~g patalim, upang di lumauig buhay sa hilahil sintang dadamayan ang siyang hanapin."

Sa tinanglao-tanglao nasumpun~gan agad lagacan n~g casit ang taquip binucas, at n~g mapasoc na loob nanguilalas hiniyasang mabuti't ganda'y di cumupas.

Aniya, "¡ó Julieta buhay niyaring buhay! anhin ang hinin~ga cung icao n~gay patay ano pang halaga niyaring catauhan sa sang maliuanag cung icao'y pumanao.

Ang hinin~gang hapó n~g sa dusang dagoc cayá nagtumagal pagcat caniyang handog ang mabisang lunas n~g iyong pag-irog gunita lamang guinhaua n~g loob.

Dam-dam co'y camandag tanáng naliliguid n~gayong pumanao na uagas mong pag-ibig, ang buhay ay pasan n~g matinding sáquit at sa gayo'y ualang lunas na cacapit;

Dapouat ang ganda mo cung banayad masdan tila man ding buhay na anyo at culay, ualang ibinago sa ban~gis na taglay n~g di masansalang manang camátayan.

Sa lagacáng bancay cun di ca inabot aquing masasabing himbing ca sa tulog, hindi acalaing ang buhay mo'y lagot pagcat di nabauas dati mong alindog'"

Sa gayo'y sa munti na alio dinamdam sandaling sumicat sa busal n~g lumbay, Romeo niyacap ang casi't hinagcan. casunod n~g lúha't ¡"ay Julietang hirang!"

Hinin~ga n~g anyong bumaui n~g lacas ang canay inalis sa pagcacayacap, lason ang quinuha't sa bibig tinapat casabay n~g uicang malumbay binigcas:

Aniya "icao lason ang taglay mong bagsic iyubos sa aquin n~g biglang mapatid pisi niyaring buhay tantong naiinis sa dagang mabigat n~g tungcol cong sáquit;

Icao'y tinalaga niyaring capalaran sa dusa'y tatapos sa tadhanang arao, pagpa-pasalamat sa lan~git hahangan sa piling n~g casi ilagac ang bangcay."

At saca quinabig sa pigca-cayacap n~g caliuang camay ang asauang liyag, hinagcan, at aniya ¡"anong gandang palad siping mo Julieta, buhay co'y mautás!"

Bibig n~g sisi~g-lan n~g lason sa canan sinubong patnugot ininom na minsan, at tuloy niyacap n~g dalauang camay na pinacahigpit ang bangcay n~g hirang.

Sa pagayong anyo n~g isip sa hagap ang bagsic n~g lason hintaing tumalab, n~g di mahiualay sa asauang liyag, ang maguiguing bangcay calulua'y pag-ilas

¡O pagcacataong caraniuang alay! sa tauo ang luhang capait-paitan, icao ang may sala n~g di pinagtagal Romeo sa casi n~g inoang-oang.

Icao n~ga ang sanhi't caagao na labis ang tapat na sintá caya di sinapit, hibic ni Romeo, sa lipas n~g bagsic n~g "nagbigayhimbing" sa asauang ibig;

Pagcat cacamunting oras na pag itan Romeo'y pag-inom sa lasong tinuran, siyang pagcaguising ni Julietang hirang sa buhay cunuaring sa lupa'y pumanao;

Pagcat halos lamang yacap pinaghigpit n~g dalauang camay cay Julietang ibig, ito,y nagcataong nasaulang isip caya ang pinucao bigla ang caparis.

Ang buntong hinin~ga na lubhang malalim siyang unang bati't, aniya, n~g magturing, "¡ó Dios co! ¿nasaan? at ¿sinong lumihim yumacap sa aba't hindi na naglining?"

Boong sapantaha sa cania'y may yacap yaong Paring caniyang tangulang may atas, aniya, "Padre ¿ito ang loob mong uagas sa aquing Romeong catoto mong tapat?"

¿Ito baga'y siyang pan~gaco sa aquin harap ni Romeo dalhin cung maguising, cami ililigtas sa tamong hilahil ang bun~ga n~g tica, n~g boong namnamin?"

Romeo,y namangha n~g ito'y marin~gig ang boong catauan sa toua'y nan~ginig; n~gunit dinalao rin n~g pag hihinagpis bago naibigcas ang ganitong sulit:

Aniya, "¡ó Julieta sa calulua'y sapot! licong sapantaha ilayo sa loob, aco't dili iba Romeo mong irog, nagsad-yang damayan buhay mong nalagot."

Voces ni Romeo cahima't narin~gig Julieta'y hindi pa lubos na nanalig, sa caniya ang yacap banayad inalis sa lam-lam n~g ilao[9] qunilalang pilit;

At n~g maquilala mahigpit niyacap at pinacahagcan sa tinamóng galác at saca tinanong cung hindi tinangap ang caniya ring lagdá na padalang sulat.

"At, aniya sa liham boong nalalaman litis n~g cunuaring aquing pagcamatay ang sa aqui'i may turo, pagcat carain~gan, si Fray Lorenzong tapat mong caibigan.

At cung sumapit na bagsic n~g paglipas n~g ipinainom cucuni't iharap n~g pari sa iyo sa Mantuang ciudad, n~g upang magsáma hangang huling oras."

Romeo'y sumagot, aniya y "¡mut-yang hirang palad co'y natan~gi sa lalaquing tanan! pagcat di tinangap padala mong liham at n~gayo'y huli na gagauing ano man."

Si Julieta nama'y sa dulong pahayag ang loob namangha't ulo'y napataas, at aniya, Romeo'y ¿baquit huling lahat ang biyayang gagauin? ito'y hindi tatap."

Romeo'y sumagot, aniya'y, "catuturan n~g sabing dinulo: ¡bigong capalaran! ¡sa pagcat candong na lilong camatayan at di maglalaon calulua'y papanao!

Cahit ilinoob sa aquin n~g lan~git tamuhin ang iyong uagas na pag ibig; n~guni at ang boong pag-lasap quinait sa taglay ligayang asa't panaguinip.

Mamatay ay toua sa mahal mong harap pag-aaruga mong cahit di na lunas, sa pag panao n~gayon n~g hinin~gang in~gat ang maguiguing sapot tapat mong pag-liyag,

Sa iyo'y paalam n~g ualang pagbabaling sa payapang bayan at sa isip dalhin, pagsinta mo't asang hindi lilimutin aco'y minsan-minsan iyong gunitain,

N~gayo'y tantoin mong buhay mapapatid pagcat tumalab na ang lasong mabagsic, mula pa sa Mantua binili cong pilit dahil sa balitang: "bangcay cang malamig."

Julieta'y sa hindi antay na pahayag n~g casi, ay ibig isigao ang hirap, na big-lang dinamdam, n~gunit di pinayag n~g dib-dib at tila lan~git ay lumapag;

N~g ibig iualat sariling catauan; n~gunit di mangyari't luno ang cabagay, mata'y tinin~gala't parang cahilin~gang iloob n~g Dios cay Romeong buhay.

Sa pagayong anyo cataua'y nan~ginig nag-uli sa dusang hinin~ga'y nainis, at big lang nadapa sa asauang ibig sa cataong nito'y buhay ibig malis.

Sa inigtad igtad Romeo'y sa dagan n~g casi, ay ito'y isip sinaulan nasabay sa uicang: "¡Julieta co'y masdan huli cong hinin~gang ibig nang pumanao!"

Loob tinibayan sa gayong narin~gig ni Julietang sinta sa sintang inibig, inagao na n~ga nia na pangcuhing pilit at n~g macandong na'y gayari ang sulit:

"¡O sintang Romeong sa aqui'i pumulas calong ca n~g sinta at casuyong tapat, cung mauna ca man ualang libang oras aco'y susunod ding sa bangcay mo'i yacap

Ang pagcamatay mo Romeo'y, gandahan ang iyong Julieta hindi maiiuan mabuhay sa lupa't ito ay asahan pagcat hinin~ga mo'y hinin~ga cung tunay

Sa mauica ito Romeo'y minulat ang mata, at aniya, "¡lisan ca na liyag!" piniquit na muli't ang calulua'y nulas patnubay n~g luhang cay Julieta'y natac.

Julieta'y banayad linapag ang bangcay at siyang hinanap ang lason sisidlan sa bibig tinunga niong matagpuan hiniyaguis n~g ualang lamang maramdaman,

At sa bangcay, aniya, ¿"Romeo co'y baquit di mo na tinirhan Julieta mong ibig? ¿sinarili mo n~gang mamatay sa sáquit sa iyo'i pagdamay di mo na inisip?"

Sa binilog-bilog n~g boong lagacán sugod nagtumin~gin hanap ang pamatay sa tapat n~g butas caniyang naquislapan pinaglabang caliz n~g Conde't n~g hirang;

Sa calayuan n~ga'y ang nasa'y naurong baquit naramdaman sa tapac ang ugong isang lumalacad aniya, cun di putol buhay niya'y di dapat sa anyo'y masumpong.

Ang matang namugto sa casi linin~gap para bagang tulong sa anyo ang han~gad, n~gunit ang puluhan n~g dagang may pilac in~gat ni Romeo namasdang cumislap.

Binunot n~g touá't linapit sa tin~gin aniya, "icao dagang tangulang cong daing, capagcaquita na salamat ang hayin lalo cung madaling idamay sa guilio"

N~g puso ang dupoc catutubo'y pagcat at ang sa babayi lalo nang di palác Julieta'y ang sundang hinagca't sinacsac ang puso at saca asaua'y niyacap.

Saca humagulhol n~g calunos-lunos pagcat nagcaagao sa mahinang loob: saquit sa pagpanao n~g asauang irog at saquit din naman n~g sugat ang handog.

Sa cahambal hambal na pananambitan hindi nauauala cay Romeong n~galan, sa sugat ay ualang pagsisi ano man cahima't ang saquit sa caniya'y di bagay.

Big-lang napahinto sa tagho'y at daing casunod ang buntong hinin~gang malalim, tumin~gala't, aniya, ¡"Romeo i yacapin sa payapang bayan caluluang darating!"

Tinunghayan mata, n~g ito'y matapos, at anyong hahagcan any bangcay n~g irog; n~gunit ulo doon di na naiquilos pagcat ang hinin~ga tuloy nang nalagot,

Sa casing Romeo ang pan~gacong yacap cung siya'y mamatav tunay n~gang natupad sa luha at dugo halos nan~gababad ang capoua bangcay n~g nag-isang palad.

Puso ni Julieta ang nayong umirog dugo rin n~g puso ang boong binuhos sa caniya't sa casi na inaring sapot at hangang libin~gan laman pinagtampoc.

Cung ano ang bucál n~g puso sa bibig, n~g nagliligauan naganap na pilit, hindi masasabing daya caya litis gaya n~g di ilang sabihang pag-ibig.

Mahalagang buhay n~g tao't sino man Julieta Romeo hindi nanghinayang sa pitang matapat n~g sintang dalisay cahit gagahanip ualang pinagculang.

Cung ang naguing palad dusang catnig-catnig; ang pagtitin~ginan lúbid na matamis ni isa ma'y ualang nagpatanao sun~git na binubucalan n~g hidua sa dib-dib,

Ano't n~gayong nanao mahalang buhay Julieta't Romeo sa pag si sintahan, siya namang banguitin tauong naramdaman Julieta'y n~g bago maquita ang sundang.

Si Fray Lorenzo, ito't ang sa nais Julieta'y cucunin sa pagcat sumapit. pulbos na ininom ang taglay na bagsic n~gunit n~g mamasdan naguiclahang isip.

Cataua'y naurong at big lang nataas ang muc-ha'y dumilim at loob nasindac. pagcat ang acalang may buhay at lacas bangcay n~g nagcatay sa dugong nagdanac.

Mata'y tinin~gala't camay haluquip quip aniya--"¡ó Dios co n~g aua at bihis! hindi mapag hulo ang dito'y namasid naguing bun~ga'y bangcay n~g turo cong litis.

Ang ilao[10] quinuha n~g ito'y matapos saca tinanglauan ang magcasing irog, n~g maquita'y lalong nagulo ang loob cay Romeong bangcay ualang munting galos.

Sa sinuling-suling n~g di uastong isip sa mundo n~g balac, gulat ang caparis, tumanong sa uala, aniya, ¿ito'y baquit? ¿balintuna caya ó totoong masid?

Sa balac n~g ualang hiligan ang loob harap n~g singpalad ang paa hinuhod, camay haluquip-quip ang noo'y niyucod casabay n~g dinasal: "Miserere mei Deus."[11]

CATAPUSAN

Marahil hindi pa iyong nalimutan bumabasang ibig, ang alilang abay, n~g Conde de Paris n~g tumpang alayan bulac-lac ang bangcay ni Julietang buhay

Ang Conde n~g bago Romeo'y sinuhin sa samang utusan gayari ang bilin: aniya'y, magtumagong cumanlong sa dilim at huag lalapit hangang di tauaguin.

Caya sa utusan hindi nailin~gid ang boong nangyari naquita't nirin~gig. pati si Julieta sundang n~g itiric sa mahal na puso, pag agao n~g nais;

N~gunit n~g marin~gig n~g paa ang yabag ni Fray Lorenzo umurong sa agap; at n~g maaninao ininlaga'y bicas sa canlun~gang libing madaling lumabas.

Lahat na nangyaring narin~gig namasdan sa Principe Scala pinagbigay alam, at noon ang arao anyo nang sisilang caya gauin dapat ualang ibinalam.

Sumandaling liban sa libin~ga'y nasoc m~ga ilang caual n~g Principeng bantog, ni Fray Lorenzo catulong nag-ayos sa tatlong inusig n~g palad na capos.

Palibhasa tatlo'y anac sa calac-han balita'y madaling cumalat sa bayan; cubcob di naglaon ang boong libin~gan sa nagsipanood duc-ha at mayaman.

Sarisaring balac doon naririn~gig palibhasa'y di pa naguing dahil batid, canicaniyang catha ang ipinipilit pagcat gayo'y lacad sa boong daig-dig.

Anot ang Principe at capoua magulang n~g nagcasing sinta nasoc sa libin~gan, pati camaganac at ibang caibigan na anyayang lahat n~g capangyarihan.

Ang luhang bumucal di na ipagsulit sa capoua magulang n~g nagcasing ibig, tasa n~g panulat sa gayon ay biquig at capos maghanay n~g pighating labis.

Bumabasa, sa iyo'y luhog cong magbalac lumbay n~g magulang sa anio n~g anac, n~g buhay, cung lalo tan~gi't punong dilag ó inaasahang ligayang manin~gas.

Lumbay n~g magulang sa Pari ang tin~gin, ná patayo't baba sa dib dib padiin, lubhang mahalaga cung baga isipin may nasang itanong, n~gunit napipiguil.

Dapouat sa Principe ang gayo'y di lin~gid at caya sa aua sa Pari'y nagsulit, aniya "Padre, n~gayo'y ¿sabihin ang baquit Julieta't Romeo'y bangcay pinagdatig?"

Ang Pari, sa tayong ulo rin ay yucod tumugon at aniya sa sabing malambot: "pinagsamang camay na loob n~g Dios n~g tauo ay hindi maipagbubucod."

Principe pumac li, aniya, hindi lirip tila talinhaga iyong pinagsulit, cayá sa dan~gal mo aquing ninanais boong liuanangan n~g upang mabatid;

Aco'y tila uhao sa mahal mong turing. pagcat anhin co mang sa isip basahin iyong natatalos mahalagang dahil lihim n~g nangyari na calaguim-laguim.

Ang Pari hindi na hinintay maulit hiling n~g Principe agad pinagsulit: sintahang dalisay sa buhay pumatid Julieta't Romeong catotong matalic.

Tahimic dinin~gig niyaong calahatan n~g Pari ang boong banayad sinay-say, saca n~g matapos sabay isini~gao ang sing-palad saquit n~g panghihinayang.

N~gunit ang Principe sinigilan n~g galit n~g matantong lahat ang sa Paring sulit, aniya, "icao Padre, n~gayon ang bibit-bit sa maboong bigat n~g santong matouid."