Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo

Part 3

Chapter 3 4,182 words Public domain Markdown

Tugon ni Julieta, "dusa man sa dib dib guinao sa bintanang sagap mo at tiis n~gunit lason naman sa aquing pag-ibig ang icao itabuy sa harap co'y malis."

Pac-li ni Romeo--"di man cata lisan may iba pang lunas na dapat pacamtan," tugon ni Julieta, "sa sabi co y liban ualang maapuhap sa isip anhin man."

Romeo ang caniyang malambing na sagot aniya, "sa silid mo magtuloy cung tulot aco'y macacanlong sa guinao at hamog tahimic pa quitang ualang caba't tacot."

Sa pagayong hiling Julieta'y dinamdam naapi ang budhi't ang dib dib sinicpan, naurong sa layo't ang mata sa hirang tila baga ibig lihim pa'y hanapan.

Aniya, "¡ó Romeo! saad uliniguin cung pita ma'y lihis upang isalibing, pag-ibig sa iyo'y pag ibig n~g angel sa caniya'y Lumic-hang, ualang macahambing.

Sa iyo ang tulot cong sa bintana'y manhic, lagui n~g pag guilio sa aquin may usip; n~gunit niyaring puri ay minamatamis bangcay cung lumampas sa hinahong guhit.

Anio n~g babaying ilauig ang buhay calulua'y cung yurac n~g pula't casaman, pagcat ang halaga na guintong in~gatan ang maguing busilac ang puri at asal;

Caya sa isip mo sacaling namugan hina co'y hanapang labis pa sa gauad, inihahanga ca n~g sinta cong tapat pag-asa itacuil at di icagalác.

At yamang sa gayo'y munting cumulimlim sicat n~g sintahang laong maluning-ning, mula n~gayon, ang iyong buhay sa hilahil ilayo't ang dating parito'y limutin.

Romeo ay big-lang nalumbay nan~ganib sa pagayong say-say n~g sula n~g isip, sa harapan nito'y halos na tuman~gis at sa anyong luhog gayari ang sulit:

Aniya, "ó Julietang sinta n~g pagliyag layo sa gunita puso mo'y sumugat; n~gunit sa puri mo cung yao'y camandag antay co ang iyong parusa ó tauad.

Panong ha han~garin sa iyo'y naguing tinic pagcat saguisag cang ualang lamat dun~gis, at malinis ca ring itampoc sa nais caya ang pitagan sa budhi mo'y labis;

Dusa mo'y dusa cong sa dusa co'y sacdal palibhasa icao ang tali n~g buhay, toua mo ay toua co ¿panong di inlagan ang icalumbay mo cahit sagui lamang?

Dilag mo'y pan~gauit sa bun~ga cong tulog, sinta mo'y pang-daya cung suco ang loob, puri mo'y ligaya n~g pag-asang lubos, ¿panong acalain ang han~gad na buctot?

¡Ay hirap aba co! cung iyong patulan ang sapantaha mong di co gunam-gunam, anhin pa ang buhay sa lupang ibabao cung icao di aquin, aco'y calabisan."

Sa pagayong luhog n~g pusong maalab hindi nacatagal poot naguing habag ni Julietang supil tunay na pagliyag, caya n~g matapos gayari ang bigcas.

Aniya, "¡ó Romeo cung n~gayo'y tinuran! salaming malinao sa puso mo'y simpan, parusa ò tauad hindi cailan~gan pagcat gayo'y lapat sa may casalanan;

Catiuala sa iyo ang isip at loob pagcat namasdan cang tapat na umirog; n~gunit yaring puri handa rin ang utos sa inaacalang bahid na lu-lusob.

Dapouat ang naguing subiang niyaring dib-dib di lisiya sa landas n~g uagas mong hibic, paca-asahan mo, at huag man~ganib aco ay iyo rin magpahangang lan~git.

Puso co ay iyo, iyo't di ma-aagao n~g iba pa't sinong sa caniya hi hirang pagcat ang pagsintang tunay isa lamang caya cun di iyo tungcol n~g libin~gan.

Ganap ang touá co na hangang di sicat mapalad na arao sa bun~ga'y pagpitas n~g magandang nais agap mo'y pag-in~gat sa icalulooy sa hinog sasac-lap.

Romeo'y sa bugso n~g touáng dinamdam inagao ang sulit n~g mut-ya at búhay, "sa toui-toui, na ualang gunam gunam cun di ang sumapit arao mong tinuran;

Pagcat ang dalan~gin n~g isang ninibig hangaha'y abutan n~g ticang malinis, pagcat caniya ito't lualhati n~g lan~git samantalang buháy sa bayan n~g hapis."

Cay Julietang sagot--"cung inip ca'i sundin at n~gayo'y tulot co ang sa pusong hiling Romeo'y sa touá na hindi mapiguil, "cung gayon--aniya'i--ganapin bucas din"

Ito nga'i ano pa't ualang higuit culang natupad sa harap paring cumpisalan, ni Julieta't sa cay Romeong caibigan pan~gala'y Lorenzo't[7] tapat na dumamay;

Nag-utos ang gayong sa magula'i lin~gid n~g capoua n~ga pusong sa tica'y nagpilit, cailan~gang ucol lihim na guinamit sa simbahang cupcop n~g Paring binanguit.

At caaya-aya nan~ga n~g maganap, ang ilao n~g arao maganda ang sicat, ang azul n~g lan~git buháy at laganap, simoy pa n~g han~gin pang-uili't banayad.

Ang tanáng linic-ha punó n~g alindog sa pagui-guing sacsing umid n~g masunod ticang pinilacan n~g calugod-lugod ang naguing larauan n~g sinta't pag-irog.

At marahil cayá ang boong quinapal, sa arao na iyaon saya ang tinag lay pagcat para niyang himacas at hambal sa nagcasing pusong capos capalaran.

Sa buhol na tali n~g ticang malinis ano t n~g sacop nang sila'y di maalis, sa cani caniya nuing matahimic para bagang ualang ano tuang nasapit.

Ang gayong nangyari lubos na nabaon sa suloc n~g lihim sa habang panahon mag-asaua'y buhay hangang panahon ang capoua hinin~ga sa palad na ucol.

Di co man auitin, bumabasang ibig, sa caya cong capos, balac na nang isip humiguit cumulang ang touáng sinapit Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis.

Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag, binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat sa quinamtang ticang ang linis laganap.

Sa balabalaquing usapang mairog hindi naua uala't laguing nacaun~gos ang paraang sucat na macalalambot sa canilang capoua magulang na loob.

Cacapanan nito'y pag asa'y malabis pagcat macacamtan mabigat man cahit, baquit mababa nang arao y pagtahimic n~g dalauang lahi sa di pagcacaliz;

N~gunit aling touá sa lupang ibabao lumagui sa tauong di dag ling pumaram at cung sa bulac-lac sa samio ay culang casunod pa'y lumbay na higuit sa bilang;

Gaya n~g sinapit dalauang singpalad n~g anyong ang touá sa puso y mag ugat, ang lason sa buhay sunod na lumagac sa busal at hangang sa sidhi nautas;

Ito ang calvariong tinungcol n~g lan~git, sa sintang cunanan halimbauang linis at marahil cayá gayo'y pinatiis n~g upang mataniag sa tanáng ni-nibig.

Isang arao n~ganing cusang nag-lalacad Romeo'y sa loob n~g Veronang Ciudad, natagpouan ¡dusa n~g amis na palad! ang isang auayan n~g palalong tabac.

Ang isa sa pooc n~g naglalabanan pulos cay Romeong man~ga caibigan; n~gunit sa cabila ang pan~gulu bilang si Tibaldong lilo't cay Julietang pinsan.

Cay Tibaldong asal bumabasang irog, sa dacong unahan sucat mong matalos, sa pagcatahimic amai't cahamoc na laon nang arao na di cumiquilos.

Romeo'y cahima't binucong matibay dugong Capuleto'y caliz di bahiran; n~gunit cay Tibaldo, ang isip nadimlan n~g mapatay nito isa sa calaban;

Pagcat ang namatay catatong mahigpit, n~g Principeng Ciudad capinsang malapit, at ang quinarool sanhi n~g paglait ni Tibaldong tacsil cay Romeong bait.

N~g si Romeo n~gay natagpong hinamon Tibaldo'y nalagot buhay di naglaon ang sa caniya'y damay sa tacot malipol ang unang balasic sa paa'y guinugol.

¡Oh ualang paglin~gap at palalong poot! sa can~gino pa mang iyong maabot at bihira sa iyong masig lang di lingcod na macata-taguing di bulag sumunod;

Gaya n~g pagtupad n~g matang papiquit sa iyo ni Romeo at di na naisip, sa ama at bianan siya ang matouid magbigay payapa cung muling mag caliz.

Cung magaua sana maca sampuong bilang n~g tauo'y sa galit bago magpamalay, n~gunit cung malaqui ihangang sang daan pan~ganya-yang bun~ga di man matiticman;

Dapouat si Romeo'y sa gayo'y nalihis, sa ugaling lacad n~g lupa'y naparis, sa init apuy rin nabuyong sumanib hindi na nabalac dusang masasapit.

Cahit sa pagayon Romeo'y nagculang, n~gunit nacatupad sa tungcol na mahal n~g pagca-caibigang tapat at matibay bihirá sa mundo bagang matagpuan.

Ano't sa Principe n~g ito'y lumatac sumbong cay Romeo n~g tanán lumacad na caniyang catoto ualang naguing bayad pagod na guinugol sa mabuting han~gad.

Romeo'y dapat n~ga at pilit ma-matay sa naunang lagdang utos alang-alang n~g Principe'y aniya, "umulit sino man sa pagcacaalit capalit ay buhay";

Sa munting hinahon "lumitao ang ugat sa boong nangyari" ito ay nalipat "pagbubulay lining" munting bumanaag dapat pang-hauacan sa dusa ibauas.

Ito'y dili iba't cay Romeong tutol sa "pag-uusisa" n~g macunang tanong. na cayá pinatay ay higanting ucol sa piling caibigang buhay rin nahampol.

Sacsing nagsiharap ito'y pinagtibay at nan~gagcaisa boong casagutang, baquit sa higanti ang punong dahilan n~g Principe Scala sa mahal na pinsan.

Ang lagda n~g hatol ano't n~g dumating Romeo'y sa buhay dapat na maquitil, parusang capalit ay ang ualang taning na, sa ibang bayan siya ay dadalhin;

Alalaong baga'y di dapat lumabas sa catatapunang bayan caniya'y lapat; n~gunit loob nito'y may tulot maglacad pagcat hindi piit sa culun~gang sucat.

Salamat sa pinsan n~g Principeng bantog, nito cay Romeo ang di nag papugot siyang tan~ging dahil bumali sa utos na unang linagdang uica'y pasusunod.

Sa boong daigdig ito'y calacaran hatol na papiquit naguing caraniuan sari-saring bagay ang quiniquilin~gan na icalugami n~g hustong catouiran.

N~gunit cay Romeo ang iquinabauas n~g acmang parusang ito n~gay di dapat, cung di dahil lamang cay Julietang liyag, pagcat yao'y lalong pampahabang hirap.

Ano't n~g nagtibay ang sadlac na hatol sa madaling taning siya,i isusulong sa Mantuang[8] ciudad sa parusang ucol Romeo'y sa lumbay halos na magumon.

Anong itatagal n~g puso sa sáquit ang asauang mut'ya maiiuang pilit, at ang paalaman cung hindi magahis Romeo'y ibig pang hinin~ga'y mapatid.

Umaquiat sa bahay n~g mahal na bianan dahil cay Tibaldo, hindi carampatan, pagca n~ga calahi mauari ay subiang, sa sintang asaua lihim cung lilitao;

Hibang iyaong isip sa sinuling suling sa mundo n~g dusang punong tinic ban~gin gumiit ¡n~g alio! ang Frayleng umamin nagtibay't nagtago sa pagsintang lihim.

Pagcat ito lamang tan~ging maasahan sa ipagqui-quita mag asauang mahal, bago tutuparin parusang cacambal at nagpaquilala n~g sintang dalisay.

N~g ito'y humagap sa yari n~g isip ayon sa paraang sa balac umaquit, causap pa lamang n~g Pari sa nais, utos ni Julieta siya nang pagpanhic;

Ito'y dili iba't sisiuang hin~gahan puso ni Julieta sa canilang simpan, sa pagcat bihirang sintahan maualan cahit ganong lihim n~g isang caalam.

Ito cay Romeo ang dalang pahayag muli't muling bilin siya'y pumanatag, ni Julietang casing niyapos n~g hirap, mulang mabalita hatol na nasadlac.

Dan~gan ni Romeo'y ualang taglay baguis lumipad na sana n~g ito'y marin~gig harap n~g asauang lugmoc sa hinágpis, ang luhang nanalong n~g agad napahid.

N~g anyong tuparin n~g puso ang yacag at Pari lilisang casabay n~g yacap, ito ang sinabing pan~garal banayad, aniya, "¡ó Romeo dinguin ang pahayag!"

N~g iyong singpalad ang puso'y tibayan n~g lan~git sa lic-ha pagsuboc na mahal, ito'y pag nangyari ay may catuturan maguing toua ó ibang mahalagang bagay.

Aco'y hindi bandai sa pag usig gayac n~g naguing sala mo ang boong patauad, ang pagcacasundo gayon din ay agap n~g ama mo't bienang di na nagcalutas.

N~g upang matan-yag pinagtibay hiling n~g casing sinta mong masinag na bitoin, ang bun~ga n~g tica n~g lubos namnamin laman ninyo'y hangang n~g lupa'y anquinin.

Sa pagayong han~gad n~g magcaibigan lalo cung tiuala sa boong pagdamay, sinong macarin~gig di munting maparam cahit ganong laqui n~g tag-lay na lumbay.

Caya si Romeo'y m~ga uicang sagot malubay at acma't sa puso ay hugot; n~gunit sa paalam sumagui ring lungcot ang jardin n~g sinta tinumpa't pinasoc.

Bintana'y pagpanhic sing-sinta'y nag-yacap casabay n~g luhang sa mata'y lagaslas, napupot ang sulit, halos man~gauasac ang capoua dib-bib sa lumbay naglapat.

[Larawan]

Ang m~ga cataua'y nangyaring namanhid sa dagan n~g dusang handog n~g hinagpis, titigan sa quilos himutoc ang sulit dahil sa nangyari at sa masasapit.

Sa pagayong anyo n~g isip cung masdan panulat n~g pantas tila calabisan, pagcat yao'y lalong hinahong magsay-say cung ano at gano sa puso'y pumisan.

¡O pag-sinta'y baquit tag lay mang saguisag ang lumbay sa iyong mahalagang dilag! sigalot at madlang lihim cun di yacap ualang ma-auit sa magui-guing bacas.

Bato mong urian: hilahil at hapis cung baga sa guinto n~g pan~gin~gilatis, doon mamamasdan simpan mong pag ibig cung dalisay tapat ó dupoc ang capit.

Ano't n~g tumiguil sa mata'y pagtulo n~g maraming luhang nagbig-lang bumugso, ang capoua dib bib nalouagang tanto sa sabic na titig n~g pagca-catagpo.

Naguaguing umiral n~ga ang napiping sulit sa tali n~g buhay na tilá papatid, n~gunit ualang ibang pagliham n~g hibic cun di ang pagsunong sa palad na amis.

Sa lupa'y alam na't di co man salitin ang pag-hihiualay sa magcasing guilio, lalo cung ang sanhi gaua n~g hilahil gunitain lamang loob hahapuin.

Cung ito'y mangyari di sáquit n~g saquit gaya n~g narating sin buhay n~g auit, isa pa ¡ó lasong! ang lumbay ay tipid hindi maitanyag at sa lilim alit.

Hagulhol n~g sinta sa dusang yumacap n~g uala nang caya't anyong bumanaag ang ilao n~g arao sa lic-ha'y pagalac Romeo'y tumayó't nagbagong pahayag,

Aniya "¡ó Julieta icao na'y lilisan! yaring pusong uasac, lamang ang iiuan, sa bayo n~g dusang ualang pacundan~gan, n~gunit tipong lahat ualang umilandang.

Larauan n~g iyong gandang casingparis n~g uagas mong sintang ualang casing tamis; asahan mo'y siyang limbangan n~g isip upang aco'y huag supilin n~g hapis.

Cung malayo ca man at di ca caharap sa mata n~g lamang hindi ca mamalas mata n~g calulua capag idinilat matititigan din carictang mong lunas.

Aco'y aalis na't sa iyo ay paalam, maauaing lan~git naua ay pacamtan ang touáng capalit n~g lúhang nunucàl maguing dito't saca sa payapang bayan;

N~gunit cung talagang tinungcol n~g lan~git canita ang dusang haba'i catnig-catnig pasasalamat din ang handog n~g isip huag lamang hindi caniyang iniibig.

Pagcat di ta taroc itong catuturan cung bayad sa sala ò paquinaban~gan sa panahong harap n~g liping lilitao sa abá ta cayá tungcol n~g may capal.

Isa pa ang tauo hindi maiparis ang laman n~g nasa sa talagang hilig palad niya'y cun di, ang dapat ipihit pag-ayos sa balang tungcol masasapit."

Julieta'i inalio n~g gayong pahayag at saca sumagot, aniya, "aquing tangap puso mong aquin na at i-uling ilapat sa aquing pag-ibig" sa luhang nanatac.

Saca inalili calagui-ang aquin sa pagcat ito man iyo na rin at dalhin husto't pati dugong gaua n~g hilahil ualang natilansic cahit gagapuing.

At asahang cang habang gumaganap sa parusang lagda n~g sa sintang palad, acong ma-iiuan bilang co ang lahat na magsi-sidaang camandag na oras.

Sinta co'y di dapat pan~galauang sinta, cung icao sa hirap aco'y sa guinhaua, tahanan cong silid siyang ipapara sa catatapunan bayan n~g parusa.

Ang buhoc n~g arao n~gayong linalatag sa tanáng tinic-hang salubong ay galác, aco'y asahan mong, m~ga mata'y harap sa calalaguian mo'y icao minamalas

At cung ang quinapal auit ang pagsipot n~g masayang arao buhay pagcat handog, aco'y asahan mong hihin~gin sa Dios, buhay co'y hanganan uagas mong pag-irog.

Pagcat ito'y tan~ging buhay co sa lupa, hindi ang tinapay at iba pang toua, maquita ca lamang busog co'y sagana saquit ma'y mabigat guinhaua'i saganá

At n~gayong ang sicat n~g arao paglam-lam, ó anyong magtago sa calulunuran ang auit sa isip sa tinig lulumbay, pagcat ang hirap mo'y na sa cadiliman.

At n~gayong ang gab'i tungtong na sa lalim at ang sangtinacpan tahimic na't himbing, asahan mong, noon ang auit n~g daing catono'y n~g panglao n~g tugtog n~g libing.

At cung touá naman maquita't marin~gig asahan mong, aco'y lugmoc na sa hapis, sa gayo'y sa pagcat hindi ca casanib at icao ay dusa ang lagoc mo't tiis.

Pagcat cung ang saya sa may tuná'y busog ay apdong mapait sa may acay lungcot, munting casiglahan icauiling quilos sa may calumbayan dagoc n~g himutoc."

Ito't ibang daing ang pinagsunuran n~g calunos-lunos na nagcasing hirang, say-say di dapat upang di madamay, bumabasang ibig, cung lúha'y magaan.

Nagtangapang lúha na mata'y lagaslas at naghiualay ring lúha ang pumatac, sa bintanang sacsing umid n~g pagliyag, na cauan~gis bubog sa linao at quislap.

Romeo'y tuluy na't calag-cad na pilit n~g parusang lacas sa daàng matinic sa calvariong tungcol sa caniyang pag-ibig, n~g di matingcala't malihim na lan~git.

Daratna'y parusa't luha ang iniuang nanalong sa cabiyac n~g calulua't laman, at ang pagcaualay ualang taning arao ¿may dusa pa cayang lalalo sa lagay?

¡O lúhang babaying pansupil na caliz! sa pusong lalaquing may asal na gánid, sa tinbang n~g dusang daratnan at bit bit ni Romeo'i icao, ang sa bigat labis.

Bauat isang patac n~g gunita lamang, n~g isang malayo sa sintang cinimpan dagat man din't unos tatauiring dam-dam sa munting ilan~goy hinin~ga'y papanao.

Ano't muláng ito'y lumbaying tumulac sa quinaguisnan niya at linac-hang Ciudad di na n~ga cumati ang luhang nanatac ni Julietang casi't ualang icagalác;

Inaagao dising lin~gid sa magulang huag na bumacas pighati sa buháy, dapouat di mahulò ang bagay dahilan cayá gabi't arao ito ang usapang.

Sino sa magulang sa anac na sinta nitong dusang lihim ang hindi man~gamba lalo na cung bugtong gaya ni Julieta, at inaasahang touá at ligaya.

Sa pagcat ang ina'y hin~gahan n~g anac sa lahat nang lihim at iba pang han~gad, dito'y pananalig n~g ina'y sumiyasa't sa abang Julieta ang sanhi n~g hirap.

N~gunit pan~gaco man lang lunas n~g saquit ipagsabi lamang maganap na pilit cahit mahalaga ò sa puso'y pait, Julieta'y umid din sa tagong hinagpis.

Cahit uicain mang canila rin dusa ang di itahimic sa simpang balisa at cahit paluhog na halos sumamba ayao ring mabucsang dib-dib ni Julieta.

Cung gano ang tibay't tapat na pagcapit sa mahal niyang puso n~g sinta't pag-ibig ay gayong din naman ang lihim sa dib-dib sa ina may caguiat ayao ipagsulit.

Gayon sa hicayat sisiuang caalam tan~ging caulayao sa busal n~g lumbay, ayao ring umayos laguing casagutan lihim niya'y dadalhin hangang sa libin~gan;

Pagcat samantalang na sa pag aalit n~g capoua ama nila n~g mag sing ibig, tantong masasayang ualang masasapit cahit isinin~gao man ang laman n~g dib-dib.

Sisiuang pang-alio cahima't itutol, na cung ipagsabi marahil puputol n~g capoua magulang cagalitang laon, Julieta'y sa sagot ama'y di aayon;

Pagcat caniyang taroc ang sa amang subiang sa m~ga Montesco'y ualang macabagay, balaquin ang anong ipaya-pang tunay sa pagcacasundo malayong lumaang.

Cahit si Julieta'y bata pang maglining sa caniyang bunga n~ga'y tama cung taroquin pagcat ang suyuan pagcasi'y maning-ning dapuat sa lahing alita'y rimarim.

Caya ni Julieta hindi man hinayag ang laman n~g luhang baha sa pagpatac, sa gaya n~g inang may tungcol bumacas sa laon nasilip na munting banaag

N~gunit nauari mang pagsinta ang simpan hindi rin nasayod cung sinong dahilan, sa conde de Paris, sa una'y tunuran, tinucuy ang balac at pinapagtibay;

Pagcat tan~ging ito ang ipinagturing sa anac na bugtong n~g gabi n~g piguing at ito n~ga lamang humiling mag-anquin puso ni Julietang usig n~g hilahil,

At cay Capuleto n~g ito'y pahayag n~g casing asaua dagling quinausap, ang Conde de Paris tungcol sa pag ganap sa mahal na tica sa camay n~g anac.

Ang pagcaca-isa sa madaling taning ang pita n~g Conde masusing ganapin, di na sinanguni sa abang butihin cung ito ang lunas sa lumbay at laguim.

Caya si Julieta ang luha'y bumucal sa bibig n~g ina, n~g ito'y malaman, at ang puso nila ni Romeong hirang ay pinagbuhol na sa harap n~g altar,

Isa pa'y ang Conde sa haying pag-irog puso ni Julieta ay hindi tumiboc, cahit sa isip man di sumaguing lubos liban cay Romeong sa palad nabucod.

Caya n~ga sa Conde: ama'i n~g ipayag ang camay n~g bun~ga at sula n~g dilag, aniya sa sarili, "¡ualang casing palad sa lalaquing capoua sa sangmaliuanag!"

Sa pagcat ang mutiang acalang gugulong laot n~g siphayong sa caniya'y pang gumon biglang macacamtan sa puso'y cacandong ¿anong di isaya at ito ang layon?

N~gunit maguing Conde't casuyong magulang, nagcamaling lubos sa acala't asal, pagcat si Julieta di na macacamtam, liban cay Romeo, gayon ang libin~gan,

¡O m~ga magulang na maling mag-isip ang anac sa isang hindi sinta't ibig, ¿baquit pipilitin, tunay masasapit cun di dalamhati, sa pita'y malihis?

Ligaya'y asahang hindi punong bucál ang calac-ha't pilac, cung bagay han~gad man, cun di ang sintahang boo at dalisay matamis na lahat pa'i capaitan.

Manood n~g sintang gaua ó hicayat n~g in~gay n~g guinto't ibang sauing han~gad, n~g hangad ang laman sa lupa'y pagpalas uala rin ang sinta't han~ging lumilipas.

Masdan ang nasapit buhay ni Julieta, cun di ang pagpilit sa hindi sininta, marahil ang puso na sunod sa tica ay hindi inusig ang madaling hanga.

Ama ni Julieta sa tan~gong matibay sa mahal na Conde't ito-y sa pag-asam, as sariling anac lamang pinaalam ang doo'y mabisang lunas icalumbay.

Gaya ni Julieta anong isasagot cun di ang mamangha sa pag-hihimutoc, at saca ang luhang sa mata'y umagos casabay n~g uicang n~gayo'y di malagoc.

Ang acalang lunas sa matagong simpan mamasdang ang anac sa puso'i may lumbay, sa ama'y umali lunos calangcutan sa pagcat ang tan~go di na maurun~gan.

Ang lunos umiral, sa pagcat ang anac ay lalong sinidhian n~g taglay na hirap, at dito'y nauaring sa puso,y sumugat ni Julieta'y iba't, nahidua sa balac.

Dito na ang sisi na bucang lansan~gan, na uica'y sa huli't uala sa unahan. linimot ang hatol: na gauin ano man isiping banayad ang ayos at sinsay.

Caraniua'y sisi ang bun~ga'y pahamac tulad sa gumitna sa moog n~g tabac sa lupa'y bihirang matapat lumasap na di man~gi-n~gisi ang loob sa saclap.

Sa aua n~g ama sulong na inasal lihis, palibhasa hiya,y macacamtan, nag-uicang may poot, aniya, "ualang daang hindi masusunod yaring calooban.

At cun di ihayag ang tago sa dib-dib tantong mauauala sa amang pag-ibig, ang lubos na suclam sa gayo'y capalit pagcat sa magulang di tapat ang isip.

Ang sa ina namang himoc na malambing siya'y sa pagtangap sino man ang dahil, sa dusa n~g puso Montesco mang supling, cahit ito'y dating catalong patalim;

At cahit, aniya, sa balac n~g isip maguing cay Julietang subiang din sa dib-dib ang lahing Montesco, n~gunit cung inibig ina'y sa pag-ayos cung lunas n~g sáquit.

Ang gayong subali malambot na bigcas cay Julieta'y tila pai't di quinagat, pagcat, aniya lalong pighati cacalat isin~gao ang lihim na hindi di rin maganap,

Minarapat niyang siya'i ang inibig lamang ang lalagoc sa copa n~g sáquit calatac latacan uubusing pilit huag ibahagui iba sa hinagpis

Pagcat ang pag-ibig nilang madalisay may sala, at hindi gunita ang hadlang; n~gunit sisi uala't tamis ang mamatay sinta ni Romeo huag lamang yuracan.

Julieta'y sa anyo ang nacacatulad, batong buhay anio sa guitna n~g dagat ang dumpol n~g unos sinayang na lahat cahit gagapuing lihim di maagnas.

Cayá n~g uala mang caya ang magulang sa luhog at cahit maguing sa poot man minagaling nilang ipagmadalian pag-ganap sa tan~gong di na maurun~gan;

N~gunit si Julieta sa gayong inisip di himbing at gayac sa dapat na litis yao'y balac lamang siya nang pagsaglit sisiua, sa paring nagtibay sa nais.

Sa Paring matanto cay Julietang bilin hindi nagpaliban agad pinadating sa abáang Romeo laman n~g hilahil, sa dating di tapos, na bagong sasapin.

Romeo'y sa busal n~g dusa at poot naguing casagutan sa asauang irog, sa tica n~g Conde banal na umayos at ang tagong lihim huag ipatalos;

Aniya, sa mabuting paraan cucunin hindi maglalaon Julieta sa piling n~g mahal na ama't ito'y pagpilitin n~g upang maligtas sa bagong hilahil.

Ang pag-ayong bilin hindi man tinangap sa sintang Romeo n~g usig n~g hirap, sa puri talagang tacsil ang pumayag sa tica n~g Condeng ibig ipaganap.

Ang uicang magtacsil sa asauang tunay sa lan~git at lupa ang handog ay suclam, cay Julieta'y lasong ualang macabagay labis icamatay salaguimsim lamang.

Ang taning sa Conde caya n~g malapit Julieta'y sa ina masayang nag-sulit, aniya, "ang sarili't mahaba nang sáquit dahil di mahulo anhin man cung baquit,

Sa liniguid-liguid tanáng namamasdan ualang touá cung di pulos capanglauan marahil, aniya, sanhing casalanan sa pari icuhang sanguni ang bagay;

Sa pagcat di lamang sa tauo'y pag-hatid n~g lumbay ang dusa't iba pang pan~ganib cun di ang sala mang sa puso'y cumapit ualang iguinhaua cung hindi luminis."

Ina'y palibhasa ang gayo'y di taroc cung litis ò tunay ay agad tinulot sa bugtong na anac n~g upang ang lungcot na laon nang dam-dam pumanao na lubos.