Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo

Part 2

Chapter 2 4,117 words Public domain Markdown

Ang sa cay Julieta taong tinatahac cahustuhan lamang sa sampuo at apat hangang labing anim, cung cayo'i singpalad, pitasin ang bun~gang tica n~g pagliyag."

Binata umayos saca nag-paalam, pagcat sa sarili ibig maisanay paglibang matuid n~g pagsinta'y bucal bago maquiharap sa nagbigay subiang.

At n~gayo'y bago ca isapit sa uacas n~g pangabing piguing, bumabasang liyag, pacaquilan-lan mo n~galan pagcat dapat bunying Capuleto ang naguing causap.

Ito't dili iba't ang Conde de Paris, Principe Scala capinsang malapit, sa ibang talata aquin nang binanguit at hangang sa huli sundan mo n~g isip.

Ang lahat na ito cung iyo nang talastas at di naligtaan Palaciong inaquiat, tin~gin iyang isip iupó at ilatag n~g upang matanto cabagayang sucat.

Masdan ta sa guitna ilang nan~gag-ning-ning na nacasisilao ang capal sa tin~gin sa ugaling oras minulan ang dating nanya-ya't hindi sa pangabing piguing.

Capuleto't saca ang asauang ibig ganap ang pagtangap sa nagsisipanhic cung na sa bahay na paglin~gap malabis pagbi-bigay puri ualang casin tamis.

Sa may balatcayong sari saring inam binatang Romeo'y sa dami cabilang, Benvolio'y gayon di't ibang caibigan sa unahang daco calaguip n~g say-say;

N~gunit cay Romeo'y pagsad-ya ang dahil hindi ibang touá na biaya n~g piguing cun di ang caricta't maramot na tin~gin sintang Rosalina't sa titig lasapin.

Ya-yamang sa caniya hanay n~g pagliyag capacanan pacla't sa uala ang sadlác, ang mata man lamang dili-diling bihag ang numam-nam alio ligaya na't galác.

Caya halos lamang siya'y napa-pasoc Palacio n~g sayá sa samio'y bumucod, han~gal ang catulad sa linibotlibot paghanap sa sinta tan~ging na sa imbot.

At n~g matagpuan nag-ulol ang sáquit sa ibang binata mut-ya'y naliliguid, n~g man~ga usapan sa puso niya'y tinic ¡ó pani-nibughong! di iba't pag-ibig;

Dapuat si Romeo'y sa gayo-y lumahoc hindi minarapat n~g matimping loob at ang minagaling sumandal sa suloc na naca-catapat Rosalinang irog.

Mulá doo'y caniyang linalasap isip catamisang handog sa isang ni-nibig n~g larauang sinta habang na sa titig dinadaloc uari bagcus nasa-sabic.

Ang mahin-hing n~giti't quilos na ma-ayos harap n~g may dusa, n~g pusong may dagoc, nagui-guing ligayang caagao himutoc lalo cung ang sinta sa habag maramot.

¡O ba-baying dahil dusang pag-iisip n~g nagsi-siluhod sa altar mong dib-dib! sa boong quinapal cun di ca calaquip paos ang ligaya't calooba'y quimis.

Icao mang yumurac sa boong ligaya di dapat matapos n~g amang nauna, icao rin ang hanap quinaba-balisa minimithing lunas n~g guinauang sala.

Ang naca cahambing n~g sangsinucuban sa la-laquing licha cun di ca cabilang, parang na malapad tanim cabatuhan, simoy pa n~g han~gin pansaua sa buhay.

Sa la-laqui naman ang naca-catulad tumutubong cahoy, cun di ca calangcap, at nagsa-sarili sa buhan~gin lauac, ualang dahon't bun~ga't culay lumbay cupas;

N~gunit cung laquip ca't sa la-laquing piling, ang paliguid tila cagalaca't ning-ning, ang lahat sa dam-dam cabusuga't lambing, pang-alio sa buhay cupcop n~g hilahil.

Cung sa macatouid la-laqui sa dusa at sintahin naman lasap ang ligaya, icao ang pantamis sa lasahing pac-la at angel cang buting may in~gat sa caniya.

Na sa iyo'i hinahon sucat cung loobin, puri n~g la-laquing palad mong capiling, sa gayo'y icao ring alalay na han~gin pantabuy sa balang tataquip na dilim

Pangsulung ca't tulong n~g tungcol niang han~gad, maguing sa caliz man ò iba pang sucat, na ipaguing dapa't n~g sa lupang liyag sa mata n~g tauong litao't iaanac.

Guilio cung matouain bumabasan ibig, uica mo'y marahil saan ca sinapit cayá sa ba-baying larauan nabanguit dahil cay Romeong haling sa pag-isip.

At n~gayo'y bago ca itunghay sa dugton~g n~g dulong iniuan niyaring tulang sunong, ni Romeo'y bicas at ugaling candong munting panulat sandaling isilong.

Romeo ay isang bagong tauong basal mataas ang tindig sa cataua'y timbang balicat mababa't ulo't liig bagay maayos lumacad ualang cagaslauan;

Mahauas ang muc-ha malambot, malinis puti ay malinao ang balat maquinis, pilicmata'y sin-sin mahaba't malantic, sa matang maitim umaambag diquit;

Ang quilay malagó't balantoc ang hubog itim na malabis ay calugod-lugod, ilong cayas bubó ugali ang tan~gos, ang buca n~g bibig cainama't ayos.

Cung pano ang tayong nagcabagay-bagay at guinanda gandang tila man din pinsán, ugali gayong di't asal na maran~gal sa mapuring puso bucál at di hiram.

Ano pa't ang gandang nagcalangcap-lancap n~g bunying Romeo sa loob at labas, gandang tumatagos sa puso'i ang limbag sa gayong carictan baba'i ay un~gas.

Cung baga'y ha-hanap labis pang carictan sa la-laquing muc-ha para n~g hinin~gan alindog ang sihin at bucang liuay-uay n~g tanang bulac-lac Mayo nating buan.

Binatang Romeo'y caya n~g alisin, sa iba'y gumaya ang taquip na itim sa muc-ha't pagsicab ang lahat na tin~gin, nagsipanguilalas sa dalauang dahil:

Ang una'y sa ganda na calugod-lugod macamasid bangcay cung hindi iirog at ang icalaua pagcat capamooc ni Montescong ama sa piguing may handog.

Marami man cahit, n~g sinta'y tinablan, sa himoc n~g tin~gin, n~gunit daplis lamang, at n~g sa matinding dagoc ang hinirang puso ni Julietang camura-muraan.

Ito iuan muna bumabasang liyag itulot sandaling ibaling ang suliap sa dacong unahan upang matalastas ang ibang nangyaring lisan di dapat.

Camunting oras pang bago n~ga minuláan sa piguing nagsad-ya ang pagda datin~gan at n~g si Julieta'y bihis nang mainam tinauag n~g ina't ganito ang say-say:

Aniya, "ó Julietang cabuuó cong irog, ¿di pa caya sun~gao sa búco mong loob ang pagaasauang hindi nali-limot sa lupang iba-bao n~g puso'y lamuyot"?

Julieta'y ang tugon--"inang matangquilic bagay na tinuran di pa sumaisip, yaring batang puso ualang sintang ligpit, liban sa magulang at Dios na ni-nibig."

"Gulang mo'y arao na, ang sa inang sagot, na icao'y pitasin n~g dapat magsinop, dito'y di iilang m~ga iua't bubót lalo pa sa iyo't sa yaman din sipot.

Saca idinugtong aco'y sa iyong edad linalasap co na tamis n~g may anac; n~gunit icao'y hanga n~gayo'y iniin~gat sa pagcadalagang dupoc ang calasag."

Ang pacli n~g anac, "ina, sa iyong camay gaya n~g bulac-lac sa tancay halaman, mahalagang samio tiniquis hinirang sa magandang palad ay inacay-acay.

Ang tugon n~g ina, sa iyo may gayon din hindi maua-ualan na pusong da-daing, can~gina pa lamang ang camay mong anquin n~g Conde de Paris sa iyong ama'i hiling,

Ito ay binatang maganda ang ticas sa yaman lumaqui't dugo ring mataas," "hindi pa quila-la," ang pac-li n~g anac; "sa piguing ta taon," sagot n~g causap.

Julieta'y tumanong, "Conde cung dumating, ?anong itu-tugon cung aco'y causapin? ' ina'y napan~giti't hinagcang madiin ang anac na guilio sa mus-mus na turing.

Aniya, "ang ba bayi sa pagayong bagay sa isinusulit puso ang may bucál, labi binibigcas hindi matu-tuhan natin cung alin n~ga to d na umacay."

Julieta yumucó,t sandaling nagbalac bago itinanong gayaring pahayág, aniya-"ó ina, co ¿anong gauing sucat sacaling ang Conde sa mata co'y dapat?"

Ang sa inang tugon, "ó cabutong irog sa aquin di ucol tanong mo y sumagot, nito'y ualang ibang labis magpatalos cundi puso mo rin sa sinta'y pagtiboc."

Sa mauica ito Julieta'y linisan, pagcat sinalubong ang nan~gagdatin~gan, m~ga iba't iba na caguinoohan, sa pangabing piguing na~gag-bigay dan~gal.

Ang sa inang say say cay Julietang isip n~g mapag-isa na balisa'y cumapit, sa gayo-y pag-uari n~g hindi mapacnit salas n~g umpucan nasoc naquipanig.

Arao man din siyang sa dilim sumicat ang tanang inabot nalihi n~g dilag, sa m~ga lalaqui umiral ang galac, n~gunit sa babayi pan~gimbulong palad.

Ang naca-cahambing n~g tipong carictan maligayang ilao n~g bucang liuay uay at ang casiglinis ang hamog sa busal n~g bucong sampagang caban~gu ban~guhan.

Julieta n~ga'i isang mariquit na perlas sa sariling consang buhay nala-lagac, siya'y mahalagang bato at sa quislap corona ang culang, caya di matanyag;

Ito n~ga ang mundong simpanang umibig sa balang mamasdang himala n~g diquit, Julieta'y sa pagcat binubugang batis sa tuctoc n~g bundoc at sa tauo'y lin~gid."

Sa pisn~ging mapula noo'y calinisan at nag-alon along buhoc na macapal, na uari ay ulang guinto cung nag-lugay bangcay na malamig n~g sinta di tablan;

Sa hati n~g, ba-ba at guilit n~g liig tayong ayos-ayos bayauang ay pitis, lugmoc man sa tin~gin sa sabug n~g saquit aano't luluhog sa ligayang labis;

Sa tin~gin n~g mata at n~giting mahin-hin yu-yuco,t sasabog ang pagpitang linsil, at pilit na hali ang mapuring daing n~g pusong titiboc sa sintang masaquim.

Anopat ang taglay n~g halagang dilag, dilag sa calo-louang boong nan~gu-n~gusap, salamin din namang malinao at tapat n~g mahal na dib-dib sa ugaling in~gat.

Baquit ang isa pa'y sa ganda casanib yaman at calac-bang mamanahin pilit, sa caniang magulang, ito'y ang matamis cabugtun~gan anac bun~gang ini-ibig;

Palibhasa'y bata at di pa datihan sa paqui-quilahoc alin mang umpucan, calooban duag, isip napuputlan, ang ibig ibigcas hindi mauastuan;

Dang~an n~g sa inang sa culang maagap n~g mahal na supling at icapipintas, loob na nalucop di sanay umunlac tinuluyan sana n~g hiya'i hinamac;

At n~g magtibay na caloobang tucop tin~gin ilinatag sa binilog-bilog, aniya sa sarili "¿alin sa caumpoc sa mura cong camay--sinabing may imbot?"

Nagcataon n~ganing ang tin~gin nabungo. para n~g patalim sa balauing anio, sa na sa isang suloc binatang patayo, na ma ayos tindig at may balatcayo

"¡Cung ito n~ga sana ...!" sa sariling tanong n~gunit di tinuloy ang dapat na dugtong, pagcat capoua mata nila'y nagsalubong Julieta'y nan~ginig sa pagsintang ucol.

Ang uicang pagsintang catamisan supling. n~g pusong babayi, sa calolooa'y himbing, ni Julieta'y, n~gunit, sa gayo'y naguising at sa big-lang pucao ay sumuling-suling;

Ito n~ga ang unang sinta cung cumapit sa puso n~g tauo'y matibay mahigpit, at ito ang sintang pang-han~gal sa isip lalo cung ang dugo,y cabataang labis,

Ito ang pagsintang cung baga itulad sa culay ay siyang tunay na busilac cung sa cabanala'y taimtim at uagas at cung sa matamis pan~guna sa lasap.

Binata gayon din cung nabighaniyan sa ligayang tipon n~g toua't carictan, n~g bunying Julieta't sa puso'y naquintal ang uicang: Maglingcod, na di mapiguilan.

Romeo't di iba binatang binanguit iniuan tang Letra bumabasang ibig, sa suloc n~g salas n~g doo'y sa titig lasapin ang sa cay Rosalinan~g diquit;

N~gunit mulang caniyang napalad namasdan ganda ni Julietang mahin-hi't timuman, ang ninanais niyang Rosalinang camay na bayad siphayó, nanaog sa gunam

Pagcat ang siphayo sa pusong ni-nirog ualang bigay cun di masin-sing himutoc at ang gayo'y siyang tagapagbulusoc n~g sinta sa hucay n~g saua ó limot.

Uala nang naghari sa alala't isip cun di si Julietang ligaya n~g diquit. Julieta'y gayong din sa puso ay tipid sinta cay Romeong ayao nang mapacnit.

Marami man cahit ibang nan~gaghandog maban~gong bulac-lac n~g pusong may tiboc cay Julieta'y pauang masaclap na yamot si Romeo lamang sa tamis nabúcod.

Cay Romeo namang pagsayao madlang sa ibang dalaga't sa uica ay culang pagca't si Julieta ang laman na lamang n~g hucay n~g pusong sa pagsinta'y hibang.

N~g anyong ang gabi tungtong nasa lalim minulan ang "danzang estrella" ang turing, niyaong dacong una ugali sa piguing pagcatapos baga'y, oras nang humimpil.

Sa hinaba-haba litis na palitan n~g cani-caniyang caparis sa sayao, Julieta't Romeo nagcataon naman sa "page-estrella" ay nagcapilin~gan,

Naramdaman n~gani Julieta'y ang init n~g sa cay Romeong camay ay malabis, n~gunit ang sa isang binata'y malamig sa cabilang siping, tinac-han cung baquit.

Yaring acmang sulit sa tag-lay na edad sa bunying Romeo'y malambot binigcas, aniya, ó guinoo'y, mapalad ang oras pagcalapit nati't camay nagcahauac.

Romeo'y namanghang di hulo n~g isip din~gig cung totoo cayá panaguinip. cay Julieta'y tanong ¡"ó tála n~g diquit! sadiang minarapat sa iyo'y malapit.

Sagot ni Julieta, "oo at sa pagcat camay cong caliua sa sandaling oras papag-iinitin n~g iyong paghauac sa busal n~g gabing lamig cumacalat."

Tugon ni Romeo "yaring catauhan sa laot n~g touá baquit mo linutang¿ camay mo n~g aquin pina-iniit man sa mata mo baga aco'y nada-darang."

Sa gayong aglahi n~g pusong may tiboc Julietang butihin banayad sumagot, sang n~giting matimpi pagcat sumaloob ang sa capoua'y amang datihang sigalot.

Sagot ni Romeo, "¿sa palad co'y baquit, sa iyo'y tumamang linoob n~g lan~git maligayang gandang di dapat maisip n~g alin mang pantas sa lupa'y maauit?

Mula n~gayo'y sa iyo sumpa co't asahan sa mahal mong yapac dapá aco't laan utos mo ay leying tupdin co't igalang at aco ang lihim n~g iyong carictan."

Sa mauica ito'y camay pinaghigpit sa pagcacahauac tanda n~g pag-ibig at sa capoua nila'y puso ay cumapit cun di ang libin~gan uala nang pag-pacnit.

N~g magcahiualay't ang danza y natapos lahat humimpil na n~g lubhang maayos, pagtupad n~g tungcol sa piguing may handog ualang naibati't loob nan~gabusog.

¡O pagsinta'y baquit sa lupang ibabao! cun di ca maigcas sa labing may simpan cahit at sa mata ó quilos man lamang: pinabasa-basa mo ang touá ó lumbay;

Itong inasal mo't dila pinag-umid Romeo'y n~g lisan cay Julietang titig, sa capoua muc-ha naminsang natitic n~g pag-hihiualay ang bun~gang mapait.

Tan~ging paalaman ay hindi natapos ang sigao n~g tin~gin hangang nagcaabot at n~g maglayu na umali himutoc sa capoua n~ga dib-dib na halos sumabog;

Hangang si Romeo'y sa bahay dumating at hangang humiga tila'y na sa tin~gin ang sa cay Julietang larauang butihin at boong binigcas uari dinig man din.

Sa tinalotalo loob caisipan aniya sa sarili "sa sinta ma'y hadlang dating cagalitan n~g aming magulang, aco'y cay Julieta't siya'y aquin naman.

Sa pintó n~g puso boong nari-rin~gig ang tugtog n~g sa cay Julietang pag-ibig, ang uicang "dalisay" natanao n~g isip busal niyaong m~ga batang panaguinip.

Ang muc-ha n~g tauong salaming malinao sa tago n~g puso, limbag na namasdan, nasa cay Julieta ang pamuting mahal n~g pusong babayi't mutiya niyang pan~galan

Ito ang ligayang sa pilac malabis, na dapat han~garin n~g may puring dibdib, pagcat iba-iba laman n~g pag-ibig na punong saguisag sa bayang hinagpis.

Sumintang siphayo pagli-lilo'y bayad ito ang sa tauong ualang casing saclap, ito ang mahapdi sa di bucang sugat at ito ang dusang sa puso'y pang-ag-nas.

Suminta't sintahin, ibigui't umibig, ito nama'y siyang tunay na matamis, ito ang pandugtong n~g buhay sa sáquit, ito ang lualhati sa bayan n~g hapis;

Ito ang mariquit na dahit n~g buhay sa gayo'y ang puso pan~ganib di damdan sa balang touina auitin cahit man at hangang dumating caniyang huling arao.

Julieta'i icao n~ga tungcol niyaring palad n~g lan~git sa aquing sigasiguing landas, sa sinunod-sunod sa unang sumicat na bitoin sa puso't sa aquin painlag.

Icao n~ga sa aquin, ang calualhatian n~g dusa'y casunod, auang casabihan, icao rin ang batis sagana't malinao di-dilig sa buhay at caluluang mahal.

Sa niuari-uari Romeo'y lisanin, silid ni Julieta ang isip ibaling, higáng aabutan at su-suling-suling sa mundo ring balac budhing di pa guising.

Dalaua n~gang dusang yumacap sa dib-dib una cay Romeong matinding pag-ibig, at ang icalaua ang pagca-caalit m~ga ama nilang sa sinta'y pan~ganib.

Baquit nan~ga caniya ina'y pinaramdan sa m~ga Montesco ang mahapding subiang, n~g siya'y tanun~ging sagot nacasayao n~g Conde de Paris at Romeong mahal.

N~g ibig sumuco ang loob sa higpit n~g dalauang simang sa puso ay alit, guitna n~g pag-asa at pan~gambang labis nagbuntong hinin~ga't gayari ang sulit:

Aniya "¡ó sintang may touá ó lungcot! ang bigay sa daquip n~g lihim mong gapos baquit mo hinirang yaring batang loob lining-lang sa daang masan~ga't masuloc?

Sinong magca-calag man~guna sa lumbay cun di si Romeong iyong quinatauan? dapouat cung ang silo camandag ang tag-lay marahil mamatay sa quinaligauan;

Pagcat sino cayang sa aqui'i managot sa pagcadalisay pa-ibig na handog Romeo'y sa altar niyaring pusong bubót ay nama-mantun~ga't hari niaring loob

¿Di n~ga panunumpa cung baga itulad sa n~galang salapi tingang di matangap, na naguiguing bayad sa tungcol n~g hirap n~g alin mang pusong may simpang pag-liyag?

At di si Romeo anac n~g calaban n~g mahal cong ama mahaba nang arao? cung cania mang tupdin ang sa sumpang laman ama co'y marahil hindi tutulutan.

Dito n~ga sandaling napa-puntang isip bago naidaing ang n~gayon co batid: lasong labis sidhi sa magcasing ibig ang biguian n~g had-lang ang ticang malinis.

Uica co ay lason at sa sid-hi sacdal pagcat di pa lagoc at gunita lamang, pinanglo-lomo na niyaring catauhan marahil ay bangcay patac na maticman."

Dito napatiguil at di maisabog n~g loob na hapó sa lumbay n~g moog; n~gunit ang pagsitang daquip n~g may cupcop pag-guiit sa isip tagumpay ang handog.

Isa pa'y sa piling n~g dusa't hinagpis pasun~gao-sun~gao rin pag-asa sa nais, cayá cay Julieta biglang sumaisip ang gayaring uicang pumaui n~g sáquit:

"Alipala'y, aniya, ang poot na tabing sa mata'y laon na n~g magulang namin, n~g upang malag-lag aquin susung-quitin hangahang malinao n~g tapat cong daing.

Sinta co n~ga'y siyang papatay n~g alab sa apoy n~g digmang dipa na-aampat capoua namin ama, sacá igagauad ang pagca-casundong payapa n~g lahat.

Sa pagayong balac lubos na nanalig ang bunying Julieta't naualang pan~ganib, gaya n~g nabag-bag pagcapit mahigpit sa mati-timbulang mapalad sa tubig;

Pagcat ang pag-asa n~g daquip hilahil siyang tan~ging ilao sa gabing madilim n~g tag-lay na dusa't mapanglao na daing, at cahit cung minsan sa buhay pan~gitil.

Ano pa't sa tabing n~g gabi pagsicát n~g masayang arao ang unang banaag sing-ibig tindig na't nagsun~gao sa malas cahit sumandaling humimlay magdamag;

Pagcat magcalapit bahay na tahanan sinta'y alaga na sa mata man lamang, ito n~ga ang alio di dapat pagtac-han sa nagca-caisa n~g sa puso'y simpan.

Sa pagayong anyo oras lumilipas at ualang bahala sa iba pang sucat, siya rin at siyang arao arao agap palibhasa'y pita n~g pagsintang lapat.

N~gayong si Julieta'y tumpa sa simbahan tan~ging sinasad-ya sa labis n~g bahay Romeo'y tuluy na't hindi nababanday sa pagcalilim niyang pan~gaco sa hirang.

Loob n~g simbahan cung sila'y dumating Romeo'y la-lagay sa daco n~g tin~gin n~g caniyang mut-ya't nito'y sa dalan~gin naqui-quiugali suliapang mahin-hin;

Cung ang dilim naman n~g gabi tumaquip sa sang maliuanag, sa pag sintay capit, Romeo'y naron na at paliguid-liguid tapat n~g tahanan ni Julietang ibig;

At cung mapauá na sa binaling-baling marahang li-lipat sa bacod n~g jardin, bintana n~g guilio siyang ta-tapatin uupo't tin~galang parang may hihintin;

Cahit di dun~gaui't ualang nasi-silip malaong lalagac doo'y nagtitiis, ualang ibang gaua cun di ang sa isip ligaya'y auitin n~g magandang nais.

Sa tanáng ni-nibig ito'y caraniuan parang tan~ga't gahis, ang ano mang hadlang, harap n~g pan~ganib loob tumatapang hibang na pagsinta masunod n~ga lamang.

Sa linaon nito sa gabing maning-ning liuanag n~g buan pinilacan man din, Romeo'y nan~gahas pumasoc sa jardin paris din n~g dating pan~ganib di pansing,

Bintana'y nabucsan na hindi naglaon silid ni Julieta'y Romeo'y umurong, sa puno n~g isang cahoy ay cumanlong cung sinong du-dun~gao pagmamasdan doon.

Julieta't di iba sa bintana'y nucas ticang causapin ang asang mamalas pagcat caniyang batid caga-gauang lahat n~g tungcol sa caniyang puso ang bumihag.

At cung cayá ito'y tinipid sa dib-dib gabing nan~gagdaan pagcat caniyang nais taruquin ang lalim sa caniya'y pag-ibig n~g quinahiligan n~g loob at isip.

At cung si Romeo'y han~gal ang catulad sa tulugan sinta n~g tinapat-tapat, Julieta'y gayon di't pasilip ang agap sa caniyang bintanang munting binobucas.

Tunay carampatan hindi nalilin~gid babayi pag tacot, sa lama't at dun~gis, n~g bubog na puri pagsuboc malabis sa minamarapat sa caniya may nais:

Caya si Julieta n~g huli na't tatap sinta ni Romeo'y di licó at tapat, sa puso umali ang mapuring habag lalo n~g másilip sa ganitong hirap

Sa bacod ay patong ang sico n~g canan, ulong nacaquiling sa palad alalay, ualang piquit matang hindi mahiualay sa silid n~g sinta't nag-gugunam-gunam;

Ang tin~ging malumbay sa ganda buhat sa ilao n~g gabi ay acmang saguisag:, catauang matamlay ang naca-catulad ang sinisiphayó n~g malaquing han~gad.

Julieta'y dinamdam sa gayong namasid sa puso ang isan~g bagay di malirip, ang binin~gi-bin~gi di o na ininis n~g tunay na tiboc sa caniya'y humibic.

Ang caniyang bintana doon nga nabucsan na sinabi co na dacong unahan, at n~g si Romeo'y cacanlong na naman hindi nacatiis tinauag ang n~galan.

Sa gayo ay sinong aauit na pantas ang macati-titic sa tinamong galác n~g bunying Romeo sa marin~gig buhat ang caniyang pan~galan sa bibig n~g liyag.

Romeo'y nag uaring sa lúpa'y di tungtong. sa tuang sandaling naualang hinahon, patacbong tumapat poon ang binulong saca tumin~galang parang antay hatol.

Julieta'y tumanong: "Romeo ay baquit dito iisa ca sa gabing tahimic"? tugon ni Romeo'y, "pagcat inihatid, na di macatanguing sinta't pag-ibig."

Pac-li ni Julieta, "sa iyo'i inaral pan~ganib cang lubos sa aquing magulang," sagot ni Romeo'y "hindi gunam-gunam muláng dito'y nasoc ang iyong tinuran;

Pagcat ang gaya cong may laquing pag-ibig landas n~g hilahil ligao na sa isip cayá ang aua mo cung hindi ilauit tapat n~g silid mo bangcay cung madaquip."

"¡Romeo! ¡Romeo!, Julieta ang sagot, uicang mapan~ganib at sa puso'y hugot, ¿baquit di in~gatan buhay sa sigalot cung ticang tamuhin ang aquing pag-irog?

Romeo ang tugon, "Julieta'y masaclap sa aba'y pumanao ang hinin~gang in~gat; n~gunit cung bayaan sa laot n~g hirap malibing sa lalim siya cong tuang agap,

Paca-asahan mo, sa iyo yaring sulit ay bulong n~g pusong pabigcas sa bibig, ualang ibang han~gad sa dilim n~g saquit cun di maguing ilao dilag mo't pag-ibig."

Cay Julietang pacli, "di aco ang dahil sa di caguinhaua n~g uagas mong daing, cun di ang subian~gang hindi na nalibing sa limot n~g capoua magulang tang guilio,"

Romeo ang sagot, "huag ipan~ganib canitang magulang n~g pag-ca-caalit, cung ito'y liab man ang sinta ta'y tubig, maguiguing pamatay n~g silacbong ban~gis."

Sa balac na ito tanda n~g pag-ayon Julieta'y pinutlan ang tinugon tugon, pagcat sa caniya'y gayon ang nagtangol n~g alit na sima n~g siya'i igumon.

Ito ang liuay-uay cung baga sa arao n~g pagca-casundong sa puso'y sumilang, n~g dalauang capoua dapat na uliran sa pagsisintahang matibay't dalisay;

Sa pagcat ang lupang cupcop n~g pagibig sa daya at pain sino mang malapit, bighani in~gatan dagdagan ang masid n~g huag macut-ya cung tica'y malinis.

Puso n~g babaying dupos na himuquin sasaquian sa dagat ang naca-cahambing, cung culang bumalac may in~gat ó anquin sa dumpol n~g sinta basag ang marahil,

Puso n~g lalaquing sa sintay bugasoc lalo cung ang gulang bulac lac sa tampoc, cung gano ang tulin sa nasang maabot siya naman saquit puri cung maumpog,

Ano pa't sa m~ga gabing nagsunuran Romeo'y sa jardin masoc cailan man, Julieta'y lauit na nacung maramdaman bintana n~g silid isang sutlang hagdan;

N~gunit cung tulot man sa caniya ang maquiat sa bintana lamang u upo't di lampas, ang isa sa paa sa hagdan din tapac si Julieta'y naman patayo't caharap.

Doon hinahanay pag-liham n~g nais n~g capoua pusong nagcaisang hilig, ang cauili-uiling anas n~g pag-ibig casintuno halos ang tunog n~g batis:

Sa sin~gao n~g pusong matamis at uagas isa't isa'y ualang itampong pahayag, pagcat cung sa jardin ay yaon ang lunas n~g tanang sampagang humahalimuyac.

Cahit di pa pitas sa pagayong asal ang bun~ga n~g nais sa gunita'y nam-nam,, sa lasang pang-uili ualang agam-agam ligaya sa lan~git mandin ang namasdan.

Cung oras ay buan sa busal n~g hirap. naca-casing laon sa ating pagmalas, taon quisap mata mata't masayang lumipas sa magcasing sintang sa tica'y magharap.

Sa gayong ligaya nino mang sing ibig yaring boong cayang lapat na iauit, sa totong nangyari capag idinatig cung baga sa culay ang putla'y malabis.

Panahong taglamig ano't n~g tumahac Romeo'y nan~gubling sa sinta ay naquiat, aniya, "¡ó Julieta! ¿nasaan ang habag sa guilio mong abáng dito'y nan~ga n~gatag?"