Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo
Part 5
Ang Pari tumugong ualang munting tacot aniya, "inaamin loob ninyo't utos tungcol co't hindi rin sala n~ga sa Dios, tibayan sino mang di sauing sing-irog.
At cayá tinuro naguing sanhing litis sing-palad sa buhay lubos na pumatid pagcat tungcol co ring iligtas sa bahid ang sino man siyang acalang madiit."
Principe, sa gayo'y lalo nang nadimlan, at aniya, "Frayle sa hindi iilang ligalig sa lupa, na cahambal hambal ang "iniyong" pacana't litis ang dahilan.
Cahit man di dapat sa banal "niyong" tungcol pinaquialama't nagdudunong-dunong, naghahari hari't cunuang mapagtangol bago nito'y laman cadalasa'y lason.
Mulá sa palacio't hangang dampan´g bahay "lacas" na di dapat ang "ibig" umiral bago ang tinungcol n~g sati'i Cumapal ganang caniya'y ucol at di ibang bagay
Taga ad ya ca man n~g calulua dun~gis, n~gunit di mo tungcol ang tinurong litis cay Julieta n~gayon sa buhay pumatid at nan~gadamay pa iba sa ligalig.
Julieta't Romeong nasa mong isilong marahil sa "iniyong" baliting yamongmong, m~ga pusong guinto nila'y di aayong "magpacafrayleng" lait, púla'y sunong.
Julieta't Romeo'y di man supling yaman sa capoua ay hindi gagauing puhunan lacas "ninyong" an~gat sa pagcat panghimay sa muc hang may dugo ang carumaldumal.
Julieta't Romeo'y uliran n~gang dib dib ang muc-ha'y mayuco at hindi patindig, at cung sacali man sa hindi pagtiquis sa canilang cpoua'y macagauang lihis;
N~gunit ang pagayon sa asal niyo'y laban sa mundo'y bandila n~g isip casmán, utos ni Bathala, isatalampacan at n~g leying tauo'y ang ibig luhuran.
At n~g upaug gayo'y mahangahang lubos at icao sa ibang cauangqui sa suot ang magbigay dala buhay mo'y managot sa parusang tapat n~g matouid utos."
Sa mauica ito'y nagdagling lumapit bunying Capuleto't gayari ang sulit: aniya--"ó Principe, sa pasang ligalig ang Pari ay ualang sala man gahanip.
Aco ang may sala't mali ang inasal. sa pagtatanimang namin n~g casubiang, caya sa ulo co isadlac ang bagay ang parusang titic sa boong catouiran."
Sa ito'y matapos Montesco'y banayad lumapit na dagli saca nagpahayag: aniya, "ó Principe, aco man ay dapat magcamit parusa't ang Pari iligtas;
Pagcat ito'y ualang sala ano pa man liban n~ga sa amin bagang nan~gag laban, ualang pinaglutas hangang sa tinanghal n~g matang may luha m~ga bun~gang mahal.
N~g di pamarisa't maticman ang pait n~g iba ang bun~ga n~g alitang labis sa aming dalaua ipisan ang bagsic n~g parusang lapat sa hustong matouid."
Sa gayong narin~gig agad linapitang n~g Principe yaong bangcay n~g sing hirang pinagduoóp ulo ang capoua magulang tinauag at saca ganito ang say-say:
"Ang parusa'y pagcat iniyong inaamin ang Pari sa sala pilit tinatacuil sa iniyo'y hatol co n~gayo'y uliniguin magpacailan man huag lilimutin:
Magcabicabila dacong taguiliran n~g dalauang bangcay bun~ga ninyong mahal, cayo'y magsilapit magcauit n~g camay sa canila'i patong sumumpang matibay.
Sa n~galan n~g buhay na nagpacalagot n~g capua nio anac na nag isang irog malaong alitan ilibing sa limot, bihisang payapá hangang huling tiboc."
Ano pa't ang gayon dalaua'y tumupad camay ay ipinatong sa canilang anac, tauad pinagsumpa sa mata'y lagaslas ang lúha at saca mahigpit nag-yacap.
Ito'y catunayang malinao't matibay n~g pagcacasundong magpahuling hangan, ang anac sa buhay dan~ga't nagsipanao di pa n~ga nabunot sa puso'y ang subiang.
Uica ni Julieta't Romeo'y naganap sa dacong unahan, anilay "cung nin~gas bihis sa alitan, ang sintahang uagas nila nama'y siyang papatay sa liyab.
Cahima't sa gayon ang ibig sabihin munting nalisiya, pagcat nan~ga quitil buhay nila'y bago casundo inamin n~g capoua ama't nauala sa tiquim
Julieta't Romeo, "sumpa-ay n~g tapos," sa simbahan Ciudad maayos pinasoc, man~ga cagayacan sa labas at loob sa matang natin~gin ang toua'y hahandog;
At ng mayari na ucol na gagauin sa bangcay ay pitang dalaua'y linibing[12] na lubhang masusi sa isang maning-ning lagacang sinad-yang parang huling hayin.
Sa apat na panig lagacang mataas tinitic n~g duquit pagsintahang uagas Julieta't Romeo'y n~g upang matan-yag at maguing cunanang halimbauang tapat.
Nani-niray halos sa Verona'y tanán patnubay sa Dios dalan~ging matibay, n~g matang maamo marapatin tingnan caluluuang sa sintang uagas nagcadamay.
DULO.
Sina-panulat niyaring auit
Aco naman n~gayong tumula't di harap sa masusing libing n~g sintahang tapat, itulo't ang icao'y Veronang may palad, bali't pahatdang maligayang oras.
Icao'y aquing tac-ha't pinupuring lubos, pagcat sa lupa mong masanghaya'y sipot ang gayong sintahang malinao sa bubog at punong sabihan sa boong sinucob.
Bayan sa cabilang buhay n~g linipad, nanao rin ang gauang ualang iquinupas: pacliha't suyuang tamis n~g pag-liyag at sa iyo'y Verona pamana ang bacas.
Sa caniyang handog ito'y tahil bibig matulin mag lacó sa boong daigdig, sa naquiquitun~go lasa cung matamis n~galan mong Verona sa puri calaquip,
Oo n~ga't sa iyong n~gala'y natatampoc cung baga sa sing-sing ang calugod lugod na iniuang buhay n~g hindi natapos Julieta't Romeo sa bayang sigalot.
Naguing para ca mang mut-yang punong ning-ning pinag-agauanan at nasalin salin sa iba at ibang liping nagsisupil, n~gunit ang sintahang tunay sa iyo'y supling.
Guinamit man cahit sa pagcacapatid n~g iba mong anac ang dahas n~g caliz; n~gunit anac mo rin ang nagpatahimic at nag-iuang sa iyong pan~galang malinis.
Ang may pagtataca sa aba'y matulad lalo sa pag auit nagtumiis puyat Verona, ang iyong catamisa't saclap sa dili-dili cong alin ma'y calangcap.
Bati niyaring puso, Veronang mariquit, sa n~gayong na tapos sandaling ilaquip gauang sa talagang DILAG niyaring auit sa pagcat aco man cugcop n~g pag-ibig.
Ang may catunghayan umanhin ay sicat, at acong may sala sa limot isadlac: capatac na luha n~g sa pusong lagac sa hangang libin~gan n~g SINTAHANG UAGAS.
ANG TUMULA
MGA TALABABA:
[1] Julio nang taong 1900
[2] Compañia ó bacasan nang mañga ilang anac nang dalaua sa malalaquing naciones at isa sa maliliit.
[3] Mahal cong Bayan, ang Filipinas.
[4] Sa gaua nang iba ang hanap nang dun~gu ó mapagpaham, ay camalian ó dapat ipintas; ang sa marunung, cainaman ó sucat paquinaban~gan.
[5] Verona, isa n~gayon sa mañga magagandang Ciudad nang Cahariang Italla, sa dacong Amihanan. Ipinundar nang mañga taga Galia ó Etruria. Pagana nang Emperador Tito nang 82, taon nang cumapal, ang balitang anfiteatro sa Verona, na pinagtatagan nang piesta ó iba pang catouaan nang bayan. Ang Verona'y naguing sabana nang maraming digma. Nang taong 312 tinalo ni Constantino; at nahulog din sa capangyarihan ni Teoderico el Grande nang masupil niya si Odoacer na Hari sa Italla nang ica 27 nang Septiembre nang 489. Nang 774 sinalacay nang caunaunahang Hari sa Franciang si Carlomagno. Nang 1260 nahalal na Podesta ó Taga pamahalang Ciudad si Mastino della Scala, at nañgaghalinhinan ang caniyang mañga ancan na cung tauaguin Scaligeri hangang sa 1387 na sila'y talunin sa digma nang Viscondeduque sa Milan (isa sa mañga ancang Scaligeri ang Principeng Taga pamahalang Ciudad sa Verona sa panahong tinahac niyaring auit). Nang 1405 quinongquista nang Venecia at pinamahalaang maicling panahon ó hangang sa ica 3 nang Junio nang 1796 na sila'y talunin nang General frances Massena. Malapit sa Verona napipilan cay Cárlos Alberto de Cerdeña ang mañga taga Austria nang ica 6 nang Mayo nang 1848. Ang Verona ay naguing isa sa apat na matitibay na moog nang Austria at pinañgalanang cuadrangulo, pagcat nacapasico ang bauat panig nang pagcatabas salop nang cuta, at gayo'y siyang catibayan sa digma; at dito rin nang ica 12 nang Julio nang 1859 sa isang Orden del dia, ipinahayag nang Emperador Francisco José nang Austria ang boo niyang pag-ayos sa layon nang caramihan nang bayan na nanghihimagsic laban sa hindi macasundong caniyang pamamahala; at sa cayo'y calaquip ang pasasalamat sa munting bahagui nang bayan at hocbong caniyang caayon. Ang Verona'y nasanib sa cahariang Italla na ninanasang sumacop sa caniya mula nang ica 16 nang Octubre nang 1866, at nang ica 18 nang Noviembre nang taon ding ito, ang Hari sa Italla tinangap na ipinagidiuang nang may 70,000 catauo sa naturang anfiteatro. Nang taong 1877 natuclasan sa malapit sa Verona ang humuguit sa 50,000 salaping may larauan ni Galeno't iba pang mañga emperadores at ang caramiha'y tangso. Nang 1881 ang cabilan~gan nang namamayan sa Verona ay 60,768.
[6] Tibaldo, ito ang pan~galan n~g causap, ó lumapastagang uica cay Benvolio.
[7] Lorenzo, Fraylen Franciscano.
[8] Mantua, ay capit ciudad nang Verona at n~gayo'y sacop din nang Italla. Ang Mantua'y na sa lupang Etruria at sa caniyang calapit ipinan~ganac ang cabantug-bantugang poeta latinong si Publio Virgilio Marón sa taong 70 bago lumitao si Jesucristo (namatay sa ciudad nang Brit dis, Lalauigan nang Tierra de Otranto nang taong 19 bago inianac si Jesucristo). Ang Mantua pinamahalaan nang man~ga Gonzaga, na man~ga lords (mababang caunti sa Conde) sa Montua rin, mula sa taong 1328 hangang sa 1708 na sinalacay nang Emperador José I. Dahilan sa ualong buang pagcacubcob ay sumuco sa man~ga franceses nang ica 2 ang Febrero nang 1797; nasupil din nang Austria at Rusia nang ica 30 ang Julio taong 1799 sa hindi naglaong pagcacubcob. Pagcatapos nang batalla sa Marengo nang ica 14 nang Junio nang 1800 nabaui na naman uli nang man~ga franceses. Ang Mantua'y nalaquip sa cahariang Italla hangang sa 1814, taong pagcapanumbaling sa Austria, at nito'y pinasacop uli sa Italla nang ica 11 nang Octubre nang 1866, pagtitibay nang paz ó cahinusayan.
[9] Ilao, ito ang dala-dala ni Romeo, n~g masoc sa libin~gan.
[10] Ilao ito rin ang dala-dala ni Romeo n~g masoc sa libin~gan.
[11] Miserere mei Deus, cahuluga'y: caauaan mo aco Dios co
[12] Ang pagcasasabi ay inalibing sa Libiñagin nang man~ga Montesco.