Ang Mestisa. Ikalawang Bahagi (Second Volume)

Part 6

Chapter 6 3,942 words Public domain Markdown

Si Dioni, na nagpanukala n~g pagpapayari n~g magagarang balatkayo na magagamit niya't n~g kanyang iminamahal na hipag, ay dili ang hindi nagsaloob n~g paninibago sa m~ga kilos nito, nang mapuna niyang tinatangihang pawa at sinasalubong n~g paghingi n~g paumanhin ni Elsa ang lahat n~g anyaya n~g m~ga tanyag na ginoong kaibigan at dating kasamasama sa m~ga liwaliwan, m~ga anyaya para sa isang gabi sa "Auditorium" o sa panonood kaya n~g _coronacion_ o n~g alinman sa m~ga magaganda't malalaking kasayahang idaraos sa loob n~g karnabal.

--Tila nagiiba na n~gayon si Elsa,--ang naibulong niya sa kanyang sarili, nang ang mestisa'y ayaw n~gang magbitiw n~g anomang pan~gako sa m~ga lalaking namumuhunan n~g masuyong pakiusap.

Bahagya ma'y hindi sumagi sa isip ni Dioni na ang sulat na ipinadala ni Elsa kay Tirso noong kararaang Bagong Taon ay maaaring siyang magbulos sa dalawa sa isang lihim na pagtatagpo sa loob n~g siyudad na kinaliligpitan n~g maraming hiwaga. Sa katotohanan, nang tagpuin sila n~g tinukoy na makata noong ikatlong gabi n~g m~ga pagdiriwang sa kaharian ni Momo, ay saka lamang napaguwiuwi, ni Dioni ang bagay at sanhi n~g m~ga kilos na kanyang napapanibaguhan sa kanyang hipag.

--Naalaman ko na n~gayon, Elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang alinman sa m~ga anyaya n~g iba't ibang kaibigan mo,--ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni Tirso.

At si Elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni Dioni, ay nagbalobalong sumagot:

--Hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi n~g di ko pagpayag sa kanilang anyaya.

--Higit diyan ay mayroon pa....

--Ikaw ang napakamapaghinala n~g hindi tama....

--¿Ano? ¿Di ba totoong hindi iyan ang tunay na pinagpaparoonan mo?

--¡Hindi!

--¿At ibig mong tukoyin ko?

--¡Ayoko na n~ga n~g malabis na tuksuhan!

--¡Sa ako'y hindi nanunukso lamang, kundi...!

--Kinalilimutan ko na ang pagtawa, Dioni....

--N~guni't n~gayon sa gabing ito ay may matuwid ka nang tumawa ... At di lamang tumawa kundi marapat pang magalak, malugod at magpasalamat....

--¡Sukat na n~ga iyan!

--¡Kundan~gan pati ako'y ibig mo na yatang paglakuan!

Masaya n~ga ang dalawa.

At ang gayong malamang nang pagkabunsod n~g tipanang pagkikita nila ni Tirso, ay sapat nang makapag-pasigla sa diwa at katawan ni Elsa.

Noon ay siyang gabi n~g nababalitang pagpuputong sa napahalal na reyna.

Si Tirso, panggagaling sa paaralan ay nagdudumaling nagsuot n~g kanyang damit Pierrot na lungtiang magulang at yari sa sutla, may malalaking botones na dilaw sa m~ga manggas n~g baro at laylayan n~g salawal, saka may nagbiting bembe sa paligid n~g kanyang leeg; at han~gos nang nagabang sa isang pook sa loob n~g siyudad, alinsunod sa itinipan n~g mestisa sa araw na sinundan. Hindi naman siya gaanong nainip at dumating sa harap niya ang dalawang Columbinang dilaw, tila kambal sa pagkakawan~gis n~g tabas at kulay n~g kanilang balatkayo.

Ang pagkakaparis na iyon ay nakapagpaulikulik kay Tirso, palibhasa'y hindi niya makilala kung sino roon si Elsa at kung sino naman ang isang kasama. Datapwa, pagkapuna n~g mestisa sa, gayong paguulikulik n~g makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama.

--Si Dioni iyan,--ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. Saka bumaling sa hipag at sinabi:--Si Tirso ito....

Nagyao't dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig n~g siyudad na pinanaganaan n~g liwanag. At nang makaubos na n~g kung ilang supot n~g _confetti_ sa walang tuos na pakikipagsabuyan sa balana, ay saka lamang nagyayaang masok n~g "Auditorium", yamang malapit na rin namang dumating ang oras natatakda sa _coronacion_.

Walang hulugang karayom ang kapal n~g tao sa loob n~g nasabing "Auditorium" nang magsipasok ang tatlo. Kahi't saang gawi sila magbaling n~g tin~gin ay hindi nila mapagwari kung saang bahagi roon maaaring idaos ang ibinabalitang _baile de coronacion_.

--¿Paano tayo rito?--ang tila may yamot na tanong ni Elsa sa dalawa niyang kasama, pagkamalas sa gayong sikip n~g m~ga taong nagtuwid na lamang sa pagkakatayo at ibig mang lumipat sa, ibang pook ay tila hindi magawa.

--Maghintayhintay muna tayong sandali, at baka mabawasbawasan ang tao'y lumuwagluwag naman n~g kaunti.--ang salo ni Tirso.

--¡Suss! Halos di pala makahinga sa sikip ang taong napaparito!--ang katlo naman ni Dioni.

At sa mungkahi n~g lalaki, ay nagsipagalis na sila n~g takip sa mukha, bilang pakikiugali sa karamihan doon.

At samantalang nagdaraan ang panahon sa gayong pagtitiis n~g di birobirong hirap, di nila napupuna ay untiunti silang napapalayo sa bun~gad n~g pintong kanilang kinatulusan, natatan~gay palibhasa n~g pabugsobugsong dating n~g m~ga tao. At ilang saglit pa rin ang lumipas bago nila natiyak na sila ay napapadpad pala sa isang gilid na malapit sa dingding na tinatalikuran n~g madla.

Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, samantalang si Dioni'y sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae't isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon n~g m~ga pangarap ... At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang nagpapaakala n~g ganito. Ang _disfraz_ nilang gamit ay maituturing na kabilang sa m~ga lalong mahal at kaakitakit, hindi n~ga lamang gaanong bagay sa babae na gaya n~g sa lalaki. Parang walang namamalas na tao sa kanilang palibid, ay sapupo n~g isang kamay n~g lalaki ang maliit na baywang n~g babae, at ang isang palad nito'y matiwalang nakakapit sa balikat niyon, samantalang sa bawa't bulun~gan ay halos nagkakadampian na ang kanilang labi at ang nakahilig na mukha n~g isa ay di binabaklas sa pagkakadikit sa isa pa ... Ang masasayang n~giti't makahulugang m~ga sulyap ay di ikinukubli sa sinomang maaaring makapuna sa kanilang anyong nakatatawag n~g loob, at ang m~ga puso ay mahihinuhang sinasakbibi noon n~g kaligayahang pabihibihirang ipagbiyaya n~g panahon sa tao.

--Magasawa marahil,--ang marahang inianas n~g mestisa sa makata na di kinukusa'y napasundan n~g isang munting kurot sa bisig n~g pinagsabihan.

--Malayo ang hula mo,--ang pakli n~g makata, na dili ang hindi nakaramdam sa kurot na ibinigay sa kanya.

--¿Ay bakit ganyan na ang asta?

--Iya'y isa lamang sa karaniwang gawin n~g sinomang kinakandili n~g mabuting palad.

--N~guni't ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang lalaki.

--Iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantun~gan n~g kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. ¡Mapalad na lalaki!

--¡Mapagsamantala ang sabihin mo!

--Sa ano't anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya.

--Maaari n~gang managhili ka, sapagka't ... hindi si Teang ang kasama mo n~gayon.

--¡Si Teang na naman!

--¿At ano? Kung siya lamang ang narito't kakawit-bisig mo, kaipala ay wala kayong sukat ipanaghili sa dalawang iyan....

--Kung siya ang aking iniibig n~g boong pagkatao, oo; datapwa't ang totoo'y ... nalalaman mo nang hindi siya.

--¿At sino?

--¿Kailan~gan pa bang sabihin ko?

--¡Sa di ko nakikilala!

--¡Elsa! ... Nakikilala mo kung sino ang inabayan ko sa bangka sa Pandakan; nakikilala mo kung sino ang nagpadala sa akin n~g mahabang sulat na nasa bulsa ko sa m~ga sandaling ito; nakikilala mo kung sino ang kaulaulayaw at kinakausap ko n~gayon dito....

Ang mestisa ay pinamulahan n~g mukha't hindi nakakibo. Dinalaw na naman n~g lugod ang puso niyang tuwina'y sabik sa paggiliw n~g makatang iyong tan~ging naghahari sa kanyang kaluluwa. ¡Labas nang talaga sa dilang alinlan~gan ang pagwawagi n~g kanyang m~ga han~garin!

Subali't n~gayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay n~gayon naman siya nauumid mandin sa naglalambin~gang bigkasin n~g makata at sa m~ga kilos nitong maaaring mahalata n~g iba.

--Huwag ka nang main~gay, Tirso,--ang saway na amang sa lalaki,--hayan lamang si Dioni baka naririnig na tayo.

At ... ang m~ga bisig nilang nagkakakawit ay siya na lamang nagpahayagan n~g kanikanyang ibig sabihin sa bisa n~g bahagyang pagsiko n~g isa sa isa na ipinagkaunawaan nila.

Sa isang dako, si Dioni, na di naman patay na loob sa balabalaki n~g kabataan, ay talaga palang may napaghahalata na sa dalawa niyang kasama, kaya't sa simula pa n~g nahigin~gan niyang paguusap, ay kinusa na ang di pagaalis n~g mukhang paharap sa dakong malayo.

--Hindi masama ang pagbibigay ...--ang bulong niyang man~gitin~giti sa kanyang sarili.

Ilang saglit na walang nagbubuka n~g bibig.

--Dioni,--ang tawag mayamaya n~g mestisa.--¿Baka naiinip ka na?

--Kung hindi kayo naiinip ay hindi rin ako ...-masiglang itinugon n~g tinukoy.

--Hindi kami mangyayaring mainip, Dioni, sapagka't mayroon kami rining isang nakapupukaw n~g loob na panoorin,--pan~giti namang ikinatlo ni Tirso, saka inihudyat n~g n~guso ang dalawing pinanonood sa gawing padako kay Elsa.

Napatawa si Dioni sa anyo n~g itinuturo n~g makata.

--¡Dito ka n~ga naman sa karnabal makakikita n~g sarisaring palabas!--ang pakagat-labing sabi sa mahinang turing.

--¡Talaga!--ang ayon ni Tirso.

--At ¿naalaman mo, Dioni? nananaghili raw siya sa dalawang iyan, sapagka't hindi niya kasama ang kanyang minumutyang si T....

--¡Ehem!--anang hipag na tinukoy.--¡Baka kung ano na iyan!...

--¡Hindi!--ang tanggi n~g makata.--Nagbibiro lamang itong si Elsa.

--¿N~guni't hindi mo ba natatandaan, Dioni, kung sino ang kasama n~g maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon n~g "La Perla"?

--¿Si Teang na inaanak n~g tia Basilia?

--¡Wala pong iba!

--¡Aha!...

At ang lalaki ay manawanawang pumakli:

--Magpaniwala ka, Dioni, kay Elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin nito....

--¡Tumatalikod n~gayon ang bata!--ang palabing agaw pa n~g mestisang sa hipag nakatin~gin. ¡Ikinahihiya yata ang "himala" ni pari Casio! ¡Kawawa naman!...

Hindi nalalaman n~g dalawang babae na ang m~ga winikang iyan ni Elsa'y balaraw na umiwa sa damdamin ni Tirso. Naalaala ang m~ga balita ni Martinez.

Si Dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi tatawatawa lamang, ang totoo'y hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin n~g "himalang" binanggit n~g mestisa.

--Maalaala ko pala'y matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan naroon ang Teang na iyan,--ang tan~ging nasabi ni Dioni.

--¿Saan n~ga ba naroon?--ang di napigilang itinanong din ni Tirso na nadadala yata n~g pananabik.

--Kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat makapagsabi,--ang sunggab ni Elsa.

--¡Ikaw!--ang tukoy ni Tirso sa mestisa.

--¡Ikaw!--ang batik naman ni Elsa sa makata.

--Tila narinig ko kung kanino na siya'y inauwi sa probinsia, n~guni't ito naman yatang si Elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa kolehio,--ang badya naman ni Dioni.

--¿Nasa kolehio?--anang lalaki.

--Noong araw,--ang saklaw n~g dalaga.

--¿N~guni't n~gayon?--itinanong n~g hipag.

Naghilian sa pagsagot ang dalawa.

Tuwinang mapaguusapan ang n~galan ni Teang ay di matimpi ni Tirso ang pananabik na gumigiyagis sa kanya. At tuwina namang may mahahalatang ganyan si Elsa, ay lalong nagdaragdag n~g sikap para siya ang makapangyari sa isip at damdamin n~g makata.

Siyang paglin~gon sa kanila n~g lalaking pinanonood na kayaposyapos n~g isang babae. At nakilalang maliwanag ni Elsa.

--¡Susss!--ang pamanghang wika.--¡Si Dr. Nicandro!

--¿Siya n~ga ba?--ang pataka ring sambot n~g dalawa.

--¡Siya n~ga!

--¿At sino kaya ang babae?--ang tanong ni Dioni.

--Namumukhaan ko; isang "maamong kalapati" sa "mayamang alagaan" sa San Juan ...--ang pahayag n~g lalaki.

--¿Ano ang sinabi mo?--ani Elsa.

--Isang makisig na mananayaw ...--ipinaliwanag ni Tirso.

--¡Isang doktor sa piling n~g isang bailarina!--mahinayang pang sambit ni Dioni.

--¡Bah! Iyan, Dioni, ay di humihigit sa karaniwang makita n~gayon dito sa Maynila at sa m~ga karatig na bayan,--ang baling n~g makata,--Ang naririto n~gayong ating namamalas ay isang doktor, at sa m~ga _cabaret_, m~ga _hotel_, at iba't ibang pook na sagapan n~g aliw, dapat ninyong maalamang hindi iilan ang m~ga matutunog na abogado, m~ga matalakatak na kinatawang bayan, matataas na kagawad n~g pamahalaan, m~ga batikang politiko, m~ga mayayamang man~gan~galakal, m~ga mamahayag at iba pang nabibilang sa unahang hanay n~g m~ga pagasa't dan~gal n~g bayan, na nagpapakalasing sa kandun~ga't bisig n~g kung sinosinong babaeng nakapagaalinlan~gan ang linis n~g pamumuhay.

--¡Ang lalaki n~ga naman! ¡kailan ma'y lalaki rin!--ang parinig ni Elsa.

--¡Mangyari pa! Gaya rin naman n~g katotohanang ang babae ay babae rin kailan man,--isinaklaw ni Tirso.--Datapwa't hindi ang lahat ay may hilig sa ganyan....

--Humigit-kumulang ay parisparis na kayo,--ang sabad ni Dioni.

--Mayroon din naman sa aming kalaban n~g ganyang ugali. Halimbawa: ako....

--¿Ikaw?

--Oo.

--¿Ay bakit nalalaman mong pagsabihing may abogado, periodista, man~gan~galakal at iba pang umaasal n~g ganyan, kung diyan ay hindi ka kabilang?

--Sapagka't natatagpuan sila kahi't hindi hanapin. Paris n~gayon; hayan ang isang manggagamot, at nakita natin sa piling n~g isang mananayaw n~g di tayo tumutuntong sa _cabaret_.

--¡Hintay kayo't may iba naman akong nakikita!--ang biglang hadlang ni Dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae't isang lalaki pang may kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan nila,--Nakikilala ko ang lalaki: si abogado X***, n~guni't ang babae'y....

--¡Ah, ako ang nakakikilala pati sa babae!--isinaklaw ni Elsa.--Iyan ang may asawang si aling K*** na pinakapintasan nang minsan sa harap ko ni Martinez.

--¿May asawa ang babae?--itinanong ni Tirso.

--Mayroon, n~guni't ang kasamang iya'y hindi siyang nagmamay-ari sa kanyang pan~galan,--ang paliwanag pa n~g mestisa.

--Saka ang asawa raw n~g babaeng iyan, Tirso, ay walang pan~galawa sa kabaitan,--ang susog pa ni Dioni. Balana umano ay kinapitan sa manggas n~g babae at ang sinasangkalan ay ang m~ga, sayawang malimit niyang daluhan, samantalang siyang lalaki naman ay panatag daw na naghihilik sa kanyang bahay at di man napapanaginip ang pananagumpay n~g kanyang ... kabaitan.

--Gaya n~gayon,--pan~giting naitugon n~g makata,--narito ang natuturang kabiyak n~g kanyang puso, subali't nariritong hindi sa kanyang kandun~gan nagpapasasa n~g ligaya....

Walang anoano ay may tugtog n~g kornetang naulinigan sa dakong hinaharap n~g madla, tugtog na sinundan n~g biglang pagkabalisa't pagdadagitgitan n~g m~ga tao sa pagaakalang yaon na kaipala ang unang babala n~g gagawing pagpuputong.

Kaginsaginsa nama'y sa sisipot sa harap nina Tirso ang magasawang nagpiging sa Pandakan, at han~gos, pagulat at nagdudumaling ginagap n~g babae ang m~ga kamay ni Elsa't ni Dioni, saka ang m~ga ito'y niyayang sumama sa kanila na humanap n~g mabuting pook upang kahi't paano'y masilip man lamang ang mukha n~g reynang sanhi at dahil n~g maraming bulun~gan.

At palibhasa'y hindi lamang sila kundi lahat ang naghahan~gad na makapanood n~g pagpuputong, ay di sila nagkapanahong magusap n~g marami, at sa m~ga tin~ginan ay nagkaalam nang susunod sila sa biglaang pagbatak kina Dioni n~g m~ga kaibigang magasawa.

Sapagka't hindi naman manyayaring manatili ang pagaakayan n~g isa't isa, sanhi sa walang kasingsikip na taong umuho n~ga sa loob n~g tanghalang iyon n~g malaking kasayahan, hindi kinukusa n~g sinoma'y nagkalayolayo sila: ang magasawa ay napabukod; si Elsa't si Tirso ay kung saan napatun~go; at si Dioni ay napagisang hahanaphanap sa m~ga kasama.

Sinapantaha ni Dioni na kasama n~g magasawa ang makata't ang mestisa; inakala naman n~g m~ga ito na si Dioni ang kasama n~g m~ga yaon; n~guni't sa palagay n~g magasawa'y humiwalay nang kusa ang tatlong magkakaabay.

Sa gayong pagkakaligawligaw, ang dalawang nasa kasariwaan ay pinatnugutan n~g mabuting pagkakataon.

--Kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo na lamang tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang pinagkakaguluhan n~g tao,--ang wika ni Tirso.

--¿Hindi kaya tayo hanapin ni Dioni?--ang tanong ni Elsa.

--Hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, ay di lalo pang madali tayong magkikitakita....

--Mabuti pa n~gang magpahipahin~ga muna tayo; n~galay na n~galay na ang m~ga binti ko sa malaong pagkakatayo.

At magkapiling na nagsilikmo ang dalawa sa pook na yaong tinatalikuran n~g makapal na taong sa iisang dako nakaharap.

--¿Nasa iyo n~ga ba n~gayon ang sulat ko?--itinanong makasandali n~g babae.

--Nasa akin,--ang pakli n~g lalaki.

--Mabuti pa kaya'y isauli mo na....

--¿Bakit?

--Kung wala rin lamang kahihinatnan, eh bakit mo pa iin~gatin~gatan....

--¿Walang kahihinatnang paano?

--¿At, mayroon ba?

--¡Elsa, parang ikaw pa pala ang may hinanakit sa akin, gayong kay daming araw na ipinamahay ko sa malaking pananabik sa ikapagkakaroon natin n~g panahon sa paguusap n~g niig na paris nito!...

--¿N~guni't n~gayon ay ano ang iyong sasabihin?

--Unanguna'y ibig kong ipahayag ang malabis kong pagdaramdam dahil sa pagkapagsalita sa iyo n~g kapatid mo; ikalawa'y ibig ko rin namang ipayo sa iyo na ipagpaumanhin mo't iwaksi na sa loob ang lahat n~g iyon, yayamang kapatid mo namang nagmamahal ang nagsalita.

--¿Wala nang iba?

--At ... at ... ¿ano pa ba ang hinihintay mong gawin ko?

--¡Ay, Tirso! ¡Salamat kung iyan na lamang ang iyong inaakalang dapat gawin!...

At pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong nagtatampo.

--Elsa ...--malumanay na tawag n~g makata,--sasandali ang pagkakataong ito na masasamantala natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito't sukat ang iyong hipag, maanong kung baga't ibig mo ay magusap na tayong mahinahon....

--¿Ano pa ang kailan~gan? Naipahayag mo na ang iyong loobloob....

--Maupo ka sanang muli't may sasabihin pa ako....

Dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga.

--O eh ¿ano n~gayon?--ang tanong na tila nakapangyayari.

--Elsa, dahil sa kahalagahan n~g bagay na ipinaghihintay mo sa akin n~g pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan natin ito n~g lalong mahinahon....

--¡Pshe!

--Siya n~ga, Elsa. Ang nais ko ay maunawaan mo ang kalinisan n~g aking budhi't kadalisayan n~g ... pagmamahal ko sa iyo.

--¡Pagmamahal!...

--Oo, Elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, kundi itinatan~gi sa lahat: iniibig n~g boong puso....

--¡Kay buting pagibig! ¡Iniibig na pinasasakitan!...

--Ang ginhawa mo'y siya kong pinakahahan~gad....

--Salamat, n~guni't marahil ay ... talagang hindi tayo nagkakaisa n~g pagkukuro.

--Pagaaralan ko ang iyong ikasisiyang loob.

--Subali't ¿ano ang maipagsusulit mong pagbibigay kasiyahan sa akin tungkol sa nilalaman n~g sulat kong pinagpaguran ko pang pakahabaan?

--Ang pagpapagunita sa iyo, tan~gi sa aking m~ga sinabi, na ang pangusap n~g kapatid, gaya n~g sa magulang, ay nakatataba sa puso n~g pinan~gun~gusapan.

--Maipalalagay mo na ang tanang ibig mong ipalagay; datapwa't ang sinasabi ko naman, Tirso, ay mahirap nang magtagal ako sa bahay na iyon. ¡Kung narinig mo sana ang m~ga salita niyang halos masasabing pagtataboy sa akin!

--Yao'y hindi pagtataboy, kundi pagpapakilala lamang sa nagawang kasalanan....

--¡How! Kaya niya ako pinagsalitaang gayon na walang kapatupatumangga ay sa dahilang may paniwala siyang ako'y paglalaruan mo lang. At kung ganyan ang nadadama ko sa iyo ay ... ¡tila hindi siya nagkakamali!...

Pagkawika nito'y namasdan ni Tirsong umanod sa pisn~gi n~g mestisa ang ilang patak n~g luhang nagpapahayag n~g malaking paghihinagpis. ¡Kaunaunahang patak n~g luhang nasaksihan niyang namalisbis sa mukhang iyong puspos n~g sanghaya! Nan~gilabot si Tirso.

--Elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita n~g isang pagibig na walang katapusan....

--Tirso, ang pagibig na iya'y sayang lamang, kapag di mo natutuhang ilin~gap sa isang abang sawing inabot n~g sigwa sa dagat n~g buhay....

--Ako ay nasa piling mo sa lahat n~g sandaling kailan~gan ang aking magagawa; n~guni't ang nagdaan sa palad mo, Elsa, ay di pa isang sigwa, kundi isa lamang bahagyang biro n~g Panahon sa gaya nating paharap sa pintuan n~g Luwalhati ... Huminahon ka, at hindi kita pababayaan....

Naito na si Dioning han~gos at putlangputlang di halos makapan~gusap.

--¡Pinakaba ninyo ang dibdib ko!--ang di napigilang sabi sa m~ga dinatnan.

At sina Tirso'y nagtindiga't sumalubong.

--¿Saan ka napatungo't nawala ka rito?--ang madaling itinanong ni Elsa.

--Hindi na kami umalis dito't baka aniko'y magkita tayo agad, yamang dito tayo nagkahiwalay,--ang sambot naman n~g lalaki.

--¡Naku! ... ¡Nanglalata ako!--ang daing ni Dioni, at napalun~gayn~gay na lamang sa balikat n~g hipag.

Sa isang tin~ginang n~g makata't n~g mestisa, ay nagkaunawaan ang dalawang ito sa pagpapakahulugang hindi pagod o anoman ang ipinagkagayon ni Dioni, kundi ang pagsasapantahang "baka ang sisiw na kanyang alaga ay kung saan na tinan~gay n~g lawin" ... Kaya't nagkan~gitian tuloy n~g lihim.

Kay Dioni naman, ang nadatnan niyang bakas n~g luhang umagos sa pisn~gi ni Elsa ay naging isa pang patibay n~g kanyang m~ga salagimsim.

Ang paliwanag ni Tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka. Gayon ma'y nagpakatimpitimpi na lamang at hindi na umimik, kundi nang mapilitang imungkahi ang ganito:

--Totoo na akong nanghihimagal; kung tayahin ko'y sumasama pa ang aking katawan, ¿hindi kaya magiging pan~git sa inyo, Tirso, kung magpauwi na muna tayo n~g hindi pa natatapos ang kasayahang sinadya natin dito?

--Hindi, Dioni,--ang panabay na sambot n~g dalawa;--tayna, kung ibig mo na. Ikaw n~ga lamang ang hinihintay namin.

--Kayo na sana ang bahalang magpaparaya sa akin, hane.

--Wala kang sukat ipagalaala.

At ilang saglit pa't tinun~go na n~g tatlo ang dakong pinto n~g maluwang na "Auditorium".

XXIII

LANGIT NA MAALIWALAS

Pagkatapos n~g karnabal ay wala nang agamagam na sukat malabi kay Elsa upang huwag malubos ang kanyang kaligayahan. Ang malaong pinan~gapan~garap niyang pagtatagumpay sa puso n~g makatang nihag na buongbuo sa kanyang pagkababae ay isa nang katotohanang itinatambad sa harap niya n~g m~ga huling pangyayari.

Inniibig niya si Tirso, at ang makatang ito ay umiibig sa kanya. ¡Narito ang tamis, ban~go, liwanag, luwalhati at buhay n~g magandang si Elsa! Ito ang kanyang kahapon, n~gayon at bukas; ang tanging sanhi n~g kung bakit ninanais niya ang mabuhay pa n~g malawig sa mundong ito....

Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip ni Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling magkakaulayaw ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang gawi't iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si Elsa ay isang matiyagang tagapagalaga n~g halamang iyan. Dinadalaw niya orasoras ang kanyang bakuran, dinidilig ang pananim, ito'y ginagambulan sa puno, hinihimas sa dahon, hinahagkan sa talulot....

At sa ikalulusog n~g halamang, sinabi, pagtaastaas na n~g sikat n~g araw ay nagugunita na agad n~g mestisa ang paglusong sa dagat na kasama n~g kanyang m~ga piling kaibiga't kakilala. Si Tirso ay malimit na tinitipan niya sa gayong m~ga paliligo sa magandang dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'y madalas silang nagtatamasa n~g kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi n~g mayamang simoy.