Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit
Part 18
479. Cun minsan naman, cun nahuhulog ó lungmulucso ang babaying buntis ó cun lungmacad nang matulin, ó nahirapan nang pag-gaua, ó cun inarauan, ó cun sungmusuca, ó nagalit, ó natacot, ó cun nacainom nang maraming alac ó _cha,_ ay sungmasaquit ang caniyang bay-auang na yaong saquit ay ungmaabot hangang hita, bago sumunod doon ang pagsaquit nang tiyan, na dahil doo'i, nahahalatang macucunan siya. Ang gagauin doo'i, gayon: Pinahihiga capagcaraca ang maysaquit, pinipilit siyang tungmahang ilang arao doon sa hihigan, na mababa ang ulo, na ualang quibo, at ualang imic man; sasangrahan agad sa camay hangang sa macuha ang timbang ualo ó siyam na pisong dugo. Houag pacanin nang _carne, itlog,_ ó sabao nang _carne,_ cundi canin, gatas, etc. na malamig cun canin. Touing icalauang oras, ay iinumin niya ang timbang isang salaping _salitre ó nitro_ número 20. Bucod doon ay iinuming parati niya ang bilin sa número 2. Mayroong babaying mataba,t, marugo na datihang nacucunan sa tacdang panahon. Ang maigui sa caniya, ay magsangra cun malapit lapit na ang arao n~g pagdaan sa caniya niyong hirap na yaon. Maigui rin sa caniya ang man~ga turo co dito rin sa párrafong ito.
=CAPÍTULO 79.=
_Ang gagauin cun mahirap ang pan~gan~ganac nang babayi._
480. Maraming totoong babayi, ang namamatay dahil sapagca ualang naalamang anoman ang man~ga hilot, at ang man~ga nagsisitulong sa babaying nan~gan~ganac. Ano mang bagay na naririn~gig nilang magaling sa nan~gan~ganac guinagaua pagcaraca, lalo pa cun turo nang matanda, ó nang man~ga man~gagamot na mangmang, na hindi man marunong bumasa. Ang marahil gauin nang man~ga hilot na hindi maalam doon sa babaying nan~gan~ganac, ay pinaiinomin ang catauan nang _castor, luya,_ sambong, _ruda,_ lan~gis nang _ambar, alac, triaca, café, aguardiente_ ó tubig nang _anis ó hinojo._ Itong lahat na bagay pauang masama (ani Tissot) at parang lasong totoo, sapagca nacalalauo,t, nacaliliuag sa pan~gan~ganac, dahil sa cainitan nang man~ga gamot na yaon, at yaon din naman ang nagpapainit, at ang ga nagpapatigas ó nagpapaunat sa bahay tauo; pati nang man~ga daraanan nang bata cun ipan~gan~ganac, ay namamaga rin dahilan doon at cungmiquipot. Bucod doon ang babaying pinaiinom noong man~ga maiinit na yao,i, ang caniyang marahil masapit, ay ang siya,i, panaugan nang maraming totoong dugo, at matutuluyang mamatay sa loob nang ilang oras.
481. Ang totoong sucat gauin sa babaying nan~gan~ganac, ay ang sasabihin co n~gayon, na yao,i, pauang aral ni Tissot at ni Buchan, na sila ang totoong dapat paniualaan, sapagca bihasang totoo sila doon sa man~ga bagay na yaon Cun mayroong babaying nan~gan~ganac na dating malacas siya,t, hindi masasactin at hindi rin sala ang hichura nang caniyang catauan, cun baga mahirap ang caniyang pan~gan~ganac, ay houag siyang dumag-is cun hindi panahon at siya,i, bagcus hihina. Masama ring lamasin, ó iriin nang man~ga tauo ang caniyang tiyan, sapagca yao,i, macacamatay sa bata, at ang isa pa,i, ualang paquinabang doon sa gauang yaon. Ang man~ga maiinit na gamot na aquing tinuran sa párrafo 480, na sinundan nito ay masama naman. Ang bagay na bagay sa caniya ay gayon: Sasangrahan agad siya sa camay, sapagca yaon ang nacacaualang madali nang man~ga pagsaquit nang catauan, at nacacalubay sa man~ga casangcapan nang nan~gan~ganac. Hangang di lumabas ang bata,i, houag pacanin ang may catauan; datapoua mabibig-yan siya nang durog na tinapay na luto sa tubig. Toui siyang iinom, ang ipaiinom ay ang tubig na pinaglutuan nang caunting tinapay rin. Susumpitin naman siyang macaitlo cun arao, at macaitlo cun gabi, nang tubig na pinaglagaan nang _culutan,_ na may casamang caunting _lana,_ ó lan~gis na bago nang _niyog_. Saca pinalulucloc na parati ang babayi sa tapat nang isang palioc na puno nang tubig na mainit, at pinasisin~gauan siya roon, sapagca ang sin~gao nang mainit na tubig ay nacacalambot agad sa catauan. Bucod dito,i, lalahiran nang mantica ang loob nang caniyang punong catauan. Doroonan naman sa ibabao n~g tiyan nang man~ga basahang babad sa mainit na tubig, na ito,i, totoong buti rin. Ang man~ga itinuturo co n~gayon na pauang ualang liuag, ay hindi mahirap gauin, at hindi rin nacacaano sa bata at sa babayi, at maraming totoong babayi ang nacacapan~ganac na maigui capag sinusunod nila yaon.
482. N~guni cun sala ang lagay nang bata sa tiyan ó cun sala ang catauan nang babayi, ay hindi magcacasiya ang man~ga itinuro co sa párrafong sinundan nito. Cun masama ang lagay nang bata sa tiyan ó cun sala ang paglabas, ay cailan~gang hanapin ang isang marunong na hilot, at ang gagauin niya ay gayon: Ang tiyan nang babaying nan~gan~ganac idiriin nang camay sa man~ga taguiliran, at sa ibabao n~g tiyan din na paitaas, nang mahina hinang pagdiriin, nang umurong ang bata, cun sala ang paglabas. Pag napasauli na ang bata sa loob, ay ipinaanyo roon n~g hilot n~g lumabas na mahusay. Cun baga patay ang bata sa tiyan ang gagauin sa babayi, ay yaon ding man~ga bilin sa párrafo 481.
=CAPÍTULO 80.=
_Ang man~ga saquit na marahil sumunod sa pan~gan~ganac nang babayi._
483. Ang man~ga saquit na marahil humalili sa pan~gan~ganac n~g babayi ay lima. Ang nauuna ay cun siya,i, binubusan n~g maraming dugo. Ang icalaua,i, ang pamamaga nang _bahay tauo._ Ang icatlo,i, cun hindi lungmalabas yaong ugaling lungmalabas na dugo sa man~ga babaying nan~gan~ganac. Ang icapat ay ang gatas, cun hindi husay ang pagpatun~go sa man~ga suso nang babaying. Ang icalima,i, cun hindi lungmalabas ang inunan.
484. Cun baga nang macapan~ganac ang babayi, binubusan siya nang maraming totoong dugo, ang gagauin doo,i, sasangrahan, at susundin ang ibang m~ga bilin sa párrafo 479. Bucod dito,i, lalag-yan siya sa tiyan at sa bay-auang, pati sa m~ga hita nang man~ga basahang babad sa _tubig_ at sa sucang matapang na magcasingdami, na yaon ay papalitang parati pagca tuyo tuyo na, at inaalis tuloy pag ungmuunti na ang paglabas nang dugo.
485. Ang pamamaga nang bahay tauo sa loob nang catauan nang babayi caya na-aalaman, sapagca masaquit ang tiyan, at tila nauunat. Cun hipuin, ay lalo pang sungmasaquit. Bucod doon mayroong naquiquitang manchang mapulapula, na nangagaling sa ilalim nang pos-on, at ungmaabot hangang pusod. Cun ang may cataua,i, lungmulubha ay ungmiitim yaong mancha, na yao,i, masama at mamamatay ang maysaquit. Ang isa pa roon ang may cataua,i, totoong hina, at ang muc-ha,i, nag-iiba. Tila nasisira-sira ang bait niya; hindi siya nauaual-ang parati nang lagnat; ang pulso,i, mahina,t, matigas; cun minsan sungmusuca siya, ó nagsisin-oc; parating ibig niyang manabi, at cun minsan hindi ungmiihi. Doon sa punong catauan niya mayroong lungmalabas na tubig na mabaho, mapulapula,t, mahapdi, itong ganitong lagay ay masama,t, mapan~ganib ang buhay nang babayi. Ang magaling doon ay gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan; saca susumpitin nang malimit nang malacucong tubig. Susumpitin naman sa loob nang caniyang punong catauan nang tubig na malacuco rin, ó nang tubig na may casamang gatas. Sa ibabao nang tiyan ay lalag-yang parati nang tubig na pinaglagaan nang _cebada ó palay,_ na hinulugan nang _salitre,_ timbang saicaualo sa isang botella, at siya rin ang caniyang iinumin. Totoong buti namang doonan sa tiyan nang gatas na malacucong tinubigan.
486. Cun hindi lungmalabas ang dating lungmalabas na dugo sa man~ga babaying nan~gan~ganac, na yao,i, nacacahila nang maraming saquit na malalaqui, para nang pamamaga nang tiyan; ang gagauin sa maysaquit ay yaon ding man~ga bilin sa párrafo 485, na sinundan nito. Ang man~ga mainit na gamot na sinabi co sa párrafo 480, ay totoong sama doon, at parang lason sa maysaquit.
487. Ang babaying nan~gan~ganac, ay linalagnat cun minsan nang malaqui, cun bagong nagcacagatas ang caniyang suso; at ang maigui sa caniya, nang houag siyang lagnatin ay pasusuhin ang bata pagdaca, mula sa arao nang caniyang pan~gan~ganac; at nang mauala ang lagnat na malaqui na dala nang gatas, ay magaling ang pag-inom nang tubig na pinaglagaan nang _cebada_ ó _palay_ na may salitreng casama, ayon sa turo sa párrafo 485, at ang pagsumpit nang tubig na malacuco.
488. Yaong man~ga babaying mahina na di inaalagaang maigui, capag sila,i, nacapan~ganac, ó cun nagsasaoli agad sa canilang dating guinagaua, ay nagcacasaquit, sila cun minsan nang sari saring saquit, na ang dahilan noon ay ang di paglabas nang ugaling lungmalabas na dugo sa man~ga nan~gan~ganac. Caya sapagca nagugulo, at hindi husay ang pagbucod nang gatas sa suso,i, sinisibulan ang may catauan cun minsan nang man~ga sibol, na ang tauag nang man~ga medicong castila doo,i, _depósitos lácteos._ Itong man~ga ganitong sibol ay totoong sama at lalo pa cun tungmutubo sa loob nang catauan; n~guni marahil sumibol sa man~ga hita. Ang gagauin agad doo,i, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 58, at tapalan ang sibol nang bilin sa número 59. Itong man~ga gamot na ito ay nacacauala nang sibol sa calauonan; datapoua cun baga nagnanana, ay cailan~gang hiuain nang marunong, at gagamutin para nang _baga_ sa párrafo 253.
489. Cun minsan naman ang man~ga suso, ay yaon ang sinisibulan, sapagca ang gatas ay napapataha,t, ga natutulog doon; at cun hindi gamutin pagcaraca itong ganitong man~ga pamamaga nang suso, ang sibol ay tungmitigas na cun malauon naguiguing cáncro, na sa lahat na saquit yaon ang lalong masama,t, mahirap. Ang gagauin doon ay tapalan macalaua maghapon nang tinapay at gatas hangan sa pumutoc at magnana, ayon sa turo ni Buchan. Ito,i, gagauin cun baga nahahalatang puputoc at magnanana. Datapoua cun ang bucol sa suso ay lauon nang tungmubo, at hindi masaquit, ay houag tapalan nang anoman. Ang man~ga tapal na mayroong taba ay masama roon. Cun baga ang sibol ay naguing _cáncro_ na, ang magaling lamang doon ay ang turo sa número 60; at ang may catauan ay palolonoquin nang bilin sa número 57, na nacacagaling cun minsan sa calauouan. Itong lahat ay uica ni Tissot.
490. Ang man~ga babaying nagpapasuso, nahihirapan cun minsan dahil sa napapacnos ang man~ga utong nang suso nila. Ang pag-gamot doo,i, ualang liuag. Magtunao ca sa isang taza nang caunting pagquit, at isang gayon ding lan~gis na bago nang niyog, at yaon ang ilahid doon. Ang bilin sa número 66 ay mabuti rin. Cun hindi nauauala yaong saquit na yaon, ay purgahin nang caunting maná ó ruibarbo.
491. Cun baga mayroong babaying nacapan~ganac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo. Cun hindi rin lungmalabas ang inunan, at mayroong marunong na tauo,i, lahiran muna ang caniyang camay n~g mainit na lana, at ipasoc niya sa loob na marahan-dahan, at caniyang hilahin mayamaya. Datapoua ang uica nang ibang maaga médico, na bihirang babayi ang nabubuhay cun hilahin ang inunan.
_Nota._ Cun minsan ang babaying bagong nan~ganac ay linalagnat siya nang lagnat na may casamang butil na marami sa catauan, na yao,i, pinan~gan~ganlang _lagnat na daua,_ na sinaysay na sa capítulo 59.
=CAPÍTULO 81.=
_Ang gamot sa sangol cun hindi iniilaguin niya ang caunaunahang ugaling ilaguin nang man~ga bagong pan~ganac na bata._
492. Ang man~ga batang bagong pan~ganac ay puno ang canilang sicmura sampon nang man~ga bituca nang duming maitim na malapot at malagquit, na cundi iilaguin agad nang sangol, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Caya nang lumabas yaong duming yaon sa catauan nang bata, ang gagauin doo,i, gayon: Houag munang pasusuhin ang bata hangang di macalalo ang isang boong arao. Painumin ang bata nang _tubig_ na sinamahan nang caunting _azúcar ó pulot._ Bucod dito,i, mapaiinom ang bata touing icapat na oras n~g _jarabe de chicorias_ (dilang usa) na sinamahan nang caunting _maná_. N~guni, ang uica ni Buchan, na ang lalong magaling sa lahat na gamot, ay pasusuhin ang bata capag naiibig niyang sumuso, sapagca ang unang gatas nang babayi ay nacacapurga sa man~ga sangol.
=CAPÍTULO 82.=
_Ang gamot sa man~ga sangol cun ungmaasim ang nadoroon sa canilang sicmura._
493. Ang gatas na sinususo n~g man~ga bata ay marahil umasim sa man~ga sicmura nila, na doon nangagaling ang m~ga _cólico,_ ang man~ga _convulsión,_ ang pag-iilaguin ó ang pagsuca nila. Ang magaling doon ay ang _jarabe de chicorias_ (dilang usa); at nang houag daanang uli ang bata noong saquit na yaon, ay paiinumin arao-arao macaitlo nang timbang calahating saicaualo ang isang inom, nang bilin sa número 61, cun malaqui ang saquit; datapoua cun munti ang saquit, ay sucat na sa caniya ang isang inom ó dalaua arao-arao. Ang _aceite de almendras_ ay masama roon.
494. Ang man~ga sangol ay malimit daanan nang _cólico_ sa man~ga unang bouan nang canilang buhay. Ang magaling doon ay sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _manzanilla,_ na hinulugan nang caunting sabón, ganga bot-o nang pimienta calaqui. Cun minsan masamang sumpitin ang bata; at cun gayon ay na-aari ang man~ga calillang _sabón ó pulot._ Nacaguiguinahaua sa man~ga batang dinaraanan nang _cólico_ ó nang pagsaquit nang tiyan nang isang basahang babad sa mainit na tubig na pinaglagaan nang _manzanilla_ at caunting _triaca,_ na itatapal sa tiyan.
=CAPÍTULO 83.=
_Ang pagpambo sa man~ga sangol._
495. Ang boong catauan nang batang bagong pan~ganac ay puno nang libag, na gaua nang caniyang linan~guyang tubig sa loob nang _bahay tauo._ Nang macuhang madali yaong libag na yaon sa catauan niya, ang magaling sa lahat, ay pambohan nang dalauang bahaguing tubig at nang isang bahaguing alac, na yao,i, itutuloy nang ilang arao. Cun baga malapot at malagquit yaong libag na yaon, na cungmacapit sa catauan nang bata, ay ma-aalis nang tubig na pinaglagaan nang _manzanilla_ na may casamang _sabón_ na ganga _patani_ calaqui.
496. Ang man~ga bata,i, maigui pambohan pag nacalalo na ang labingdalaua, ó labinlimang arao nang pan~gan~ganac sa canila. Ang ipapambo roo,i, ang malamig na tubig na ualang calahoc na anoman. Itong gauang ito,i, magaling gauin arao-arao, sa panahon man nang tag-guinao ó tag-sigua, sapagca totoong nacacapagpalacas sa catauan nang bata. Ang hindi lamang babasain ay ang tuctoc nang ulo, yaon bagang nahihipong malata sa itaas nang ulo nang man~ga bata. Pagca napambohan na ang bata,i, masamang paramtan n~g maraming damit. Ang man~ga batang maysaquit ay houag pambohan.
=CAPÍTULO 84.=
_Ang gagauin sa batang nagcacasaquit cun sinisibulan nang n~gipin._
497. Ang ugaling panahon nang pagsibol nang n~gipin sa man~ga bata,i, sa icaanim ó sa icapitong bouan nang canilang buhay. Ang unang sungmisibol ay ang sa harap; sungmusunod ang man~ga pinacapan~gil, at ang catapusang sungmisibol ay ang man~ga bag-ang. Sa dacong icadalauang puong taon nang buhay n~g tauo, mayroon namang sungmisibol na apat na bag-ang din, na ang pan~galan nang man~ga tauo doo,i, ang bag-ang nang _bait_.
498. Ang batang nagcacasaquit, cun sinisibulan nang n~gipin, ay cailan~gang sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _culutan_ lamang, ó purgahin caya n~g mahinang purga, parang _magnesia ó ruibarbo, ó hojas de sen._ N~guni cun dinaraanan nang pagiilaguin ang bata, ay hindi cailan~gan ang sumpit at ang purga. Masama naman pacanin nang marami. Datapoua mabuti painumin nang maramirami sa dati. Ang m~ga n~gidn~gid ay lalahiran nang macaitlo ó macaapat arao-arao nang _pulot puquiotan._ Magaling na totoo sa man~ga batang nagcacasaquit, at sa nag-uubong parati cun sinisibulan nang n~gipin, ang sahing na tutunauin sa apoy bago ilatag sa basahan, at itapal sa licod nang bata sa pag-itan nang dalauang balicat.
=CAPÍTULO 85.=
_Ang gamot sa batang may bulati sa tiyan._
499. Caya nahahalatang mayroong bulati sa tiyan nang bata, sapagca siya,i, dinaraanang parati nang _cólico._ Cun umaga mayroong maraming lauay sa caniyang bibig, at ang hinin~ga ay iba sa rati ang amoy na tila maasim; ang ilong ay parating quinacamot at macati. Cun minsan nananab-ang nang pagcain; cun minsan malacas cumain; idinaraying ang sicmura, ó sunmusuca caya cun minsan; hindi manabi siya; datapoua ang marahil dumaan sa man~ga batang gayon ang sila,i, nag-iilaguin nang tila hilao; ang tiyan ay malaqui, at ang ibang cataua,i, yayat; ang maysaquit ay mahina, at ga namamanglao; ang palibot sa mata,i, tila morado ang color; ang muc-hâ,i, nag-iibang parati; ang may catauan nauuhao at cun natutulog, tila naguiguicla; bucod dito,i, nan~gan~galitngit. Mayroong batang hindi lumagay cun mayroong bulati; dinaraanan cun minsan ang gayong maysaquit nang _síncope ó convulsión_. Cun minsan nahihilim, ó pinapauisan nang malamig; lungmalabo ang pagtin~gin nang may catauan, pati nang voces niya,i, hungmihina. Ang man~ga n~gidn~gid ay tila nabubuloc. Cun minsan nagsisin-oc na parati ang may catauan; ang pulso ay munti at hindi husay; cun minsan may ubong caunti na ualang inilulura. Cun doon sa iniilaguin nang may catauan mayroong naquiquitang tila boto nang _melón ó calabaza,i,_ caalam-alam mayroon sa caniyang tiyan na bulating mahaba na may casucasuan malapad at maputi, na pinan~gan~ganlang _tenia ó solitaria._
500. Maraming totoong bagay ang iguinagamot sa saquit na ito. Ang isang totoong galing sa saquit na yao,i, ang bun~ga nang _niyogniyogan._ Ang tatlong bun~ga ay sucat na sa batang mayroon tatlong taon; ang apat na bun~ga sa mayroong apat na taon, at ang lima sa ang edad niya ay limang taon. Itong bun~gang ito ipinacacain sa batang maysaquit cun umaga bago siya cumain; n~guni cun baga may lagnat, hindi sucat pacanin noon. Ang maysaquit na pinacain nang _niyogniyogan_ cun umaga, ay pupurgahin nang bilin sa número 63. Itong man~ga sinabi co, siya ang gamot sa man~ga bulating mabibilog. Itong man~ga batang malimit magcabulati sa tiyan ay masamang pacanin nang man~ga maliuag matunao sa sicmura, para nang man~ga hilao na bun~ga nang cahoy, ó man~ga gulay na hindi lutong maigui.
_Nota._ Nang mapalabas ang bulating maputi na mayroong ulo, at man~ga casucasuan na tinatauag na _tenia ó solitaria,_ ay painumin ang maysaquit na matanda nang tubig na pinaglagaan nang balat nang ugat nang _granada._ Datapoua houag painumin pagdaca nang marami macacasama sa caniya. Ang isa pang totoong malacas na gamot sa lahat na bagay na bulati ay ang dagta nang _papaya,_ yaon bagang nangagaling sa bun~gang mura na sinusugatan nang tumulo. Ang man~ga bata,i, binibig-yan nang timbang saicapat hangan sa timbang cahati noon, at linalahucan nang gatas nang calabao ó cambing; ang matandang tauo,i, binibig-yan nang marami. Cun ualang gatas na calahoc ang dagta,i, hindi maiinom nang tauo.
=CAPÍTULO 86.=
_Ang gagauin sa man~ga batang dinaraanan nang_ convulsión _para nang_ suba, sauan, taon, ó alferecía, _at ang iba pa, pati nang gamot sa batang tila_ hinihica _na main~gay ang paghin~ga, na ang pan~galan sa gayong saquit ay_ croup.
501. Cun mayroong batang dinaraanan nang _suba, sauan_ ó ibang bagay na _convulsión,_ caalamalam ang totoong pinan~gagalin~gan noong man~ga saquit na yao,i, ang maasim sa sicmura, ó ang pagsibol nang n~gipin, ó ang bulati, ó ang hindi paglabas nang unang iniilaguin nang batang bagong pan~ga-nac. Cun gayon ay susundin ang man~ga turo sa párrafo 414 at 415, at gagauin ang man~ga bilin sa man~ga capítulo 81, sa 82, sa 84 at 85. N~guni bucod doon sa man~ga dahilang yaon, mayroong tatlo pa mandin na cun minsan nacacapagdala nang _convulsión_ sa man~ga bata, sa macatouid: cun mayroong man~ga bagay na nabubuloc sa sicmura,t, tiyan nang bata, na yaon ang isang dahilan. Ang icalaua cun ang gatas nang nagpapasuso ay masama; at ang icatlo, cun ang bata,i, nalalagnat, lalo pa cun tiniticdas ó binubulutong.
502. Caya nahahalatang mayroong nabubuloc sa sicmura nang bata, sapagca pinacain ó pinasuso nang marami na hindi macayanan nang caniyang sicmura, ó sapagca pinacain nang sarisaring bagay na hindi nagcacaayon. Bucod dito ang gayong bata,i, nananab-ang nang pagcain; natatamlay siya, at hindi natutulog nang mahimbing. Ang dila niya,i, marumi; ang color nang balat ay masama, at lungmalaqui ang tiyan. Cun baga caya _quinoconvulsión_ ó cungmiquinal ang catauan nang bata ay dahil dito, ang magaling doo,i, houag pacanin nang marami; sumpitin nang malacucong tubig at purgahin nang jarabe nang _chicoria_ (dilang usa) ó nang caunting _maná._
503. Cun minsan naman caya sinasauan, ó sinusubaan ang bata, sapagca ang gatas nang nagpapasuso sa caniya ay masama; sa macatouid, cun ang nagpasuso ay nagagalit nang malaquing pagcagalit, ó namanglao, ó natacot, ó napagod nang paggaua, ó nainitan, ó nacacain nang man~ga cun ano ano, ó nagcasaquit, ó nacainom nang alac, ó cun pinananaugan nang panahon, cun datidating sungmasama ang caniyang pagcaramdam, cun pinananaugan siya nang sa panahon. Cun ang babaying nagpapasuso sa bata dinaanan noong man~ga bagay na yaon, ang gatas niya,i, sungmasamá at nacacapagcasaquit sa sungmususo, na cun minsa,i, iquinamamatay niya agad. Ang mabuti doo,i, gayon: Ang bata houag pasusuhin nang babaying maysaquit, hangan di mauala ang caniyang masamang pagcaramdam; ang bata,i, susumpitin naman, at paiinumin nang maraming tubig na malamig; ang ipacacain sa bata sa dalaua ó tatlong arao ay _atole ó tinapay_ na durog sa tubig, na ualang gatas. Cun hindi pa nauauala ang saquit nang bata, ay painumin nang timbang piso, ó tatlong salapi nang _jarabe_ nang _chicorias_ (dilang usa). Magaling din ang _maná,_ na cahati ang timbang. Ang babaying nagpapasuso,i, maigui magsumpit siya, at ang gatas na masama palabasin sa suso.
504. Cung baga ang _convulsión_ nang bata sungmasama sa bulutong, ó ticdas, ó sa ibang bagay na lagnat, ay hindi cailan~gan ang ibang gamot doon, cundi ang iguinagamot sa saquit na casama nang convulsión.
_Nota._ Mayroong batang dinaraanan nang mahirap siyang macahin~ga, naanaqui _hinihica_; ang tauag nang man~ga medico sa gayong saquit ay _croup._ Ang maigui doo,i, ibabad ang paa nang bata sa mainit na tubig, at cunan nang dugo, bago sumpitin agad nang culutan na magaling samahan nang timbang cahating _ingo,_ na yaon ang isusumpit doong parati; maigui rin doon ang isang tapal na _sahing_ sa pag-itan nang dalauang balicat, ayong sa turo co sa párrafo 498; mabuti namang lag-yan nang isang fuente.
505. Ang _triaca_ ay masama sa man~ga batang dinaraanan nang _convulsión._ Datapoua mabibig-yan din nang _triaca,_ pagca guinagaua na ang man~ga itinuturo co sa capítulong ito, at hindi rin nauauala ang _convulsión._ Gayon din cun mapan~ganib na totoo ang buhay nang bata, ó cun ang pinagmul-an nang _convulsión_ ay ang siya,i, natacot mabibig-yan din nang _triaca._
506. Mayroong malimit daanan nang _sauan, suba,_ ó nang ibang bagay na _convulsión_. Ang pag-gamot sa gayong bata ay maliuag. Magaling doon ang _quina_ (dita) número 14, at pambohan sa malamig na tubig.
=CAPÍTULO 87.=
_Aral na nauucol sa pangsasangra sa man~ga maysaquit, pati na pagpapacapit sa linta._
507. Dalaua ang dahilan na sucat ipagsangra sa tauo: ang nauuna, cun marugo ang may catauan; ang icalaua, cun ang dugo niya,i, _ungmiinit_ na yao,i, pinan~gan~ganlang _inflamación de sangre._