Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 17

Chapter 17 3,960 words Public domain Markdown

457. Ang tauong nalunod sa tubig, maitim nang totoo, ó namamaga man ang caniyang muc-ha, cun minsan masasaol-an nang buhay, capag ang pagtahan niya sa tubig ay hindi lumalo sa anim ó pitong oras. Sa hindi lubhang nalauon sa tubig ay bihira ang di nasasaol-an nang buhay. Ang gagauin doo,i, gayon: Pagca nahan~go na sa tubig ang nalunod na tauo, ay dadalhin sa lugar na tuyo; huhuboan doon nang damit; ipahihiga doon nang pataguilid, at doroonan nang unan sa ilalim nang ulo, cucuscusin ang boong catauan niya nang malacas nang man~ga damit na tuyo, na idinadarang sa apoy, upan din masaol-an nang init ang catauan. Cun mayroong _aguardiente ó alac_ na matapang sa niyog ay maigui ibabad doon ang man~ga damit na pan~guscos. Mabuti namang ilapit lapit sa apoy ang tila patay cun guinagaua itong man~ga turo co n~gayon. Magaling ding ibaon hangan liig sa buhan~gin cun baga mainit ang arao. Pagcayari na itong man~ga sinabi co n~gayon, ay cailan~gang baguhin ang lagay nang catauan nang nalunod, houag lamang ilagay nang patihaya. Saca hihipang parati nang malacas sa ilong ó sa bibig. Ang isang munting caputol na caua-yan, ay magagauang panhihip; n~guni cun hihipan sa ilong ay cailan~gang tacpan nang camay yaong cabilang butas nang ilong, pati nang bibig; cun sa bibig hihipan ay tatacpan naman ang ilong. Caya guinagaua ito,i, nang magpatuloy ang han~gin sa baga nang nalunod. Bucod dito ang isa pang totoong cailan~gang gauin sa tila patay, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco; ang paraan nang pagsumpit doo,i, ualang liuag. Magpatay capagcaraca nang isang manoc na malaqui, at ang caniyang _buche,_ ay linising maigui. Maghanda ca naman nang dalauang cauayang mumunti, na isosoot doon sa dalauang butas nang _buche_ nang manoc. Ang dulo nang isang _cauayan_ ay ipapasoc sa pouit nang nalunod; pagcayari na ito,i, omip-ip ca nang tabaco, at ang usoc ay iyong paraanin doon sa _cauayan_ patuloy sa pantog ó _buche_ nang manoc, na pipisilin mo nang mapatun~go sa loob nang catauan nang tauo. Itong ganitong pagsumpit nang usoc nang tabaco ay gagauin nang mahabang panahon hangan sa masaol-an nang buhay ang tila patay. Cung yaong man~ga sinabi co ay itinuloy na han~gan sa apat, lima, ó anim na oras, at hindi nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay maitatahan na ang pag-gamot, at caalamalam patay na totoo ang tauo. Datapoua cun baga siya,i, nasaol-an nang buhay at hungmihin~ga na, ay maigui palonoquin nang ilang capatac na aguardiente, ó _alac_ na matapang na tinubigan, at cun baga nacacasagui na yaon sa lalamunan, ay big-yan pa nang isang cucharang ualang calahoc Itong lahat na itinuro co n~gayon ay totoong buti. Ang gaua nang iba doon sa nalunod sa tubig ay canilang ibinibitin nang pataob; datapoua,i, masama yaon at macacamatay bagcus sa nalunod.

_Ang gagauin sa tila patay, dahil sa siya,i, natamaan nang lintic, ó inarauan, ó nainitan nang apoy, ó nausucan, ó sapagca mayroon siyang inamoy na may amoy na, matapang para nang_ alcanfór, luya, pimienta, almizcle etc.

458. Ang tauong tila patay sapagca natamaan siya nang lintic, ó dahil sa man~ga sinabi co n~gayon, ay huhubdan nang damit, at ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo sa lupa, at lalong magaling sa muthaan. Pagcaraca,i, hihipan sa bibig, ó sa ilong para nang turo sa párrafo 457. Bubusan siyang parati nang maraming ban~gang tubig na malamig sa boong catauan, lalo pa sa muc-ha,t, dibdib. Cun ualang tubig, ay ilalagay nang parapa ang tila patay doon sa muthaan; at sa tapat nang muc-ha niya, ay maigui ang pag-gaua nang isang hucay na munti, ganga bao calaqui, sapagca mabuti doon sa gayon ang sin~gao nang lupa. Pagca nasaol-an na ang tila patay, ay babasain nang _suca_ ang caniyang quibotquibotan, ang mata, pati nang ilong; at palolonoquin siya nang isang cucharang _suca_ rin. Saca dinadalang malapit lapit sa may apoy, at bubusan pa mandin sa catauan nang malamig na tubig, hangan sa masaol-an siyang totoo. Saca inilalapit lapit pa sa apoy, at pinaiinom nang _sabao_ nang _carne,_ ó nang caunting _aguardiente._ Cun itong man~ga sinabi co n~gayon ay hindi maniya, ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457.

_Ang gagauin sa tila patay dahil sa masamang sin~gao nang man~ga pusali, ó man~ga libin~gan, ó bilangoang quinadoroonan nang maraming tauo, at sa tila namatay sa panahong tag-salot, ó cun siya,i, linagnat nang lagnat na sucab, ó binilutong._

459. Ang gagauin sa anaqui patay dahil sa man~ga sinabi co n~gayon, ay ang man~ga turo co sa párrafo 458 na sinundan nito. Datapoua ang tubig na ibubuhos sa catauan nang tauo ay mabuti lahucan nang _suca_ cun baga mayroon. Magaling namang pasucahin ang gayong tila patay nang ga dalaua ó tatlong cucharang _ojimiel escilítico_ ú _ojimiel_ nang _bacong_ na sinamahan nang isang cucharang _aguardiente_ ó _alac_ na matapang. Ang pag-gaua nang _ojimiel_ ay aquing sasaysayin sa número 8. Yaong man~ga tauong inuupahan nang paglilinis nang man~ga pusalian ó man~ga lugar na mabaho, ay maigui painumin muna nang caunting aguardiente ó alac na matapang nang houag macapagcasaquit sa canila ang sin~gao na masama n~g canilang linilinisan.

_Ang gagauin sa tila namatay dahil sa siya,i, sinumpong nang malaquing galit, ó toua, ó sapagca nabalitaan nang masamang balita, ó dati na siyang sinusubaan, ó dinaanan siya nang desmayo._

460. Ang dinaraanan nang malaquing galit, ó toua, ó nabalitaan nang masamang balita, ó ang sinubaan, ó dati nang sinusubaan, ó nadesmayo, at saca tila natuluyang namatay, ay hindi sucat pabayaan, at cun minsa,i, hindi patay ang may catauan, at masasaol-an nang buhay. Caya ang gagauin doon ay gayon: Ang tila patay idoroon sa maaliualas na lugar; bubusan ang caniyang catauan nang maraming malamig na tubig; hihipan agad sa ilong ó sa bibig, para nang turo sa párrafo 457; lalapitan sa ilong nang man~ga mabaho para nang sunog na pacpac nang manoc; ang galangalan~gan nang camay at ang quibotquibotan ay maigui hilutin nang damit na maban~go; cuscusin ang catauan nang damit na ininit sa apoy; daroonan sa talampacan nang man~ga bato ó ladrillong mainit; uugain ang catauan at bubuhating maminsan-minsan; bubunutin naman ang ilang buhoc, at tatauaguin nang caniyang pan~galan; pagca humin~ga na nang caunti, ay palonoquin nang isang cucharang agardiente. Ang gayong tila patay na tauo,i, mabuti hubdan, at calaguing lubos ang lahat na tali nang damit, at masama ang may maigting doon. Cun hindi rin nasasaol-an nang buhay ang tila patay, ay mabuti sangrahan sa camay, at sumpitin nang usoc nang tabaco, para nang turo sa párrafo 457.

_Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, binitay._

461. Ang tauong binitay ó nagbicti ay cailan~gang sangrahan agad sa liig sa alin man sa dalauang ugat na pinan~gan~ganlang _yugular,_ na doroon sa man~ga taguiliran nang liig, na macaapat man sa loob nang tatlong oras cun hindi nagcacasiya ang isang pagsasangra. Cun baga nang masangrahan na,t, masaol-an, nahihilim ang may cataua,i, casasangrahan pa, hangang lumacas na magaling ang pulso, at siya,i, masaol ang lubos. Ang hiniua nang lanceta, ay houag bigquisan, cundi sapauan lamang nang isang mabilog na capirasong damit, ganga piso calaqui, na linatagan nang caunting sahing, nang cumapit sa laman, at umampat ang dugo. Ang lugar na tinahacan nang lubid, ay maigui basain nang _suca_ ó tubig na may _asin._ Bucod dito,i, cailan~gang hipan sa bibig pagcaraca ang tila patay, ayon sa turo sa párrafo 457. Pag hungmihin~ga na, ay painumin nang maraming malamig na tubig, at paypayang parati. Masamang ipahiga ang gayong tila patay; magaling ipalocloc sa sahig, at alagaan ang ulo, nang houag tumun~go sa ilalim. N~guni cun baga lungmingsad ang unang buto nang liig, ay ualang magagauang gamot doon.

_Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, nahulog sa mataas, ó pinalo nang malacas, at sa dinaanan nang_ apoplegía _ó_ epilepsia, _at tila natutuluyang mamatay._

462. Ang nahulog sa mataas, at ang pinalo nang malacas, capag nasactan ang utac nang ulo niya, ay nahihilim na tambing, at ang magaling sa gayo,i, sangrahan nang maquiilan sa paa. Ang lugar na nasactan, ay doroonan nang isang basahang babad sa aguardiente ó alac na matapang sa niyog. Ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang _suca;_ sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na _suca_ rin. Cun nasasaol-an ang may catauan, ay painumin nang isang vasong tubig na malamig; ang muc-ha sampon nang dibdib niya,i, bubusan nang tubig na malamig din.

463. Ang tauong _nanhihimatay,_ ó ang dinaraanan nang apoplegía, ó epilepsia, cun minsa,i, tila natutuluyang namamatay, bago,i, hindi patay. Caya yaong man~ga gayong maysaquit, ay hindi sucat ilibing muna, cundi maramdamang mabaho baho na. Ang mabuti doon ay hubdan at sangrahan sa camay, at ilagay sa maaliualas na lugar, na bucas ang lahat na don~gauan. Ang isa pang magaling doon, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco ayon sa turo sa párrafo 457.

_Ang gagauin sa man~ga sangol na tila patay cun bagong ipan~ganac, dahil sa napisa ang canilang pusod, ó sapagca nasicpang totoo nang lungmabas sa tiyan, at sa man~ga batang tila patay dahil sa pagsigao ó sa pagsibol nang n~gipin, ó sapagca inugoy sila nang malacas sa duyan._

464. Cun mayroong batang ipinan~ganac na ualang pulso, at hindi cungmacabacaba ang puso niya, cundi anaqui patay, bago talian at putulin ang pusod, ay cailan~gang usisain cun baquin gayon ang caniyang lagay; cun dahil sapagca mataba,t, marugo ang bata, ó dahil sa siya,i, yayat at mahina.

465. Caya na-aalamang marugo ang bata sapagca ang color nang cataua,i, mapula, ó maitim-itim, na yao,i, ugali nang man~ga batang mahirap ipan~ganac; lalo pa cun nasicpang totoo nang siya,i, ipan~ganac, ó nalauong napatahan sa pinacaaran ó pinacaliig nang bahay tauo, ó cun binago nang hilot sapagca sala ang paglabas, ó cun nacabicti sa caniya ang pusod. Cun gayon, ang maiguing gauin, ay ituturo co n~gayon. Ang pusod ay putulin; datapoua houag talian yaong natitirang caputol na patun~go sa catauan nang bata, cundi sipsiping agad yaon ding dulo nang pusod, nang lumabas ang dugo, hangan sa masaol-an nang buhay ang bata. Cailan~gan namang tacpan ang ilong niya, at hipan nang malacas sa bibig. Ang isa pang totoong cailan~gang gauin, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, bucod dito,i, dadalhin sa maaliualas na lugar ang sangol, at cucuscusin ang boong catauan niya nang mahinang pagcuscos, lalo pa ang palad at ang talampacan nang damit na iniinit init sa apoy. Cun ang bata,i, nasaol-an na nang buhay, ay talian na ang pusod.

466. Datapoua cun baga caya tila patay ang bata dahil sapagca siya,i, mahina, ay houag putulin ang pusod; cundi pabayaan munang cacabit nang caniyang _ina,_ nang halagang calahating oras ó isang oras caya, hangan sa ang bata,i, ga gumamit nang buhay sa caniyang _ina;_ cuscusin naman nang mahinang pagcuscos ang catauan nang bata, nang damit na manipis, na babad sa mainit na alac sa misa; at cun hindi rin nasasaol-an nang buhay, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, at hipan nang malacas sa caniyang bibig, para nang turo co sa párrafo 405 na sinundan nito.

467. N~guni cun baga dahilan sapagca hindi marunong ang hilot, napacaaga ang pagputol nang pusod, at ang bata,i, hindi hungmihin~ga, at uala siyang pulso cundi tila patay, ay uusisain ang totoong dahilan noong ganoong caniyang lagay, ayon sa turo sa párrafo 465 at sa 466; at cun baga caya tila patay ang bata, sapagca siya,i, maraming dugo, ay cacalaguin pagcaraca ang tali nang pusod, at gagauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 465. Datapoua cun baga ang bata caya tila patay dahil sa cahinaan nang caniyang catauan, ay ang man~ga turo sa párrafo 466 siya ang sundin; at bucod doo,i, ilalapit lapit sa apoy ang bata.

468. Ang man~ga batang tila patay, cun sila,i, sinisibulan nang n~gipin, ó cun dinaraanan nang _convulsión,_ ó sapagca iniugoy ang malacas sa duyan ó naraganan nang canilang _ina_ ó nang sugo noon, cun natutulog, ay hihipang agad sa bibig para nang uica co sa párrafo 465. Sususuhin, ó sisipsipin ang caliuang suso nang bata; cucuscusin naman ang boong catauan nang magaang pagcuscos nang damit na iniinit init sa apoy; ilalapit lapit naman sa apoy ang gayong batang tila patay, ó ibabaon sa gaboc na iniinit init sa cauali. Ang ilong patí nang quibutquibutan nang bata,i, babasain nang tubig na maban~gong totoo. Bagay rin doon ang sumpitin nang sumandaling oras calauon nang usoc nang tabaco, para nang turo sa párrafo 457; houag lamang lacasan ang paghihip maca masactan ó mapaso ang bituca.

_Ang gagauin sa man~ga babaying tila patay cun nan~gan~ganac, ó cun macapan~ganac na_.

469. Ang man~ga babaying nan~gan~ganac, ó ang bagong nacapan~ganac, cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, n~guni cun minsan hindi totoong patay. Caya yaong man~ga caauaauang babaying gayon, ay hindi sucat pabayaan, cahima,t, camuc-ha nang bangcay cun tingnan, cundi atohing gauin itong man~ga sasabihin co n~gayon, upan ding masaol-an nang buhay, cun baga sacaling hindi totoong patay. Ang gagauin n~ga roon ay gayon: Hihipang agad sa bibig nang totoong lacas na paghihip, nang magpatuloy ang han~gin sa _baga_ nang tila bangcay. Datapoua ang ilong ay tatacpan, ó cun hipan sa ilong ay cailan~gang tacpan ang bibig. Ang babayi ay ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo, at cacalaguin ang lahat na tali sa catauan niya. Saca mabuti cuscusin nang damit na malaqui,t, magaspang ang palad, pati nang talampacan sampon nang catauan niya, houag lamang ang tiyan, cun hindi pa nacapan~gan~ganac siya; ó ibaon sa gaboc na mainit init, houag lamang ang muc-ha,t, liig, sapagca cun lumamig ang cataua,i, maliuag liuag (ani Buchan) ang masaol-an nang buhay ang tila patay. Ang pagsasangra doon sa camay cun minsa,i, maigui cun hindi yayat at mahina ang babayi, ó cun hindi siya pinanaogan nang maraming dugo Bucod dito ang isa pang totoong cailan~gang atuhing gauin ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco nang ilang oras calauon, ayon sa turo sa párrafo 457. Datapoua cun ualang asa, na yaon ay magasaol-ao nang buhay, sapagca ang man~ga itinuro co n~gayo,i, itinuloy nang anim ó pitong oras calauon, at hindi rin nabubuhay, at bucod doo,i, naalaman nang patay na totoo ang babayi, cun baga hindi pa siya nacapan~gan~ganac, ay hihiuain ang tiyan para nang ituturo co n~gayon nang mabinyagan ang bata. N~guni cun baga nasaol-an nang buhay ang babayi, ay alagaan para nang turo sa capítulo 79 at sa capítulo 80.

_Ang gagauin sa babaying buntis na namatay, nang mahan~go ang bata sa tiyan at mabinyagan._

470. Cun mayroong namatay na babaying buntis, ay cailan~gang litasin ang caniyang tiyan at han~goin ang bata doon. Ang paghiua doo,i, mula sa itaas na pailalim sa taguiliran nang pusod, ga isa, ó dalauang daliri lamang calayo doon. Ang unang hinihiua,i, ang balat, na yao,i, macapal; ang sungmusunod doo,i, ang bahay tauo, na yao,i, manipis nipis. Ang bata,i, hahan~guin doong marahan dahan, bubusan sa ulo nang tubig na totoo para nang sa bucal ó sa ilog, ó sa laua, ó sa ulan, ó sa dagat man; cun binubusan ang bata nang tubig, yaon ding tauong bungmubuhos ay mag-uiuica namang sabay nang gayon: aco,i, nagbabautizo sa iyo sa n~galan nang Ama,t, nang Anac at nang Espíritu Santo; ó cun ibig niya,i, ang sa uicang castila, ay ganito ang caniyang uiuicaing casabay nang pagbubuhos nang tubig: YO TE BAUTIZO EN EL Nombre del Padre, y del Hijo, y del Espírtu Santo. Itong man~ga uicang guinagamit sa pagbibinyag, ay hindi sucat dugtun~gan ó dagdagan nang ibang uica, at hindi rin sucat culan~gan, ó bauasan nang anoman. Bucod dito,i, ang aahain nang tauong bungmubuhos doon sa caniyang guinaua sa bata ay ang dating guinagaua nang man~ga cristiano sa santa Iglesia ni Jesucristo.

=CAPÍTULO 76.=

_Ang gagauin sa babaye cun hindi husay ang pagdaan sa caniya nang sa panahon._

471. Ang man~ga babayi cun gungmagamit sa icalabing apat na taong, hangang sa icalimang pouo, ay dinaraanan bouan-bouan (cun hindi buntis) nang saquit nang tiyan, na ang pan~galan nang castila doo,i, regla. Cun yaong pagdaan nang sa bouan, ó sa panahon, ay sungmasala dahilan sa cauntian ó caramihan nang dugong nananaog, ay nagcacasaquit ang may catauan, lalo pa cun nauaualang lubos yaong ugaling saquit na yaon. Ang babaying masipag at masaya ang loob, ay maliuag di siyang panaugang maigui; datapoua ang babaying matamaring cumibo, ang mapanglauin, ang cungmacain nang cun ano ano, ay siya ang malimit urun~gan nang sa panahon, ó panaugan nang sala, at cun minsan yaon din ang di icapagcaanac niya.

472. Ang dahilan noong pagsala nang pagpanaog nang sa bouan, ay ang cahinaan nang may catauan, sapagca cun minsan hindi siya lungmalacad, ó hindi nananaog man sa lupa, nang malibang ang caniyang loob, at uala rin gaua doon sa bahay na bagay sa catauan niya, sapagca ang datihang gaua nang man~ga babaying marami, ay ang pananahi, ang paghabi, ó ang pagdurugtong nang _abaca_, na yao,i, paraparang masamang totoo, sapagca ang gungmagaua noon, ay parating tun~go ang caniyang ulo, pati nang licod, na dahil doon ay nasisicpan ang dibdib niya Bucod dito palibhasa,i, ualang quibo cundi parating locloc, ay nanhihina nang nanhihina ang may catauan; na cun malauon ay nananab-ang nang pagcain na-tatamad siyang lumacad, ang sicmura niya,i, nagugulo, sungmasaquit ang n~gipin pati nang paa; sinusubaan pa cun minsan; hindi pinananaogang maigui; lungmulura nang dugo, at ang isa pa,i, sungmasama at nasisira (ani Buchan) ang magaling na hichura nang catauan. Caya ang nagsasaquit gumaua noong man~ga gauang yaon, cun baga hindi siya pinananaogang mabuti nang bouan; ay maliuag gungmaling, cundi sundin niya ang man~ga ituturo co n~gayon sa man~ga párrafong isusunod dito. N~guni cailan~gan pacatalastasin nang man~ga mangagamot, na ang guinagaua sa babaying masasactin at mahina na hindi dinaraanan nang bouan, iba sa iguinagamot sa babaying mataba,t, hindi mahina.

473. Ang babaying mataba,t, magaling ang catauan, na biglang dinaraanan nang hindi siya panaugan nang bouan, ó sala ang pagpanaog, ay cailan~gang lumacad arao arao. Cun nacacaya ang maysaquit ay maigui sa lahat ang pagsacay sa _forlon_ ó sa _cabayo_. Bucod dito houag siyang hihipo nang anomang gaua pagca bagong nacacain. Capilitan namang sangrahan yaong gayong maysaquit; sapagca ang pagsasangra ay madalas macagaling pagcaraca sa hindi dinaraanan nang panahon, lalo pa cun ang may cataua,i, malacas at mataba, at datihang hindi siya nagcacasaquit nang gayong pagcacasaquit. Datapoua ang pagsasangra, ay hindi sucat gauin sa man~ga babaying mahina,t, masasactin. Ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang _suero_ nang gatas ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa número 21.

474. N~guni ang babaying dati nang mahina,t, masasactin, na marahil urun~gan nang sa panahon, ay gagamutin para nang ituturo co n~gayon; sa macatouid, ang maysaquit ay capilitang lumacad arao-arao, at magpasial, ó sumacay sa cabayo, na yaon ang lalong magaling sa lahat. Cun hindi maari sa caniya yaon, cailan~gang manaog siya sa lupa touing arao, (ayon sa turo ni Buchan) at mag-alaga siya doon nang munting halamanan. Houag siyang cacain nang sala, ó nang man~ga cun ano ano. Masama doon ang maymanticang marami, ang m~ga maasim, at ang may harina para nang _patani, balatong,_ etc. Masama rin doon ang pagsasangra at ang purga. Ang totoong bagay na gamot sa gayon, ay ang pinagquiquilan nang _bacal;_ yaon bagang _bacal_ na totoo, na hindi _acero_ ó ang ualang patalim. Masama naman ang _bacal_ na may _calauang._ Cun ang saquit ay bago, ó cun bata pa ang babayi, ang bacal na sucat doon, ay timbang labinglima, ó dalauang puong butil na palay arao-arao; cun minsan siya na ang timbang apat ó limang butil na palay. Datapoua cun ang saquit ay malaqui at matanda ang babayi, ay mabibig-yan siya n~g marami sa roong bacal na quiniquil, hangang sa timbang cahati. Mabuti samahan ang bacal n~g _dita ó anis_ Ang man~ga bilin sa número 54, 55 at sa 56, totoong mabubuting gamot sa saquit nang pag-urong n~g sa panahon; ang mangagamot ay pipili doon sa tatlo, nang lalong bagay sa calooban nang maysaquit. Cun ang ibig lamang ay ang panaugan n~g sa bouan ang babayi, ang _alac_ na bilin sa número 55, ay nacacagaling agad sa may saquit. Datapoua cailan~gang pacatalastasin nang man~ga mangagamot na cun baga ang babayi na hindi dinaraanan nang bouan, ay may lagnat pang casama, ó nag-uubo, ó binabalin~goyn~goy, ó payat ang catauan niya, ay capilitang alisin ó paual-in muna itong man~ga saquit na ito, bago gauin ang m~ga itinuro co sa párrafong ito nang panaugan siya n~g bouan. Caalamalam capag nauala ang man~ga saquit na yaon ay pananaugan ang maysaquit di man gamitin. Ang iquinauurong nang panahon sa man~ga babayi, ay ang lamig, ang sip-on, ang tacot, ang pagcain nang manteca, bun~ga nang cahoy, gatas, ó isda ó nang man~ga malalamig, ó man~ga mainit na totoo para nang luya, bauang at pimienta, ó m~ga ma-aasim, ang pagsasaquit nang pag-gaua at ang pagcapuyat. Caya cailan~gan ang houag iuala n~g man~ga mangagamot sa canilang loob ang bilin co nang una, sa macatouid; na ang pag-urong nang panahon cun minsa,i, hindi saquit, cundi dala nang ibang saquit, na yaon ang cailan~gang alisin muna. Cun baga mauala man yaong saquit, at malacas lacas man ang may catauan, ay hindi pa dungmarating na cusa sa caniya ang ugaling pagdaan nang sa panahon, ay gamutin, nang panaugan siya, ayon sa turo sa capítulong ito.

475. Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin n~g _alac._ Cun umaga bago cumain ang maysaquit ay pinaiinom siya nang bilin sa número 24, na yaon ang totoong buti doon, na cailan~gang gauin touing icalaua ó icatlong arao. Cun minsan naman bago tumahan ang pagdaan nang sa panahon sa babaying matanda na, ay pinananaugan siya muna nang maraming dugo; at cun gayo,i, houag sangrahan. Datapoua cailan~gan ang husay na pagcain pati nang pag-inom, at bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 24, at maminsan minsang pupurgahin nang bilin sa número 23. Masama roon ang man~ga masaclap, at ang guinagamot nang gayon, ay sinisibulan cun minsan nang _cancro_ sa _bahay tauo._ Maraming babaying matanda ang namamatay cun bagong tungmatahan ang pagdaan nang panahon sa canila; datapoua mayroong ibang gungmagaling sa rati ang canilang catauan, nauauala ang ibang man~ga saquit, at cun minsan ang dating nananalamin, sapagca malabo ang mata, ay nacaquiquita nang magaling, at iniiuan ang salamin.

_Nota._ Ang man~ga painom nang man~ga gamot na hindi maalam doon sa babaying inurun~gan nang sa panahon, sa halimbaua ang alac na matapang, ang _suma_ at ang iba pang gayon ay totoong sama.

=CAPÍTULO 77.=

_Ang gamot sa babaying pinananaugan, ó_ _linalabasan nang maraming dugo, na ang_ _tauag nang castila doo,i,_ flujo de sangre.

476. Ang gagauin sa babaying linalabasan ó pinananaugan nang maraming dugo ay gayon. Cun baga dating saquit niya yaon at malimit siyang daanan noong hirap na yaon, ang unang cailan~gan doon, ay ang husayin ang pagcain at ang pag-inom. Saca bibig-yan ang maysaquit nang bilin sa número 24 at nang sa número 32.

477. Datapoua cun hindi dating saquit niya yaon, cundi dinaraanan cun minsan lamang nang siya,i, pinanaugan nang maraming dugo, ay gagamutin para nang pag-gamot sa babaying buntis na talagang ma-cucunan, na yao,i, aquing ituturo sa párrafo 479.

=CAPÍTULO 78.=

_Ang gagauin sa babaying buntis na nagcacasaquit saquit, at sa tila macucunan._

478. Ang man~ga babaying buntis ay dinaraanan nang pagsaquit nang n~gipin at ulo, at cun minsa'i, dungmuroual, at ga ibig nilang sumuca cun umaga. Ang totoong gamot dito,i, ang pagsasangra.