Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit
Part 16
422. Ang man~ga babaying maramdamin ó mahina, ay malimit daanan nang pamamanghid nang paa, ó camay ó nang ibang casangcapan nang catauan, lalo pa cun sila,i, nahihiga. Ang magaling sa gayong saquit ay ang parapit número 36. Cun minsan mauauala rin ang saquit, pag bañusan arao-arao ang may catauan hangan tuhod sa malacucong tubig. Mayroon namang pamamanghid nang paa, na siyang cusang nauauala capag binigquisan yaong maysaquit na casangcapan. Cun baga yaong maysaquit na yao,i, dala nang man~ga maruruming nadoroon sa sicmura ó bituca, ay mabuti doon ang _quina_ (dita).
_Ang gamot sa biglang dinaraanan nang hindi macahin~ga, ó sa quinacapos nang paghin~ga, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay_ sofocación.
423. Tatlong dahilan ang pinagmumulan nitong saquit na ito. Ang isa,i, ang man~ga litid nang _baga_ cun ungmiinit ó cungmiquinal. Ang icalaua,i, cun mayroong maraming dugo, doon din sa _baga_ nang may catauan. Ang icatlo ay ang man~ga malagquit na tungmatahan sa _baga_ rin.
424. Cun ungmiinit, ó ga nan~gun~gurong ang man~ga litid nang _baga,_ na dahil doo,i, hindi macahin~ga ang may catauan, ay mauaualang cusa ang caniyang saquit di man siya gamutin, ó cun paamuyin nang mabaho, para nang sinunog na pacpac nang _manoc ó ingo._
425. Cun minsan dinaraanan ang maysaquit nang hindi macahin~ga dahil sa napacapuno nang dugo ang caniyang _baga,_ na caya na-aalaman yaon, ay sapagca ang pagdaan nang saquit ay capag siya,i, nahihirapan nang pag-gaua nang anoman, ó sapagca siya,i, mataba,t, malacas cumain, ó marami ang iniinom na _alac,_ at ang pulso doon sa oras nang saquit, ay matigas at malacas, at mapula ang muc-ha. Ang gagauin doon sa gayon, ay sasangragan sa camay; sumpitin n~g malimit at painuming parati nang bilin sa número 1; itong painom ay sasamahan nang _salitre,_ timbang saicapat sa tatlong tagayan. Magaling doon naman ang pagsipsip nang sin~gao nang _suca,_ para nang turo sa número 53.
426. Cun baga caya hindi macahin~ga ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na man~ga malalagquit doon sa caniyang _baga,_ na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain niya ay ang man~ga ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.
427. Touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami ang isang inom. Painumin din nang marami nang turo sa número 12. Parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Ang pagsasangra doon cun minsan ay cailan~gan, cun ang maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi macahin~ga, at cun ang pulso,i, malacas at puno. Magaling namang sumpitin. Cun baga yaong bilin sa número 8 ay uala, ang gagauin ay gayon: Bumayo ca nang isang _lasona_ ó dalaua caya sa isang babay-ang hindi tangso; pagcabayo na ay iyong bus-an nang mainit na _suca,_ bago salain, at pigain sa sinamay ó lienzo; pagca yari na yao,i, samahan mo nang isang gayon ding _pulot,_ at yaon ang ipainom sa maysaquit, ga isang cuchara carami touing calahating oras. Itong gamot ay totoong buti; at ang isa pa,i, ualang liuag gauin.
=CAPÍTULO 70.=
_Ang saquit na_ frenesí, _na yao,i, saquit nang_ utac _nang ulo nang tauo, na dahil doon ay nasisira ang bait ang maysaquit, na tila bungmabagsic._
428. Itong saquit na ito, ay ang pagiinit ó ang pamamaga nang _utac_ nang ulo nang tauo, at marahil nacacasama nang man~ga _lagnat na manin~gas ó buloc ó sucab;_ datapoua cun minsan ang _frenesí_ ay ualang casamang saquit na iba. Ang dinaraanan nang frenesí ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagtin~gin, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas, mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.
429. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang _alac,_ ó cun macacain siya nang man~ga mainit, para nang _luya,_ pimienta, ó dahil sa siya,i, inuurun~gan nang panahon, cun baga babayi, ó cun man~ganac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa m~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit siyang gumaua, ó nag-isip nang man~ga maliuag; ó sapagca namamanglao, ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.
430. Ang gamót sa _frenesí_ ay gayon: Ang maysaquit ay houag lilibutin n~g maraming tauo. Ang ipaiinom sa caniya ay ang bilin sa número 1, ó sa número 10, ó sa número 17. Bucod dito,i, cailan~gang sangrahan sa camay, at cunan nang maraming dugo, cun malacas ang may catauan; n~guni cun mahina na siya, ang totoong buti doo,i, ang pacaptan sa linta ang m~ga quibotquibotan; ang isa pang nacacaginhauang agad sa maysaquit, ay ang pagbabalin~goyn~goy; caya cailan~gang sootan ang ilong n~g maysaquit, nang ilang buhoc nang cabayo at guilaogauin, hangan tumulo ang dugo; magaling namang pacapitan sa linta doon sa pouitan. Bucod dito,i, susumpitin, at ang paa,i, babañusan sa malacucong tubig at tatapalang parati (ang m~ga paa rin) nang _tinapay_ nadurog na binasa nang _gatas._ Ang ulo ay cailan~gan namang ahitin. Cun ang maysaquit ay inuurun~gan nang bouan, ó hindi siya dinaraanan nang ugaling dungmaraan sa m~ga nan~gan~ganac na babayi, ó biglang naual-an ang maysaquit nang _galis_ ó _buni_ ó hindi sungmasago ang _fuente_ (cun baga may _fuente_), at dahil sa m~ga ganito,i, nagcasaquit nang _frenesi_ ang may catauan, ay cailan~gang basahin nang mangagamot dito sa librong ito ang cabagayang gagauin doon sa gayong m~ga saquit, at siya ang susundin agad. Cun ang saquit hindi nauauala, at hindi rin namamatay ang may catauan, caalamalam boong buhay sira ang caniyang ulo.
=CAPÍTULO 71.=
_Ang gamot sa nacalon-oc nang lason._
431. Cun mayroon tauong nacacain n~g anomang bagay na lason, para nang _talamponay_ ó _cabuti,_ ó bun~ga nang _tuba, camaisa_ ó _pepita_ ni san Ignacio, ó iba cayang damong masama, ang gagauin doo,i, gayon. Ang maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong _tubig_ na sinamahan nang caunting _asin_ ó _azucar_, at pagcaraca,i, pasucahin nang maraming tubig at lan~gis, ó nang bilin sa numero 34 ó 35. Pag nacasuca na ang may catauan, saca painomin pa nang maraming tubig na linahucan nang _pulot_ ó _azucar;_ itong tubig na ito,i, lalag-yan din nang maraming suca; bucod dito,i, susumpiting parati ang maysaquit nang gatas na may casamang lan~gis. Cun minsan ang maysaquit ay nahihilim na parati, na dahil doo,i, cailan~gang parapitan sa paa at camay nang bilin sa numero 36, lalo pa cun ang caniyang linon-oc ay ang _opio_ ó ang _talampunay_ na yao,i, catulad nang _opio;_ cun gayon ay cailan~gan namang sangrahan agad ang maysaquit, at gauin doon ang man~ga turo sa párrafo 101, gaya nang sa nagcacasaquit nang _apoplegía._ Cun baga caya nagcacasaquit ang tauo,i, dahilan sa siya,i, pinurga ó pinasuca nang purgang matapang ó pasuca ay gagamutin para nang turo sa párrafo 445.
=CAPÍTULO 72.=
_Ang saquit na_ pasmo _na yao,i, catulad nang_ perlesía.
432. Pinan~gan~ganlang _pasmo_ ó _perlesía_ yaong saquit na yaon, na marahil dumaan sa nagtatahan dito sa Filipinas. Yaong saquit capag tumama sa _puso_, ó sa _baga_ ay mamamatay ang may catauan; cun sa sicmura, sa man~ga _bituca_ ó sa pantog nang ihi, ay mapan~ganib din ang buhay nang tauo; at cun ang muc-ha ang napasma, ay masama ring saquit, sapagca yaong gayo,i, sa man~ga utac nang ulo nangagaling, at cun ang muc-ha,i, lungmalamig at cungmucupis, ó cun ang maysaquit ay nacacalimot-limot na, ay maliuag mauala yaong saquit. Itong saquit na ito cun minsan sungmusunod naman sa tama nang han~gin _ó mal de viento_.
433. Yaong casangcapan nang catauan na tinatamaan nang _perlesia_ ó _pasmo_ ay hindi nacararamdam at cun minsan hindi maiquibo. Ang pinagmumul-an nitong saquit, ay iba,t, ibang dahilan. Ang pag-inom nang maraming _alac_ hangan nalalasing ang may catauan, ang man~ga sugat sa ulo at sa loob nang gulugod, ang han~ging malamig cun ungmuulan, ang pagliban nang ugaling pag-ihi ó pananabi; ang pagtahang parati na ualang gaua, ang pag-inom nang malimit nang _cha, ó cafe etc.,_ ang man~ga sugat sa litid, ang sin~gao na masama na nangagaling sa lupa, at ang iba pa.
434. Cun baga batang tauo ang nagcacasaquit noong saquit na _pasmo_, at ang catauan noon ay magaling, at siya,i, mataba, gamutin para nang dinaraanan nang _apoplegíang dala nang cainitan nang dugo_, parrafo 101; sa macatouid, sasangrahan, susumpitin, at pupurgahin para nang turo doon.
435. Datapoua ang man~ga mahihinang tauo, ó ang man~ga matatanda na, cun dinaraanan nitong saquit na _pasmo,_ ay houag gamutin nang gayon, cundi para nang isusunod co dito. Cuscusin, ó hilutin nang camay ang casangcapang masaquit nang catauan. Ang parapit número 36, ay maigui rin. Datapoua cun hindi pungmapayag ang may catauan doon, ó cun ang saquit ay nadoroon sa muc-ha, ay hilutin arao-arao yaong masaquit nang _alac_ na pinag-tunauan nang caunting _ingo_, ayon sa turo nang P. Clain, at sumpitin tuloy ang maysaquit. Ang pag-inom nang tubig na linag-yan nang polvos nang ugat nang _Malungay_, ay mabuti sa saquit na yaon. Ang ugat ay pinatutuyo muna sa arao ó sa apoy man, bago bayuhin. Ang pasuca número 35 (ani Buchan) ay totoong buti cun nacacayanan nang catauan nang maysaquit at cun ang canyang _pasmo_, ay para nang sinabi co dito rin sa párrafong ito. Cun hindi pumayag ang maysaquit doon sa pasuca nang número 35 ay na-aari ang pasuca nang malacucong tubig na sinamahan nang lan~gis, azúcar at suca. Maigui naman doon ang man~ga bagay na nagpapabahin para nang polvos nang _tabaco_, etc. Bucod dito ang maysaquit ay mag-iin~gat sa _ulan_ sa _hamog_, at sa calamigan nang _panahon._
_Nota._ Sa saquit na _pasmo_ ang totoong galing na gamot, ay ang talbos ó ang dahon isang _cahel_ na ilalaga sa tubig, at itong tubig na ito ay ipaiinom touing umaga sa maysaquit ayon sa turo sa párrafo 405. Magaling din ang pag-inom na maminsan-minsan nang calahating tazang tubig na hinulugan nang calahating cucharang buto nang mostaza.
=CAPÍTULO 73.=
_Ang saquit na_ ictericia _na iquinapaninilao nang mata nang tauo._
436. Itong saquit na ito,i, dala nang _apdo_, na hindi husay na para nang dati, ó cun sungmusucal ang man~ga dinaraanan noon. Sa saquit na _ictericia_ ang puti nang mata at ang boong catauan cun minsan ay dungmidilao, pati nang ihi madilao rin, at nacacamancha sa man~ga damit na maputi. Ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain at mapait ang caniyang bibig. Ang iniilaguin niya ay maputi ó maitim, at cun minsa,i, sungmusuca siya naman nang madilao. Ang man~ga _sangol_ capag hindi iniilaguin nila yaong unang duming ugaling ilaguin nang man~ga batang bagong pan~ganac, ay marahil magcasaquit nitong ganitong saquit. Ang man~ga babaying buntis ay gayon din. Ang man~ga dalaga,i, dinaraanan naman noon ding saquit na yao; pati ang quinagat nang ahas ó asong ol-ol.
437. Cun ang saquit nang _ictericia_ ay sungmusunod sa pagsintac sa _atay, ó_ sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa _cólico bilioso_ párrafo 364, ang maysaquit ay _ilagay sa husay_ nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número 5. Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2; at touing icatlong arao pupurgahin nang bilin sa número 47. Datapoua cun yaong saquit ay sungmusunod sa lagnat na _pan~giqui,_ ó sa ibang saquit na malaqui, ang may cataua,i, pupurgahin nang malimit nang bilin sa número 47, at paiinumin nang sa número 3. Cun babayi ang nagcacasaquit nang-saquit na _ictericia_ ó _opilación_ dahilan sa hindi husay ang pagpanaog nang sa _bouan,_ at hindi siya buntis, ay basahin mo ang capítulo 76, at sundin ang man~ga turo doon.
438. Cun minsan iba ang punong pinagmumul-an nang _ictericia;_ sa macatouid cun sungmusucal ang man~ga dinaraanan nang _apdo_ nang tauo. Cun gayo,i, ang atay tungmitigas, ó tila may sungmasaquit doon, lalo pa cun bagong nacacain, ó cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang anomang mabig-at na gaua; ang isa pa roon ay hindi maihiga niya ang canang taguiliran; nananab-ang siya nang pagcain, at mapait ang bibig. Cun gayon ang _icterecia_, ay maliuag mauala. N~guni ang gagauin sa ganoong maysaquit, ay gayon: Sasangrahang minsan ang maysaquit, ó macalaua, cun siya,i, mataba,t, marugo. Paiinumin siya namang parati nang suero número 17, Palolonoquin nang _píldoras_ número 18, at paiinumin naman nang sa número 24. Bucod dito,i, pupurgahin siya nang turo sa número 47. Maigui rin doon ang bilin sa número 71.
=CAPÍTULO 74.=
_Ang gagauin sa tauong sinusubaan na ang pan~galan nang castila sa gayong saquit ay_ desmayo.
439. Ang man~ga tauong sinusubaan, ó _nadedesmayo_, ay iba,t, iba ang inaasal nila. Mayroong nacacaalam tauo, hindi lamang macapag-uica, na yao,i, marahil dumaan sa man~ga babayi. Ang pulso doon ay hindi lubhang nag-iiba; ang pan~galan nang castila doo,i, _deliquio._ Cun ang may catauan hindi nacacaramdam at hindi rin nacacaalam tauo, at totoong hina nang pulso, ang tauag nang castila doo,i, _síncope,_ na yaon ang icalauang pinaca grado nang _desmayo._ Datapoua cun ang maysaquit ay tila bangcay, na malamig ang caniyang catauan, at hindi nararamdaman ang pulso pati nang hinin~ga, ang pan~galan doon nang castila ay _asfxia,_ na yao,i, ang icatlong grado nang _desmayo._ Ang tauag nang tagalog dito cun minsan ay _panhihimatay._ Ang man~ga punong pinagmumul-an nang man~ga _desmayo_ ay anim. Ang isa,i, ang dugong marami. Ang icalaua,i, ang cahinaan nang may catauan, na siya ang ugaling dahilan. Ang icatlo,i, ang sicmura cun marumi. Ang icapat ang man~ga litid. Ang icalima ang galit, ó tacot, ó ang pamamanglao na malaqui. Ang icanim, ay ang ibang man~ga saquit, na cun minsan ay magcasama nang desmayo.
_Ang gagauin sa sinusubaan, ó nadedesmayo dahil sa siya,i, marugo._
440. Caya nahahalata, na ang maraming dugo ang nagdadala nang desmayo, sapagca ang may cataua,i, malacas at mataba. Ang pagtama nang saquit ay pagca siya,i, nacacain nang man~ga maiinit, ó nacainom nang _alac, aguardiente, café,_ ó mainit na _chá;_ ó sapagca siya,i, inarauan, ó napatahan sa mainit na lugar, ó cun siya,i, nagsaquit gumaua ó nag-iisip nang maliuag, at bucod doon, ay namumula ó namamantal ang caniyang muc-ha. Ito ring man~ga dahilan ay pinagmumul-an naman nang _pagquinal_ nang catauan nang tauo, na cun minsan sungmusunod ó cun minsan sinusundan nang suba ó desmayo.
441. Ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang _suca,_ na ang calahating bahagui ay _tubig_ na malacuco, na ipa-aamoy sa maysaquit; ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang-galan~gan nang camay niya, ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang dalaua, ó tatlong lag-oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa calahati. Cun hindi nasasaol-an pa ang maysaquit, nang macalalo ang saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. Pagca sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao,_ na sinasamahan nang caunting _azúcar_ at _suca_.
_Nota._ Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, marugo, ganito rin ang pag-gamot doon.
_Nota._ Ang bagay sa tauong marahil madesmayo dahil sa siya,i, marugo nang houag umoli ang saquit, ay ang pag-inom cun umaga,t, cun hapon nang bilin sa número 20, pati nang sa número 1; ang pagcain nang canin, gulay at tubig lamang; at maminsan minsan ang baños hangan tuhod sa tubig na malacuco; bucod dito,i, magaling ang siya,i, lumacad na parati at houag habaan ang tulog. Ito,i, gagauin niya capag nararamdamang dungmarami uli ang caniyang dugo.
_Ang gagauin sa tauong sinusubaan, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sa cahinaan nang catauan, para nang man~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa nahanaan nang gutom, ó nang pagbabalin~goyn~goy, ó pag-iilaguin nang malacas, ó dahil sa pinurga ó pinasuca nang matapang na pamurga ó pasuca, ó dahilan sa man~ga maruming nadoroon sa sicmura._
442. Ang saquit na suba dahil sa cahinaan nang catauan nang tauo, ay hung mahalili, ó sungmasabay cun minsan sa pag-iilaguin nang malacas, sa pagbabalin~goyn~goy, ó sa pagpauis, sa malimit na pag-gaua nang mahalay, sa pagcapuyat, ó sa malauong pananab-ang nang pagcain; sapagca ang man~ga ganito,i, paraparang totoong nacacahina sa catauan.
443. Ang gagauin sa _nadedesmayo_ ó nahanaan dahil sa siya,i, linabasan nang maraming dugo sa ilong, ay aquing sinabi na sa capítulo 42; siya ang sundin. Datapoua cun ang dahilan nang saquit na _suba_ ay ang ibang man~ga sinaysay co sa párrafong sinundan nito, ay ganoon ang paraan nang pag-gamot. Ang maysaquit ay quinucumutan; quinucuscos nang mainit na damit ang boong catauan niya, at cun mayroong tali sa catauan ay quinacalag; pina-aamoy nang _ruda, sambong romero, ó yerba buena;_ pinalolon-oc nang ilang capatac nang _aguardiente,_ ó _alac_ na linahucan nang caunting _tubig_. Ang _alac_ sa misa na sinamahan nang _azúcar_ at _canela,_ cun paculuin sa apoy, at saca ipainom sa maysaquit, ay totoong galing na cordial doon; lalag-yan naman sa sicmura nang isang damit na babad sa _alac_ sa misa na pinaglagaan nang _romero,_ ó sambong, ó sa ibang damong maban~go. Pagca ang maysaquit ay nacacalon-oc na, ay big-yan nang sabao na hinulugan nang isang pula nang itlog, ó pacanin caya nang isang _sopas_ na tinapay, ó broas na babad sa _alac_ na binudburan din nang caunting _azúcar_ at _canela_.
444. Ang sinusubaan dahil sa siya,i, nasangrahan, ay hindi cailan~gang gamutin, at mauauala pagcaraca yaon, capag siya,i, humiga, ó cun paamuyin nan _suca_, at painumin nang caunting suca rin, na may calahoc na tubig.
445. Cun baga caya sinusubaan ang tauo,i, sapagca siya,i, pinurga, ó pinasuca nang totoong tapang na pamurga, ó pasuca, ay paiinumin siya nang lan~gis sa castila, ó big-yan nang azúcar; maigui rin, ang gatas ó ang tubig na pinaglagaan nang palay, para nang guinaua sa nacalon-oc nang lason, capítulo 71. Bucod doo,i, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na sinamahan nang lan~gis at pula nang itlog nang manoc. Cun bago malubha, ó mahirap ang lagay nang maysaquit, ay mabuti sangrahan. Datapoua cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin, cundi sungmusuca lamang, ay lilimitan ang pagsumpit houag lamang lag-yan nang pula nang itlog. Magaling ding pambohan ang maysaquit sa malacucong tubig. Basahin mo ang párrafo 517.
446. Ang man~ga babayi marahil subaan ó madesmayo pagca sila,i, nacapan~ganac, at lalo pa cun binusan nang maraming dugo. Ang gagauin doon ay sundin ang aral sa capítulo 79, at sa capítulo 80, at cun gayon bihirang babayi ang magcacasaquit noong gayong saquit. Maigui ring paamuyin nang _suca._
447. Ang tauong sinusubaan dahilan sa man~ga maruruming nadoroon sa caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at painumin n~g tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla ó sambong ó bulaclac nang alagao. Pag nasaol-an ang maysaquit ay big-yan ilang arao cun umaga nang bilin sa número 38.
_Ang gagauin sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahilan sa mayroong saquit sa caniyang man~ga litid._
448. Ang saquit na suba dahilan sapagca mayroong saquit sa man~ga litid, ay siyang cusang nauauala, capag pinapaypayan ang may catauan at pina-aamoy nang m~ga mabaho. Mabuti ring atuhing basain n~g tubig na malamig na sinucaan ang noo, pati nang quibotquibotan nang maysaquit. Dito rin nauucol ang saquit na marahil dumaan sa man~ga babayi, na pinan~gan~ganlan namang _suba _na sinaysay co na sa párrafo 417.
449. Ang _nadedesmayo_ dahil sa mayroong saquit sa caniyang litid, ay cailan~gang lumacad na parati ó magpasial, lalo pa cun umaga. Ang purga, ang pagsasangra, ang mahabang tulog, at ang di pagpanaog sa bahay ay pauang masama sa caniya.
_Nota._ Cun babayi, ang sinusubaan dahil sa mayroon siyang saquit sa caniyang man~ga litid ay gagamutin para nang turo doon sa párrafo 419 at sa 420.
_Ang gamot sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahil sa siya,i, natacot, ó namanglao, ó nagalit._
450. Ang nagcacasaquit dahil sa siya,i, natacot, ay gagamutin para nang turo co sa capítulo 68.
451. Ang tauong sinumpong n~g galit, ó nang pamamanglao, at nadesmayo dahilan doon, ay paamoyin siya nang _suca,_ at paiinumin n~g malimit nang _tubig_ na malacuco, na pinaglagaan n~g balat nang _dalandan ó dayap._ Pag nasaol-an ang maysaquit ay painumin nang _limonada_ número 33, at sumpitin nang bilin sa número 5. Cun ang maysaquit ay dungmoroual na parati, at mapait ang bibig niya, at yaong man~ga bagay na yaon ay hindi iuala nang limonada,t, nang pagsumpit, ay big-yan nang sa número 23 ó nang sa 24. Masama roon ang pasuca.
_Nota._ Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, natacot, ay gagamutin ayon sa turo sa párrafo 419 at sa 420, ó para nang turo sa párrafo 401.
_Ang gagauin sa lalaqui ó na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing saquit, at tuloy sinusubaan ó nadedesmayo._
452. Ang _desmayo_ cun sungmasama sa ibang man~ga saquit, ay masama. Ang nagcacasaquit nang lagnat na _buloc,_ caya siya _nadedesmayo ó_ sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,i, nacapag-ilaguin ó nacasuca, ay nauauala ang _desmayo._ Ang nagcacasaquit nang lagnat na sucab cun baga dinaraanan nang desmayo ay masama rin. Ang bagay doon sa oras na yaon ay ang suca na ipalolon-oc sa maysaquit, at cun masaol-an ay mabuti painomin nang maraming limonada, número 33.
453. Ang man~ga desmayong sungmusunod sa pag-iilaguin, ó sa pagsuca nang marami, ó sa paglabas n~g maraming dugo ay isa rin nang desmayong dala nang cahinaan nang catauan, na sinaysay co na sa párrafo 442; at sa apat na magcasumonod doon.
454. Ang mayroong sibol sa loob nang catauan ay malimit subaan. Ang suca,i, maigui roon; datapoua marahil mamatay sa oras na yaon.
455. Ang tauong sinusubaan pagca nacaraan ó ungmunti ang lagnat, ay magaling painumin nang isang cucharang alac sa castila na linahocan nang isang gayong tubig. Ang matandang tauo na dinaraanan nang desmayo na hindi naalaman ang dahilan, ay masama, at caalamalam mamamatay.
_Nota._ Bucod dito sa man~ga saquit na suba ó desmayong sinaysay co sa loob nitong boong capítulong ito,i, mayroong isa pang bagay na pinan~gan~ganlan ding _suba_ nang tagalog (sa uicang castila,i, epilepsia); ang gamot doon iyong hanapin sa párrafo 409 at sa man~ga sungmosunod doon.
=CAPÍTULO 75.=
_Ang man~ga gagauin sa maysaquit na ualang pulso, at hindi rin hungmihin~ga, na cun tingnan, anaqui bangcay._
456. Mayroong tauo cun minsan, na cun tingnan ay tila patay, sapagca ang pulso at ang hinin~ga ay nauauala, at hindi rin nacacaramdam. Caya cun mapalibing cun minsa,i, buhay. Ang namamatay nang biglang pagcamatay, na hindi na-aalaman ang dahilan, ang nalunod sa tubig, ang natamaan nang culog, ang babaying sinusubaan, pati nang namamatay nang biglang pagcamatay nang macapan~ganac siya, ang nagbicti ó ang binitay, at ang iba pang sasabihin co sa man~ga párrafong isusunod dito, ay hindi sucat ilibing hangan di maramdamang mabaho baho na ang catauan. Yaong man~ga caauaauang tauong gayon, cun minsan ay nasasaol-an nang buhay, (cun baga hindi totoong patay) capag masipag at hindi pabaya ang caniyang man~ga casama sa bahay. Ang man~ga guinagaua sa man~ga gayon ay ualang liuag. Itutuloy lamang nang malauong panahon (ga apat, lima, ó anim na oras calauon); at cun hindi rin nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay pabayaan na. Alin mang tauo, babayi man, cun marunong dunong magpaanyo ay macacagamot doon sa tila patay. Ang man~ga gagauin doon ay ituturo co sa man~ga isusunod ditong párrafo.
_Ang gagauin sa nalunod sa tubig, na tila bangcay cun tingnan._