Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 14

Chapter 14 3,816 words Public domain Markdown

366. Cun napacarami ang quinain nang tauo bata ma,t, matanda man, ay sungmasama ang pagcaramdam, at sungmasaquit ang caniyang sicmura ó tiyan. Gayon din ang cungmacain arao-arao nang hindi macayanan nang sicmura niya, cun malauon ay nagcacasaquit naman nito ring ganitong saquit na _ahito._ Sapagca yaong man~ga cacaonti na hindi natutunao sa sicmura touing arao, ay naiipon nang naiipon doon,na yao,i, ang iquinapagcacasaquit nang may catauan sa calaunan. Nacacapagcasaquit naman sa tauo ang pagcaing minsanan nang man~ga sarisaring bagay na hindi magcaayon para nang _chocolate_ at saguing, etc. Dito sa ganitong saquit ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi naiinitan, at hindi nauuhao; ang saquit nang sicmura ó tiyan, ay gungmagala; datapoua nalilio ang maysaquit, naiibig niyang sumuca, at cun minsan ay namumutla ang muc-ha.

367. Itong ganitong _cólico_ ay hindi maliuag gamutin; painumin lamang ang maysaquit nang maraming totoong malacucong tubig na malalahocan, cun ibig, nang _azucar ó asin._ Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao._ Datapoua cailan~gan painumin ang maysaquit nang marami, sapagca cun caunti ang inumin ay nalalauon ang pag-galing. Ang pagsuca at ang pag-iilaguing yao,i, ang nacagagaling sa maysaquit; at cun hindi manabi, ay cailan~gang sumpitin nang tubig na may _asin;_ maigui ring cuscusin ang tiyan nang basahang tuyo, na idinadarang sa apoy. Cun minsan magaling na ang maysaquit; datapoua masama ang lasa nang bibig. Cun gayon, ay painuming maminsan minsan nang bilin sa número 24; maigui rin ang pag-inom nang maraming malamig na tubig; at ang cailan~gang totoo naman, ay ang houag cumain ang maysaquit han~gang di gumaling. Masama sa ganoong saquit ang _triaca,_ ang tubig nang _anis,_ ang _enebro, ó_ ang _alac_.

368. Cun minsan ay hindi sungmasaquit ang sicmura ó ang tiyan, cundi nalilio lamang ang may catauan; pinapauisan nang malamig, dungmuroual na parati at hindi lumalagay sa quinahihig-an. Cun minsan nama,i, biglang nalilio ang maysaquit, at hindi nacacaalam tauo; nagsisin-oc siya; ang caniyang muc-ha,i, nag-iiba; ang pulso ay munti; ang sicmura ay nauunat. Datapoua ang maysaquit ay nacacahin~ga. Dahil dito sa man~ga tandang ito,i, na-aalaman, na hindi _apoplegía ó_ panhihimatay ang caniyang saquit, at lalo pa cun siya,i, dinaraanan noong m~ga gayon damdam pag bagong nacacain. Cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay namamatay sa loob nang ilang oras. Ang gamot doo,i, sumpitin nang tubig na dinoonan nang _asin at sabón,_ palon ocquin nang maraming tubig na _maalat;_ at cun hindi gungmagaling pa, ang polvos na bilin sa número 34 at tutunauin sa tatlong tazang tubig, ay pagcaraca ipaiinom doon ang isang taza; at cun hindi sumuca ang maysaquit sa loob n~g sa icapat na bahagui nang isang oras, ay ipaubos sa caniya ang isa pang taza, at cun hindi rin sumuca, ibigay doon ang icatlong taza. Cun ang maysaquit ay sungmuca na, ay yaon ang pag-galing niya.

_Ang gamot sa icapat na bagay na saquit nang sicmura ó tiyan na dala nang han~ging nacuculong doon, na yaon ang pinan~gan~ganlan nang castilang_ cólico flatulento.

369. Itong ganitong _cólico_ ay hindi nag-iisa cun minsan, cundi napapasama doon sa ibang bagay na _cólico,_ na aquing sinaysay na sa párrafong natalicdan. Dito sa saquit na ito ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi nauuhao; ang tiyan ay lungmalaqui, datapoua,i, hindi tungmitigas; cun idiniriin ang tiyan, ó hinihilot, ay gungmagala sa loob ang han~gin, at lungmalabas sa bibig ó sa ilalim. Itong saquit ay dala nang pagcain nang man~ga bun~ga ó man~ga gulay na mahan~gin, para nang _saguing,_ patani etc.

370. Cun itong saquit ay casama nang ibang _cólico,_ ay ualang sadyang pag-gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala pati itong isa. Datapoua cun ualang ibang casamang _cólico,_ ang gamot doo,i, ganoon. Ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla. Cun hindi na masaquit ang tiyan, at ualang lagnat ang may catauan ay mapapaiinom nang caunting _alac_ na pinaglagaan nang caunting canela.

_Ang gamot sa icalimang bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na marahil dumaan sa man~ga tauong nalamigan, na yao,i, cólico rin._

371. Cun ang tauo ay nalamigan, at pag nacaraan ang ilang oras; ay dinaraanan nang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, lalo pa cun ang paa,i, siya ang tinablan nang lamig. Itong saquit ay marahil dumaan sa tagalog pag siya,i, nainitan ó napagod, at saca nabasa ang caniyang paa. Sa gayong saquit ay masama ang alac, at ang man~ga purga, ó yaong man~ga maiinit na gamot. Ang magaling doo,i, cuscusin ang man~ga paa nang mainit na damit na idinadarang sa apoy. Saca maiguing ibabad nang malauon ang man~ga paa sa malacucong tubig na pinaglagaan nang _manzanilla,_ ó bulaclac nang _alagao._ Lalo pang madaling gagaling ang maysaquit cun siya,i, humiga,t, gumaua nang capaanyo ang mangyaring mapauisan ang caniyang paa. Cun malaquing totoo ang caniyang saquit, ang pagsumpit ay bagay sa caniya. Cun hindi rin nauauala yaong pagsaquit na malaqui, at bucod dito,i, magaling ang catauan nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan. Ang man~ga paa niya itatapat na malauon sa sin~gao nang tubig na mainit bago ibabad sa malacucong tubig; at cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang maysaquit sa man~ga binti.

=CAPÍTULO 61.=

_Ang saquit na pinan~gan~ganlang_ miserere, ó pasión iliaca, _na yao,i, pagsasara nang man~ga bituca, na dahil doon, ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat._

372. Ang bituca nang tauo ay ga cung-miquiyao na parati, na ang camuc-ha ay ood ó ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit. Datapoua cun nagcasala ó nagulo itong pagquiyao nang bituca, ay hindi na mangyaring mapatun~go sa pouit ang man~ga quinacain, cundi sa bibig napaparoon. Yaong saquit ay totoong samang saquit, na ang tunay, na pan~galan doo,i, _miserere ó pasión iliaca._ Yao,i, dungmaraan cun minsan sa lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ó ang man~ga dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo. Ang may cataua,i, hindi mapalagay; cun minsan mayroong nahihipong matigas na mahaba doon sa tiyan; ang maysaquit ay dungmuroual muna; hung mahalili doon ang pagsuca; cun malauon ay ang lahat isinusuca niya, hindi lamang ang quinacain cundi pati nang iniinom, at bucod doon ay mayroong lungmalabas sa bibig na mabaho pa sa dumi. Ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman. Ang man~ga paa,t, camay ay lungmalamig; nauauala ang pulso, pati nang saquit nang tiyan; sampon nang pagsuca, at totoong daling namamatay ang maysaquit.

373. Sapagca malaqui ang pan~ganib nang buhay nang tauo sa saquit na ito, ay cailan~gang gamutin pagcaraca, capag naquilalang magaling ang saquit; at cun hindi gamuting agad ay mamamatay na ualang sala. Ang pag-gamot n~ga dito ay para nang sa _cólico inflamatorio_, párrafo 362. Caya cun bagong-bago ang saquit, at malacas pa ang may catauan; ay sasangrahang agad, at cucunan nang maraming dugo. Susumpiting parati nang tubig na pinaglagaan nang _cebada_ ó palay, na dinoroonan nang isa ó dalauang tazang _lan~gis_ nang _niyog ó lana_ man. Touing icalauang oras, ay painumin nang bilin sa número 48; painumin namang parati nang turo sa número 49, ó cun uala yaon ay na-aari ang tubig na pinaglagaan nang _cebada (palay) ó_ ang _suero_ na linahucan nang pulot. Ang maysaquit ay paliliguan sa malacucong tubig na maquiilan maghapon. Cun hindi rin gungmagaling ang maysaquit ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457. Ang isang maysaquit, ani Tissot, ay guinamot co n~g gayon: sinangrahan co muna (aniya) at pinainom co nang purga; saca ibinabad cong tuloy sa malacucong tubig, at gungmaling. Ang isip nang man~ga tauong hindi maalam; na sa saquit na ito ang bituca nang may cataua,i, nagugulo, at nagcacabuhol; datapoua hindi totoo yaon. Sapagca ang isang dulo nang bituca ay carugtong nang sicmura, at yaong isang dulo ay ang pouit na cungmacapit sa man~ga pig-yi, na dahil doo,i, hindi mangyaring magcabuhol.

=CAPÍTULO 62.=

_Ang gamot sa_ inaanayo, _na iyo,i, pagsuca,t, pag-iilaguin nang malacas na tinuturan nang catilang_ cólera morbo.

374. Ang pan~galan nang ibang man~ga tauo sa saquit na ito,i, _miserere,_ n~guni hindi ito ang _miserere,_ cundi yaong isang saquit na sinaysay co sa capítulo 61, na sinundan nito. Ang inaanayo, ay nagsusuca,t, nag-iilaguin nang malacas. Ang maysaquit ay natatamlay muna; sungmasaquit nang caunti ang caniyang tiyan; sungmusunod dito ang pagsuca, at ang pag-iilaguin. Ang color nang lungmalabas, ay _dilao ó verde, ó maputi_ caya, ó _maitim_ cun minsan; saca sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang nalalagnat; cun malauo,i, mahina. Mayroong maysaquit na sa loob nang sang oras ay maquisandaang mag-ilaguin; ang muc-ha ay madaling nag-iiba cun malaqui ang saquit. Gayon din cun mapacarami ang pag-iilaguin, ay tila namamanhid, ó nan~gan~gauit ó naninigas ang man~ga paa,t, camay nang maysaquit, na yao,i, isa pang nacacahirap sa caniya. Cun ang saquit hindi natatalo nang gamot, ay sungmusunod doon pagcaraca ang pagsisin-oc, ang pagquinal (convulsión) at ang paglamig nang man~ga paa,t, camay, ang maysaquit ay nalilio, sinusubaan, at napapatid tuloy ang hinin~ga. Itong saquit ay marahil dumaan pag nacalampas ang tag-arao, sapagca ung-miinit at lungmalapot ang _apdo_ nang tauo sa panahong yaon; at lalo pa cun ang may cataua,i, hindi cungmacain nang man~ga bun~gang hinog nang cahoy, na yaon ang totoong nacacahusay sa _apdo._ Datapoua,t, halos pinapansin itong saquit na ito, liban lamang cun pinararaan nang Pan~ginoong Dios, na guinagaua niyang hampas sa man~ga bayan dahilan sa man~ga casalanan, na cun magcagayo,i, pinan~gan~ganlang _salot._

375. Itong saquit ay mahirap mang gamutin, n~guni,t, hindi para nang ibang man~ga saquit na sinaysay na sa man~ga capítulong natalicdan. Ang caramihan nang man~ga namamatay sa saquit ay hindi dahil sa cabigatan nang saquit, cundi sa capabayaan at caculan~gan nang pag-gamot nang paaniyo. Ang cauna-unahang dapat pagpilitan nang sino man ang houag magpabaya, lalo pa cun panahong casalucuyang dumaraan ang _salot;_ capag naramdaman, na masaquit-saquit ang tiyan at cungmuculog ang man~ga bituca; cun mabigat ang dinaramdam sa sicmura, lalo na cun ga ibig: dumual ó nag-iilaguin caya; pagcaramdam nito,i, dapat na siyang mag-in~gat sa man~ga pagcain at pag-inom, na houag bagang cumain nang cun ano-ano cundi sabao lamang, at ang chá na mainit, na cun mapatacan nang sampuong patac na _gotas amargas,_ ó mahaluan nang isang cucharang _coñac, ajenjo aguardiente ó anisado,_ ay lalo pang mabuti. Bucod dito,i, cun nararamdamang masama ang catauan ay magculong agad, cumutang mabuti,t, culubin ang maysaquit at nang pauisan sana nang mainit na pauis; at ito,i, itutuloy na gagauin hangan di gumaa,t, guminhaua ang catauan. Cun itong man~ga biling ito,i, sunding pagpilitan ay marahil hindi tutuloy ang pagcacasaquit na totoo; at cun tutuloy ma,i, hindi lulubha,t, hindi ica-aano nang maysaquit. Bihirang-bihira ang dinadatnang bigla nang calubhaan nang saquit na ito; cun caya binibigla cun minsan nang calubhaan, sa pagca pinabayaan di pansin ang man~ga unang sumpong nang saquit.

Datapoua,t, cun dahil sa capabayaan cun sa cabiglaan caya, ay sumama ang saquit, na ang maysaquit ay nagsusuca,t, nag-iilaguin, at marahil pinupulicat at nanglalamig na totoo, na pati nang pauis ay malamig, ang gagauin ay gayon: yaong am nang linugao ga calahating vaso carami ay siyang isusumpit agad sa maysaquit, at cun may _láudano,_ ang ualo cun sampuong patac noon ay ihahalo sa isusumpit; cun ang unang sumpit ay hindi napiguil sa loob, dalauang oras man lamang, ay uulitin nang uuliting isusumpit yaon ding am hangan sa mapiguil na malauon ang isang isinumpit, at tumiguil ang pag-iilaguin. Sabay naman nang pagsumpit ay painumin ang maysaquit nang isang taza ó isang mangcoc na chá na mainit, na napatacan din nang anim cun ualong patac na _láudano;_ at cun ualang láundano,i, haloan ang chá nang isang cucharang _aguardiente, anisado, coñac,_ ó ano mang alac na matapang. Cun nagaua na itong lahat at hindi dumalang man, pagsuca,t, pag-iiliguin, at cun dumalang man, ay sa isang tazang chá, lusauin mo ang asin na isang cucharitang café ó calahating cucharang carami, at siya mong ipagcucharang unti-unti sa maysaquit hangan di tumahan lubos ang pag-iilaguin. Cun tumahan man ang pag-iilaguin, ay sungmusuca rin at dungmudual ang maysaquit, ay mabuting parapitan sa ibabao nang sicmura n~g sinapismong matapang. Ito na lamang ang man~ga gamot na gagamitin sa loob nang catauan nang dinatnan nang saquit nang _cólera_; na cun tauaguin nang iba,i, _arriba y abajo_.

Ang man~ga gamot naman sa labas, na di dapat lisanin cailan man, cahit tila namamatay na ang maysaquit, at malamig man totoo, at cahit uala nang pulso,i, hindi rin dapat lisanin, ay gayon: Cucumutang mabuti ang maysaquit, at sa catauan niyang palibot ay idadaiti ang maraming boteng may tubig na totoong mainit, at cun malamig-lamig na,i, hahalinhan naman nang bagong sinid-lan nang tubig na mainit; saca yaong iba noong man~ga bote ay siyang ihahagod na ididiin sa ibabao nang damit sa ibang man~ga lugar nang catauan, lalong-lalo na sa licod. Cun ito,i, hindi pa magcasiya, at ang cataua,i, hindi pa pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui itong paghagod dito sa licod. At cun hindi rin pinagsasaolan n~g pulso, at hindi pinapauisan nang mainit, ang isang cepillo ay ibabad mo sa aguardiente at icuscos sanang mahigpit sa boong catauan. Cun ualang cepillo,i, na-aari rin ang isang basahang magaspang; at cun ualang aguardiente ay na-aaring icuscos ang darac man lamang na totoong mainit, at balot sa isang basahan. Itong pagcucuscos ay pagtitiyagaang gauin cahit sa loob nang ilang oras, maghapon ma,t, magdamag, at bihirang-bihira ang di pagsasaolan nang init, at di gagaling.

Ito ring man~ga gamot na ito,i, icatitiguil nang pulicat; datapoua,t, mabuti naman sa pulicat ang daitihan ang laman n~g casang-capang pinamumulicatan nang m~ga pirasong malapad nang oropel sa tindahan, n~g bacal man, tangso ma,t pilac, houag lamang di manipis at malapad, at n~g lumapad at dumating mabuti sa catauan; na cun saan namumulicat ay doon idadaiti naman ang oropel.

Cun tumahan na ang pagsuca at pag-iilaguin; at mainit na,t, mahusay ang catauan, ay hindi rin dapat magpabaya, lalong-lalo na sa man~ga pagcain, puspas, basabasa at sabao ang siyang cacanin niya hangan di gumagaling na totoo.

Marahil pagcaraan na ang calubhaan nang saquit, ay datnan naman ang maysaquit nang di pagcaihi; cun gayon ang gagauin ay itapal doon sa pos-on nang isang cataplasma nang harina nang linaza, ó nang galapong man lamang, na mainit-init cun itapal; at cun uala nito,i, lag-yan ang pos-on nang man~ga basahan babad sa tubig na mainit.

Marahil din datnan ang nagcasaquit nang cólera nang _apoplegía,_ nang _lagnat na sucab_ at nang iba,t, ibang sugat na sinaysay na sa librong ito, at cun magcagayo,i, ang dapat gauin ay babasahin sa canicaniyang capítulo.

_Nota._ Ang lahat na sinaysay dito sa número 375, ay turo ang lahat nang marunong na Doctor D. Joaquin Gonzalez; at sa m~ga guinamot n~g paaniyo, ayon sa man~ga ipinagbilin dito, noong epidemiang nacaraan sa 1882, ay bihirang-bihira ang namatay.

=CAPÍTULO 63.=

_Ang saquit na pag-iilaguin, cun hindi sungmasamang totoo ang damdam nang may catuan na pinan~gang~anlan nang castilang_ diarrea.

376. Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui nang tiyan ay pinan~gan~galan nang castilang _diarrea._ Ang maysaquit ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan. Ang gayong pag-iilaguin ay hindi masama sa may catauan, bagcus cun macalalo na yaong munting hirap na yao,i, lungmalacas pa sa dati.

377. Ang gayong pag-iilaguin ay siyang cusang tungmatahan na hindi cailan~gan ang gamot doon; ang gagauin lamang nang maysaquit, ay houag siyang cumain nang marami; ang _carne,_ ang _alac,_ at ang itlog ay hindi magaling; ang man~ga gulay at man~ga hinog na bun~ga nang cahoy ay macacain niya; mabuti naman ang siya,i, uminom nang marami rami sa dati. Ang tubig na pinaglagaan nang _culantrillo_ ay maiguing inumin.

378. Cun sa loob nang lima, ó anim na arao, hindi nauauala ang pag-iilaguin, at ang may cataua,i, nahihina at dinaraanan nang malimit na pagca ibig niyang manabi, ay ilalagay siya _sa husay_ (capítulo 4). Bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 35 cun baga marumi ang dila, at masama ang lasa nang bibig, ó cun dungmorual ó nananab-ang nang pagcain; datapoua cun hindi nararamdaman nang maysaquit yaong man~ga bagay na yao,i, purgahin lamang nang isang purgang mahina numero 82, ó nang _ruibarbo_ número 51, cun baga hindi mainit ang tiyan. Cun _ruibarbo_ ang ipupurga doo,i, paiinumin touing calahating oras nang isang tazang sabao. N~guni cun ang pag-iilaguin ay nauala na dahil sa pag-inom nang _ruibarbo,_ at baga man nauala,i, ungmuuli rin capag nacaraan ang ilang arao, ay caalam-alam mayroong malagquit sa loob, na hindi pa nacucuha; ang gagauin cun gayon ay pupurgahin nang bilin sa número 21, ó noon ding bilin sa número 51, para nang turo co can~gina; magaling din ang sa número 23 ó 47. Saca iinumin niya cun umaga sa dalauang arao ang calahati noon ding bilin sa número 51.

379. Cun minsan ay nalalauo,t, di inaanomana nang maysaquit ang pag-iilaguin, na yaong pagpapabayang yao,i, nacacahina sa caniya. Ang gamot doon cun gayon ay ang bilin sa número 35. Saca touing icatlong arao bibig-yan ang maysaquit nang turo sa número 51. Capag pinurga na siya nang macaapat, ay itinatahan na. Cun pinupurga ay houag pacanin nang _carne,isda, ó itlog._ cundi canin lamang, ó tubig na pinaglutuan nang tinapay. Maigui doonan sa sicmura nang basahang babad sa _alac_ na pinaglagaan nang _romero_ at _canela._ Masama sa gayong maysaquit ang siya,i, malamigan lalo pa cun gab-i, sapagca ang saquit ay mag-uuli.

=CAPÍTULO 64.=

_Ang icalauang bagay na pag-iilaguin na may casamang saquit na malaqui sa tiyan na yao,i,_ disentería _cun turan nang castila._

380. Itong isang bagay na pag-iilaguin ay may casamang saquit nang tiyan. Ang may cataua,i, parating ibig manabi; at bucod doon, ay masama ang caniyang damdam. Sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong dugong casama; n~guni cun minsan uala naman.

381. Itong saquit ay dala nang cainitan nang panahon; sapagca ang apdo at ang dugo nang tauo ungmiinit, at lungmalapot cun tag-alis-is. Magaling din ang damdam nang tauo, hangan di nag-iiba ang cainitan n~g panahon, sapagca siya,i, pinapauisan at ang cataua,i, sumisin~gao na maigui. Caya lamang nagcacasaquit ay cun ungmuunti ang cainitan nang panahon; na dahil doo,i, marahil dumaan ang saquit nang pag-iilaguin sa bagong ulan, na sungmusunod sa tagarao.

382. Bago magcasaquit nang gayon ang tauo ay guiniguinao siya muna; sungmasaquit na totoo ang tiyan; nalilio siya at namumutla. Ang pulso ay munti at husay; sungmusunod ang malimit na pagiilaguin na bagay-bagay ang color, at mayroong bulati at dugong casama; cun minsan ang tumbong ay lungmalabas pati. Cun baga lungmulubha pa ang maysaquit ay namamaga,t, nabubuloc ang bituca, at ang iniilaguin niya ay nana, ó man~ga maitim na tubig, at mabaho; saca nagsisin-oc, nasisira ang bait, ang pulso,i, hungmihina, pinapauisan ang maysaquit nang malimit,sinusubaan at namamatay; datapoua cun hindi lulubha ang maysaquit, ay hungmihina-hina ang pag-iilaguin, ang dugo ay nauauala, lungmalacas-lacas ang may catauan at nacacatulog.

383. Ang gamot na totoo sa saquit na ito, ay ang _tártaro emético_ número 34; magaling din ang sa 35. Cun hindi nauauala ang pag-iilaguin nang mapainom na ang maysaquit nang turo co n~gayon, ay hahaba ang saquit, at ang gagauin doo,i, gayon. Ang maysaquit ay ilalagay _sa husay_ (capítulo 4) at houag pacacanin nang carne, hangan di gumaling na totoo. Ang iinumin niya ay ang bilin sa número 3. Capag napainom na siya nang bilin sa número 34, ay quinabucasan paiinumin nang bilin sa número 51 sa dalauang inom; sa icatlong arao ipaiinom doon ang bilin sa número 3 lamang; sa icapat na arao inuulit ipinaiinom doon ang bilin sa número 51; saca ilalagay ang may catauan _sa husay_ nang maysaquit na magaling-galing sa capítulo 5.

384. N~guni cun baga noong talagang magcacasaquit ang tauo, linalagnat siya muna nang malaqui, at ang caniyang pulso ay matigas at puno, at bucod doo,i, malaqui ang saquit nang ulo,t, bay-auang, at ang tiyan ay nauunat, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; susumpitin naman arao-arao nang macaitlo, ó macaapat nang bilin sa número 6, ó cun uala yao,i, na-aari ang gatas na tinubigan. Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang man~ga turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailan~gang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na. Ang ruibarbo, na bilin sa número 51, ay houag ibigay doon cundi sa catapusan nang saquit. Maraming maysaquit (ani Tissot) ang guinagamot co, na ualang ibang ibinigay sa canila cundi tubig na malacuco ga isang taza carami, touing sa icapat na bahagui nang isang oras.

385. Cun minsan ang pag-iilaguin ay casama nang _lagnat na buloc,_ na sinaysay co sa capítulo 20 at ang gamot doon cun gayo,i, ang pasuca número 34, bago purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 23 ó sa 47. Saca painumin naman siyang macalaua ó macaitlo arao-arao nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Totoong galing dito ang sa número 32, cun uala yaong isang turo sa número 24, at iisa rin ang cabagsican nitong dalauang bagay. Cun ang saquit ay ungmu-unti na, ang bilin sa número 51, ay yaon ang ipupurga sa maysaquit.

386. Ang nagcacasaquit nitong ganitong saquit ay nababaynat cun minsan, gaua nang pagcain nang sala, sapagca ang may cataua,i, nalamigan, ó napagal nang paggaua. Cun gayon ay ilalagay _sa husay_ (capítulo 4) ang maysaquit, at paiinuming minsan nang bilin sa número 51.

387. Cun minsan naman ang pag-iilaguin ay casama nang _pan~giqui_. Cun gayo,i, pauaual-in muna ang pag-iilaguin bago gamutin ang pan~giqui, at cun malaqui ang lagnat ay big-yan ang maysaquit nang _quina_ (dita) ayon sa turo sa párrafo 216.

388. Sa saquit na pag-iilaguin ay magaling ang pagcain nang man~ga bun~gang hinog nang cahoy, ang _manga_ baga, ang _saguing_, ang _alpay,_ ang _ates._ etc. Caya ang nan~gan~gain nang maraming bun~gang magulang nang cahoy cun tag-arao, maliuag daanan siya nang gayon saquit.

=CAPÍTULO 65.=

_Ang icatlong bagay na pag-iilaguin, na mahirap ang damdam nang may catauan sa sicmura, at pati nang paghinga cun minsa,i, mahirap din, na yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang_ disentería maligna.