Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 15

Chapter 15 3,908 words Public domain Markdown

389. Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang man~ga maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahin~ga; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color. Ang inaiilaguin nang may cataua,i, dugong totoo cun minsan; at cun gayo,i, namamatay sa icatlong arao; n~guni cun minsan ay iba,t, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi, ang lauay, ang pauis, pati nang hinin~ga ay mabaho. Cun maliuag macalon-oc ang maysaquit ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Cun minsan gagaling ang maysaquit pag linabasan sa catauan nang man~ga butil na marami na puno nang tubig. Ang pulso ay munti. Cun natutuyo ang dila at nauunat ang tiyan nang maysaquit, ó cun nalilio, ó nagsisin-oc, ay namamatay na ualang magaua. Datapoua cun baga ungmuunti ang casiquipan nang sicmura at lungmalambot-lambot ang tiyan, ó cun nacacatulog-tulog na ang maysaquit, caalam-alam ay gungmagaling.

390. Ang gamot na bagay sa saquit na ito,i, ang timbang calahating saicaualo nang bilin sa número 35, na cailan~gang gauin agad; at nang tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa número 35 sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang _manzanilla._ Pag nacalalo ang pito ó ualong oras nang macasuca na ang maysaquit, ay pupurgahin nang _ruibarbo_ número 51, at, pagca pinurga na,i, cabibig-yan uli n~g caunting _bejuquillo_ número 35, ga dalaua, ó tatlong butil na _palay_ ang timbang, na ihuhulog sa caunting sabao nang _sisiu,_ na linutong casama nang ugat nang _chicoria (dilang usa)_ at cun malaqui ang cahinaan nang maysaquit, ang tubig na pinaglutuan n~g _sisiu,_ ay doroonan naman nang balat nang _tinapay._ Itong sabao na itinuro co n~gayon ay yaon ang iinumin n~g maysaquit touing icalauang oras ga calahating taza carami; mabuti ring painuming macaapat arao-arao n~g isang cucharang _alac_ sa misa, na hindi lubhang matapang. Maiguing-maigui dito ang _dalandan ó cahel_ na guinayat munang boo pati nang balat, na ang pag-gayat ay manipis; saca binubudburan nang caunting azúcar, bago busan nang mainit na tubig, na yao,i, ang ipaiinom sa maysaquit. Ang pagsumpit ay masama sa saquit na ito. Ang isa pang mabuting totoo sa ganitong saquit, ay ang parapit na matapang na turo sa número 36, sa m~ga binti. Anomang ipainom sa maysaquit ay hindi sucat damihan, at lulubha siya.

391. Cun minsan hindi rin nacagagaling sa maysaquit itong lahat na sinabi cong gamot sa párrafong tinalicdan. Cun gayon ay mabuti ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _cahel_ na hinulugan nang caunting _quina (dita),_ bago paculuin nang caunting oras calauon sa apoy at salain sa damit na masinsin. Itong tubig na ito ay maisasama sa bilin sa número 35, cun pinaiinom noon ang maysaquit; datapoua masamang painuming minsanan n~g marami.

392. Cun ang pag-iilaguin ay malacas na totoo at ang may catauan nanhihina pagcaraca, ay magaling tapalan sa sicmura,t, tiyan nang basahan babad sa tubig na pinaglagaan nang dita na dinoroonan nang _triacang_ marami.

=CAPÍTULO 66.=

_Ang gamot sa_ hinihica, _na ang tauag nang castila sa saquit na yao,i,_ asma.

393. Itong saquit na _hica_ na cun minsan minamana, ay doon namamahay sa _baga_ nang tauo. Ang nagcacasaquit nang gayon, ay hindi macahin~ga nang maloualhati ang caniyang dibdib ay tila siquip; cungmucumbo ang sicmura, ang tiyan, ang dibdib pati nang balicat. Ang may cataua,i, nauuhao,t, napupuyat, at ang paghin~ga niya,i main~gay; ang paghiga nang tihaya ay mahirap sa caniya; sungmusunod doon ang init, ang lagnat, at ang pagquinal nang puso; ang ihi ay malinao at hindi husay. Itong saquit ay lungmalaqui pag ang panahon ay malamig at maulan.

394. Ang gagauin sa maysaquit, pag dinaraanan nang hirap, ay gayon; palulucluquin sa hihigan; houag tabilan, at houag patahanin sa silid na siquip. Ang man~ga don~gaua,i, bubucsan; masama doon sa tinatahanan nang maysaquit ang apoy; ó ang siya,i, libutin nang maraming tauo. Saca, sangrahang agad, at cun malaqui ang hirap niya, ay uul-ing sasangrahan. Ito lamang pagsasangra, ay macacaguinhaua sa caniya, cun ang pinagmul-an nang saquit ay ang maraming dugo: caya hindi sucat bayaan yaong pagsasangra, dahilan sapagca ang pulso ay mahina, at pag nasangrahan ang may cataua,i, lalacas ang pulso. Bucod dito,i, susumpitin nang bilin sa número 6; at cun hindi nagcacasiya yaon ay gamitin ang sa número 5; n~guni houag damihan ang isusumpit doon, cundi caunti lamang at parati, at saca gagauin ang man~ga ituturo co n~gayon.

395. Cun ang maysaquit ay lungmulurang parati at tila main~gay ang loob nang dibdib, at may masaquit saquit doon, ang iinumin niya,i, ang bilin sa número 7 ó número 12. Touing oras iinumin niya naman ang isang cuchara nang bilin sa número 77. Cun baga nahahalatang marami ang sicmura ayon sa aral sa capítulo 88, ay magaling painumin nang pasuca número 34, ó cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa número 8, ay na-aari. Maigui, ani P. Clain, ang pagn~gan~ga nang caunting tabaco, at lumura muna minsan bago lonoquin ang ibang lauay, nang macatulog ang may catauan.

396. Cun ang maysaquit ay nag-uubo at ualang ilinulura; cun pungmupula ang muc-ha, at ang ugat nang catauan ay lungmalaqui, at tila siquip ang caniyang dibdib, pati nang lalamunan, ay paiinumin nang bilin sa número 12, capag sinangrahan na. Doon sa oras nang pag-uubo, ay iinumin niya ang isang cuchara nang turo sa número 10, ó nang sa número 17. Bucod dito sisipsipin niya ang sin~gao nang mainit na tubig para nang turo sa número 53, Magaling ding ibabad ang caniyang paa sa malacucong tubig. Ang man~ga paa naman ay mabuti cuscusin nang basahang tuyo. Cun baga nahahalatang _hinihica_ ang may catauan dahil sa pag-urong nang ibang saquit para nang _galis, buni, ó piyo_, ay magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa aral sa capítulo 54.

397. Pag ang may catauan dinaraanan nang saquit na _hica, ay ilagay siya sa husay capítulo_ 4, at houag pacanin nang _carne_ ó nang anomang bagay na mabig-at sa sicmura; cun totoong hirap ang lagay nang maysaquit, ay houag pacanin nang anoman. Magaling ipainom sa caniya ang bilin sa número 1 ó 2.

398. Bucod sa man~ga sinabi cong gamot na bagay sa saquit na ito, ay mabuti gauin ang man~ga isusunod co dito, nang houag daanan uli nang hirap ang maysaquit. Caya cailan~gang pacahusayin ang caniyang pagcain at ang pag-inom. Masama sa caniya ang lamig at ang guinao. Cun malimit lumura ang maysaquit, ay isama sa quinacain niya ang timbang sa icaualo nang bilin sa número 14. Touing umaga,i, palolonocquin nang tatlong píldoras número 78; at pagca lon-oc noon, ay paiinumin tuloy nang dalauang taza nang bilin sa número 12. Mabuti ring purgahing maminsan-minsan nang turo sa número 21. N~guni cun ang maysaquit na hinihica hindi lungmulura, ay cailan~gang sangrahan capag nararamdamang lungmiliuag ang caniyang paghin~ga, at saca painuming parati nang isang cuchara nang bilin sa número 10 ó nang _suero_ número 17.

=CAPÍTULO 67.=

_Ang gamot sa nag-iilaguin nang darag-is, na yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang_ pujos.

399. Ang pag-iilaguin nang darag-is ay cun minsan dala ang ibang man~ga bagay na pag iilaguin na sinaysay co sa man~ga capítulong natalicdan. Cun minsan naman ay dala nang bulati, na nadoroon sa loob nang bituca, ó gaua nang pagsusugat nang pouit, ó sapagca ang may cataua,i, quiniquilmos. Caya pagca nacuha,t, nauala itong man~ga saquit, ay nauauala pati nang pag-iilaguin nang darag-is. Datapoua cun minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailan~gan sumpitin ang maysaquit arao-arao n~g maquiilan nang bilin sa número 5, ó magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _bituca_ nang _baca ó manoc._ Saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa _gatas_; ó cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan ó bulaclac nang _alagao_ ay mabuti rin. Ang iinumin n~g maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang isang dacot na _bigas ó palay;_ at pupurgahin nang bilin sa número 11 ó sa número 23.

=CAPÍTULO 68.=

_Ang gamot sa nagcasaquit dahil sa siya,i, natacot._

400. Ang man~ga sangol at ang man~ga babaying nan~ganac, ay marahil magcasaquit dahilan sa pagca sila,i, natacot. Ang sungmusunod sa tacot, ay ang pan~gin~ginig nang catauan at ang pagca balisa nang maysaquit, lalo pa cun ang puso at ang baga ay napacapuno nang dugo. Cun minsan nama,i, sinusubaan, at nasisira ang bait. Cun baga ang may catauan inuurun~gan nang dating pauis dahilan sa siya,i, natacot, cun minsa,i, dinaraanan n~g malauong pag-iilaguin. Ang man~ga babaying nan~ganac ay namamatay cun minsan capag sila,i, natacot.

401. Ang dating ipaiinom sa natacot ay ang malamig na tubig; datapoua hindi magaling yaon, sapagca lungmalaqui ang saquit. Ang mabuti doo,i, patahanin sa piling nang maysaquit ang man~ga tauong caquilala niyang dati; painumin nang mainit na tubig; ibabad nang isang oras ang caniyang man~ga paa hangan tuhod sa malacucong tubig; at maminsan minsan ay cuscusin ang caniya ring paa nang isang tuyong basahan. Cun ang maysaquit ay naghinahon na, at ang balat ay mainit na, ay cucumuta,t, patutuluguin; at sapagca maiguing mapauisan, ay painumin muna nang ga dalaua ó tatlong cucharang alac sa misa ó nang caunting _triaca._

402. Cun baga mahirap na totoo ang paghin~ga nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan sa camay. Itong man~ga turo co sa dalauang párrafong itong magcasumunod ay yaon ang totoong sucat gauin pati sa nan~ganac na sinumpong nang tacot, pati sa man~ga bata.

=CAPÍTULO 69.=

_Ang gagauin sa dinaraanan nang anomang bagay na_ convulsión, _para nang_ alferecía, sauan,_ etc, pati nang gagauin sa babaying sinusubaan._

403. Iba,t, iba ang inaasal nang man~ga dinaraanan nang _convulsión._ Cun minsan nan~gin~ginig ang boong catauan: cun minsan tila nalulucso ang man~ga laman, ó cungmiquinal ang muc-ha, ó nan~gin~giui ang bibig; ang man~ga paa,t, camay naninigas; ang bibig ay hindi mabuca, ang camay cun minsa,i, quimquim. Mayroon namang ibang maysaquit na cungmiquisay at parating balisa, na hindi mapalagay; pati nang dila cun minsa,i, nacacagat at napuputol. Itong man~ga sinabi co n~gayon, di man ang lahat, ang iba ay marahil maquita doon sa man~ga maysaquit na _tinatamaan_ nang _han~gin,_ ó nang _frenesi,_ ó sa _sinasauan,_ na yaong lahat na saquit ay paraparang _convulsión_ din. Ang idirito cong isusulat n~gayon sa dalauang párrafong magcasunod, ay mabuting gauin sa anomang bagay na _convulsión;_ datapoua ang mabuti ay hanapin sa caniyang párrafo yaong man~ga saquit na yaon.

404. Ang tauong dinaraanan nang convulsión, ay masamang gamutin doon sa oras na yaon nang caniyang paghihirap. Ang gagauin lamang ay alagaan nang ilan catauo nang houag masactan. Magaling namang isoot sa caniyang bibig ang isang pinaca cigarrong damit, nang houag macagat ang caniyang dila. Cun baga malaqui ang pamamaga nang liig, at mataba ang may catauan, at ang muc-ha,i, mapula, ay mabuti sangrahan sa camay.

405. Ang maysaquit ay paiinumin nang caunting tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao._ Ang maigui sa lahat ay ang paglalaga nang isang dacot nang dahon nang _cahel_ sa dalauang tagayang tubig, at capag naiga na ang calahati, ay inaalis sa apoy, at yao,i, minsanang ipainom sa maysaquit sa umagang-umaga. Cun hindi macaguinhaua sa caniya yaon, ay atuhin ang dahon nang _sintoris_ (narangitas,) na ilalaga rin para nang guinaua sa dahon nang _cahel._ Cun baga bata ang dinaraanan nang _convulsión,_ nang _suba, sauan, ó alferecía,_ ay babasahin mo ang capítulo 86.

_Ang saquit na alferecía, na ang tauag sa Maynila doo,i, taon._

406. Ang saquit na pinan~gan~ganlang _taon,_ ay marahil dumaan sa man~ga lalaqui, sa man~ga babayi; marahil namang dumaan sa man~ga bata pa sa man~ga matatanda na: Ang tauag nang castila sa saquit na ito,i, _alferecía._

407. Ang may cataua,i, cun biglang tamaan noong saquit na yaon, ay sungmisigao at naboboual, na pagcaraca hindi siya nacacaalam tauo. Ang boong catauan niya, ó ang ibang man~ga casangcapan lamang nang cataua,i, malacas cuminal; na yao,i, _convulsión,_ cun tauaguin nang castila. Ang maysaquit ay pagulong-gulong sa banig; quinig ang caniyang paa,t, camay pati nang ulo. Ang camay ay quimquim, pinupucpoc niya ang caniya ring dibdib at tiyan, at parati siyang napapahampas sa sahig. Ang balat nang ulo, ang boong muc-ha ang quilay pati nang pilic mata ay cungmiquibo; ang mata,i, gayon din; ang buhoc ay naninigas; ang sihang cun minsa,i, bungmababa, hangan sa lungmilingsad. Ang dila ay lungmalaqui at hungmahaba, at cun minsa,i, na-aabot nang n~gipin, at napuputol. Ang man~ga n~gipin ay nan~gan~galitn~git; ang ulo cun minsa,i, touid, cun minsa,i, papihit pihit sa magcabicabila. Bucod dito,i, hungmahaloyhoy ang may catauan, ó sungmusuca siya, at napapaihi at napapailaguin. Ang man~ga bituca ay ungmuugong; ang lauay ay cungmacayat; ang puso cunmacaba nang malacas, at ang paghin~ga ay main~gay. Ang lahat na ugat ay lungmalaqui, lalo pa ang sa liig, sa dila,t, noo. Ang mucha,i, namamaga, at pungmupula, ó ungmiitim caya; mayroong lungmalabas na bulang maagquit; at capag lungmalabas na ang bula ay yaon ang pagtahan nang saquit; saca ang may cataua,i, nahihilim, at pag naguising ay hindi na-aalaman niya ang nangyari. Ang pulso,i, madalas, at munti cun bago; saca lungmalacas, at sa catapusan n~g hirap, ay madalang at mahina. Itong m~ga sinabi co n~gayon cun minsan ay hindi dunmaraan ang lahat sa man~ga inaalferecía, ó tinataon, cundi ang iba lamang. Ang gamot doo,i, gayon.

408. Ang maysaquit ay ipatitihaya; sa ilalim nang licod at ulo ay lalag-yan nang damit nang tumaastaas; alagaan nang ilang catauo n~g houag siyang masactan. Sa bibig ay sosootan nang isang caputol na damit na marami ang suson, nang houag macagat ang dila; boong cataua,i, cucuscusin nang damit na tuyo; mabuti sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin; bibigquisan ang man~ga paa sa ibabao nang tuhod; at ang man~ga camay sa ibabao nang sico; paamoyin nang man~ga mabaho, para n~g pacpac nang _manoc,_ ó balat nang _baca,_ ó suca man. Cun ang muc-ha nang maysaquit ay ungmiitim, ó ga siya,i, quinacaposcapos na nang paghin~ga, ay cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua sa paa. Bucod dito ay painumin nang tubig na malacuco, na pinaglagaan nang dahon nang _cahel,_ ó sintoris (narangitas) para nang turo co sa párrafo 405. Pag ang maysaquit nasaol-an, ay painumin nang caunting _alac_ sa misa cun baga siya,i, mahina, at paamoyin naman nang _suca._ Saca siya,i, tumanong sa marunong na médico, na siya,i, gamutin at nang houag daanan uli noong saquit na masama.

_Ang gamot sa sinasauan, na yaong saquit na yao,i, isa rin nang pinan~gan~ganlan nang castilang_ epilepsia, ó mal caduco ó mal de corazón._ Ang pan~galan cun minsan nang tagalog dito,i, suba; ang tauag cun minsan doon nama,i, panhihimatay, capítulo 11._

409. Ang man~ga batang mahihina (ani Buchan) ay marahil daanan nitong saquit na ito. N~guni sila,i, cun lumaqui ó tumanda, cun minsa,i, gagaling; datapoua pag lumalo sa dalauang pouong taon ang edad nang maysaquit, ay maliuag gumaling. Itong saquit na ito,i, isa pang bagay na convulsión. Cun itong saquit malimit dumaan sa may catauan, at saca hindi malauon cundi madali, ay lalo pang maliuag gamutin; at cun dungmaraan cun natutulog ang maysaquit, ay masama pa mandin.

410. Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay natatamlay muna,t, nalilio; sungmasaquit ang ulo; ungmuugong ang tayin~ga. Lungmalabo ang pagtin~gin; malacas ang cabacaba nang puso, ang pagtulog ay hindi mahimbing, at ang paghin~ga ay mahirap; ang man~ga bituca ay napupuno nang han~gin; ang muc-ha ay pungmuputla, ang man~ga paa,t, camay nanglalamig. Pag ang may catauan dinaraanan nang hirap ay doon sa oras na yaon mayroong lungmalabas na bula sa bibig, napapaihi, at napapailaguin ang maysaquit di man cusa nang caniyang loob; ang man~ga hinlaqui nang camay ay pungmipihit; ang maysaquit ay hindi nacacaalam tauo, at cun nasasaol-an ay uala siyang namamalayang anoman sa lahat na nangyari.

411. Itong saquit na ito,i, dala cun minsan nang gutom, ó nang pag-gauang parati nang mahalay, ó nang pag-inom nang alac na marami, ó dahil sapagca ang maysaquit ay mayroong bulati sa tiyan, ó sinisibulan nang n~gipin, ó sapagca siya,i, pinalo sa ulo, ó natacot, ó nahulog sa mataas, ó dahil sa siya,i, sinisibulan nang bucol sa bun~go nang uló, ó nag-iisip nang man~ga maliliuag ó sapagca biglang sinumpong nang malaquing tacot ó toua ó galit caya; cun minsan naman ay dahil sapagca ang may cataua,i, nalalinan nang bulutong ó tigdas, ó sapagca sala ang pagdaan nang sa panahon, cun baga babayi. Caya maliuag maalaman cun minsan ang dahilang pinan~gagalin~gan nitong saquit na ito. Cun minsan minamana yaong saquit.

412. Ang bagay sa sinasauan, ay ang pagtahan sa maaliualas na lugar, na hindi natacpan nang bahay ó cahoy na marami: masama sa caniya ang pag-inom nang _alac,_ ang pagcain nang baboy, ó man~ga bun~ga ó gulay na may han~gin para nang _saguing, patani,_ etc. masama rin ang siya,i, magalit, ó matacot nang malaqui. Houag siyang tumin~gin sa man~ga malalim na lupa ó sa man~ga ilog na matulin ang agos, na yao,i, nacacalio at nacacapagdala uli nang saquit. Ang gagauin doon sa oras nang pagcacasaquit nang tauo, ay ang turo sa párrafo 404 at sa 405. Mabuti sa saquit na ito capag nasaol-an na ang may catauan ang polvos número 81, na iinumin niya sa isang tazang tubig na malacuco cun umaga, ayon sa turo ni Linneo.

413. Saca cailan~gang pacausisain ang totoong dahilan nang saquit, at cun nahahalatang nadoroon sa bun~go ó sa utac nang ulo, cun marugo ang may catauan, ay cailan~gang sangrahan pag siya,i, nasaol-an; at cun nagcacasaquit dahil sa nauala,t, inurun~gan siya nang _pauis ó galis_ ay gagamutin para nang turo sa capítulo 54.

414. Cun ang saquit ay dala nang siya,i, inurun~gan nang bouan, cun baga babayi, gagauin ang bilin sa capítulo 76, cun baga dahil sa pagsibol nang n~gipin, ay cailan~gan doon ang pagsumpit at ang baños hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang bata nang bilin sa número 36, sa ibabao nang licod sa pag-itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capítulo 84 at 86. Gayon din ang gagauin pag ang tauo,i, sinasauan dahil sa siya,i, bubulutun~gin ó titicdasin.

415. Cun baga caya sinasauan ang may catauan sapagca siya,i, mayroong bulati sa tiyan, ay gagamutin para nang turo sa capítulo 85.

416. Cun ang saquit ay dala nang cahinaan nang litid nang may catauan ay magaling doon ang _quina (dita)_ at ang bacal número 54.

_Ang gagauin sa babaying sinusubaan na yaong saquit na yao,i, pinan~gan~ganlan nang castilang_ mal de madre.

417. Itong saquit na ito,i, maliuag matapatan nang gamot. Ang man~ga babayi malimit daanan nitong hirap na ito, at lalo pa ang man~ga mahihina. Sarisaring dahilan ang pinan~gagalin~gan nang ganitong saquit. Ang man~ga litid nang catauan, ang sicmura, ang man~ga bituca, ang dugong may calahoc na masama, ang pag-urong nang sa panahon, ó ang di pagpanaog para nang dati, ó cun minsan naman ang malaquing tacot ó galit, ó ang pagdadalamhati nang may catauan.

418. Bagay-bagay ang inaasal nang man~ga babaying sinusubaan. Mayroong tila nalilio lamang, ó anaqui natutulog; datapoua ang hinin~ga ay bahagya na nararamdaman. Mayroong iba, na ualang tahan ang pagquibo, na hindi mapiguil nang ilang catauo. Bago daanan noong saquit na yaon ang babayi, ay nanglalamig muna cun minsan ang caniyang man~ga paa,t, camay, naghihicab siya,t, namamanglao. Cun minsan naman mayroon siyang nararamdamang matigas sa dacong puson, na ungmaaquiat cun malauon lauon sa itaas sa sicmura; na dahil doo,i, sungmusuca siya cun minsan. Saca nagpapatuloy yaong matigas sa lalamunan, at ang maysaquit ay ga quinacapos nang paghin~ga, ó dungmadalas caya sa dati ang paghin~ga niya; ang puso,i, cungmacabacaba nang malacas, lungmalabo ang pagtin~gin, nalilio ang may catauan at hindi macarin~gig; bucod doon ay cungmiquinal cun minsan ang man~ga casangcapan nang catauan.

419. Nang masaol-an ang babaying sinusubaan, ay magaling paamoyin nang man~ga mabaho gaya nang sunog na pacpac nang manoc, _asafetida (ingo) ó espíritu de cuerno de ciervo._ Ang pagcasangra sa maysaquit ay maigui rin cun siya,i, malacas ó matabang totoo; n~guni cun mahina ó maramdamin ang babayi, ó lauon nang panahong siya,i, marahil daanan nang _suba,_ ay hindi sucat sangrahan. Magaling namang doonan sa talampacan nang tig-isang bato ó ladrillong mainit, at cuscusin nang malacas nang mainit na damit ang caniyang paa hangan tuhod, ang camay, sampon nang tiyan. Datapoua ang mabuti sa lahat ay ibabad ang caniyang paa hangan tuhod sa mainit na tubig, at lalo pang sucat gauin ito, cun ang pagdaan nang pagsuba, ay cun malapit nang panaugan nang bouan ang may catauan. Cun baga ang maysaquit ay ilan nang arao na hindi nananabi para nang dati, ay maigui sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang _culutan_ na linag-yan nang caunting _asafétida_ (ingo); at pag siya,i, nacacalon-on na, ay painumin nang dalauang chucharang tubig na pinagtunauan nang caunting _ingo_ rin. At cun hindi natatalo pa ang saquit, ay palonoquin ang may catauan nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang _cahel_ ó sintoris para nang turo sa párrafo 405. Maigui ring painumin nang _café,_ na sinamahan nang isang cucharang aguardiente, na yaon ay gagauin pagca inato nang guinaua ang ibang man~ga turo co n~gayon, at hindi rin natatalo ang saquit. Itong man~ga bagay na sinabi co n~gayon ay gagauin sa oras nang paghihirap nang babaying sinusubaan. Cun baga hindi nasaol-an ang babayi, cundi namamatay, ay gagauin ang bilin sa párrafo 460, maca hindi patay ca totoo ang maysaquit. Datapoua nang houag umoli ang saquit, gagauin ang isusunod co dito n~gayon.

420. Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi alisin ang pinacaugat na pinan~gagalin~gan noong hirap na yaon. Caya ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya n~g marami, lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama. Ang _bacal_ para nang bilin sa número 54, at ang _quina_ (dita) número 14, ay totoong galing sa man~ga mahihinang babayi, ó sa man~ga sicmurain. Cun yaong saquit ay dala nang cainitan nang litid, palonoquin ang babayi nang isa ó dalauang pelotillang _talamponay_ na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig, ayon sa bilin sa número 57, at cun minsan siya,i, macacatulog. Na-aari namang isama sa sumpit ang isa ó dalauang pelotillang _talamponay,_ cun aayao inumin yaon nang babayi. Datapoua cun ang may catauan ay totoong nagsasaquit nang pag-gaua, lalo pa cun hindi tungmatahan nang pananahi, ó paghabi, ó pagdurugtong nang _abacá,_ at saca sungmasala siya sa oras nang pagcain, at nagugutom, ay houag siyang umasang gagaling. Cun hindi mangyaring tumahan nang pag-gaua, ang bagay sa may catauan ay manaog siya sa lupa nang caunting oras cun umaga at cun hapon, at siya i, magtanim nang anomang damo doon, na caniyang aalagaan, at yaon lamang gauang yao,i, macacaualauala nang caniyang masamang damdam nang catauan.

421. Cun baga marumi ang sicmura nang maysaquit, ay cailan~gang pasucahin nang mahinang pasuca, número 35; at cun hindi manabi para nang dati, ay houag pacanin nang marami; at painumin siyang maminsan-minsan nang caunting _ruibarbo ó maná,_ número 82.

_Nota._ Cun minsan ang babayi, at gayon din ang lalaqui, sinusubaan dahilan sa man~ga sinasaysay sa capítulo 74. Caya cailan~gang basahin yaon, pati nang man~ga párrafong magcasumunod doon.

_Ang gamot sa babaying namamanghid ang caniyang paa, ó camay ó ang ibang casangcapan nang catauan, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay_ calambre histérico.