Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 13

Chapter 13 3,802 words Public domain Markdown

342. Ang tauong binubuni, ó pinapauisan ó guinagalis na dati, na biglang nauaual-an noong man~ga saquit na yaon, ó cun baga siya,i, binubulutong ó tiniticdas, ó quinuculebra, ó cun tinutubuan nang anomang masama, at hindi tungmoloy, cundi lungmulubog at napaiilalim, cun minsan siya,i, maguiguing _ético,_ ó hihicain, ó daraanan caya nang hindi macahin~ga, ó nang ibang saquit na masama. Cun ang may catauan ay naghihirap dahil sapagca nauala yaong pinaca sin~gao nang catauan; ay mabuti ang siya,i, magdamit nang maramirami ó magbalabal. Saca uminom siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao,_ na dinoroonan nang caunting _nitro, ó salitre,_ at macalaua maghapon caniyang cacanin ang timbang cahati nang bilin sa número 42; bucod dito ay magpupurga siyang parati. Cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang man~ga paa hangang tuhod, at babañusan naman cun umaga at cun gab-i nang malacucong tubig. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 71 ó ang sa 75. Houag siyang cumain, cundi gatas nang _baca,_ ó cambing, ó _calabao._ Cun malubha ang maysaquit ay parapitan sa batoc, ó sa guitna nang dalauang balicat, ó sa man~ga bias nang man~ga camay, ó sa man~ga paa; saan man doon ay na-aari; cun baga galis ang lungmubog ay maigui igaua nang capaanyoan ang maysaquit, nang mangyaring siya,i, malalinan uli nang galis.

=CAPÍTULO 55.=

_Ang gamot sa namamaga ang boong catauan na ang tauag nang castila doo,i,_ hidropesía.

343. Cun namamaga ang boong catauan nang tauo, ó hindi man ang boong catauan, cun hinihipo nang camay ang laman ay malata at malamig; at cun idiniriin nang daliri, ay bungmabaon sa laman ang daliri, at nagcacahucay doon, na hindi nauauala pagcaraca; caya gayon ay sapagca ang pinaca tubig na dating calahoc nang dugo, ay bungmubucod at napapatahan sa ilalim nang balat nang catauan.

344. Ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong catauan; sa bay-auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam; ang paghin~ga ay mahirap, at lalo pa cun gab-i, ó cun bagong nacacain; ang maysaquit nag-uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti, malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami; ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila cun minsan; ay tuyo. Cun malalauon-lauon, ay nalalagnat dahilan sa tubig na nabubuloc sa man~ga laman, at pagca gayon ang caniyang hinin~ga ang lauay at ang ihi ay mabaho. Maraming dahilan ang iquinapagcacasaquit nang tauo noong gayong saquit. Cun minsan yaong saquit ay minamana; cun minsan dala nang pag-inom nang alac na matapang, ó dala nang pagpupurga ó pagsasangra nang totoong limit, ó nang pag-inom nang tubig na malamig pag ang tauo,i, nainitan, ó galing sa malaquing gaua; cun minsan dala nang pagtahan sa mababang lugar ó nang pagcain nang man~ga ualang sustancia. Nagcacasaquit din nang ganitong saquit ang matamaring cumibo, ang hinica, ang nan~giqui, ang nag-ilaguin nang malacas, at ang inurun~gan nang galis, buni, ó nang sa bouan bouan cun baga babayi. Caya ang pag-gamot doo,i, maliuag; datapoua cun minsan ay gagaling ang maysaquit cun talaga siyang gagaling capag sundin niya ang man~ga ituturo co n~gayon.

345. Ang maysaquit ay tatahan sa lugar na mainit at sa ualang maraming ilog ó laua. Cun hindi na-aari sa caniya yaon ay maglagay siya nang bagahan doon sa silid na tinatahanan niya ó magbago muna nang bayan; mag-in~gat siya sa calamigan nang gab-i, ang caniyang cacanin ay tinapay na matigas ó ihao sa baga; ang _carne_ at ang _isda_ na caniyang cacanin ay ihao rin sa baga, at maigui sucaan, ó doonan nang gata nang dayap. Ang maysaquit ay hindi sucat uminom nang tubig, magmumumog siya lamang ó iinom nang caunti; magaling din ang _alac_ sa misa na hindi maitim, na pinagbabaran nang ajenjos. Mabuti rin, ani Buchan, ang pag-inom cun umaga,t, cun gab-i nang isang cucharang bot-o nang _mostaza_ na hindi bayo na ihuhulog sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang _luya._ Bucod dito ang maysaquit ay lalacad na parati, ó sasacay sa cabayo, maigui ring cuscusing parati ang caniyang catauan nang basahang tuyo at mainit; ang damit na gagamitin nang maysaquit ay ang tinina nang azul, na pasasayaring maigui sa catauan, at masama ang louag.

346. Touing umaga paiinumin ang maysaquit nang isang cuchara nang bilin sa número 72. Itong gamot na ito,i, itinutuloy hangang mauala ang pamamaga nang catauan. Ang ungmiinom noon ay ungmiihi nang marami, at yaon ang nacacauala nang pamamaga. Cun hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, painumin man noong turo co n~gayon, ay damidamihan yaon ding painom na bilin sa número 72; at cun baga ungmuunti-unti na ang pamamaga, ay bigquisang maigui ang catauan, at painumin ang maysaquit nang timbang dalauang piso nang bilin sa número 74, isang oras bago cumain, cun tanghali at cun gab-i. Itong dalauang gamot na ito; ang bilin baga sa número 72, at sa 74, ay itinutuloy, hangang sa gumaling ang maysaquit.

347. Ang man~ga purga at man~ga papauis ay nacacagaling din sa nagcacasaquit noong saquit na yaon. Datapoua sapagca cun minsan nacacasama bagcus, caya magaling sa lahat ang man~ga itinuro co sa man~ga párrafo 345 at sa 346. Maigui rin (ani Buchan) carlitan ang paa nang maysaquit hangan sa binti, houag lamang palaliman ang carlit, bago basain nang alac, ó aguardiente ang lugar na quinarlitan.

348. Mayroong isa pang pamamaga nang catauan, na hungmahalili sa lagnat na pan~giqui na lauon; at ang bagay doon ay yaon ding man~ga sinabi co sa párrafo 345 at sa 346. Cun ang paa lamang ang namamaga susundin ang man~ga turo sa párrafo 352 at 353.

_Nota._ Uica nang isang marunong na tauo, na si D. Mariano Lagasca ang n~galan, na sa saquit na pamamaga nang boong catauan, pati sa pamamaga nang tiyan (bilbil), at sa pamamaga nang man~ga paa, na totoong galing nang _lan~gis sa castila, ó aceite de olivas_ ayon sa hatol nang maraming mabantog na médico. Binabasa nang lan~gis ang camay, at linalahiran nang malauon lauon ang boong catauan nang maysaquit, na yao,i, gagauing macalaua ó macaitlo arao-arao. Cun ang tiyan ang namamaga,i, siya lamang ang linalahiran; at cun ang paa lamang ang namamaga, ay gayon din siya lamang ang lalamasin nang lan~gis, at ang lacad nang camay ay paitaas. Itong gamot ay nacagaling sa marami; lalo pa cun ang saquit hindi pa nalalauon. Hindi co ma-aalaman cun ang _lan~gis sa niyog ó_ ang sa _lin~ga_ ó ang sa _lin~gansina_ ay macacagaling naman Datapoua cun mayroong sungmisibol na anomang bagay sa paang namamaga,i, houag lahiran nang lan~gis.

=CAPÍTULO 56.=

_Ang gamot sa namamaga ang tiyan, na yaon ang pinan~gan~ganlang_ belbel ó berbén.

349. Cun minsan mayroong naiipong tubig sa tiyan nang tauo, na yaon ang dahilang iquinapamamaga noon, at ang pan~galan sa saquit na yao,i, _bilbil_. Ang tubig ay gungmagala at nagbabago nang lugar, cun ang may catauan ay nagbabago naman nang lagay; ang pulso ay munti, madalas at matigas tigas; caunti ang inaiihi nang maysaquit; nauuhao siyang parati, yungmayayat, at ang paghin~ga ay mahirap; ang maysaquit ay nanhihina pa mandin cun malauon, nag-uubo siya, at may lagnat na caunti. Ang pinagmumul-an nitong saquit ay yaong man~ga sinabi co sa párrafo 344.

350. Cun ang saquit ay bago pa, cun minsan gagaling ang may catauan, painumin lamang nang biling sa número 8, ó sa número 72, ayon sa turo co sa párrafo 346. Cun hindi rin ungmuunti ang pamamaga nang tiyan, pag nacacaraan ang ilang arao, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 71, at touing arao bago cumain cun umaga, ay paiinumin din nang timbang saicapat nang bilin sa número 24; cun gab-i bago humiga ay paiinumin uli noon ding painom sa número 24. Cun nacalalo ang isang anim na arao, ay bibig-yan nang purgang turo sa número 73. Datapoua cun ang maysaquit ay hindi gung-magaling-galing, ang ipupurga doo,i, ang sa número 21; cun nacaraan ang anim na arao, ay capupurgahing uli; susundin naman ang lahat na sinabi co sa párrafo 345. Cun baga nacalabas na ang man~ga tubig sa tiyan, at nauala ang pamamaga, ay painumin arao-arao ang maysaquit nang alac na itinuro co sa número 74, ga isang taza carami, nang lumacas ang sicmura, at ang man~ga bituca.

351. Cun hindi rin nauauala ang pamamaga nang tiyan, ay tutudluquin nang carayom nang isang marunong na médico, ga apat na daliri sa ilalim nang pusod, at houag sa guitna, cundi sa dacong taguiliran. Yaong carayom na yao,i, mayroong sadiyang sootan, na ang magcabila ay butas, at casabay rin nang carayom, cun ibaon sa laman. Cun inaalis ang carayom, ay natitira doon sa tiyan ang pinaca bahay na quinasosootan nang carayom; at palibhasa,i, may butas ang magcabila, ay doon lungmalabas ang tubig parang sa alolod. Ang tubig ay palalabasing minsan, datapoua marahan dahan, nang houag malio ang maysaquit; at nang mapalabas na maigui ang tubig, ay binibigquisan ang tiyan nang man~ga malalapad na bigquis, na cun bago,i, louag, at cun lungmabas na ang tubig, ay higpithigpitang marahan dahan. Saca painumin ang maysaquit nang bilin sa número 74, at susundin ang man~ga turo sa párrafo 345. Cun baga namamagang uli ang tiyan, ay catudloquin pa nang marunong sa ilalim nang unang tudloc. Basahin mo ang _nota_ nang párrafo 348.

=CAPÍTULO 57.=

_Ang gamot sa namamaga ang man~ga paa._

352. Ang pamamaga nang paa ay marahil humalili sa lagnat na pan~giqui, sa saquit na hica, sa culebra, sa pag-iilaguin nang malacas, sa man~ga lagnat na ualang hibas, sa cabuntisan, at sa pag-urong nang sa bouan sa man~ga babayi.

353. Itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon, capag nacuha ang totoong saquit na pinangali-n~gan noong pamamagang yaon. Datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,i, lumacad na parati. Cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,t, mainit, at bigquisan nang damit na maigting-igting. Mabuti rin libutin ang paa nang gaboc na tuyo na mainit init, na may casamang asin; houag siyang uminom nang maraming tubig; uminom siya n~g caunting alac. Cun umaga,t, cun hapon, ay paiunumin ang maysaquit nang bilin sa número 20, timbang saicaualo, na tutunauin sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao._ Cun masama ang sicmura, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat nang bilin sa número 14; at cun hindi naniniya yao,i, big-yan nang dalaua ó tatlong cuchara maghapon nang turo sa número 8. Basahin mo ang _nota_ nang párrafo 348.

354. Mayroong tauo na cailan man ay namamaga ang caniyang paa. Ang gayong maysaquit ay masamang gamutin at caalamalam lulubha.

355. Cun minsan ang man~ga paang namamaga, ay pungmuputoc cun malauon at nagsusugat, na hindi masama yaon; datapoua sapagca ang ganoong sugat ay malauon bago mabahao, at cun minsa,i, nabubuloc, ang maigui ay tacpan nang damit ang paa, nang houag mahan~ginan; tatapalan naman nang bilin sa número 64. Ang maysaquit ay _ilalagay sa husay_ nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at houag palacarin. Maminsan minsan ay pupurgahin nang bilin sa número 21, at arao-arao paiinumin nang bilin sa número 14, timbang saicapat.

=CAPÍTULO 58.=

_Ang gamot sa nabiquig ó sa naloogan, nang anomang bagay sa lalamunan, na hindi macatuloy sa ilalim._

356. Cun ang tauo,i, mayroong linon-oc na anomang bagay, na hindi macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bun~ga nang cahoy, ó botó nang man~ga bun~ga. Cun ang nadoroon ay tinic at nasisilip nang mata, ay mabuti han~guin nang sipit na cauayan. Itong sipit ay doroonan nang munting sangcal na tataliang maigui; at pag ang sipit ay pinaabot na sa tinic, ay hihilahin nang camay ang sangcal, nang maipit ang tinic. Totoong buti naman ang isang cauad na tanso, na ang isang dulo ay baluctutin nang caunti parang binuit; yaong isang cabilang dulo ay binabaluctot din nang mahauacang maigui sa camay ang pagca baluctot nang magcabilang dulo ay patatamain capoua sa isang taguiliran, nang maalaman ang calagayan nang cauad cun nadoroon sa lalamunan. Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit.

357. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya. Maigui ring painumin n~g pasuca número 34, ó número 35; cun baga hindi naniniya yao,i, sumpitin nang usoc nang tabaco párrafo 457. Cun minsan cailan~gang sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun hindi siya macahin~ga nang maloualhati. Mabuti namang pucpuquin nang camay ang licod pagca inato na ang ibang man~ga paraan at hindi macucuha ang nadoroon sa lalamunan.

358. Cun ang napatahan sa lalamunan ay carayom, paco, man~ga bot-ong matilos, ó singsing, ó caputol na pingan, ay aatuhin muna ang paghan~go noon, ayon sa turo co sa párrafo 356 at sa 357, at cun hindi mangyaring macuha, ay itutulac nang pailalim niyong cauad na baluctot, na itinuro co sa párrafo 356, ó pucpuquin nang camay ang licod nang maysaquit.

=CAPÍTULO 59.=

_Ang lagnat na_ daua _na may casamang pauis na tinuturan nang castilang_ calentura miliar sudatoria.

359. Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab-i, ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag-guising nang may catauan ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo, mahirap ang paghin~ga, hungma-halinghing, at nauuhao siya; macati ang balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan inuurun~gan siya nang gatas. Sa icatlo ó sa icapat na arao ay lungmalaqui ang lagnat; nasisira sira ang bait nang maysaquit, at linalabasan tuloy ang caniyang catauan nang maraming butil na ang camuc-ha ay butil nang _daua;_ cun minsan ang lungmalabas na man~ga manchang mapula, na anaqui ay _culebra._ Cun malauon na ang saquit, mayroong lungmalabas na man~ga manchang mapulang mapula, para nang quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib, at sa tiyan nang man~ga butil na puno nang tubig, na yao,i, masama. Ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, ó icalimang arao. Masama sa saquit na ito ang man~ga bagay na mainit. Ang maysaquit _ilalagay sa husay_ (capítulo 4.) Sasangrahang maquiilan hangang umunti ang lagnat at lumambot ang pulso; datapoua, ang uica ni Buchan, na hindi magaling dito ang pagsasangra. Susumpiting macaapat arao-arao; touing calahating oras ay paiinumin nang isang vasong _suero_, na huhulugan nang polvos na bilin sa número 24, natimbang isang salapi ang uubusin niya maghapon. Cun magaling-galing na ang maysaquit, at cun ang maysaquit hindi babaying nan~ganac, ay paiinumin nang bilin sa número 34; at ang turo sa número 32 ay iinumin niya touing arao. Cun baga ang maysaquit ay babaying nan~ganac, ay pupurgahin nang mahinang purga. Cun gayon ang pag-gamot sa maysaquit, ay bihira ang di gungmagaling. Itong saquit na ito ay marahil dumaan sa man~ga babaying nan~gan~ganac, gaua nang man~ga _luya_, man~ga tubig na mainit, apoy ó alac na guinagamit nang tagalog. Cun minsan sungmusunod sa bulutong, at sa ticdas, ó sa man~ga lagnat. Cun minsan dinaraanan nitong saquit ang man~ga matamaring cumibo, ang mapanglauin, at ang inuurun~gan nang galis, buni, pauis, ó nang sa panahon cun baga babayi ang maysaquit.

=CAPÍTULO 60.=

_Ang man~ga saquit nang sicmura,t, tiyan na doon nauucol ang pinan~gan~ganlang_ cólico ahito, _at ang iba pa_.

360. Bagaybagay ang cólico ó ang saquit nang sicmura,t, tiyan, na paraparang sasaysayin co sa man~ga párrafong isusunod dito. Datapoua sapagca cun minsang hindi maquilala pagcaraca nang hindi marunong na médico cun anong bagay na _cólico_ ang tungmama sa maysaquit, caya n~ga yata, nang houag macamatay sa tauong caauaaua ang man~ga pag gamot, ay itong tatlong bagay na ituturo co n~gayon, ay siya ang maiguing gauin doon, sapagca hindi masama sa anomang bagay na _cólico_. Susumpitin ang maysaquit na maquiilan arao-arao. Paiinumin nang maraming tubig na malacuco, ó nang tubig na malacuco rin na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Doon sa tiyan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig. Houag painumin nang _alac ó triaca_, ó nang ibang man~ga maiinit. Datapoua capag naquiquilala ang totoong saquit nang may catauan, at cun anong bagay na cólico ang nacacahirap sa caniya, ay gagamutin para nang turo sa man~ga párrafong ihahalili dito.

_Ang gamot sa saquit na malaqui nang sicmura,t, tian, na may casamang lagnat na malaqui, na yaon ang tinuturan nang castilang_ cólico inflamatorio.

361. Itong saquit na ito,i, dala nang pamamaga nang sicmura ó nang bituca dahilan sa cainitan nang dugo. Ang tiyan ay sungmasaquit muna nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang pulso ay madalas at matigas. Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati. Ang saquit ay ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. Hindi siya macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. Cun hindi gamutin agad ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,i, masama. Ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,t, madalas sa dati. Namumutla ang maysaquit, at nanlalata; ang boong catauan niya,i, lungmalamig, hindi lamang ang tiyan; saca sinusubaan, at namamatay tuloy. Cun minsan bago mamatay ay nag-iilaguin nang totoong baho dalan~g pagca buloc nang man~ga bituca. Cun ang saquit ay naroroon sa sicmura anomang canin ó inumin n~g maysaquit ay isinusuca niya; hindi siya mapalagay; nasisira ang bait, at sa loob nang ilang arao ay namamatay. Itong cólico ay dala cun minsan nang cainitan nang dugo. Caya marahil magcasaquit nang gayon ang nahirapang totoo nang pag-gaua nang mabig-at na gaua; ang nainitan nang malaqui, ang cungmacain nang man~ga mainit ó man~ga bun~ga nang cahoy na hindi magulang, at ang ungmiinom nang tubang maasim. Cun minsan naman ay dala nang masamang pag-gamot sa ibang bagay na _cólico._

362. Ang gamot sa ganitong saquit ay gayon: ang maysaquit ay sasangraha,t, cucunan nang maraming dugo sa camay, cun minsan ay cailan~gang sangrahan uli sa loob nang dalauang oras. Touing icalauang oras din, mag-ilaguin man ang maysaquit at di man, ay susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na dinoonan nang _lana_ ó lan~gis nang niyog. Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init. Ang uica ni Buchan, na totoong buting parapitan ang lugar na masaquit. Pag nauala na ang _cólico,_ pati nang lagnat, at nacacatulog tulog na ang may cataua,i, purgahin nang isang mahinang pamurga, para nang _maná_ timbang dalauang piso, na may casamang _sal de Epsom _timbang saicapat, na yaong dalauang bagay ay tutunauin sa isang vasong _suero._ Cun baga mahina ang maysaquit, ay sucat na sa caniya ang _maná lamang._ Cun ualang _maná_ ay pumili nang isang mahinang purga doon sa man~ga bilin sa número 82. Cun baga magaling man ang may catauan, may natitira pang caunting masaquit sa tiyan ó sa sicmura, ay hindi sucat hamaquing pabayaan, at caalamalam ay sisibulan nang bucol sa loob; caya ang gagauin doo,i, itutuloy yaon ding man~ga turo cong gamot sa párrafong ito, hangang sa uala nang maramdamang ano man ang maysaquit.

363. Cun minsan dahil sa pamamaga nang _sicmura ó tiyan, _ay sinisibulan doon ang may catauan nang masama. Caya nahahalatang may sungmisibol sa sicmura ó sa bituca, sapagca parating mayroon doong caunting masaquit; ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain pinagquiquilabutan siya nang guinao nang malimit, at hindi siya lungmalacas. Ang bagay dito ay ang man~ga painom na itinuro co sa párrafo 362 na sinusundan nito. Cun pungmuputoc ang sibol, ang maysaquit ay nalilio doon sa oras na yaon, at naramdaman niyang may nauaualang mabigat doon sa loob. Cun ang nana,i, napapabobo sa loob nang bituca, ay lungmalabas na casama n~g inailaguin, at ang maysaquit ay dungmoroual na parati; ang maigui doo,i, painumin lamang nang gatas na inalsan nang pinaca taba muna, bago samahan n~g isang sa icatlong bahaguing tubig; touing icatlong arao, ay sumpitin nang _gatas_ na tinubigan, na may casamang pulot na caunti. Cun ganoon ang pag-gamot doon, ay cun minsan mababahao ang sugat nang sibol na nacaputoc sa loob nang bituca. Datapoua cun ang nana nang sibol, ay nabububo sa labas nang bituca, ay maliuag ang pag-gamot sa maysaquit.

_Ang gamot sa icalauang bagay na saquit_ _nang sicmura ó tiyan, na dala nang apdo_ _na tinuturan nang castilang _cólico bilioso, ó cólico nang apdo.

364. Ang nagcacasaquit nang gayon mahirap man ang caniyang pagcaramdam ay hindi nalalagnat, cun hindi pa nacalalo ang isa ó dalauang arao nang caniyang pagcacasaquit; at lagnatin man ang maysaquit ang pulso,i, hindi totoong tigas; at hindi rin malacas; ang tiyan ay hindi namamaga, at hindi mainit para nang sa isang cólicong sinaysay co sa pàrrafo 361; ang ihi ay hindi lubhang mapula; ang maysaquit ay nauuhao, at mapait ang caniyang bibig, cun baga sungmusuca ó nag-iilaguin, ang lungmalabas ay madilao; cun minsan nasisira ang ulo nang maysaquit. Ang masaquit dito ay ang dacong pusod; datapoua ang dacong pusod ay sungmasaquit din doon sa saquit na _miserere_ sa capítulo 61.

365. Ang gamot dito ay gayon: ang maysaquit ay susumpitin nang malimit n~g bilin sa número 5; paiinumin n~g maraming tubig na pinaglagaan nang ugat nang _grama (hincacauayan ó malacauayan)_ na dinoonan nang caunting gata nang dayap. Touing oras ay paiinumin nang isang taza nang turo sa número 32, ó cun ualang _sampaloc, _ay na-aari ang timbang saicaualong _crémor._ Maigui ring bañusan ang maysaquit hangang tuhod, at lag-yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong tubig. Cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura ó tiyan, at ang pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit. Cun hindi nauala ang saquit at hindi nag-iilaguin nang malacas ang may catauan, baga man pinainom na nang man~ga sinabi co n~gayon, ay magaling big-yan nang caunting _maná_ na tutunauin sa malabnao na sabao nang sisiu. Mayroon tauong marahil daanan nitong ganitong _cólico,_ at ang bagay sa caniya ay ang bilin sa número 24, na iinumin niyang maminsan minsan touing bouan. Hindi bagay sa caniya ang pagcain n~g maraming _carne._ Masama rin ang man~ga maiinit, ang man~ga may taba at ang gatas; ang suero ay mabuti sa caniya.

_Ang gamot sa icatlong bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit noo,i, hinihilaban ó inaahito, sa uicang castila ay_ cólico de indigestión, ó ahito, ó empacho.