Masakím

Part 2

Chapter 2 909 words Public domain Markdown

--Wala po--ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang kaniyang m~ga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang m~ga aklat n~g pag-ibig na nakatago sa kaniyang puso, n~gunit sa kapipilit n~g ina ay nagsabing: "Ako po'y sawing palad" hangang dito na lamang ang m~ga naipagtapat ni Delang hangang sa sapitan sila n~g kinagabihan.

* * * * *

Si Peping ay walang malay sa m~ga nangyayari, payapang payapang ginugunita ang napakasarap niyang buhay. "Magkapatid ang nasa kamay ko" ang ulit ulit na sinasabi ¡kay tamis n~g aking kapalaran na pinag-aagawan n~g dalawang magagandang binibini! Ang aking pag-ibig ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig pagdating n~g oras, anó pang ligaya n~g buhay ang hahanapin?"

Ikalabing isang oras na n~g gabi. Mapamaya maya'y nanaog, lumakad at pagkatapat sa silid n~g isang bahay na malaki ay lumin~gon sa magkabikabilang panig at n~g walang matamulawang tawo ay tumin~gatin~gala at tumawag:

--¡Anchang!....¡Anchang!

--.......................

--¡Anchang!--ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso n~g binibini, kaya't agad nagbalikuas ito't ipinuang n~g kaunti ang durun~gawan.

Nakaramdam n~g panibagong init n~g katawan ang binata, lumukso ang puso sa galak sa pagkasun~gaw n~g isang _diosa_ n~g kagandahan.

--Ako'y naririto--ang ulit pa.

--Bakit ka napaparito n~g ganitong oras? Baka may makakita sa iyo ay pagbintan~gan kang masamang tawo: umalis ka dian sa tapat n~g bintana.

--¿Saan ako paparoon, Anchang?

--Umuwi ka na at akoy di maka papanaog, sapagkat malalim na ang gabi.

Mayroon lamang akong isang mahalagang babagay na sasabihin sa iyo; natatakot ka ba? sasalubun~gin kita sa hagdanan.

--Sabihin mo na.

--Ayaw ako. Ang ibig koy ibulong at n~g walang makarinig: ni ang m~ga halaman, ni ang m~ga panggabing ibon.

--Sa ibang araw na ó bukas kaya pagparito mo.

--Sa isang maliit ko kayang kahilin~gang ito'y ipahahalata mo na ang kawalan mo n~g pagmamahal sa akin? Anchang, talastas mong ako'y nagpakapuyat; diyata't, pawawalan mo n~g halaga ang aking m~ga pagtitiis.

Nagdalang habag ang binibini; nalunos sa m~ga ipinagturing n~g binata kaya't malubay na tumugon.

--Paano ang gagawin kong pagpanaog?

--Kailan ma't iibigi'y madali ang alin mang bagay.

Dahan dahang lumabas, ibínukas, ang nakalapat na pintuan, at palibhasa'y kahoy ang sahig at hagdanan, kaya't, walang kalatis siyang nakapanaog. Pumasok ang ating binata sa looban at sinalubong ang kaniyang irog, n~guni't sa kaniyang pagpasog ay namalas pala naman agad siya n~g isang babaeng putos na putos n~g itim, nakatalukbong at agad na sumunod sa binata at n~g kasalukuyang sapupo ni Peping ang malantik na baywang n~g kaniyang Anchang ay siyang pagdating n~g binibini na sa dagok n~g pighati sa kaligayaligayang buhay n~g dalawa at sa kahapishapis niyang kapalaran ay hinawakang mahigpit ang kaniyang sundang patakbong lumapit at itinarak sa dibdib n~g binata kasabay ang m~ga nan~gan~gatal niyang salitang:

--¡¡¡Masakim!!!....¡¡¡Masakim!!!

--Bakit? Bakit?--ang sigaw ni Anchang at sinapupo ang kaniyang irog.

--¡Patawad!--ang kalunos lunos na taghoy ni Peping at nabual na di napigilan ni Anchang.

* * * * *

At n~g makita ni Delang ang kaawa-awang bangkay ni Peping ay napasigaw.

--¡Dios ko! ¡anó itong aking nagawa?...Nagsisi, nanan~gis, nanaghoy....

--Pepíng, patawarin mo ako; akoy nagkasala sa iyo: di ko nalalaman ang aking nagawa. ¡Ay Peping sino n~gayon ang kikilalaning ama n~g sangol na balang araw ay ilulual ko sa maliwanag? ¡Dios ko! ¿anó ang aking nagawa?

WAKAS

[Larawan]

=Sombreria Internacional=

Calle Jolo No. 271

Ditoy nag bibile ng mga sambalilong gaya ng buntan, calasiaw, baliwag, sabutan at ibpa., gayon din tumatangap ng pagpapaputi at pag papaayos sa mababang halaga.

[Larawan]

="EL ARNES"=

Ang tindahang ito'y nag bibili ng guarniciones at ibat iba pa na kagamitan sa kabayo at tumatangap din ng pag papakumpuni sa mababang halaga.

CALLE JOLO No. 271

=SASTRERIA DE PATRICIO REYES

RECIBE TODA CLASE DE TRABAJOS A PRECIOS MODICOS=

Azcarraga (frente al Ferro-carril.) Tondo-Manila.

* * * * *

="El vicio del Mundo" FABRICA DE TABACOS=

Dali'y sa Daang Faspia at ngayon ay sa Daang Morga, blg. 35 Tondo. Aring tunay ng Kalahi

=Doroteo Nico.=

* * * * *

=BERNABE STUDIO=

Rumeretrato araw araw mula sa ika 9 n~g umaga hangang ika 4 n~g hapon

=_Peinadora Gratis_=

Malinis, mahusay, at madaling gumawa.

Tumatangap n~g ano mang na uukòl sa Fotografia.

=Gral. Izquierdo blg. 379, Trozo P.O.B. 973=

=Mga Binata:=

Ibig ninyong huag limutin ng inyong mga minamahal?

Bigian ninyo sila ng uliran pabasahin ninyo ng novelang _="Ang Pagibig"=_ ni Ag. Pascual upang makilala nila kung sino si Sening at kung ano ang ugali ni Sening sa pag-ibig.

=Ipinagbibili sa lahat ng Aklatan.=

* * * * *

="SINAG==TALA" SOMBRERIA NI ARCADIO BACHO

Haya 3-4-Tundo. Maynila.=

* * * * *

=LIMBAGAN AT LIBRUHAN ni MIRANDA at Ka.=

Daang San Jacinto Blg. 50

=Tumatangap n~g sari-saring limbagin, libruhin, mga anyaya sa kasal, binyag, esquela, at ibat iba pa.=

=ARMERIA AT CERRAJERIA ni Martin G. Lontok.

Crespo Blg. 60, Quiapo--at--S. Pedro Blg. 73. Sta. Cruz.--Maynila, K. P.=

* * * * *

Tumatangap n~g mga gawain sa pag-aayos n~g mga kaban n~g salapi, maquina sa pagsulat at pananahi, mga bicicleta at nag eempayona n~g m~ga bakal at patalim.

* * * * *

=SASTRERIA DE ROSENDO ESCOBAR=

Recibe toda clase de trabajos concernientes al ramo.

_Azcarraga (frente al Teatro Rizal) Tondo-Manila._

=AGUA MINERAL

SA

LOS BAÑOS

BINUBUHAY NG PUHUNANG PILIPINO

* * * * *

MAKILING

Mabuting inumin para sa sikmura.

Ipinagbibili sa lahat ng almacen.=

Sanga sa Maynila

Acuña, blg. 19-San Nicolas

Telefono 3633.