Masakím

Part 1

Chapter 1 4,144 words Public domain Markdown

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

=Colegio "LA JUVENTUD"=

_Plan de Ensenanza adecuado al del Gobierno._

Bajo la direccion del Prof.

=Perfecto del Rosario.

MORIONES, TONDO.--MANILA=

* * * * *

=Estudios de Primary school, Intermediate y Secondary y Especiales de Peritaje Mercantil, Mecanico y Agrimensor.

Reciben internos, medio-internos y externos.=

* * * * *

=Ang GAWAAN NG GUITARRA=

_ni Pedro Buencamino.

Calle Dulumbayan Blg. 139._

* * * * *

Ay gumagawa ñg sarisaring instrumento de cuerdas at nagbibili ñg ibat ibang cuerdas sa mababang halaga.

=Aklatang "HANTIK" ni J.D. Ampil at ka.=

* * * * *

=¡¡¡MASAKÍM!!!=

sinulat ni

=Andrés Pascual=

UNANG PAGKALIMBAG

=NAVOTAS, RIZAL. K.F 1910.

Limbagan ni MANUEL MIRANDA=

Daang San Jacinto Blg. 50

* * * * *

="LA UNION"

SOMBRERERIA

RELOJERIA

AT PLATERIA

Mga kasankapan ukol sa mga babae at lalaki; gaya ng Tsapin, Kuello, Punos, Korbata at iba pa.

Aring tunay ng kalahi.

A. RIVERA

Rosario, blg. 81 Maynila K. P.

May malaking pagbabawas sa pakiawan.=

[Larawan]

=I.

SINO KA?=

Hating gabi, madilim, ang m~ga dahon n~g halaman ay nan~gakayuko, ang m~ga ibon ay di man lamang humuhuni, sa m~ga hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na un~gol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap n~g ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nan~gagpapahin~galay, ang m~ga hapó at n~galáy nilang bisig sa pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele n~g m~ga walang patlang at malalaking patak n~g ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may pangkaraniwang laki.

Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang lan~git ay biglang nasabugan n~g m~ga maliliit na mata ni Bathala, noon m~ga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g m~ga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag.

Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig:

--Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas.

--Ako ... ang sagot naman.

--Sinong ikaw?

--Ako, ang iyong minamahal.

--Peping!

--Delang!

--Bakit ka naparito?

--Ayaw ka bang pumarito ako?

--Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong _clase_ kayo bukas?

--Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko n~g m~ga sariwang ala-ala.

--Baka sila magising?....

--Hindi.

Makaraan ang m~ga ilang mabayanad na yatiit n~g sahig ay nabuksan ang tabing n~g pinto at sa susun~gaw ang ating binibini; maputi at wari'y isang tala na pan~ginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningnin~gan kaya't walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na n~g ating binata at nagyakap ang mag sing irog ¡kay sarap na pagmamahalan! at pagkatapos maigawad n~g isá at isa ang nararapat ay nan~gagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim n~g isang malabay na puno n~g _acacia_.

--Kay tamis mong magmahal--ang pauna n~g binata.

--At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating binibini.

Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at m~ga lan~gitn~git n~g sahig na muli ang narinig mulá sa itaas.

--¡Nagising! ¡Nagising!--ang halos panabay n~g dalawa.

Isinoot na dali dali n~g ating binata ang kaniyang _capote_ at nagkanlong sa puno n~g kahoy na nasa gawing likuran n~g kanilang pinagulayawan sa nasang makimatyag n~g m~ga mangyayari. Dahan dahang pumanhik ang binibini at pagkatapos n~g isang tanong na: "Saan ka nangaling" at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y nagtuloy n~g umuwi at naghintay na lamang n~g kinaumagahan.

=II.

Walang Dios? ¡Nakapangíngilabot!=

Lingo.

Sa isang bahay-samahan sa nayon n~g X ... ay nan~gagkakatipon na ang ilang m~ga binata ika-tatlo pa lamang n~g hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang n~g m~ga kasapi upang ipagsimula n~g isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't sa lahat n~g m~ga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan n~g dalawa na nasa gawing dun~gawang tabing daan, kayat ang ilan sa m~ga nan~gagsisipaglakad ay nan~gapapatigil lalo na't kung mapalakas ang pan~gan~gatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon n~g Dios. Lahat n~g m~ga salitaan ay nan~gapatigil, lahat ay di umimik, liban sa isang nagsasalaysay n~g kaniyang m~ga paniniwala.

--Walang Dios--ang ulit nito--sapagkat kung mayroong Dios ay saan naroon ang kaniyang kapangyarihan at di igawa upang ang lahat n~g tao'y papagpantay pantayin sa ibabaw n~g lupa? Saan naroon iyang Dios at natitiis ang pagkakaroon n~g m~ga may mababa at matataas na urí at kalagayan n~g taó? Iyang m~ga bagay bagay sa ibabaw n~g lupa na ating nakikita ay tinututulan kong di gawa n~g iisang Dios, sapagkat maraming m~ga halaman na tumutubo sa lupa at kung walang lupa ay wala noong m~ga halaman samakatwid ay di dahil sa likha n~g Dios, kundi dahil sa mayroong lupá.

Alin~gaw-n~gawan ang nadinig pagkatapos n~g gayong pan~gan~gatuiran at m~ga nan~gananaig na tinig ang nan~gariringan n~g ganitong salita:

--Walang Dios?.... ¡Nakapan~gin~gilabot!

--Dahan dahan ka po ginoong Kalihim--ang sagot naman n~g Pan~galawang-Pan~gulo n~g Samahan--at ipagpatawad po ninyong sabihin ko na kayo'y nabibigla lamang n~g m~ga pan~gan~gatwiran, sapagka't ang Sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon _isa_ na lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang Dios. Maraming m~ga halaman n~ga ang tumutubo sa lupa n~gunit di dahil sa lupa lamang kung kaya sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang han~gin, init at tubig ay di rin sila man~gabubuhay; at sino ang lumikha n~g lahat n~g itó, gayon din ang lupang inyong binanguit? Iyang kataas taasang Dios at kung wala _nito_ ay walang anoman, sapagkat _siya_ ang lumik-ha n~g lahat n~g bagay. Ito'y di pan~garap lamang n~g m~ga na nanambahan sa katotohanan kungdi siyang katunayan n~ga. At kung walang Dios na kikilalanin ang tawo ay lalong lalala ang m~ga katampalasanan, di mananatile ang katahimikan, palibhasa'y walang kinatatakutang magpaparusa sa panahong darating. Ang m~ga magnanakaw ay di kukuha n~g ano mang di kanila kailan ma't may m~ga tawo na sa kanila'y nagmamasid, ganiyan ang m~ga tawo sa ibabaw n~g lupa na kailan ma't, walang kinikilalang Dios ay patuloy n~g patuloy ang kanilang m~ga masasamang gawa.

--Mag-iikalima na n~g hapon--ang nakaputol na salíta n~g Pan~gulo sa kanilang m~ga pag-usap.

--Datapuat wala pa sa takdang bilang n~g m~ga dapat magsidalo--ang sagot naman n~g isang kasanguni--lagpas na n~ga sa tadhanang oras n~gunit kaypalay wala n~g darating--ang ulit pa--iyan ang masamang hilig n~g ating m~ga binata n~gayon, isang sakit na kung di malulunasay, pagkakatandaan at isang kapintasan na naman sa ating lahi.

--Ang mabuti'y magkaroon n~g kadalaan ang ating m~ga kasapi. Tayo na.

--Tayo na--ang panabayan naman n~g lahat at nan~gag-alisan.

=III.

¡PANGAHAS!=

Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan n~g kinatatayuan n~g Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang madidinig kundi ang m~ga tawanan at m~ga paputol putol na salitaan, lahat ay masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa kalupaan palibhasay ang m~ga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan n~g m~ga tuksuhan at biruan n~g m~ga magkakasama.

--Ang akala ko po'y may pulong kayo, natapos na pu ba?--ang isang tin~gig binibining nakapagpahinto sa kanilang m~ga pagkakatua.

--Hindi po natuloy ah.....sapagkat tan~gi sa lumagpas na sa tadhanang oras ay wala pa rin sa takdang bilang n~g m~ga kasaping dapat magsidalo--ang sagot naman n~g ating kalihim.

Kindatan, kalabitan at n~gitian na naman sa kabilang panig.

--Sumagot na ang ating _candidato_--ang pasalising naibulong nitong isa sa kaniyang katabi.

At pagkaraan n~g m~ga ilan pang sandaling pag-uusap ay nan~gagpaalaman na ang lahat, tan~gi ang ating binatang di man lamang natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong "mauna na kayo."

Nan~gag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan n~g kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa kaniyang m~ga pahiyas ay sapat n~g makatunaw n~g isang pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning idinudulot sa kaniya ni Pag-ibig, n~gunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat n~g ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita:

--Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata n~g m~ga ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang naipamalas ko na?--tuloy dinampot ang kamay n~g kaniyang sinusuyo't ginawaran n~g isang piping bulong; ipinitlag n~g binibini ang kaniyang kamay n~gunit na huli sa panahon.

--¡Pan~gahas!...¿Bakit ka malikot?--ang pabiglang nasabi n~g binibini na salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman n~g m~ga matatandang nasa kabilang panig n~g bahay at pagkasabi'y nalaglag ang dalawang butil n~g _perlas_ mula sa m~ga mapanhalinang mata n~g binibini at nagulap iyang maaliwalas na lan~git n~g ating binata.

--Parusahan pu ninyo ako, kung ako'y nagkasala--ang patuloy ni Peping--sapagka't ang m~ga yao'y di kinusa n~g aking sarile kundi n~g isang pusong inudyukan n~g nagpipighating damdamin.

Ang ating binibini'y di kumikibo kaya't sinamantala ni Peping ang panahon.

--Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.

Halos madurog ang puso n~g binibini sa ganitong m~ga pag mamaka-amo n~g binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang m~ga matang pinapun~gay n~g dalamhati at nagbigkas:

--Kayo po'y maka-aasa na at wala n~g maghahari sa aking puso kung di kayo. Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang nakalilibid na tali n~g pagpipighati sa puso n~g binata, natapos ang kaniyang m~ga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap n~g ligaya'y pabiglang tumugon n~g:

--Hangang kailan, aking lan~git?

--Hangang libing........at di pa natatapos ay sia n~g pagpasok n~g isang matandang babae, iyang _ali_ na nag alaga at nagpalaki sa ating binibini na kaniyang kinatitirhan.

--Magandang gabi po--ang unang bati n~g binata sa dumating.

--Magandang gabi po naman--ang sagot naman.

At pagkaraan n~g ilan pang m~ga kumustahan at pag sasalitaan n~g iba't iba pang m~ga bagay ay siyang pagtugtog n~g walong "ting" n~g isang orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa n~g binata. Nagtindig si Peping at nagpaalam sa mag-ali. Isang tin~ging naglalagkit n~g binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang mapun~gay na titig at nanaog.

=IV

WALANG HIYA PALA.....!=

Daang N..... isang makipot na landasing patun~go kina Delang; dito naglalacad n~g totoong mabanayad ang ating Peping, nakatun~go iyang mapalad na binata na waring inaalaala ang m~ga nagdaan niang gabi sa pook na yaon. Di kaginsaginsa'y isang binata ang sa darating: si Amado, iyang Pan~galawang Pang-ulo n~g Samahan, iyang nakatalo niya noong lingo n~g hapon; pagdakay tinapik siya sa balikat at sinabi:

--Bakit mabanayad ang lakad mo, saan ka paparoon?

--Dian--ang sagot naman n~g tinanong.

--Ano ba ang lagay mo kaibigan kay Anchang? iniwan ka pa namin noong gabi ah.....

--Mabuti. Akoy nagtagumpay Amado; ang kaniya raw puso ay akin at wala n~g sino pa mang makapaghahari--ang maligayang tugon nito.

--Mapalad ka kung gayon--hangang dito na lamang ang naisagot at siya nilang pagpasok sa bakuran n~g bahay na kanilang sadya.

Napa-tao-po ang dalawa at sa isang sagot na "Magtuloy kayo" ay nan~gag sipanhik at pagkatapos maigawad n~g isa at isa ang nan~gararapat na pag-galang ay naupó si Amado sa isang luklukang yantok na kinaharap ang m~ga magulang ni Delang at si Peping nama'y ang ating binibini. Kanikaniyang m~ga pag-uusap ayon sa kanikanilang m~ga nasa.

Ang dalaway pagsaglitsaglit na sinasariwa ang m~ga nagdaan nilang gabi sa halamanan na di naman mailakas sa pagkat nasa kabilang dako lamang ang isa namang umpukan.

Napahinto ang salitaan n~g dalawa dahil sa isang mariing "hindi" n~g ama n~g binibini at si Peping na mahiligin sa m~ga pakikipagtalo ay nakimatyag sa m~ga sagot at paliwanag n~g kaniyang kaibigan at pagkatapos n~g m~ga ilan pang tugon n~g matanda at m~ga pagpapakilala ni Amado ay napilitang sumagot ang ating binata n~g boong paggalang:

--Ako poy makatutugon sa inyong m~ga usapan baga man di ako kasali, sapagkat ang matanda po'y may m~ga malalakas na katwirang pinanghahawakan at ang isang katunayan po'y gaya n~ga n~g sinasabi ni _P. Rossi_ sa caniyang "_Ang Pangarap_" na aniya'y: "Isang paglapastan~gan lamang sa kalayaan n~g bawat isa ang pagtatag n~g ating Pamahalaan niyang m~ga batas na nagbabawal sa lalaki n~g kalayaan upang mag-asawa n~g dalawa, tatlo ó kung ilan ang kaniyang ibigin." At sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya, kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol n~g m~ga may kapangyarihan kaya't siyang nagiging dahil n~g m~ga kahirapang tinitiis n~g isang taong dapat maging malaya.

Isang "phse" at tin~ging pairap ni Delang ang natanaw n~g binata na siang ikinapahinto n~g kaniyang m~ga pan~gan~gatwiran kayat di na muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian n~g kaniyang irog ang m~ga gayon niang pag mamatwid.

Sumagot naman si Amado sa m~ga salaysay na natapos:

--Isang katiwaliang malaki ang m~ga pagmamatwid n~g kaibigan kong Peping sapagkat ang m~ga batás na yao'y di upang putulan n~g kalayaan ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at pananahimik n~g m~ga mamamayán. Ang kalayaan ay di sa paggawa n~g masama kungdi n~g mabuti. Ang _moral_ ay nababatay sa kaugalian n~g bawat lahi at sapagkat iyan ay di ugali sa ating bayan kaya iya'y laban sa _moral_.

Ninanasa pa sana n~g ating Peping na man~gatwiran n~guni't natatakot naman siyang makagalitan n~g kaniyang Delang na nakikinig n~g m~ga usapan nila kaya't sinasamantala ni Amado ang gayong di pagimik n~g kaniyang kausap.

--Isa pa, kung babayaan naman na ang bawat isa ay makapag aasawa n~g dalawa, tatlo ó apat ay di malayo na sa pagitan niang m~ga babaeng iyan ay magkaroon n~g m~ga pagkakaingitan na siang magiging dahil n~g pagkakaalit-alit at ito'y magbubun~ga n~g lalong m~ga masasaklap na pangyayari sa m~ga babae pa naman n~g ating lahi, sa katunayan ay nakikíta natin na ang isang lalaking may asawa at makaísip n~g isang masamang nasa sa ibang babe dito ay nagpapasimula na ang panaghilian: ang isa'y naiinip sa isa at ang isa namay napopoot sa isa.

Dito na lamang napahinto ang m~ga pagmamatwiranan sapagkat ang kaniyang m~ga katalo'y di na umiimik. Natapos ang m~ga ilang sandali sa gayong di "pag iimikan n~g isa at isa at sa di kawasang paglulungati ni Peping n~g pag sagot dan~gan n~ga lamang at naroon ang sa kania'y mapopoot, ay maibuka na lamang sa bibig ang m~ga salitang:--Nagpapaalam na po ako sa inyong lahat--Dios po ang sumama--ang tugon n~g may bahay.

--Akoy iwan mo na--and kay Amado naman: at nanaog ang ating binata.

Pagkaraan n~g m~ga ilan pang salitaan hin~gil sa natapos na pag-uusap ay nan~gag labasan ang m~ga magulang n~g binibini upang ihanda ang hapunan nila. Natira si Delang at si Amado so loob.

--Kailan ka pa ba magtatan~gi n~g isa sa m~ga nan~gagsisiparito sa inyo?--ang pabirong salita n~g binata--naunahan ka pa n~g kapatid mo.

--Sino, si Anchang? Kanino?

--Kanino daw? Sa aming kalihim, kay Peping--isang dagok itong halos nakapag pahinto n~g m~ga tibok n~g puso ni Delang.

--Malabo ka. Iya'y hindi totoo.

--Aba! ayaw palang maniwala, sinabi sa akin n~g totoo n~g aking kaibigang Peping ah ...kanina lamang.

--Walang hiya pala!--ang isang talipandas na salitang nabigkas agad n~g binibini.

--Sino, si Anchang?

--...............

--Si Peping?

Isang buntong hinin~gang malalim ang naging tugon.

--Parito na't kumain--ang mula sa labas na nakaputol n~g salitaan n~g dalawa.

Nan~gagsilabas: si Dela'y tinun~go ang pagkain at si Amado'y ang hagdanan pagkatapos n~g m~ga pagpapa-alamanan.

=V

MGA PATAK NG LUHA=

Isang batong mabigat ang nakapataw n~gayon sa puso n~g binibini, isang suliraning pinaglalahuan n~g matwid ang di makaya kayang dalhin n~g isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay n~gayon lamang nagtikim n~g hirap, n~gayon lamang nasubo sa laran~gan n~g pagbabata, sapagkat ang m~ga nagdaan niang panaho'y pawang aliw, pawang m~ga kaligayahang lalo nat sa piling n~g kaniyang giliw. Buhat kagabi, kagabing tangapin niya ang m~ga nakapagn~gin~gitn~git na balita'y di na sia mapalagay, di makakain,lahat ay mapait, di makatulog, kaya't lahat n~g m~ga nangyari n~g gabing nagdaan ay walang nalin~gid sa kaniya at bawat hihip n~g han~ging kaniyang masamyo ay isa isang pinaghahabilinan n~g kaniyang m~ga panaghoy. "Kay saklap lasapin n~g m~ga panahong itong idinudulot n~g katalagahan" ang madalas masabi sa sarile pagkatapos n~g m~ga ilang patak na luha. Kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan n~g lalong m~ga matutwid na paraan upang sia'y maalis sa silo n~g kapanglawan, n~guni't waring isinusurot sa kanya n~g isang maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong m~ga mahahayap na pula n~g marami. ¡Oh, ang larawan n~g isang nilalasog n~g dalamhati....! Anó ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos n~g m~ga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay m~ga patak n~g luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa-awang binibini.

Umagang umaga pa'y nanaog na; nakabihis n~g kaniyang pangkaraniwang soot, at di pa nakalalayo n~g m~ga ilang hakbang, ay muling nagbalik, pumanhik at naupo sa isang likmuan na tutop ang noo at iniisip ang kaniyang m~ga gagawin; di kaginsa ginsa'y nagkagising na ang sambahayan at n~g mamulatan n~g ina'y tinanong sia kung bakit.

--Sumasakit po lamang ang ulo ko--ang isinagot at pagdaka'y tumindig at nagpa-alam na sasaglit muna siya kina Anchang.

--Ang sabi moy sumasakit ang ulo mo at saka maglalakad ka pa.

--Wala na po naman eh ...

--Pagka-agahan na ang ulit naman n~g inang di na nahalata ang m~ga sagot na gawagawaan lamang n~g kaniyang anak.

Ang binibini, taglay n~g pagkamasunuring anak, ay napahinuhod n~gunit wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang puso, nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa. Nag agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating, walang pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia Enciang na nananahi.

--Ano po iyang ginagawa ninyo--ang unang bati n~g dumating.

--Eh, ito bang saya tinatabi kot magagamit pa din naman eh ...

--Bakit po kayo, si Anchang po saan naruroon?

--Naríyan sa silid at mayroon yatang ginagawa; pasukin mo.

Nagtuloy ang ating binibini at n~g nasa pintuan na'y agad tiniklop n~g dinatnan ang kaniyang sulat na ginagawa at sinalubong na nakan~giti ang kaniyang kapatid.

--Bakit n~gayon ka lamang naparito? kahapon pa kita ina-antay--ang maligayang tanong ni Anchang.

--May kailan~gan ka ba sa akin--at napatak na naman ang luha sa pagka ala-ala niya n~g kaniyang nabalitaan kagabi, bakit ang isa pang nakapag padalamhating lalo sa kaniya'y ang pagkamalas sa liham na dinatnan niyang sinusulat na siyang nagpasok sa kaniyang ala-ala n~g kung ano ano nang m~ga bagay.

--May dinaramdam ka ba?--ang maamong tanong naman n~g kaniyang kapatid na napaluha rin--ano ba ang ibig mong inumin?--at umakmang lalabas, n~gunit pinigilan ni Delang sa nasang huag n~g maalaman n~g kanilang tia Enciang ang kaniyang m~ga nasasaloob at tumugon na lamang n~g:

--Huag ka n~g mabahala may na ala-ala lamang akong isang kalunos lunos na mapagsasapit.

--Nino?...anó yaon?

--..........................

--Anó lamang yaon eh--ang patampo n~g salita ni Anchang.

Iniisip n~g ating binibini kung ano ang kaniyang gagawin, siya'y nasa isang malawak na dagat n~g nag-aalinlan~gang di niya matarok ang magiging hanga. "Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. ¡Kay pait lunukin n~g m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g m~ga ilang simbuyo n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap.

--Bakit lamang? Ako'y tutulong sa m~ga pinapasan mong dalamhati, ayaw ka ba--ang ulit nanaman n~g bunso.

Ninanasa na sanang magtapat ni Delang n~gunit pinigil siya n~g malaking kahihiyan sapagkat siya'y isang kapatid na matandang dapat kunang uliran sa kabutihan.

--¡Delang! ¡Delang!--ang m~ga tawag na mula sa labas--ipinatatawag ka n~g nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang m~ga luha at bago pa lumabas.

--Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak?--ang sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang.

Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing:

--Nakagat po n~g langam ang sulok n~g mata ko.

--Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo.

Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.

=VI

¡PATAWAD!=

Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya n~gayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin n~g kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat sino ang lalapastan~gan sa akin? Si Peping ay tapat ang pagibig at sa kaniya'y wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag-asa ko, wala akong nalalamang itinatan~gi siyang iba at di ko naman iniisip na siya'y magtatan~gi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang m~ga pan~gako at di naman niya sasayan~gin ang m~ga pagmamahal ko. Ako ang tinatan~gisan ng aking kapatid?.... Hindi, sapagkat anó ang dapat niyang ikalungkot sa akin? Ang kaniyang sarile ang iniiyakan? Ewan ko, n~gunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? Wala akong maala-ala. M~ga sandali itong punong puno n~g m~ga pagkukuro sa isip ni Anchang. At si Delang anó naman ang ginagawa? Ah ... siya nama'y nananan~gis sa kanilang silid di makalabas kahit tinatawag kaniyang mapag arugang ina at hangang sa siya'y mahalata sa pamamanglaw.

--Bakit? ang marahang tanong n~g ina pagkamasid sa m~ga matang binabalun~gan n~g luha n~g kaniyang anak.