Part 2
Ay ang pinagcaisahan nang dalauang tampalasan, ay umuguin ang catauan sa guitna nang caparangan.
Nang hindi macagalao ang príncipeng si don Juan, capagdaca ay iniuan aco'i, canilang tinagláy.
Nang masabi nanga itó naghaliling panibago balahibong icapitó na anaqui ay carbungco.
Ito'i, siyang catapusán mahal na hari'i, paquingán, pinagdaanang cahirapan nang bunsó mong si don Juan.
Sa malaquing auang lubós nang Vírgeng Iná nang Dios, isang matanda'i, dumulóg at siya'i, tambing guinamót.
Hinipo na ang catauán at pinag-ayos ang lagay, nacatindig na mahusay itong príncipeng si don Juan.
Caya co di ipaquita ang mariquit na hichura, ay hindi dumarating pa ang sa aquin ay cumuha.
Ang isa pa haring mahal ang anác mong si don Juan, siya mo pong pamanahan nitong iyong caharian.
Nang ito'i, masabi na nitóng ibong encantada, tumahán na nang pagcantá hindi na naringig niya.
Ang saquít na dinaramdam nang haring aquing tinuran, parang nagdahilán lamang at gumaling ang catauán.
Ang haring si don Fernando tinipon na ang consejo, at pinaghuntahan dito si don Pedro't, si don Diego.
Sa guinauang caliluhán sa capatid nilang hirang, cun ano ang catampatang parusang dapat ibigay.
Ang sagot nang calahatán destierro'i, ang carampatan, nang huag silang mapisan sa príncipeng cay don Juan.
Nang cay don Juang matatap ang hatol na iguinauad, siya ay nagdalang habág sa capatid niyang liyág.
Lumapit capagcaraca sa harap nang haring amá, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá.
Alang alang sa corona at hauac na cetro niya, huag nang biguiang parusa ang capatid cong dalauá.
Cun sila'i, ipadalá man sa malayong caharian, di co mababatang tunay na hindi paroroonan.
Caya haring aming amá patauarin na po sila, sa Dios ito'i, talagá ang guinaua nilang sala.
Ang di magpatauad naman sa guinauáng casalanan, ay di rin naman cacamtán ang gloria sa calangitán.
Nang sa haring maunaua yaóng cay don Juang uica, pinatauad alipala yaóng dalauang cuhilá.
Nagsamang nuling mahusay doon sa palacio real, ang hari nag-uica naman sa tatlóng anác na hirang.
Cayong tatló'i, halinhinan sa ibong co'i, magbabantay, ang magpaualáng sino man macacapalit ang búhay.
Sa cahabaan nang arao nang canilang pagbabantay, di mauala sa gunam-gunam cay don Pedrong cainguitan.
Ang guinaua nilang laláng ang dalaua'i, magsasabáy, saca hahalili naman ang príncipeng si don Juan.
Ay nang isang gabí bagá ang ora'i, á las doce na, guinising na nang dalaua ang bunsóng capatid nila.
Si don Juan ang nagbantay niyaong gabing calaliman, nang magmamadaling arao siya'i, agad nagulaylay.
Ang cay don Pedrong nilaláng linapitang dahan-dahan, yaong jaula at binucsan ang ibon ay pinaualán.
At saca nga umalis na na nag-ualang quibó siya, ay niyong mag uumaga si don Jua'i, naguising na.
Ano'i, nang caniyang maquita na ang ibon ay uala na, sinidlán nang tacot siya sa mahal na haring amá.
Ito'i, sucat na pagmasdan nang anác na sino pa man, sinong di matacot naman sa castigo nang magulang.
Sa malaquing tacot niya sa búhay na macucuha, nagtaanan capagdaca at siya'i, umalis na.
Nguni aquin munang lisan ang pag-alis ni don Juan at ang aquing ipagsaysay ang hari niyang magulang.
Nang siya ay maguising na nagtuloy nanga sa jaula, ang pintó ay nacabucá at ang ibon ay uala na.
Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang lumapit na agád.
Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan ang nagbantay.
Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong biguiang sála.
Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan.
Yáo nanga't, lumacad na magcapatid na dalauá, cabunducan ang pinunta si don Jua'i, quiniquita.
Ito'i, aquing pabayaan na pag-lalacad sa párang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si don Juan.
Doon naghinahán siya sa bundóc niyong Armenia, tantong caliga-ligaya sa tanang bundóc na ibá.
Ang cahoy sa caparangan cauili-uiling pagmasdan, ang damó'i, gayón din naman sadyáng nangagdiriquitan.
Ipagparito co muna magcapatid na dalauá, ang paghanap sabihin pa cay don Juang bunsó nila.
Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, canilang napatunguhan ang Armeniang cabunducan.
Doon nga nila naquita ang bunsóng capatid nila, si don Diego'i, nag-uica na nang ganitong parirala.
Cun dalhín ta si don Juan sa Berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring ating magulang.
Ngayo'i, lalong mabuti pa tayong tatló'i, magsasama, at huag nating ipaquita sa mahal na haring amá.
Doon nga tumahan sila tatlóng magcapatid bagá, ang tuá ay sabihin pa sa cabunducang Armenia.
Ay ano'i, caguinsa-guinsa isang balón ang naquita, ibig ni don Juan bagá ang lalim mataróc niya.
May lúbid nga sa ibabao ang balón nilang dinatnán, ay nag-uica si don Juan acó ay inyong talian.
Sumagót nga si don Diego aco'i, matanda sa iyo, ang ihulog muna'i, aco, ang lalim nang matantó co.
Si don Pedro'i, nagpahayag aco'i, matanda sa lahat, aco ang siyang marapát na sa baló'i, sumiyasat.
At capag aquing tinangtáng ang lúbid na iyong tangan, hilahin ninyo pagcuan nang aco'i, mapaibabao.
Tinalian nanga siya inahulog capagdaca, tatlong puóng dipa bagá. ang siyang sinapit niya.
Sa malaquing catacután ang lúbid agad tinangtáng, hinila na sa ibabao nang dalauang nagtatangan.
At tinanong nanga nila cun ano bagang naquita, paquingan ninyong dalauá ang aquing ipagbabadyá.
Ang balón cong nilusungan di co mataróc ang hangán, dilím na di ano lamang aco ay nahintacutan.
Ani don Diego naman acó ang inyóng talian, at nang aquing maalaman ang sa balóng cahanganan.
Tinalian capagdaca at siya'i, inihulog na tatatló pa lamang dipá ang siyang sinapit niya.
Sa malaquing tacot bagá ang lubid ay tinangtáng na, sa ibabao ay hinila nang capatid na dalauá.
Ani don Juan at saysay sa amin ay iyong turan, cun inabót mo ang hangán nang balón mong linusungan.
Sagót ni don Diego naman di co masapit ang hangan, at sa lubhang cadilimán loob co'i, nahintacutan.
Ani don Juan at turing aco ang taliang tambing, at aquing sisiyasatin itóng balóng sacdal dilím.
Tinalian capagdaca ang bunsóng capatid nila, sa baló'i, inihulog na nang capatid na dalaua.
Ang sa historia ngang saysay na sa balóng calaliman, mahiguit sa isang daan na dipá ang casucatán.
Nang siya nga'i, dumating na sa fondo nang balón bagá, ay quinalág capagdaca ang lubid na tali niya.
Lumacad na capagcuan ang príncipeng si don Juan, isang pintó ang binucsán pumasoc na nagtuluyan.
May isang campong maluang doo'i, caniyang dinatnán, linis ay ualang cabagay nang lupang tinatapacan.
Ang sari-saring bulaclac naroo't, namamacetas, diquít ay ualang catulad bangó'i, humahalimuyac.
Doon sa pag-libot niya sa macetas at sampaga, may bahay siyang naquita diquít ay ualang capara.
Tumauag na capagcuan ang príncipeng si don Juan, siya naman ay dinungao nang princesang na sa bahay.
Nang maquita'i, binati na ang mariquit na princesa, bibiguiang arao na maganda poon nang tanang sampaga.
Anang princesa'i, ganito salamat naman sa iyo, namamangha ang loob co nang iyong pagcaparito.
Sagót nang príncipe't, uica abá mariquit na tala, pagcaparito co'i, bigla dalá nang sintang gahasa.
Inalipád sa itaas nang malabay niyang pacpac, saca po caringat dingat sa harapan mo'i, lumagpác.
Caya mahal na diosa huag cang mag-ala-ala, sa Dios ito'i, talagá tangáp ang hain cong sinta.
Ang sagot ni doña Juana na cun may tapang cang dalá magtulóy na pumanhic ca at dini mag-usap quita.
Pumanhic na capagcuan ang príncipeng si don Juan, at nuha nang silla naman ang dalaua'i, nag-agapay.
Ang uica nang princesa doon sa hain mong sinta, malaqui cong ala-ala sa loob bagáng mag-isa.
Saan quita ilalagay na iyong pagtataguan, at baca icao ay datnan nang giganteng tampalasan.
Yaong lilo at cuhilá sa aqu'i, nag-aalaga, malaqui co ngayong aua sa buhay mong mauauala.
Isinagót ni don Juan ualin mo sa gunam-gunam at hamac sa aquing camáy ang giganteng tampalasan.
Sa pag-uusap nila nang príncipe at princesa, siya nangang pagdating na nang giganteng palamara.
Sa hagdan nang dumating na tinauag si doña Juana, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá.
Si don Jua'i, sumagót nga anong dami mong usisa, aco ang siyang nagsadyá sa princesa mong alagá.
Anitong gigante naman malaqui cong catuaan, mayroon acong dinatnan na sucat cong icabuhay.
Isinagót ni don Juan yao'i, sucat mong asahan, cun aco'i, iyong mapatay pagsil-in ang aquing bangcay.
Anang gigante at badyá cun gayon ay lalaban ca, hinauacan capagdaca ang espada't, naghamoc na.
Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, ay napatay ni don Juan ang giganteng tampalasan.
Anang príncipe at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis quita.
Ang sagót ni doña Juana may lumbay rin acong dalá, at aquing maiiuan pa bunsó cong si Leonora.
Nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang.
Ani don Juang masiglá dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong Leonora.
Lumacad na nagtuluyan itong príncipeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata'i, nacasisilao.
Ang hagda'y, gintong lantay cauili-uiling titigan, na cun sa lupang ibabao ualang catulad cabagay.
Napatauo capagdaca itong príncipeng masiglá, siya namang pagdungao na nang princesa Leonora.
Nang cay don Juang maquita ang cariquitan at ganda, ito'i, lumalo aniya doon cay doña Juana.
Big-yan nang Dios na mahal niyong pong magandang arao, sagot nang princesa naman ay capua maquinabang.
Nguni aco'i, namamangha ó príncipeng daraquila, lugar na ito'i, lihim nga ay baquin mo naunaua.
Isinagót ni don Juan ay abá palabang Buan, paquinga't, aquing tuturan ang sa aquin ay nagtaglay.
Isang bungang panaguimpan sa pagtulog co'i, pumucao, ang catulad co't, cabagay ang isang pinag-ulapan.
Ang sa bungang tulog co nga na pumucao sa pag-higa, sa ilalim nitong lupa ay mayroong isang tála.
At sa aquing pangangarap aco'i, agád inalipad, camuc-há'i, ibong may pacpác dito aco inilagpac.
Hindi co nga máalaman itó pong lihim na lugar, sa Dios na calooban cun caya po natutuhan.
Cayá mahal na princesa huag cang mag-ala-ala, ang Dios ang may talagá cayá tangáp yaring sintá.
Sagót nang princesa't, sulit magtulóy ca pong pumanhíc, at nang iyo pong mabatid handóg mong sintá sa dibdib.
Pumanhíc na capagdaca itong príncipeng masiglá, sa silla ay umupó na nag-usap silang dalauá.
Isinagót ni Leonora tungcól sa alay mong sintá, malaquí cong ala-ala serpiente'i, cun dumating na.
Saan quitá ilalagáy na sucat mong pagtaguan, nang hindi ca maamuyan niyong lilo't, tampalasan.
Sagót nang príncipe't, badyá huag cang mag-ala-ala, ang bahala ay acó na sa tacsíl at palamara.
Ano ay caguinsa-guinsa ang lúpa ay umugong na, siyang pagdating pagdaca nang serpienteng palamara.
Sa hagdana'i, lumapit na tinauag na si Leonora, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá.
Sumagót si don Juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada cong tagláy aalis nang iyong búhay.
Anang serpiente'i, ganitó iyan ang siyang hanap co, ualang pagsalang totoó icao ay bibihaguin co.
Ano pa nga at nag-laban ang capua lacas, tapang, ang príncipe'i, di tamaán nang serpienteng tampalasan.
Ang isang catacá-tacá sa tacsíl at palamara, ang úlo'i, cun mapútol na naniniquit na mulí pa.
Nang maguing tatlóng oras na ang canilang pagbabaca, cay don Juan ay nagbadyá ang tacsíl at palamara.
Quita ay magpahingaláy nitóng ating pag-lalaban, napa-ayon si don Juan sa serpienteng tampalasan.
Sa príncipeng pagcalagay sa bintanang tapat naman, ang princesa ay dumungao at siya ay tinauagan.
Don Juan ay abutín mo itóng mahal na bálsamo, at siyang ibubuhos mo sa mapupútol na úlo.
Ang balang úlong mapugay cahit siya'i, lumucsó man cun ma agád mong mabusan, di mauulí sa lagay.
Quinuha na capagdaca ang mahal na balsamera, at mulíng naghamoc sila nang serpienteng palamara.
Nang maputol na ang anim na úlo nang lilo't, tacsíl, at di na mauling tambing cagalitan ay sabihin.
Lalo nga ang cagalitan dito sa princesang mahal, at biniguian si don Juan nang bálsamong cagamutan.
Anang serpiente at badyá dini sa úlo cong isá, na ngayo'i, natitirá pa sa búhay ninyo'i, cucuha.
Ang dalaua'i, nagsagupa umulit silang nagbangá, ang úlong natitirá nga nalaglág agád sa lúpa.
Capagdaca ay binusan nang bálsamo ni don Juan, siya nangang pagcamatáy nang serpienteng tampalasan.
Ani don Juan at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintáy mo pa at hindi umalís quitá.
Sa pagmamadaling tunay nang princesang matimtiman, ang lobo niyang aliuan ang na-isucbit na lamang.
Diamanteng singsing niya ay naiuan sa lamesa, nagsi-alis nanga sila dalauang magcasi't, sintá.
At canilang dinaanan si doña Juanang marangal, ang tatló'i, nalis naman at sa lúbid nagtuluyan.
Nang sila ay dumating na sa lúbid na laan bagá, sila ay nangagtáli na at hinila capagdaca.
Nang dumating sa ibabao ang tatló'i, magcacasabáy, si don Diego ay nagsaysay narito na si don Juan.
Cay don Pedrong maquita mariquit na Leonora, tinablán agád nang sintá púso niya't, ala-ala.
Niyong sila'i, aalis na at oouí sa Berbania, ay nangusap capagdaca ang princesa Leonora.
O don Juang aquing búhay ay aquing nacalimutan, ang singsing cong minamahal sa lamesa ay naiuan.
Anang príncipe at badyá cayo'i, maghintay aniya at aquing cucunin muna yaong singsing nang princesa.
Ani doña Leonora huag na guilio co't, sintá, cun paroon cang mag-isá malaqui cong ala-ala.
Ang uinica ni don Juan yao'i, masamáng maiuan, aquin ngang pagbabalicán at aco'i, nahihinayang.
Sa hindi ngani mapiguil itong príncipeng butihin, ay nagtali nangang tambing lumusong na magtuloy rin.
Nang mayroong sampóng dipá ang lúbid na nahugos na, ay pinatíd capagdaca ni don Pedrong palamara.
Di anong casasapitan sa gayong lalim na hucay, gauang capanganyayaan capatid na tampalasan.
Nang maquita nang princesa guinauá sa casi't, sintá, halos manao ang hininga sa baló'i, tatalóng sadyá.
Agád siyang hinauacan ni don Pedrong tampalasan, aanhin mo si don Juan aco'i, narito rin naman.
Ang nasoc sa ala-ala nang hindi bitiuan siya, ang lobong aliuan niya caniyang paualán bagá.
Quinuha na sa sucbitan at inihulog sa húcay, nguni't, bago binitiuan caniyang pinagbilinan.
Cun nasactan si don Juan gamutin mo capagcuan, siya'i, aquing hinihintay sa caniyang caharian.
Umalis at lumacad na magcapatid na dalaua, sampong dalauang princesa ina-oui sa Berbania.
Atin munang pabayaan ang paglalacad sa parang, at ang aquing ipagsaysay ang hari nilang magulang.
Yaón ang napanaguimpán nang haring Fernandong mahal ang anác na si don Juan pinag-lilo at pinatáy.
Ito'i, lisanin cong agád na sa haring napangarap, at ang aquing ipahayág ang apat na naglalacád.
Nang sila'i, dumating na doon sa reinong Berbania, sa palacio'i, nagtuloy na humarap sa haring amá.
Lumuhód na sa harapán nang amá nilang magulang, canilang ipinagsaysay lahat nang pinagdaanan.
Si don Juan po'i, hindi na na amin siyang naquita, itong dalauáng princesa ang siya naming nacuha.
At sa lupang calaliman doon namin nasumpungán, may alagang nagtatangan gigante't, serpienteng hunghang.
Cami ay naquipagbaca at lumaban sa canila, nang manga-patáy pagdaca manga princesa'i, dinalá.
Nang ito'i, mapaquingan nang hari nilang magulang, di hamac ang catauaán at sila'i, benendicionan.
Itong hari'i, may tuá man sa manga princesang tagláy, malaqui ring calumbayan sa anác na cay don Juan.
Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua.
Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman.
Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá.
Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.
Aco'i, biguian mong tambing nang isang silid na lihim, at doon co tutuparin ang panata cong gagauin.
Nang ito ay mapaquingan nitong haring matimtiman, caniyang ipinaayunan sa princesang cahingian.
Inilagay nangang tambing sa isang silid na lihim, at doon nga gaganapin ang panata niyang hiling.
Si don Diego't, doña Juana iquinasal capagdaca, catuaa'i, sabihin pa boong reino nang Berbania.
Ay ano'i, nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitóng daquilang monarca.
Aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualán, nang maquita si don Juan manga lamóg ang catauán.
Ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamót pinag-ayos na catauáng caaya-aya.
Ano'i, nang gumaling naman at siya nga'i, macagalao, ang lobo'i, nuha pagcuan nang tatlong botellang hirang.
Dalaua'i, tali sa paá cagát sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada.
Nagtulóy na capagcuan doon sa ilog nang jordán, nagcataóng nalilibang yaong manga nagbabantay.
Isinaloc nanga niya ang daláng tatlóng botella, at lumipád capagdaca ito ngang lobong masiglá.
Hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo'i, napailanláng at di nila inabutan.
Nang ito'i, dumating naman sa príncipeng cay don Juan, ang ulo'i, agad binusan tuloy hangang talampacan.
Nang siya nga ay mabusan tubig na galing sa jordan, nagbango't, lumacás naman itong príncipeng marangal.
Quinuha na niyang tambing diamanteng naiuang singsing, sa aua nang Ináng Vírgen lobo ang nagparaan din.
Si don Jua'i, quinasihan nang Dios na Poong mahal, nacaahong matiuasáy sa balóng quinalalag-yan.
Ang nasoc sa calooban nitong príncipeng timtiman, moui siyang magtuluyan sa caniyang caharian.
Sa pag-lacad ni don Juan sa bundóc at caparangan, nagdamdam nang capagalan sa tinding sicat nang Arao.
Sa isang puno nang cahoy na malaqui't, mayamung mong siya roon ay sumilong at humilig naman tuloy.
Sa calamigan nang hangin at tantong caalio-alio, ay agad nang nagupiling itong príncipeng butihin.
Ano ay caguinsa-guinsa doon sa pagtulog niya, siya nangang pagdating na mahal na ibong Adarna.
At sa tapat ni don Juan sa cahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa catauán.
At saca siya nagcantá nang tantong caaya-aya, don Juan magbangon na sa tulog mo'i, gumising ca,
Sa voces na mataguinting siya'i, agad na náguising, at pinaquingang magaling ang sa ibong pagtuturing.
Malaquí mong ala-ala sa princesa Leonora, may lalo pa sa caniya nang cariquitan at ganda.
Malayo nga rito lamang ang caniyang caharian, at malapit siyang tunay sa sinisicatan nang Arao.
Na cun siya mong macuha at iyong mapangasaua, dito sa mundo'i, pang-una sa cariquitan at ganda.
Yaong tatlong princesa sa haring Salermong bunga, si doña María Blanca, ang matandá sa dalaua.
Sunód si doña Isabel parang maningning na garing, si doña Juana'i, gayon din ang tala'i, siyang cahambing.
Hayo lacad na don Juan sa reino nang de los Cristal, ipagcacapuri mo naman sa haring iyong magulang.
Nang ito ay maringig na nitóng príncipeng masiglá. naualá sa loob niya ang princesa Leonora.
Lumacad na nagtuluyan ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan sinisicatan nang Arao.
Aquing lisanin na muna yaong pag-lalacad niya, at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora.
Arao, gabi'i, tumatangis sa quinalalaguian'i silid, ang caniyang sinasambit, si don Juang sintá't, ibig.
Cun caya humingi aco nang pitóng taóng término, si don Juan ang hintay co caya nagtitiis dito.
Na cun hindi ca binuhay nang lobo cong pinaualán, caloloua mo man lamang aco'y paqui-usapan.
Ito'i, itiguil co muna pananaghoy nang princesa, at ang aquing ipagbadyá si don Juan de Berbania.
Tatlóng taóng ualang culang ang pag-lalacad sa párang, hindi niya maalaman ang reino nang de los Cristal.
Sa malaquing capalaran nang príncipeng si don Juan, ay nasalubong sa daan ang isang matandang mahal.
Anang príncipe at badyá núno'i, magdalang áua ca na cun may baon cang dalá aco'i, limusan po niya.
Sagót nang matanda naman mayroon nga acong taglay, munting duróg na tinapay quinacain co sa daan.
Narito't, cumuha ca na at nang huag magutom ca, nang cay don Juang maquita ay nasuclám bagá siya.
Ang tinapay ay maitim ang isa pa ay bucbúquin, sa malas niya at tingin nacasusuclám na canin.
Sa malaquing cagutuman nang príncipeng si don Juan, nuha nang munti lamang at para bagang titicmán.
Nang caniyang malasahan itong bucbúquing tinapay, masarap at malinamnam parang cahahango lamang.
Anitóng matandá bagá ang aquing bumbóng na dalá, may lamang pulót aniya cumuha at uminóm ca.
Humigop na si don Juan nitong pulót nang puquiotan ay naualá capagcuan ang caniyang cagutuman.
At nulí ngang nag-uica pa matandang causap niya, diyan sa bumbóng na isá may lamáng tubig aniya.
Huag mong ubusin lamang caunti aco't, iuanan, at mahaba pa ngang aráo ang pag-lacad co sa párang.
Nang maquita ni don Juan yaong bumbóng na may lamán, ay isang dulong cauayan ang siyang quinalalag-yan.
Uica nang principe at badya núno po ay maquinig ca, cun ito'i, ubusin co na munti ma'i, ualang itirá.
Sagót nang matandá naman inomin mo na don Juan, cahit aco'i, maualá man huag icao ang magculang.
Ininóm na ni don Juan tubig na camuc-ha'i, cristal, sa Dios na calooban hindi nagculang munti man.
Nang caniyang mapagmasdan ang tubig ay di nagcuculang, ang matandáng ito naman segurong may carunungan.
Umulit pa ngang nag-uica itong príncipeng daquila, ugali nang isang bata ang magtanong sa matandá.
Sagót nang matandá naman sabihin mo't, iyong turan, ang loob co'i, namaáng nang layong pinangalingan.
Isinagót ni don Juan ganitó po ay paquingan, ang aquing pong pinapacay ang reino nang de los Cristal.
Sagót nang matanda'i, ito Jesús na Panginoon co, ang pag-lalacad cong ito isang daang taóng husto.
Hindi co napag-alaman ang reino nang de los Cristal. iyang hanap mo don Juan malayong di ano lamang.
Nguni't, quita'i, tuturuan sundin mo't, huag sumuay, lumacad cang magtuluyan icapitóng cabunducan.
Doon ay inyong daratnán isang ermitañong mahal, at siya mong pagtanungan nang sadyá mong caharian.
Narito't, ngayo'i, cunin mo capiraso nang báro co, at siyang ipaquita mo sa daratnang ermitaño.
Cun icao ay tatanungin nang quinunan mo cun alin, ang pangalan mong sabihin isang matandáng sugatín.
Yao nanga at pumanao ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan icapitóng cabunducan.
Ito'i, lisanin co muna manga, pag-lalacad niya at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora.
Parati nang tumatangis sa quinalalag-yáng silid, ang caniyang sinasambit si don Juang sinta't, ibig.
Cundi ca guinamot naman nang lobo cong binitiuan, baquit di pinagbalican nang hayop cong inutusan.
Tatlóng taón nang mahiguit yaring aquing pagtitiis, saca ang maipagsasapit macacasal sa di ibig.
Diyata matuid naman at iyo nang calooban, na acó ay mapacasál cay don Pedrong tampalasan.
Ito'i, uacás na at hangán nang pagtauag co don Juan, cun culanging capalaran aco'i, di mo na daratnan.
Ito'i, lisanin cong agad ang sa princesang pagtauag, at ang aquing ipahayag ang príncipeng naglalacad.
Limang buang hustó bagá yaóng pag-lalacád niya, siya namang pagdating na sa mariquit na ermita.
Doo'i, caniyang dinatnan isang ermitañong mahal, balbás ay hangang sa bay-uang nacatatacot cun tingnán.
Anang matanda'i, ganitó umalis ca manunucsó, mahaba nang taón aco ualang sumasapit dito.
Sagót ni don Jua't, uica nuno'i, huag cang mamangha, aco'i, inutusang cusa isang mahal na matandá.
Narito po't, iyong cuha capirasong baro niya, sa ermitañong maquita ay inabót capagdaca.
Hinagcán na't, tinangisan yaong baro niyang tangan, luha sa mata'i, bumucal parang agos ang cabagay.
At nag-uica nang ganitó Jesús na Panginoon co, ngayon lamang naquita co ang mariquit na baro mo.
Ang hindi co naquita catauan mong mapanintá, di co nababayaran pa ang aquing nagauang sala.
Sa dibdib ay inilagay capirasong barong mahal, at sacá tinanong naman ang príncipeng si don Juan.
Ano ang sadyá mo bagá at cusang naparito ca, anang príncipe at badyá ganitó po'i, maquinig ca.
Ani don Juan at sulit ermitañong sacdal diquit, ang hanap co pong mapilit ang reinong de los Cristales.
Ang sagót nang ermitaño Jesús na Panginoon co, limang daang taón aco nang pagcatahán co rito.