Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

Part 2

Chapter 23,935 wordsPublic domain

Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing, ang Anác mong iya'y cung ibig patain ualang kisap matang búhay ay makitil.

Cung ibiguin niya naman ang mabuhay mangyayari cung caniyang calooban, at tunay na siya ay may carapatan caya n~ga dapat mong sampalatayanan.

Icaw n~ga sa caniya ay magmacaaua nang upang ang galit sa iyo'y mauala, nang iyang Anác mo'y gumaling na cusa ang tanang biling co'y ganapin mong biglá.

Ang butihing Reyna ay di umiimic ala-alang baca Hari ay magalit, caya n~ga't sa Dios ay inahihibic na pagalin~gin na ang Anác na ibig.

Upang yaong maling pagsampalataya nang Haring si Clovis na sintang asaua, ay di manatili nang man~ga pagsamba sa man~ga Idolo na ualang halaga.

Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot sa Hari at baca ang Anác na irog, ay di guminhaua't búhay ay matapos caya di mapalagay ang caniyang loob.

Yaon ang dahilang di icagupiling at laguing sa Dios ay idinadaing, na ipagcaloob nauang pagalin~gin ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.

Saca sa asaua'y isinamo naman na ipagpagaua siya nang Simbahan, na laang caniyang pananalan~ginan sa Dios na Amáng macapangyarihan.

Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna ay sinunod naman nang sintang asaua, sa dagling panaho'y nagpagaua siya ayon sa pagtupad nang pan~gaco niya.

Hari palibhasa ang siyang may atas ang nan~gagsigaua'y daming dili hamac, caya't nayari rin namang ualang liuag ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.

Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining na magagaua nang doo'y manalan~gin, isang batóng marmol ay nagpacuha rin at ipinag-utos na pacalinisin.

At doon sa guitna'y ipinaukit niya ang pan~galan nang Vírgen Santa María, nang mayari nama'y ipinalagay na sa guinauang Altar na itinalaga.

Cusang pinag-ayos na pinakarikit at madlang pamuti ang doo'y guinamit, doon nanalan~ging taimtim sa dibdib sa n~galan nang Vírgen matá'y nacatitig.

Nang pananagano nang mahal na Reyna sa Dios na Poon at Vírgen María. marami rin n~gang sa caniya'y gumaya na nagsidalan~ging nanicluhod sila.

Sa pananalan~gin nang naroong lahat may nadin~gig silang voces na nan~gusap, na labis nang tinig at lubhang malacas caya't silang tanan ay nacatalastas.

Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay ang lahat nang iyong man~ga carain~gan, cung magcristiano na ang Franciang calac-han ay di malulubos cahit masira man.

At may binyagan ding hindi titiualag cay Cristong bacura't hindi n~ga ang lahat, at mananatili sa tunay na landas na cay Jesucristong dito'y itinatag.

Cung tumalicod man sa pagcabinyagan ay ang natitira'y marami rin naman, at ang isip nila'y maliliuanagan niyong pagkilala sa catotohanan.

Bagaman sa Reynang voces ay nalining ang pananalan~gin ay itinuloy rin, malumanay niyang pinacahihiling na ipagcaloob nauang pagalin~gin.

Yaong caramdaman nang caniyang Anác at bigyan pa naman nang buhay at lacas, nang hindi magalit ang Haring marilag at sisihin siya niyong pagcabinyag.

Caniya rin naman na iniluluhog sa di matingcalang darakilang Dios, na yaong asaua ay magbagong loob at cusang talicdan ang man~ga Idolos.

Moli't moli niyang ipinananaing sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen. dinin~gig din yaong caniyang dalan~gin ang sakít nang bata ay biglang gumaling.

Lumacas at yaong cataua'y humusay na anaki parang nagdahilan lamang, Hari ay nagtaca sa ganoong bagay at inaasahan na niyang mamamatay.

Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac at hindi masayod ang panguiguilalas, gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat ang caniyang pusong malabis nang tigas.

Tunay at lubos din yaong pananalig sa caniyang man~ga sinasambang Dioses, at di rin nanglumay yaong batóng dibdib doon sa malaking biyayang namasid.

Patuloy ang dating camalian niya sa lihis na gauang pagsampalataya, nang nananahimic ay caracaraca ay dumating yaong sugong embajada.

Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis ang canilang layon ay ipinagsulit, anila ay cami inutusang tikis niyong aming Haring sa tapang ay labis.

Na namamahala sa Reynong Italia at dalauang bagay yaong hin~gi niya, ialay n~gayon din ang Cetro't Corona ó ang pasalual tayo't magbatalla.

Caya magnilay ca't iyong pag-isipin ang capahamacang iyong sasapitin, cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim na casacunaa'y siyang tatamuhin.

Ang sa Haring Clovis namang casagutan ang corona't cetro'y di maiaálay, at doon sa campo cayo ay maghintay at lalabas caming hindi maliliban.

Napaalam na n~ga yaong embajada anila'y maglucsa na n~gayon ang Francia, sa buhay na man~ga mapapalamara na man~ga-aamis sa pagbabatalla.

Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot na canilang Haring nagbigay nang utos, anila'y hintayi't dito'y maglalagos at natatalagang sila'y makihamoc.

Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca nang Haring si Clovis ang basallos niya, at niyong matipo'y ipinabilang na cay Aurellano na General baga.

Cabilan~gang lahat nang man~ga soldado'y hustong isang daan at tatlumpong libo, ibig din matanto nila cung gaano yaong cabilan~gan nang calabang dayo.

Ang guinaua nama'y nagpabihag siya nang isang soldado nang taga Italia, na nagsisilibot sa caharian nila at yaon ang siyang inusisa baga.

Na ang cabilan~gan nila'y cung gaano na makikibaca na laang soldado, (aniya) ay caming nan~gaglacbay dito'y hustong cabilan~gan ay limangpung libo.

Matapos sabihin ang ganoong bagay soldadong binihag nila'y pinaualan, at natanto nilang cacaunti lamang ang man~ga cristiano na macacalaban.

Inilacad nan~ga ang canilang tropa at sampon nang Haring Clovis ay casama, tinun~go ang lual nang man~ga cabaca at nan~gag-ayos na ang isa at isa.

Makita nang Hari yaong caramihan nang soldado niyang makikipaglaban, at yaong Cristiano ay cacaunti lamang caya't mananalo na inaasahan.

Nagsagupa na n~ga ang hukbong dalaua at pinasimulan yaong pagbabaca, man~ga lobong gutom ang siyang capara nang pagpapamooc nang isa at isa.

Pagcapalibhasa'y ang man~ga cristiano ay nan~gananalig sa totoong Dios, na pinagtitibay sa canilang loob caya n~ga't ang tapang ay lubos na lubos.

At ang Hari nama'y nanalan~ging cusa sa Dios at lubos na napacalin~ga, at buong-buo niyang ipinaubaya sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.

Hinihin~gi niyang bigyang calacasan ang caniyang campon sa pakikilaban, upang makilala ang Dios na tunay at ang pagca moro'y canilang talicdan.

Sa di naglulubag na pagpapamooc nang dalauang hucbong cakilakilabot, ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog nang taga Franciang cay Clovis na sacop.

At di macasahò nang pakikilaban at nan~gagagahis nang man~ga binyagan, bagaman at sila'y totoong macapal ay lubhang marami naman ang napatay.

Nang sila ay man~gagcatiua-tiualag doon sa canilang man~ga paglalamas, ay napilitan din na cusang tumacas ang Haring si Clovis sa malaking sindac.

At tinun~go niya yaong cagubatan at doon nagtago sa tacot na taglay, at doon na lamang niya tinatanaw ang caniyang campong nakikipaglaban.

Saca sa malayo ay minalas niya ang caniyang campong nakikipag-baca. ay tunay na nan~gagsisipanglumay na at di na magauang makipaglaban pa.

Totoong marami ang man~ga napatay na pauang guinahis n~g man~ga caauay, caya't caramihan ay binibitiuan ang man~ga sandata at nagtatacbuhan.

Nang makita ninya ang ganoong ayos ay tantong nasira ang caniyang loob, sa caniyang campong nagcasabogsabog at ualang magaua nang pakikihamoc.

Dito na sinisi't cusang pinaglait ang caniyang man~ga sinasambang Dioses, (aniya) ay sayang n~g aking malabis na suyo sa inyo't man~ga pananalig.

¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaan at hindi gamitin n~gayong cailan~gan ano't natitiis at binabayaan ang man~ga campong co at hindi tulun~gan?

Sa pakikibaca't upang di maamis tanang vasallos co na iyo ring cabig, saclolo mo'y ano at ikinacait n~gayong cailan~gan sa pakikicaliz.

Bakit n~gayo'y parang di mo dinaramdam na nan~galulupig nang m~ga caauay, ang cabagsican mo naman ay nasaan at hindi gamitin sa ganitong araw.

Sayang n~g lahat cong man~ga paggugugol sa inyo't pagsambang mahabang panahon cung aco ay datnan pala n~g lingatong ay di ca mangyari namang macatulong.

Nang casalucuyang siya'y nagagalit na pinagmumura yaong man~ga Dioses, ualang ano ano ay siyang paglapit nang ilan sa caniyang man~ga Generales.

At ang uica'y Haring pan~ginoon namin cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin, ayon sa ganitong pagcasahol natin caya mahinahong icaw po'y malining.

Isinagot naman nang Haring si Clovis na ang voces niya'y tantong nan~gin~ginig, cun anong mabuting inyong iniisip sabihin n~gayon di't nang aking mabatid.

Cay Aurellanong uica ay dahilan sa napagsasapit nang iyo pong caual, ualang calahati ang man~ga binyaga'y cung bakit sila pa ang nagtatagumpay.

Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas at capangyarihang magagauang dapat, ay di babayaan niyang mapahamac ang caniyang campon sa pakikilamas.

Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan, cung sila'y may ganap na capangyarihan panahon na'y bakit hindi saclolohan.

Caya ang laon nang ipinagsasabi na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde, ay siyang sambahi't doon mamarati at siyang sa atin ay magcacandili.

At tunay n~gang siyang Dios na totoo yaong sinasamba nang m~ga Cristiano, siyang sa canila ay sumasaclolo caya n~ga ang hiling n~g Reyna'y sundin mo.

Siya ang lubos mong sampalatayanan n~g taos sa puso at siyang tauagan, at nang upang ating camtan ang tagumpay sa ang campon mo po'y bigyang catapan~gan.

Matapos ang gayong man~ga pan~gun~gusap ang ulo nang Hari tambing itinaas, man~ga vasallos niya ay cusang namalas na nagtatacbuha't ang tun~go'y sa gubat.

Ipinagtatapon ang man~ga sandata at nag-uunahang man~gagtago sila, sapagca't maraming nan~gapapatay na na nalulugami sa pakikibaca.

Caya n~ga ang luha niya ay dumaloy sa pagcapahamac nang caniyang campon, pinasisimulan na ang man~ga pagtaghoy at pamimintuho sa Dios na Poon.

Mataimtim niya na sinasamahan nang sampalatayang totoong matibay, na taos sa pusò niya't calooban gayari ang uicang man~ga sinasaysay.

¡O Pan~ginoon co aniyang Jesucristo na Anác nang isang Dios na totoo, icaw ang sinasampalatayanan co at lubos ang aking pag-asa sa iyo.

Icaw ang madalas sa aking iaral nang aking asauang tunay na binyagan, cung nang una kita'y tinanguihan man n~gayon ang Dios co'y uala cundi icaw.

Lubos na lubos n~gang umaasa aco sa mahal mong aua't tunay na saclolo, yamang ang sinomang paampon sa iyo sa casacunaa'y itinatangol mo.

Caya sumasamong lauitan mong habag acong lumulun~goy sa mahal mong harap, yayamang sa man~ga pan~ganib at sindac, capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.

Lin~gapin mo na po't iyong isangalang sa hucbong maban~gis na aming caauay, taos sa pusò co na inaasahan ang mahal mong graciang aming macacamtan.

Mabalino ca po't iyong timauain ang napipipilang calagayan namin, yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing.

Pahayag nang aking asaua ay gayon caya n~ga sa iyo'y humihin~ging tulong, sa iligtas mo po't huag ding masahol sa man~ga cabacang mahiguit sa leon.

At ang cabagsican ay magsipang-lumay niyong mababan~gis na aming caauay, at tunay pong aco ay magbibinyagan sampon nang lahat cong nan~gasasacupan.

Ualang salang sila'y patatangaping co nang tubig na mahal nang Santo Bautismo matibay na aking pan~gaco sa iyo caya po iligtas sa sacunang ito.

Lahat n~g anito'y aking tatalicdan at ang man~ga Dioses ay gayon din naman, at uaualin co na silang cabuluha't ang sasambahing co'y uala cundi icaw.

Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo at man~ga mezquita n~g tanang Idolo, sa buong cahariang nasasacupang co sampong Altar nila'y gagauing cong abó.

Saca ang canilang lahat na larawan ipamumunglay cong ualang caliuagan, ualang ititira ni cahit isa man at magbabago na acong calooban.

Matapos ang gayong man~ga panalan~gin ang vasallo niya'y muling tinanaw rin, ay nakita niyang nan~gagsipagtiguil ang man~ga cristiano't tapang ay nagmaliw.

At uala mang utos yaong puno nila ay nan~gagsiurong silang parapara sa tayo n~g dating calagayan nila niyong pasimulan ang pagbabatalla.

Makita ni Clovis yaong pagcabigla nang sa Dios bagang man~ga pagcaaua lalo nang nalubos ang paniniuala sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.

Cusang nanaimtim na n~ga sa puso niya yaong matibay na pagsampalataya, na tutupdin niya na ualang pagsala ang man~ga pan~gaco na di mag-iiba.

Tanang vasallos niya'y tinipong madali at sa caharian sila'y nagsioui marami mang búhay yaong nalugami n~guni't ang nanalo'y sila rin sa uri.

Nang sila'y dumating sa Reyno n~g Francia ay agad sinabi sa sintang asaua, malabis ang toua nang mahal na Reyna sa himalang yaon n~g Dios na Amá.

Lalo nang sabihing siya ay tatanggap nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag, caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag n~g isang Obispong cabanala'y ganap.

Di lubhang nalao'y dumating sa Francia banal na Obispo na si Rami baga, niyong maharap na sa mahal na Reyna boong cagalacang nan~gagbati sila.

Ang uica n~g Reyna sa Obispong mahal ang Hari po'y iyo n~gayong pan~garalan, na ipakilala ang Dios na tunay sapagca't tatangap nang pagcabinyagan.

Kinacailan~gan mo pong ipatalos ang man~ga tadhana at utos nang Dios, at sa puso niya'y ikinintal na lubos yaong sa cristianong man~ga sinusunod.

Sa Obispo namang sinunod pagdaca tanang cahilin~gan nang mahal na Reyna at mahinahong pinan~garalan niya ang mahal na Hari nang yamang maganda.

Ipinatalastas yaong bagay-bagay na dapat asalin nang cristianong tunay, at ang isang Dios na ualang capantay na lumic-ha nitong boong santinacpan.

At bagaman turing na tatlong Persona ay ang pagca Dios nila ay iisa, ualang huli't una naman sa canila at saca uala rin macapapantay pa.

Siya n~ga ang Hari nang lupa at lan~git na sa carunun~ga'y ualang cahalilip, siya ring sumacop sa guinauang lihis ni Ada't ni Evang naraya ang isip.

Uala ring gagauing maliuag na bagay sa caniya't yari balang maibigan, siyang nagbibigay nang caparusahan nang sa man~ga utos niya'y sumusuay.

At ang gumaganti naman ay siya rin nang lan~git, sa man~ga may gauang magaling sa caniya nama'y ualang nalilihim maguing gaua't uica't iniisip natin.

Nang talos n~g lahat n~g Haring maran~gal ang bagay na dapat sampalatayanan, uica n~g Obispo'y iutos mo naman na magpatayo ca nang man~ga Simbahan.

Sa boong cahariang nan~gasasacop mo baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio na pagbibinyagang laan sa cristiano't siyang cailan~gan ang bagay na ito.

Tuloy mo rin namang palagyan n~g Altar ang ipatatayong lahat nang Simbahan, doon sasambahin nang boong pag-galang ang Dios na Amang macapangyarihan.

Palagyan mo namang larauan ang lahat nang cagalang-galang na Santa Trinidad, na sila ay tatlo sa pagca Personas at sa pagca Dios ay iisang ganap.

Nang araw ring yao'y nagpatauag naman nang magsisigaua nang man~ga Simbahan at nang dumating na uica'y pasimulan ang Simbaha'y gaui't aking cailan~gan.

Cayo ay humanap n~g maraming tao sa dagling panahon ay yariin ninyo, at cung matapos na ang hiling cong ito sa lahat nang baya'y magtatayo cayo.

Ang gagauin ninyo ay pacatibayin at lalong maganda na pacarikitin at saca ang Altar naman ay gayon din at doon ang lahat ay mananalan~gin.

Cahi't bayang lalong na sa cabunducan ay tatayuan din nang m~ga Simbahan, at tayong lahat ay man~gagbibinyagan at ang pagca gentil ay ating iiuan.

Sapagca't cung hindi sa totoong Dios aco, dumalan~gin nang buong pagluhog, nalipol marahil ang tanang soldados at ang ating Reyno ay naguing busabos.

Gayong pagtauag co sa ating Dioses nang ang ating hucbo ay nasa pan~ganib, ang man~ga cristiano'y lalong bumaban~gis at hindi maglubay nang pamimiyapis.

Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan ay biglang humupa yaong catapan~gan, nang man~ga cristiano't agad tiniguilan ang marahas nila na man~ga pagpatay.

Doong co natantong pauang sinun~galing ang man~ga Idolong sinasamba natin, caya mula n~gayo'y ating lilisani't Dios nang cristianong ating sasambahin.

Tanang inutusa'y agad nagsilacad hiling na Simbahan ay guinauang agad, ang Haring si Clovis ay moling nag-atas noon din sa man~ga campon niyang lahat.

Na huag maliban at sunuguing pilit ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses, at tanang Idolo't tadhanang mahigpit magpahangang bundoc ay pugnauing tikis.

Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos tanang inutusa'y agad nagsisunod, ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.

Saca nang mayari naman ang Simbahan ang Haring si Clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.

Obispong S. Rami ang siyang buminyag sa mahal na Haring nagtamo nang palad, at si Clodoveo n~galang itinauag nang pagca cristianong caniyang tinangap.

At nang papahiran nang mahal na crisma na ayon sa utos nang Santa Iglesia, ay isang himala ang nakita nilang biyayang caloob nang Dios na Amá.

Isang calapating sa lan~git nagmula na sacdal nang puti na catua-tua, na sa loob niyong Simbahan bumaba at isang redomo ang taglay sa tuca.

Na punó nang lana, ó crisma ang tauag na pauang nakita nang naroong lahat, sa loob nang Templo, caya't natalastas ang himalang yaong canilang namalas.

Siyang ipinahid nang bunying Obispo sa mahal na Hari na si Clodoveo, ang crismang sa lan~git nagmulang totoo na padala niyong Amang masaclolo.

Ano pa't nabantog sa boong caharian ang himalang yaon nang Dios na mahal, na kilala nila ang capangyarihan nang tunay na Dios na ualang capantay.

Caya n~ga't ang tanang guinoo sa Francia pinagcayariang sang-usapan nila, ang balang mag Hari na sinoman siya siyang gagamitin ang himalang crisma.

Mula noo'y siyang naguing calacaran na sa maghahari gagamitin lamang, yaong n~ga ang siyang pinagcaratihan mula pa sa unang nayaring usapan.

Caya't magpan~gayon ay naroron pa redomang sa lan~git ay nangaling bagá, na kinalalagyan nang mahal na lana doon cay S. Raming Simbahang talaga.

Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan yaong boong Reyno'y isinunod naman, ipinaunauang lubhang malumanay ang man~ga biyaya, niyong calan~gitan.

Doon sa pagtangap nang agua Bautismo na caugalian nang man~ga cristiano, na ang pagbibinyag ang tandang totoo na nasa loob nang bacuran ni Cristo.

Siyang pumapaui niyong casalanan na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan, at ipagtatamo niyong calan~gitan na cung baga banal na sila'y mamatay.

Gayon din ang madlang utos na susundin at ang cababaang loob na gagauin, na nauucol n~gang dapat ugaliin at ang man~ga kilos na sucat asalin.

Dapat naman nilang pain~gat-in~gatan ang ayos at bucang bibig na mahalay, at yaon ang siyang kinasusuklaman n~g Dios na ualang hangang carunun~gan.

Cailan~gang sundin n~g man~ga cristiano ang aral na lagda n~g Poong si Cristo, nang panahong siya'y dirito sa Mundo na magagaling na capalarang nalo.

Ang pagcacasala'y ating catacutan at di nating talos yaong camatayan, cung tayo ay datning na sa salang mortal hirap sa Infierno ang pilit cacamtan.

Cung culan~ging palad na doon mabulid ay ano pa caya ang mapagsasapit, gaano mang gauing sisi at pagtan~gis ay uala nang daang doo'y macaalis.

Haring Clodoveo ay nang binyagan na at maguing cristiano yaong boong Francia, doon nila lubos na napagkilala ang man~ga ugali't kilos na maganda.

Doon din n~ga naman nila nasunduan ang tunay na landas nang capayapaan, at sila ay tambing namang kinasihan n~g gracia nang Dios na Poong Maycapal.

Sampong man~ga bata'y guinising ang loob pagdaca sa gauang umibig sa Dios, cung matutuhan na'y saca isusunod yaong paghahanap buhay na maayos.

Hindi nagnanasa sila niyong pilac na ang pagmumulan ay masamang hanap, at kinikilalang sa Dios sy labag ang ganoong gauang di carapatdapat.

Di masayod yaong canilang catuaan sa pagsusunurang lubhang malumanay, at ang mapayapa nilang pamumuhay sa pagca-cristiano'y cusang nasumpun~gan.

Nacaaakit pang lalo sa canila ay ang cahinhinan n~g mahal na Reyna, at ang cabaitan nilang nakikita ang siyang totoong nacaliligaya.

Gayon din ang Hari na si Clodoveo na naguing uliran n~g lahat n~g tao, sa binilóg bilog nang canyang Reyno yaong cabutihang loob na totoo.

Iisang caniyang palagay sa madla maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha, sa man~ga may dan~gal maguing sa timaua ay uala isa mang turing na inaba.

Sabihin ang toua nang lahat nang sacop sa cay Clodoveong magandang pasunod, caya n~ga't ang Francia'y totoong na bantog niyong cabaitan umibig sa Dios.

Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay nang canilang taglay na caugalian, at cung mag-utos man sila'y malumanay sa lahat nang campong nan~gasasacupan.

Mulang yaong Francia ay maguing cristiano ay naguing kilabot niyong man~ga moro, at cusang natanyag ang pagca-guerrero lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.

At si Clodoveo'y nang tumanda na siya ang corona't cetro ay isinalin na, doon n~ga sa Anác niyang sinisinta na bunying Príncipe Sigesmundo baga.

Haring Sigesmundo'y namahala naman na lubhang maayos sa nasasacupan, at isa ring tan~gi na kinaguiliuan nang lahat nang caniyang pinaghaharian.

Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y dalauang lalaking una'y Hilderico, at ang icalaua'y Principe Pepino na sila sa Francia'y bilang heredero.

Haring Sigesmundo ay niyong mamatay si Hildericos ang humalili naman, na ang Haring ito ay totoong banal at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.

Caya hindi niya macalin~gang lubos ang Reyno, at ualang laguing na sa loob cundi ang dalisay niyang paglilingcod sa di matingcalang darakilang Dios.

At nang manatili sa bagay na ito ay pumasoc tuloy na mag Religioso, at cusang linisan ang bagay sa Mundo daang pa sa lan~git ang siyang tinun~go.

Yaong paghahari ay cusang linisan nang mapambulos yaong calooban, nang pananagano sa Dios na tunay na may lic-ha nitong buong sangtinacpan.

At alam n~ga niyang ang lahat nang tao ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo, ang dan~gal at yama'y cahima't gaano lilisani't pauang catulad ay asó.

Capagbinaui na ang búhay na hiram nang Dios na Amáng tunay na lumalang, ang cahima't sinong ualang cabanalan hirap sa Infierno ang cahahanganan.

Lahat namang yaon palibhasa'y talos nang banal na Hari na si Hildericos, caya n~ga't uinalang bahala sa loob yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.

Upang ang pusò niya ay huag malibang sa handog nang Mundong malicmatang layaw, ay cusang lumigpit at nang masunduan yaong ualang hanga na caligayahan.

Matanto nang tanang man~ga consejeros yaong guinaua nang Haring Hildericos, sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.

Pinagca-isahan nang man~ga consejo na mag Hari yaong Príncipe Pepino, at ang casipaga'y ganap na totoo sa pamamahala nang tungcol sa Reyno.

At sagana naman cung sa catapan~gan caya't siya nilang pinagcaisahan, nang magca-ayos na sa gayong usapan sa Papa'y inisip na magbigay alam.

Caya't naghalal nang embajada't agad na pinaparoon sa Papa Zacarias, at ipinasabi cun alin ang dapat na maghari bagang sa Reyno'y maghauac.

Na cung ang may tapang at cáyang sagana at may tan~ging sipag sa pan~gan~gasiua, nang Reyno, at ganap sa pagcacalin~ga at di nagtataglay nang pagpapabaya.

Oh ang isang Haring na sa loob lamang yaong pagca-hari't ang nasasacupan, ay di calin~gai't pinababayaan ayon sa pag-gaua niyong cabanalan.

Lumacad noon din yaong embajada at agad humarap sa mahal na Papa, at sinabi yaong utos sa caniya na cung nararapat ang gagauin nila.

Na ang Hari nila na si Hildericos sa pananalan~gin ay hilig ang loob, lagui nang ang puso lamang ay sa Dios ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.

Caya't ilinagay nang man~ga consejo na Hari ay yaong Príncipe Pepino, at may sadyang tapang ang Príncipeng ito at masipag namang mag-ayos nang Reyno.

Yamang capua rin heredero sila nang corona't cetro nang Reyno nang Francia, caya ang consejo'y pauang nagcaisang Príncipe Pepino'y siyang magcorona.

Matanto nang Papa ang ganoong saad napaayon nama't cusang minarapat, ang mapag-alaga aniya't masicap sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.

At ang gumaganap nang pagca-justicia, at sa nasasacop ay macalin~ga pa, yaon n~ga ang siyang tunay na maganda na mag-Hari't siyang lubos na may caya.

Matanto ang gayong man~ga casagutan nang Papa, ay agad namang napaalam, yaong embajada't nang siya'y dumatal sa Francia'y sinabi yaong casagutan.