Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 7

Chapter 7 3,731 words Public domain Markdown

162. Dahilan sa pagsibol nang man~ga bulutong ang balat nang catauan ay nauunat at namamantal. Ang unang namamaga ay ang muc-ha, pati nang liig; at dahilan sa pamamagang yao,i, nagsasara ang mata cun minsan. Saca sungmusunod na namamaga ang camay; hungmahalili ang paa; at gayon din ang ibang man~ga casangcapan.

163. Cun ang bulutong ay marami, ang maysaquit ay lalagnating uli, cun malapit nang magnana ang bulutong. Ang pagnanana nang bulutong ay sa icasiam na arao hangan sa icalabingtatlo. Doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay hilim, at mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapan~ganib ang buhay nang maysaquit.

164. Ang isa pa namang marahil dumaan sa binubulutong ay ang pagsaquit nang lalamunan; ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit, na ang lalamunan ay sinisibulan din nang bulutong; datapoua ang dahilang totoo nang pagsaquit nang lalamunan, ay ang pamamaga nang man~ga casangcapan nang catauan, ang cainitan nang dugo, at ang calaquihan nang lagnat, sapagca sa lalamunan ualang sungmisibol na bulutong; caya cun hindi marami ang bulutong, at hindi rin malaqui ang lagnat, ay hindi sungmasaquit ang lalamunan, ay parating lungmulura ang maysaquit na hindi siya macapagpahin~ga. Ito,i, nacacahirap sa caniya, lalo pa cun napapacnos nang calulura ang man~ga labi, ang man~ga loob nang pisn~gi, ang dila, at ang n~galan~gala; datapoua mahirap man itong paglura, ay totoong nacacagaan sa saquit.

165. Ang man~ga sangol ay sinusubaan cun sila,i, sisibulan nang man~ga bulutong, datapoua,i, hindi sucat alumanahin yaon; alintana masamang subaan, cun baga nacaurong ang pagsibol nang bulutong, ó cun magnanana na. Cun minsan naman binabalin~goyn~goy ang binubulutong bata ma,t, matanda man; at ito,i, magaling na totoo sa maysaquit.

166. Ang nalalagnat na, dahil sapagca siya,i, bubulutun~gin, ay hindi sucat painumin nang man~ga maiinit na nacapagpapa-pauis; caya ang alac, ang triaca, ang mainit na silid at ang maraming damit ay nacacalubha sa maysaquit. Maraming lacsang tauo ang namatay dahilan doon sa man~ga ganoon.

167. Cun dahilan sa lagnat nahahalata na, na bubulutun~gin ang tauo, pagcaraca,i, ang saquit _ilalagay sa husay_ (capítulo 4); at touing umaga,t, hapon ay babañusan nang malacucong tubig hangang tuhod. Dahil dito sa pagbabaños na ito, ay dungmadalang ang bulutong sa ulo. Ang pagsumpit ay isa pang nacauauala nang pagsaquit nang ulo, caya ang maysaquit susumpitin arao-arao at cun munti ang lagnat, at hindi talaga siyang bubulutun~gin nang marami, ang baños, ang pagsumpit, at ang husay sa capitulo 4, ay magcasiya na. Saca mabibig-yan ang maysaquit nang alin man doon sa bilin sa man~ga número 1, 2 ó 4, cun siya,i, matanda; datapoua cun sangol ang maysaquit, at hindi nalalagnat, bibig-yan nang gatas na dinoonan nang tubig; na pinagbabaran nang alagao; itong tubig ay calahati nang gatas. Datapoua cun hindi pungmapayag ang bata roon, ay samahan lamang nang tubig. Sa man~ga matatanda,i, ang man~ga bun~ga nang cahoy na luto sa tubig at ang tinapay ay magaling din, cun naiibig nila. Datapoua masama roon ang carne, ang sabao, ang itlog at ang alac. Mapapainom namang; parati ang maysaquit nang suero número 50 ó nang gatas nang baca na inalsan muna nang pinacataba. Cun hindi malaqui ang saquit, itong man~ga bagay na sinabi co n~gayon ay siya na; datapoua pag natutuyo-tuyo na ang man~ga bulutong, cailan~gang purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11: at pag nacaraan nang anim na arao, siya,i, capupurgahin pa noon ding purgang yaon. Pag napurga nang minsan ang maysaquit, ay macacacain na siya nang man~ga gulay at tinapay.

168. Datapoua iba ang gagauin pagca malaqui ang saquit nang bubulutun~gin. Sapagca cun ang lagnat ay malaqui, at matigas ang pulso, at masaquit na totoo ang ulo, pati nang bay-auang, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit sa camay. Saca pag nacalalo ang dalauang oras ay susumpitin: at cun hindi ungmunti ang lagnat, at lalo pa cun matigas ang pulso, at ang maysaquit ay naghihilim, ó tila nasisira ang bait, ay cailan~gan sangrahang minsan pa, ó macalaua man, sa man~ga unang dalauang; arao, cun hindi nauauala ang malaquing cahirapan nang lagnat. Gayon din, cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay susumpiting macaitlo, ó macaapat maghapon, at babañosan sa paa hangan tuhod na macalaua maghapon din. Saca inaalis ang maysaquit doon sa quinahihig-an, at pinalulucloc sa luclucan sa isang silid na maaliualas, han~gan sa siya,i, macapagtiis doon. Ualang ibang ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa número 2 ó 4; at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat, touing oras ay paiinumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10. Pag nacasibol na ang bulutong palibhasa,i, doon hindi na malaqui ang lagnat, houag gauin sa maysaquit itong lahat na sinabi co n~gayon, cundi ang inacala lamang na macacasiya sa caniyang calagayan; at cun totoong naual-an nang lagnat ang maysaquit, ang gagauin lamang sa caniya,i, ang man~ga bilin sa párrafo 167 na sinundan nito.

169. Cun magnana na ang bulutong, cun minsan lalagnatin uli ang maysaquit; at ang gagauin doon ganito. Ang isusumpit sa caniya ay ang _suero, pulot, lan~gis,_ at _asin;_ cun ualang suero, ay na-aari ang tubig na pinaglagaan nang _cebada ó palay._ Macaitlo cun umaga paiinumin nang tatlong taza nang bilin sa número 32. Cun baga malaqui ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, ó damidamihan cun baga cailan~gan. Ang maysaquit ay inaalis sa hihigan, at inililipat sa silid na maaliualas, at arao at gab-i doon pinalulucloc sa luclucan, bucas ang dun~gauan (cun arao) han~gan umunti ang lagnat. Itong ganitong gaua ay totoong igui sa maysaquit at di man matulog siya,i, ay hindi naman ma-aano, baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at mauala. At nang siya,i, lumura nang maguinhaua ay susumpitin parati sa loob nang bibig nang tubig na may casamang pulot, nang isang sumpit na munti, na cauayan man. Gayon ding mabuting sumpitin ang maysaquit sa ilong nang malinisan, at nang macahin~ga siya nang maloualhati. Cun baga malaqui pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay doonan ang maysaquit sa talampacan nang tapal na itinuro sa número 9; at cun hindi nagcacasiya ito, ay lag-yan sa talampacan din nang parapit número 36, at mauauala ang pamamaga nang muc-ha,t, liig.

170. Cung malaqui ang saquit nang binubulutong, ang man~ga mata,i, nagsasara at ang bagay roo,i, ang gatas na tinubigan na ibabasa roong parati; maigui rin cun minsan ang basain nang tubig na pinagbabaran nang _casubha, ó_ bulaclac nang alagao. Nang houag sibulan sa mata ang maysaquit nang man~ga cun anoano, ay mag-in~gat siya sa pagcain nang marami, pati sa carne at alac; cun gayon pag nauala ang bulutong, ay hindi siya sisibulan nang anoman sa mata.

171. Cun ang bulutong ay maputi na,t, puno nang nana, ay malaquing galing sa maysaquit ang hiuain nang dulo nang gunting ó carayom man isa nang isa, at palabasin ang nana. Caya guinagaua ito,i, nang houag macamatay sa maysaquit ang malaquing pamamaga nang boong catauan niya; saca dahil doon sa paghiuang yao,i, lungmalabas ang pinaca camandag nang man~ga sungmibol na bulutong, na palibhasa,i, hindi pinalalauong pinatatahan sa laman nang tauo, ay hindi lungmalalim ang man~ga hucay nang bulutong, at hindi nasisira ang hichura nang muc-ha; bucod dito ang balat ay lungmulubay; nauauala ang pagcati, at ang pamamantal nang muc-ha,t, liig. Ang paghiua nang bulutong ay ualang liuag, at hindi nararamdaman man nang may catauan. Caya cun hihiuain ang bulutong, ay maghahanda ca nang gunting na matulis ang dulo, ó carayom man, at isang basahang malinis, at saca tubig na malacuco; at pagca marami na ang nahiuang bulutong, ang nanang tungmutulo ay pinapahira,t, inaalis nang basahang babad sa malacucong tubig; saca inuutas hinihiua ang ibang man~ga bulutong para nang guinaua sa una. Sa loob nang ilang oras ang man~ga bulutong ay napupuno uli nang nana, cailan~gang hiuaing uli; cun minsan hangang sa macaanim hinihiua. Itong gauang ito,i, nacauauala nang malaquing pan~ganib nang buhay nang binubulutong, sapagca inaalis ang pamamaga pati nang nana.

172. Masamang totoo sa saquit na ito ang _triaca,_ ang _láudano,_ ang _jarabe de adormideras,_ ang _jarabe_ nang _carabu,_ ang píldoras nang _estoraque_ (camanguian) ang sa _cinoglosa;_ ano pa,t, ang lahat na nacacapagpatulog, ay masama sa saquit na yaon.

173. Cun baga ang bulutong ay ungmuurong sa loob nang macasibol na, ay mahirap ang lagay nang maysaquit; caya ang gagauin doo,i, houag big-yan nang man~ga mainit, ó yaong man~ga bagay na ipapauis; painumin lamang nang marami nang turo sa número 12, at parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Cun minsan ay umuuling sungmisibol ang man~ga bulutong, pag sinangrahan ang maysaquit.

174. Itong saquit na bulutong ay mahirap; caya ang aayao magcasaquit nang gayon, siya,i, magpatanim nang bulutong _vacuna_ sa caniyang catauan. Datapoua cun siya,i, magpapatanim nang bulutong, ay cailan~gang totoo ang siya,i, humanap at pumili nang magaling na bulutong, doon baga sa tauong yaon na hindi pa binubulutong; at ang isa pa,i, cailan~gang hintin ang carampatang panahon nang pagca hinog nang bulutong, na yao,i, ang icasiyam na arao na boo. Pagca hinog na ang bulutong, na cucunan ó pangagalin~gan nang nanang itatanim sa ibang tauo, ang magtatanim nang bulutong ay maghahanda nang isang lancetang matulis ang dulo. Itong dulo nang lanceta,i, ibabad, ó isasaosao doon sa nana nang bulutong na hinog; pagca napasaosao doon ang dulong yao,i, pagcaraca ito ring dulong may dalang nana, siya ang icacadlit ó itudtudloc sa ibig tamnan nang bulutong, doon sa ibabao nang caniyang sico, sa bias baga. Itong tudloc ay tatlo sa balang isang camay, at ang pag-itan nang man~ga tudloc ay isang daliring mahiguit. Pag nacasibol na itong bulutong ay pagmamasdang magaling, cun yao,i, bulutong na totoo, ó hindi; at cun hindi totoong bulutong, ay cailan~gang magpatanim uli ang may catauan.

175. Cun panahong tag-bulutong, ang aayao bulutun~gin houag cumain nang marami, lalo pa cun gab-i; saca pipili nang magaling na cacanin, at houag siyang tumiquim nang man~ga ano-ano. Ang man~ga gulay ay lulutoing magaling. Houag cumain nang bun~ga nang cahoy, cun hindi hinog na totoo. Mag-in~gat siya sa man~ga _calamay, suman, empanada,_ etc. at pauang masama. Itong ganitong asal ay caya naquiquilalang nacagagaling sa man~ga sangol, sapagca cun gayo,i, hindi namamaga ó lungmalaqui ang canilang tiyan. Ang canilang muc-ha ay masaya, guising ang canilang loob, at hindi sila macuyad. Magaling din sa man~ga bata sa panahong tag-bulutong, ang sila,i, pambohan, ó bañusan man lamang sa tubig na malacuco cun gab-i. At saca painuming parati nang suero, cun baga ang bata,i, hindi yayat ó magasactin; at cun yayat hindi sucat big-yan nang suero. Cun gayon ang gaua nang tauo,i, bulutun~gin man siya, ó ang caniyang man~ga anac ay caalamalam hindi lalaqui ang saquit.

=CAPÍTULO 18.=

_Ang saquit na ticdas sa provincia nang Batan~gan ay toco, na ang tauag nang castila doo,i,_ sarampión.

176. Bago ticdasin ó tocoin ang tauo ay nag-uubo siya muna nang ilang arao; itong pag-uubo ay ualang casamang lura. Saca ang tutucoin ay natatamlay at dinaraanan nang init at guinao na halihalili; ang saquit nang ulo ay malaqui, cun matanda ang tauo; cun bata,i, naghihilim; totoong saquit nang lalamunan; namamaga ang bubong nang mata; hindi macatin~gin sa liuanag ang maysaquit; ang mata,i, lungmuluha, at ang lungmalabas ay mahapdi. Mayroon namang iba, na malimit bumahing, at sa ilong may lungmalabas na catulad nang sa mata. Lungmalaqui tuloy ang init at ang lagnat; ang maysaquit ay nag-uubo; cun minsan ibig sumuca; sungmasaquit ang bay-auang; nag-iilaguin siya cun minsan nang malimit; ang ibang maysaquit ay pinapauisan; ang dila,i, maputi, at cun minsa,i, nauuhao ang may catauan.

177. Sa icapat ó icalimang arao, at cun minsan sa icatlo, ang muc-ha,i, linalabasan nang maraming totoong anaqui manchang mapupula, na ang cahalimbaua,i, pinagcagtan nang pulgas. Ang boong muc-ha ay namamaga naman tuloy; cun minsan ay nagsasara ang mata. Tungmutuloy ang pagsibol nang toco sa dibdib, sa licod, sa man~ga camay, sa hita at sa paa. Ang sa dibdib at ang sa licod ay marami. Cun minsan, ang tiniticdas ay binabalin~goyn~goy, at nauauala tuloy ang saquit nang caniyang ulo, pati nang sa mata,t, lalamunan. Sa icatlo, ó icapat na arao nang macasibol ang toco, ay hindi na totoong mapula yaong man~ga pinacabutil, at nan~gatuyo-tuyo na, at nan~galalaglag na, pati nang balat nang catauan ay natutuyo rin, at nahuhulog, at iba ang hungmahalili doon. Sa icasiyam ó icalabing isang arao ay hindi na naquiquila ang ticdas at malinis na ang balat nang catauan.

178. Datapoua mauala man itong man~ga bacas nang ticdas, hindi pa gungmagaling ang maysaquit; alintana cun siya,i, dinaanan nang malacas na pag-iilaguin, ó pagsuca, ó cun siya,i, pinauisan nang malaqui, sapagca cun gayon ay nauauala ang lahat na caniyang saquit. Datapoua cun hindi nacuha sa man~ga ganoong paraan ang camandag nang saquit, at ang tinicdas hindi guinamot nang paanyo, ayon sa sasabihin sa párrafo 179, ang saquit ay sa baga napapatun~go; at cun ganoon magsasaoli ang pag-uubo, ang lagnat at ang di lumagay ang maysaquit. Itong pag-uubong ito,i, totoong nalalauon, at malacas lumaban sa man~ga gamot. Datapoua pagca guinagamot pagcaraca nang husay na pag-gamot ang tauong tiniticdas, ó tinotoco, ay hindi mahirap ang catapusan nang saquit, at ualang natitirang bacas na masama. Ang pag-gamot doo,i, ganito.

179. Cun baga malaqui ang lagnat, at ang pulso ay matigas, at malaqui ang casiquipan nang dibdib, cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua ang titicdasin. Sinusumpit, at binabañusan sa mainit-init na tubig naman hangan tuhod, para nang guinagua sa bubuluton~gin ayon sa turo sa párrafo 168 nang capítulong nacalalo. Saca binibig-yan nang bilin sa número 2 ó 4, na iinumin niyang parati; ó cun aayao noo,i, ang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na ang sa icalimang bahagui ay gatas. Pinasisipsip ang maysaquit nang sin~gao nang mainit na tubig, na yaon ang totoong bagay doon, nang mabauasan ang saquit nang lalamunan at ang pag-uubo, pati nang pagsiquip nang dibdib. Pagca hindi na totoong mapula ang man~ga pinacabutil nang catauan (na yao,i, sa icatlo ó sa icapat na arao nang macasibol) ay pinupurga ang maysaquit nang bilin sa número 23. _Saca inilalagay sa husay,_ at pagca lumalo ang dalauang arao nang pagpupurga sa caniya, ay gagauin doon ang ugaling guinagaua sa maysaquit na magaling-galing na, sa capítulo 5. Cun baga sa paglitao nang ticdas ó toco, ang maysaquit ay dinaraanan nang hirap na malaqui, ay gagamutin para nang turo doon sa párrafo 168, na siya rin ang guinagaua sa binubulutong.

180. Cun hindi guinamot nang gayon ang tiniticdas, siya,i, dinaraanan cun minsan nang sinabi co sa párrafo 178, at cun gayon ay gagamutin para nang turo sa párrafo 179, na sinusundan nito; houag lamang sangrahan cun hindi malaqui ang saquit. Ang man~ga sangol na matataba man, cun baga masama ang canilang color, hindi rin sucat sangrahan. Datapoua paiinumin nang bilin sa número 8, at pararapitan sa man~ga binti. Ang tauong tiniticdas ay cailan~gang mag-in~gat sa han~gin.

181. Cun minsan dahilan sapagca uinaual-ang halaga ang pag-uubo na ugaling sumunod sa toco ó ticdas, na hindi guinamot nang husay, ay linalagnat ang maysaquit nang lagnat na hindi mangyaring mauala; at caya gayon ay mayroong sungmisibol sa baga. Maraming bata ang namamatay dahilan doon; at bago mamatay dinaraanan nang pag-iilaguing masama,t, totoong baho. Pagca gayon, ay gagauin ang man~ga turo sa parrafo 46, yaon lamang tatlong bagay na sinabi roon, sa macatouid ang polvos número 14, ang gatas, at ang pagsacay ó ang paglacad. Datapoua sapagca ang man~ga sangol ay aayao uminom noong polvos na yaon, ay gatas lamang ang ipaiinom sa canila, at houag big-yan nang ibang bagay na cacanin.

182. Mayroon namang tauo, na pagca tinicdas na hindi mangyaring mauala sa caniya ang pag-uubong malaqui, na ualang inilulura, at saca ang dibdib, pati catauan ay totoong init; nauuhao siya naman, at tuyong tuyo ang balat, sampon nang dila. Sa ganitong lagay nang maysaquit bagay ang baños hangan tuhod nang tubig na malacuco; ang pag-inom nang gatas na tinutubigan, at ang pagsipsip nang sin~gao nang mainit na tubig número 53. Cun hindi pa mandin natatalo nitong man~ga ganito ang caniyang saquit at may ubo pa, ay sangrahan agad sa camay ang maysaquit, at cun hindi gauin ito, cun minsan ay lulubha.

_Nota._ Sa Provincia nang Batan~gan pinan~gan~ganlang ticdas ang isang saquit na catulad nang bolutong, na yao,i, siyang cusang nauauala.

=CAPÍTULO 19.=

_Ang lagnat na malaqui na ualang hibas, na pinan~gan~ganlang_ LAGNAT NA MANIN~GAS _na yao,i, isang bagay na tabardillong dala nang cainita,t, cabagsican nang dugo._

183. Itong saquit na ito ay isang bagay na _tabardillo,_ na dala nang cabagsica,t, cainitan nang dugo. Caya naquiquilala, na yaon ay dala nang dugo, sapagca ang pulso ay _matigas_ at puno, na lalo sa ibang man~ga saquit. Ang init nang cataua,i, malaquing malaqui; nauuhao ang maysaquit; ang mata, ang ilong, ang man~ga labi, ang dila, at ang lalamunan, ay tuyong tuyo. Ang saquit nang ulo ay malaquing totoo, at pag lungmalaqui ang lagnat cun hapon, cun minsan tila nasisira ang bait nang maysaquit. Ang paghin~ga ay mahirap hirap; may ubong caunti; na ualang nacucuha, at hindi naman masaquit ang dibdib. Ang maysaquit hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may catauan ay mainit cun umihi; ga nan~gin~ginig ang catauan, at lalo pa cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan anaqui siya,i, ga naghihilim na parati, ó ga nalilibang ang caniyang loob, na dahil dito,i, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang man~ga tauo sa caniyang piling; bahag-ya na pinapauisan siya nang caonsic; datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang canilang cataua,i, tuyong tuyo. Itong man~ga tanda nang saquit na ito, ay catungculan nang man~ga médicong pag masdan nilang maigui, nang houag magcasala ang pag-gamot sa man~ga caaua auang maysaquit; cailan~gan namang usisain, at pacatalastasin nila ang pinan~gan~ganlang pulsong _matigas,_ na pagca gayon, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit. At sapagca ang lahat na bagay na lagnat ay mayroong caniyang man~ga tanda, caya bago gamutin ang maysaquit ay cailan~gang tingnan muna, at tanun~gin nang lahat na caniyang nararamdaman, ó cun ano caya ang pinagmul-an nang caniyang saquit; at nang maalaman nang mangagamot ang caniyang itatanong sa maysaquit, ay basahin niya ang capítulo 90; at ang man~ga aral na nauucol sa pulso, ay hahanapin niya doon sa capítulo 89.

184. Ang pinangagalin~gan nitong saquit na lagnat na _manin~gas_ ay ang calaquihan nang pag-gaua, ang init nang arao, ang pagcapuyat, ang pag-inom nang alac na marami, ang pagcain nang man~ga bagay na mainit, ang casam-an nang panahon, cun parati bagang maalis-is at lauon nang hindi ungmuulan, at ang paghiga sa lupang basa.

185. Ang maysaquit _ilalagay agad sa husay_ (capítulo 4): houag siyang pacanin, cundi macalaua maghapon; at cun malubha,i, houag pacanin minsan man.

186. Sasangrahan ang maysaquit minsan ó macalaua, ó macaitlo man, hangang lumambot ang pulso; sa unang pagsasanggra ay cucunan nang maraming dugo; sa loob nang apat na oras ay inuuling sinasangrahan; cun minsan ay hindi magcasiya ang macaitlo sangrahan ang maysaquit; cun baga ang pulso ay lungmalambot sa unang pagcuha nang dugo,i, itinatahan ang pagsasangra; datapoua cun baga ungmuuling tungmitigas ang pulso, ay itinutuloy ang pagsasangra.

187. Macalaua, ó macaitlo maghapon ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5. Saca babañusan sa tubig na malacuco hangan tuhod cun umaga at cun hapon, at doon din sa tubig na yao,i, ibabad pati nang caniyang camay. Sa dibdib at sa tiyang ay lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malacuco rin. Ang ipaiinom na parati sa maysaquit ay ang bilin sa número 7. At cun malaqui pa ang lagnat niya nang masangrahan na ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, hangan umunti ang lagnat; at pagca munti na ang lagnat, ay houag limitan itong pagpapainom sa caniya nang bilin sa número 10; at siya na ang minsang painumin noon, touing icatlong oras, ó macaualo sa isang arao.

188. Cun binabalin~goyn~goy ang maysaquit, ay maigui sa caniya yaon. Cun nauauala na ang malaquing catigasan nang pulso, at hindi na lubhang malaqui ang saquit nang ulo, at marami rami na ang ihi niya, at ga mayumiyumi na ang dila, ay magaling-galing na ang lagay nang may catauan. Saca doon sa dacong icasiyam na arao nang caniyang pagcacasaquit hangan sa icalabing apat ay dinaraanan siya cun magcaminsan nang hirap na ilang oras calauon, at saca siya,i, nag-iilaguin ó ungmiihi nang marami, ó pinagpapauisan nang malaqui; ang bibig at ang ilong mula roon, ay hindi na totoong tuyo; nauauala naman ang uhao, at ang maysaquit ay malacas-lacas na at nacacatulog.

189. Pagca gayon ang lagay nang maysaquit ay paiinumin nang bilin sa número 23, at ilalagay sa husay ang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5. Saca pag nacalalo ang ualo ó sampuong arao, ay pupurgahing uli noon ding bilin sa número 23.

190. Mahahalatang hindi gagaling ang maysaquit cun ang pulso,i, hungmihina,t, hindi lungmalambot; cun hindi lungmilinao ang ulo; at cun mahirap sa rati ang paghin~ga; cun ang ilong, ang mata at ang bibig ay tuyo pa mandin sa rati, at ang voces ay nag-iiba. Lalo pang mapan~ganib ang maysaquit, cun nasisira ang bait, at balisang parati, cun tungmitin~gin sa magcabicabila, at ang tiyan ay namamaga. At cun hindi itahan ang caniyang man~ga camay; cundi anaqui parating mayroon siyang hinahanap, ay malapit nang mamatay cun gayon.

=CAPÍTULO 20.=

_Ang lagnat na malaqui na dala nang apdo na pinan~gan~ganlan nang castilang_ calentura pútrida _ó lagnat na buloc, na yaon naman ang icalauang bagay na tabardillo._

191. Ang lagnat na _manin~gas_ na sinaysay co sa capítulong natalicdan ay dala nang cainitan nang dugo; datapoua ang sasaysayin co n~gayo,i, dala nang man~ga sarisaring bagay na tungmataha,t, nabubuloc sa sicmura, sa man~ga bituca, ó sa ibang lugar sa loob nang catauan. Itong _lagnat na ito,i;_ tinatauag nang castilang _lagnat na buloc ó lagnat nang apdo._