Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Part 6

Chapter 6 3,842 words Public domain Markdown

132. Ang saquit na ang pan~gala,i, _piyo_ ay marahil mamahay sa paa; ang damdam nang maysaquit ay siya,i, dinaraanan, ó binubusan nang malamig na tubig sa caniyang paa; cun minsan ang damdam niya,i, anaqui linalagari, ó binabatac, ó pinapaso ang man~ga daliri nang paa. Mayroon namang tauo, na pinipiyo sa camay ó sa ibang lugar nang catauan. Ang nagcacasaquit nang ganito ay ang matamaring cumibo, ang malacas cumain, ang nag-iisip nang man~ga maliliuag, ang napupuyat, ang namamanglao, at ang inurun~gan nang pauis, galis, ó nang saquit sa bouan bouan cun baga babayi.

133. Ualang maalamang gamot sa _gota_, ó _piyo:_ at masama namang gamutin, sa pagca mauala man yaong saquit na yao,i, mamamatay caalam-alam nang biglang pagcamatay ang may catauan, ayon sa uica ni Buchan. Caya ang sasabihin co lamang n~gayon, ay ang magaling gauin sa maysaquit na inuurun~gan nang piyo.

134. Cun yaong pinipiyong tauo,i, nauala,t, inurun~gan noong saquit na yaon, at dahilan doon sa pag-urong nang saquit, siya,i, dinaraanan nang _apoplegía_ (panhihimatay), ó garrotillo, ó hinihica siya, ó nahihilim, ó masaquit ang sicmura, ó nagcacasaquit nang iba, ang gagauin agad ay ang isusunod na ituturo co n~gayon.

135. Babañusang parati ang maysaquit sa tubig na mainit hangang tuhod; cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang paa. Saca sasangrahan dito rin sa paa. Lag-yan nang parapit número 36, at cun malubha ang maysaquit, ay lalac-han ang parapit. Ang paa siya ang pararapitan, cun baga ang maysaquit datihang pinipiyo sa paa, ó sa camay, ó sa ibang lugar nang catauan. Datapoua cun mahirap na ang maysaquit, at mapan~ganib ang caniyang buhay, doon pagdaca pararapitang malapit sa masaquit na casangcapan, sa itaas nang camay sa halimbaua, ó sa ibabao nang sico. Pag magaling na ang damdam nang maysaquit at ang saquit na piyo ay nararamdaman din doon sa rati, hindi na mapan~ganib ang maysaquit; at hangan siya,i, malubha pa, at hindi nagsasaoli ang saquit doon sa datihan, _ilalagay siya sa husay_ (capítulo 4), at paiinumin nang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na dinoroonan nang salitre, timbang sa icaualo maghapon; saca babalutin nang damit na tinina nang azul yaong lugar na yaon, na ibig paroonan nang piyo, at macaitlo maghapon paiinumin ang maysaquit nang _triacang_ itinuturo sa número 42, na tutunauin sa tubig nang _alagao_ na sinabi co can~gina.

=CAPÍTULO 15.=

_Ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao, na ang tauag nang castila sa ganoong saquit ay_ mal de rabia.

136. Ang aso pati nang pusa ay nababang-ao ó nauulol di man cagatin nang ibang hayop na ulol. Ang nababang-ao na aso, ay quinatatacutan nang capoua aso, at sa malayo man ay ungmiilag doon, sapagca pinaquiquiramdaman nila ang caniyang saquit. Cun ang aso,i, nababang-ao na, ay hindi ungmaabot sa icapat na arao, at namamatay siyang cusa.

137. Cun mayroong tauong quinagat nang pusa ó nang asong ulol, ang sugat ay nababahao, para nang ibang man~ga sugat. Caya ang man~ga tagalog na ualang isip, sila,i, nararayaan nang man~ga médicong hunghang na canilang tinatauag; at sa canilang acala ay uala na silang saquit, sapagca ang sugat ay nabahao na. Datapoua aco,i nacaquita na nang labing limang maysaquit sa isang bayan lamang na quinagat nang asong bang-ao; at nan~gamatay rin, baga man nan~gabahao ang canilang man~ga sugat, at sinangrahan nang man~ga médico at sinipsip pa,t, vinentosahan ang canilang man~ga sugat. Ang sugat na gaua nang pusa ó nang asong ulol, ay nabababao n~ga cun minsan siyang cusa, di man gamutin; datapoua pag nacaraan ang tatlong lingo, ó ang isang boua,t, calahati, ó tatlo cayang bouan, ay nararamdaman nang may catauan na masaquit-saquit yaong lugar nang sugat na nabahao. Saca hungmalili dito ang pamamaga nang pilat nang sugat; namumula tuloy at pungmuputoc, at linalabasan nang tila tubig na mabaho, at ga mapulapula. Ang maysaquit ay namamanglao at ga natatamlay; naguiguitla siya, at pinan~gin~gilabutan nang guinao ang boong catauan; ga quinacapus siya nang paghin~ga at balisang parati; masaquit ang man~ga bituca; ang pulso,i, mahina,t, gulo; ang pagtulog ay hindi mahimbing, bagcus parating naguiguising at natatacot; ang pananabi ay sala rin; parating pinapauisan siya nang malamig, na munti ang pauis at sumandaling oras lamang calauon; cun minsan masaquit ang lalamunan. Ito ang man~ga unang nararamdaman nang quinagat nang asong bang-ao.

138. Ang sungmusunod dito,i, itong iba pa; ang maysaquit ay nauuhao na totoo, at nahihirapan cun ungminom, datapoua cun malauo,i, aayao na siyang uminom, at touing ilalapit sa caniya ang tubig, ó cun naquiquita niya, ó naririn~gig man ang pan~galang _tubig_ ay nasisindac ang caniyang boong catauan. Ang man~ga hirap at ang man~ga saquit niya ay hindi masaysay. Ang pagtin~gin niya ay titig, at ga mabagsic; anopa,t, catacot-tacot panoorin ang caniyang lagay.

139. Bagaybagay ang gamot na ang uica nang man~ga tauo,i, maigui rito; datapoua ang gamot na totoong-totoo doo,i, ang _mercurio_, ó _azogue_. Caya ang pagsasangra sa maysaquit, ang ventosa, ang pagsipsip nang sugat, at ang sun~gay nang usa na sinunog, na inilalagay roon, ay hindi naniniya cun minsan; at mayroon ding namamatay na maysaquit na guinamot noon. Caya ang gagauin nang quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao, siya,i, magsusugo sa Mainila (cun sa ibang bayang may botica) nang isa catauo, at ipacucuha niya doon sa botica ang bilin sa número 28. Ito ang totoong gamot, at ang lalong magaling na lunas sa quinagat n~g asong ulol. Caya mabuti disin, cun sa lahat na bayan mayroon magamit na gayong gamot, doon man lamang sa bahay n~g tauong mayaman, ó sa tinda nang man~ga mercader; ang halaga niyong gamot na yaon ay isang salapi ó piso. Datapoua cun bibili ang man~ga mercader sa botica, ay magaling bumili sila nang mercurio lamang na ualang calahoc, sapagca ang mantica,i, ungmaanta, at ang isa pa,i, cun gagamitin na, ay ualang liuag samahan nang mantica ayon sa turo sa número 28 doon sa nota.

140. Ang gagauin n~ga sa tauong quinagat nang pusa ó nang asong bang-ao ay gayon. Pagcaraca mag-iinit ca nang tubig na dinoonan nang caunting asin. Ang sugat ay huhugasan at lilinising magaling na magaling nitong tubig na malacuco na dinoonan nang asin, nang macuha ang lauay nang asong nacacagat. Saca cuscusing palibot ang man~ga tabi nang sugat, hangang sa tatlong daliri calayo doon sa sugat, nang timbang saicapat nang ungüentong tinuran co can~gina, na bilin sa número 28; at ito,i, gagauing minsan arao-arao. Ang sugat ay gagamutin at babahauin para nang ibang man~ga sugat; datapoua maigui ring pabayaan munang magnacnac nang malauon. Tungcol sa husay nang maysaquit, cailan~gan ang houag siyang cumain nang maraming carne; saca magin~gat sa alac, sa man~ga mahanghang at sa man~ga mainit; at nang lumaqui ang cabagsican nang mercurio, susumpitin ang maysaquit touing arao, at babañosan arao-arao sa malacucong tubig hangang tuhod. Ang caniyang iinuming parati ang bilin sa número 2. Maraming totoongtauo, ani Tissot, ang guinamot co nang gayon na quinagat nang asong ulol, at hindi sila naano. Caya yaon ang cailan~gang pagpilitang gauin nang tauong ibig masiguro ang caniyang buhay. Caya quinucuscos ang man~ga tabi nang sugat nang ungüento nang _mercurio,_ ay nang lumura ang maysaquit nang man~ga labing limang arao, ó tatlong lingo.

141. Datapoua bago gamutin nang gayon ang maysaquit, cun mayroon siyang dugong marami at mataba, at magaling na totoo ang caniyang catauan, pagca hinugasan na ang sugat nang tubig na may asin, ay cailan~gang sangrahan, ó ipacagat sa anim na linta ang caniyang camay; ó tanducan, ó tacluban nang ventosa, at cunan nang dugó na man~ga apat ó limang piso ang timbang. Datapoua cun yayat ang maysaquit, ay houag cunan nang dugo. Saca isusunod doon ang pagcuscos nang man~ga tabi nang sugat, at ang ibang man~ga biling co sa itaas sa párrafong sinundan nito, hangang sa icalabing dalaua ó icalabing limang arao. Ang maysaquit na guinagamot nang _mercurio,_ ay hindi sucat yumapac sa basá; at totoong sama yaon. Gayon din cailan~gang mag-in~gat siya sa hamog at sa ulan; houag lumacad siya sa lupa cun gab-i, ó cun madaling arao, at paraparang masama yaon. Ang man~ga babaying may panahon cun quinagat nang _asong_ bang-ao, ay gagamutin din para nang iba; houag lamang damihan ang ipinapahid sa caniya, at houag namang pahiran arao-arao cun hindi cailan~gan. Masama namang sangrahan.

142. N~guni,t, cun ang tauong quinagat nang pusa ó nang _asong_ bang-ao na hindi guinamot nang paanyo, ay sungmasama na ang caniyang pagcaramdam, at mahirap na ang caniyang lagay, ang gagauing madaling-madali doo,i, gayon. Sasangrahan, ó cucunan nang maraming dugo, at ito,i, uuling gagauing macalaua ó macaitlo ó macaapat, cun baga cailan~gan. Cun baga mapambohan ang maysaquit nang malacucong tubig ay pambohan agad nang macalaua maghapon. Sumpiting macalaua, ó macaitlo maghapon nang bilin sa número 5. Cuscusin ang man~ga tabi nang sugat na macalaua maghapon nang ungüento nang _mercurio,_ para nang utos sa párrafo 140. Yaong casangcapang quinagat nang pusa ó nang aso, lalahiran nang lan~gis ó lana man, at babalutin nang basahang babad din sa lan~gis; macaualo maghapon, paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang alagao; at macaualo rin palulunuquin ang maysaquit nang isang pelotilla nang turo sa número 31. At cun baga ibig niyang sumuca, painumin nang bilin sa número 35. Ang maysaquit na guinamot nang gayon, cun baga nalauo,t, hindi pa gungmagaling na tatoo, bagcus naroon mahina,t, hapay ang caniyang loob ay paiinumin nang bilin sa número 14, timbang tatlong bahagui maghapon.

Cun sa iyong bahay mayroon cang in~gat na _mercurio_ ay siya na yaon, at hindi cailan~gang magsugo canang tauo sa botica. Ang timbang pisong _mercurio_ ay doonan mo nang timbang tatlong salaping _manticang_ sariua nang baboy, at timbang isang salaping _sebo_ nang _baca_ ó _tupa_; saca bayuhin itong tatlong bagay, hangang hindi na maquita ang _azogue_, sa isang bayohang bacal ó tangso, ó sa lusong man, ó sa tagayan man, at pagca bayo na,i, yaon ang ungüentong ipapahid mo sa sugat para nang turo co sa itaas, párrafo 140.

_Nota_. Ang uica nang isang médicong marunong, na si Roux ang n~galan, na capilitang pasuin ang sugat na guinagaua nang aso ó nang pusang ol-ol. Caya pagca hinugasan ang sugat nang tubig na may asin, ay doonan nang caonting bulac ó laman nang bun~ga nang boboy, at papagnin~gasin, na yao,i, gagauing maminsan-minsan. Saca gauin mo naman ang turo ni Tissot tungcol sa _mercurio_; at houag mong bahauin ang sugat cundi malauon.

_Ang gagauin sa quinagat nang asong ol-ol cun ualang mercurio ó azogue._

143. Datapoua cun ualang _mercurio_, at maliuag namang magpacuha ca sa botica, ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao, ay gayon. Pagcaraca huhugasa,t, lilinisin ang sugat nang maysaquit nang tubig na malacuco na dinoonan nang asin, n~g macuha ang lauay nang asong nacacagat. Saca painumin tuloy ang maysaquit nang _lana ó lan~gis_ sa castila, _ó lan~gis_ nang _niyog_ na mabaho man, ga calahating taza carami, hangan sa siya,i, sumuca; at cun hindi sungmusuca ay big-yan pa hangan sumuca. Itong pag-inom nang lan~gis, hindi sucat pabayaan, at siya ang cauna-unahang gamot dito. Saca cun ibig at pungmapayag ang maysaquit, ang sugat ay pasuin nang caunting bulac, ó nang laman nang bun~ga nang boboy. Cun aayao ang maysaquit na pasuin ang sugat niya,i, papagsugatin nang isang _lanceta_ ó campit ó dulo nang gunting man, mangyaring magdugó lamang, at doonan ang sugat nang caputol na _sun~gay_ nang _usa_ na sinunog, at iuan doon hangan sa siyang cusang malaglag. Ang pagsusunog noong sun~gay nang usa, ay hindi maliuag; basahin mo ang numero 30.

144. Ang sinabi co n~gayon sa párrafong natalicdan ay magcacasiya na cun minsang igamot sa quinagat nang asong ol-ol; datapoua nang lalo pang maseguro ang buhay nang maysaquit, ay mabuting gauin ang sasabihin co n~gayon. Touing icalauang arao susumpitin ang maysaquit; arao-arao papambohan nang tubig na malamig, at palulunuquing maghapon nang dalauang pelotilla nang bilin sa número 31. Ang pagpambo itutuloy hangang sa tatlong puo ó apat na puong arao, at cun hindi minamagaling nang maysaquit ang malamig na tubig pambohan sa tubig na malacuco. Ang tauong guinagamot nitong man~ga bilin sa dalauang párrafong magcasunod, cun minsan ay hindi mamamatay di mang gamutin nang mercurio. Datapoua,t, lalong magaling at seguro sa lahat ang mercurio.

=CAPÍTULO 16.=

Ang Gamot Sa Quinagat Nang Man~ga Hayop Na May Camandag.

_Gamot sa quinagat nang pocquiotan, laiuan, potacti, amboboyog, lamoc, ó lan~gao na may camandag._

145. Cun mayroong quinagat na tauo, niyong man~ga hayop na yaon, ang gagauin ay gayon. Bunutin muna ó sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop na cungmagat; saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang, ó sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_; ó tapalan nang tinapay na minasa sa _gatas_ at _pulot_; bañosan ang maysaquit hangan tuhod nang tubig na malacuco; houag pacanin nang marami cun gab-i; painumin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao_. Ang lana ó lan~gis nang niyog ó ang lan~gis sa castila, cun ilahid agad sa lugar na quinagtan nang hayop, ay nacauauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit. Datapoua cun minsan hindi cailan~gang gumaua nang anoman, doon sa quinagat niyong man~ga hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala. Cun baga maraming hayop ang nacacagat, ay sangrahan, ó cunan nang dugó ang may catauan.

_Gamot sa quinagat nang ahas._

146. Ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat, pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca tinatacluban nang ventosa, ó ipinasisipsip sa ibang tauo. Ang sugat ay lahiran nang _lan~gis_ na mainit-init ó lana man, at ang maysaquit ay painumin din nang lan~gis hangan sa siya,i, sumuca. Saca humanap ca nang buto nang _mostaza_ at isang bigquis nang damo na ang pan~gala,i, _coclearia_ (Taquip susó ó taquip cuhol) at bauang, itong tatlong bagay babayuhin: saca pigain, at ang gatá ipaiinom sa maysaquit, at caalam-alam gagaling. Cun ualang buto nang _mostaza_, ang dahon ay na-aari.

147. Cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag-init ca nang caunting tubig na hinulugan nang caputol na _pepita_ sa _catbalonga_, at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar na quinagta,i, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol na _pepita_ rin, na linauayan muna. Pag cumapit ang _pepita_ doon sa sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag. Itong gamot na ito,i, totoong buti. Cun ualang _pepita_, ay lag-yan nang caputol na sun~gay nang usa na sinunog, número 30.

148. Cun ualang _pepita_, ó sun~gay nang usa, ó lan~gis man, ang dumi nang tauo na-aari rin; caya ang timbang cahati, ó tatlong bahagui, ó isang salapi noon ay iyong tunauin sa tubig, ó sa alac, at ipainom sa maysaquit; itong gamot na ito,i, nacagaling sa marami. Maigui ring ipan~guya sa maysaquit ang isang san~ga nang _macabuhay_ na mapait hangang malasahan niya ang pait.

149. Ang pinan~gan~ganlang _agua de luz_, ay yaon ang mabagsic sa lahat na gamot. Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na _agua de luz_, na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalan~gan ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding _agua de luz_. Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming _agua de luz_, at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lan~gis, bago painumin nang _agua de luz._ Ang _agua de luz_ cailan~gang bilhin sa, botica.

150. Bucod doon sa man~ga bagay na sinabi co n~gayon na magaling igamot sa tinuca nang ahas, mayroon namang iba, na magagaua rin sa maysaquit nang madaling gumaling. Caya pagca yari na yaong man~ga bilin sa párrafo 146, 147, 148, mabuting painumin ang maysaquit nang tubig na may gata nang dayap ó nang tubig na sinucaan. Maigui rin (pag nahuhugasan na nang tubig, ó alac ang sugat) pasuin yaon ding sugat nang isang tabaco, ó nang laman nang bun~ga nang boboy.

_Gamot sa quinagat nang atangatang sa uicang castila,i,_ alacrán.

151. Ang pag-gamot sa quinagat nang atangatang ay para nang guinagaua sa quinagat nang ahas; bubunutin muna lamang ó susunquitin nang carayon ang pinacapanuca nang hayop, cun baga nababaon sa laman; saca ang man~ga turo sa párrafo 146, sa 147 at sa 148, susunding gagauin sa maysaquit.

_Gamot sa quinagat nang gagamba._

152. Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon. Bumayo ca nang _bauang_ at _triaca_, at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding lugar nang dagta nang _hauili ó as-is ó tibig_, na macalaua ó macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailan~gang pasucahin nang lan~gis. Ang guinagaua sa quinagat nang ahas, yaon din ang maigui rito: caya cun baga hindi nacagaling ang dagta nang _hauili_, at ang tapal na _bauang_ at _triaca_, susundi,t, gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 146, sa 147, at sa 148. Ang magaling sa lahat ay ang _pepita sa catbalogan_, ayon sa sinabi co sa párrafo 147; ito,i, totoong daling nacaguiguinhaua sa maysaquit.

_Gamot sa quinagat nang buaya ó pating._

153. Cun mayroong tauong quinagat nang buaya ó pating, ang gagauin doon ay hugasa,t, linising maigui ang sugat nang alac na malacuco. Doonan nang asin ang sugat lag-yan nang caputol na sun~gay nang usa na sinunog número 30; at pag bumutao ang sun~gay, gamuting para nang guinagaua sa ibang sugat.

_Gamot sa natibo nang pagui, lupo sombilang, canduli, ó ibang bagay na isda na ang tinic ay may camandag_.

154. Ang gamot sa natibo nang man~ga isdang yaon ay ang gata nang dayap, na ipinapatac sa masaquit, pagbinunot muna ang tinic. Cun ualang dayap, ay naari ang dagta nang dahon nang _camote_, ó ang maasim ang _dalandan_, ó ang _suha_, ang _colobot, ó lucban_ man. Magaling din ang tapal nang man~ga _chileng_ binayo na may casamang _suca_. Gayon ding maigui rito ang bun~ga nang _pepinillo_ de S. Gregorio (pacupis, salagsalag, tabuboc, halahala, pocotpocot) na pinan~gan~ganlan naman nang man~ga castila na _coloquíntida_; ang bun~ga nitong damong ito ay binabayo at itinatapal; at ang maysaquit pinaiinom nang caunti noon, ga anim ó pitong butil na palay ang timbang, nang siya,i, sumuca, ayon sa bilin sa _nota_ nang número 34. Cun hindi mauala ang pamamaga nang quinagtang lugar, ay maiguing tapalan nang dahon nang _dapdap_ na mainit init. Cun ang tinic ay hindi mabunot, ay gamutin ang maysaquit para nang turo sa párrafo 285.

_Gamot sa quinagat nang cocac, isa bagang hayop na catulad nang palaca._

155. Ang cocac ay ualang n~gipin, datapoua ang pinacan~gidn~gid noon ay matigas; caya cun mayroon quinagat noong ó cun mayroong nacacain nang _cocac_, ang gagauin doo,i, para nang bilin sa itaas sa quinagat nang gagamba, párrafo 152; ó gamutin para nang quinagat nang ahas, cun hindi siya gungmagaling. Aco,i, nacaquita nang isang tagalog, na munti nang namatay dahilan sa pagcain nang cocac.

_Gamot sa quinagat nang olupihan, ó olahipan, na ang pan~galan nang castila doo,i, ciento piés._

156. Nang maualang madali nang pagsaquit ang lugar na quinagtan nang olupihan, ay loloopin nang tatal nang _molauin_ na sinunog; saca tapalan nang _chile_ at bauang na binayo. Maigui ring tapalan nang dahon nang tabacong mura, na binayo rin. N~guni totoong buti sa saquit na ito, ang _pepita_ sa Catbalogan, ayon sa turo sa párrafo 147.

_Gamot sa natilas na tauo, pati sa naligas._

157. Mayroong isang ood na ang pan~gala,i, _tilas_ sa uicang tagalog, at sa uicang bisaya,i, _basul;_ yaong hayop na yaon ay hindi nan~gan~gagat; datapoua,i, salang mapasayad sa balat nang tauo,i, cungmacapit at nababaon sa laman ang balahibo noong hayop na yaon. Ang gamot sa natilas, ay ang _draconcio_ (panaquilon); quinacayod ang laman nang pinacacatauan nitong damong ito, at itinatapal sa masaquit; at totoong daling lungmalabas ang man~ga balahibo nang hayop, at nababahao ang sugat na malauo,t, may nana man. Cun ualang _panaquilon,_ ay alin mang bagay sa sasabihin co n~gayon, ay ma-aari. Ang dahon nang _nami_ ay nacacabunot naman nang balahibo nang _tilas._ Ang sa _papayang_ dahon, na maputi at malanta na ay maigui rin. Magaling doon sa masaquit, ang pahiran nang pagquit na uinisican nang lan~gis, at nang pinalambot sa apoy, at saca paraanin nang mariin doon sa masaquit ang ilang buhoc nang babayi, na hinahauacan sa dalauang camay, at madadala tuloy nang buhoc ang man~ga balahibo nang tilas.

_Nota._ Ang tauong dungmaraan sa ilalim nang cahoy na pinan~gan~ganlang _ligas,_ cun baga siya,i, nahuhulugan nang hamog na nangagaling doon, ay sinisibulan ang may catauan nang man~ga butil na masaquit, at ang gamot doo,i, cuscusin nang caputol na bun~ga nang salagsalag ó pacupis (pepinillo de san Gregorio.)

_Gamot sa pinasucan sa tayin~ga nang antipalo, cun otdo_

158. Ang hayop na pinan~gan~ganlang _antipalo,_ ay catulad nang olopihan, munti lamang doon, at marami ang paa. Itong hayop na ito,i, sungmusoot sa tayin~ga nang tauo. Ang pinan~gan~ganlan nang tagalog na _otdo_ ay catulad nang bulati, munti lamang ang catauan, mabilog, malandas na totoo, maquintab ang balat,at ga mariquit tingnan. Ang _otdo_ ay hindi rin nan~gan~gagat sungmosoot lamang sa tayin~ga nang tauo. Caya cun mayroong tauong sinuutan sa tayin~ga, nang _otdo, ó antipalo,_ bumayo ca nang caonting isdang tuyo, ó bagoong, at idoon mo sa tayin~ga, at lalabas ang hayop. Cun ibig mong patayin ang _antipalo_ sa loob nang tayin~ga, ay bumayo ca nang isang bigquis na locoloco, _(albahaca silvestre)_ lag-yan mo nang caunting tubig; saca pigain, at ang gata,i, idoon mo sa tayin~ga, at mamamatay ang hayop.

159. Cun minsan ang tauo,i, pinapasucan sa tayin~ga nang man~ga hayop na munti; at ang mabuti sa lahat doo,i, pahigain nang pataguilid ang may catauan, at sidlan nang tubig ang tayin~ga, at pagcaraca lalabas ang hayop.

=CAPÍTULO 17.=

_Ang bulutong na ang tauag nang castila doo,i,_ viruelas.

160. Bago lagnatin ang tauong bubulutun~gin siya,i, ga namamanglao muna; madaling pauisan siya, at nananab-ang nang pagcain. Ang muc-ha,i, ga nag-iiba, pati nang mata,i, macuyad; saca naghahalihalili ang pagdaan nang init at nang guinao sa may catauan. Sungmusunod dito ang isang malaquing guinao, at tuloy hungmahalili sa guinao ang isang malaquing lagnat, na may casamang saquit nang ulo,t, bayauang. Ang maysaquit ay sumusuca naman, ó ibig sumuca. Nahahalatang darami ang bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,i, sungmusucang parati, at ang bay-auang ay masaquit na totoo; cun nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; ó cun baga bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong arao, ó sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay lalo pang mapan~ganib ang maysaquit.

161. Ang lagnat nang bubulutun~gin ay iilang oras lamang ang calac-han; saca ungmuunti ang lagnat at pinapauisan nang malaqui. Sa catapusan nang lagnat, sa icatlo ó icapat na arao ay lungmilitao ang bulutong na casabay nang pauis na sungmusunod sa lagnat. Ang unang sinisibulan nang bulutong ay ang muc-ha, saca ang camay; sungmusunod ang bias nang camay, ang liig at ang ibabao nang dibdib. Pagca ganito ang lagay nang maysaquit, at talagang hindi siya lulubha,t, bubulutun~gin nang marami,t, masamang bulutong, ang lagnat ay ungmuunti ó hindi lamang nauauala; saca dungmarami ang bulutong, at sungmisibol sa licuran at sa pig-yi, sa tiyan, sa hita,t, sa man~ga paa; cun minsan maraming totoong bulutong ang sungmisibol sa talampacan. Ito,i, mahirap sa maysaquit; sapagca dahilan sa cacapalan nang balat noong lugar na yaon ay maliuag sumibol na madali. Ganoon ang inaasal nang bulutong na magaan.