Si Tandang Basio Macunat

Part 7

Chapter 7 346 words Public domain Markdown

--¡Maca, pó, ang sagot nang matanda, maca, pó, ñga,i, mali itong aquing sapantaha! Ñguni,t, sasabihin co, pó, sa inyo, na cung inaabot nang aquing sariling pag-iisip, at sa pinagmamasdan co sa mañga tagarito ma,t, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,i, tila, pó, aco,i, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, pó, hangan macacayanan co, ay pagbabaualan co,t, hindi co, pó, pahihintulutan ang aquing mañga anac, at ibang mañga camag-anac at caquilala, na mag-aral sila nang uicang castila, ó iba cayang carunungang di bagay at ucol sa canilang calagayan at _pagcaindio_. Ang cauicaan co, pó,i, para nang nariñgig cong madalas sa aquing amba. Ang Hari, ay mañgasiua sa caniyang pinaghaharian; ang anloagui, ay maghasa nang maghasa nang caniyang mañga pait at catam; ang ama,t, ina, ay mag-alila sa canilang mañga anac; at ang mañga _indio_, ay mag-alaga nang canilang calabao. Cung aco po,i, nagcacamali dahilan sa lubos na pagsunod co nitong mañga casabihang ito nang aquing tatay, at... patauarin aco nang ating Pañginoon Dios.

Dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang Basio, ay uala acong naalamang isagot, caya binali co,t, pinatid ang pinag-uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya.

--Bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Pañginoon Dios, ay luluas na, pó, aco.

--Madali, pó, naman cayo, ang biglang sagot ni Basio at nang caniyang asaua at mañga anac.

--Uala, pó, acong magaua, at aco,i, tinatauag na sa Maynila; caya cung mayroon, pó, cayong ipag-uutos sa aquin, ay inyo póng sabihin, at tutuparin co.

--Salamat, pó, ang sabay na tugon nang lahat na mag-anac, salamat, pó. Ang Pañginoon Dios ang sumama sa inyo, at houag, pó, cayong madala sa amin, at cami, pó,i, tumatalaga sa inyo _oras-oras_.

Nagpasalamat aco sa canilang lahat at nagpaalam na, at nang quinabucasan niyo,i, umoui na aco sa Maynila.

Magmula niyong panahong yaon hangan ñgayon oras na ito,i, hindi co malilimutan ang aquing caibigan na si tandang Basio Macunat, at madalas na madalas na inaala-ala co ang caniyang matotouid na catouiran.

FIN.