Si Tandang Basio Macunat

Part 2

Chapter 2 3,774 words Public domain Markdown

--Hindi, pó, ang sagot ni mamang Basio, hindi, pó, aco nayayamot, bagcus, po,i, malaquing malaqui ang toua cong maquipagsalita sa inyo, palibhasa,i, cayo po,i, marunong cumilala nang catouiran co, ó nang hindi caya catouiran, at marunong din, po, cayong humalang sa aquin, cung baga aco,i, nagcacamali....

III

Aco,i, umoui na; at nang dumating aco sa aquing tinutuluyang bahay, ay guinuguni-guni cong palagui, na cung ano caya ang napapalaman sa casulatang ipaquiquita sa aquing nang caquilala cong si tandang Basio.

Sari-sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag na yaon.

Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa nang inuulit cong casulatan. At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man ang simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang _oras_, na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.

Nang aco,i, dumating sa bahay nang matanda, ay _nagrorosario_ pa silang mag-anac; caya aco,i, nag-antay, at umupo aco sa liputan nang bacuran, hangan sa natapos ang canilang _pagdarasal_.

Pagcatapos nang canilang dasal, ay sumungao si tandang Basio sa _bintana_, at pagcaquita sa aquin, ay sumigao nang gayon:

--¡Aba! ¡cayo, po, pala,i, naririyan! Cami, po,i, inyong patatauarin, at cayo, po,i, pinaantay namin diyan sa hamogan.

--Uala, pó, ang sagot co, uala, pó, acong sucat na ipatauad sa inyo, at uala, pó, cayong casalanan, sapagca,t, inaagapan co ang aquing pagparito.

--¿At _comusta_, pó, cayo? Cayo, pó, yata,i, naligo cangina sa bucal.

--Siya nga, pó, ang aquing sagot, doon aco,i, naligo canginang umaga, at namaril acong tuloy nang caunting _oras_ sa manga tabing palayan.

Pagcatapos nitong aming pagbabatia,t, _pagcocomustahan_, ay pumanhic na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,i, sumigao si tandang Basio nang gayon: ¡Silia! ¡Silia!... cunin mo yaong balutang natatabi sa loob nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit.

Pagca maya-maya,i, ito na si tandang Siliang may taglay ang naturang balutan na iniabot sa caniyang asaua. Binuclat ni matandang Basio, at hinango roon ang isang parang _librong_ munti, at ang uica niya sa aquin:

--Ito, pó, aniya, ang casulatang sinabi co sa inyo cagabi. Cung _gusto_, po, ninyong basahin, ay basahin, pó, ninyo, at cung ang _gusto_ po, ninyo, na aco,i, siyang bumasa, ay babasahin co, pó.

--Cayo, na, pó, ang aquing sabi cay tandang Basio, cayo na, po, ang bumasa, at paquiquingan co.

--Salamat, pó, cung siya ang inyong _gusto_. Subali,t, bago cong sapulan ang pagbasa nito,i, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo.

--Cayo, pó, ang bahala; at aco,i, ayunayunan sa inyo.

--Salamat, pó, ang ulit nang matanda, at tuloy nag-uica sa aquin nang gayon:--Ito pong casulatan, ay guinaua nang aquing tatay, at palibhasa,i, siya,i, capoua co ring hangal, ay _segurong-seguro_ po,i, maraming mapipintasan ninyong salitang hindi matotouid. Datapoua,t, cung sa laman, pó, ay totoong-totoo ang nalalaman dini; at cung caya,i, pinatotoohanan co, sapagca,t, inabot co at naquilala co rin ang lahat nang tauong nasasambit dito sa tinatangnan cong _libro_.

--Houag, pó, cayong, ang sagot co; houag, po, cayong mag-alaala niyan at nang anoman, at aco,i, isa ring hangal. Ang ibig co, pó, lamang ay matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya, cung baga minamatapat, pó, ninyo, ay inyong sapulan na.

--Cung ganoon, pó, ay inyo, pong paquingan, at aco,i, sasapol na.

--Pagcasagot nang ganito ni tandang Basio, ay lumapit siya sa ilao, binuclat niya ang casulatan, pinahiran nang _paño_ ang caniyang mata, suminga nang caunti, tumic-him pang dahan-dahan, at binasa niyang tuloy itong manga susunod, na isinalin co dito sa _papel_, na ualang culang at ualang labis:

IV

Buhay nang isang mag-anac na tagarito sa Tanay.

Sa taong sanglibo, ualong daan at labing tatlo,i, mayroon dito sa bayan nang Tanay isang mag-anac na mayaman at mabait. Aapat silang catauo: ang ama,t, ina baga, at dalaua nilang anac, bucod ang manga alila.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na _Cabezang pasado_, na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Dito sa boong bayang ito,i, uala cayong ibang mariringig cundi manga pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,i, mababanal sila,t, masimbahin; maauain sa manga _pobre_ at mahihirap na tauo; masusunurin sa manga utos nang Dios, nang Padre Cura, at nang manga Justicia na cung sabihin co sa catagang uica at: ualang-ualang sucat ipagpintas sa canila sa ano pa mang bagay.

Lumaqui itong dalauang anac ni cabezang Dales, at naguing bagong tauo at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila una-una,i, gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at dalaga sa panahong yaon, sa _pagrorosario_ baga, sa pagsisimba cung sabado, sa pagdarasal, sa paggamas sa _patio_ nang Simbahan, at sa iba,t, iba pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga.

Mahusay sa mahusay ang asal nitong dalauang magcapatid, na si Pili, baga at si Proper. Marurunong din sila nang manga catungculan nang tauong cristiano at nang iba pang nauucol sa pagcabuhay, at sa paquiquipagcapoua tauo. ¿Ano pa?; Ang pananamit nilang magcapatid, at ang quilos man nang canilang catauoan, ay tapat na tapat, na ualang cahalong capalaluan ó calibugan.

¡Ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang Dales, na paluasin ang canilang anac na si Prospero sa Maynila nang mag-aral doon, anila, nang caunti!

¡Hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,i, naguudioc sa canila sa gayong bagay!

Nang mabalitaan ni Felicitas itong manga naisipan nang caniyang magulang ay nalumbay siyang totoo; at sa malaquing caramdaman nang caniyang loob, ay nangusap siya sa caniyang tatay nang ganito:

--¿Totoo, pó, baga, tatay, na paluluasin, po, ninyo si Próspero sa Maynila?

--Oo, ang sagot nang caniyang ama.

--¿At ano,t, paluluasin, pó, ninyo?

--¡Balio ca! ang sigao ni cabezang Dales, ¡baliu ca!, nang siya,i, mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa atin na para-para tayo,i, manga hañgal, na ualang naalamang iba cundi cumain at mag-araro.

--Maano pó, tatay, ay houag, pó, ninyong paluasin si Próspero.

--¿At baquit?

--Ayuan co pó; subali,t, masasabi co, pó, sa inyo, na masamang-masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at malaquing-malaqui, pó ang tacot co, na baca sacali,t, mapahamac ang aquing capatid, na minamahal at manamabait co póng totoo, cung paluasin, pó, ninyo siya sa Maynila.

--Houag cang magbaliu-baliu, Pili, ang sagot ni cabezang Andrés. ¿Baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si Proper, ganiyang cabait siya, paluasin co man siya sa Maynila?

--Hindi, pó, aco macasagot sa inyo; datapoua,t, di baga naquiquita pó ninyo, ó nabalitaan caya, ang nangyayari sa caramihan nang batang pinapag-aral sa Maynila, na mababait na mababait sila, nang sila,i, umalis sa casiping nang canilang magulang, at pag-oui, pó, nila sa canicanilang bayan, ay iba na ang canilang asal at ugali; na tabi sa di gayon, ay ualang-uala silang naalaman, cundi lumigao at gumala oras-oras; magsoot nang matitigas, at lumayao sa catauoan?

--Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na pangagaling sa Maynila niyong mañga nasabi cong bata, at cahit ano ang natutuhan nila doon; ay pagdating, pó, rito sa bayan, ó sa bayang canilang pinagbubuhatan; ay hindi na sila marurunong gumalang sa matatanda, at ang pagpupugay man pó, sa mañga puno, at sa mañga Sacerdote ay hindi na guinagaua?

Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na ang caramihan nating mañga tagalog, tabi sa di ganoon, na nag-aaral sa Maynila, ay ualang ibang natutuhan doon cundi ang dilang capalamarahan sa canilang capoua tauo?

Cayo, póng bahala, tatay; cayo rin, pó, ang aming susundin; nguni,t, ipinamamanhic co póng totoo sa inyo, na bago pó, paluasin ninyo si Proper, ay cumuha, pó, cayo muna nang tanong at sanguni sa ating mahal na Padre Cura, ó sa iba cayang nacacaalam; maca, pó, sacali; ang inyong casasapitan, ay malayong-malayo sa inyong hinahañgad.

At saca, pó, tatay; ay alalahanin, pó, ninyo, na sa pagcacamit nang Lañgit, ay hindi cailañgang mag-aral muna nang uicang castila at _cánones_, ó cung ano pong ñgalan niyong pinag-aaralan nang mañga _estudiante_ sa Maynila, at madalas naringig co, pó, sa mañga Confesor, at binasa co pa sa mañga libro, na, cung sa Pañginoon Dios, ay ualang _castila_, ualang tagalog, ualang _ingles_, ualang _inchic_, ualang mahirap, ualang mayaman, ualang marunong at ualang hañgal; tayo,i, para-parang hohocoman niya, at ayong sa ating mañga gaua, ay ganoon din ang caniyang ganti ó parusa sa atin.

Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andrés, na paluluasi,t, paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Próspero, ay pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa _oras_ na yaon, nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre Cura, at doon cumuha nang sanguni.

Ang Cura dito sa amin, niyong panahong yaon, ay baga man castila, (siya,i, Franciscano na paris nang mañga hinalinhan niya, at nang mañga humalili sa caniya), baga man castila, anaquin, ay tagalog na tagalog cung sa pañguñgusap; at palibhasa,i, matagal siyang totoo dito sa catagaloga,i, naalaman niya ang lahat na mañga asal at ugali naming mañga _indio_. Caya nang humarap sa caniya si cabezang Dales, at ipinahayag sa caniya ang talagang isasanguni sa caniya, ay sinagutan siya nang aming cagalang-galang na Padre Cura nang isang mahaba at malinao na sagot, na sasaclauin co dito sa maicsing salitang susunod:

--Mabuting-mabuti ang uica nang Padre Cura, mabuting-mabuti ang inaacala mo, Andrés; palibhasa,i, maigui ñga na ang tauo,i, mag-aral nang mag-aral, hangang macacayanan niya, nang mañga bagay-bagay na carunuñgan, macatutulong sa caniya sa mañga iba,t, ibang calagayan natin dito sa lupa. Caya, naguing cauicaan nang mañga pantas na marurunong, na _ang carunuñgan ay hindi nacabibigat, cundi nacagagaan nang mañga pasan natin dito sa mundo_. Nguni,t, mayroon acong itatanong sa iyo.

--Cayo póng bahala, ang uica ni cabezang Dales.

--Ano caya ang hinahañgad mo, ó hinahabol mo baga sa anac mong si Próspero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa Maynila?

--Uala, po, acong ibang hinahabol at ninanasa sa aquing anac cundi ang siya,i, matuto nang caunti sa Maynila.

Ay ano, ang ulit nang Cura, ay ano, di baga siya,i, marunong nang dasal?

--Marunong, pó.

--Di baga siya,i, marunong bumasa, sumulat at nang manga _cuenta_ pa?

--Aua, pó, nang Pañginoon Dios, ay naalaman nang anac co iyang mañga bagay na iyan.

--Di caya maalam si Próspero nang _mag-araro_, mag-alaga nang calabao, mañgahuy, at nang iba,t, iba pang tungcol sa inyong pagcabuhay, at nang ucol naman sa mañga catungculan nang tauong cristiano?

--Iyan póng lahat na iyan ay naalaman din ni Proper.

--Cung ganoon, ang uica nang Cura, cung ganoon; ano pa ang hinahabol mo, ó hinahanap mo cay Próspero?

--Ang ibig co, pó lamang, Amo, ang uica ni Dales, ay ang mag-aral si Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, pó ninyo, na dito sa ating bayan, ay hañgal na hañgal ang tauo, na halos hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanuñgin po, ninyo silang tungcol sa mañga calabao, mañga palayan, mañga caiñgin ó ibang ganito.

--Totoo iyang salita mo, Andrés; subali,t, talastasin mo namang maigui, na malaquingmalaquing camaliang umasa, na ang isang puno nang sampaloc ay mamuñga nang bayabas, at isang, puno nang bayabas ay mamuñga nang sampaloc. At itong camaliang ito,i, nasasainyong lahat halos, na bihirang-bihira ang hindi nararamay sa camaliang ito. Caya ang nangyayari sa caramihan ninyong mañga _indio_, maguing tagalog, maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc. etc. etc., ay gayon:

Mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at capagcaraca,i, tinutucso cayo nang demonio, ó nang inyong capoua tauo, ó nang inyong sariling cahunghañgan ó capalaluan, na paluasin baga ninyo sa Maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,i, mag-aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,t, pinagmamasdan itong inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, ó matalas caya ó mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid.

Ang inyong guinagaua lamang sa mañga cataonang ganito, at ang inyong iniisip at guinugunam-gunam lamang, ay cung quinacaya baga ninyo, ó hindi quinacaya ang pagbabayad nang pag-aaral at pagtira nang inyong anac sa Maynila; at cung baga inaacala ninyong nacacayanan din, ay isinusulong ninyo ang inyong banta,t, calooban, at siya na.

Dahilan dito sa inyong asal, ang nangyayaring cadalasa,i, natutunao lamang ang inyong salapi, at ang mañga anac ninyo,i, ualang ibang pinag-aaralan sa Maynila, cundi mañga _capillohan_, casalauolaan, capalamarahan, at iba,t, iba pang masasamang ugali.

Cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na Padre Cura, cung dito sa anac mong si Próspero ay masasabi co sa iyo, na minamabait co,t, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano at masunuring anac. Subali,t, cung sa aquing pagtiñgin, cung aquing pagmamasid sa caniya, ay tila,i, may capurulan ang caniyang ulo, caya inaalaala co, na baca sacali,t, cung paluasin mo siya sa Maynila, ay hindi lamang hindi matuto ang inaacala mong matutuhan niya roon, cundi bagcus ay masira at mauala pa ang caniyang cabaita,t, cagalingan, at ang humalili dito,i, ang capusuñgan at capalaluhan.

Caya ang hatol co at ang aquing sagot sa mañga ipinahayag mo at itinanong mo sa aquin ay gayon: Houag mong paluasin si Próspero sa Maynila: sapagca,t, ñgayon siya,i, mabait na anac, mahusay na binata, masunuring cristiano at mabuting cababayan; ñguni,t, cung paluasin mo siya,i, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan.

--Salamat, pó, ang ulit ni cabezang Dales,salamat, pó, at co,i, inaaralan ninyo,t, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,t, cundi icagagalit nang aquing Panginoon, ay mayroon, pó, acong sasabihin sa inyo.

--Hindi, ang banayad na sagot nang aming Cura, hindi aco magagalit: caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co nang macacayanan co.

--Ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong pag-iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang Dales. Na tila po,i, ang laman nang mañga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag-aral caming mañga _indio_ nang mañga iba,t, ibang naalama,t, pinag-aaralan ninyong mañga castila.

--Hindi at hindi, ang biglang sagot nang Cura, hindi iyan ang cahulugan nang mañga sinalita co sa iyo. Maling-mali, Andrés, ang caisipan mo. At cung sa aquin, ay hindi lamang hindi co inaalis, cundi minamagaling cong totoo, na ang mañga _indio_, mag-aral nang balan nang carunuñgan maguing sa _pagmemedico_, maguing sa _pagmamaestro_, maguing sa _pagpapare_, maguing sa _pag-aabogado_, ó iba,t, iba cayang mañga _oficio_ at calagayan natin dito sa mundo.

Baquit aco,i, magsasaloob nang ganiyan, at mayroon acong naquiquilalang mañga _Pare_, mañga _Médico_, mañga _Abogado_, na para-parang mañga _indio_, na mahusay na mahusay sila sa cani-canilang catungculan, at naguing uliran pa sila nang ibang mañga _Pare_, mañga _Médico_ at mañga _Abogado_? Ang ipinipintas co lamang sa inyo: pacatandaan mong maigui, Andrés; ang ipinipintas co lamang sa inyong mañga _indio_, at ang minamasamang totoo nang aquing calooban, ay ang ualang casinghamac na ugali ninyo, na pag nagcacaroon cayo nang caunting _cuarta_, cung mayroon cayong mañga anac na lalaqui ay agadagad paluluasin ninyo sa Maynila itong inyong mañga anac, nang mag-aral doon, aninyo, cahit casingtigas nang batobalani ang canilang ulo, at uala silang cabait-bait.

Caya, ang uica co sa iyo cañgina, at inuulit co ñgayon, at uulitin cong magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa sanglibong _indiong_ nag-aaral sa Maynila, ay ang siam na raan at limang puo,i, ualang ibang natutuhan doon cundi mañga capalaluan, mañga casalbahian, mañga casalauolaan, mañga calayauan nang catauoan at ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang magugulang.

Dito rin sa ating bayan ay mayroong maipaghalimbaua aco sa iyo:

Ano caya ang naalaman ni Basteng anac nang nasirang _Maestrong Sensio_, ganoong catagal siya sa Maynila, na cung sa aquing balita,i, mayroong ualo ó siam na taon siya roon?

Ay ualang-ualang iba, cung sa naquiquita co at pinagmamasdan, cundi ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang pagpapaquialam min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang pagbabañgon nang usap sa mañga ualang casaysayan, at ang pagpapalalo sa lahat. At saca hindi sila nagcocompisal sa panahon nang _Santa Cuaresma_, at magsimba man sila, cung _Domingo_ at _Fiestang_ pañgilin, ay hindi guinagaua nila ito alangalang sa pagsunod sa utos nang santa Iglesia, cundi nang sila,i, maquita, at sila nama,i, macaquita. At bucod dito,i, hinihicayat pa nila ang ibang tauo sa paggaua nang canilang guinagaua.

Di baga totoo ito, Andrés? Icao rin ang magsabi, at mayroon canamang mata, tayiñga at pag-iisip na paris co. Di baga totoo itong aquing sinasalita sa iyo?

--Houag, pó, ang sagot ni cabezang Dales, houag póng maguing casiraan nang puri nang capoua tauo; datapoua,t, ay totoong-totoo ang inyong sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat dito sa bayan.

--Cung gayon, ang uica nang Cura, cung gayo,i, acalain mo, Andrés, ó hugutin mo caya dito sa nangyari at sa nangyayari cay Isco, cay Julian at cay Baste, acalain mo, anaquin, cung ano ang mangyayari sa anac mong si Próspero, cung paluasin mo siya sa Maynila.

--Salamat, pó, ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, pó, nang maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, pó, ninyo ang aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, pó, cayong ipag-uutos sa aquin.

--_Adios_, Andrés, ang uica nang Cura, _adios_, Andrés, at houag mong pahamacan itong hatol ó pañgañgaral co sa iyo, sapagca,t, hindi nangagaling sa isang biglang sompong, cundi sa isang matagal at sadyang pagmamasid co nang inyong mañga ugali at paquiquipagcapoua tauo....

Yumaon na si cabezang Dales sa Convento, at nagtuloy sa caniyang bahay, at palibhasa,i, balisa ang loob ni Felicitas, ay sinalubong niya sa pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya ang naguing hatol sa caniya nang Padre Cura, at ang sagot nang caniyang tatay ay ganoon:

--Ang hatol sa aquin nang ating Cura ay paris din nang hatol mo, na houag co bagang paluasin si Proper, na baca sacali, aniya,i, mapahamac. Datapoua,t, isipin co ma,t, isipin, ay hindi co matatalastas, cung baquit mapapahamac itong anac co, cung papag-aralin co siya nang caunti sa Maynila.

--Tatay, ang maamong uica ni Pili; tatay, maano, po,i, sundin, pó, ninyo ang hatol nang ating mahal na Cura, sapagca,t, siya ang ama nang ating caloloua, at _segurong-seguro_, po,i, hindi ihahatol niya sa inyo nang gayon, cundi talastas niya, na siyang matouid at tapat sa cagaliñgan natin.

--Siya ñga, ang uica ni Dales, siya ñga, ñguni,t, tila nagugulo ang aquing pag-iisip, at ang loob co,i, catua, sapagca,t, hindi co matantong maigui ang tunay na cahulugan nang mañga quinacatouiran sa aquin nang ating cagalang-galang na Padre Cura.

--Pabayaan, pó, ninyo, tatay, ang ulit ni Pili, pabayaan, pó, ninyo, tatay, iyang pag-iisip na iyan, at houag, pó, ninyong alalahanin iyang mañga bagay na iyan. Cung ano, pó, ang hatol sa inyo nang ating mahal na Padre Cura, ay siya pó, ang inyong sundin, at hindi, pó, cayo magcacasala sa ating Panginoong Dios.

Pagcasalita nang gayon ni Felicitas ay umalis na ang caniyang ama at nagtuloy sa mañga pag-gaua niya sa buquid; at buhat niyo,i, hindi pinag-uusapan nila itong mañga bagay na ito; caya lagay na lagay ang loob ni Pili, at ang boong acala niya,i, hindi na paluluasin si Próspero sa Maynila.

Datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni Dales sa aming Cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag-ina ni Felicitas itong di pagluas ni Próspero sa Maynila, at casalsalang ipinahahayag ni Pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan sa hindi pag-alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang Andrés, at capagcara,i, tinauag niya ang mag-ina, at iniutos sa canila nang isang masiquip na utos, na agad-agad, ang uica, ay bumili sila nang cáyo at gumaua sila nang maraming baro at salaual cat Proper, at maghanda pa sila nang mañga _paño_, _chapin_, _chinelas_, _talla_ at nang balang cailangan; at sa isang lingo, aniya, ay paluluasin co si Proper sa Maynila, at papag-aralin co doon nang caunti.

¡Catacot-tacot ang pag-iyac ni Felicitas nang mariñgig niya itong utos nang caniyang amba! Di mapalagay-lagay ang caniyang loob, at sari-saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay. Ñguni,t, nagbiñgi-biñgihan si don Andrés sa mañga caraiñgan at sa mañga luha nang caniyang anac na si Pili, at inulit nang inulit niya ang utos, na gauing madali nilang mag-ina ang ipinagaua sa canila.

Hangan ñgayon _oras_ na ito, na itinatala co sa _papel_ ang nangyari sa mag-anac na don Andrés Baticot, ay hindi co maisip-isip, hindi aco macapag-aacala man lamang, cung sino caya ang nag-odyoc ó humicayat sa naturang Dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang-galang na Padre Cura namin.

Cung sa aquing sarili, ay uala na acong ibang sucat na pagbintañgan at paghinalaan, cundi ang _mismong Demonio_, o cung dili caya, ay ang pinacacatouan nang _Demonio_ dito sa bayan.

Houag magalit ang sino manga babasa nitong aquing casulatan, dahilan sa mañga sinasalita co sa unahan nito, sapagca,t, maquiquilala rin niya, dito sa itinutuloy cong historia, ang aquing catouiran.

Sa di macuha ni Felicitas sa mañga capamanhica,t, caraiñgan, ang ninanasa nang caniyang loob, ang houag bagang paluasin si Proper sa Maynila, ay tumahimic na, at tumulong na siya sa caniyang inda sa paghahanda nang mañga ipinahahanda sa canila ni cabezang Andrés.

Pagcahanda na ang lahat, at nang dumating ang _oras_ na tucoy, ay nagpaalam na ang mag-ama ni Próspero sa mag-ina ni Felicitas; at doon na, ang pag-iiyacan nilang lahat; doon na, ang paghahatulan nang isa,t, isa; doon na, ang pagbibilinan nang sari-saring bilin; doon na, ang pagdadalamhatian nang loob nang nañga-aalis at nang nañgaiiuan.

Bago magcaganito; sa macatouid baga; bago dumating ang arao na tinucoy ni cabezang Dales sa pagluas nilang mag-ama ni Proper, ay si Felicitas, na hindi lamang mabanal na mabanal na dalaga, cundi pa nama,i, matalas na matalas ang caniyang bait at pag-iisip, ay tinauag niya sa lihim ang caniyang capatid na si Próspero, at pinañgaralan niya, nang mahabang oras, nang madlang bagay tungcol sa maguiguing bagong calagayan niya.

Pinaquingan ni Proper ang mañga aral sa caniya nang caniyang _ala_ ó _caca_, (si Felicitas ang pañganay), at ipinañgaco niya cay Pili, na susundi,t, susundin niya ang lahat na mañga hatol na yaon, at ang tica nang caniyang loob, ani Próspero, ay houag sumala sa ano pa mang bagay at ang uica pa, na hindi niya,i, iaacsaya ang panahon, cundi bagcus ay mag-aaral at mag-aaral siya sa caniyang macacayanan, ayon sa _gusto_ at calooban nang caniyang magulang.