Sa Tabi ng Bangin Kasaysayan Tagalog

Part 2

Chapter 2 1,680 words Public domain Markdown

"Isang araw ng Lingo, dalawa sa aking pinakamatalik na kaibigan, matapos kaming makasimba, ay niyaya ako sa bahay ng isang mayaman, na ng araw na iyon ay ipinagpipista ang kaarawan ng kapan~ganakan sa kaniyang anak. Marami ng panauhin ang inabot namin doon, at sa tanan, ay ipinakikilala ako ng aking dalawang kaibigan, tan~gi nga lamang sa pinipista na di namin inabot doon at sinundo ang kanyang mga kalapit-loob.

"Datapwa't hindi ko natanto at kung bakit simulâ sa mga unang sandali pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag-iisip ay umulik-ulik na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok. Sa gayong anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat, ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at pinagsabihang:

--"Asa ko'y hindi kayo magsisidaló, ah ...--at sinabayan ng isang n~giti.

--"Mali ang sapantaha mo,--ang tugon ni Carlos.

--"Siya nga,--kaya't pinasasalamatan ko ang gayon.

--"Angela,--ang sabi ng kaibigan kong Andrés--ipinakikilala ko sa iyo ang aming kaibigang Dario Reyes, binatang compositor at balitang violinista,--at sinabayan ng pagtuturo sa akin.

Naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong nasabi ng abutín ang kanyang kamay kung hindi:

--"Aling Angela, pag-utusan mo po....

--"Ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista,--ang tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng boong kabuhayan at pag-giliw.

"Matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nan~gagpapahin~ga ang mga masambahin kay Terspcicore, ang tanang panauhin ay nan~gagkaisa ng paghin~gi nila na tugtugin ko ang isa sa aking maririkit na tugtuguin. Noon naman ay kasalukuyang ang tanang mawilihin sa "musica" ay walang tinutugtog kung hindi ang kayayari ko pa lamang na ang pamagat ay Agonias, at sa pagnanasa ko n~gang makasunod sa pinipita sa akin ng tanan, ay hiniram ko ang violin ng isang orquesta at kaagad n~gang tinugtog ang Agonias na sinaliwan naman sa piano ni Angela. Di pa man halos natatapos ang aking pagtugtog, ng pumulas sa bibig ng lahat ang salitang: ¡Magaling! Isa't isa ay yumakap sa akin at ako naman sa kanila, kahit na sa mga labi ay namumutawi ang n~giti, sa aking puso naman ay isang kalumbayan ang kaagad na pumaloob.

Sumandaling tumiguil si Dario na waring nahahapo, at pagkatapos na ininom ang isang vasong tubig na kaniyang hinin~gi, ay itinuloy ang pagsaysay:

"Ganap na isang lingo ang nakaraan, buhat ng pistahin si Angela. Isang hapon na magtatakip silim na, ay napadaan ako sa tagiliran ng hardin ni Angela. Akay palibhasa ng pagnanasang mailuhog sa kaniya ang aking pag ibig na buhat pa ng mga unang sandaling magkatamang mata ay namahay na sa puso, ay sinamantala ko ang kaniyang pamumupol ng sampaguita, at karakarakang binati siya: sumagot naman sa akin ng malumanay at inanyayahan akong pumasok; anyayang kaagad kong tinupad, at mga ilang sandali kong ilinuhog sa kanya ang aking pakay. Palibhasa'y talaga na nga yata ng Diyos na ako'y palarin, si Angela ay tinangap ang aking pagluhog at binitawan sa akin ang mahiwaga, matamis at mahalaga niyang "Oo".

"¡Kaylan man ay di ko malilimot ang mga sandaling iyon na ikinaginhawa ko!

"Sa di kawasa, ng akoy'y nagpaalam na kay Angela, at sagutin na niya ng: "Hangang sa Jueves irog ko"; siyang paglapit sa amin ng ina ng guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na:

--"Angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na iyan?

"Sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata, ay waring narin~gig ang piping hiyaw ng aking puso na anya'y: ¡Ipagsangalang mo ang iyong karalitaan!" at dahil sa bagay na ito'y itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang:

--"Da. Amalia, magpakarahan po naman ng pag-alipusta sa aking karalitaan.

--"Sasagot ka pa;--ang tugon niya sa akin,--Naito ang marapat sa iyo, at noon din nga ay ipinalo sa akin ng walang patumanga ang isang palasan na kaniyang tinutungkod.

Sa gayong nangyari, niyakap ni Angela ang kaniyang Ináng kasabay ng pagsasabi sa akin ng: "Dario, yumaon ka na".

"Sinunod kong dagli ang sabing iyon ni Angela. Kinamakalawahan, nang pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni Angela na gayari ang nasasabi:

"Irog kong Dario:

"Buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni Ina, ako'y náhiga na at di tinitigilan ng lagnat."

"Hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din ng kapan~glawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot."

"Kung ako'y kapu-in ng palad at maputi ang aking hinin~ga, ay makaaasa kang sa mga huling tibok ng aking puso, ang mga hulíng salitang pupulas sa aking bibig, ay ang n~galan mo, pagka't ang pag-ibig ko sa iyo ay walang makakatulad at malawak pa kay sa dagat at himpapawid."

"Huwag mo ngang lilimutin ang iyong iyo lamang na sí,"

"angeling."

"Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan.

Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang Pangasinan.

"Isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay tinun~gong muli ang kanilang pinag-iwang mga pugad; hapong hustong ikapitong araw ng pagsapit ko doon, walang ano ano'y lumapit sa akin ang alila ko at sinabing may mga tawong humahanap sa akin; iniutos ko sa kaniyang patuluyin ang mga iyon, n~guni't nang man~gagsipasok na ang mga bagong dating ay isang malaking kamanghaan ang umabot sa akin. Nalalaman ninyo kung bakit? Pagka't ang isa sa mga iyon ay ang iná ni Angela na nang makita ako, ay nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin;

--"Dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking mahal na Angela.

"Nang marin~gig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni Da. Amalia at ng pinsan niyang Luisa na mula ng hapong ako'y kaniyang linait, si Angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na ang tanging kagamutan ng sakít ni Angela ay na sa kaniyang minamahal.

"Sa gayon nga ay isinamo sa akin ni Da. Amalia na huwag na di ako sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag-anyaya ay sumang ayon na ako.

Samandaling huminto si Dario na waring ina-ala-ala ang tanang pangyayari na isinasaysay niya.

Lumipas ang ilang saglit at, pagkatapos na silang nan~gagkakaharap ay uminom sa dulot na matamis at tubig nang may tinda, ay ipinatuloy ni Dario ang kaniyang pagsasalaysay.

"Kinabukasan, at dahil na wala na nga akong iba pang nasa kundi ang mamalas ang aking iniibig na Angela, matapos na makakain ng agahan, ay lumulan na nga kamí sa tren.

"Dalawang oras at kalahati ang itinagal namin sa paglalakbay, at pagkatapos ay dumating na kami sa bahay ng guiliw kong Angela.

"Nang ako'y anyong tutun~go na nga sa silid ng aking sinta na kasama si Da. Amalia, ay sinalubong kami ng manggagamot, na nang matantong ako ang Dario, ay kaagad akong pinagsabihan, ng:

--"¡Kayo palá!... ¡Si Angela'y walang patid ng tawag sa inyo.

"Hindi ako nakatugon ng kaputok man lamang, kaya't ang mangagamot nang mamasdan ang gayon ay nagturing na:

--"Kayo, tan~ging kayo ang marahil ay makabubuti kay Angela.

"Nguni't nang kaming tatlo ay anyo nan~gang papasok, ay siya naman naming pagkadin~gig ng hiyaw na;

--"Dario! Dario!... Halika....

"Dagli na nga kaming tumuloy sa kinalalagian ni Angela ng nadin~gig ang gayon at kaagad kong tinabanan sa kamay kasabay ng pagsasabi nang:

--"¡Angela, Angela!

--"¡Dario!--ang biglang sigaw niya ng makita ako.--Asa ko'y hindi na kita makakausap; asa ko'y mamamatay ako ng hindi ka man lamang makakaabot sabi, n~guni't napagkikilalang dinin~gig ng Dios ang aking hiling, ... mamamatay ako n~gayon ng tahimik.

--"Angela, bakit mga kaisipang sakdal papanglaw ang pinapamumulas sa iyong mga labi?--ang sabi ko sa kaniya.

--"Ah, pagka't tanto ko na lumalapit na ang aking kamatayan.

--"¿Kamatayan? ¿Ang bata mong iyan? Ah, hindi, hindi ka pa mamatay.

"Tinitigan akong sumandali ng boong guiliw ni Angela, at pagkatapos ay nagturing na:

--"Dinaramdam ko ngang lisanin ka at lalo ko pang daramdamin kung magunitang ako'y dagli mong malilimot, sakaling tumugpa na sa bayang payapa, nguni't ¿ano ang aking magagawa? Wala na kundi sumang-ayon sa pasya ng may Likha sa ating lahat.

Tumiguil sumandali, at pagkatapos na wari bagang ang kaunti niyang lakas ay nakuhang natipong lahat, umubong maka tatlo, at pagkatapos na matabanan ang kamay ko ng sakdal higpit, ay nagturing na:

--"Dario, ipan~gako mo sa akin na, sakaling ako'y mamatay na, ay hindi ka mag-aasawa kundi sa babayeng higuit pa sa akin.

--"Hindi lamang iyan, Angela, hindi lamang iyan, kundi, sakaling ako'y lisanin mo, ay hindi na ako mag-aasawa,--ang tugon ko sa kaniya.

--"¿Tupdin mo kaya ang gayon? ¿Hindi mo kaya pagsisihan?

--"Hindi. Asahan mo.

--"¿Isinusumpa mo?

--"Oo.

"Nang maitugon ko ang gayon, ay ikinawit sa aking liig ang kaniyang mga bisig na sakdal papayat na, at pagkatapos ay hinagkan ako ng minsan, isang halik na hanga n~gayo'y nararamdaman ko pa....

"Ang ina ni Angela, na nakikita ang gayon, ay hindi umimik kaputok man.

"Isang sandali lamang ang yumaon at pagkatapos, ay binawian na ang guiliw kong Angela ng buhay ni Bathala............................ ..................................................................

--¿At, iyan pala ang sanhi ng di mo pag aasawa?--ang turing ng isa sa mga kausap.

--Oo, iyan ang sanhi ng kung bakit hanga n~gayo'y bagong tao pa ako.

At noon din ay nag paalam na si Dario sa tanang m~ga kausap, samantalang sa batin~gaw naman ng sambahan ng X. ay narin~gig ang sampung tunog.

Aklatang Bayan

I. Aklat "Mananayaw" ni Ros. Almario II. " "Duwag" ni G. Changco III. " "Sa Tabi ng Ban~gin" ni J. Ma. Rivera

SOMBRERIA NI J. Legaspi

Daang Anloague, dating Lemery blg. 408.

Bago pumahik ng tulay ng Hulo.

[Patalastas: Bahay Limbagang "MAPAGPUYAT"]