Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Part 2

Chapter 2 3,826 words Public domain Markdown

Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maniniclohód nang boong galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya, sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.--URBANA.

CAGAGAUAN NI URBANA SA BAHAY NANG MAESTRA.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay hinahanap nang matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó sa pagaarál, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras nang pagleleccion sá amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i, nananahí, ó naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming man~ga bata,i, sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~gó ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluhód; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong vísperas nang Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalauà isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,i, minsan sa isang buan, ó lingo, at ang sinusunod ang utos nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol sapaglilingcód sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios, Feliza.--URBANA.

CAASALAN NI HONESTO

=ULIRAN NA NG MAN~GA BATA.=

_Si Feliza cay Urbana_.--PAOMBON ...

URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyó sa paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong _Aba Guinoong Maria_. Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang paquinaban~gan namin: Adios, Urbana.--FELIZA.

CAASALAN SA SARILI.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumhán ang camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi.

Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.--URBANA.

SA ESCUELAHAN.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA ...

FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]

Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód. Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela, hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.

Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap.

Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.

Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.

Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.

Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.

Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan ay tandâ nang cabulaánan.

Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.

Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.

Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay, at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.

Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.--URBANA.

SA SALITAAN.

_Si Urbana cay Felisa_--MANILA....

FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.

Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang pagsasalitá naman ay susucatin, huag magpapalampás nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun naquiquipagusap sa matandâ ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.

Ang pagsasalitá ay sasayahán, ilagay sa ugali, ituntóng sa guhit, houag hahaluan nang cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagót nang causap. _Fúú, Fúú_, na ang cahulugán ay, habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.

Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran.

Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.

Sa pagsasalitat,i, houag cucumpáscumpas, ilagan ang in~gay, at nang di nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t, nacayayamót sa quinacausap.

Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, bucód sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.

Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansan~gin paraaning parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.

Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalitá, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilán, sapagca,t, nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay masamá rin naman ang magasal tan~gá, na nacatingalá na parang napahuhula. Ilagan ang catabilán, at ayon din ang catan~gahan.

Houag maghihicáb ó magiinat, at nang di uicaing nayayamót, ó pinauaualang halagá ang causap.

Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: _ang masama sa iyo,i, houag mong gauin sa capua mo tauo_.

Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalatá nang calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto ó lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.

Sa pagsasalita,i, houag magasal pusóng ó bobo, sapagca,t, cun tapós na ang toua at salitá, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i, cahihiyan at sisi sa loob na sarili.

Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuyà, ay isaloob mo yao,i, nagmulá sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri ca sa haráp, ay iin~gatan mo ang pagbigcás nang sabi at baca uicaing siya,i, tinutuyá mo.

Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá, guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.

Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan ó capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magandá, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gauá, ó magsaysay nang canilang abilidad ó carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.

Sa pagsasalita,i, cun may mamali ó magalan~gan nang pagsasabi, ay houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupitán ó iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.

Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italicód ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang tatapunan nang salitá, at tatalicdán ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang iba.

Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.

Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calagáyan. Adios Feliza.--URBANA.

PARAAN NANG PAGSULAT.

MANILA.....

MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matantó nang pinagpapadalhán.

Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.

Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.

Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.

Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap.

Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.

Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.

Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay _gramática_, ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral.

Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matutó; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo.

Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasán sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.

Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan.

Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.

Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.

Ang bigcás nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatagán at nang di icapintas sa atin.

May bago n~gayong caugalian na ang sobre ó taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.

Ang pliegong gagamitin ay boó, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatalá sa papel.

Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.

Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila ó mahalagang bagay ucol na simulán.

Ang letrang diquit-diguit na nacaguguló, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad ó bayan na di punoan nang muyúscula ó letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.

Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.

Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsará, n~guni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.

Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang bansag ay de _etiqueta_ at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibabá, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.

Cun ang sinusulatan ay papel de _esquelas_, ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá.

Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan.

Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.

Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.

Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios.--URBANA.

REGLA SA PAGSULAT

MANILA....

FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.

Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo, caparis nang _Francisco Baltazar_; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang _España Maynila, Biñang, Batangas, Arayat, Océano, Pasig, Bumbun~gan_; gayon din ang n~galan nang carunun~gan, para nang _Teología_, nang _Artes_, para nang _Gramática, Poecia_; gayon din ang n~galan nang manga catungculan, para nang _General, Papa, Arzobispo_.

Gayon man cun sa _Oración_ ó isang sabing boó ang man~ga n~galan nang carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si _Benito_ at si _Mariano_ ay capoua nagaral sa pandayan.

Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: _Coma_ (,): _Punto y coma_(;): _Dos puntos_ (:): _Admiracion_ (!); _Interrogacion_ (?): _Paréntesis_ (): _Puntos suspensivos_ (::::): _Etcétera ó Etcétera_ (&c.): _Acentos_ (áàâ): _Rayas ó comillas_--».

Ang _Coma_, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: _Vito, Teodoro, Pedro_; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.

Ang _Punto_ ay ilalagay sa catapusan nang _Oración_; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.

Ang _Punto y Coma_, ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi ó _Oración_, caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang _datapuoa, n~guni, gayon man_, Tingnan itong halimbaua: _ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos_.

Ang dalauang _Punto_, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: _ang man~ga cahatulán nang Santo Evangelio_, ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.

Ang _Paréntesis_, ay inilalagay sa puno at dulo n~g _Oración_, na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. Tingnan itong halimbaua: _cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi_.

Ang _Interrogación_, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto; inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿_Icao ay cristiano na_?

Ang _Admiración_, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡_Ay at aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas magcasala_!