# Noli Me Tangere

## Part 48

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/noli-me-tangere-20228/index.md

--Nárito ang dalawáng súlat nang aking ina, dalawáng súlat na itinitic sa guitnà n~g mataós na sigáw n~g sariling budhî n~g panahóng tagláy pa niyá acó sa canyáng tiyán. Tanggapín mo't iyong basahin, at iyong makikita cung paano ang canyáng pagsumpa sa akin at paghahan~gád na acó'y mamatay ..., ang aking camatayang hindi nasunduan, bagá man pinagpilitan n~g aking amá, sa pamamag-itan n~g m~ga gamót! Nalimutan ang m~ga súlat na itó nang aking amá, sa bahay na canyáng tinahanan, nacuha n~g táong iyón at inin~gatan, at caya lamang ibinigay sa akin ay nang palitan co n~g iyóng súlat ..., dî umano'y n~g siya raw ay macaasang hindî acó pacácasal sa iyó cung waláng capahintulutan ang aking amá. Búhat n~g daladalahin co sa aking catawán ang dalawáng súlat na iyáng naguíng capalít n~g súlat mo, nacacáramdam acó n~g lamíg sa aking pusò. Aking ipinahamac icáw ipinahamac co ang aking sinta.... ¿anó ang hindî gágawin n~g isáng anác na babae sa icagagaling n~g isáng ináng patay na at n~g dalawáng amáng capuwa buháy? ¿Akin bang masasapantahà man lámang cung saan gagamitin ang iyong súlat?

Nanglúlumo si Ibarra. Nagpatuloy si María Clara:

--¿Anó pa ang nálalabi sa akin? ¿masasabi co ba sa iyo cung sino ang aking amá, masasabi co ba sa iyong humin~gi ca sa canyá n~g tawad, sa iyó pa namáng anác n~g pinapaghirap niyá n~g hindi cawasa? ¿masasabi co ba sa aking amá na icaw ay patawarin, masasabi co ba canyáng acó'y canyáng anác, acó pa namáng pinacahan~gadhan~gád niyá ang aking camatayan? ¡Walâ na n~gang nálalabi sa akin cung hindi ang pagtitiis, in~gatan co sa sarili ang lihim at mamatáy sa pagpipighati!... N~gayón, caibigan co, n~gayóng nalalaman mo na ang buhay n~g iyong abang si María, ¿mangyayari pa bang maidulot mo pa sa canya iyáng pagpapawaláng halagáng n~giti?

--¡María, icaw ay isáng santa!

--Lumiligaya acó, sa pagca't, acó'y iyong pinaniniwalaan....

--Gayón man,--ang idinugtóng n~g binatà, na nagbago n~g anyô n~g tinig,--nabalitaan cong mag-aasawa ca raw....

--Oo,--at humagulhól ang dalaga;--hinihin~gi sa akin n~g aking amá ang pagpapacahirap na itó ... bagá man hindi niyá catungcula'y sininta niyá acó't canyáng pinacain, tinutumbasan co ang utang na loob na itó, sa pagbibigay capanatagan sa canyá, sa pamamag-itan nitóng bagong pakikimag-anac na itó, n~gunit....

--¿N~guni't....

--Hindi co lilimutin ang pagtatapat na aking isinumpâ sa iyó.

--¿Anó ang inaacala mong gawín?--ang idinugtóng ni Ibarra, at pinagsisicapang basahin sa canyáng m~ga matá ang canyáng balac.

--¡Madilím ang hináharap na panahón at na sa cadiliman ang Palad! Hindi co nalalaman ang aking gagawin; n~guni't talastasin mong minsan lamang cung acó'y umibig, at cung walang pag-ibig ay hindi acó cacamtan nino man. At icaw, ¿anó ang casasapitan mo?

--Ang calagayan co'y isáng bilanggong tanan ... tumatacas acó. Hindî malalao't malalaman ang aking pagcatacas, María....

Tinangnán ni María Clara n~g dalawáng camáy ang ulo n~g binatà, hinagcáng muli't muli ang m~ga labì, niyacap niyá siyá, at sacâ biglang linayuan pagcatapos.

--¡Tumacas ca! ¡tumacas ca!--anya;--¡tumacas ca, paalam!

Tinitigan siyá ni Ibarra n~g m~ga matáng nagníningning; n~guni't sa isáng hudyát n~g dalaga'y lumayo ang binatang tila lan~gó, hahapayhapay....

Mulíng linucsó ang pader at sumacay sa bangca. Tinatanaw siyá sa paglayô ni María Clarang nacadun~gaw sa palababahan n~g batalán.

Nagpugay si Elías at niyucuran siyá n~g boong galang.

TALABABA:

[271] Ang nangyari ay nangyari na. Pasalamat tayo sa Dios at wala ca n~gayón sa capuluang Marianas upáng magtaním n~g camote.

[272] ¡Huwag po sana cayóng halíng; iyá'y ang Virgen sa Antipolo! Iyáng ang nacapangyayari sa lahát; huwag po sana cayóng halíng!

[273] ¡Cung iya'y hindi lalaki at hindi siyá mamatáy, iya'y babaeng totoong mainam na mainam!

[274] ¡Wala! gaya n~g sabi namin: ang sumucob sa magaling na lilim ay mabuting pamalo ang sa canyá'y inilálapit.

[275] ¡Siyá n~ga! Sa canya'y totoong nararapat; sinabi co na sa una cong pagcakita pa sa canyá: ito'y isang filibustero. ¿Ano ang sinabi sa iyo, pinsan, n~g general? ¿Ano naman ang sinabi mo sa canyá, anó ang balitang sinabi mo sa canya tungkól cay Ibarra?

[276] Maniwala po cayó na pagca siya'y hinatulan n~g parusang patayín, na gaya n~g maáasahan, ay dahil sa aking pinsan.

[277] ¡Ay, pagcabutibuti mong pumaraan sa matalinong pakikipagsalitaan! Nalalaman naming icaw ang tanun~gan n~g capitan general, na hindi mapanatag cung hindi ca makita!... ¡Ah, Clarita!; pagcalakilaking tuwa ang makita co icáw!

[278] Naparito cami't n~g upáng cayó'y aming dalawin; ¡cayó'y nacaligtas, salamat sa inyóng m~ga caibigan!

[279] Siya n~ga, Clarita, n~guni't nacaraan na ang panahón n~g m~ga himala; sinasabi naming m~ga castila: Magculang tiwala ca sa Virgen at cumarimot ca.

[280] Naparito n~ga po cami't ang sadya pa naman namin ay pakiusapan cayó tungcól sa _Virgen._

[281] Magsasalitaan tayo tungcól sa pamumuhay.

=LXI.=

=ANG PANGHUHULI SA DAGATAN.=

--Pakinggán pô ninyó ang aking gágawing aking inisip,--ani Elías na nag ninilaynilay, samantalang pinatutun~guhan nilá ang San Gabriel. Itatagò co cayó n~gayón sa bahay n~g isá cong caibigan sa Mandaluyong; dádalhin co sa inyó ang lahát ninyóng salapî, na aking iniligtás at itinagò co sa paanán n~g balitì, sa matalinghagang pinaglibin~gan sa inyóng núnong lalaki; at umalís cayó rito sa Filipinas.

--¿At n~g pasaibang lupaìn acó?--ang isinalabat ni Ibarra.

--Upáng manatili cayó sa capayapaan sa natitira pa ninyóng búhay. May m~ga caibigan cayó sa España, cayó'y mayaman, macapagpapa_indulto_ cayó. Sa papaano mang paraan, ang ibang lupai'y isáng bayang sa ati'y lalong magalíng cay sa sarili.

Hindi sumagót si Crisóstomo; naglininglining na hindi umiimic.

Dumarating silá n~g sandalíng iyón sa ilog Pasig, at nagpasimulâ ang bangcâ n~g pagsalun~ga sa agos. Nagpápatacbo ang isang nagcacabayo sa ibabaw n~g tuláy n~g España at may náririn~gig na isáng mahaba't matinding tunóg n~g pito.

--Elías,--ang muling sinabi ni Ibarra; nanggaling ang inyóng casawîang pálad sa aking familia, iniligtas ninyóng macaalawa ang aking búhay, at hindi lamang may malaking utang na loob acó sa inyó, cung di namán cautan~gán co rin sa inyó ang pagsasauli n~g inyóng cayamanan, at yayamang gayó'y sumama cayó sa akin at magsama tayong parang magcapatid. Dito'y sawi rin cayóng capalaran.

Umiling n~g boong capanglawan si Elias, at sumagót:

--¡Hindi mangyayari! Tunay n~ga't hindi acó mangyayaring sumintá't magtamó n~g ligaya sa lupang aking kinamulatan, n~guni't mangyayaring acó'y magkahirap at mamatáy sa lupaíng iyán at marahil ay dahil sa canyá; handóg dín cahi't cacaunti! ¡Ibig cong ang capahamacan n~g akíng baya'y siyáng aking maguíng capahamacán, at sa pagcát hindi pinapagcacaisa tayo n~g isáng mahal na caisipan, sa pagcá't hindi tumítiboc ang ating m~ga pusò sa íisang pan~galan, nais cong mapakisama acó sa aking m~ga cababayan sa casawiang palad n~g lahát, mapakisama man lamang acó sa pagtan~gis sa pagdaralita naming lahát, na inisín n~g íisang casamáng palad ang lahat naming m~ga pusò!

--¿Cung gayó'y bakit inihahatol ninyó sa aking acó'y manaw?

--Sa pagcá't sa ibáng panig ay mangyayaring cayó'y lumigaya at acó'y hindi, sa pagcá't hindi cayó handa sa pagcacahirap, at sa pagcá't casususutan ninyó ang inyóng bayan, cung dahil sa canyá'y masawing palad cayó isáng araw; at wala n~g totoong casamasamaang palad na gaya n~g masusot sa canyáng bayang kinamulatan.

--¡Hindi matuwíd ang inyóng palagáy sa akin!--ang bigláng sinabi ni Ibarra sa masaclap na tutol;--nalilimutan ninyóng carárating co pa lamang dito'y pagdaca'y hinanap co ang canyang icagagaling.

--Huwág pô cayóng manghinuha, guinoo, hindi co cayó sinísisi; ¡maano na n~gang cayó'y siyáng uliranín n~g lahat! Datapuwa't aayaw acóng humin~gi sa inyó n~g m~ga hindi mangyayari, at huwag po cayóng magagalit cung sabihin co sa inyóng cayó'y dinaraya n~g inyóng pusò. Dating iniibig pô ninyó ang kinamulatan ninyóng bayan, sa pagcá't ganyán ang sa inyó'y itinurò n~g inyóng amá; dating iniibig pô ninyó ang kinamulatan ninyóng bayan, palibhasa'y sa canyá naroroon ang inyóng sinta, cayamanan, cabataan, sa pagcá't n~gumin~giti sa inyó ang lahát hindi pa gumagawa sa inyó n~g lihís sa catuwiran ang kinamulatan ninyóng bayan; dating iniibig ninyó ang kinamulatan ninyóng bayan, cawan~gis n~g ating pag-ibig sa lahát n~g bagay na nagbibigay sa atin n~g caligayahan. Datapuwa't ang araw na cayó'y maghirap, magutom, pag-usiguin, ipagcanulo at ipagbilí n~g inyó ring m~ga cababayan, sa araw na iya'y inyóng susumapain ang inyóng sariling catawan, ang inyóng kinamulatang bayan at ang lahat.

--Nacasasakit sa akin ang inyong m~ga salita,--aní Ibarra na naghíhinanakit.

Tumun~gó si Elias, nagdilidili at muling nagsalita:

--Ibig cong iligtás cayó sa carayaan, guinoo, at ilihís co sa inyó ang isáng malungcót na pagsasapit sa panahóng hináharap. Inyó pong alalahanin ang pakikipag-usap co sa inyó sa bangca ring itó at liwanag nitó ring buwang itó, na may isáng buwan na n~gayón, humiguit cumulang; sumasaligaya cayó niyón. Hindi macarating hanggang sa inyó ang pamanhíc n~g m~ga culang-palad; pinawaláng halagá ninyó ang caniláng m~ga daíng, sa pagcá't daing n~g m~ga masasamáng tao, lalong pinakinggán ninyó ang caniláng m~ga caaway at, cahi't acó'y nan~gatuwira't cayo'y aking pinamanhica'y cumampí rin cayó sa panig n~g m~ga umáapi sa canilá, at niyaó'y sumasainyóng m~ga camáy ang acó'y sumamáng tao ó ang acó'y papatáy upáng aking maganáp ang isáng mahál na pan~gacò. Hindi itinulot n~g Dios, sa pagcá't namatáy ang matandáng punò n~g m~ga tulisán ... ¡Nacaraan ang isáng buwán at n~gayó'y ibá na ang inyóng caisipán!

--Sumasacatuwiran po cayó, Elías, n~guni't ang tao'y isáng hayop na sumusunod sa casalucuyang m~ga nangyayari: niyó'y nabubulagan acó, masama ang aking loob, ¿ayawán co ba? N~gayó'y inaclás n~g capahamacán ang aking piríng; tinuruan acó n~g aking pag-iisá at paghihirap sa bilangguan; nakikita co n~gayón ang cakilakilabot na _cáncer_ na cumíkitib sa m~ga namamayan dito n~gayón, na cumacapit sa canyáng m~ga lamán at nagcacailan~gan n~g isáng makirót at ganáp na paglipol. ¡Binucsán nilá ang aking m~ga matá, ipinamalas sa akin ang bulóc na sugat at caniláng pinipilit na acó'y maguing masamáng tao! At yamang caniláng inibig, magpifilibuster acó, n~guni't tunay na filibustero; tatawaguin co ang lahát n~g culang pálad, ang lahát n~g nacaráramdam n~g tibóc n~g pusò sa loob n~g canyáng dibdib, yaóng m~ga taong sa inyó'y nan~gagpasugò sa akin ... hindi acó maguiguing masamáng tao, cailán ma'y hindi masamáng tao ang nakikibaca dahil sa canyáng kinaguisnang bayan, tumbalíc. Sa loob n~g tatlóng daang taó'y silá'y hinahalina natin, hinihin~gan natín silá n~g pagsintá, minímithî nating tawaguin siláng capatíd, ¿anó ang caniláng isinaságot? Tayo'y sinasagot n~g lait at paglibác, at ikinacait sa atin patí n~g ating calagayang pagca tao na gaya rin n~g ibá. ¡Waláng Dios, waláng pag-asa, waláng habág sa capuwa tao; wala n~ga cung di ang catuwiran n~g lacás!

Nagn~gan~galit si Ibarra; nan~gan~gatal ang canyáng boong catawán.

Dumaan silá sa tapát n~g palacio n~g General, at caniláng námasid na tíla nan~gagsísigalaw at nan~gagcácagulo ang m~ga bantáy na sundalo.

--¿Canilá na yatang nasiyasat ang pagcacatanan?--ang ibinulóng ni Elías--Humigâ po cayó, guinoo, at cayó'y tatabunan co n~g damó, sa pagcá't daraan tayo sa tabi n~g Polvorista'y baca máino n~g bantay na sundalo cung bakit dalawá tayo.

Ang bangcâ ay isá riyán sa maninipis at makikipot na sasakyáng hindi lumalacad cung di dumúdulas sa ibabaw n~g tubig.

Alinsunod n~ga sa inacalà na ni Elías, siyá'y pinahintô n~g bantáy na sundalo at tinanóng cung saan siyá galing.

--Nagdalá po acó n~g damó sa Maynilà, sa m~ga oidor at sa m`ga cura,--ang isinagót, na canyáng guinagád ang anyô n~g pananalitâ n~g m~ga tagá Pandacan.

Lumabás ang isáng sargento't inalám cung anó ang nangyayari.

--¡Sulong!--ang sinabi sa canya nitó; ipinauunawà co sa iyó na huwag cang magpápasacay sa iyong bangcâ can~gino man; bagong catatacas n~g isáng bilanggò. Cung siyá'y mahuli mo at maibigay mo sa aki'y bibigyan catá n~g isáng magaling na pabuyà.

--Opó, guinoo; ¿anó po ba ang m~ga icakikilala co sa canyá?

--Siyá'y nacalevita at nagwiwicang castilà; halá, ¡icaw ang bahalà!

Lumayô ang bangcâ. Lumin~gón si Elias at canyáng nakita ang anyô n~g bantáy na sundalong nacatindig sa tabi n~g pampáng.

--Masasayang sa atin ang iláng minutong panahón,--ang sabing marahan;--dapat pumasoc tayo sa ilog Beata at n~g cunuwari'y taga Peñafrancia acó. Makikita po ninyó ang ilog na inawit ni Francisco Baltazar.

Natutulog ang bayan sa liwanag n~g buwán. Nagtindíg si Crisóstomo't upáng canyáng takhán ang catahimican n~g m~ga linaláng na tulad sa líbin~gan. Makipot ang ilog at ang canyáng m~ga pampan~gi'y capatagang natátamnan n~g damó.

Itinapon sa pampáng ni Elias ang canyáng dala, tinangnán ang isáng mahabang tikín at cumuha sa ilalim n~g damó n~g m~ga bayóng na waláng lamán. Nagpatuloy sila n~g pamamangca.

--Cayó po ang may arì n~g inyóng calooban, guinoo, at n~g inyóng hinaharap na panahón,--ang sinabi niyá cay Crisóstomo, na nananatili sa hindi pag-imíc.--N~guni't cung itutulot po ninyó sa akin ang isáng pagpapahiwatig, sasabihin co sa inyó: Tingnán po ninyóng magalíng ang inyóng gágawin, inyóng papag-aalabin ang pagbabaca, palibhasa'y cayó'y may salapî at catalinuhan at macacakita agád cayó n~g maraming m~ga kagawad, at sa cawaláng palad ay maraming masasamâ ang loob. Datapuwa, sa pagbabacang itóng inyóng gagawin, ang lalong man~gahihirapa'y ang m~ga waláng icapagtátanggol at ang m~ga waláng malay. Ang m~ga damdamin ding may isáng buwán na n~gayóng sa aki'y umudyóc na sa inyó'y makiusap, upáng hin~gin ang m~ga pagbabagong útos, ang m~ga damdamin ding iyan ang siyáng umaakit n~gayón sa aking sa inyó'y magsabi na maglininglining muna cayó. Hindi pô nag-iisip ang m~ga tagaritong humiwaláy sa Iná n~g ating kináguisnang lupà; waláng hiníhin~gì cung di cauntíng calayaan, cauntíng pagbibigay catuwiran at cauntíng guiliw. Tutulun~gan cayó n~g m~ga may galit, n~g m~ga masasamáng tao, n~g m~ga walà n~g pagcasiyahan sa samâ n~g loob, datapuwa't hindi makikialam ang bayan. Magcacamali po cayó, cung dahil sa nakita ninyóng ang lahát ay madilím ay mag-acalà po cayóng walâ n~g pagcasiyahan sa samâ n~g loob ang bayan. Nagdaralitâ n~gâ ang bayan, tunay n~gâ, datapuwa't umaasa pa, nananalig pa, at cayâ lamang siyá titindig ay cung maubos na ang canyang pagtitiís, sa macatuwíd bagá'y cung cailán ibiguin n~g m~ga namamahalang maubos ang pagtitiis na iyán, bagay na may calayuan pa. Acó man ay hindi marahil sumama sa inyó, hindi acó gagamit cailán man n~g m~ga huling panggamót na iyán, samantalang nakikita cong may pag-asa pa ang m~ga tao.

--¡Cung magcagayo'y gagawin cong hindi cayó casama!--ang mulíng sinabi ni Crisóstomong talagáng handâ na.

--¿Iyán pô ba ang matibay na panucalà ninyó?

--¡Ang matibay at tan~gì, sacsí co ang pan~galan n~g aking amá! Hindi co maaaring ipaagaw n~g pagayón na lamang ang aking capayapaa't ligaya, acó na waláng ibáng hinan~gád cung di ang cagalin~gan, acó na ang lahát ay aking iguinalang at tiniis dahil sa pagsinta sa isáng religióng magdarayà at mapagpaimbabaw, dahil sa pagsintá sa isáng bayang aking tinubuan. ¿Anó ang caniláng itinumbás sa akin? Ang acó'y ibaón sa isang imbíng bilangguan at sìraín ang magandáng caasalan n~g aking talagáng maguiguing esposa. ¡Hindi! ¡cung hindi acó manghiganti'y maguiguing isáng casamasamàang gawâ, maguiguing pagpapalacás n~g caniláng loob upáng silá'y gumawâ n~g bago't bagong m~ga paglabág sa catuwiran! ¡Hindi, cung di co gawín ang gayó'y maguiguing isáng caruwagan, cahinâan n~g loob, humibíc at tuman~gis gayóng may dugó't may buhay, gayóng inilangcáp nilá sa paglait at paghamít ang paglulugsô n~g capurihán! ¡Tatawaguin co ang bayang mangmáng na iyán, ipakikilala co sa canyá ang imbí niyang calagayan; na huwág siyáng umisip sa m~ga capatíd; walâ n~gâ cung hindi m~ga lobo na nan~gaglálamunan, at sasabihin co sa caniláng laban sa caapiháng itó'y tumítindig at tumututol ang waláng hanggáng carapatán n~g tao upang tuclasín sa lacás ang canyáng calayaan!

--¡Ang bayang waláng malay ang siyáng maghihirap!

--¡Lalong magalíng! ¿Maipakikihatid po ba ninyó acó hanggáng sa cabunducan?

--¡Hanggáng sa malagay cayó sa capanatagán!--ang sagót ni Elías.

Mulíng silá'y lumabás sa Pasig. Manacanacang nagsasalitaan silá n~g m~ga waláng cabuluhán.

--¡Santa Ana!--ang ibinulóng ni Ibarra,--¿napagkikilala po ba ninyó ang bahay na itó?

Casalucuyang dumaraan silá sa tapát n~g bahay na líwaliwan sa labás n~g bayan n~g m~ga jesuita.

--¡Diya'y aking tinamó ang mahabang panahóng maligaya't masayá!--ang buntong-hinin~gá ni Elías.--Napaririyan camí buwán buwán ... n~g panáhóng iyó'y wan~gis acó sa m~ga ibá: may cayamanan, may familia, nananag-inip at nakikiníkinita ang isáng magandáng panahóng sásapit. Nakikita co n~g m~ga panahóng iyón ang aking capatíd na babae na na sa isáng colegiong calapít; hinahandugan acó n~g m~ga bordadong gawâ n~g canyáng m~ga camáy ... sinasamahan siyá n~g isáng caibigang babae, na isáng magandáng dalaga. Nagdaang lahát na parang isáng panaguinip.

Nanatili silá sa hindi pag-imíc hanggáng sa dumating sa Malapad-na-bató. Ang nacapamangcâ cung gabi sa Pasig, minsan man lamang, sa isá riyán sa m~ga caayaayang gabíng handóg n~g Filipinas, pagca nagsasabog ang buwan, mulâ sa dalisay na bugháw, n~g malungcót na pagpapaalaala; pagca itinatagò n~g dilím ang caimbihán n~g m~ga tao at kinúcublihan n~g catahimican ang abáng alin~gawn~gaw n~g caniláng tinig; pagca ang Naturaleza ang tan~ging nagsasalità, ang m~ga gayón ang macauunawà n~g pinagdidilidili n~g dalawáng binatà.

Nagtútucâ ang carabinero sa Malapad-na-bató, at n~g makitang waláng lamán ang bangcâ, at waláng anó mang idinudulot na sucat niyáng másamsam, ayon sa dating caugaliang pinaglamnán na n~g calahatlahatang m~ga carabinero at n~g m~ga carabinerong nan~garoroon, pinabayaan siláng macaraan agád.

Hindi rin naman nagsasapantaha n~g anó man ang guardia civil sa Pasig, caya't hindi silá binagabag.

Nagpasimulâ n~g paguumaga n~g silá'y dumating sa dagatang noo'y maamo't payapang tulad sa isáng calakilakihang salamín. Cumuculimlím ang buwán at nagcuculay rosa ang Casilan~ganan. Naaninagnagan nilá sa malayò ang isáng bagay na culay nag-aaboabó, na untiunting lumalapit.

--Dito ang tun~go n~g falúa,--ang ibinulóng ni Elías;--humigâ po cayó at cayó'y tátacpan co nitóng m~ga bayóng.

Lalong lumiliwanag at nakikita n~g magalíng ang anyô n~g sasakyán.

--Lumalagay silá sa pag-itan n~g pampáng at natin,--ang ipinahiwatig ni Elías na nababalisa.

At untiunting binago ang tun~go n~g canyáng bangcâ, na anó pa't sumasagwang patun~go sa Binan~gunan. Nahiwatigan niyá n~g malakíng pan~gin~gilabot na nagbabago namán n~g tumpá ang falúa, samantalang sinisigawan siya n~g isáng tinig.

Humintô si Elías at nag-isíp-ísip. Malayò pa ang tabí at silá'y marárating n~g bala n~g m~ga fusíl n~g falúa. Inacalang magbalíc sa Pasig; lalong matúlin ang canyáng bangcâ cay sa falúa. N~guni ¡laking casamáng palad! nakita niyáng nanggagaling sa Pasig ang isáng bangcâ at námamasdang cumíkinang ang m~ga capacete at m~ga bayoneta n~g m~ga guardia civil.

--Húli na tayo,--ang ibinulóng na namúmutlâ.

Pinagmasdán niyá ang canyáng malalakíng bísig, guinamit ang tan~ging pasiyáng nálalabi at nagpasimulâ n~g pagsagwán n~g boong lacás niyá, na ang tumpá'y sa dacong pulô n~g Talim. Samantala'y sumusun~gaw ang araw.

Dumúdulas sa túbig ang bangcâ n~g totoong matúlin; nakita ni Elías, sa ibabaw n~g falúa, na pumípihit, ang ilang taong nacatindíg, na siyá'y kinácawayan.

--¿Marúnong po ba cayóng magpalacad n~g isáng bangcà?--ang tanóng cay Ibarra.

--Marunong pô, ¿bakit?

--Sa pagcá't mapapahamac tayo cung hindi acó tátalon sa túbig at n~g silá'y aking iligáw. Hahabulin nilá acó, acó'y mabuting luman~góy at sumisid ... silá'y ilálayô co sa inyó, at pagcacágayo'y magpipilit cayóng lumigtás.

--¡Huwag, matira po cayó at ipagbili natin n~g mahál ang ating buhay sa canilá!

--Waláng cabuluhán, walâ tayong sandata; papatayin tayong tulad sa maliliit na ibon, n~g caniláng m~ga fusil.

Nárin~gig n~g sandaling iyón, ang isáng _chis_ sa tubig, cawan~gis n~g pagpatac sa tubig n~g isáng bagay na maínit, na casunód agád-agád n~g isáng putóc.

--¿Nakita na ninyó?--aní Elías, at inilagay sa bangcâ ang sagwán.--Magkikita tayo sa gabíng sinusundan n~g Pascó sa pinaglibin~gan sa inyóng nunong lalaki. ¡Lumigtás po cayó!

--¿At cayó pô?

--Iniligtás acó n~g Dios sa lalong mahihigpít na m~ga pan~ganib.

Naghubád si Elías; pinunit n~g isáng bála ang canyáng tan~gang barò at nárin~gig ang dalawáng putóc. Hindi siyá nagulumihanan, kinamayán n~g mahigpít si Ibarra, na nananatilí sa pagcahigà sa bangcâ; tumindíg at lumucsó sa tubig na itinúlac muna n~g paá ang muntíng sasakyán.

Nárin~gig ang iláng sigáw, at hindi nalaon at sa malayô-layô n~g cauntî ay sumipót ang úlo n~g binatà, na parang ibig na humin~gá, at sacâ mulíng lumubóg sa tubig.

--¡Ayún, ayún siyá!--ang sigawan n~g iláng tinig at mulíng humáguing ang m~ga bála.

Hinabol siyá n~g falúa at n~g bangcâ; isáng bahagyang guhit n~g bulà ang siyáng pinagcacakitaan n~g canyáng dinaraanan, na anó pa't nalalao'y lalong nálalayô sa bangcâ na lulutanglutang na anaki'y waláng tao. Cailan ma't sumusun~gaw sa tubig ang lumálan~goy at n~g humin~gá, pagdaca'y pinagbabarilanan siyá n~g m~ga guardia civil at n~g m~ga faluero.

Tumátagal ang paghahabulan; malayò na ang bangcà ni Ibarra, lumalapit namán sa tabí ang lumálan~goy, at ang layò na lamang ay may m~ga limampóng dipá. Pagód na ang m~ga gumagaod, datapuwa't si Elías ay gayón din, sa pagcá't madalás isipót ang ulo, at sa ibá't ibang daco sumísipot, na wari'y inilíligaw mandín ang m~ga umuusig sa canyá. Hindi na itinuturò n~g tacsíl na bulâ n~g tubig ang dinaraanan n~g maninisid. Minsan pang nakita nilá siyá sa dacong ang layò sa tabí ay sampóng dipá, binaril siyá nilá ...; nagdaan pagcatapos ang m~ga minuto; walâ n~g sumipót uli sa ibabaw n~g payapa at waláng taong tubig sa dagátan.

Nang macaraan ang calahating oras, sinasapantahà n~g isáng manggagaod na canyáng námasdan sa tubig, sa malapít sa guílid, ang m~ga bacás n~g dugô, n~guni't umíiling ang canyáng m~ga casama, sa isáng anyóng hindi mapagwarì cung sumasang-ayon silá ó hindi.

=LXII.=

=PAGPAPALIWANAG NI PARI DAMASO.=

Naguíng waláng cabuluháng mátimbon sa ibabaw n~g isáng mesa ang m~ga mahahalagáng handóg sa pagcacasál; cahi't ang m~ga brillante na nasa caniláng m~ga _estuche_ na terciopelong azul, ang m~ga bordado mang pinyá, ang m~ga pieza man n~g sutlâ ay hindi nacaaakit sa m~ga panin~gín ni María Clara. Tinítingnan n~g dalaga, na hindi nakikita at hindi binabasa ang pamahayagang nagbabalità n~g pagcamatáy ni Ibarra, na nalunod sa dagátan.

Caguinsagunsa'y naramdaman niyáng dumarapo sa ibabaw n~g canyáng m~ga matá ang dalawáng camay, tinátan~gnan siyá at isáng masayáng tínig, ang cay parì Dámaso, ang sa canya'y nagsásalitâ:

--¿Síno acó? ¿síno acó?

Lumucsó si María Clara sa canyáng upuan at pinagmasdán siyáng may malakíng tácot.

--Tan~garia, ¿natácot ca ba, há? Hindi mo acó hinihintay, ¿anó? Talastasín mong naparito acóng galing sa m~ga lalawigan upang humaráp sa iyóng casál.

At lumapit na tagláy ang isáng n~gitì n~g ligaya, at inilahad cay María Clara ang camáy at n~g hagcán. Lumapit si María Clarang nan~gan~gatal at ilinapit n~g boong paggalang ang camáy na iyón sa canyáng m~ga labì.

--¿Anó ang nangyayari sa iyo, María?--ang tanóng n~g franciscano, na nawalan n~g masayáng n~gitî at napuspós n~g balísa;--malamíg ang camáy mo, namumutlâ ca ... ¿may sakit ca ba, bunso co?

At hinila ni parì Dámaso si María Clara sa canyáng candun~gang tagláy ang isáng pagliyag na hindi nasasapantaha nino mang canyáng macacaya, tinangnán ang dalawáng camáy n~g dalaga, at siyá'y tinanóng sa pamamag-itan n~g titig.

