Part 47
[268] ¡Sa aba nilá! cung saan may úsoc ay may apóy. Bawa't isá'y humahanap n~g cawán~gis; caya n~ga, cung bibitayin si Ibarra, siyá namá'y bibitayin din ...
[269] Hindi co kinatatacutan ang pagcamatáy sa catre; n~guni't kinatatacutan co ang pagcamatáy sa bundóc-bunducan sa Bagumbayan.
[270] Ang nacasulat ay naguiguing sacsi. Ang hindi mapagaling n~g m~ga gamót ay napagagaling n~g bácal; ang hindi mapagaling n~g bácal ay napagagaling n~g apóy.
=LX.=
=MAG-AASAWA SI MARIA CLARA.=
Natútuwâ n~g mainam si capitán Tiago. Sa boong panahóng itóng catacot-tacot ay walâ sino mang nakialam sa canyá: hindi siyá ibinilanggô, hindi pinahirapan siyá sa pagcáculong na sino ma'y hindi macausap, m~ga pagtanóng, m~ga máquina eléctrica, m~ga waláng licat na pagbasâ n~g tubig mulâ sa talampacan hanggáng tuhod sa m~ga tahanang na sa ilalim n~g lupà, at ibá pang m~ga catampalasanang totoong kilalá n~g m~ga tan~ging guinoong tumatawag sa caniláng sarili n~g «civilizado». Ang canyáng m~ga caibigan, sa macatuwíd bagá'y ang canyáng naguíng m~ga caibigan (sa pagcá't tinalicdán na n~ga n~g lalaki ang canyáng m~ga caibigang filipino, mulâ sa sandaling silá'y maguíng m~ga hinalain sa gobierno), nan~gagbalíc na namán sa canícaniláng bahay, pagcatapos n~g iláng araw n~g caniláng pagliliwalíw sa m~ga bahay n~g gobierno. Ang capitán general din ang siyáng sa canilá'y nagpalayas sa m~ga tahanang canyáng pinamamahalaan, palibhasa'y ipinalagáy niyáng hindi silá carapatdapat na manatili roon, bagay na lubháng ipinagdamdám n~g pingcaw, na ibig sanang ipagsayá ang malapit n~g dumating na pascó sa casamahan n~g gayóng mayayaman at masagana.
Umuwi sa canyáng bahay si capitáng Tinong na may sakít, putlain at namámagâ,--hindi nacagalíng sa canyá ang pagliliwalíw,--at lubháng nagbago, na anó pa't hindi nagsásalitâ n~g catagâ man lamang, hindi bumabatì sa canyáng m~ga casambaháy, na tumatan~gis, nagtátawa, nagsásalitâ at nan~gahahalíng sa galác n~g loob. Hindi na umaalis sa canyáng bahay ang cahabaghabag na tao, at n~g huwág lumagáy sa pan~ganib na macabatì sa isáng filibustero. Cahi't ang pinsán mang si Primitivo, bagá man tagláy niyá ang boong carunun~gan n~g m~ga tao sa una, ay hindi macuhang siyá'y mapaimíc.
--_Crede, prime,_--ang sabi sa canyá;--pinisíl sana nilá ang liig mo cung hindi co sinunog ang lahát mong m~ga papel; datapuwa't cung nasunog co sana ang boong bahay, hindi man lamang sana hinipo cahi't ang buhóc mo. Pero _quod eventum, eventum; Gracias agamus Domino Deo quia non in Marianis Insulis es, camoles seminando_[271].
Hindi cailâ cay capitán Tiago ang m~ga nangyaring catulad n~g pinagdanasan ni capitán Tinong. Nagcacanlalabis sa lalaki ang pagkilalang utang na loob, bagá man hindi niyá maturól cung sino caya ang pinagcacautan~gan niyá n~g gayóng tan~ging m~ga pagtatangkilic. Ipinalálagay ni tía Isabel na ang bagay na iyó'y himalâ n~g Virgen sa Antipolo, n~g Virgen del Rosario, ó cung hindi ma'y n~g Virgen del Cármen, at ang lalong cáliitang canyáng mahihinala'y himalâ n~g Nuestra Señora de la Correa: ayon sa canyá'y hindi sasala sa alin man sa canilá ang gumawâ n~g himalâ. Hindi itinátanggui ni capitán Tiago ang cababalaghán, n~guni't idinúrugtong:
--Pinaniniwalaan co, Isabel, datapuwa't marahil ay hindi guinawáng mag-isa n~g Virgen sa Antipolo; marahil siyá'y tinulun~gan n~g aking m~ga caibigan, n~g aking mamanugan~gin, ni guinoong Linares, na nalalaman mo nang binibirò pati ni guinoong Antonio Cánovas, iyón bagáng nacalagáy ang larawan sa «Ilustración», iyóng aayaw papaguingdapating ipakita sa m~ga tao cung di ang cabiyác lamang n~g canyáng mukhâ.
At hindi mapiguil n~g mabait na tao ang isáng n~gitî n~g canyáng pagcatuwâ, cailán ma't canyáng márin~gig ang isáng mahalagáng balità tungcól sa m~ga nangyari. At tunay n~ga namáng dapat icatuwâ. Pinagbubulungbulun~ganang mabibitay si Ibarra; sa pagcá't bagá man maraming totoo ang m~ga caculan~gang pangpatibay upáng siyá'y maparusahan, nitóng huli'y may sumipót na nagpapatotoo sa sumbóng na laban sa canyá; na may m~ga pahám na nagsaysáy na maáari n~gang cutà ang escuélahan, ayon sa anyó n~g pagcacágawâ, bagá man may cauntíng caculan~gán, bagay na siyá na n~ga lamang maáasahan sa han~gál na m~ga indio. Ang m~ga alin~gawn~gáw na itó ang siyáng sa canyá'y nacapapanatag at nacapagpapan~gitî sa canyá.
Cung paano ang pagcacaiba n~g m~ga bálac ni capitáng Tiago at n~g canyáng pinsáng babae, nan~gagcacahatì namán ang m~ga caibigan n~g familia sa dalawáng bahagui; nananalig ang isáng bahaguing yaó'y gawâ n~g himalâ, at ang isáng bahagui namá'y inaacalang gawâ yaón n~g pámahalaan, bagá man ang naniniwalà n~g ganito'y siyáng lalong cácauntî. Nagcacabahabahagui namán ang m~ga nagpapalagay na yaó'y himalâ: nakikita n~g sacristan mayor sa Binundóc, n~g babaeng maglalacò n~g candilà at n~g puno n~g isáng cofradía, ang camáy n~g Dios na pinagagalaw n~g Virgen del Rosario; sinasabi namán n~g insíc na magcacandilà na siyáng nagbibili n~g candilà cay capitán Tiago cung siyá'y napasasa Antipolo, casabay ang pagpapaypáy at pag-ugóy n~g m~ga hità:
--¡No siya osti gongóng; Miligen li Antipolo esi! Esi pueli mas con tolo; no siya osti gongóng.[272]
Pinacámamahal ni capitang Tiago ang insíc na iyón, na nagpapánggap na manghuhulà, manggagamot, at ibá pa. Minsa'y sa pagtin~gin sa palad n~g camáy n~g canyáng nasirang asawang na sa icaanim na buwan ang cabuntisán ay humulà n~g ganitó:
--¡Si eso no hómele y no pactaylo, mujé juete-juete![273]
At sumilang sa maliwanag si María Clara upáng maganap ang hulà n~g hindi binyagan.
Si capitan Tiago'y main~gat at matatacutin, caya't hindi agad-agad macapagpasiyá na gaya n~g guinawa ni Paris na taga Troya, hindi niyá matan~gi n~g gayón gayón lamang ang isá sa dalawáng Virgen, sa tacot niyáng bacá magalit ang isá sa canilá, bagay na macapágbibigay n~g malaking capahamacán.--«¡Mag ingat!»--ang sabi niyá sa canyáng sarili;--«¡baca pa ipahamac natin!»
Na sa ganitóng pag aalinlan~gan siyá, n~g dumating ang pangcát na cacampi n~g gobierno; si doña Victorina, si Don Tiburcio at si Linares.
Nagsalitâ si doña Victorina sa n~galán n~g tatlong lalaki, bucód sa nauucol sa canyáng sarili; binangguit niyá ang m~ga pagdalaw ni Linares sa capitan general, at inulit-ulit ang cabutihang magcaroon n~g isang camag anac na mataás na tao.
--¡Ná!--ang iwinacas,--como izimos: el que a buena zombra ze acobija buen palo ze le arrima.[274]
--¡Tum ... tum ... tumbalic, babae!--ang isinala n~g doctor.
May tatlóng araw n~g guinágagad ni doña Victorina ang m~ga andaluz, sa pamamag-itan n~g pag-aalis n-g "d" at sa paghahalili n~g "z", at ang han~gad niyáng ito'y waláng macapag-alis sa canyáng ulo; mamagalin~gin pa niyang canyáng ipabugnós ang can~yáng postizong buhóc na kinulót.
--¡Zi!--ang idinugtóng, na ang tinutucoy ay si Ibarra:--eze lo tenfa muy merezio; yo ya lo ije cuando le vi la primera vez; ezte un filibuztero ¿ique te ijo a ti, primo, el general? ¿Que le haz icho, que noticias le izte é Ibarra?[275]
At n~g makita niyáng nalalaon n~g pagsagót ang pinsan, nagpatuloy n~g pananalita na si capitang Tiago ang kinacausap:
--Créame uzté, zi le conenan a muelte, como ez e ezperar, zera por mi primo.[276]
--¡Guinoong babae! ¡guinoong babae!--ang itinutol ni Linares. Datapuwa't hindi niyá itó binigyang panahón.
--¡Ay, qué iplomático te haz güerto! Zabemoz qwe ere;i el conzejero del General, que no puede vivir zin ti ... ¡Ah, Clarita! ¡qué placer é verte![277]
Humaráp si Maria Clarang namúmutlâ pa, bagá man nananag-uli na ang dating cagalin~gan n~g catawang pinapanghina n~g sakit. Napupuluputan ang mahabang buhóc n~g sutlang cintas na may culay bughaw. Kiming bumati, n~gumitî n~g mapanglaw, at lumapit cay doña Victorina upang gawin ang paghahalicang caugalîan sa m~ga babae.
Pagcatapos n~g caugalîang cumustahan, nagpatuloy n~g pananalitâ ang nagpápanggap na andaluza:
--Venimoz á visitaroz; ¡oz haveiz zalbao graciaz á vuestraz relacionez![278] na canyáng tinítin~gnan n~g macabulugan si Linares.
--¡Tinangkilic n~g Dios ang aking amá!--ang marahang isinagót n~g dalaga.
--Zi, Clarita, pero el tiempo é los milagroz ya ha pazeo: rozotroz loz ezpañolez ecimoz: ezconfía é la Virgen y échate á corré.[279]
--¡Tum ... tum ... tumbalíc!
Si capitán Tiago na hanggang sa sandalíng yaó'y hindi nacacaguiit sa pananalitá'y nan~gahás tumanóng, at bago pinakinggáng magalíng ang sagót:
--Cung gayó'y inaacalà po ba ninyó, doña Victorina, na ang Virgen ...?
--Venimoz precizamente á hablar con uzté é la _Virgen_,[280]--ang matilinghagang sagót ni doña Victorina, na itinuturo si María Clara;--tenemoz que hablar é negocioz.[281]
Napagkilala n~g dalagang dapat niyáng lisanin ang nan~gagsasalitaan, caya't humanap siyá n~g dahilán at lumayo roon, na nan~gan~gabay sa m~ga casangcapan.
Napacaimbî at napacalisyà ang salitaan at usapan sa pagpupulong na itó caya't minamagaling pa namin ang huwág n~g saysayin. Sucat n~g sabihing n~g silá'y magpaalaman ay pawang nan~gatutuwang lahát, at sinabi pagcatapos ni capitan Tiago ang ganitó cay tía Isabel:
--Ipasabi mo sa fonda, na bucas ay mag-aalay tayo n~g piguing. Untiunting ihandà mo si María Clara na ating ipacacasal na hindi malalaon.
Tiningnan siya ni tía Isabel na nagugulat.
--¡Makikita mo rin! ¡Pagca naguíng manugang na natin si guinoong Linares, magmamanhic-manaog tayo sa lahat n~g m~ga palacio; pananaghilîan tayo, man~gamamatay ang lahat sa capanahilian!
At sa gayón n~ga'y kinabucasan n~g gabi'y mulî na namáng punô n~g tao ang bahay ni capitan Tiago, at ang caibhán lamang n~gayo'y pawang m~ga castila't insíc lamang ang canyáng m~ga inanyayahan; tungcól sa magandáng cabiyác n~g cataoha'y ipinakikiharap doon n~g m~ga babaeng castilàng tubò sa España at sa Filipinas.
Náririyan ang pinacamarami sa ating m~ga cakilala; si parì Sibyla, si parì Salvi, na casama n~g iláng m~ga franciscano't m~ga dominico; ang matandáng teniente n~g guardia civil na si guinoong Guevara, na lalo n~g mapangláw ang mukhâ cay sa dati; ang alférez na sinásaysay na macalibo na ang canyáng dinanas na pakikibaca, na minámasdan ang lahát n~g boong pagpapalalò, palibhasa'y sa acalà niyá'y siyá'y isáng don Juan de Austria sa catapan~gan; n~gayó'y teniente siyá't may gradong comandante; si De Espadaña, na canyáng minámasdan itó n~g boong gálang at tacot at iniiwasan ang canyáng titig, at si doña Victorina na nagn~gin~gitn~git. Hindi pa dumarating si Linares, sa pagcá't palibhasa'y mahalagáng guinoo, dapat na siyá'y magpáhuli sa pagdating cay sa m~ga ibá: may m~ga taong nápacatun~gag, na ang acala'y cung magpáhuli n~g isáng oras sa lahát n~g bagay, naguiguing malalaking tao na.
Si María Clara ang siyáng tinútudlà n~g m~ga upasalà: sinalubong silá n~g dalaga n~g alinsunod sa ugaling pakikipagmahalan, na hindi nalilisan ang canyáng anyóng malungcót.
--¡Psh!--anáng isáng dalaga;--may cauntíng capalaluan....
--Magandagandá rin namán,--ang sagót namán n~g isáng dalaga rin;--datapuwa't ang lalaking iyá'y pumili sana n~g ibáng dalaga na hindi totoong mukháng tan~gá.
--Ang salapî, caibigan; ipinagbíbili n~g makisig na binatà ang canyáng sariling catawán.
Sa cabiláng dáco'y itó namán ang salitaan:
--¡Pacacasal n~gayóng ang unang nan~gibig sa canyá'y malapit n~g bitayin!
--Tinatawag cong main~gat ang ganyán; pagdaca'y handâ na ang cahalili.
--¡Abá, cung mabao!...
Náririn~gig marahil ang gayóng m~ga salitaan n~g dalagang si María Clara, na nacaupô sa isáng silla at naghuhusay n~g isáng bandejang m~ga bulaclác, sa pagcá't námamasid na nan~gán~gatal ang canyáng m~ga camáy, minsang mamutlá't man~gatlabing macáilan.
Malacás ang salitaan sa pulutóng n~g m~ga lalaki, at, ayon sa caraniwa'y pinag uusapan nilá ang ucol sa hulíng m~ga nangyari. Nan~gag salitaang lahát patí ni don Tiburcio, liban na lamang cay parì Sibyla, na nananatili sa pagpapawaláng halagáng hindi pag-imíc.
--¿Nárin~gig cong lilisanin daw po ninyó, pari Salví, ang bayan?--ang tanóng n~g bagong teniente, na dahil sa canyáng pagcataas sa catungcula'y n~gayó'y naguíng mairuguín.
--Walâ na acóng sucat gawín sa bayang iyán; sa Maynilà na títira acó magpacailan man ... ¿at cayó pô?
--Lilisanin co rin ang bayan,--ang isinagót na casabay ang pagtindíg;--kinacailan~gan acó n~g gobierno, upáng aking linisin ang m~ga lalawigan sa m~ga filibustero, na ang casama co'y isáng pulutóng n~g m~ga sundalo.
Dagling tiningnán siyá ni pari Salví mulâ sa m~ga paá hanggáng sa ulo, at sacâ siyá tinalicuráng lubós.
--¿Tunay na bang nalalaman cung anó ang cahihinatnan n~g pan~gulo n~g m~ga tulisan, n~g filibusterillo?--ang tanóng n~g isáng cawaní n~g pámahalaan.
--¿Si Crisóstomo Ibarra ba ang sinasabi ninyó?--ang tanóng n~g isá.--Ang lalong mahihintay at siyá namáng sumasacatuwiran ay siyá'y bitaying gaya n~g m~ga binitay niyóng 72.
--¡Siyá'y itatapon!--ang sinabing mapangláw n~g matandáng teniente.
--¡Itatapon! ¡Itatapon lamang siyá! ¡N~guni't marahil ay mananatili sa tapunán magpacailán man!--ang bigláng sinabing sabaysabáy n~g ilán.
--Cung ang binatàng iyán,--ang patuloy na sinabi n~g teniente Guevara, n~g malacás at anyóng may galit;--ay natutong mag-ín~gat; cung siyá'y natutong huwag tumiwalang totoo sa m~ga tan~ging taong canyáng casulatán; cung hindi sana napacadunong ang ating m~ga fiscal na magbigáy kahulugán n~g napacalabis namán sa nasusulat, pinasiyahán sanang waláng anó mang casalanan ang binatàng iyán.
Ang pagpapatibay na itó n~g matandáng teniente at ang anyô n~g canyáng tínig ay nagbigáy n~g malakíng pangguiguilalás sa m~ga nakíkinig, na waláng nasabing anó man. Tumin~gín sa ibáng daco si parì Salví, marahil n~g huwag niyáng makita ang titig na mapangláw n~g matandâ. Nalaglág sa m~ga camáy ni María Clara ang m~ga bulaclác at hindi nacakilos. Si pari Sibylang marunong sa hindi pag-imic, tila mandín siyáng tan~ging marunong namáng tumanóng.
--¿May sinasabi pô ba cayóng m~ga sulat, guinoong Guevara?
--Sinasabi co ang sinalitâ sa akin n~g _defensor_ (tagapagtanggól), na gumanáp n~g canyáng catungculan n~g boong casipaga't pagmamalasakit. Liban na lamang sa iláng m~ga talatang may culabóng pananalitâ, na isinulat n~g binatàng itó sa isáng babae, bago siyá yumaong ang tun~go'y sa Europa, m~ga talatang kinakitaan n~g fiscal n~g isáng balac at isáng balà laban sa Gobierno, na canyáng kinilalang siyá n~gâ ang may sulat, waláng násumpun~gang anó mang bagay na mapanghawacan upáng siyá'y mabigyáng casalanan.
--¿At ang _declaración_ (sinaysáy) n~g tulisán bago siyá mamatáy?
--Nasunduan n~g defensor na mawal-ang halagá, sa pagcá't ayon din sa tulisáng iyón, silá'y hindi nakipag-usap cailán man sa binatà, cung di sa isáng nagn~gan~galang Lucas lamang, na canyáng caaway, ayon sa napatotohanan, at nagpacamatáy, marahil sa sigáw n~g sariling budhî. Napatotohanang pawang taksíl na gagád lamang ang m~ga letra n~g casulatang nacuha sa bangcay niyá, sa pagcá't ang letra'y catulad n~g dating letra ni guinoong Ibarra n~g panahóng may pitóng taón na n~gayón ang nacararaan, datapuwa't hindi catulad n~g letra niyá n~gayón, bagay na nagpapasapantahang ang gumamit na huwaran ay itóng sulat na guinamit upáng siyá'y isumbóng. Hindi lamang itó, sinasabi n~g defensor, na cung di raw kinilalang siyá ang may titic n~g sulat na iyón, malaki sanang cagalin~gan ang sa canyá'y nagawa, datapuwa't pagcakita niya sa sulat na iyó'y namutlâ siyá, nasirà ang loob at pinagtibay ang lahat n~g doo'y natititic.
--Ang sabi pô ninyó,--ang tanóng n~g isáng franciscano;--ay nauucol ang sulat na iyón sa isáng babaeng canyáng pinagpadalhan, ¿anó at dumating sa camáy n~g fiscal?
Hindi sumagót ang teniente; tinitigang sandalî si pari Salvi, at sacâ lumayô, na pinipilipit na nan~gán~gatal ang matulis na dulo n~g canyáng balbás na úbanin, samantalang pinag-uusapan n~g m~ga ibá ang m~ga bagay na iyón.
--¡Diyá'y nakikita ang camáy n~g Dios!--anáng isá;--kinasusutan siyá patí n~g m~ga babae.
--Ipinasunog ang canyáng bahay, sa acalà niyáng sa gayó'y macalíligtas siyá, datapuwa't hindi niyá naisip ang nacalin~gid, sa macatuwíd baga'y ang canyáng caagulo, ang canyáng _babae,_--ang idinugtóng n~g isáng tumatawa.--¡Talagá n~g Dios! ¡Santiago, ipagtanggól mo ang España!
Samantala'y humintô ang matandáng militar, sa isá sa canyáng pagpaparoo't parito, at lumapit cay María Clara, na nakikinig n~g salitaan, hindi cumikilos sa canyáng kinauupuan; sa m~ga paanan niyá'y naroroon ang m~ga bulaclác.
--Cayó po'y isáng dalagang totoong matalinò,--ang marahang sinabi sa canyá n~g teniente,--magalíng pô ang inyóng guinawâ n~g inyóng pagcacábigay n~g sulat ... sa ganyáng paraa'y macaaasa cayóng dalawá sa isáng mapanatag na hinaharap.
Nakíta n~g dalagang lumálayô ang teniente na ang m~ga matá'y anyóng na hahalíng at kinacagat ang m~ga labì. Sa cagalin~gang palad ay nagdaan si tía Isabel. Nagcaroon si María Clara n~g casucatang lacás upáng siyá'y tangnán sa damít.
--¡Tia!--ang ibinulóng.
--¿Anó ang nangyayari sa iyó?--ang itinanóng ni tía Isabel, na gulát, n~g canyáng mámasdan ang mukhà n~g dalaga.
--¡Ihatid pô ninyó acó sa aking cuarto!--ang ipinakiusap, at sacà bumitin sa camáy n~g matandà upáng macatindig.
--¿May sakít ca, anác co? ¿Tila nawalán icaw n~g m~ga butó? ¿anó ang nangyayari sa iyó?
--Isáng hilo ... ang dami n~g tao sa salas ... ang dami n~g ilaw ... kinacailan~gan cong magpahin~ga. Sabihin pô ninyó sa tatay na matutulog acó.
--¡Nanglálamig ca! ¿ibig mo ba ang chá?
Umilíng si María Clara, sinarhán n~g susi ang pintô n~g canyáng tulugán, at salàt na sa lacás ay nagpatihulóg sa sahíg, sa paanán n~g isáng larawan at sacâ humagulhól:
--¡Iná! ¡iná! ¡aking iná!
Pumapasoc ang liwanag n~g buwán sa bintanà at sa pintuang canugnóg n~g bataláng bató.
Nagpapatuloy ang música n~g pagtugtóg n~g masasayang _vals_; dumarating hanggáng sa tulugán ang m~ga tawanan at ang alin~gawn~gáw n~g m~ga salitaan; macailang tumugtóg sa canyáng pintuan ang canyáng amá, si tía Isabel, si doña Victorina at patí si Linares, datapuwa't hindi cumilos si María Clara: malacás na hin~gal ang tumatacas sa canyáng dibdib.
Nagdaan ang m~ga horas: natapos ang m~ga catuwaan sa mesa, náririn~gig ang sayáw, naupós ang candilà at namatáy, datapuwa't nanatili ang dalaga sa hindi pagkilos sa tablang sahig, na liniliwanagan n~g buwán, sa paanán n~g larawan n~g Iná ni Jesús.
Untiunting nanag-uli ang báhay sa catahimican, nan~gamatáy ang m~ga ílaw, mulíng tumawag si tía Isabel sa pintuan.
--¡Abá, nacatulog!--anáng tía n~g sabing malacás; palibhasa'y bata't waláng anó mang pinanínimdim, tumutulog na parang patáy.
Nang lubhâ n~g tahimic ang lahát; nagtindig si María Clara n~g marahan at lumin~gap sa canyáng paligid: námasid ang bataláng bató, ang maliliit na m~ga bálag, na napapaliguan n~g mapangláw na liwanag n~g buwán.
--¡Isáng mapanatag na hináharap! ¡Tumutulog na parang patáy!--ang sinabi n~g marahan at sacâ tinun~go ang bataláng bató.
Nagugupiling ang ciudad, waláng naririn~gig na manacanacâ cung dî ang ugong n~g isang cocheng nagdaraan sa tuláy na cahoy sa ibabaw n~g ilog, na ilinarawan n~g payapang tubig nitó ang sinag n~g buwan.
Tumin~gala ang dalaga sa lan~git na ang calinisa'y wan~gis sa zafir; marahang hinubád ang canyáng m~ga sinsing, m~ga hicáw, m~ga aguja at peineta, inilagáy niyá ang lahat n~g itó sa palababahan n~g batalán at tiningnan ang ílog.
Humintô ang isáng bancáng tiguíb n~g damó sa paanán n~g ahunáng nalalagay sa bawa't bahay na na sa pampan~gin n~g ilog. Isá sa dalawáng lalaking nacasacáy sa bangcáng iyón ay pumanhic sa hagdanang bató, linundág ang pader, at n~g macaraan ang sandali'y nárin~gig ang canyáng m~ga paglacad na pumápanhic sa hagdanan n~g batalán.
Nakita siyá ni María Clarang tumiguil pagcakita sa canyá, n~guni't sumandal lamang, sa pagcá't untiunting lumapit at tumiguil n~g tatlong hacbáng na lámang ang layó sa dalaga. Umudlót si María Clara.
--¡Crisóstomo!--ang sinabing marahang puspós n~g tácot.
--¡Oo, acó'y si Crisóstomo!--ang isinagót n~g binatà n~g boong capanglawan.--Kinuha acó sa bilangguang pinag absan~gán sa akin n~g aking m~ga caibigan, ni Elias, isáng caaway, isáng táong may catuwirang acó'y pagtamnan n~g galit.
Sumunod sa m~ga salitáng itó ang isáng mapangláw na hindi pag-imic; tumun~gó si María Clara at inilawít ang dalawáng camáy.
Nagpatuloy n~g pananalitâ si Ibarra:
--¡Isinumpà co sa piling n~g bangcáy n~g aking ináng icaw ay aking paliligayahin, cahi't anó man ang aking cáratnan! Mangyayaring magcúlang icaw sa iyóng isinumpâ, siyá'y hindi mo iná; n~guni't acó, palibhasa'y acó ay anác niyá, pinacadadakilà co ang pag-aalaala sa canyá, at cahi't nagdaan acó sa libolibong pan~ganib, naparito acó't upáng tuparín ang aking isinumpâ, at itinulot n~g pagca-cátaong icaw rin ang aking macausap. María, hindi na tayo magkikitang mulî; batà ca at bacâ sacali'y sisihin ca n~g iyóng sariling budhî ... naparito acó upáng sa iyó'y sabihin, bago acó pumanaw, na pinatatawad catá. ¡N~gayon, cahimana-wari'y lumigaya ca, at paalam!
Binantâ ni Ibarrang lumayô, datapuwa't piniguil siyá n~g dalaga.
--Crisóstomo!--anya;--sinugò ca n~g Dios at n~g acó'y iligtas sa waláng cahulilip na capighatian ... ¡pakinggán mo acó at sacâ mo acó hatulan!
Matimyás na bumitíw sa canyá si Ibarra.
--Hindi acó naparito't n~g hin~gan catang sulit n~g guinawâ mo ...; naparito acó't n~g bigyan catang capayapaan.
--¡Aayaw acó n~g capayapaang iniháhandog mo sa akin; acó ang magbibigay sa akin din n~g capayapaan! Pinawáwal-an mo acóng halagá, at ang pagpapawaláng halagá mo'y siyáng sampong sa camatayan co'y magbibigay capaitan!
Namalas ni Ibarra ang masilacbóng samà n~g loob at pagpipighati n~g abáng babae, at tinanóng niyá itó cung anó ang hináhan~gad.
--¡Na icaw ay maniwalang sinintá co icaw cailán man!
N~gumiti n~g boong saclap si Crisóstomo.
--¡Ah! ¡nagcuculang tiwalà ca sa akin, nagcuculang tiwalà, ca sa iyong catoto sa camusmusán, na cailán ma'y hindi ikinaila sa iyó ang isa man lamang na caisipán!--ang bigláng sinabi n~g dalaga na nagpipighati.--¡Aking natátaroc ang iniisip mo! Pagcâ napagtanto mo ang aking buhay, ang malungcot na buhay na ipinatanto sa akin n~g panahóng acó'y may sakit, maháhabag ca sa akin at hindi mo n~gin~gitian n~g ganyán ang aking dalamhatì. ¿Bakit bagá't hindi mo pa binayaang acó'y mamatáy sa m~ga camáy n~g hangál na gumágamot sa akin? ¡Icaw sana't acó'y liligaya!
Nagpahin~gang sumandali si María Clara't sacâ nagpatuloy n~g pananalitâ:
--¡Inibig mo, nagculang tiwalà ca sa akin, patawarin nawâ acó n~g aking Iná! Sa isá sa m~ga calaguimlaguim na gabì n~g aking masacláp na pagcacasakit, ipinahayag sa akin n~g isáng táo ang pan~galan n~g aking tunay na amá, at ipinagbawal sa aking icáw ay aking sintahin ... liban na lámang cung ang akin ding amá ang magpatawad sa iyó sa paglabág na sa canyá'y iyóng guinawâ!
Umudlót si Ibarra at nagugulumihanang tinitigan ang dalaga.
--Oo,--ang ipinagpatuloy ni María Clara; sinabi sa akin n~g táong iyóng hindî maitutulot ang ating pag-iisang catawán, sa pagcá't ibabawal sa canyá n~g canyang sariling budhî, at mapipilitang canyang ihayág, cahi't magcaroon n~g malakíng casiráan n~g puri, sa pagca't ang aking amá'y si....
At saca ibinulóng sa tain~ga n~g binata ang isáng pan~galang sa cahinaan n~g pagsasasalita'y si Ibarra lámang ang nacárin~gig.
--¿Anó ang aking magagawâ? ¿Dapat co bang yurakin dahil sa aking pagsinta ang pag-aalaala co sa aking iná, ang capurihán n~g aking amáamahan at ang dan~gal n~g aking tunay na amá? ¿Magagawâ co bá itó na hindî icáw ang unaunang magpapawaláng halagá sa akin?
--¿N~guni't ang catibayan, nagcaroon ca ba n~g catibayan? ¡Nan~gan~gailan~gan icáw n~g catibayan!--ang bigláng sinabi ni Crisóstomo, na parang sinásacal.
Dinucot n~g dalaga sa canyáng dibdíb ang dalawáng papel.