Noli Me Tangere

Part 45

Chapter 45 3,904 words Public domain Markdown

Nakipag-usap n~g sandali sa cura ang alférez, na marahan ang caniláng salitaan; at sacá humaráp sa m~ga sundalo.

--¡Ihatid ninyó siyá sa kinalalagyan n~g m~ga bangcáy!--ang iniutos.

Sa isáng suloc n~g patio, sa ibabaw n~g isáng carretóng lumà, ay nacabuntón ang limáng bangcáy, na halos natátacpan n~g capirasong gulanít na baníg na punô n~g carumaldumal na m~ga dumí. Nagpaparoo't parito sa magcabicabilang dulo ang isáng sundalo, na mayá't mayá'y lumúlurâ.

--¿Nakikilala mo ba sila?--ang tanóng n~g alférez na itinataás ang banig.

Hindi sumagót si Társilo; nakita niyá ang bangcáy n~g asawa n~g ulól na babae na casama n~g m~ga iba; ang bangcáy n~g canyáng capatíd na tadtád n~g sugat ang catawán, sa cásasacsac n~g bayoneta, at ang cay Lucas na may lubid pa sa liig. Lumungcót ang canyáng panin~gin at tila mandín nagpumiglás sa canyáng dibdib ang isáng buntóng hinin~gá.

--¿Nakikilala mo silá?--ang mulíng sa canyá'y itinanóng nilá.

Nanatili sa pagca pipí si Társilo.

Isáng haguinít ang siyáng umalin~gawn~gáw sa han~gin at pumalò ang yantóc sa canyáng licód. Nan~giníg, nan~gurong ang canyáng m~ga casucasuan. Inulit-ulit ang pagpalò n~g yantóc, n~guni't nanatili si Társilo sa pagwawaláng bahalà.

--¡Hagupitín siyá n~g palò hanggáng sa pisanan ó magsalità!--ang sigáw n~g alférez na nagn~gin~gitn~git.

--¡Magsabi ca na!--ang sinabi sa canyá n~g directorcillo;--sa papaano ma'y pápatayin ca rin lamang.

Mulíng inihatid siyá sa salas na kinalalagyan n~g isáng napipiit, na tumatawag sa m~ga santo, nan~gan~galigkig ang m~ga n~gipin at ang m~ga paa'y cusang nahuhubog.

--¿Nakikilala mo ba iyán?--ang tanóng ni parì Salvi.

--¡N~gayón co lamang siyá nakita!--ang sagót ni Társilo, na minámasdan ang isá n~g may halong habág.

Binigyán siyá n~g isáng suntóc at isáng sicad n~g alférez.

--¡Inyóng igapos siyá sa bangcó!

Hindi na inalís sa canyá ang m~ga «esposas» na nadúdumhan n~g dugô, at siyá'y itinali sa isáng bangcóng cahoy. Lumin~gap ang caawaawà sa canyáng paliguid, na anaki'y may hinahanap siyáng anó man, at n~g canyáng nakita si doña Consolación, siyá'y humalakhác n~g patuyâ. Sa pagtatacá n~g m~ga nanonood ay sinundán nilá ang tinítingnan n~g nagagapos, at ang caniláng nakita'y ang guinoong babae, na nan~gan~gatlabì n~g cauntî.

--¡Hindi pa acó nacacakita n~g ganyáng capan~gít na babae!--ang biglang sinabi n~g malacás ni Társilo, sa guitná n~g hindî pag-imíc nino man;--ibig co pang humigâ sa ibabaw n~g isáng bangcò, na gaya n~g calagayan co n~gayón, cay sa humigâ acó sa siping niyá na gaya n~g alférez.

Namutlâ ang Musa.

--Papatayin pô ninyó acó sa palò, guinoong alférez,--ang ipinagpatúloy;--n~gayóng gabi ipanghíhiganti aco n~g inyóng asawa pagyacap niyá sa inyó.

--¡Lagyán ninyó n~g pang-al ang bibig!--ang sigáw n~g alférez na nahíhibang at nan~gán~gatal sa galit.

Tila mandin waláng ibáng hináhan~gag si Társilo cung di ang siyá'y magcapang-al, sa pagca't pagcatapos na siyá'y malagyan n~g pang-al na iyón, nagsaysáy ang canyáng m~ga matá n~g isáng kisláp n~g catuwáan.

Sa isáng hudyát n~g alférez, pinasimulan n~g isáng guardiang may hawac na isáng yantóc, ang canyáng cahapishapis na catungculan, Nan~gurong ang boong catawán ni Társilo; isáng un~gol na sacál at mahabà ang siyáng nárin~gig, bagá man napapasalan ang canyáng bibig n~g damit; tumun~gó: napípigtâ ang canyáng damít n~g dugô.

Tumindig n~g boong hirap si parì Salvi, na namúmutlà't sirâ ang panin~gín, humudyát n~g camáy, at linisan ang salas na nan~gán~galog ang m~ga tuhod. Nakita niyá sa daan ang isáng dalagang nacasandál sa pader, matuwíd ang catawán, hindi cumikilos, nakíkinig na lubós, tinítingnan ang álang-álang, nacaunat ang m~ga nan~gán~gayumcom na m~ga camáy sa lumang muog. Binibilang manding hindi humíhin~ga ang m~ga hampás na macalabóg, waláng taguintíng at yaóng cahambál-hambál na daing. Siyá ang capatíd na babae ni Társilo.

Samantala'y ipinagpapatuloy sa salas ang cagagawang iyón; ang culang palad, sa hindi na macayang bathing hirap, ay napipi at hinintáy na man~gapagál ang canyáng m~ga verdugo. Sa cawacasa'y inilawít ang m~ga bisig n~g sundalong humihin~gal; ang alférez, na namúmutlâ sa galit at sa pangguiguilalás, humudyát n~g isá upang calaguín ang pinahihirapan.

Nang magcágayo'y nagtindíg si doña Consolación at bumulóng n~g ilán sa canyáng asawa. Tuman~gô itó, sa pagpapakilalang canyáng naunawà.

--¡Dalhín siyá sa bal-on!--anyá.

Natatalastas n~g m~ga filipino cung anó ang cahulugán n~g salitáng itó; isinasatagalog nilá sa sabing _timbain._ Hindi namin maalaman cung sino cayâ ang nacaisip n~g ganitóng gawâ. Ang Catotohanang umaahon sa isáng bal-on, marahil ay isáng pagbibigáy cahulugáng nápacamatindíng libác.

Sa guitnâ n~g patio n~g tribunal ay naroroon ang caayaayang pader na na caliliguid sa isáng bal-on; ang pader na yaó'y batóng buháy na magaspáng ang pagcacágawâ. Isáng casangcapang tulad sa pinggáng cawayan (timbalete) ang siyáng doo'y gamit sa pagcuha n~g tubig na malapot, marumí at mabahò. M~ga papantin~gin, m~ga dumi at ibá pang masasamáng tubig ang doo'y natitipon, sa pagcá't ang bal-ong yaó'y tulad naman sa bilangguan; doon inihuhulog ang lahat n~g pinawawalang halagá ó ipinalalagay na wala nang cabuluhán; casangcapang doo'y mahulog, magpacabutibuti, wala n~g halagá. Gayón ma'y hindi tinatabunan cailán man: manacánacang pinahihirapan ang m~ga bilanggóng hucayi't palaliman ang bal-ong iyón, hindi dahil sa balac na muha n~g capakinaban~gán sa parusang iyón, cung dî dahil sa m~ga cahirapang nangyayari sa gawáng iyón: ang bilanggóng doo'y lumusong ay nacacacuha n~g lagnát na ang caraniwa'y ikinamámatay.

Pinanonood ni Társilo, na nacatitig, ang m~ga paghahandâ n~g m~ga sundalo; siyá'y namúmutlâ n~g mainam at nan~gán~gatal ang canyáng m~ga labì ó bumúbulong n~g isáng dalan~gin. Warì'y nawalâ ang pagmamataas niyá sa canyáng di maulatang hirap, ó cung hindi ma'y hindi na totoong masimbuyó. Macailang inilun~gayn~gáy ang nacalindíg na liig, tumitig sa lupà, sang-ayong magdalità.

Dinalá siyá nilá sa pader na nacaliliguid sa bal-on, na sinúsundan ni doña Consolacióng nacan~gitî. Isáng sulyáp, na may tagláy na panaghilì, ang itinapon n~g sawíng palad, sa nagcacapatong-patong na m~ga bangcáy, at isáng buntóng hinin~gá ang tumacas sa canyáng dibdib.

--¡Magsabi ca na!--ang mulíng sinabi sa canyá n~g directorcillo,--sa papaano ma'y bibitayin ca; mamatáy ca man lamang na hindi totoong naghirap n~g malakí.

--Aalis ca rito upáng mamatáy,--ang sinabi sa canyá n~g isáng cuadrillero.

Inalisán nilá siyá n~g pang-al, at ibinitin siyáng ang tali ay sa m~ga paa. Dapat siyáng ihugos n~g patiwaric at manatiling malaón laón sa ilalim n~g tubig, catulad n~g guinágawâ sa timbâ, na ang caibhán lamang ay lalong pinalalaon ang tao.

Umalis ang alférez upáng humanap n~g relós at n~g bilan~gin ang m~ga minuto.

Samantala'y nacabitin si Társilo, ipinapawid n~g han~gin ang canyáng mahabang buhóc, nacapikit n~g cauntî.

--Cung cayó'y m~ga cristiano, cung may pusò cayó,--ang ipinamanhic n~g paanás,--ihugos ninyó acó n~g matulin, ó ihugos ninyó sa isáng paraang sumalpóc ang aking ulo sa bató at n~g acó'y mamatáy na. Gagantihin cayó n~g Dios sa magandáng gawáng ito ... marahil sa ibáng araw ay mangyari sa inyó ang kináhínatnan co.

Nagbalíc ang alférez at pinan~guluhan ang paghuhugos na tan~gan ang relós.

--¡Marahan, marahan!--ang sigáw ni doña Consolacióng sinusundan n~g matá ang cahabaghabág;--¡mag-in~gat cayó!

Marahang bumábabà ang timbalete; humihilahis si Társilo sa m~ga batóng nan~gacaumbóc at sa m~ga mababahong damóng sumisibol sa m~ga guiswác. Pagca tapos ay hindi na cumilos ang timbalete; binibilang n~g alférez ang m~ga segundo.

--¡Itaás!--ang matinding utos, n~g macaraan na ang calahating minuto.

Ang in~gay na mataguintíng at nagcacasaliwsaliw n~g m~ga patac n~g tubig na nahuhulog sa ibabaw n~g tubig ang siyáng nagbalità n~g pagbabalíc n~g may sala sa caliwanagan. N~gayón, palibhasa'y lalong mabig-at ang pabató, siyá'y nanhíc n~g mabilis. Nanglálaglag n~g malaking in~gay ang m~ga batóng natitingcab sa m~ga tabí n~g balón.

Natátacpan ang canyáng noo't ang canyáng buhóc n~g carumaldumal na pusalì, puspos n~g m~ga sugat at m~ga galos ang canyáng mukhâ, ang catawa'y basâ at tumutulò, n~g siyá'y sumipót sa m~ga matá n~g caramihang hindi umíimic; pinapan~gán~galigkig siyá sa guináw n~g han~gin.

--¿Ibig mo bang magsaysáy?--ang sa canyá'y caniláng itinanóng.

--¡Huwág mong pabayaan ang capatid cong babae!--ang ibinulóng n~g caawaawà, na tinititigan n~g pagsamò ang isáng cuadrillero.

Mulíng cumalairit ang pinggáng cawayan, at mulíng nawalá ang pinahihirapan. Nahihiwatigan ni doña Consolacióng hindî gumágalaw ang tubig. Bumilang n~g isáng minuto ang alférez.

Nang mulíng ipanhic si Társilo'y nacawin~gî at nan~gin~gitim ang mukhâ. Tinitigan niyá ang m~ga naroroon at nanatiling nacadilat ang m~ga matáng nan~ga múmula sa dugô.

--¿Magsasabi ca ba?--ang mulíng itinanóng n~g alférez na ang tinig ay nanglúlupaypay.

Umilíng si Társilo, at muli na namang inihugos siyá. Untiunting nasásarhan ang m~ga pilic-matá niyá, ang balingtatáo n~g canyáng m~ga matá'y nananatili sa pagtitig sa lan~git na pinapawiran n~g mapuputíng alapaap; ibinabalì ang liig upáng macapanatili sa panonood n~g liwanag n~g araw, n~guni't pagdaca'y napilitang lumubog sa tubig, at tinacpán n~g carumaldumal na tabing na iyón ang canyáng minámasdang daigdíg.

Nagdaan ang isáng minuto; namasid n~g tumítin~ging Musa ang malalaking bulubóc n~g tubig na napaiibabaw.

--¡Nauuhaw!--ang sabing tumatawa.

At mulíng tumining ang tubig.

Isáng minuto't calahati ang itinagál n~gayón, bago humudyát ang alférez.

Hindi na nacawin~gi ang mukhá ni Társilo; nasisilip sa nacasiwang na pan~gisáp ang puti n~g matá, lumálabas sa bibig ang tubig na pusaling may cahalong cumacayat na dugô; humihihip ang han~ging malamíg, n~guni't hindi na nan~gan~gán~galigkig ang canyáng catawán.

Nan~gagtin~ginan ang lahát na waláng imíc, nan~gamumutlâ at pawang nan~ga alaguím. Humudyat ang alférez upáng alisin sa pagcabitin si Társilo at lumayóng naglilininglining; macailang idiniit ni doña Consolación sa nacalilís na m~ga paa n~g bangcáy ang baga n~g canyáng tabacô, n~guni't hindi cumatál ang catawán at namatáy ang apóy.

--¡Nag-inís siyá sa sarili!--ang ibinulóng n~g isáng cuadrillero;--masdán ninyó't binaligtád ang canyáng dilà, na anaki pinacsâ niyáng lunukín.

Pinagmámasdang nan~gán~gatal at nagpápawis niyóng isáng bilanggô ang m~ga guinagawâng iyón; lumilin~gap na ang camukhá'y ulól sa lahát n~g panig.

Ipinag-utos n~g alférez sa directorcillong tanun~gín ang bilanggóng iyón.

--¡Guinoo, guinoo!--ang hibic;--¡akin pong sasabihin ang lahat ninyóng maibigang sabihin co!

--¡Cung gayo'y mabuti! tingnán natin; ¿anó ang pan~galan mo?

--¡Andóng, pô!

--¿Bernardo ... Leonardo ... Ricardo ... Eduardo ... Gerardo ... ó anó?

--¡Andóng, pô!--ang inulit n~g culáng culáng ang isip.

--Ilagáy ninyóng Bernardo ó anó man,--ang inihatol n~g alférez.

--¿Apellido?

Tiningnán siyá n~g taong iyóng nagugulat.

--¿Anó ang pan~galan mong dagdág sa n~galang Andóng?

--¡Ah, guinoo! ¡Andóng Culáng-culáng po!

Hindi napiguil ang tawa n~g nan~gakikinig; patí ang alférez ay tumiguil n~g pagpaparoo't parito.

--¿Anó ang hanap-buhay mo?

--Mánunubà pô n~g niyóg, at alila pô n~g aking biyanáng babae.

--¿Sino ang nag-utos sa inyóng looban ninyó ang cuartel?

--¡Walâ pô!

--¿Anóng walâ? Huwág cang magsinun~galing at titimbaín ca! ¿sino ang nag-utos sa inyó? ¡Sabihin mo ang catotohanan!

--¡Ang catotohanan pô!

--¿Sino?

--¡Sino pô!

--Itinatanong co sa iyó cung sino ang nag-utos sa inyóng cayó'y man~gag-alsá.

--¿Alin pô bang alsá?

--Iyón, cung cayá ca doroon cagabí sa patio n~g cuartel.

--¡Ah, guinoo!--ang bigláng sinabi ni Andóng na nagdádalang cahihiyan.

--¿Sino n~ga ang may casalanan n~g bagay na iyán?

--¡Ang akin pong biyanáng babae!

Tawanan at pangguiguilalás ang sumunód sa m~ga salitáng itó. Humintô n~g paglacad ang alférez at tiningnán n~g m~ga matáng hindi galít ang caawaawà, na sa pagcaisip na magaling ang kinalabasan n~g canyáng m~ga sinabi, nagpatuloy n~g pananalitáng masayá ang anyô.

--¡Siyá n~gà pô; hindi pô acó pinacacain n~g aking biyanáng babae cung di iyóng m~ga bulóc at walà n~g cabuluhán; cagabí, n~g acó'y umuwi rito'y sumakít ang aking tiyán, nakita cong na sa malapit ang patio n~g cuartel, at aking sinabi sa sarili;--N~gayó'y gabí, hindi ca makikita nino man.--Pumasoc acó ... at n~g tumitindig na acó'y umalin~gawn~gáw ang maraming putucan: itinatali co pô ang aking salawal....

Isang hampás n~g yantóc ang pumutol n~g canyáng pananalitâ.

--¡Sa bilangguan!--ang iniutos n~g alférez;--¡ihatíd siyá n~gayóng hapon sa cabecera!

TALABABA:

[261] _¡Vae Victis!_ wicang lating ang cahulugáng sa wicang tagalog ay _¡Sa aba n~g m~ga nagágahis!_ M~ga salita ni Breno sa m~ga romano, na sa tuwi na'y inuulit hanggáng sa m~ga panahóng itó, bagá man n~gayo'y naghahari ang cagandahang asal. N~gayó'y gaya rin n~g una, na ang sa lalong malalacás ang siyá lamang m~ga catuwirang nagwáwagui.--P.H.P.

=LVIII.=

=ANG SINUMPA.=

Hindî nalao't cumalat sa bayan ang balitàng ilalacad ang m~ga bilanggô; nacalaguím muna ang pagcarin~gig n~g gayóng balità, at sacá sumunód ang m~ga iyacan at panambitanan.

Nan~gagtatacbuhang warì'y m~ga ulól ang m~ga casambaháy n~g m~ga bilanggô; nan~gagsísiparoon sa convento, mulâ sa convento'y napapasa cuartel at mulà sa cuartel ay napasasa tribunal, at sa pagcá't hindi silá macásumpong n~g aliw saan man, caniláng pinúpunô ang alang-alang n~g m~ga sigáw at panambitan. Nagculóng ang cura sa pagcá't may sakít, dinagdagán n~g alférez ang dami n~g m~ga sundalong na bábantay sa canyá, at sinasalubong n~g culata n~g m~ga sundalong iyón ang m~ga babaeng nan~gagmamacaamò; ang gobernadorcillo, taong waláng cabuluhán, anaki'y lalo pang haling at waláng cabuluhán mandín cay sa dati. Sa tapát n~g bilanggua'y nan~gagtatacbuhang pacabicabilà ang m~ga babaeng may lacás pa; ang m~ga walâ na namá'y nan~gagsisiupò sa lupà't tinatawag ang m~ga pan~galan n~g m~ga taong caniláng iniirog.

Manin~gas ang araw, n~guni't sino man sa m~ga cahabaghabag na iyó'y hindi nacaiisip umuwî. Si Doray, ang masayá't lumiligayang asawa ni don Filipo'y nagpapacabicabilang puspós n~g capighatían, kilic ang canyáng musmós na anác na lalaki: cápuwâ silá umiiyac.

--Umuwî na pô cayó,--ang sa canyá'y sinasabi; malalagnat ang inyóng anác.

--¿Bakit pa mabubuhay cung walà rin lamang isáng amáng sa canyá'y magtuturò?--ang isinasagót n~g nalulunos na babae.

--¡Walâ pong casalanan ang inyóng asawa; marahil siyá'y macabalíc din!

--¡Siyá n~gá, cung patáy na cami!

Tumatan~gis si capitana Tinay, at tinatawag ang canyáng anác na si Antonio; tinítingnan n~g matapang na si capitana María ang maliit na rejas, sa pagcá't sa dacong loob niyó'y naroroon ang canyáng dalawáng cambál, na siyáng tan~ging m~ga anác niyá.

Naroroon ang biyanán n~g mánunubà n~g niyóg; hindi siyá tumatan~gis: nagpaparoo't parito, na cumúcumpas na lilis ang m~ga manggás at pinagsasabihan n~g malacás ang nan~gároroon:

--¿May nakita na ba cayóng cawan~gis nitó? ¿Hulihin ang aking si Andóng, paputucan siyá, isuot sa pan~gáw at ilalacad sa cabecera, dahil lamang sa ... dahil lamang sa may bagong salawal? ¡Humíhin~gî ang ganitóng gawa n~g ucol na gantí! ¡Napacalabis namán ang m~ga guardia civil! ¡Isinusumpá cong pagca nakita co uling sino man sa canilá'y humahanap n~g cublíng lugar sa aking hálamanan, gaya n~g madalás na totoong guinágawa nilá, aalsán co silá n~g ipinamamayan, aalsán co silá n~g ipinamamayan! ¡ó cung hindi acó namán ang caniláng alsán!!!

N~guni't iilan tao ang pumápansin sa maca Mahomang biyanán.

--Si don Crisóstomo ang may casalanan n~g lahát n~g itó,--ang buntóng hinin~ga n~g isáng babae.

Naroroon di't nagpapacabicabila, na cahalò n~g marami, ang maestro sa escuelahan; hindi na pinapagcúcuscos ang m~ga palad n~g camáy ni ñor Juan; hindi na dinadaladala niyá ang canyáng _plomada_ at ang canyáng _metro:_ itím ang pananamit n~g lalaki, sa pagcá't nacárin~gig siyá n~g masasamáng balità, at palibhasa'y nananatili siyá sa canyáng asal na ipalagáy ang dárating na panahóng parang nangyari na, ipinaglúlucsà na niyá ang pagcamatáy ni Ibarra.

Tumiguil, pagca á las dos n~g hapon, sa tapát n~g tribunal, ang isáng carretóng waláng anó mang pandóng, na hinihila n~g dalawáng vacang capón.

Liniguid n~g caramihan ang carretón, na ibig niláng alsín sa pagcasingcaw at ipagwasacan.

Huwág cayóng gumawâ n~g gayón,--ani capitana María;--¿ibig ba ninyóng silá'y maglacád?

Itó ang pumiguil sa m~ga casambaháy n~g m~ga bilanggó. Lumabás ang dalawampóng sundalo at caniláng liniguid ang sasakyán. Lumabás ang m~ga bilanggô.

Ang unauna'y si don Filipo, na gapós; bumating nacan~gitî sa canyáng asawa; tuman~gis n~g masacláp si Doray at nahirapan ang dalawáng guardia upáng humadláng sa canyá at n~g huwág mayacap ang canyáng asawa. Sumipót na umiiyac na parang musmós si Antoniong anác ni capitana Tinay, bagay na siyang lalong nacáragdag n~g m~ga pagsigáw n~g canyáng familia. Humagulhól si Andóng pagcakita sa canyáng biyanáng babae, na siyáng may cagagawán n~g canyáng pagcapahamac. Baliti rin si Albinong nagseminarista, at gayón din ang dalawáng cambál na anác ni capitana Maria. Masasamà ang loob at hindi umiimic ang tatlóng binatàng itó. Ang hulíng lumabàs ay si Ibarra, na waláng talì, n~guni't napapag-itanan n~g nagháhatid na dalawáng guardia civil. Namúmutlâ ang binatà; humanap siyá n~g isáng mukháng catoto.

--¡Iyàn ang may casalanan!--ang ipinagsigawan n~g maraming tinig;--¡iyán ang may casalanan ay siyáng waláng talì!

--¡Walang anó mang guinagawâ ang aking manugang ay siyang naca-"esposas"!

Linin~gón ni Ibarra ang m~ga guardia:

--¡Gapusin ninyó acó, n~guni't gapusin ninyóng mabuti acó, abo't sico!--ang canyáng sinabi.

--¡Walang tinatanggáp camíng utos na ganyán ang aming gawín!

--¡Gapusin ninyó acó!

Sumunod ang m~ga sundalo.

Sumipót ang alférez na nan~gan~gabayo, at batbát n~g m~ga sandata patí n~g m~ga n~gipin; may sumúsunod sa canyáng sampô ó labinglimáng sundalo pa.

Bawa't isáng bilanggó'y may canicanyáng casambahay na nanghihinaing upáng cahabagan, na dahil sa canyá'y tumatan~gis at nagpapalayaw n~g lalong matitimyas na tagurî. Si Ibarra lamang ang tan~ging doo'y walâ sino man; nan~gagsialís doon patí si ñor Juan at ang maestro sa escuelahan.

--¿Anó pô ba ang guinawâ sa inyó n~g aking asawa't n~g aking anác?--ang sa canyá'y sinasabi ni Doray na tumatan~gis; ¡tingnán pô ninyó ang caawaawà cong anác! ¡inalsan ninyó siyá n~g amá!

Ang pighatî n~g m~ga casambahay ay naguíng galit sa binatà, na pinagbibintan~gang siyáng may cagagawán n~g caguluhan. Ipinag utos n~g alférez ang pagya-o.

--¡Icáw ay isáng duwág!--ang sigáw n~g biyanán ni Andóng. Samantalang nakikihamok ang m~ga ibá dahil sa iyó, icaw nama'y tumatagò, ¡duwág!

--¡Sumpaín ca nawâ!--ang sabi sa canyá n~g isáng matandáng lalaki na sa canyá'y sumúsunod;--¡pusóng ang guintóng tinipon n~g iyóng magugulang at n~g siràin ang aming capayapàan! ¡Pusóng!, ¡pusóng!

--¡Bitayin ca nawâ, hereje!--ang sigáw sa canyá n~g isáng camag-anac na babae ni Albino, at sa hindi na macapiguil ay nuha n~g isáng bató at sa canyá'y ipinucól.

Sinundán ang uliráng iyón, at sa ibabaw n~g sawíng palad na binatà'y umulán ang alabóc at m~ga bató.

Tiniis ni Ibarra n~g waláng imíc, waláng poot at waláng daíng ang tapát na panghihingantí n~g gayóng caraming m~ga púsòng nan~gasugatan. Yaón ang paalam, ang _adios_ na sa canyá'y dulot n~g canyáng bayang kinálalagyan n~g lahát n~g canyáng m~ga sinísinta. Tumun~gó, marahil canyáng dinidilidili ang isáng taong pinalò sa m~ga lansan~gan sa Maynilà, ang isáng matandáng babaeng nahandusay na patáy pagcakita sa ulo n~g canyáng anác na lalaki; marahil dumaraan sa canyáng m~ga matá ang nangyari sa buhay ni Elías.

Minagaling n~g alférez na palayuin ang caramihang tao, n~guni't hindi humintô ang pangbabató at ang m~ga paglait. Isá lamang iná ang hindi ipinanghíhiganti sa canyá ang canyáng m~ga pighatî: itó'y si capitana María. Hindi cumikilos, nacahibic ang m~ga labì, punô ang m~ga matá n~g m~ga luhàng umaagos na waláng in~gay, canyáng pinanonood ang pagpanaw n~g canyáng dalawáng anác na lalaki; sa panonood sa canyáng hindî pagkilos at sa canyáng pipíng dalamhatì, nawáwalâ ang pagcatalinhagà ni Niobe.

Malayò na ang pulutóng.

Sa m~ga taong nacasun~gaw sa bihibihirang bintanàng nacabucás, ang lalong nagpakita n~g habag sa binatà'y yaóng m~ga hindi nababahalà at waláng adhicâ cung di manood lamang. Nan~gagtagò ang canyáng m~ga caibigan, patí si capitang Basilio'y nagbawal sa canyáng anác na si Sinang, na huwág umiyác.

Nakita ni Ibarra ang umaaso pang bahay niyáng natupoc, ang bahay n~g canyáng m~ga magugulang, ang bahay na sa canyá'y pinan~ganacán, ang kinabubuhayan n~g lalong matatamís na alaala n~g canyáng camusmusán at n~g canyáng cabinatàan; ang m~ga luhàng malaong canyáng pinipiguilpiguil ay bumalong sa canyáng m~ga matá, lumun~gayn~gay at tuman~gis, na hindi magcaroon n~g alíw na mailihim ang canyáng pag-iyac, palibhasa'y nacagapos, ó macapucaw man lamang ang canyáng pighatî n~g habag sa can~gino man. N~gayó'y walâ siyáng bayan, bahay, casintahan, m~ga catoto, at mahihintay na maligayang panahóng dárating.

Mulà sa isáng mataás na lugar ay pinanonood ang malungcót na pulutóng na iyón n~g isáng tao. Siyá'y isáng matandáng lalaki, namúmutlà, payat na payát ang mukhà, nacabalot sa isáng cumot na lana, at nanúnungcod n~g boong pagál. Siyá ang matandáng filósofo Tasio, na nang mabalitàan ang nangyari ay nagbantáng iwan ang canyáng hihigán at dumaló, n~guni't hindi itinulot n~g canyáng lacás na macarating siyá hanggáng sa tribunal. Sinundán n~g matá n~g matandà ang carretón hanggáng sa itó'y nawalâ sa malayò: nanatiling sumandalî sa pag-iisip-isip na nacatun~gó, nagtindig pagcatapos at nag inatâ n~g boong hirap na tinun~go ang canyáng bahay, na nagpápahin~ga maya't mayâ.

Nasumpun~gan siyáng patáy, kinabucasan, n~g m~ga nag-aalagà n~g m~ga hayop, sa paanan n~g pagpasoc sa canyáng tahanang nag-íisa.

=LIX.=

=ANG KINAGUISNANG BAYAN AT ANG M~GA PAG-AARI.=

Lihim na ibinalità n~g telégrafo ang nangyaring iyón sa Maynilà at n~g macaraan ang tatlompó't anim na horas ay nan~gagsasaysay na n~g bagay na iyón n~g malakíng talinghagà at hindi cacauntîng m~ga pagbabalà, ang m~ga pamahayagan, na dinagdagán, pinagbuti at binawasan n~g fiscal. Samantala'y m~ga balitàng tan~ging mulâ sa m~ga convento ang nan~gaunang tumacbóng salinsalin sa m~ga bibíg, sa lihim, na nagbíbigay n~g malakíng tacot sa bawa't macaalam. Ang nangyaring iyóng sa libolibong pagcacabalità'y nagcaiba n~g lubhâ, pinaniniwalâan n~g humiguit cumulang na cadalian, alinsunod sa cung nagpapapuri ó nacasásalansang sa m~ga hidwáng hílig at anyô n~g caisipán n~g bawa't isá.