# Noli Me Tangere

## Part 40

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/noli-me-tangere-20228/index.md

--Pinapag-alinlan~gan po ninyo aco, Elías, sa aking pagdin~gig sa inyong m~ga sinasabi; maniniwala acong cayo'y sumasakatuiran cung di lamang may sarili acong m~ga pananalig. N~guni't linin~gin po ninyo ang isang nangyayari, huwag ninyong ikagagalit, sapagka't cayo'y hindi co ibinibilang, palibhasa'y ipinalalagay cong cayo'y tan~gi sa m~ga iba;--¡masdan ninyo cung sinosino ang humihin~gi n~g m~ga pagbabagong iyan n~g m~ga cautusán! ¡Halos ang lahat ay masasamâng m~ga tao ó malapit n~g man~gagsisamá!

--Masasamâng tao ó malapit n~g magsisamâ; n~guni't ¿anó ang dahil at sila'y m~ga gayon? Dahil sa linigalig ang canilang catahimican, dahil sa sinugatan sila sa lalong canilang m~ga pinacamamahal, at n~g sila'y humin~ging tangkilik sa Justicia, lubos nilang napagkilalang wala silang maaasahan cung di ang canilang sariling lacás. Datapuwa't nagcacamali po cayo, guinoó, cung ang isip ninyo'y ang masasamang tao lamang ang siyang humihin~gi n~g tangkilik sa Justicia; pumaroon cayo sa bawa't bayan, sa baháy baháy; uliniguin po ninyo ang m~ga buntong hinin~gang lihim n~g m~ga magcacasambahay, at maniniwala cayong ang m~ga casamaang linilipol n~g Guardia Civil ay casing lakí rin ó marahil ay maliit pa sa m~ga casamaang sa tuwi na'y canyang guinagawa. Dahil po ba rito'y ¿ipalalagay nating pawang masasamang m~ga tao ang lahat n~g m~ga mamamayan? Cung gayo'y, ¿anó't sila'y ipagsasanggalang pa sa m~ga ibá? ¿bakit hindi lipulin siláng lahat?

--Marahil dito'y may m~ga ilang camalíang hindi co napagwawari n~gayón, marahil may camalian sa balac na sinisira pagdating sa paggawa, sapagca't sa España, sa Ináng-Bayan, ang Guardia Civil ay gumawa at gumagawa n~g totoong malalaking m~ga cagalin~gan.

--Naniniwala aco; marahil doo'y magaling ang pagcacatatag, hirang ang m~ga taong gumaganap n~g tungculing iyan; baca caya naman talagáng kinacailan~gan n~g España ang Guardia Civil, datapuwa't hindi cailan~gan n~g Filipinas. Ang ating m~ga caugalian, ang anyo n~g ating pamumuhay, na lagui n~g sinasambit pagca ibig na ipagcait sa atin ang anó mang ating catuwiran, n~guni't canilang lubos na linilimot pagca mayroong anó mang pas-aning ibig nilang iatang sa atin. At sabihin po ninyo sa akin, guinoó; ¿bakit hindi gumaya ang ibang m~ga nación sa pagtatatag n~g Guardia Civil, gayong dahil sa caniláng calapitan sa España'y marahil dapat nilang ipalagay na sila'y higuit ang cahalagahan cay sa Filipinas? ¿Baca po caya dahil sa hindi totoong napacadalas ang m~ga pagnanacaw at pan~gan~gagaw sa ferrocarril, hindi totoong marami ang m~ga panggugulong guinagawa n~g m~ga taong bayan, hindi totoong marami ang pumapatay n~g tao at hindi maraming totoo sa m~ga malalaking pan~gulong bayan ang nananacsac n~g sundang?

Tumun~gó si Ibarra na parang nag-iisip-isip, nagtindig pagcatapos at saca sumagót:

--Kinacailan~gang pagdilidilihing magaling, caibigan, ang bagay na itó; cung makita co sa aking m~ga pagsisiyasat na sumasacatuwirang tunay ang m~ga daing na iyan, susulat aco sa aking m~ga caibigan sa Madrid, yamang wala tayong m~ga diputado (kinacatawan). Samantala'y maniwala po cayong nagcacailan~gan ang pamahalaan n~g isang hocbong magcaroon n~g lacás na walang taning na guhit upang macapagpagalang, at capangyarihan upang macapag-utos.

--Mabuti po iyan, guinoó, cung na sa casalucuyang nakikipagbaka ang pamahalaan sa lupaíng ito, n~guni't sa icagagaling n~g pamahalaa'y hindi dapat nating ipahalata sa bayang siya'y nasasalun~gat sa may capangyarihan. Datapuwa't sacali't gayon n~ga, cung lalong minamagaling natin ang gumamit n~g lacás cay sa papangyarihin ang cusang alang-alang, dapat sana nating pacatingnang magaling muna cung caninong camay natin ibinibigay ang lacas na itong walang ano mang guhit ang abot, iyang capangyarihang walang pangpan~gin. Ang ganyang pagcalakilaking lacas sa camay n~g m~ga tao, at m~ga taong han~gal, puspos n~g m~ga hidwang hilig, na walang pinag-aralang cagalin~gan, ang catulad ay isang sandata sa m~ga camay n~g isang ulol, na na sa guitna n~g caramihang taong walang anó mang pangsanggalang. Sumasang-ayon na aco at ibig cong maniwalang gaya ninyo, na nagcacailan~gan ang pamahalaan n~g cawaning iyan, datapuwa't hiran~gin sanang magaling ang cawaning iyan, hiran~gin ang lalong may m~ga carapatan, at sa pagca't lalong minamagaling niya ang siya'y magbigay sa sarili n~g capangyarihan sa siya'y bigyáng cusa n~g bayan n~g capangyarihang iyan, ipakita man lamang sana niyang marunong siyáng magbigay n~g capangyarihan sa sarili.

Marubdob at masilacbó ang pananalita ni Elías; nagniningning ang canyang m~ga mata, at tumataguinting ang canyang tinig. Sumunod ang isang dakilang sandali na hindi pag-imic n~g dalawa: tila nananatiling tahimic sa ibabaw n~g tubig ang bangcang hindi pinasusulong n~g sagwán; dakilang lumiliwanag ang buwan sa isáng lan~git na zafir; may ilang ilaw na cumikináng sa dacong malayò sa pampang.

--At ¿anó pa ang canilang hinihin~gi?--ang tanong ni Ibarra.

--Pagbabagong utos tungcol sa m~ga sacerdote,--ang sagót ni Elías, na ang tinig ay nanglulupaypay at malungcot;--humihin~ging tangkilic ang m~ga culang palad laban sa....

--¿Laban sa m~ga capisanan n~g m~ga fraile?

--Laban sa m~ga umaapí sa canilá, guinóo.

--¿Nalimutan na bagá n~g Filipinas ang canyang cautan~gan sa m~ga fraileng itó? nalimutan na bagá nila ang hindi maulatang utang na loob sa m~ga nagligtás sa canilá sa camalian upang sa canila'y ibigay ang pananampalataya, ang m~ga sa canila'y tumangkilic sa m~ga calupitan n~g m~ga pinunong bayan? ¡Narito ang casamâan n~g hindi pagtuturo n~g casaysayan n~g m~ga nangyari sa bayan!

--Guinóo,--ang muling isinagót niyang may catigasan ang tinig;--isinumbát po ninyong ang baya'y hindi marunong cumilala n~g utang na loob, itulot ninyong acóng isá sa m~ga bumubuô n~g bayang iya'y aking ipagsanggalang siya. Ang m~ga cagalin~gang guinagawa sa capuwa tao upang maguing carapatdapat na kilanling utang na loob, kinacailan~gang gawin n~g walang anó mang imbot na capakinaban~gan. Huwag na nating bigyáng cahulugan ang catungculang cusang iniatang sa sarili, at ang totoong caraniwan n~g sabihing pagcacaawang-gawáng atas sa m~ga cristiano; huwag na nating pansinin ang Historia (casaysayan n~g m~ga nangyari), huwag na nating itanong cung anó ang guinawa n~g España sa bayang judio na nagbigay sa boong Europa n~g isang aclat, n~g isáng religión at n~g isang Dios; cung anó ang guinawa sa bayang árabe na sa canya'y nagbigay n~g cagandahang asal, mapagpaumanhin tungcol sa canyang religión at siyang sa canya'y pumucaw n~g pag-ibig sa dan~gal n~g canyang sariling nación, pag-ibig na dating nagugulaylay at halos wasac na sa boong panahóng siya'y nasacop n~g capangyarihan n~g m~ga romano at n~g m~ga godo. Sinasabi po ninyong sa ami'y ibinigay ang pananampalataya at cami'y iniligtás sa camalian; ¿tinatawag po ba ninyong pananampalataya iyang m~ga gawang pakitang tao, tinatawag ba ninyong religión iyang pan~gan~galacal n~g m~ga correa at m~ga calmen, tinatawag ba ninyong catotohanan iyang m~ga himalâ at m~ga cathâng pinag-ugnay-ugnay na naririn~gig namin sa araw araw? ¿Itó bagá ang cautusan ni Jesucristo? Cung sa ganito lamang ay hindi kinacailan~gang papacò sa cruz ang isáng Dios, at gayon ding hindi cailan~gang tayo'y pilitin sa walang hanggang pagkilalang utang na loob; malaon n~g dating may pinananaligang laban sa catotohanan at sa catuwiran, na ano pa't walang kinacailan~gan cung di bigyáng kináng ang pananalig na iya't pataasin ang halagá n~g m~ga calacal. Marahil sabihin po ninyo sa aking cahi't ipalagay n~g malalaking totoo ang m~ga capintasang magagawa sa ating religión, n~gayo'y lalong magaling, gayon man, sa religióng dating sinusunod natin; naniniwala aco't sumasang-ayon, datapuwa't malabis namang napacamahal, sapagca't dahil sa religióng iyang canilang dinala rito'y binitiwan natin ang ating casarinlan; dahil sa religióng iya'y ibinigay natin sa canyang m~ga sacerdote ang ating lalong magagaling na m~ga bayan, ang ating m~ga bukirin at sampo n~g ating m~ga iniimpoc na salapi sa pagbili n~g m~ga sangcap sa pamimintacasi. Sila'y nagdalá rito sa atin n~g isang bagay na hanap buhay n~g taga ibang lupaín, pinagbabayaran nating magaling at yamang gayo'y walang cautan~gan ang isa't isa. Sacali't ang sasabihin ay ang canilang pagcacatangkilic sa atin laban sa m~ga «encomendero», ang maisasagót co sa inyo'y caya tayo'y nahulog sa camay n~g m~ga encomendero'y dahil din sa canila; datapuwa't hindi, aking kinikilalang isang tunay na pananampalataya at isang tunay na pagsintá sa Sangcataohan ang siyang pamatnugot sa m~ga unang misionerong naglacbay sa m~ga pasigang itó: kinikilala co ang cautan~gang loob natin sa m~ga mahal na pusòng iyon; aking nalalamang n~g panahóng iyo'y saganà sa España n~g bayani sa lahat n~g bagay, sa religión, sa política, sa natutungcol sa pamamayan at gayon din sa militar. Datapuwa't dahil bagang pawang m~ga mababait at banal ang m~ga nunò nila'y ¿ipagpapaubaya na natin ang m~ga hidwang pagpapalampas n~g canilang isip n~g m~ga inapó? Dahil po bagang guinawan tayo n~g malaking cagalin~ga'y maguiguing casalanan na natin ang sumansalang gawán nila tayo n~g isang casamaan? Hindi hinihin~gi n~g bayang alisin, ang hinihin~gi lamang ay gawin ang m~ga pagbabagong utos na cahilin~gan n~g m~ga bagong calagayan at n~g m~ga bagong m~ga pan~gan~gailan~gan ngayón.

--Sinisintá co ang ating kinamulatang lupang gaya rin n~g pagsintáng magagawa po ninyo, Elías; nawawatasan co n~g caunti ang inyong han~gad, narin~gig cong magaling ang inyong sinabi, at gayon man, caibigan co, aking inaacalang pinapag-uulap n~g caunti ang ating isip n~g casilacbuhán n~g loob; dito'y hindi nakikita ang pan~gan~gailan~gan n~g m~ga pagbabagong útos, na marahil magaling sa m~ga ibang lupaín.

--¿Diyata po't gayón, guinoó?--ang itinanóng ni Elías, na iniunat ang m~ga camay sa panglulupaypay;--hindi po ninyo nakikita ang pan~gan~gailan~gan n~g m~ga pagbabagong útos, cayo pa namang nagtamó n~g m~ga casacunaan sa inyong m~ga familia?...

--¡Ah, linilimot co ang aking sariling m~ga cahirapan at ang tinitingnan co'y ang capanatagán n~g Filipinas, ang m~ga cagalin~gan n~g España!--ang masilacbong itinugón ni Ibarra. Upang manatili ang Filipinas ay kinacailan~gang huwag baguhin ang nakikita nating calagayan n~g m~ga fraile n~gayón, at sa pakikipag-isá sa España naroroon ang cagalin~gan n~g ating bayan.

Natapos n~g macapagsalita si Ibarra'y nakikinig pa si Elías; malungcót ang canyang pagmumukhà, nawala ang ningning n~g canyang m~ga matá.

--Tunay n~gang guinahis at pinasucò n~g m~ga fraile ang lupaíng itó, ¿inaacalà po ba ninyong dahil sa m~ga fraile caya mangyayaring manatili ang Filipinas?

--Opo, dahil lamang sa canila, gayon ang pananalig n~g lahat n~g m~ga sumulat tungcol sa Filipinas.

--¡Oh!--ang biglang naibigcás ni Elías, na biglang binitiwan n~g boong panglulupaypay ang sagwán sa loob n~g bangcâ;--hindi co acalaing napacaimbí ang inyong pagpapalagay sa pamahalaan at sa bayan. ¿Bakit hindi po pawalang halagahán na ninyo ang baya't ang pamahalàan? ¿Anó po ba ang wiwicain ninyo sa isang pamahalàang cayâ lamang nacapag-uutos ay hindi sa siya'y gumagamit n~g dayà, isang pamahalàang hindi marunong magpapitagan dahil sa canyang sariling gawá? ¡Ipatawad po ninyo, guinoó, datapuwa't sa acalà co'y haling at cusang nagpapacamatay ang inyong pamahalaan, yamang canyang ikinatutuwang paniwalaan n~g madlâ ang m~ga gayong bagay! Pinasasalamatan co po sa inyo ang cagandahan n~g inyong loob, ¿saán po ibig ninyong ihatid co cayó n~gayón?

--Huwag,--ang muling sinabi ni Ibarra;--mag-usap tayo, kinakailan~gang matalastas cung sino ang sumasacatwiran sa ganyang bagay na totoong mahalagá.

--Ipatawad po ninyo, guinoó,--ang sagót ni Elías na umiling;--hindi aco totoong magaling sa pananalita upang cayo'y aking mahícayat sa paniniwalà; tunay n~ga't aco'y nag-aral n~g caunti, n~guni't aco'y isang «indio», alapaap ang inyong loob tungcol sa aking pamumuhay, at cailan ma'y magcuculang tiwalà cayo sa aking m~ga sinabi. Ang m~ga nagsaysay n~g caisipang laban sa m~ga sinabi co'y pawang m~ga castilà, at sa pagca't m~ga castilà, cahi't sila'y magsalitâ n~g m~ga walang cabuluhán ó cahalin~gán, ang canilang sabihi'y pinapagtitibay n~g canilang anyo, n~g canilang dan~gal at catungculan at n~g canilang pinanggalingáng lahi, caya't aking ticang hindi co na mulimu-ing tututulan magpacailan man. Bucod sa rito, sa aking pagcakitang cayó, na sumisintá sa lupàng inyong tinubuan, cayó na may amáng nagpapahin~galay sa ilalim n~g m~ga payapang daluyong na ito, cayó na talagáng hinamit, linait at pinag-usig, gayon ma'y tinataglay ninyo ang ganyang m~ga caisipán, baga man sa lahat n~g inyong dinanas at sa inyong dunong, nagpapasimulâ na aco n~g pag-aalinlan~gan sa aking sariling m~ga paniniwalà, at aking tinatanggap ang balac na mangyayaring nagcacamali ang bayan. Aking sasabihin doon sa m~ga culang palad na isinacamay n~g m~ga tao ang canilang pag-asa, na ang pag-asang iya'y ilagay nilá sa Dios ó sa canilang m~ga bisig. Muling napasasalamat po aco sa inyo at cayó'y mag-utos cung saán dapat ihatid co cayó.

--Tumatagos, Elías, hanggang sa aking pusò ang inyong masasaklap na m~ga pananalità. ¿Ano po ang ibig ninyong gawin co? Hindi aco mag-aral sa casamahán n~g m~ga anac n~g bayan, caya't marahil hindi co talos ang canilang m~ga cailan~gan; sa boong camusmusan co'y doon aco natira sa colegio n~g m~ga Jesuita lumaki aco sa Europa, ang m~ga aclat lamang ang siyang ininumán n~g aking pag-iisip at ang aking nabasa lamang ay yaong náilathalà n~g m~ga tao: nananatili sa guitnà n~g m~ga dilim ang hindi sinasabi n~g m~ga sumusulat n~g m~ga aclat, ang m~ga iya'y hindi co alam. Gayon ma'y iniibig cong gaya rin naman n~g inyong pag ibig ang ating bayang tinubuan hindi lamang sapagca't catungculan n~g lahat na pacaibiguin ang lupaing canyang pinagcacautan~gan n~g canyang catauhan at marahil pagcacautan~gan naman n~g cahulihulihang pahin~galayan; hindi lamang sa pagca't ganyan ang itinurò sa akin n~g aking ama, cung di naman sa pagca't ang aking ina'y «india», at sapagca't diyan nabubuhay ang lalong matitimyas na aking linasap na sumasaalaala co tuwing bucod sa rito'y siya'y aking sinisinta, sapagca't siya ang pinagcautan~gan at pagcacautan~gan n~g aking ligaya!

--¡At sinisinta co siya sapagca't siya ang pinagcacautan~gan co n~g aking casaliwaang palad!--ang ibinulong ni Elías.

--Siyá n~gâ, caibigan co; nalalaman co pong nagpipighati cayo, cayo'y sawing palad, at ito ang siyang sa inyo'y nagpapamalas na madilim ang hináharap na panahón at siya namang nacapangyayari sa anyô n~g lacad n~g inyong pag-iisip; dahil dito'y hindi aco macasang-ayong lubos sa inyong m~ga carain~gan. Cung mangyari sanang masiyasat na magaling ang m~ga cadahilanan, ang isáng bahagui, n~g sa inyo'y m~ga nangyayari.

--Ibá ang m~ga pinanggalin~gan n~g m~ga sacunâng nangyari sa akin; cung matantô cong cahi't caunti'y pakikinaban~gan, sasaysayin co ang m~ga nangyaring iyan, sa pagca't bucod sa hindi co inililihim ay marami na ang nacatatalastas.

--Baca cayâ sacali'y cung mapagtanto cô ang m~ga bagay na iya'y magbagong isipan acó.

Nag isip-isip na sandali si Elías.

--Cung gayon, guinoó, sasabihin co sa inyo, sa maicling pananalitâ, ang aking dinaanang buhay.

=L.=

=ANG MAG-ANAK NI ELIAS.=

«May anim na pung taón na n~gayóng nananahan ang aking nunòng lalaki sa Maynila, at naglílingcod na «tenedor de libros» sa bahay n~g isáng man~gan~galacal na castilà. Batang-batà n~g panahóng iyon ang aking nunòng lalaki may asawa at may isáng anác na lalaki. Isáng gabi, hindi maalaman cung anó ang dahil, nagalab ang almacen, lumakit ang apóy sa boong bahay at sa ibáng maraming m~ga calapit. Hindi mabilang ang halagá n~g m~ga natupoc at nawalà, hinanap ang may sála, at isinumbóng n~g man~gan~galacal ang aking nunò. Nawaláng cabuluhán ang canyáng pagtutol, at palibhasa'y dukhâ at hindi macapagbayad sa m~ga balitàng abogado, siya'y hinatulang palùin sa hayág at ilibot sa m~ga daan sa Maynilà. Hindi pa nalalaong guinagawa pa ang parusang itóng pang-imbí, na tinatawag n~g bayang _cabayo y vaca_, na macalilibong higuit sa camatayan ang casamâan. Ang aking nunò, na tinalicdan n~g lahat, liban na lamang sa canyang batà pang asawa, ay iguinapos sa licod n~g isáng cabayo, na sinusundan n~g caramihang malulupit at pinalò sa bawa't pinagcacacurusan n~g dalawáng daan, sa haráp n~g m~ga taong canyang m~ga capatíd, at sa malapit sa maraming sambahan sa isáng Dios n~g capayapàan. Nang mabusóg na n~g culang palad, na magpacailan ma'y imbi na't walang capurihán, ang panghihiganti n~g m~ga tao, sa pamamag-itan n~g canyang dugô, n~g m~ga pahirap na guinawâ sa canya at n~g canyang m~ga pagsigáw, kinailan~gang cunin siya sa ibabaw n~g cabayo, sapagca't hinimatáy, at maano na sanang namatáy na n~gâ n~g pátuluyan! Sa isá riyan sa m~ga pinacahayop na calupitán, siya'y pinawalán; nawaláng cabuluháng mamanhic sa baháy-baháy, bigyán n~g gáwain ó n~g limós ang asawa niyang n~g panahóng iyo'y buntís, at n~g canyang maalagaan ang asawang may sakít at ang cahabaghabag na anác. Sino ang magcacatiwala sa asawa n~g isáng lalaking mánununog at inimbí. Napilitan n~gâ ang babaing calacalin ang canyáng catawan!»

Nagtindíg si Ibarra sa pagcaupô.

«Oh, huwag cayóng mabahalà! ang pan~gan~galacal sa catawan niya'y hindi na casiraang puri sa canya at hindi na rin casiraang puri sa canyáng asawa; napugnáw n~g lahát ang capurihá't ang cahihiyan. Gumalíng ang lalaki sa canyáng m~ga súgat at naparito at nagtagong casama ang canyáng asawa't anác na lalaki sa m~ga cabunducan n~g lalawigang itó. Nan~ganac dito ang babae n~g isáng latánglatáng sanggol at puspos n~g m~ga sakit, na nagcapalad na mamatáy. Nanahán pa sila ritong may iláng buwán, sacdál n~g carukhâan, hiwaláy sa lahát n~g tao, kinapopootan at pinan~gin~gilagan n~g lahát. Nang hindi na matiis n~g aking nunò ang gayóng lubháng carukhâan, at palibhasa'y hindi niyá taglay ang catapan~gan n~g loob n~g canyáng asawa, siyá'y nagpacamatáy, sa waláng casíng laking samâ n~g canyáng loob n~g makita niyang may sakit at waláng sumaclolo't mag-alaga. Nabulóc ang bangcáy sa matá n~g anác na lalaking bahagyâ na lamang macapagalaga sa may sakít na ina, at ang casamâan n~g amóy ang siyáng nagcánulo sa justicia. Sinisi ang aking nunong; babae't hinatúlang magdusa, dahil sa canyáng hindi pagbibigay alam; pinaghinalaa't pinaniwalaang siyá ang pumatáy sa canyáng asawa, sapagca't anó ang hindi gagawin n~g asawa n~g isáng imbí, na pagcatapos ay nagbilí n~g canyáng catawan. Cung manumpa'y caniláng sinasabing nanunumpâ n~g hindi catotohanan, cung tuman~gis ay sinasabing siya'y nagsisinun~galing, sinasabing nagwawalang galang cung tumatawag sa Dios. Gayón ma'y linin~gap din siyá, hinintáy munang siya'y macapan~ganac bago palùin: talos po ninyóng inilalaganap n~g m~ga fraile ang capaniwalaang sa pamamag-itan n~g palò lamang mangyayaring makipanayam sa m~ga «indio»; basahin ninyo ang sabi ni padre Gaspar San Agustin.»

«Sa ganitóng cahatulán sa isáng babae, canyáng susumpâin ang araw n~g pagsilang sa maliwanag n~g canyáng anác, bagay na bucód sa pagpapahaba n~g pagpapahirap ay pagsira sa m~ga damdamin n~g isáng iná. Sa casamâang palad maluwalhating nan~ganac ang babae, at sa casamâan ding palad ang sanggól na lalaki ay ipinan~ganac na matabâ. Nang macaraán ang dalawáng buwá'y guinanap ang parusang hatol n~g boong catuwâan n~g loob n~g m~ga tao, na sa ganitóng paraa'y inaacalà nilang gumaganap n~g caniláng catungculan. Sapagca't wala na siyáng catiwasayan sa m~ga gubat na itó'y tumacas siya't tinun~go na canyáng dalá ang canyáng dalawáng anác na lalaki, ang caratig na lalawigan, at diyá'y nabuhay siláng tulad sa m~ga halimaw: nan~gapopoot at kinapopootan. Ang pan~ganay sa dalawáng magcapatíd, na nacatatandà n~g maligayang camusmusan niyá, sa guitnâ n~g gayóng pagcálakilaking carukhâan, pagdaca'y nagtulisán, pagcacaroon n~g lacás. Hindi nalao't ang pan~galang maban~gis ni _Bálat_ ay cumalat sa magcabicabilang lalawigan, naging laguím n~g m~ga bayan, sa pagca't sa canyáng panghihiganti'y nagsasabog n~g dugô't tinutupoc ang bawa't maraanan. Ang pinacabatà na may catutubòng magaling na pusò'y sumangayon sa canyáng capalaran at caimbihán sa tabí n~g canyáng ina; nan~gabubuhay silá sa inihahandóg n~g cagubatan, nan~gagdadamit silá n~g m~ga basahang sa canilá'y inihahaguis n~g m~ga nan~gaglálacad; nawalâ na sa babaeng iyón ang canyáng sariling pan~galan at siyá'y nakikilala lamang sa m~ga pamagát na _delingkente_ (delincuente, nagcasala), _patutot_ at _binugbog_; ang lalaking iyó'y nakikilala lamang sa tawag na _anác n~g canyáng iná_, sapagca't sa catamisan n~g canyáng asal ay hindi pinaniniwalaang siya'y anác n~g manununog at sapagca't ang sino ma'y dapat mag-alinlan~gan sa cabutihan n~g ugali n~g m~ga _indio_. Sa cawacasa'y nahulog ang bantog na si Bálat sa capangyarihan n~g justicia, na siyáng sa canyá'y humin~gi n~g mahigpit na pagbibigay súlit n~g canyáng m~ga guinawang casalanan, baga man hindi nabalino ang Justiciang iyáng magturo cay Bálat n~g cagalin~gan n~g isáng umagang hanapin n~g batang capatíd ang canyáng iná, na napasagubat upang man~guha n~g cábuti at hindi pa umuuwi, canyáng nakitang nacatimbuwang sa lupà, sa tabi n~g daan, sa lilim n~g isáng punò n~g búboy, nacatihayâ, tirik ang m~ga matá, nacatitig, naninigas ang m~ga daliring nacabaon sa lupa, at sa ibabaw nitó'y may nakikitang m~ga bahid n~g dugô. Naisipan n~g binatàng tumin~galà at sundán n~g matá ang tinititigan n~g bangcáy, at nakita niyang sa isáng san~gá'y nacasabit ang isáng buslô at sa loob n~g buslô'y ang marugông ulo n~g canyang capatid!»

--¡Dios co!--ang bigláng sinabi ni Ibarra.

--«Ganyán din marahil ang bigláng sinabi n~g aking amá,--ang ipinagpatuloy ni Elías n~g boong calamigán n~g loob.--Pinagputolputol n~g m~ga tao ang manghaharang at inilibíng ang catawán, n~guni't ang m~ga sangcáp n~g catawá'y canilang isinabog at ibinitin sa ibá't ibáng m~ga bayan. Sacali't cayó po'y macapaglacbay isáng araw mula sa Kalamba hanggáng sa Santo Tomás, masusumpun~gan pa po ninyó ang cahoy n~g duhat na pinagbitinan at kinabulucán n~g isáng hità n~g aking amaín; sinumpâ ang cahoy na iyan n~g Naturaleza, caya't hindi lumalaki at hindi namumun~ga. Gayón din ang caniláng guinawa sa m~ga ibáng sangcáp n~g catawan, n~guni't ang ulo, ang ulo na siyáng pinacamabuting sangcáp n~g tao, na siyáng lalong madalíng kilalanin cung cangino, ang ulong iya'y isinabit sa harapán n~g dampà n~g iná!»

Tumun~gó si Ibarra.

