# Noli Me Tangere

## Part 39

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/noli-me-tangere-20228/index.md

Umugong doon ang m~ga tacapan, waswasan n~g camáy, guirian, sigawan, laitan at murahan: canilang iniwatawat ang lahat n~g m~ga carumihang canilang iniin~gatan sa canicanilang cabán, at sa pagca't sabáy sabáy na nagsasalita ang apat at maraming lubha ang canilang sinasabing nacasisirang puri sa m~ga tan~ging pulutong n~g m~ga táo, na canilang isinisiwalat ang maraming catotohanan, cúsang tinatangguihan namin ang pagsasalaysay rito n~g laha't n~g canilang doo'y m~ga sinabi sa isá't isá. Bagaman hindi nauunawa n~g m~ga nagsisipanood ang lahat n~g canilang tacapan, hindi n~ga cacaunti ang catuwaang canilang tinatamo at canilang hinihintay na dumating hanggang sa pag-aaway n~g camáy. Sa cawalang capalaran ay dumating ang cura na siyang pumayapa.

--¡M~ga guinoong lalaki, m~ga guinoong babae! ¡Laking cahihiyan! ¡Guinoong Alferez!

--¿Ano ang inyong ipinakikialam dito, mapagbanalbanalan, macacarlista?

--¡Don Tiburcio, dalhin po ninyo ang inyong asawa! ¡Guinoong babae, pagpiguilan po ninyo ang inyong dila!

--¡Iya'y sabihin po ninyo diyan sa m~ga magnanacaw sa m~ga taong mahihirap!

Untiunting naubos ang m~ga kilalang lait at tun~gayaw, nasabi na ang lahat n~g m~ga cahiyahiyang cagagawan n~g mag-a-mag-asawa, at samantalang na~ngagbabalaan at nan~gagmumurahan ay untiunti silang nan~gaghiwalay. Si fray Salvi ay nagpapacabicabila at nagbibigay casayahan sa panooring iyon, cung daroon sana ang ating caibigang corresponsal!...

--¡N~gayon di'y pasa Maynila tayo't tayo'y humarap sa Capitan General!--ang sinasabing malaki ang galit ni doña Victorina sa canyang asawa,--¡Icaw ay hindi lalaki! ¡sayang na sayang n~g salawal na suot mo!

--¿N~gu ... n~guni't ... babae, at ang m~ga guardia? ¡aco'y pila'y!

--Dapat mong hamunin siya n~g away sa pamamag-itan n~g pistola ó n~g sable, ó cung hindi ... cung hindi....

At tiningnan siya ni doña Victorina sa m~ga n~gipin.

--Neneng, cailan may hindi aco humawac n~g....

Hindi ipinaubaya ni doña Victorinang matapos ang canyang sinasabi: sa isang dakilang galaw ay hinalbot sa guitna n~g daan, ang canyang m~ga n~giping tagpi lamang at saca guiniic. Dumating sila sa bahay, na halos umiiyac ang lalaki at ang babae nama'y nag-aalab sa galit. Nakikipag-usap n~g sandaling iyon si Linares cay Maria Clara, cay Sinang at cay Victoria, at sa pagca't hindi niya nalalaman ang pagtatalong iyon, hindi cacaunti ang canyang dinamdam naligalig n~g loob n~g canyang makita ang canyang m~ga pinsan. Si Maria Clarang nacahilig sa isang sillon sa guitna n~g m~ga unan at m~ga cumot na lana ay malaki ang ipinagtaca n~g canyang makita ang bagong pagmumukha n~g canyang doctor.

--Pinsan, ani doña Victorina,--hahamunin mo n~g away n~gayon din ang Alférez ó cung hindi....

--¿At bakit?--ang tanong ni Linares na nagtataca.

--Siya'y hahamunin mo n~gayon din n~g away ó cung hindi sasabihin co sa canilang lahat dito cung sino icaw.

--¡N~guni't doña Victorina!

Nan~gagtin~ginan ang tatlong magcacaibigang babae.

--¿Ano ba sa acala mo? Cami'y linait n~g alferez at canyang sinabi na icaw raw ay icaw! ¡Nanaog ang matandang babaeng asuang na may dalang latigo, at ito, ito'y nagpabayang siya'y muramurahin ... isang lalaki!

--¡Abá!--ani Sinang,--¡sila'y nan~gag-away ay hindi natin napanood!

--¡Linugas n~g alferez ang m~ga n~gipin n~g doctor!--ang idinagdag ni Victoria.

--N~gayon di'y pasasa Maynila cami; icaw, icaw ay matitira rito upang siya'y hamunin mo n~g away, at cung hindi'y sasabihin co cay Don Santiago na pawang casinun~galin~gan ang lahat mong sinabi sa canya, sasabihin cong....

--¡N~guni't doña Victorina, doña Victorina!--ang isinalabat n~g namumutlang si Linares, at lumapit cay doña Victorina;--huwag po ninyong ipaalaala sa aking....

Samantalang nangyayari ito'y siya namang pagdating ni capitang Tiago na galing sa sabun~gan, mapanglaw at nagbubuntong hinin~ga: ang lasak ay natalo.

Hindi binigyan n~g panahon ni doña Victorinang macapagbuntong hinin~ga; sa maicling salita'y sinabi niya ang lahat n~g nangyari, sa macatuwid baga'y pinagsicapan niyang sabihing siya ang sumasacatuwiran.

--Hahamunin siya n~g away ni Linares ¿naririn~gig po ba ninyo? Sacali't hindi, ¡huwag po ninyong bayaang pacasal sa inyong anac, huwag po ninyong ipahintulot! Cung wala siyang tapang ay hindi carapatdapat cay Clarita.

--¿Icaw pala'y pacacasal sa guinoong ito?--ang tanong ni Sinang, at napuno n~g luha ang canyang masayang m~ga mata;--nalalaman cong icaw ay malihim, n~guni't hindi salawahan.

Si Maria Clara, na maputlang parang pagkit, buman~gon n~g caunti sa pagca sandig, at tinitigan n~g gulat na m~ga mata ang canyang ama, si doña Victorina at si Linares. Ito'y nagdalang hiya, itinun~go ni capitang Tiago ang canyang m~ga mata, at idinugtong pa n~g guinoong babae:

--Tandaan mo Clarita; huwag cang mag-aasawa cailan man sa lalaking hindi tunay ang pagcalalaki; nan~gan~ganib cang icaw ay alimurahin pati n~g m~ga aso.

Datapuwa't hindi sumagot ang dalaga, at nagsabi sa canyang m~ga caibigang babae:

--Ihatid ninyo aco sa aking silid; hindi aco macalacad na mag-isa.

Tinulun~gan nila siyang tumindig, at naliliguid ang canyang bayawang n~g m~ga mabibilog na m~ga bisig n~g canyang m~ga caibigang babae, nacahilig ang canyang ulong cawan~gis n~g marmol sa balicat n~g magandang si Victoria, násoc ang dalaga sa silid na canyang tulugan.

Iniligpit n~g mag-asawa n~g gabi ring iyon ang caniláng m~ga casangcapan, sinin~gil si capitang Tiago, na may ilang libo rin piso ang inabót, sa pagcagamot cay Maria Clara, at napatun~go sila sa Maynila, pagca umagang umaga n~g kinabukasan, na ang sinasacya'y ang carruaje ni capitang Tiago. Iniatang sa mahinhiing si Linares ang catungculang tagapanghiganti.

=XLVIII.=

=ANG HINDI MAGCURO=

Magbabalic ang m~ga maiitim na m~ga golondrina.... (Becquer).

Ayon sa paunang balita ni Lucas, dumating si Ibarra kinabucasan. Ilinaan niyá ang canyáng unang pagdalaw sa magcacasambahay ni capitang Tiago, at ang sadya niya'y makipagkita cay Maria Clara at ibalitang siya'y ipinakipagcasundo na n~g Arzobispo sa Religión: may dalá siyáng sulat sa cura, na doo'y ipinagtatagubilin siyá, na ang Arzobispo pa ang siyáng tumitic.

Hindi cacaunti ang ikinagalac sa ganitong bagay ni tía Isabel, na may pag-ibig sa binata at hindi niyá totoong minamagaling ang pag-aasawa n~g canyáng pamangking babae cay Linares. Wala sa bahay si capitang Tiago.

--Pamasoc po cayó,--ang sabi n~g tía sa pamamag-itan n~g caniyáng haluang wicang castila;--Maria, napasauli-uli sa gracia n~g Dios si don Crisóstomo; inalsán siyá n~g "excomunión" n~g Arzobispo.

N~guni't hindi nagatulóy ang binata, naluoy sa canyáng m~ga labi ang n~giti at tumacas sa caniyáng alaala ang salita. Sa tabi n~g durun~gawan, naroon at nacatindíg si Linares sa tabi ni Maria, na pinagsasalitsalít ang m~ga bulaclac at ang m~ga dahon n~g m~ga gumagapang na halaman; nasasabog sa lapag ang m~ga rosa at m~ga sampaga. Nacahilig sa sillón si Maria Clara, namumutla, may iniisip, mapanglaw ang m~ga mata at naglalaro sa isáng paypay na garing, na hindi totoong maputing catulad n~g canyáng maliliit na m~ga daliri.

Sa pagdating na iyón ni Ibarra'y namutla si Linares at namulá ang m~ga pisn~gi ni Maria Clara. Umacmáng buman~gon, n~guni't kinulang siyá n~g lacás tumun~gó at binayaang malaglág ang paypáy.

Isáng hindi maalamang siraing hindi pag-imic ang siyang naghari sa iláng sandali. Sa cawacasa'y nacalacad n~g papasoc si Ibarra at nan~gan~gatal na nacapagsalita.

--Bago lámang acóng cararating, at nagmadali acóng pumarito upáng makita co icáw ... ¡Naratnan cong magaling ang calagayan mo cay sa aking acala!

Tila napipi mandín si Maria Clara; hindi nagsalita n~g cataga man at nananatili sa pagca tun~go.

Pinagmasdan ni Ibarra si Linares n~g mula sa paa hangang sa úlo; tin~ging tinumbasan namán n~g boong pagmamataas n~g mahihiing binata.

--Aba, namamasid cong waláng naghihintay n~g aking pagdating,--ang muling sinabi n~g madalang na pananalita;--Maria, ipatawad mo ang hindi co pagcapasabi sa iyo bago aco pumasoc dito; sa ibáng áraw ay maipaliliwanag co sa iyo ang tungcól sa aking guinawa ... tayo'y magkikita pa ... waláng sála.

Itóng m~ga hulíng salita'y sinamahan niyá n~g isáng tin~gin cay Linares. Itinungháy sa caniya n~g dalaga ang canyáng magagandang m~ga matáng puspós cadalisayan at calungcutan, tagláy ang lálong matinding samo at mapanghalínang pakikiusap, na anó pa't si Ibarra'y huminto sa pagca patigagal.

--¿Macaparirito ba acó búcas?

--Talastás mo nang sa ganáng aki'y laguing ikinatutuwa co ang iyóng pagparito,--ang bahagya n~g isinagót n~g dalaga.

Umalís doon si Ibarrang wari'y panatag ang loob, datapuwa'y, may taglay na unós sa úlo't caguinawán sa púso. Ang bagong namasid niya't naramdaman ay hindi mapaglirip; ¿anó caya iyón? ¿alinlangan? ¿lipas n~g pagsinta? ¿caliluhán?

--¡Oh, sa cawacasa'y babae n~ga!--ang canyáng ibinulong.

Hindi niyá nalalama'y nacarating siyá sa pinagtatayuan n~g paaralan. Malaki n~g totoo ang nayayari sa guinagawang iyón; nagpaparoo't parito sa magcabicabilang maraming nangagsisigawa si ñor Juan, at daladala niya ang canyang metro't ang canyang plomada. Pagcakita sa canyá'y dalidaling siyá'y sinalúbong.

--Don Crisóstomo,--anyá,--sa cawacasa'y dumatíng po cayó: hinihintay cayó naming lahat: tin~gnan po ninyó ang m~ga pader: mayroon nang sampong metro at sampong centímetro ang táas; sa loob n~g dalawáng áraw ay magcacaroon na pantay tao wala acóng tinanggap cung hindi mulawin, dún~gon, ípil, lán~gil; humin~gi acó n~g tíndalo, malatapáy, pino at narra, at n~g magamit sa m~ga pintuan, palababahan at iba pa; ¿Ibig po ba ninyóng makita ang m~ga yun~gib?

Siyá'y binati n~g m~ga manggagawa n~g boong pagpipitagan.

--Narito po ang canal na pinan~gahasan cong idagdág,--ani ñor Juan;--ang m~ga canal pong itó sa ilálim n~g lupa'y patun~go sa isáng pinacatipun na sa icatlompóng hakbáng. Magagamit pong pangpataba sa halamanan; wala po itó sa plano. Hindi po ba minamagaling ninyó ito?

--Tumbalíc, sinasangayunan co at aking pinupuri cayó sa ganitóng inyóng naisipan; cayó po'y tunay na arquitecto; ¿canino cayó nag-aral?

--Sa akin pong sarili,--isinagot n~g matanda n~g boong capacumbabaan.

--¡Ah, bago co malimutan! talastasin n~g m~ga maseselang (sacali't may natatacot makipagsalitaan sa akin) na hindi na acó excomulgado inanyayahan acó n~g Arsobispong sumalo sa canyá sa pagcain.

--¡Abá, guinoo, hindi po namin pinapansin ang m~ga excomunión! Tayo pong lahát ay pawang excomulgado; si pare Dámaso man po'y excomulgado rin, gayón ma'y nananatili sa totoong catabaan.

--¿Anó ang sabi ninyó?

--Tunay po; may isáng taón na pong hinampás n~g tungcód ang coadjutor, at ang coadjutor ay sacerdoteng gaya rin niyá, ¿sino po ang pumapansin sa m~ga excomunion?

Natawanan ni Ibarra si Elías na nasa casamahan n~g m~ga manggagawa; binati siyá nitóng gaya rin n~g iba, n~guni't sa isáng tin~gin ay ipinaunawa sa canyáng may ibig na sabihin.

--Ñor Juan,--ani Ibarra;--¿ibig po ba ninyóng dalhin dito sa akin ang talaan n~g m~ga manggagawa?

Umalís si ñor Juan, at lumapit si Ibarra cay Elías, na mag-isáng bumubuhat n~g isáng malakíng bató at ilinululan sa isáng carretón.

--Sacali't mapagcacalooban po ninyó acó n~g pakikipagsalitaan sa loob n~g iláng oras, maglacádlacád cayó mamayáng hápon sa pampan~gin n~g dagatan at lumulan cayó sa aking bangca, sa pagca't may sasabihin acó sa inyong lubháng mahahalagang bagay--ani Elías, at lumayo pagca tapos na makita niyá ang pagtan~gô n~g binatà.

Dinalá ni ñor Juan ang talaan, n~guni't nawaláng cabuluhán ang pagbasa ni Ibarra n~g talaang iyón; doo'y wala ang pan~galan ni Elías.

=XLIX.=

=ANG TINGIG N~G M~GA PINAG-UUSIG.=

Tumutungtong si Ibarra sa bangca ni Elías bago lumubog ang araw. Tila mandin masama ang loob n~g binata.

--Ipatawad po ninyo, guinoo,--ani Elías, na may calungcutan pagcakita sa canya;--ipatawad po ninyong nacapan~gahas acong cayo'y anyayahan upang tayo'y magcatagpo n~gayon; ibig co po cayong macausap n~g boong calayaan, at hinirang po ang ganitong sandali sa pag-ca't walang macaririn~gig sa atin dito: macababalik tayo sa loob n~g isang oras.

--Nagcacamali cayo caibigang Elías,--ang sagot ni Ibarra na nagpupumilit n~gunit; kinakailan~gan cong ihatid ninyo aco sa bayang iyang natatanawan hanggang dito ang canyang campanario. Pinipilit aco n~g casaliwaang palad na gawin co ang bagay na ito.

--¿Nang casaliwaang palad?

--Opo; acalain po ninyong sa aking pagparito'y aking nacasalubong ang alferez, nagpipilit na ialay sa akin ang canyang pakikialakbay; sa akin po namang sumasa inyo ang alaala at natatalastas cong cayo'y canyang nakikilala, caya't n~g siya'y mangyaring aking mailayo'y sinabi cong patun~go aco sa bayang iyan at doon aco mananatiling maghapon, sa pagca't ibig acong hanapin n~g lalaking iyan bucas n~g hapon.

--Kinikilala co po sa inyong utang na loob ang inyong paglin~gap sa akin, datapuwa't sinabi po sana ninyo sa canya n~g boong catiwasayan n~g loob na siya'y sumama,--ang isinagot ni Elías na walang tigatig.

--¿Bakit? ¿at cayo po?

--Hindi po niya aco makikilala, sa pagca't sa miminsang pagcakita niya sa aki'y hindi macapag-iisip na pacatandaan niya ang aking anyo.

--¡Sinasama aco!--ang buntong hinin~ga ni Ibarra, na ang inaalaala'y si Maria Clara.--¿Ano po ba ang ibig ninyong sabihin sa akin?

Lumin~gap si Elías sa canyang paliguid. Malayo na sila sa pampang; lumubog na ang araw, at sa pagca't sa panig na ito n~g sinucob ay bahagya na tumatagal ang pagtatakip-silim, nagpapasimula na ang paglaganap n~g dilim at namamanaag na ang sinag n~g buwang sa araw na iyo'y cabilugan.

--Guinoo,--ang muling sinabi ni Elías, taglay co po ang mithi n~g maraming sawing palad.

--¿N~g maraming sawing palad? Ano po ba ang cahulugan n~g inyong sinasabi.

Sinabi sa canya ni Elías, sa maicling saysay, ang canyang pakikipagsalitaan sa pinuno n~g m~ga tulisan, n~guni't inilihim ang m~ga pag-aalinlan~gan at ang m~ga bala nito. Pinakinggan siyang magaling ni Ibarra, at n~g matapos na ni Elías ang canyang pagsasaysay, naghari ang isang mahabang hindi pag-imic n~g dalawa, hanggang si Ibarra ang naunang nagsalita:

--¿Sa makatuwid ay ang canilang nasa'y ...?

--Lubhang malaking pagbabagong utos tungcol sa m~ga hucbó, sa m~ga sacerdote, sa m~ga hucom na tagahatol, hinihin~gi nila, sa macatuwid ang isang paglin~gap--ama n~g pamahalaan.

--¿Pagbabagong sa paano?

--Sa halimbawa: magbigay n~g lalong malaking paggalang sa camahalan n~g bawa't tao, bigyan n~g lalong malaking capanatagan ang bawa't mamayan, bawasan n~g lacas ang hucbong may sandatana, bawasan n~g m~ga capangyarihang ang hucbong itong totoong madaling magpacalabis sa paggamit n~g m~ga capangyarihan iyan.

--Elías,--ang isinagot n~g binata,--hindi co po talos cung sino cayo, datapuwa't nahuhulaan cong cayo'y hindi isang taong caraniwan: ibang-iba po cayong umisip at gumawa cay sa m~ga iba. Matataroc po ninyo ang aking isipan cung sabihin co sa inyong cung maraming capintasan sa casalucuyang calagayan n~gayon n~g m~ga bagay, lalo n~g sasama cung magbago. Mapapagsasalita co ang aking m~ga caibigan sa Madrid, "bayaran lamang sila," macapagsasalita aco sa Capitan General; n~guni't walang magagawang ano man ang m~ga caibigan cong iyon; walang casucatang capangyarihan ang Capitan General na ito upang magawa ang gayong caraming pagbabago, at aco nama'y hindi gagawa n~g ano man upang macamtan ang ganitong m~ga bagay, palibhasa'y tanto cong totoo, na cung catotohanan mang may malalaking m~ga capintasang masasabi sa m~ga capisanang iyan, sa m~ga panahong ito'y sila'y kinacailan~gan, at sila n~ga ang tinatawag na isang casam-áng ang cailan~gan.

Sa malaking pangguiguilalas ni Elías ay tumunghay at pinagmasdan si Ibarra na malaki ang pagtataca.

--¿Cayo po ba nama'y naniniwala rin sa casam-áng cailan~gan?--ang tanong na nan~gan~gatal n~g caunting tinig;--¿naniniwala po ba cayong upang macagawa n~g magaling ay kinakailan~gang gumawa n~g masama?

--Hindi; ang paniniwala co sa casam-áng ang cailan~gan ay túlad sa isáng mahigpit na cagamutang ating guinagamit pagca íbig nating mapagalíng ang isáng sakít. Tingnán ninyó; ang lupaing ito'y isáng catawáng may dinaramdam na isáng sakít na pinaglamnán na, at n~g mapagalíng ang catawáng iyá'y napipilitan ang pamahalaang gumamit n~g m~ga paraang tunay n~ga't masasabi ninyóng napacatitigas at napacababan~gis, datapuwa't pinakikinaban~ga't kinacailan~gan.

--Masama pong manggagamot, guinoo, yaóng waláng hinahanap cung di ang cung anó ang m~ga dinaramdam at n~g marapa, na anó pa't hindi pinagsisicapang hanapin ang cadahilanan ó ang pinagmumul-án n~g sakít, at sacali't natatalastas man ay natatacot na bacahin. Ang tán~ging cauculan n~g Guardia Civil ay ito: paglipol n~g m~ga catampalasanang gawa sa pamamag-itan n~g lacas at n~g laguím sa pagpapahirap sa may sála, cauculáng hindi nasusunduan at hindi natutupad cung di cung nagcacataón lamang. At hindi dápat limuting caya lamang nacapaghihipit sa bawa't táo ang samahan, ang capisanan bagá n~g m~ga mamamayan, ay cung sacali't ibinibigáy na sa lahát ang lahát n~g m~ga kinacailan~gang gamit upang malubos ang cagalin~gan n~g caniláng m~ga asal. Palibhasa'y walang capisanan n~g m~ga mamamayan dito sa atin, sa pagca't hindi nagcacaisang loob ang bayan at ang pamahalaan, ang pamahalaang ito'y marapat na magpatawad sa m~ga camalian, hindi lamang dahil sa siya ma'y nagcacailan~gan din n~g m~ga pagpapatawad cung di naman sa pagca't ang taong canyang pinabayaa't hindi linin~gap ay hindi lubos nanagot sa casalanang canyang magawa, yamang hindi tumanggap n~g malaking caliwanagan ang canyang isip. Bucod sa rito, ayon sa inyong halimbawang bigay, ang guinagamít na gamót ay lubhang napacapangwasák, na anó pa't ang pinahihirapan lamang ay ang bahagui n~g catawang walang sakit, na pinapanghihina at sa ganito'y talagang inihahanda at n~g lalong madaling capitan n~g sakit. ¿Hindi po ba ang lalong magaling ay bigyang calacasan ang bahagui n~g catawang may sakít at bawasan n~g caunti ang caban~gisan n~g gamot?

--Cung pahinain ang capangyarihan n~g Guardia Civil ay ilalagay namán napan~ganib ang capanatagan n~g m~ga bayan.

--¡Ang capanatagan n~g m~ga bayan!--ang biglang sinabí ni Elías n~g boong capaitan. Hindî malaho't darating sa icalabinglimang taón mula n~g magca Guardia Civil ang m~ga bayang ito, at tingnan po ninyo: hangga n~gayó'y mayroon pa tayong m~ga tulisan, naririn~gig pa nating nilolooban ang m~ga bayan, nanghaharang pa sa m~ga daan; patuloy ang m~ga pan~gan~gagaw at pagnanacaw, na hindi napagsisiyasat cung sinosino ang m~ga gumagawa n~g gayon; nananatili ang m~ga casam-ang gawa, n~guni't lumalaya ang tunay na masamang tao, datapuwa't hindi gayon ang tahimik na mamamayan. Ipagtanong po ninyo sa bawa't mabuting táong namamayan cung canyang minamagaling ang Guardia Civil cung ipinalalagay niyang ito'y iisang tangkilik n~g pamahalaan, at hindi isang caloob na pilit, isang pamahalaang calupitang ang m~ga napapacalabis na m~ga gawa'y nacapagpapahirap pa n~g higuit cay sa m~ga catampalasanan n~g m~ga masasasamang tao. Tunay na n~ga't ang m~ga catampalasanang ito'y lubhang malalaki, n~guni't bihibihira lamang, at sa lahat n~g m~ga catampalasanang iya'y may capahintulitan ang sino mang macapagsanggalang; datapuwa't laban sa m~ga capaslan~gang gawa n~g m~ga Guardia Civil ay hindi itinutulot cahi't ang pagtutol man lamang, at cung hindi man sacali totoong malalaki n~guni't ang capalit nama'y sa tuwi-tuwi na at may capahintulutan ang m~ga pinuno. ¿Ano ang naguiguing bun~ga n~g Guardia Civil sa pamumuhay n~g ating m~ga bayan? Pinatitiguil ang pakikipanayam n~g bayan sa capuwa bayan, sa pagca't natatacot ang lahat na sila'y mapahirapan sa m~ga walang cabuluhang bagay; lalong tinitingnan ang m~ga pagtupad sa dacong labas at hindi pinagcucuro ang sumasadacong loob n~g m~ga bagay; unang pagpapakilala n~g casalatan sa caya; dahil sa nalimutan lamang n~g isang tao ang caniyang cédula personal ay guinagapos na't pinahihirapan, na hindi winawari cung ang taong iyo'y mahal at kinaaalan~ganan; inaacala n~g m~ga puno na ang canilang pan~gulong catungcula'y ang ibatas na sila'y pagpugayan n~g cusa ó sapilitan, cahit sa guitna n~g cadiliman n~g gabi, at sa bagay na ito'y tinutularan sila n~g canilang m~ga sacop upang magpahirap at man~gagaw sa m~ga taga bukid, at sa gayong gawa'y hindi sila nawawalan n~g sangcalan, wala ang pagpipitagan sa cadakilaan n~g tahanang bahay; hindi pa nalalaong sinalacat n~g m~ga guardia civil, na nan~gagdaan sa bintana, ang bahay n~g isang payapang mamamayan, na pinagcacautan~gan n~g salapi at n~g magandang loob n~g canilang puno; wala ang capanatagan n~g tao; pagca kinacailan~gan nilang linisin ang canilang cuartel ó ang bahay, sila'y lumalabas at canilang hinuhuli ang lahat n~g hindi lumalaban, upang pagawin sa boong maghapon; ¿ibig pa po ba ninyo? samantalang guinagawa ang m~ga cafiestahang ito'y nagpatuloy na walang bagabag ang m~ga larong bawal, n~guni't canilang pinatiguil n~g boong calupitan ang m~ga pagsasayáng pahintulot n~g may capangyarihan; nakita ninyo cung anó ang inisip n~g bayan tungcol sa canila, anó pô ang nacuha sa paglulubag n~g canyang galit upang umasa sa tapat na hatol n~g m~ga tao? ¡Ah, guinoó, cung ito po ang inyong tinatawag na pagpapanatili n~g cahusayan!....

--Sumasang-ayon acong mayroon n~gang m~ga casamaan,--ang isinagot ni Ibarra, n~guni't tinatanggap nating ang m~ga casamaang ito dahil sa m~ga cagalin~gang canilang taglay. Mangyayaring may m~ga ipipintas sa Guardia Civil, datapuwa, maniwala po cayó, at nacahahadlang na dumami ang m~ga masasamang tao, dahil sa pagcalaguim sa m~ga pahirap na guinagawa.

--Ang sabihin pa n~ga ninyo'y dahil sa pagcalaguim na ito'y nararagdagan ang dami,--ang itinutol ni Elías.--Nang hindi pa itinatatag ang Guardia Civil, ang lahat n~g m~ga tulisán halos, liban na lamang sa iilan, nan~gagsisisama dahil sa gútom; nan~gagnanacaw at nan~gan~gagaw upang sila'y huwag mamatay n~g gútom, n~guni't cung macaraan na ang pananalát, mulíng nawawala ang pan~ganib sa m~ga daan; sucat na, upang sila'y mapalayo, ang m~ga caawaawa, n~guni't matatapang na m~ga cuadrillero, na walang dalá cung di m~ga sandatang walang malalaking cahulugan, iyang m~ga taong totoong pinaratan~gan n~g di sapala n~g m~ga nagsisulat tungcol sa ating lupaín; iyang m~ga taong walang ibang carapatán cung hindi ang mamatay at walang ibang tinatanggap na ganting pala cung di libak. N~gayó'y may m~ga tulisan, at m~ga tulisán hanggáng sa boong buhay nilá. Isang munting camalian, isáng casalanang pinarusahan n~g boong calupitan, ang paglaban sa m~ga pagpapacalabis n~g m~ga may capangyarihan, ang tacot na cakilakilabot sa m~ga pagpapahirap, ang lahat n~g ito'y siyang sa canila'y nagtatapon magpacailan man sa labas n~g pamamayan at siyang sa canila'y ninilit na pumatay ó mamatáy. Ang m~ga calaguimlaguim na pahirap n~g Guardia Civil ang siyang sa canila'y humahadlang sa pagsisisi, at sapagca't malaki ang cahigtan n~g tulisán sa Guardia Civil, na canilang pinaglalaruan lamang, sa pakikihamoc at pagsasanggalang sa cabunducan, ang nangyayari'y culang tayo sa cáya upang malipol natin ang casamaang tayo rin ang nagtatag. Alalahanin po ninyo cung gaano ang nagawa n~g catalinuhan n~g capitan general na si De la Torre; ang patawad na ipinagcaloob niya sa m~ga cahabaghabag na iyan ang siyang nagpatotoong tumitiboc pa sa m~ga cabunducang iyon ang pusò n~g tao at walang hinihintay cung di ang capatawaran. Pinakikinaban~gan ang paglaguim, pagca alipin ang bayan, pagca walang m~ga yun~gib ang bundóc, pagca macapaglalagay ang nacapangyayari n~g isang bantay sa licuran n~g bawa't cahoy, at pagca sa catawan n~g alipin ay wala cung di sicmura at bituca; n~guni't pagca nararamdaman n~g wala n~g pagcasiyahan sa sama n~g loob na nakikihamoc upang siyá'y mabuhay, na ang bisig niya'y malacás, na tumitiboc ang canyang pusò at nag-aalab sa poot ang canyang cataohan, ¿mangyayari cayang mapugnaw ang sunog na canyang guinagatun~gan at n~g lalong magnin~gas?

