Part 38
--¿Sa acala mo caya'y mailalaban sa canya ang aking si bulic?
--¡Aba, nacú, mailalaban po! ¡Ipupusta co po sa inyong manoc ang aking bahay at ang aking baro!
Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago. Ang pananamit ay tulad sa m~ga malalacas na magsasabong: barong lieszong Caatóng, salawal na lana at sombrerong jipijapa. Sumusunod sa canyá ang dalawang alila; dala n~g isa ang lasac at ang isa nama'y isang puting sasabun~ging totoong pagcalakilaki.
--¡Ang sabi sa akin ni Sinang ay pagaling na n~g pagaling si María!--ani capitang Basilio.
--Wala n~g lagnát, datapuwa't mahina pa.
--¿Natalo po ba cayó cagabi?
--Caunti; nalalaman cong nanalo cayó ... titingnan co cung macababawi acó.
--¿Ibig po ba ninyóng isabong ang lásac?--ang tanong ni capitang Basilio, na tinitingnan ang manóc, at saca hinin~gi itó sa alila.
--Alinsunod, sacali't may pustahan.
--Gaano po ba ang ipupusta ninyó.
--Cung magcuculang din lamang sa dalawa'y hindi co na isasabong.
--¿Inyo bang nakita na ang aking búlic?--ang tanóng ni capitang Basilio at saca tinawag ang isang táong may dalang isang maliit na sasabun~gin.
--¿Gaano po ba ang ipupusta ninyó?--ang tanóng.
--Cung gaano ang inyóng ipusta.
--¿Dalawá at limang daan?
--¿Tatló?
--¡Tatló!
--¡Sa susunod!
Ilinaganap n~g nan~gagcacabilog na mapakialam sa buhay n~g may buhay, ang balitang papaglalabanin ang dalawang bantog na manoc; capuwa sila may m~ga pinagdaanan at capuwa cabalitaan sa galing. Ibig n~g lahat na makita, masiyasat ang dalawang cabalitaan; may m~ga nagpapasiya, may nanghuhula.
Samantala'y lumalaki ang cain~gayan, nararagdagan ang caguluhan, linulusob ang Rueda, linulundag ang m~ga gradería. Dala n~g m~ga "soltador" sa Rueda ang dalawang manoc, isang puti at isang pula, na capuwa may sandata na, baga man ang m~ga tari ay may caluban pa. Naririn~gig ang m~ga sigaw na "sa puti!", "sa puti!", may man~gisan~gisa namang sumisigaw n~g "sa pula!" Ang puti ang siyang "llamado" at ang pula ang "dejado".
Sa guitna n~g caramiha'y nan~gagpapalibotlibot doon ang guardia civil; hindi nila suot ang pananamit na ucol sa mahal na capisanang ito; datapuwa't hindi naman sila nacapaisano. Salawal na guingong may franjang pula, barong nababahiran n~g azul na galing sa naaalis na tina n~g blusa, gorrang pangcuartel narito ang canilang panglinlang na soot na nababagay naman sa canilang inuugali: namumusta at nagbabantay, nanggugulo at nan~gagsasalitang di umano'y panan~gagasiwaan nila ang pananatili n~g capayapaan.
Samantalang nan~gagsisigawan, isinasahod ang camay, kinacalog sa camay ang caunting salaping pinacacalasing; samantalang hinihicap sa bulsa ang catapustapusang salapi, ó sacali't walang salapi ay nan~gan~gaco, at ipinan~gan~gacong ipagbibili ang calabaw, ang malapit n~g anihin sa bukid, at iba pa; dalawang bagongtao, na wari'y magcapatid, sinusundan n~g m~ga panin~ging nananaghili ang m~ga naglalaro, nan~gagsisilapit, bumubulong n~g ilang kiming pananalitang sino may walang nakikinig, nalalao'y lalong nan~galulungcot at nan~gagtitin~ginang masasama ang loob at nan~gagn~gin~gitn~git. Paimis na sila'y pinagmamasid ni Lucas n~gumin~giti n~g n~giting malupit, pinatutunog ang m~ga pisong pilac, dumaan siya sa siping n~g dalawang magcapatid, at saca siya sumigaw nasa "Rueda" ang tin~gin:
--Narito ang limampo, limampu laban sa dalawampo, ¡sa puti!
Nan~gagtitigan ang magcapatid.
--¡Sinasabi co na sa iyo,--ang ibinubulong n~g matandang capatid,--na huwag mong ipaglahatan ang cuarta; cung nakinig ka sana sa akin, n~gayo'y may ipupusta tayo sa pula!
Lumapit n~g boong cakimian ang bunso cay Lucas at kinalabit siya sa bisig.
--¡Aba! ¿icaw pala?--ang biglang sinabi nito, na lumin~gon at nagpapacunwari n~g pagtataca; pumapayag ba ang capatid mo sa sinabi co sa canya ó naparito ca't pumupusta?
--¿Paanong ibig ninyong cami'y macapusta'y natalo na ang lahat naming salapi?
--¿Cung gayo'y pumayag na cayo?
--¡Aayaw siya! cung pautan~gin sana ninyo cami n~g caunti, yamang sinasabi ninyong cami inyong nakikilala....
Kinamot ni Lucas ang ulo, hinila ang baro at muling nagsalita:
--Tunay n~gang cayo'y aking nakikilala; cayo'y si Tarsilo at si Bruno, m~ga cabataan at malalacas. Talastas cong ang matapang ninyong ama'y namatay dahil sa ibinibigay sa canyang isang daang palo sa araw araw n~g m~ga sundalo; alam cong hindi ninyo iniisip na ipanghiganti siya ...
--Huwag po sanang makialam cayo sa aming pamumuhay;--ang isinalabat sa canya n~g matandang capatid na si Tarsilo, iya'y nacahihila n~g casacunaan. Cung wala caming capatid na babae'y malaon n~g panahong cami'y binitay na sana!
--¿Binitay na cayo? ang m~ga duwag lamang ang nabibitay, ang walang salapi at walang tumatangkilik. At sa paano ma'y malapit ang bundoc.
--¡Sandaang piso laban sa dalawampo, sa puti aco!--ang sigaw n~g isang nagdaan.
--Pautan~gin ninyo cami n~g apat na piso ..., tatlo ... dalawa,--ang ipinamanhic n~g lalong bata;--pagdaca'y babayaran namin cayo n~g ibayo; pasisimulan na ang soltada.
Muling kinamot n~g Lucas ang úlo.
--¡Tst! Hindi akin ang salaping ito, ibinigáy sa akin ni Don Crisóstomo at inilalaan sa m~ga ibig maglingcód sa canyá. N~guni't aking nakikitang cayo'y hindi gaya n~g inyóng amá; iyon ang túnay na matapang; ang hindi matapang ay huwag maghanap n~g m~ga laro.
At saca umalis doon, baga man hindi totoong nagpacalayo.
--¿Pumayag na tayo, may pinagcacaibhan pa ba?--ani Bruno. Iisa ang kinauuwian n~g mabitay ó mamatay na marahil: walang ibang kinauukulan nating m~ga dukha.
--Tunay na n~ga, n~guni't gunitaín mo ang ating capatíd na babáe.
Samantala'y nagliwanag ang "rueda", magpapasimula ang labanan. Tumatahimic na ang m~ga tínig, at nan~gatira sa guitna ang dalawáng "soltador" (tagá-bitáw) at ang mananari. Sa isáng hudyát n~g "sentenciador" (tagahátol) ay inalsán n~g mananari ang m~ga tari n~g canicanyang calúban, at cumíkintab ang m~ga maninipis na m~ga talím, na pawang nan~gagbabala, maniningning.
Lumapit sa bácod ang dalawang magcapatid na capuwa malungcot, itinuon ang canilang noo sa cawayan at nan~gagmamasid. Lumapit ang isang lalaki sa canila at sila'y binulun~gan sa tain~ga.
--¡Pare! ¡isang daang piso laban sa sampo, sa puti acó!
Tiningnan siya ni Tarsilo n~g patan~ga. Sinicó siyá ni Bruno, at sinagót niyá itó n~g isáng ún~gol.
Tan~gan n~g m~ga soltador ang m~ga manóc n~g isáng anyóng calugód-lugód, at iniin~gatan nilang huwag siláng masugatan. Dakilang catahimican ang naghahari: masasapantahang liban na lamang sa dalawang soltador ang m~ga naroroo'y pawang m~ga cagulatgulat na m~ga taotaohang pagkít. Pinaglapit nilá ang dalawang manóc; tinangnan n~g isá ang úlo n~g canyang manóc at n~g tucaín n~g calában upang magalit, at bago guinawa naman n~g isa sa canyang manóc ang gayon din; dapat magcaroon n~g pagcacatulad sa lahat n~g pag-aaway, na anó pa't cung anó ang nangyayari sa m~ga sasabun~gin sa Paris ay cawan~gis din sa m~ga sasabun~gin dito. Pinapagharap, pagcatapos at pinapagcahig silá, at sa gayong paraa'y nauunawa n~g m~ga caawaawang m~ga hayop cung sino ang bumunot sa canila n~g isang maliit na balahibo at cung sino ang canilang macacalaban. Nagsisipanindig na ang canilang m~ga puloc, nan~gagtititigan at m~ga kidlat n~g galit ang siyang nan~gagsisitacas sa canilang mabibilog at maliit na m~ga mata. Pagcacagayo'y dumating na capanahunan; binitiwan silá sa lupa, na nan~gagcacalayo n~g caunti, at saca sila linayuan.
Marahang nan~gaglalapit sila. Nan~garirinig ang yabag n~g canilang yapac sa matigas na lúpa; sino ma'y hindi nagsasalita, sino ma'y hindi humihin~ga. Ibinababa at itinataas ang úlo, na wari'y nan~gagsusucatan sa tin~ginan, bumubulong ang dalawang sasabun~gin n~g marahil pagbabala ó pagpapawalang halagá. Natanawan nila ang maningning na dáhon n~g tari, na nagsasabog n~g malamig ang nan~gan~gazul na sinag; nagbibigay sigla sa canila ang pan~ganib, at walang ano mang tacot na nagpapanalubong ang dalawa, n~guni't sa isang hakbang na layo'y nan~gagsihinto, nan~gagtitigan, ibinaba ang ulo at muling pinapan~galinag ang canilang balahibo. Sa sandaling iyó'y naligo n~g dugo ang canilang maliit na útac, sumilang ang lintíc, at taglay ang canilang catutubong tapang ay mabilis na nagpanalpoc ang dalawa, nagcapanagupa ang tuca laban sa tuca, ang dibdib laban sa dibdib, ang patalim laban sa patalím at ang pacpác laban sa pacpác: naiwasan n~g isa't isá n~g boong catalinuan ang sacsác at walang nanglaglag cung hindi iláng balahibo lámang. Muling nagtitigan na naman; caguinsaguinsa'y biglang lumipad ang puti, napaimbulog at iniwawasiwas ang pamatay na tari; n~guni't ibinaluctót n~g pula ang canyang m~ga hita at ibinaba ang úlo, caya walang nahampas ang puti cung di ang han~gin; n~guni't pagbaba sa lapag, sa pan~gin~gilag na siya'y masacsac sa licód, malicsing pumihit at humarap sa calaban. Dinaluhong siya n~g sacsác n~g pula n~g boong galit, n~guni't marunong magsanggalang n~g boong calamigan n~g loob: hindi n~ga walang cabuluháng siyá lubós na kinalulugdan n~g caramihang naroroon. Hindi kinalilin~gatan n~g lahat ang matamang panonood n~g m~ga nangyayari sa paglalaban, at may m~ga iláng cahi't hindi sinasadya'y nan~gapapasigaw. Unti-unting nasasabugan ang lupa n~g m~ga balahibong pula at puti, na pawang natitina n~g dugo: datapuwa't hindi ang salitaa'y ititiguil ang labanan sa unang pagcacasugat: sa pagsunod n~g filipino sa m~ga cautusáng lagda n~g Gobierno, ang ibig niya'y matalo cung sino ang unang mamatay ó cung sino ang unang tumacbo. Nadidilig na n~g dugo ang lupa, madalas ang sacsacan, n~guni't hindi pa masabi cung sino sa dalawa ang magtatagumpay. Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.
N~g magcagayo'y inihatol n~g sentenciador, sa pag-alinsunod sa cautusan n~g pamahalaan, na ang pula'y nanalo. Isang walang wastong sigawan ang siyang nagpasalamat sa gayong hatol, sigawang narin~gig sa boong bayan, mahaba, nagcacaisa ang taas n~g tinig at tumagal n~g ilang sandali. Cung gayo'y na pagtatanto n~g nacacapakinig sa malayo, na ang "dejado" ay siyang nanalo, sa pagca't cung hindi gayo'y hindi tatagal ang sigaw n~g pagcatwa. Gayon din ang nangyayari sa m~ga nación: isang maliit na macapagtagumpay sa isang malaki, inaawit at sinasabisabi sa lubhang mahabang panahon.
--¿Nakita mo na?--ani Bruno n~g boong sama n~g loob sa capatid,--cung pinaniniwalaan mo aco'y mayroon na sana n~gayon tayong sandaang piso; dahil sa iyo'y wala tayo n~gayon cahi't isang cuarta.
Hindi sumagot si Tarsilo, datapuwa't tumin~gin n~g pasulyap sa canyang paliguidliguid na anaki'y may hinahanap na sino man.
--Naroo't nakikipag-usap cay Pedro,--ang idinugtong ni Bruno;--¡binibigyan siya n~g salapi, pagcaramiraming salapi!
At ibinibilang n~ga naman ni Lucas sa camay n~g asawa ni Sisa ang m~ga salaping pilac. Nan~gagpalitan pa n~g ilang salitang palihim at bago naghiwalay na capuwa nasasayahan alinsunod sa namamasid.
--¡Marahil si Pedro'y nakipagkayari sa canya: iyan, iyan ang tunay na hindi nag-aalinlan~gan!--ang buntong hinin~ga ni Bruno.
Nananatili si Tarsilo sa pagca mukhang malungcot at nag-iisip-isip: pinapahid n~g mangas n~g canyang baro ang pawis na umaagos sa canyang noo.
--Capatid co,--ani Bruno,--acó'y yayao, cung hindi ca magpapasiya; nanatili ang "regla", dapat manalo ang lasak at hindi n~ga dapat nating sayan~gin ang panahón. Ibig cong pumusta sa susunod na soltada; ¿anó bagá mangyayari? Sa ganyá'y maipanghihiganti natin ang tatay.
Gayon ma'y huminto at muling nagpahid n~g pawis.
--¿Anóng dahil at huminto ca?--ang tanóng ni Brunong nayayamot.
--¿Nalalaman mo ba cung anó ang sumusunod na soltada? ¿Carapatdapat ba ang?...
--¡Bakit hindi! ¿hindi mo ba naririn~gig? Ang búlik ni capitang Basilio ang mapapalaban sa lásak ni capitang Tiago; ayon sa lacad n~g "regla" n~g sabong ay dápat manalo ang lásak.
--¡Ah, ang lasak! acó ma'y pupusta rin ... datapwa't lumagáy muna tayo sa matibay na calagayan.
¿Nagpakita n~g pagcayamot si Bruno, n~guni't sumunód siyá sa canyáng capatíd; tiningnan nitóng magaling ang manóc, siniyasat na magaling, nag-isip-isip, naglininglining, nagtanong n~g ilán, ang culang palad ay nag-aalinlan~gan; nagn~gin~gitn~git si Bruno at minamasdan siyáng malaki ang galit.
--N~guni't hindi mo ba nakikita iyang malapad na caliskis na nariyán sa tabi n~g tahid? ¿hindi mo ba nakikita ang m~ga paang iyán? ¿anó pa ang ibig mo? ¡Masdan mo ang m~ga hítang iyán, iladlad mo ang m~ga pacpác na iyán! At itong baac na caliskis sa ibabaw n~g malapad na itó, at saca itóng doble (kambal)?
Hindi siyá naririn~gig ni Társilo, ipinagpapatuloy ang pagsisiyasat sa anyo at calagayan n~g hayop; ang calansing n~g guinto't pilac ay dumarating hanggang sa canyang m~ga tain~ga.
--Tingnan namán natin n~gayon ang bulík,--ang sabi n~g tinig na tila sinasacal.
Tinatadyacan ni Bruno ang lupa, pinapagn~gan~galitn~git ang canyang m~ga n~gipin, n~guni't sumusunod din sa capatid niya.
Lumapit sila sa cabilang pulutong. Diya'y sinasandatahan ang manóc, humihirang n~g tári, inihahanda n~g mananari ang sutlang mapula, na pinagkitan at macailang hinagod.
Binalot ni Társilo ang háyop n~g malungcot at nacalalaguim na titig: tila mandin hindi niya nakikita ang manóc cung di ibang bagay sa hinaharap na panahón. Hinagpós ang noo, at:
--¿Handa na ba icáw?--ang tanóng sa capatid na malagunlong ang tinig.
--¿Acó? ¡mula pa n~g una; hindi kinacailan~gang sila'y akin pang makita!
--Hindi at dahil sa ... ating cahabaghabag na capatid na babae....
--¡Aba! ¿Hindi ba sinabi sa iyong ang mamiminuno'y si don Crisóstomo? ¿Hindi mo ba nakitang siya'y casama n~g Capitan General sa pagpapasial? ¿Anó ang capan~ganibang ating cahihinatnan?
--¿At cung mamatay tayo?
--¿Eh anó iyón? ¿Hindi ba namatay ang ating amá sa capapalo?
--¡Sumasacatuwiran ca!
Hinanap n~g magcapatid sa m~ga pulutóng n~g táo si Lúcas.
Pagcakita nilá sa canya'y huminto si Társilo.
--¡Huwag! umalis na tayo rito, tayo'y mapapahamac!--ang biglang sinabi.
--Lumacad ca cung ibig mo, acó'y tátanggap.
--¡Bruno!
Sa cawaláng palad ay lumapit ang isang táo at sa canilá'y nagsabi:
--¿Pupusta ba cayó? Aco'y sa búlik.
Hindi sumagot ang dalawáng magcapatid.
--¡Logro!
--¿Gaano?--ang tanóng ni Bruno.
Binilang ang canyang m~ga aapating pisong guinto: tinititigan siya ni Brunong hindi humihin~ga.
--¡May dalawang daang piso acó, limampong piso laban sa apat na po!
--¡Hindi!--ani Brunong waláng alinlan~gan; magdagdag pa cayó ...
--¡Magaling! limampo laban sa tatlompo!
--¡Lambalin ninyó cung inyóng ibig!
--¡Magaling! ang búlik ay sa aking pan~ginoon at bago acóng capapanalo; isáng daan laban sa anim na pong piso.
--¡Casunduan! Maghintay cayo't cucuha acó n~g salapi.
--Datapuwa't acó ang maghahawac,--anang isá, na hindi totoong nagcacatiwala sa anyo ni Bruno.
--¡Gayon din sa akin!--ang tugón nito, na umaasa sa catigasan n~g canyang camaoo.
At nilin~gon ang canyáng capatid at pinagsabihan:
--Yayao acó, cung matitira icáw.
Nag-isip-isip si Tarsilo: canyang sinisinta ang canyang capatid at gayon din ang sabong. Hindi mapabayaang nag-iisa ang canyang capatid, caya't bumulong:
--¡Halá!
Lumapit sila cay Lucas: nakita nito ang canilang pagdating at n~gumiti.
--¡Mamà!--ani Tàrsilo.
--¿Ano iyon?
--¿Gaano ba ang ibibigay ninyo?--ang tanong n~g dalawa.
--Sinabi co na: cung cayo ang mamahala sa paghanap n~g m~ga iba pa upang matutop ang curatel, bibigyan co ang báwa't isa sa inyo n~g tigatatlompong piso at sampong piso sa bawa't casama. Sacali't lumabas n~g magaling ang lahat, tatanggap n~g isangdaang piso bawa't isa at cayo'y ang ibayo: mayaman si don Crisostomo.
--¡Gayari!--ang biglang sabi ni Bruno; ibigay ninya ang salapi.
--¡Nalalaman co na cayo'y matatapang na gaya rin n~g inyong ama! Hali cayo rini, at n~g hindi tayo marin~gig n~g m~ga iyang sa canya'y pumatay--ani Lucas na itinuturo ang m~ga guardia civil.
Sila'y dinala sa isang suloc, at sa canila'y sinabi samantalang ibinibilang sa canila ang salapi:
--Darating bucas si don Cristostomo na may dalang m~ga sandata; sa macalawa, pagcagabi, pagmalapit n~g ma-á las ocho, pumaroon cayo sa libin~gan at doo'y sasabihin co sa inyo ang canyang m~ga huling ipag-uutos. May panahon cayong macahanap n~g m~ga casamahan.
Nan~gagpaalaman. Ang dalawang magcapatid ay tila mandin nagpalit n~g canicanilang anyo: Si Tarsilo'y matahimic, namumutla si Bruno.
=XLVII.=
=ANG DALAWANG GUINOONG BABAE.=
Samantalang isínasabong ni capitang Tiago ang canyang lasak, naglilibot naman sa bayan si doña Victorina, sa adhicang makita niya cung paano ang calagayang guinagawa n~g m~ga tamad na "indio" sa canicanilang m~ga bahay at m~ga tubigan. Inubos niya ang caya sa pagsusuot n~g lalong magaling niyang damit, at canyang inilagay sa canyang sutlang "bátá" ang lahat niyang m~ga cintas at m~ga bulaclac, upang siya'y caalang-alan~ganan n~g m~ga "provinciano" at maipakilala sa canila cung gaano calaki ang canilang calayuan sa canyang mahal na cataohan; caya't cumapit sa bisig n~g canyang pilay na asawa at nagpakendengkendeng sa m~ga lansan~gan n~g bayan, sa guitna n~g pangguiguilalas at pagtataca n~g m~ga tagaroon. Natira sa bahay ang pinsang si Linares.
--Pagcapan~gitpan~git n~g m~ga bahay nitong m~ga "indio"!--ang ipinasimula ni doña Victorinang in~ginin~giwi ang bibig;--ayawan co cung bakit nacatitira sila riyan: kinakailan~gang maguing "indio". At anong pagcasamasama n~g turo n~g canilang magulang at anong pagca m~ga palalo! Nasasalubong nila tayo'y hindi sila nan~gagpupugay! Hanpasin mo sila sa sombrero na gaya n~g gawa n~g m~ga cura at n~g m~ga teniente n~g m~ga guardia civil; turuan mo sila n~g "urbanidad."
--¿At cung aco'y canilang hampasin?--ang tanong n~g doctor De Espadaña.
--¡Tungcol sa bagay na iya'y icaw ay lalaki!
--¡N~gu ... n~guni't aco'y pilay!
Nalalao'y sumasama ang ulo ni doña Victorina; napupuno n~g alaboc ang cola n~g canyang bata, dahil sa hindi nalalatagan n~g bato ang m~ga daan. Bucod sa roo'y nacacasalubong n~g maraming m~ga dalaga, na nan~gagsisitun~go pagdaraan sa canyang tabi, at hindi nila pinagtatakhan, na gaya n~g marapat nilang gawin, ang canyang mahalagang casuutan. Ang cochero ni Sinang, na naghahatid dito at sa canyang pinsang babae sa isang mainam na carruajeng "tres-por-ciento'y" nagcaroon n~g cawalang galan~gang sigawán siya n~g "¡tabi!" na taglay ang tinig na nacagugulat, na anopa't napilitin siyang sumaisang tabí at walang magawa cung di tumutol n~g:--¡Tingnan mo na n~ga lamang ang hayop na cochero! ¡Sasabihin co sa canyang pan~ginoong turuan niyang magaling ang canyang m~ga alila!
--¡Magbalic na tayo sa bahay!--ang ipinag-utos sa asawa.
Ito, na talagang nan~gan~ganib na marahil ay may mangyaring ligalig sa canilang dalawa, ibinalic ang canyang "muleta" (ang salalac na tungcod sa kili-kili) at sumunod sa utos.
Nasalubong nila ang alférez, nan~gagbatian at ito'y nacaragdag n~g sama n~g loob ni doña Victorina: hindi lamang hindi siya pinuri dahil sa canyang pananamit, cung di halos siniyasat pa n~g palibac ang suot niyang iyon.
--Hindi mo dapat pakikamayan ang isang abang alferez lamang,--ang sinabi sa canyang asawa n~g malayo na ang alferez;--bahagya na niya hinipo ang canyang capacete at icaw ay nagpugay n~g sombrero; hindi ca marunong magbigay camahalan sa iyong cataasan!
--¡Siya ang puno ri....rito!
--At ano ang cabuluhan sa atin n~g bagay na iyan. ¿Tayo baga'y m~ga indio?
--¡Sumasacatuiran ca n~ga!--ang canyang isinagot, sa pagca't aayaw siyang makipagcagalit.
Nagdaan silá sa tapat n~g bahay n~g militar. Namimintana si doña Consolación, na gaya n~g canyáng naguing caugalian, nacadamít franela at humihithit n~g isang tabaco. Sa pagca't mababa ang bahay, sila'y nagtin~ginan, at nakitang magaling ni doña Victorina ang babaeng iyón; payapang pinagmamasdan siya búhat sa paa hanggang sa úlo n~g Musa n~g guardia civil, pagcatapos ay siya'y nilabian, lumura at saca tumalicod. Itó ang nacaubos sa pagtitiis ni doña Victorina, caya't iniwan ang canyang asawang walang caalacbay, at hinarap ang alferezang nan~gan~gatal sa galit at hindi macapan~gusap. Marahang lumin~gon si doña Consolación, muli na namang pinagmasdan siya n~g boong, catiwasayán at nanglura uli, n~guni't nagpakita siya n~g lalong malaking pagpapawalang halaga.
--¿Ano ang nangyayari sa inyó, Doña?
--¡Matatawag ninyo acong "Señora"! ¿bakit ganyan na ang pagtitig ninyo sa akin? ¿Naiinguit ba cayo?--ang sa cawacasa'y nasalita ni doña Victorina.
--¿Acó? ¿naiin~guit acó? ¿at sa inyó?--ang sabing patuya n~g Medusa--¡siya n~ga! ¡naiinguit aco sa inyóng culót!
--¡Halica na, babae!--anang Doctor;--¡hu ... hu ... huwag mo siyang pa ... pansinin!
--¡Pabayaan mong turaan co itóng bastos na itong walang hiya!--ang sagot n~g babae, at saca biglang itinulac ang canyang asawa, na caunti n~g napasun~gaba, at hinarap si doña Consolación.
--¡Tingnan sana ninyo cung sino ang causap!--anyá--¡huwag ninyong acalaing aco'y isang provinciana ó isang calunya n~g m~ga sundalo! Hindi nacapapasoc sa aking bahay, sa Maynila, ang m~ga alférez; ang m~ga ganitó'y naghihintay sa pintuan.
--¡Aba! ¡Excelentísima Señora Puput! (carilagdilagang guinoong Puput) hindi n~ga pumapasoc ang m~ga alferez cung di lamang ang m~ga salantang gaya niyán, ja! ja! ja!
Cung hindi sa nacaculapol na m~ga colorete, namasdan sana ang pamumula n~g mukhà ni doña Victorina; binanta niyáng lusubin ang canyang caaway na babae, n~guni't piniguil siya n~g centinela. Samantala'y napupuno ang daan n~g nanonood na m~ga táo.
--Pakinggan ninyo, naiimbi aco sa pakikipagsalitaan sa inyo; m~ga táong matataas ... ¿Ibig po ba ninyong labhán ang aking damít? ¡Babayarin co cayó n~g mahal! ¡Ang acala yata ninyo'y hindi co nalalamang cayo'y dating labandera!
Tumindig si doña Consolacióng malakí ang galit: nacasugat sa canya ang sinabing tungcól sa paglalaba.
--¿Acala yata ninyo'y hindi nalalaman cung sino cayó at cung sino ang taong inyong daladala? ¡Kinacailan~gang namamatay n~g gutom upang pasanin ang tiratirahan, ang basahan n~g lahat n~g táo!
Ang pucól na salitáay tumama sa ulo ni doña Victorina; naglilís ito n~g manggas, itinicom ang m~ga daliri, piniing ang m~ga n~gipin at nagpasimula n~g pananalita:
--¡Manaog cayo, matandang salaula, at duduruguin co ang maruming bibig na iyan! ¡Calunya n~g isang batallon, talagang patutot buhat pa n~g ipan~ganac!
Dalidaling nawala sa bintana ang Medusa, agad nakitang nananaog n~g patacbo, na iniwawasiwas ang látigo n~g canyang asawa.
Namag-itan at sumamo si don Tiburcio, n~guni't nagcasaclutan din cung hindi dumating ang alférez.
--¡Datapuwa't m~ga guinoong babae!... Don Tiburcio!
--¡Turuan ninyong magaling ang inyong asawa, ibili ninyo siya n~g lalong magagaling na m~ga damit, at cung sacali't wala cayong salapi, magnacaw cayo sa m~ga táong bayan, yamang sa bagay na ito'y cayo'y may m~ga sundalo!--ang sigaw ni doña Victorina.
--¡Narito po acó guinoong babae! ¿bakit hindi duruguin n~g camahalan po ninyo ang aking bibig? ¡Wala po cayo cung di dila at laway, Doña Exelencia!
--¡Guinoong babae!--anang alférez na nagninin~gas n~g galit;--¡magpasalamat cayo at nadidilidili cong cayo'y babae, sa pagca't cung hindi lulusayin co cayo sa casisicad, pati n~g inyóng m~ga kinuculot na buhóc at n~g inyóng m~ga walang capacanang m~ga cintas!
--¡Gui ... guinoong alférez!
--¡Lumacad cayó, mamamatay n~g táong waláng sakit! ¡Cayo'y walang suot na salawál, Juan Lanas!