Noli Me Tangere

Part 37

Chapter 37 4,141 words Public domain Markdown

Hindi namin nalalaman cung ano caya ang nangyari sa guinawang; confesión n~g gabing iyon; pinagpipitagan namin ang m~ga lihim na iyan. Mahabang totoo ang cumpisal, at nahiwatigan n~g tíang mula sa malayo'y binabantayan ang pamangkin, na hindi ikinikiling n~g cura ang canyang tain~ga sa m~ga salita n~g may sakit, cung di nacaharap sa mukha ni María Clara, at tila mandin wari ibig niyang basahin ó hulaan sa pagcagagandang m~ga mata n~g dalaga ang m~ga pag-iisip.

Lumabas sa silid si parì Salvíng namumutla't nan~gin~gilis ang m~ga labi. Sino mang macapanood n~g canyang noong nagdidilim at pigta n~g pawis, mawiwicang siya ang nagcumpisal cay Maria Clara at hindi n~ga narapat magcamit n~g capatawaran.

--¡Jesús, Maria, Josef!--ang sinabi n~g tía na nagcucruz;--¿sino ang macatataroc sa calooban n~g m~ga kinabataan n~gayon?

=XLV.=

=ANG MGA PINAG-UUSIG.=

Tinatanglawan n~g isang malamlam na liwanag na inilalaganap n~g buwan at umulusot sa malalagong m~ga san~ga n~g m~ga cahoy, ang isang lalaking naglalagalag sa cagubatan, na maraha't mahinahon ang lacad. Manacanaca at anaki baga'y n~g huwag maligaw, sumusutsot siya n~g isang tan~ging tugtuguin, na ang caraniwa'y sinasagot n~g gayon ding sutsot sa dacong malayo. Matamang nakikinig ang lalaki, at ipinagpapatuloy, pagcatapos, ang paglacad na ang tinutunto'y ang malayong huni.

Sa cawacasan, n~g canyang maraanan ang libolibong m~ga nacahahadlang cung gabi sa paglalacad sa isang gubat na hindi pa nalalacaran, siya'y dumating sa isang maliit na puang na naliliwanagang ganap n~g buwan sa icaapat na bahagui n~g canyang paglaki. Matataas na m~ga malalaking batong buhay, na napuputun~gan n~g m~ga cahoy ang siyang nacababacod sa paliguid, na ano pa't wari isang nababacurang panoorang naguiba; m~ga cahoy na bagong putol, m~ga punong naguing uling ang nacapupuno sa guitna, na nan~gahahalo sa pagkalalaking m~ga batong buhay, na kinucumutan n~g pacaposcapos n~g Lumikha n~g canyang culubong na m~ga dahong verde ang culay.

Bahagya pa lamang cararating n~g lalaking di kilala'y siyáng paglabás namang bigla n~g isang lalaki rin sa licuran n~g isang malaking bató, lumapit at binunot ang isang revolver.

--¿Sino ca?--ang tanong sa wicang tagalog na mabalasic ang tinig, casabay ang pagtataas n~g "gatillo" n~g canyang sandata.

--¿Casama ba ninyo si matandàng Pablo?--ang sagot n~g bagong cararating na mahinahon ang tinig, na hindi sinagot ang catanun~gan at hindi nagugulumihanan.

--¿Ang capitan ba ang itinatanong mo? Oo, narito.

--Cung gayo'y sabihin mong narito si Elías at siya'y hinahanap,--anang lalaki na hindi iba cung di ang talinghagang piloto.

--¿Cayo po ba'y si Elías?--ang itinanong n~g canyang causap na taglay ang tan~ging pagpipitagan, at saca lumapit, at gayon ma'y patuloy rin ang paguumang sa canya n~g bun~gan~ga n~g revolver;--cung gayo'y ... halícayo.

Sumunód sa canyá si Elías.

Pumasoc silá sa isáng anyóng yun~gib na palusóng sa cailaliman n~g lupa. Ipinauunawa sa piloto, n~g tagapamatnubay na nacacaalam n~g daan, cung palusóng, cung cailan dapat yumucód ó gumapang; gayón ma'y hindi nalao't sila'y nan~gagsirating sa isang may anyong salas, na bahagya na naliwanagan n~g m~ga huepe, at ang nan~garoroo'y labingdalawa ó labing limang lalaking may taglay na m~ga sandata, marurumi ang m~ga mukha at cagulatgulat ang m~ga pananamit, na nacaupo ang m~ga ibá, ang iba nama'y nacahiga, at nagsasalitaan n~g bahagya. Namamasdan ang isang matandang lalaking mapanglaw ang pagmumukha, nacapulupot sa ulo niyá ang isang bigkis na may dugo, nacalagay ang m~ga sico sa isang batóng guinagawang pinaca mesa, at pinagninilay-nilay ang ilaw na sa gayong caraming usoc na ibinubuga'y bahagya na ang inilalaganap na liwanag: cung hindi sana talastas nating iyo'y isang yun~gib n~g m~ga tulisan, mawiwica natin, sa pagbasa n~g malaking pagn~gan~galit sa mukha n~g matandang lalaki, na siya ang Torre n~g Gútom sa araw na sinusundan n~g paglamon ni Ugolino sa canyang m~ga anac.

Umanyong humilig ang nan~gahihigang m~ga lalaki n~g dumating si Elías at ang namamatnugot sa canya, datapuwa't sa isang hudyat nito'y nan~gagsitahimic at nan~gagcasiya na lamang sa pagmamasid sa piloto, na walang taglay na anó mang sandata.

Untiunting lumin~gon ang matandang lalaki at ang natagpuan n~g canyang m~ga mata'y ang nacapagpipitagang kiyas ni Elías, na nacapugay na siya'y pinagmamasdang puspós n~g calungcutan at pagbibigay halaga.

--¿Icao ba?--ang itinanong n~g matandang lalaki, na sumaya n~g caunti ang m~ga mata n~g makilala ang binata.

--¡Sa anóng calagayan aking nasumpun~gan cayo!--ang ibinulong ni Elías sa babahagyang tinig at iguinagalaw ang ulo.

Hindi umimic ang matanda at tumun~gó, humudyát n~g isa sa m~ga tao, nanan~gagsitindig sila't lumayo, na canilang sinulyáp muna't sinucat n~g m~ga mata ang taas at bicas n~g pan~gan~gatawan n~g piloto.

--¡Tunay n~ga!--ang sinabi n~g matandang lalaki n~g silang dalawa'y nagiisa na;--n~g cata'y patuluyin sa aking bahay, na may anim na buwan n~gayon, aco ang n~g panahóng iyo'y nahahabag sa iyo; n~gayo'y nagbago ang capalaran, n~gayo'y icaw namán ang nahahabag sa akin. N~guni't umupo ca at sabihin mo sa akin cung bakit ca nacarating han~gang dito.

--May labing limang araw na n~gayong ibinalita sa akin ang nangyari sa inyong casacunaan,--ang madalang na isinagot n~g binata sa mahinang tinig, na ang ilaw ang siyang tinitingnan;--pagca alam co'y lumacad na agad acó, nagpacabicabila acó sa m~ga cabunducan, halos dalawang lalawigan ang aking nalibot.

--Napilitan acong tumacas at n~g huwag magsabog n~g dugong walang malay; natatacot humarap ang aking m~ga caaway at ang canila lamang inilalagay sa aking hirap ay ang ilang m~ga caawaawa, na walang guinawa sa akin cahit caliitliitang casam-an.

N~g macalampas ang sandaling hindi pag-imic na guinamit ni Elías sa pagbasa n~g m~ga caisipang mapapanglaw sa mukha n~g matandang lalaki, nagpatuloy n~g pananalita ang binata:

--Naparito aco't ibig cong ipakiusap sa inyo ang isang bagay. Sa pagca't hindi aco nacasumpong, cahi't aking pinaghanap, ang bahagyang labi man lamang n~g mag-anac na may cagagawan n~g casawiang palad naming mag-anac, minagaling co ang iwan ang lalawigang aking tinatahanan upang tumun~go sa dacong timugan at makisama sa m~ga pulutong n~g m~ga hindi binyagan at nabubuhay n~g boong kalayaan: ¿ibig po ba ninyong lisanin ang bagong pinasisimul-an ninyong pamumuhay at sumama sa akin? Lalagay acong tunay na inyong anac, yamang namatay ang anac po ninyo, at kikilalin co cayong ama, yamang wala na acong magugulang?

Umiling ang matanda n~g paayaw, at nagsalita:

--Sa gulang na aking dinating, pagca niyacap n~g calooban ang isang pasiyang cakilakilabot, ay dahil sa wala n~g sucat pagpaliiran. Isang taong gaya co, na guinamit ang canyang cabataan at ang canyang cagulan~gan sa pagpapagal at n~g camtan ang sariling guinhawa at ang sa m~ga anac sa panahong hinaharap; isang taong nagpacumbaba sa lahat n~g m~ga naguing calooban n~g canyang m~ga puno, na tumupad n~g boong pagtatapat sa mabibigat na catungculan, na nagtiis n~g lahat upang mamuhay sa catahimican at sa isang catiwasayang mangyayaring camtan; pagca tinalicdan n~g ganitong taong pinalamig na ang dugò n~g panahon, ang lahat n~g canyang pinagdaanan at ang boong pagdaraanan pa, at sumasa m~ga pampan~gin na n~g libin~gan, ay sa pagca't canyang napagkilalang lubos na walang capayapaang masusumpun~gan at ang catiwasiya'y hindi siyang calakilakihang cagalin~gan! ¿Ano't magpapacatira pa sa hindi sariling lupain upang magbuhay dukha? Dating aco'y may dalawang anac na lalaki, isang anac na babae, isang bahay, isang cayamanan; aking dating tinatamo ang pagpipitaga't pagmamahal n~g madla; n~gayo'y isang cahoy na pinutlan n~g m~ga san~ga ang aking cawan~gis, lagalag, nagtatago, pinag-uusig sa m~ga cagubatang tulad sa isang halimaw, ¿at anong dahil at guinawa sa akin ang lahat n~g ito? Dahil sa inilugso n~g isang lalaki ang capurihan n~g aking anac na babae, sa pagca't hinin~gi n~g m~ga capatid sa lalaking iyang magsulit siya n~g catampalasanang canyang guinawa, at sa pagca't ang lalaking iya'y nan~gin~gibabaw sa m~ga iba sa pamamag-itan n~g pamagat na ministro (kinakatawan) n~g Dios. Inalintana co, gayon man, ang lahat n~g ito, at acong ama, aco, na siniraan n~g puri sa aking catandaan, aking ipinatawad ang caalimurahan, ipinagpaumanhin co ang casilacbuhan n~g cabataan at ang m~ga carupucan n~g catawang lupa, at sa casiraang iyong hindi na mangyayaring maisauli, ¿ano ang dapat cong gawin cung di ang huwag n~g umimic at iligtas ang nalabi? Datapuwa't nan~ganib ang tampalasang baca sa humiguit cumulang na cadalia'y camtán niya ang panghihiganti, caya't ang guinawa'y humanap n~g capahamacan n~g aking m~ga anac na lalaki. ¿Nalalaman mo ba cung ano ang canyang guinawa? ¿Hindi? ¿Natatalastas mo bang linubid ang casinun~ga-lin~gang cunuwa'y linooban ang convento, at sa m~ga isinacdal ay casama ang isa sa aking m~ga anac? Hindi nairamay iyóng isá, sa pagca't wala't na sa ibang bayan. ¿Nalalaman mo ba ang m~ga catacottacot na pahirap na sa canila'y guinawa? Nalalaman mo, sa pagca't nan~gagcacawan~gis ang ganitong m~ga pahirap sa lahat n~g m~ga bayan. ¡Aking nakita, nakita co ang aking anac na nacabiting ang tali sa canyang sariling buhoc, narin~gig co ang canyang m~ga sigaw, aking narin~gig na aco'y canyang tinatawag, at aco, sa aking caruwagan at palibhasa'y namarati aco sa capayapaan, hindi aco nagcaroon n~g catapan~gang pumatay ó magpacamatay caya! ¿Nalalaman mo bang hindi napatotohanan ang pangloloob na iyon, napaliwanagan ang bintang, at ang naguing parusa'y ilipat sa ibang bayang ang cura, at ang aking anac ay namatay dahil sa m~ga pahirap na guinawa sa canya? ¡Ang isa, ang nalalabi sa akin, ay hindi duwag na gaya n~g canyang ama; at sa catacutan n~g tacsil na nagpahirap na ipanghiganti sa canya ang pagcamatay n~g canyang capatid, guinamit na dahilan ang cawal-an n~g "cedula personal" na nalimutang sandali, piniit n~g Guardia Civil, pinahirapan, guinalit at pinasamang totoo ang loob sa casalimura hanggang sa siya'y mapilitang magpacamatay! At aco, aco'y buhay pa pagcatapos n~g gayong calakilakihang cahihiyan, datapuwa't cung hindi aco nagcaroon n~g tapang-ama sa pag-sasanggalang n~g aking m~ga anac, may natitira pa sa aking isang pusô upang italaga sa isang panghihiganti at manghihiganti aco! Untiunting nan~gagcacatipon ang m~ga maygalit sa ilalim n~g aking pamiminuno, pinararami ang m~ga cawal co n~g aking m~ga caaway, at sa araw na mapagkilala cong aco'y macapangyarihan na, lulusong aco sa capatagan at tutupukin co sa apoy ang aking panghihiganti at ang aking sariling buhay! ¡At darating ang araw na iyan ó walang Dios!

At nagtindig ang matandang lalaki, na nagn~gin~gitn~git, at idinagdag, na nagniningning ang panin~gin, malagunlong ang tinig at sinasabunutan ang canyang mahahabang m~ga buhóc:

--¡Sumpain acó, sumpain acó na aking piniguil ang mapanghiganting camay n~g aking m~ga anac; acó n~ga ang pumatay sa canila! ¡Cung pinabayaan co sanang mamatay ang may sala, cung hindi sana acó lubós nanalig sa justicia n~g Dios at sa justicia n~g m~ga tao, n~gayon disi'y may m~ga anac pa acó, marahil sila'y nan~gagtatago, datapuwa't n~gayo'y may m~ga anac naman sana acó, at hindi sila sana nan~gamatay sa capapahirap! ¡Hindi aco ipinan~ganac upáng maguing amá, caya wala acong m~ga anac n~gayón! ¡Sumpain acó, na hindi co natutuhang makilala sa aking catandaan ang lupaing aking kinatatahanan! Datapuwa't matututo acong ipanghiganti co cayó sa pamamag-itan n~g apoy, n~g dugo at n~g aking sariling camatayan!

Ang culang palad na amá, sa casilacbuhan n~g canyáng pighati, nalabnot ang bigkis n~g ulo, at dahil sa gayo'y nabucsan ang sugat sa noo, at doo'y bumalong ang isáng batisang dugo.

--Pinagpipitagan co ang inyóng pighati,--ang muling sinabi ni Elías,--at napagwawari co ang inyong panghihiganti; acó nama'y gaya rin ninyo, at gayón man, sa aking pan~gan~ganib na baca aking masugatan ang waláng malay, lalong minamagaling co pa ang calimutan co ang aking m~ga casawiang palad.

--¡Mangyayari cang macalimot, sa pagca't bata icáw at sa pagca't hindi ca namamatayan n~g isa man lamang anac, n~g sino mang siyáng iyong catapusáng maaasahan! N~guni't aking ipinan~gan~gaco sa iyo, hindi co sasactan ang sino mang walang casalanan. Nakikita mo ba ang sugat na ito? Upang huwag cong mapatay ang isang caawaawang cuadrillerong gumaganap n~g canyang catungculan, ipinaubaya cong siya ang sumugat sa akin.

--Datapuwa't tingnan po ninyó--ani Elías pagca lampas n~g sandaling hindi pag-imíc;--tingnan po ninyó cung alin ang cakilakilabot na siga na inyong pagsusugbahan sa ating culang palad na m~ga bayan. Cung gaganapin n~g inyong sariling m~ga camay ang inyong panghihiganti, gaganti n~g catacot tacot ang inyong m~ga caaway, hindi laban sa inyó at hindi rin laban sa m~ga taong sandatahan, cung di laban sa bayan, na ang caraniwa'y siyáng isinusumbong, at pagcacagayo'y ¿gaano caraming m~ga paglabag sa catuwiran ang mangyayari!

--¡Mag-aral ang bayang magsanggalang sa sarili, magsanggalang sa sarili ang bawa't isa!

--¡Talastas po ninyong iya'y hindi mangyayari! Guinoo, cayó po'y aking nakilala n~g ibang panahon, niyóng panahong cayo po'y sumasaligaya, niyao'y pinagcacalooban ninyo acó n~g m~ga paham na aral; maitutulot baga ninyong?...

Naghalukipkip ang matanda at wari'y nakikinig.

Guinoo,--ang ipinagpatuloy ni Elías, na pinacasusucat na magaling ang canyáng m~ga wika;--nagca palad acong macagawa n~g isang paglilingcod sa isang binatang mayaman, may magandang puso, may caloobang mahál at mithì ang m~ga icagagaling n~g canyang tinubuang bayan. Ang sabihana'y may m~ga caibigan ang binatang ito sa Madrid, ayawan co, datapuwa't ang masasabi co sa inyo'y siya'y caibigan n~g Capitan General. ¿Anó po ang inyong acala cung siya'y ang ating papagdalhin n~g m~ga carain~gan n~g bayan at siya'y pakiusapan nating magmalasakit sa catuwiran n~g m~ga sawing palad?

Umiling ang matandang lalaki.

--¿Mayaman ang sabi mo? walang iniisip ang m~ga mayayaman cung hindi ang dagdagan ang canilang m~ga cayamanan; binubulag sila n~g capalaluan at n~g caparan~galanan, at sa pagca't ang caraniwa'y magaling ang canilang calagayan, lalo na cung sila'y may m~ga caibigang macapangyarihan, sino man sa canila'y hindi nagpapacabagabag sa pagmamalasakit sa m~ga culang palad. Nalalaman cong lahát, sa pagca't n~g una'y aco'y mayaman!

--N~guni't ang taong sinasabi co po sa inyo'y hindi cawan~gis n~g m~ga ibá: siya'y isang anác na inalimura dahil sa pag-aala-ala sa canyáng amá; siya'y isang binata, na sa pagca't hindi malalao't magcacaasawa, nag-iisip isip siya n~g sa panahong darating, n~g isáng magandang casasapitan n~g canyáng m~ga anác.

--Cung gayo'y siya'y isang taong magtatamong ligaya; ang catuwiran nating ipinagtatanggol ay hindi ang sa m~ga taong na sa caligayahan.

--¡Datapuwa't iyan ang catuwirang ipinagtatanggol n~g m~ga taong may puso!

--¡Hari na n~ga!--ang muling sinabi n~g matandang lalaki at saca naupo,--ipalagay mo n~g ang binatang iya'y sumang-ayong siya ang maghatid n~g ating carain~gan hangang sa Capitang General; ipalagay mo n~g siya'y macakita sa pan~gulong bayan n~g España n~g m~ga diputadong magsanggalang sa atin, ¿inaacala mo na baga cayang papagtatagumpayin na ang ating catuwiran?

--Atin munang ticmang gawin bago tayo gumamit n~g isang paraang kinacailan~gang magsabog n~g dugo,--ang isinagót ni Elías,--Dapat na macapagtacá po sa inyó, na acó, na isá rin namang sawing palad, bata at malacás ang catawan, ang siyang makiusap sa inyo, na cayo'y matanda na't mahina, n~g m~ga paraang payapa: at ganito, sa papca't aking napanood ang lubhang maraming cahirapang tayo rin ang may cagagawang gaya rin n~g m~ga cagagawan n~g m~ga malulupit; ang mahina ang siyang nagbabayad.

--¿At cung sacaling wala tayong magawang anó man?

--May magagawa tayo cahi't cacaunti, maniwala po cayo; hindi ang lahat n~g m~ga nan~gan~gatungculan sa baya'y hindi marunong cumilala n~g catuwiran. At cung wala tayong masundaan, cung aayaw pakinggan ang ating cahin~gian, cung magpacabin~gi na ang tao sa capighatian n~g canyang capuwa, pagnagcagayo'y ¡hahandog po aco sa bawa't inyong ipag-uutos!

Niyacap ang binata n~g matandang lalaking lipos n~g malaking catuwiran.

--Tinatanggap co ang iyong panucala, talastas cong gumaganap ca n~g iyong pan~gaco. Paririto ca sa aki't cata'y tutulun~gan upang maipanghiganti ang iyong m~ga magugulang, at aco nama'y tutulun~gan mo upang maipanghiganti co ang aking m~ga anac, ¡ang aking m~ga anac na pawang nacacatulad mo!

--Samantala'y huwag po ninyong pababayaang mangyari ang ano mang gahasang cagagawan.

--Isasalaysay mo ang m~ga carain~gan n~g bayang pawang talastas mo na, ¿Cailan co malalaman ang casagutan?

--Sa loob po n~g apat na araw ay mag-utos po cayo n~g isang taong makipagkita sa akin sa pasigan n~g San Diego, at sasabihin co sa canya ang maguing casagutan sa akin n~g taong aking inaasahang.... Cung siya'y sumang-ayo'y canilang kikilalanin ang ating catuwiran, at cung hindi'y aco ang unaunang matitimbuang sa pakikilabang ating gagawin.

--Hindi mamamatay si Elias, si Elias ang mamiminuno cung matimbuang si capitang Pablong busog na ang puso sa canyang panghihiganti,--anang matandang lalaki.

At siya rin ang sumama sa binata hanggang sa macalabas sa labas.

=XLVI.

SABUNGAN.=

Upang ipan~gilin sa Filipinas ang hapon n~g araw n~g linggo'y napasasa sabun~gan ang caraniwan, na gaya naman sa Españang ang larong pakikiaway n~g tao sa toro ang siyang pinaroroonan. Ang pagsasabong n~g manoc, hilig na masamang dito'y dinala n~g m~ga taga ibang lupain at mahiguit n~g isang daang taóng guinagawang panghuli n~g salapi, ay isa riyan sa m~ga pan~git na pinagcaratiban n~g bayan, na lalong malaki ang casam-an cay sa opio sa m~ga insic; diya'y napaparian ang dukha't inilalagay sa pan~ganib ang canyang boong pagcabuhay, sa pagmimithing siya'y magcasalaping hindi nagpapagal; napaparian diyán ang mayaman't n~g maglilibang, at diya'y caniyang guinagamit ang salaping labí sa canyang m~ga piguing at m~ga "misa de gracia"; datapwa't sa canila (sa m~ga mayayaman) ang capalarang diya'y pinaglalaruan, palibhasa'y magaling na totoo ang pagcacaturo sa sasabun~gin, marahil lalong magaling cay sa pagcaturo sa canilang anac na lalaki, na siyang hahalili sa ama sa sabun~gan, at wala n~ga caming itututol sa bagay na ito.

Sa pagca't ipinahihintulot n~g Gobierno, at hanggang halos canyang ipinagaanyaya, sa pag-uutos na gawin ang gayong panoorin sa "hayag na m~ga plaza", sa "m~ga araw n~g fiesta" (at n~g makita n~g lahat at macahicayat ang uliran), "pagcatapos n~g misa mayor hanggang sa dumilim sa hapon" (walong oras), dumalo tayo sa larong ito upang hanapin ang ilang m~ga cakilala.

Walang ikinatatan~gi ang sabun~gan sa San Diego sa m~ga sabun~gan sa iba't ibang bayan, liban na lamang sa ilang m~ga bagay. Nababahagui sa tatlong pitac: ang una, sa macatwid baga'y ang pasucan, ay isang malaking cabahayang tuwid, na may dalawampong metro ang haba at labing apat na metro ang luang; sa isa sa canyang m~ga taguilira'y may isang pintuang isang babae ang caraniwang nagbabantay, na siyang catiwala sa paninin~gil n~g sa pinto, ó cabayaran sa pagpasoc doon. Sa buwis na itong bawa't isa'y nagbibigay roon, tumatanggap ang Gobierno n~g isang bahagui, m~ga ilang daang libong piso sa isang taón: sinasabing sa salaping itong ibinabayad n~g "vicio" upang siya'y magcaroon n~g calayaan, nanggagaling ang ipinagpapatayo n~g m~ga maiinam na m~ga paaralan, ipinagpapagawa n~g m~ga tulay at m~ga daan, ipinagtatatag n~g m~ga ganting pala upang lumusóg ang pagsasaca at pan~gan~galacal ... purihin nawa ang vicio na naghahandog n~g gayong lubhang magagaling na m~ga bun~ga!--Sa unang pitac na ito nalalagay ang m~ga nan~gagbibili n~g hitso, m~ga tabaco, m~ga cacanin, m~ga pagcain at iba pa; naririan diyan ang caramihang batang lalaking sumasama sa canilang m~ga ama ó amaing sa canila'y nagsasakit n~g pagtuturo n~g m~ga lihim n~g pamumuhay.

Capanig ang pitac na ito n~g isá pang lalong malaki n~g caunti, isang pinaca salas, na pinagtitipunan n~g madla bago gawin ang m~ga "soltada". Nariyán ang pinacamarami sa m~ga manoc, na nan~gatatali n~g isáng lúbid sa lupa, sa pamamag-itan n~g isang pacong but-ó ó lúyong; nariyan ang m~ga tahur, ang m~ga malulugdin sa sabong, ang mananari: diyán nan~gagcacayari, nagninilaynilay, nan~gun~gutang, sumusumpa, nagtutun~gayaw, humahalachac; hinihimas niyón ang canyáng manoc, na pinaraanan n~g camáy ang ibabaw n~g makikintab na m~ga balahibo; sinisiyasat nama't binibilang nito ang m~ga caliskis sa m~ga paa; pinagsasalitaanan ang m~ga maiinam na gawa n~g m~ga bayani; diya'y inyóng mapapanood ang maraming m~ga mukhang malulungcót, na bitbit sa m~ga paa ang bangcay na wala n~g balahibo; ang pinacamahalmahal na hayop sa loob n~g ilang buwan, pinalayawlayaw at sa canya'y ipinagcatiwala ang lalong caayaayang m~ga pag-asa, n~gayo'y wala cung di isáng bangcay na lamang, na ipagbibili sa isáng peseta, upáng lutuing luya ang cahalo at canin sa gabí ring iyón: "sic transit gloria mundi". Pauwi na ang natalo sa canyáng bahay, na pinaghihintayan sa canya n~g esposang cacabacaba ang loob at n~g m~ga limalimahid na m~ga anac, na hindi na taglay ang caunting pamimilac at ang sasabun~gin. Yaong lahat na m~ga panaguinip na calugodlugod, yaong m~ga pagaalagang tumagal n~g mahabang panahon, mula sa pagbubucang liwayway hanggang sa paglubóg n~g araw, yaong lahat n~g m~ga pagpapahirap at pagpapagal, ang kinauwia'y isang peseta, ang m~ga nálabing abó sa gayóng cacapal na asó.--Sa ulutang itó nakikipagtutulan ang lalong pan~god na isip: ang lalong gagasogaso'y pinagsisiyasat na magaling ang gayóng bagay, tinitimbang, pinagmámasid, ibinubucadcad ang m~ga pacpac, hinihipo ang m~ga casucasuan n~g m~ga hayop na iyón. Maiinam na totoo ang pananamit n~g m~ga ilang sinusundan at liniliguid n~g m~ga caanib n~g canicanilang m~ga sasabun~gin; marurumi namán ang m~ga ibá, natatatac sa canilang mamayat na m~ga mukha ang larawan n~g vicio, at caniláng sinusundan n~g boong pagmimithi ang m~ga kilos n~g m~ga mayayaman at canilang pinagmamasdang magaling ang m~ga pustahan, sa pagca't mangyayaring mahuho ang m~ga bulsa, datapuwa't hindi nangyayaring masiyahan ang masamang hilig; diya'y waláng mukháng hindi guising; diya'y wala ang mapagpabayang filipino, ang tamád, ang hindi makibuin: ang lahát ay pawang kilusán, masimbuyong budhi, pagsusumicap; masasabing silá'y may isang cauhawang siyáng nagbibigay casayahan sa tubig sa pusali.

Buhat sa ulutang ito'y tumutun~go sa labanang ang pamagata'y "Rueda". Ang tuntun~gan nito, na nababacuran n~g cawayan, ang caraniwa'y mataas cay sa dalawang panig na sinabi na n~g una. Sa dacong itaas, na halos sumusucó na sa bubun~gan, may m~ga gradería, lunsódlunsód bagang upuan, na iniuucol sa m~ga manonood ó m~ga magsasabong, dalawang salitang nagcacaisa n~g kinauuwian. Sa boong itinatagal n~g labanan ay napupuno ang m~ga graderiang itó n~g m~ga taong may gulang na at n~g m~ga batang nan~gagsisigawan, nan~gaghihiyawan, nan~gagpapawis, nan~gag-aaway at nan~gagtutun~gayaw: ang cagalinga'y bihirang bihira ang babaeng nacararating diyán. Nan~gasasa "Rueda" ang m~ga táong litáw, ang m~ga mayayaman, ang m~ga bantog na "tahur", ang contratista (a entista) at ang sentenciador (tagahatol). Sa lupa, na mainam ang pagcacapicpic ay nan~gaglalaban ang m~ga hayop, at buhat diya'y ipinamamahagui n~g Capalaran sa m~ga familia ang m~ga tawanan ó m~ga pagtan~gis, ang magagaling na pagcain ó ang cagutuman.

Sa horas n~g ating pagpasoc ay naroroon na ang gobernadorcillo, si capitang Pablo, si capitang Basilio, si Lucas, ang tao bagang may pilat sa mukha, na totoong nagdamdam n~g pagcamatay n~g canyang capatid.

Lumapit si capitang Basilio sa isa sa m~ga taong bayan at tumanong:

--¿Nalalman mo ba cung anong manoc ang dala rito ni Capitang Tiago?

--Hindi co po na lalaman; may dumating po sa canyang dalawa caninang umaga, ang isa sa canila'y ang lasac na tumalo sa talisayin n~g Consul.