# Noli Me Tangere

## Part 34

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/noli-me-tangere-20228/index.md

--¿Hindi caibigan? ako'y napilitang aking samahan ang Capitan General.

--Cung gayo'y ¡sayang! Casama namin ang cura, at sinasaysay sa amin ang m~ga naguing buhay n~g m~ga napacasama; ¿nakita mo na? tacutin cami at n~g huwag caming macapagsaya, ¿nakita mo na?

Nagtindig ang cura at lumapit cay don Filipo, na tila mandin canyang pinakipagtalunan n~g masilacbo. Mainit ang pananalita n~g cura, mahinusay naman at mahina ang pananalita ni don Filipo.

--Dinaramdam co pong hindi aco macapagbigay-loob sa inyo; ang sabi ni don Filipo;--si guinoong Ibarra'y isa sa m~ga lalong malalaki ang ambag, at may catuwirang macalagay rito samantalang hindi nanggugulo n~g capayapaan.

--¿N~guni't hindi ba panggugulo n~g capayapaan ang magbigay casalanan sa mabubuting m~ga cristiano? ¡Iya'y isang pagpapabayang macapasoc ang isang lobo sa cawan n~g m~ga mababait na tupa. ¡Sasagot ca sa bagay na ito sa harap n~g Dios at sa harap n~g m~ga matataas na puno!

Cailan man po'y nananagot aco, padre, sa lahat n~g m~ga gawang bucal sa aking sariling calooban,--ang isinagot ni don Filipo na yumucod n~g caunti;--datapuwa't hindi binibigyang pahintulot aco n~g aking maliit na capangyarihang makialam sa m~ga bagay na nauucol sa religión. Ang m~ga nag-iibig man~gilag na canyang macapanayam ay huwag makipagsalitaan sa canya: hindi naman namimilit si guinoong Ibarra canino man.

--¡N~guni't isáng pagbibigay puang sa pan~ganib, at cung sino ang umiibig sa pan~ganib ay sa pan~ganib namamatay!

--Wala acóng nakikitang anó mang pan~ganib, padre: ang guinoong Alcalde at ang Capitan General, na aking m~ga punong matataas, capuwa nakipag-usap sa canyá sa boong hapong itó, at hindi n~ga acó ang sa canila'y magpapakilalang masama ang canilang guinawa.

--Cung hindi mo siyá palalayasin dito'y cami aalis.

--Daramdamin cong totoo, datapuwa't hindi aco macapagpapalayas dito sa canino man.

Nagsisi ang cura sa sinabi, n~guni't wala n~g magawa. Humudyát sa canyáng casama, na nagtindig na masama ang loob, at capuwa sila umalis. Guinagád silá n~g m~ga taong caniláng cacampí, baga man inirápan muna nila n~g boong pagtataním si Ibarra.

Napuspos ang ugong n~g m~ga bulungbulun~gan at salisalitaan: n~g magcagayo'y nan~gagsilapit at nan~gagsibati sa binatang si Ibarra ang ilang m~ga tao, at sinabi sa canyá:

--¡Sumasainyo cami; huag po ninyóng pansinin ang m~ga iyán!

--¿Sinong m~ga "iyan"?--ang itinanong na nagtátaca.

--¡Iyang m~ga nagsialis at n~g mapan~gilagan ang macapanayam po ninyo!

--¿At n~g mapan~gilagan ang aking pakikipanayam? ¿ang aking pakikipanayam?

--¡Opo! ¡anila'y excomulgado raw po cayó!

--Sa pagtatacá ni Ibarra'y hindi naalaman cung anó ang sasabihin, at lumin~gap sa canyáng paliguid. Canyáng nakita si María Clara na tinatacpan ang mukha n~g canyáng abanico.

--N~guni't ¿ito baga'y dapat cayang mangyari?--ang sa cawacasa'y bigláng sinabi n~g malacás;--¿casalucuyan bang na sa unang panahón tayo n~g cadilimán? Sa macatuwid baga'y....

At lumapit sa m~ga dalaga, at binago ang anyo n~g pananalitâ.

--Pagpaumanhinan ninyó acó,--anyá,--nacalilimot acóng mayroon paláng sa aki'y naghihintay na aking catipán; magbabalic acó at n~g cayo'y aking masamahan.

--¡Huwag cang umalís!--ang sa canya'y sinabi ni Sinang;--sasayaw si Yeyeng sa "La Calandria"; ¡totoong calugodlugod sumayaw!

--Hindi maaari, caibigan co, datapuwa't aco'y bábalic.

Lalong lumala ang m~ga bulungbulun~gan.

Samantalang lumalabas si Yeyeng na nacasuot "chula" at sinasabi ang "Da usté su permiso?" ("¿Ipinagcacaloob po ba ninyo ang inyong pahintulot?") at sinasagot siya ni Carvajal n~g "Pase usté adelante" ("Tumuloy po cayo") at iba pa, nan~gagsilapit ang dalawang sundalo n~g guardia civil cay don Filipo at hinihin~ging ihinto ang pagpapalabas.

--¿At bakit?--ang tanong ni don Filipo na nagtataca.

--Sa pagca't nagsuntucan ang alférez at ang guinoong babae ay hindi sila macatulog.

--Sabihin po ninyo sa alférez, na binigyan cami n~g capahintulutan n~g Alcalde Mayor, at "wala sino man" sa bayang may capangyarihan sumalangsang sa capahintulutang ito, cahi't ang gobernadorcillo man, na siyang tan~gi cong mataas na puno.

--¡Talastasin ninyong kinakailan~gang itiguil ang palabas!--ang inulit n~g m~ga sundalo.

Tinalicdan sila ni don Filipo. Nan~gagsialis ang m~ga guardia.

Hindi sinabi canino man ni don Filipo ang nangyaring ito at n~g huwag magulo ang catahimican.

N~g matapos na ang bahaguing iyon n~g zarzuela na totoong pinagpurihanan, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon n~g away ang lahat n~g m~ga morong pumipiit sa canyang amá; pinagbabalaan sila n~g bayaning puputlan silang lahat n~g úlo, at ang m~ga ulong ito'y ipadadala sa buwan. Sa cagalin~gang palad n~g m~ga moro, na nan~gagsisipaghanda na sa labanang tinutugtugan n~g "himno de Riego", ay siyang pagcacaroon n~g isang gulo. Biglang nagsihinto n~g pagtugtog ang m~ga bumubuo n~g orquesta at canilang linusob ang teatro, pagcatapos maipaghaguisan ang canilang m~ga instrumento. Ang matapang na si Villardo, na hindi inaacalang man~gagsisirating ang m~ga taong iyong, canyang ipinalagay na cacampi n~g m~ga moro, inihaguis naman ang canyang espada at escudo at saca bumigay n~g tacbo; nang makita n~g m~ga morong tumatacas ang cakilakilabot na cristianong iyon, hindi sila nag-alinlan~gang siya'y canilang gagarin: may naririn~gig na m~ga sigawan, m~ga daing, tun~gayawan, m~ga salitang capusun~gan, nagtatacbuhan ang m~ga tao, nan~gamatay ang m~ga ilaw, ipinaghahaguisan sa impapawid ang m~ga vaso n~g ilaw, at iba pa.--¡M~ga tulisan! ¡M~ga tulisan!--ang sigaw n~g m~ga iba.--¡Sunog! ¡sunog! ¡m~ga magnanacaw!--ang sigawan naman n~g m~ga iba; nan~gagsisitan~gis ang m~ga babae't ang m~ga musmos, gumugulong sa lupa ang m~ga banco at ang m~ga nanonood, sa guitna n~g ligalig, pagcacain~gay at caguluhan.

¿Ano ang nangyari?

Ilinagad n~g dalawang guardia civil na may tan~gang pamalo ang m~ga músico at n~g pahintuin ang pinalalabas; sila'y narakip, baga man nagsisilaban, n~g teniente mayor, na casama ang caniyang m~ga cuadrillerong ang dalang sandata'y ang canilang m~ga lumang sable.

--¡Inyong ihatid sila sa tribunal!--ang sigaw ni don Filipo,--cayó ang bahala pagca sila'y nacawala!

Bumalic na si Ibarra at canyang hinanap si María Clara. Nan~gagsicapit sa canya ang natatacot na m~ga dalagang pawang nan~gan~gatal at nan~gamumutla; dinarasal ni tía Isabel ang m~ga letanía sa wicang latin.

N~g pagbalicang loob n~g caunti ang m~ga tao sa pagcagulat, at n~g canilang matalastas cung ano ang nangyari, nag-alab ang galit sa lahat n~g m~ga dibdib. Umulan ang m~ga bato sa pulutong n~g m~ga cuadrillerong naghahatid sa dalawang guardia civil; may isang nagyayacag na silabin ang cuartel at iihaw roon si doña Consolacióng casama ang alférez.

--¡Sa ganyan lamang sila pinakikinaban~gan!--ang sigaw n~g isang babaeng naglililis n~g canyang mangas at iniunat ang canyang m~ga bisig;--panggugulo n~g bayan! ¡Wala silang nalalamang pag-usiguin cung di ang mababait na m~ga tao! ¡Nariyan ang m~ga tulisan at ang m~ga magsusugal! ¡Sunuguin natin ang cuartel!

Hinihipò n~g isa ang canyang bisig at humihi~ngi n~g confesión; cahabaghabag na m~ga taghoy ang lumalabas sa ilalim n~g m~ga bangcong nan~gatumba: yao'y isang caawaawang músico. Punongpuno ang escenario n~g m~ga artista at n~g m~ga taong bayan. Nariyan si Chananay, na nacasuot n~g Leonor sa Trovador, na nakikipagsalitaan n~g wicang tinda cay Ratia, na nacasuot maestro n~g escuela; si Yeyeng na nacabalot n~g malaking panyong sutla na na sa tabi n~g príncipe Villardo; pinagpipilitan ni Balbino't n~g m~ga morong aliwin ang m~ga músicong may m~ga nasactan at hindi. Nagpapacabicabila ang ilang m~ga castila at pinagsasabihan ang bawa't canilang nasasalubong.

Datapuwa't may nagcacabilog n~g isang pulutong. Napag-unawa ni don Filipo ang canilang adhica at canyang tinacbo upang sansalain.

--¡Huwag sana ninyong sirain ang catahimican!--ang isinisigaw ni don Filipo;--¡hihin~gi tayo bucas n~g carapatang tumbas sa caguluhang canilang guinawa, bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran; nananagot aco sa inyong bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran!

--¡Hindi!--ang isinasagot n~g ilan; ¡gayon din ang guinawa sa Calambà (n~g 1879), gayon din ang ipinan~gaco, datapuwa't walang ano mang guinawa ang Alcalde! ¡Ibig naming gumawa n~g pagca justicia sa aming camay! ¡Tayo na sa cuartel!

Nawalang cabuluhan ang m~ga pakikiusap n~g teniente mayor; nagpapatuloy ang pulutong sa canilang panucala. Lumin~gap si don Filipo sa canyáng paliguid at humahanap n~g sa canya'y tumulong ay canyáng nakita si Ibarra.

--Guinoong Ibarra, ¡para na ninyóng awa! ¡Sila'y inyóng sansalain, samanatalang humaharap acó n~g m~ga cuadrillero!

--Anó ang aking magagawa?--ang itinanong n~g binata, na natitigagal, datapuwa't malayo na ang teniente mayor.

Si Ibarra naman ang naglin~gap-lin~gap sa canyáng paliguid, at naghahanap siya n~g hindi nalalaman cung sino. Sa cagalin~gang palad ay anaki'y canyáng nasuliapan si Elías, na walang bahalang pinanonood ang gayóng kilusan. Tinacbó siya ni Ibarra, hinawacan siyá sa bisig at sinabi sa canya sa wikang castila:

--¡Alang-alang sa Dios! ¡gumawa po cayó n~g bahagya, sacali't may magagawa; wala po acong magawang anó man!

Tila mandin siya'y nawatasan n~g piloto, sapagca't nawala siya't sinuot ang m~ga bumubuo n~g pulutong.

Narin~gig ang masilacbóng pagmamatuwiran, mabilís na tutulán; pagcatapos ay untiunting nagpasimula n~g paghihiwahiwalay n~g m~ga magcacapulutóng, at naalis sa bawa't isá ang anyóng may gagawing caguluhan.

At panahón na n~ga, sa pagca't lumalabas na ang m~ga sundalong may dalang m~ga sandata at nacalagay sa dulo n~g fusil ang bayoneta.

¿Samantala'y ano ang guinagawa n~g cura?

Hindi pa nahihiga si párì Salví. Nacatindig siya, nacatuon ang noo sa m~ga "persiana", sa dacong plaza ang tanaw, hindi cumikilos, at manacanacang pinatatacas niya ang pinipiguil na buntong hinin~ga. Cung hindi sana napacadilim ang liwanag n~g canyang ilaw, marahil napagmasdang napupuno n~g m~ga luha ang canyang m~ga mata. Gayon ang caniyang naguing anyo sa isang horas halos.

Pinucaw siya sa ganitong calagayan n~g pagcacagulo sa plaza. Sinundan n~g canyang m~ga matang nangguiguilalas ang walang tuos na pagpaparoo't parito n~g m~ga tao, at ang m~ga tinig nila'y dumarating sa canyang hagawhaw na lamang.--Isa sa m~ga alilang dumating ang sa canya'y nagbigay alam n~g nangyayari.

Dumaan sa canyang panimdim ang isang isipin. Sa guitna n~g m~ga cain~gayan at caguluhan, sinasamantala n~g m~ga may mahahalay na budhi ang pagcagulat at cahinaan n~g loob n~g m~ga babae; nan~gasisisiticas at nan~gagliligtas sa sarili, sino ma'y walang nacacaalaala sa can~gino man, hindi nariri~nig ang sigaw, hinihimatay ang m~ga babae, nan~gagcacasaguian, nan~gasusun~gaba; dahil sa pagcagulat at pagcatacot ay hindi pinakikinggan ang hibik n~g capurihang nalulugso, at sa calaguitnaan n~g gabi ... ¡at pagca nagcacaibigan! Tila mandin nakikinikinita niyang calong ni Crisostomo si María Clarang hindi nacamamalay-tao, at sila'y nan~gawala sa cadiliman.

Lumulucsong nanaog sa m~ga hagdanan, walang sombrero, walang bastón at parang sira ang isip na tinu~ngo ang plaza.

Nasumpun~gan niya roon ang m~ga castilang pinagwiwicaan ang m~ga sundalo, canyang tiningnan ang m~ga upuang kinalalagyan ni María Clara at n~g canyang m~ga caibigan, at nakita niyang wala na sila roon.

--¡Padre Cura! ¡padre Cura!--ang sigawan sa canya n~g m~ga castila; n~guni't hindi niya pinansin sila. Doo'y nacahin~ga siya: nakita niya sa manipis na tabing na naroon ang isang anino, ang carapatdapat sambahing anino, ang puspos n~g biyaya at calugodlugod na pan~gan~gatawan ni María Clara, at ang sa canyang tía na may dalang m~ga taza at m~ga copa.

--¡Magaling na lamang!--ang canyang ibinulong,--tila mandin walang nangyari cung di ang pagcacasakit lamang.

Sinarhan ni tía Isabel, pagcatapos ang m~ga capis n~g bintana, at hindi na napakita ang caibig-ibig na anino.

Lumayo sa lugar na iyon ang cura, na di man lamang nakikita ang caramihan. Nalaladlad sa harap n~g canyang m~ga mata ang cagandagandahang pan~gan~gatawan n~g isang dalaga, na tumutulog at humihin~ga n~g catamistamisan; naliliman ang bubong n~g m~ga mata n~g mahahabang pilicmata, na ang calantican ay tulad sa m~ga pilicmata n~g m~ga Virgen ni Rafael; n~gumin~giti ang maliit na bibig; nalalarawan sa boo n~g pagmumukhang yaon ang pagca Virgen, ang calinisang wagas, ang pagca walang malay casalanan; ang pagmumukhang iyo'y isang lubhang matimyas na panaguinip sa guitna n~g maputing damit n~g canyang higaan, wan~gis sa isang ulo n~g querubín sa guitna n~g m~ga alapaap.

Nagpatuloy n~g pagcakita ang panimdim ni pari Salví n~g iba't iba pang m~ga bagay ...; ¿n~guni't sino ang macapaglilipat sa papel n~g lahat n~g mapapanimdim n~g isang nag-aalab na budhi?

Marahil ay ang Corresponsal n~g periódico, na winacasan ang pagsaysáy n~g fiesta at n~g lahat n~g m~ga nangyari sa ganitong paraan:

"Macalilibong salamat, walang hangang salamat sa sumapanahon at masicap na pamamag-itan n~g totoong cagalanggalang na si pari fray Bernardo Salví, na hindi kinatacutan ang lahat n~g pan~ganib, sa guitna n~g bayang iyóng nagn~gin~gitn~git n~g galit, sa guitna n~g caramihang wala n~g pinagpipitaganan; waláng bastón, walang sombero'y pinayapa niyá ang m~ga galit n~g caramihan, na waláng ibang guinamit liban na lamang sa canyáng mapanghicayat na pananalita, at ang cadakilaan at capangyarihang cailan ma'y hindi nagcuculang sa sacerdote n~g isang Religión n~g Capayapaan. Linisan n~g banal na religioso ang m~ga catamisan n~g pagcahimbing, na tinatamasa n~g lahat n~g magandang diwa na gaya n~g canyang taglay, upáng mailagang mangyari ang isang munting casacunaan sa canyáng m~ga oveja. Hindi n~ga marahil calilimutan n~g m~ga mamamayan sa San Diego ang ganitong lubhang magaling na guinawa niyá at magpacailan ma'y kikilanlin sa canyang utang na loob!"

=XLI.

DALAWANG PANAUHIN.=

Dahil sa calagayan n~g calooban ni Ibarra'y hindi siya mangyaring macatulog, caya n~ga't n~g upang liban~gin ang canyáng isip at ilayo ang m~ga malulungcot na panimdim na lalong lumalaki n~g di cawasa cung gabí, nagtrabajo siyá, sa napag-iisang canyang "gabinete". Inabot siya n~g araw sa m~ga paghahalohalo at pagbabagaybagay, na doo'y canyáng inilulubog ang capucaputol na m~ga cawayan at m~ga iba pa, na ipinapasoc pagcatapos sa m~ga frascong may m~ga número at natatacpan n~g lacre.

Ipinagbigay alam n~g isang alilang lalaking pumasoc ang pagdating n~g isang taong bukid.

--¡Papasukin mo!--ang canyáng sinabi, na hindi man lamang lumin~gon.

Pumasoc si Elías, na nanatili sa pagcatindig at hindi umiimic.

--¡Ah! ¿cayo po ba?--ang biglang sinabi ni Ibarra sa wicang tagalog, n~g siya'y canyang makita;--ipagpaumanhin po ninyó ang aking pagca pahintay sa inyó, hindi co napansin ang inyóng pagdating: may guinagawa acong isang mahalagang pagtikim....

--¡Ayaw co pong cayo'y abalahin!--ang isinagot n~g binatang piloto; ang unang ipinarito co'y upang sa inyo'y itanong cung cayo'y may ipagbibiling ano man sa lalawigang Batan~gang aking patutun~guhan n~gayon din, at ang icalawa'y upang sabihin co po sa inyo ang isang masamang balita....

Tinanong ni Ibarra n~g mata ang piloto.

--May sakit po ang anac na babae ni capitang Tiago,--ang idinugtong ni Elias n~g sabing mahinahon,--datapuwa't hindi malubha.

--¡Iyang na n~ga ang aking ipinan~gan~ganib!--ang sinabi n~g marahan,--¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang sakít?

--¡Lagnat po! N~gayon, cung wala cayong ipag-uutos....

--Salamat, caibigan co; hinahan~gad cong cayo'y magcaroon n~g maluwalhating paglalacbay ...; datapuwa't bago cayo umalis, itulot po ninyo sa aking sa inyo'y macapagtanong n~g isa; cung sacali't lihís sa tapat na pag-iin~gat n~g lihim ay huwag cayong sumagot.

Yumucod si Elias.

--¿Paano ang inyong guinawa't inyong nasansala ang panucalang gulo cagabi?--ang tanong ni Ibarra na tinititigan si Elias.

--¡Magaang na magaang!--ang isinagot ni Elias n~g boong cahinhinan;--ang namamatnugot n~g gayong kilusa'y magcapatid na nan~gulila sa ama na pinatay n~g guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na mailigtas co sila sa m~ga camay rin n~g m~ga iyong umamis sa buhay n~g canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin n~g utang na loob ang dalawa. Sa canila, aco nakiusap cagabi, at sila naman ang sumaway na sa m~ga iba.

--¿At ang magcapatid na iyan ang canilang ama'y pinatay sa capapalo?...

--Ang cahahanggana'y cawan~gis din n~g ama,--ang isinagot ni Elias n~g marahang tinig;--pagca minsang tinatacan na n~g casacunaan n~g canyang tanda ang isang mag-anac, kinacailan~gang mamatay n~ga ang lahat n~g bumubuo n~g mag-anac na iyan; pagca tinatamaan n~g lintic ang isang cahoy ay naguiguing alaboc na lahat.

At sa pagca't namasdan ni Elias na si Ibarra'y hindi umiimic, siya'y nagpaalam.

N~g nag-iisa na siya'y nawala ang anyong panatag ang loob na canyang naipakita sa harap n~g piloto, at nan~gibabaw sa mukha ang sákit n~g canyang loob.

--¡At aco! ¡acó ang nagpahirap n~g di ano lamang sa babaeng iyan!--ang ibinulong.

Dalidaling nagbihis at nanaog sa hagdanan.

Bumati sa canyá n~g boong capacumbabaan ang isáng maliit na lalaking nacasuut n~g lucsa at may isáng malaking pilat sa caliwang pisn~gi, at pinahinto siyá sa paglacad.

--¿Ano ba ang ibig ninyó?--ang tanong ni Ibarra.

--Guinoo, Lucas ang aking pan~galan, acó ang capatid n~g namatay cahapon.

--¡Ah! ¡Inihahandog co sa inyó ang pakikisama sa inyóng pighati!... at anó pa?

--Guinoo, ibig cong maalaman cung gaano ang inyóng ibabayad sa mag-anac na nan~gulila sa aking capatid.

--¿Ibabayad?--ang inulit n~g binata, na di napiguil ang sama n~g canyang loob;--pag-uusapan na natin itó. Bumalic po cayó n~gayon hapon, sa pagca't nagmamadali acó n~gayón.

--¡Sabihin po lamang ninyó cung gaano ang ibig ninyóng ibayad!--ang pinipilit itanong ni Lucas.

--¡Sinabi co na sa inyóng mag-uusap na tayo sa ibang araw, n~gayo'y wala acong panahon!--ani Ibarrang naiinip.

--¿Wala po cayong panahón n~gayón, guinoo?--ang tanóng n~g boong saclap ni Lúcas, na humalang sa harapan ni Ibarra;--¿wala cayong panahon sa pakikialam sa m~ga patay?

--¡Pumarito na cayó n~gayong hapon, cung ibig ninyóng magbigay-loob!--ang inulit ni Ibarrang nagpipiguil;--n~gayo'y dadalawin co ang isáng taong may sakít.

--¡Ah! ¿at dahil sa isang babaeng may sakit ay linilimot po ninyo ang m~ga patay? ¿Acala ba ninyo't cami'y m~ga ducha'y?...

--Tinitigan siya ni Ibarra at pinutol ang canyang pananalita.

--¡Huwag po sana ninyong piliting ubusin ang aking pagtitiis!--ang sinabi ni Ibarra at ipinagpatuloy ang canyang paglacad. Sinundan siya ni Lucas n~g titig na may calakip na n~giting puspos n~g pagtatanim n~g galit.

--¡Napagkikilalang icaw ang apo n~g nagbilad sa arao sa aking ama!--ang ibinulong;--¡taglay mo pa ang gayon ding dugo!

At nagbago n~g anyo n~g pananalita, at idinugtong:

--¡Datapuwa, cung magbayad ca n~g magaling ... tayo'y magcatoto!

=XLII.=

=ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA.=

Nacaraan na ang fiesta; muli na namang napag-unawa n~g m~ga mamamayan, cawan~gis din n~g lahat n~g taóng nagdaan, na lalo n~g dukha ang cabán, na sila'y nan~gagcapagod, nan~gagpawis at totoong nan~gagpuyat na hindi sila nan~gacapagsayá, hindi sila nan~gagcamit n~g bagong m~ga caibigan, sa isang salita, mahal na totoo ang canilang pagcabili sa m~ga caguluhan at sa m~ga basag-ulo. Datapuwa't hindi cailan~gan; gayon din ang gagawin sa taóng darating, gayon din sa darating na ikasandaang taon, sa pagca't hangga n~gayo'y ito ang siyang naguing caugalian.

Naghahari sa bahay ni capitang Tiago ang malaking capanglawan; nacasara ang lahat n~g m~ga bintana, bahagya na nararamdaman ang paglacad n~g m~ga tao roon sa sahig, sa cocina lamang nan~gan~gahas silang magsalita n~g malacas. Nararatay sa banig at may sakit si María Clarang caluluwa n~g bahay; nababasa ang canyang calagayan sa lahat n~g m~ga mukha, tulad naman sa pagcabasa sa pagmumukha n~g isang tao n~g m~ga dinaramdam n~g canyang caluluwa.

--¿Ano ba sa acala mo Isabel; sa Cruz sa Tunasan ba aco maglimos ó sa Cruz sa Matahong?--ang marahang tanong n~g nababalisang ama.--Lumalaki ang Cruz sa Tunasan, datapuwa't pumapawis naman ang sa Matahong; alin caya sa acala mo ang lalong mapaghimala?

Nag iisip-isip ang tía Isabel, iguinalaw ang ulo at bumulong:

--Paglaki ... lalong malaking himala ang lumaki cay sa pumawis: nagpapawis tayong lahat, n~guni't tayong lahat ay hindi lumalaki.

--Tunay n~ga, siya n~ga, Isabel, n~guni't alalahanin mong ang magpawis.... ang magpawis ang cahoy na guinagawa lamang na paa n~g bangco ay hindi cacaunting himala ... ¡Aba! ang lalong mainam ay maglimos sa dalawang Cruz, sa ganya'y walang maghihinanakit na sino man at lalong madaling gagaling si María Clara ... ¡Mabuti ba ang pagcacahanda n~g m~ga silid? Nalalaman mo n~g casama mag-asawang doctor ang isang bagong guinoong may pagcacamag-anac ni pari Dámaso; kinacailan~gang huwag magculang n~g ano man.

Na sa cabilang dulo n~g "comedor" ang magpinsang si Sinang at si Victoria, na napaparoo't sinasamahan ang may sakit. Tinutulun~gan sila ni Andeng sa paglilinis n~g m~ga cagamitang pilac sa pag-inom n~g chá.

--¿Nakikilala ba ninyo ang doctor Espadaña?--ang tanong na mahigpit cay Victoria n~g capatid sa suso ni María Clara.

--¡Hindi!--anang tinatanong;--ang tan~ging nalalaman co lamang sa canya'y mahal na totoong sumin~gil, ayon cay capitang Tiago.

--¡Marahil totoong magaling siya cung gayon!--ani Andeng;--mahal sumin~gil ang bumutas n~g tiyan ni doña María, caya n~ga marunong.

--¡Haling!--ang biglang sinabi ni Sinang,--hindi ang lahat n~g sumisin~gil n~g mahal ay marunong na. Tingnan mo si doctor Guevara; pagcatapos na di natutong umalalay sa nan~gan~ganac, hanggang sa putulin ang ulo n~g sanggol, sinin~gil n~g limampong piso ang nabaong lalaki ... sumin~gil ang siyang nalalaman.

--¿Ano ang kinalaman mo?--ang tanong sa canya n~g canyang pinsan at siya'y sinicó.

--¿At bakit hindi co malalaman? Ang lalaki, na isang maglalagari n~g cahoy, pagcatapos na siya'y mapan~gulila n~g canyang asawa, napilitan namang mawal-an siya n~g bahay, sa pagca't pinilit siyang magbayad n~g Alcalde, na caibigan n~g doctor ... ¿bakit hindi co malalaman? Pinautang pa siya n~g aking ama upang macapasa Santa Cruz[259].

Isang cocheng tumiguil sa tapat n~g bahay ang siyang pumutol n~g lahat n~g m~ga salitaan.

Nanaog na nagtutumacbo sa hagdanan si capitang Tiago, na sinusundan ni tía Isabel, upang salubun~gin ang m~ga bagong dating.--Ang m~ga nagsidating na ito'y ang doctor na si don Tiburcio de Espadaña, ang canyang guinoong asawang; doctora na si doña Victorina de los Reyes "de" de Espadaña at isang binatang castilang nacalulugod ang mukha at maganda ang kiyas.

Ang sa babaeng pananamit ay isang sutlang "bata" na nabuburdahan n~g m~ga bulaclac, at may isang sombrerong may isang malaking ibong "papagayo" na halos nababayuot sa m~ga cintas na azul at pula; ang nan~gagcacahalong alaboc n~g daan at galapong n~g bigas sa canyang m~ga pisn~gi ang siya manding nagdaragdag n~g canyang m~ga culubot; n~gayo'y inaalalayan sa m~ga bisig ang canyang asawang pilay, na gaya rin n~g siya'y makita natin sa Maynila.

--Ikinaliligaya cong ipakilala sa inyo ang aming pinsang si don Alfonso Linares de Espadaña!--ani doña Victorina na itinuturo ang binata; ang guinoong ito'y inaanac n~g isang camag-anac ni pari Dámaso, tan~ging kalihim n~g lahat n~g m~ga ministro....

Bumati n~g calugodlugod ang binata; unti n~g hagcan ni capitang Tiago ang canyang camay.

Samantalang ipinapanhic ang lubhang maraming m~ga "maleta" at m~ga "saco de viaje", samantalang inihahatid sila ni capitang Tiago sa canicanilang m~ga silid, pag-usapan natin ang ilang bagay na nauucol sa mag-asawang ito, na bahagya na natin napagsalitaanan sa m~ga unang bahagui n~g librong ito.

