Part 31
Samantalang napúpuno n~g táo ang báhay at umaalín~gawn~gáw sa lahát n~g m~ga pánig ang malalacás na yabág n~g m~ga lumalacad, n~g m~ga tínig na naguutos, calampág n~g m~ga sable at n~g m~ga espuela, nahahandusay namáng hálos nacaluhód ang lipós pighatíng dalága sa harapan n~g isáng estempa n~g Vírgen, na ang pagcacalarawa'y yaóng anyô n~g cahapíshapis na pan~gún~gulila, na si Delaroche lámang ang natutong macasipî n~g gayóng damdamin, na wari'y napanood nitó n~g manggaling na si Guinoong Santa María sa pinaglilibin~gan n~g canyáng Anác. Hindî ang pighati n~g Inang iyón ang siyáng iniisip ni María Clara, ang iniisip niyá'y ang saríling capighatîan. Sa pagcâlun~gayn~gay n~g úlo sa dibdíb at sa pagcátiin n~g m~ga camay sa sahig na tabla, ang azucenang hinútoc n~g malacás na han~gin ang canyang nacacatulad. Isáng hinaharáp na panahóng pinanag-inip at hinimashimas na malaon, m~ga sapantahà n~g budhíng sumílang sa camusmusán at lumagong casabay n~g canyáng paglaki at siyang nabibigay casiglahán sa caibuturan n~g canyáng cataóhan, ¡acalaing catcatin n~gayón sa baít at sa púsò sa isá lamang salita. ¡Macacawan~gis itó cung patiguílin n~g tibóc n~g púsò at bawian ang baít n~g canyáng liwánag!
Cung paano ang cabaitan at cabanalan ni María Clara sa canyáng pagcabinyagan, gayón din ang canyáng pagcamasintahin sa canyáng m~ga magugúlang. Hindî lámang nacapagbíbigay tácot sa canya ang excomunión ang utos n~g canyang ama't ang pinagbabalaang catiwasayan nito'y páwang humihin~ging inisin niyá ang canyáng pagsintá at ihayin sa gayóng m~ga dakílang catungcúlan. Dinaramdam niyá ang bóong lacás n~g pagsinta cay Ibarra, na hanggang sa sandaling iyo'y hindî man lamang niyá hinihinalà. N~g minsa'y isáng ilog na umaagos n~g bóong cahinhinan; mababan~gong m~ga bulaclac ang siyang nacalalatag sa canyang m~ga pampan~gin. Bahagyá na napaaalon-alon n~g ban~gin ang canyáng ágos; cung panonoori'y masasabing tumitining. Datapuwa't dî caguinsaguinsa'y cumipot ang dinaraanan n~g ágos, magagaspáng na m~ga malalakíng bató ang siyáng humahadlang sa canyáng paglacad, matatandáng m~ga púnò n~g cáhoy ang siyáng nacahálang na sumasala, ¡ah, n~g magcagayó'y umatún~gal ang ilog, tumindig, cumulô ang m~ga álon, nagwagwag n~g mandalâ n~g m~ga bulâ, hinampás ang malalaking m~ga bató at lumundág sa malálim na ban~gín!
Ibig niyá sanang manalan~gin, n~gunit ¿sino ang macapananalan~gin pagca nagn~gin~gitn~git sa malakíng hirap? Nananalan~gin pagca may pag-asa, at cung wala'y nakikiusap tayo sa Dios, sa pamamag-itan n~g m~ga buntóng hinin~ga.--"¡Dios co! ang sigaw n~g canyáng púsò",--¿bákit inihihiwalay mo n~g ganyán ang isáng táo, bakit ikinácait mo sa canyá ang pagsintá n~g m~ga iba? Hindî mo ikinacait sa canyá ang iyong araw, ang iyong han~gin at hindî mo man lamang itinatagò sa canyáng m~ga matá ang iyong lan~git, ¿bakit ipagcacait mo sa canya ang pagsinta, gayóng walâ mang lan~git, walâ mang han~gin at walâ mang araw ay mangyayaring mabúhay, datapuwa't cung walang pagsinta'y hindî mangyayari cailan man?
¿Dumarating cayâ sa trono n~g Dios ang gayóng m~ga sigaw na hindî naririnig n~g m~ga tao? ¿Naririnig cayâ ang m~ga sigaw na iyón n~g Ina n~g m~ga sawing palad?
¡Ay! ang cahabaghabag n~g dalagang hindî nacakilala n~g isáng ina'y nan~gan~gahas ipagcatiwalà ang m~ga dalamhating itóng nagbubuhat sa m~ga pagsinta sa ibabaw n~g lúpà doon sa calinislinisang púsò na walang nakilala cung di ang pag-íbig n~g anac sa ina at ang pag-íbig sa ina sa anac; tumatacbo siya, sa canyang m~ga cahapisan, diyan sa larawan n~g babaeng dinídios, sa mithing lalong cagandagandahan sa láhát n~g m~ga mithi n~g m~ga kinapal, diyan sa lalong caayaayang likha n~g religion ni Cristo, na natitipon sa canyang sarili ang dalawang lalong cagandagandahang calagayan n~g babae, vírgen at ina, na hindî nalahiran n~g cahi't babahagyang dún~gis, na tinatawang nating María.
--¡Ina!, ¡Ina!--ang canyang hibic.
Lumapit si tía Isabel, na siyang cumuha sa canya sa gayóng pighati. Dumatíng ang iláng canyang caibigang babae at ibig n~g Capitan General na siya'y makita.
--Tía, sabíhin pô ninyóng acó'y may sakít!--ang ipinakiúsap n~g dalagang nagugulat;--¡patutugtugin nilá acó n~g piano at pacacantahin!
Nagtindig si María Clara, tiningnan ang canyang tía, pinilipit ang canyang magagandang bisig at nagsasalitâ n~g pautal:
--¡Oh, cung mayroon sana acóng!...
N~guni't hindî tinapos ang salitâ, at nagpasimulâ n~g paghuhúsay n~g canyang saríling catawan.
=XXXVII.=
=ANG GOBERNADOR GENERAL=
--¡Ibig cong causapin ang binatang iyan!--ang sabi n~g Gobernador General sa isang ayudante;--pinúcaw niyang totóo ang aking nasang siya'y makilala.
--¡May nan~gagsilacad na pô upang siya'y hanapin, aking general! Datapuwa't díto'y may isang binatang taga Maynílà, na mapílit ang hin~gíng siya'y papasúkin díto. Sinabi pô namin sa canyang walang panahon ang camahalan ninyó, at cayó'y hindî naparíto upang dumin~gig n~g m~ga pagsasacdal, cung dî n~g tingnan ang bayan at ang procesión; n~gúni't sumagót, na sa tuwituwî na'y may panahón daw na magagamit ang camahalan pô ninyó upang gumawâ n~g nauucol sa catuwíran....
Linin~gón n~g Gobernador General na nagtataca ang Alcalde.
--Cung hindî pô acó nagcacamalî,--ang sagót n~g Alcaldeng yumucód n~g cauntî,--iyan ang binatang canínang umaga'y nacagalít ni parì Damaso, dahil sa sermón.
--¿Diyata't mayroon pang iba pala? ¿Sinasadyà mandíng talaga n~g fraileng iyang guluhín ang lalawígan, ó baca cayâ ang ísip niya'y siya ang nacapangyayari rito? ¡Sabíhin pô ninyó sa binatang siya'y magtuloy!
Nagpapasial na pabalicbalic sa magcabicabilang dúlo n~g salas ang Gobernador General, na nan~gan~gatal sa galit.
Sa "antesala" (panig n~g bahay na na sa bago pumasoc sa salas) ay may ilang m~ga castilà na nahahalò sa m~ga militar, m~ga namumunò sa bayan n~g San Diego at m~ga mamamayan; sila'y nagsasalitaan ó nagmamatuwírang nagcacalúpon sa iba't ibang pangcat. Nan~garoroon din naman ang lahat n~g m~ga fraile, líban na lámang kay pári Dámaso, at ibig niláng pumások upang maghandóg n~g galang sa Gobernador General.
--Ipinamámanhic sa m~ga camahalan pô ninyong man~gaghintay n~g sandali--anang ayudande;--¡pumasoc pô cayô, binatà!
Namumùtla at nan~gan~gatal na pumasoc ang binatang iyóng taga Maynilà na madalas mámali sa pananalita na pinaghahaló ang griego at ang tagalog.
Pawang napuspós n~g pangguilalás ang lahat marahil, n~ga'y totóong malaki ang galit n~g Gobernador General upang man~gahás na papaghintayin ang m~ga fraile. Nagsalita si pári Sibyla:
--¡Acó'y walang anó mang sasabihin sa canyá!... ¡nagsasayang acó rito n~g panahon!
--Gayón din ang wicà co,--ang dugtong n~g isáng agustino;--¿táyo na?
--Hindî cayâ lalong magaling na ating siyasatin cung papaáno ang canyáng iniisip?--ang tanóng ni pári Salvi;--sa ganya'y maiilagan natin ang m~ga upasala n~g m~ga macaaalam.. at maipaaalaala natin sa canya ... ang canyáng m~ga catungculan ...sa Religión,..
--¡Magtuloy pô ang m~ga camahalan ninyó, cung inyóng ibig!--anang ayudante, na hatid ang binatang hindî nacauunawà n~g griego, na n~gayó'y lumálabas na taglay ang isáng pagmumukháng kinikinan~gan n~g catuwáan.
Naunang pumasoc si párì Sibyla; sa licura'y sumúsunod si pári Salvi, si párì Manuel Martin at ang iba pang m~ga fraile. Silá'y nan~gagsiyucód n~g bôong capacumbabaan, liban na lámang cay párì Sibyla, na pinapanatilì, sampô sa canyáng pagyucod, ang tan~ging anyô n~g isáng nacatataas cay sa ibá; na anó pa't baligtad sa guinawá ni párì Salvi, na halos hinutoc ang bayawang.
--Sino pô sa m~ga camahalan ninyó si párì Dámaso?--ang biglang itinanóng n~g Gobernador General, na hindî man lamang silá pinaupô, hindî silá kinumusta, at hindî silá pinagsabihan niyáng m~ga salitang pangpapúri na pinagcaugaliang tanggapin n~g gayóng m~ga catataas na úring m~ga tao.
--Hindî pô, guinóo, casama namin si párì Dámaso!--ang sagót ni párì Sibyla n~g halos gayón ding masacláp na pananalitâ.
--¡Nacahigâ pô sa baníg at may sakit ang lingcôd n~g camahalan ninyó!--ang idinugtông na bóong capacumbabaan ni párì Salvi;--pagcatapos na magtamó n~g lugód na macabati pô sa inyó at macumusta namin ang inyóng calagayan, ayon sa nararapat gawin n~g lahat n~g mababait na m~ga lingcód n~g Hari at n~g lahát n~g taong may pinag-aralan, naparito pô naman cami sa n~galan n~g mapitagang lingcód ninyó, na may casaliwang palad na....
--¡Oh!--ang isinalabat n~g Capitán General, na pinipihit ang silla sa pamamag-itan n~g isáng páa nitó at saca n~gumiting nan~gan~gatal,--cung ang lahát n~g m~ga lingcód n~g aking camahalan ay catulad n~g camahalan ni parì Dámaso, lalong iibiguin co pang acó na ang maglingcód sa akin ding camahalan!
Ang m~ga cagalangalang na m~ga fraile na pawang nacatayò ang catawan ay nan~gagsisitayò naman ang caniláng cáluluwa sa ganitóng pagcasasalabat.
--¡Cayó po'y man~gagsiupô!--ang idinugtóng n~g Capitán General, pagcatapos n~g sumandaling pagtiguil, at pinatamis n~g caunti ang canyáng pan~gun~gusap.
Lumalacad na patiad si capitang Tiagong nacafrac; hatíd niya't tan~gan sa camáy ni María Ciara, na pumasoc na halos hindî macahacbang at kimíng kimi. Gayón ma'y gumamit n~g calugód-lugód at mapitagang pagyucód.
--¿Ang guinoong binibini pô bang itó ang anac ninyó?--ang tanóng na nagtataca n~g Capitán General.
--¡At inyó pô, aking General!--ang sagót ni capitang Tiago n~g bóong cataimtiman.
--Nan~gasidilat ang Alcalde at ang m~ga ayudante; datapuwa't nanatili sa hindî pagn~gigiti ang Capitán General, iniabot ang camáy sa binibini at sa canyá'y sinabi n~g matimyás na pananalitâ:
--Mapapalad ang m~ga magugulang na may m~ga anác na babaeng gaya pô ninyó, guinoong binibini! Cayó pó'y ibinalita sa aking carapatdapat na cayó'y pagpitaganan at pangguilalasán ... hinan~gad co cayóng makita upang cayó'y pasalamatan dahil sa magandang guinawâ pô ninyo n~gayong araw na itó. Nalalaman cong "lahát" at hindî co lilimutin ang maran~gal ninyóng inasal pagsúlat co sa Gobierno n~g Harî. Samantala'y itulot pô ninyó, guinoong binibini, na pan~galan n~g dakilang Harî na dito'y aking ipinakikiharap, at umiibig n~g "capayapaan" at "capanatagan" n~g canyáng m~ga tapat na loob na nasasacop, at sa pan~galan co naman, na pan~galan n~g isáng amáng may m~ga anác na babaeng casing gúlang pô ninyó, na cayo'y pasalamatan n~g boong ligaya, at ipagtagubiling bigyan n~g isáng ganting pála!
--¡Guinoo!...ang tugón ni María Clarang nan~gan~gatal.
Nahulaan n~g Capitan General cung anó ang talagang ibig niyang sabihin at sumagót:
--Totoó pong magaling, guinoong binibini, na cayó'y magcasiya sa galák n~g inyóng sarilíng budhî at sa pagmamahal n~g inyóng m~ga cababayan, na ang catunaya'y siyá n~gang lalong magaling na ganting pála, at hindi na tayo dapat humin~gi pa n~g iba. Datapuwa't huwag pò ninyóng ikait sa akin ang magandang pagcacataong aking maipakilala na, cung marunong magparusa ang Justicia'y marunong di namang gumanting pála, at siya'y hindî parating "bulág."
Sinalità n~g Capitan General sa isáng paraang macahulugan at lalong malacás ang lahát n~g m~ga salitang napapaguitanan n~g lambál na coma.
--Naghihintay po n~g m~ga utos n~g camahalan ninyo si guinoong Juan Crisostomo Ibarra!--ang malacas na sabi n~g isang ayudante.
Nan~gatal si Maria Clara.
--¡Ah!--ang biglang sinabi n~g Capitan General,--tulot po ninyo, guinoong binibini, na sa layo'y sabihin ang aking nais na cayo'y muli cong makita bago co iwan ang bayang ito: mayroon pa po acong totoong mahahalagang bagay na sa inyo'y aking sasabihin. Guinoong Alcalde, sasamahan po ninyo aco sa boong aking pagpapasial na ibig cong gawing lácad, pagcatapos n~g pakikipagsalitaan cay guinoong Ibarra, na cami lamang dalawa ang mag-uusap.
--Itulot pô n~g camahalan ninyo,--ani pari Salvi n~g boong capacumbabaan, na sa inyo'y ipaalaalang si guinoong Ibarra'y excomulgado....
Sinalabat siya n~g Capitan General at ito ang sinabi:
--Lubos cong ikinatutuwang walang iba acong dapat ipamanglaw cung di ang calagayan ni pari Damaso, na aking hinahan~gad n~g "taimtim sa aking loob" na siya'y "ganap na gumaling," sa pagca't hindi marahil lubhang macapagpapasaya n~g loob sa canyang gulang ang isang "paglalacbay sa España," dahil sa caramdaman n~g canyang catawan. Datapuwa't ito'y maalinsunod sa canyá ... at samantala'y in~gatan nawâ n~g Dios ang inyong m~ga camahalan!
Nan~gagsialis ang isa't isa.
--At tunay n~gang maaalinsunod sa canya!--ang ibinúbulong ni párì Salvi, paglabás.
--¡Tingnan natin cung sino ang mauunang maglalacbay agad!--ang Idinugtóng n~g isa pang franciscano.
--¡Yayao aco n~gayon din!--ang sabing masama ang loob ni párì Sibyla.
--¡At cami paparoon sa aming lalawigan!--ang sinabi n~g m~ga agustino.
Hindi matiis n~g isa't isa, sa dahil na masamang cagagawan n~g isang franciscano'y kinausap sila n~g Capitán General n~g malakíng calamigán.
Nasalabong nila sa antesala si Ibarra, na sa canila'y nagpacaing iilan pa lamang ang oras na nacararaan. Hindî sila nagbatian, n~guni't nagcaroon n~g m~ga tin~ginang lubhang marami ang sinasaysay.
Iba naman ang guinawa n~g Alcalde; n~g walâ na roon ang m~ga fralle'y binati siyá at maguiliw na iniabot sa canya ang camáy, datapuwa't hindî sila nacapagsalitaan n~g ano man, dahil sa pagdating n~g ayudante.
Nasalubong niya sa pintuan si Maria Clara: maraming bagay rin ang m~ga sinabi n~g titigang guinawa n~g dalawa, n~guni't ibang iba sa m~ga sinalita n~g m~ga mata n~g m~ga fraile.
Humacbang n~g ilang patun~gó sa canya ang Capitan General.
--Lubós na lubós ang aking galac sa aking mahigpit na pakikicamay sa inyó, guinoong Ibarra. Itulot pô ninyó sa aking cayó'y tanggapin co n~g boong pagpapalagay n~g loob.
Tunay n~ga namang pinanonood at pinagmamasid ang binata n~g Capitán General na napagkikilala ang canyang catuwaan.
--Guinoo ... ang ganyang pagcalakilaking cagandahan n~g loob....
--Nacasusugat sa akin ang inyóng pagtataca, inyóng ipinakikilala sa aking hindî ninyó inaasahang cayó'y pagpapakitaan co n~g magandang loob sa pagtanggap co sa inyó: itó'y pagcuculang tiwalâ sa aking pagmamahal sa catuwiran.
--Hindî pô pagbibigay n~g catuwiran, guinoo, cung di pagpapautang n~g loob ang isáng pagtanggap--catoto sa isang gaya cong walang anó man cahulugang sumasailalim n~g capangyarihan n~g mahal na Harì.
--¡Mabuti, mabuti!--anang Gobernador General na naupo at tulóy itinurò sa canyá ang isáng upuan;--bayaan ninyóng acó'y magtamó n~g sandaling pagbubucás n~g pusò; totoong malaki ang aking pagcalugód sa inyóng caasalan; caya n~ga't cayó'y inihin~gi co na sa Gobierno n~g Harì n~g isáng ganting palang dan~gal (condecoración), dahil sa caisipan ninyóng pagcacaawang gawang pagtatayó n~g isáng páaralan ... Cung nagsalitâ lamang cayó sa akin, pinanood co sana n~g boong tuwâ ang pagdidiwang na guinawâ at marahil ay nailigtas co cayó sa isáng sama n~g loob.
--Sa ganang aki'y ipinalalagay cong napacaliit ang aking adhicâ,--ang isinagót n~g binata,--na hindi co inacalang may cauculáng carapatan upang abalahin co ang inyóng caisipan na lubháng maraming pinan~gan~gasiwaan; bucód sa ang catungculan co'y sa unang punò n~g aking lalawigan magsalitâ muna.
--Iguinaláw n~g Capitan General ang canyáng úlo, na nagpapakilala n~g canyáng ligaya, at nalalao'y lalong gumagamit n~g anyóng pagpapalagay n~g loob, at nagpatuloy n~g pananalità:
--Tungcól sa samaan n~g loob na nangyari sa inyó at kay párì Dámaso, huwag pô cayóng matatacot at huwag din namang mag-iin~gat n~g pagtatanim hindî sásalan~gin ang isá man lámang buhóc ninyó sa úlo samantalang acó ang namamahalà sa Kapulúan, at tungcól naman sa excomunión, cacausapin co na ang Arzobispo, sa pagca't kinacailan~gang makibagay tayo sa lacad n~g panahón: dito'y hindî tayo macapagtatawa sa m~ga bagay na itó sa hayagang gaya sa España ó sa paham na Europa. Gayón ma'y dapat cayóng magpacain~gat sa hinaharap na panahón; nakipagtunggali cayó n~g paharapan sa m~ga capisanang dahil sa caniláng cahulugan at cayamana'y kinacailan~gang siya'y igalang. N~guni't cayó'y aking tatangkilikin, sa pagca't kinalulugdan co ang m~ga mababait na anác, kinalulugdan co ang magbigay unlác sa capurihán n~g m~ga namatay n~g magulang; acó man nama'y umibig din sa aking m~ga magúgulang, at ¡tulun~gan acó n~g Dios! hindî co maalaman ang aking gagawin sa calagayan pô ninyô!....
At bigláng bigláng binago ang salitaan, at tumanóng:
--Ibinalitâ sa aking galing daw pô cayó sa Europa, ¿nátira ba cayó sa Madrid?
--Opô, natira acóng iláng buwán doon.
--Hindî ba ninyó naririnig sa m~ga salitaan doon ang aking familia?
--Bagong caaalis pa pó ninyo n~g acó'y magtamó n~g capurihang ipakilala sa inyong familia.
--At cung gayó'y bakit naparito cayó n~g waláng dalá na anó mang súlat na pangtagubilin sa akin at n~g cayó'y aking tangkilikin?
--Guinoo,--ang sagót ni Ibarrang casabay ang pagyucod,--sa pagca't hindî tulóy tulóy na galing aco sa España, at sa pagca't palibhasa'y sinabi sa akin cung anó po ang caugalian ninyó, inaaala cong hindî lamang walang cabuluhan ang isáng sulat na pangtagubilin sa inyóng acó'y inyóng tangkilikin, cung dî naman isáng capaslan~gan pô sa inyó: talagáng natatagubilin sa inyò caming m~ga filipinong lahát.
Nasnaw ang isáng n~giti sa m~ga labi n~g matandang militar, na madalang na muling sumagót, na anaki'y sinusucat at tinitimbang ang canyang m~ga salita:
--¡Ikinaliligaya cong umisip cayo n~g papaganyan, at ... ganyan n~ga sana! Gayón man, binata, dapat pô ninyóng maalaman cung anó ang m~ga mabibigat na bagay na pinapas-an namin sa Fiilpinas, Dito'y caming m~ga matatandang m~ga militar, kinacalian~gang gawin namin at lumagay cami sa lahat; Hari, Ministro n~g Estado, n~g Guerra, n~g Gobernación, n~g Fomento, n~g Gracia at Justicia at iba pa, at ang lalo pang masama'y kinacailan~gan naming ipagtanóng ang bawa't bagay sa malayong Inang Bayan, na sinasang-ayunan ó minamasama, n~g papikit cung minsan, ayon sa casalucuyang panahón, ang aming m~ga panucalang cahin~gian. At ¡bago sasabihin namin m~ga castilang; Ang yumayacap n~g malaki'y hindî nacapipisil na mabuti! Bucód sa rito'y ang caraniwan, napaparito caming bahagya na napagkikilala ang lupaing itó, at iniiwan namin pagpapasimula naming makilala.--Sa inyo'y macapagsasalitá acó n~g walang ligoyligoy, sa pagca't walang cabuluhang magpacunuwari acó n~g ibáng bagay. Caya n~ga cung sa España, na bawa't bagay may ucol na canyáng ministro, na ipinan~ganác at lumaki rin sa lupaíng iyón; na may m~ga pámahayagan at napagkikilala ang munacala n~g m~ga mamamayan, na iminumulat at ipinauunawa sa Gobierno ang canyáng m~ga camalian n~g canyá ring m~ga camáy, gayón ma'y hindî wastô at maraming totoo ang m~ga caculan~gan, isáng himala na dito'y hindî magcaguló-gulong lahát, sa caculan~gan n~g m~ga cagalin~gang sinabi co na, bucód sa rito'y may isáng macapangyarihang caaway na humahadlang sa lihim sa icagagaling nitong Kapuluan at lumulubid sa cadiliman n~g icahihintó nitó sa pagsúlong sa guinhawa at dan~gal. Hindî nagcuculang n~g magagandang panucalà ang m~ga namamamahala, n~guni't napipilitan camíng gumamit n~g m~ga matá at m~ga bisig n~g ibá na ang caraniwa'y hindî namin kilala, na marahil hindî ang paglilingcód sa canyang sariling Bayan ang guinagawâ, cung dî ang paglilingcód lamang sa sariling iguiguinhawa. Ito'y hindî casalanan namin, cung dî sa calacaran n~g panahón; hindî cacaunti ang naitutulong sa amin n~g m~ga fraile, datapuwa't hindî na macasasapát silá ... Ibig cong ipagmalasakit cayó, at ibig co sanang huwag macapagpahamac sa inyó n~g anó man ang m~ga caculan~gan n~g casalucuyang sinusunod naming pamamahalà ... hindî co mangyaring maampon ang lahat, at hindi namán macapagsacdal na lahát sa akin. ¿May magagawâ pô ba acó sa inyóng mapakikinaban~gan ninyó cahi't cacaunti? ¿mayroon pô ba cayóng anó mang ibig hin~gi sa akin?
Nagnilay-nilay si Ibarra.
--Guinoo,--ang isinagót,--ang lalong malaking nais co'y ang ililigaya nitóng aking bayan, ligayang ibig co sanang maguing cautan~gan niya sa Inang Bayan, at sa pagpupumilit n~g aking m~ga cababayan, at mabigkisán ang Inang Bayan at ang aking m~ga cababayan n~g waláng hanggang tali n~g nagcacaisang m~ga adhicá at n~g nagcacaisang m~ga pag-aari. Ang Gobierno lámang ang macapagbibigay n~g aking cahin~gian, pagcatapos n~g mahabang panahóng laguing pagsusumakit at n~g tapat na m~ga pagbabago n~g m~ga cautusán.
Tinitigang sandalî n~g Capitán General, titig na tinumbasán ni Ibarra n~g gayón din catagal na titig.
--¡Cayó pô ang unang lalaking nacausap co sa lupaing itó!--ang bigláng sinabi at iniabot sa canyá ang camáy.
--Walâ pô cayóng nakikita cung dî ang m~ga táong dito sa ciudad ay humihilahod, hindî pô ninyó nadadalaw ang pinararatan~gang m~ga dampá sa aming m~ga bayan; cung mamasid pô sana ninyó sila'y macacakita cayó n~g tunay na may magandang púsò at m~ga dalisay na caasalan.
Nagtindig ang Capitán Ganeral at nagpasyál n~g pacabícabila sa sálas.
--Guinóong Ibarra,--ang pagdaca'y sinábi, na bigláng tumíguil,--ang bináta'y tumindig;--maráhil yayáo acó sa lóob n~g isáng buwán; hindî nauucol sa inyóng báyan ang patacbó n~g inyóng isip at ang inyóng pinag-arálan. Ipagbili pô ninyó ang lahát ninyóng m~ga ariarian, paghusáyin ninyó ang inyóng cabán n~g damit at sumáma cayó sa akin sa Europa; ang sin~gáw n~g lúpà roo'y macagágaling sa inyó.
--¡Hindî co calilimutan hanggang nabubuhay ang magandang loob na pakita sa akin n~g inyó pong camahalan! ang isinagot ni Ibarrang nababagbag n~g caunti ang calooban;--datapuwa't dapat acóng tumirá sa lupaing kinabuhayan n~g aking m~ga magugulang.....
--¡Kinamatayán nilá, ang lalong carapatdapat ninyóng sabíhin! Maniwalà pó cayó sa akin, marahil higuít ang aking pagcakilala sa inyóng lupaín cay sa inyó ... ¡Ah! maalaala co palá,--ang canyang bigláng sinábi na nagbago n~g anyô n~g pananalitâ,--¡cayó'y mag-aasawa sa isáng dalagang carapatdapat sambahín, ay biníbinbín sa cayó dito! ¡Humayó cayó! ¡humayó cayó sa canyang tabí at n~g lalo cayóng magcaroon n~g calayaan ay paparituhin ninyó sa akin ang canyáng amá,--ang idinagdág na nacan~gitî.--Gayón ma'y huwág ninyóng lilimuting ibig cong samáhan ninyó acó sa pagpapasyál.
Yumucód si Ibarra at yumáo.
Tináwag n~g Capitán General ang canyáng ayudante.
--¡Nagágalac acó--anyá, na tinatapictapíc ang balicat n~g ayudante;--n~gayón co lamang nakita cung paano ang paráan upang maguíng isáng magaling na castilà, na hindî kinacailan~gang talicdán ang pagca magalíng na filipino, at sintahín ang canyáng sariling báyan; sa cawacasa'y naipakilala co n~gayón sa m~ga fraile na hindî larûan nilá ang lahát sa atin; ¡binigyáng bútas acó n~g binátang itó sa paggawa n~g gayón, at hindî malalao't mabibigyan co n~g tapat na tumbás ang fraile! ¡Sáyang at ang binatang iya'y balang araw ay ... datapuwa't paparituhin mo ang Alcalde sa akin!
Humaráp caracaraca sa canyá ang Alcalde.
--Guinoong Alcalde,--ang sinábi sa canya pagpasoc niya,--n~g mailagang mangyari uli ang "napanood" n~g camahalan pô ninyóng m~ga "cagagawan", m~ga cagagawang dinaramdam co, palibhasa'y "nacasisirang púrì" sa Gobierno at sa lahat n~g m~ga castilà, nan~gan~gahas acóng ipagbílin sa inyó n~g "totoong mahigpit" si guinoong Ibarra, upang hindî lamang ipagcaloob ninyó sa canya ang m~ga kinacailan~gan at n~g maganap niyá ang canyang m~ga panucalang nauucol sa icapagcacapúrì n~g Inang-Bayan, cung dî naman ìpan~gilag ninyó sa hinaharap na panahóng siya'y bagabaguin n~g taong sino man at sa dahilang paano mang paraan.
Napag unawà n~g Alcalde ang sa canya'y pagsisi, caya n~ga't siya'y yumucód upang mailihim ang cagulumihanan n~g canyang lóob.
Ipasabi pô ninyó ang gayôn dín sa alférez na siyang nag-uutos dito sa "sección", at inyó pong siyasatin cung túnay n~gang may m~ga tan~ging cagagawang sarilí ang guinóong iyan, na hindî sinasabi n~g m~ga "reglamento": hindî lamang íisang carain~gan ang aking narin~gig tungcól sa ganitóng bagay.
Humarap si capitang Tiagong matigas ang damít na magaling ang pagcacaprinsa.