Noli Me Tangere

Part 26

Chapter 26 4,129 words Public domain Markdown

Pagcakita sa cura, iniunat n~g musmós ang canyáng maliliit na bísig, tumawa niyáng táwang hindî nacapagbibigay sákit at hindî namán pighati ang nacapagpapatawá, at sumigáw n~g pautál sa guitna n~g isáng sandalíng catahimican: ¡Tá ...tay! ¡Tatay! ¡Tatay!

Kinilabutan ang dalaga, dalidaling inilagay ang canyang camay sa ibabaw n~g bibig n~g sanggól na lalaki at patacbóng lumayô roong taglay ang totoong malaking cahihiyan. Umiyác ang bátà.

Nan~gagkindatan ang m~ga mapaghinala, at nan~gagsin~gití ang m~ga castilang nacamasid n~g gayóng maiclíng pangyayari. Naguing pulá ang catutubong pamumutla ni Párì Salví.

At gayón ma'y wala sa catuwiran ang táo: hindî man lamang nakikilala n~g cura ang babaeng iyón, siya'y taga-ibang bayan.

=XXX.=

=SA SIMBAHAN.=

Mulâ sa isá hanggang sa cabiláng dúlo'y punô ang camálig na ípinalalagá'y n~g m~ga táong yaó'y bahay n~g Lumaláng sa lahát.

Nan~gagtutulacán, nagsisicsican, nan~gagdudurugan ang isá't isá, at nan~gagdarain~gan ang iláng lumálabas at ang maraming nagsisipasoc. Malayò pa'y iniuunat na ang camáy sa pagbabasâ n~g m~ga dalirì n~g túbig na bendita, n~guni't caguinsaguinsa'y dumárating ang isáng álon n~g pagtutulacán at napapalayô ang camay: Naririn~gig pagca nagcacagayon ang isáng án~gil, nagmúmura ang isáng babaeng nayapacan, datapuwa't hindî tumitiguil ang pagtutulacán. Ang iláng matandang lalaking naisasawsaw ang m~ga dalirì sa tubig na iyóng culay pusalí na, palibhasa'y naghúgas n~g camáy roon ang boong báyan, bucód pa sa m~ga taga-ibáng báyang doo'y dumarayo, ipinapahid ang túbig na iyón n~g boong pamimintacasi, baga mán sila'y nahihirapan dahil sa casicpán, sa caniláng bátoc, sa puyó, sa noo, sa ilóng, sa babà, sa dibdib at sa púsod, sa caniláng pananalig na sa gayó'y caniláng nabebendita ang m~ga bahaguing iyón n~g catawán, bucód sa hindî silá magcacasakit n~g paninigás n~g liig, n~g sakít n~g úlo, n~g pagcatuyô, n~g hindî pagcatúnaw n~g kinacain. Ang m~ga cabataan, marahil sa sila'y hindî totoong masasactín ó baca cayâ naman hindî silá naniniwala sa mahal na gamót na íyón, bahagyâ na niláng binabasâ ang cáduloduluhan n~g caniláng daliri--at n~g walang anó mang masabi sa canilá ang m~ga mapamintacasing tao,--at cunuwa'y canilang ipinapahid sa caniláng noó, na, ang catotohana'y hindî nilá isinasayad. "Marahil n~ga'y bendita ang túbig na iyán at taglay ang lahát n~g m~ga sinasabi",--ang iniisip marahil n~g sino máng dalaga,--"n~guni't may isáng culay na" ...!

Bahagyâ na macahin~gá roon, mainit at amóy háyop na dalawá ang páa; datapuwa't catumbás n~g lahá't n~g pagcacahirap na iyón ang magsesermong as sermông yao'y dalawang daa't limampung piso ang bayad n~g bayan. Ito ang sinabì n~g matandáng Tasio.

--¡Dalawang daa't limampung piso ang bayad sa isang sermôn! ¡Isá lamang táo at sa minsan lamang na paggawâ! ¡Ang icatlóng bahagui n~g ibinabayad sa m~ga comediante na mangagpapagal sa loob n~g tatlóng gabí!... ¡Tunay n~ga marahil na cayo'y mayayaman!

--¿At bakit namán mawawan~gis ang bagay na iyán sa isáng comedia?--ang isinagót na masamá ang loob n~g mapúsoc na maestro n~g m~ga Hermano n~g V.O.T.; ¡nacahuhulog n~g m~ga caluluwa sa infierno ang comedia, at nacapapasalan~git ang sermón! Cung humin~gi siyá n~g sanglibo'y babayaran din namin, at kikilalanin pa naming utang na loob ...

--¡Cahi ma't comedia, cung sa ganáng akin!--ang isinisigaw naman sa galit n~g isá.

--¡Naniniwalà acó, palibhasa'y magalíng na totoo ang inyóng pagca unawà sa kinauuculan n~g comedia at n~g sermón!

At yumao ang pusóng, na hindî inalumana ang guinagawâ n~g magagaliting maestro na m~ga paglait at masasamang húlang mangyayari sa daratning búhay ni matandáng Tasio sa hinaharáp na panahón.

Samantalang hinihintay ang Alcalde, nágpapawis at naghihicab ang m~ga tao; iguinagalaw sa han~gin ang m~ga paypáy, m~ga sombrero at m~ga panyô; nan~gagsisigawan at nan~gag-iiyacan ang m~ga batà, bagay nagbíbigay pagál sa m~ga sacristan na pagpapalabas sa m~ga batang iyón sa simbahan. Ang gawáng ito'y siyang umaakit sa pagdidilidili n~g matalas na caisipan at malumanay na maestro n~g Cofradía n~g Santisimo Rosario:

--"Pabayaan ninyóng lumapit sa akin ang m~ga báta," anáng áting Pan~ginoong Jesucristo, n~guni't dito'y dapat n~g unawaing yaó'y ucol lamang "sa m~ga batang hindî umiiyac."

Ganitó ang sinasabi n~g isá sa m~ga matatandang babaeng nanánamít n~g guingón, si Hermana Pute bagá, sa isáng babaeng may anim na taón na ang gúlang na canyáng apó, na nacaluhód sa canyáng tabi:

--¡Condenada! ¡itahimic mo ang iyóng isip, at macaririnig ca n~g isáng sermóng gáya n~g sa Viernes Santo!

At sacâ pinacacurotcurót, na anó pa't pinucaw ang cabanalan n~g batang babae, na ikinibit ang mukhâ, pinahabà ang n~gúso at pinapagcunót ang m~ga kílay.

Humihimláy ang iláng m~ga lalaking nacapaningkayád sa tabí n~g m~ga confesionario. Ang acalà n~g ating matandang babaeng nagn~gun~gun~guya n~g m~ga dasal at pinatatacbó sa canyáng m~ga dalírì ang m~ga butil n~g canyáng cuintás, na ang guinágawang pagtan~gô n~g isáng matandáng lalaking malaki ang pag-aantoc, ay talagáng gayón ang lalong magalíng na pagsang-ayon sa m~ga calooban n~g Lan~git, caya't ang guinawâ niya'y untitunti niyáng guinagád ang gayóng anyô.

Na sa isáng sûloc si Ibarra; nacaluhód si María Clara sa malapit sa altar mayor, sa isáng lugar na nagmagandang loob ang curang paalsan n~g m~ga tao sa pamamag-itan n~g m~ga sacristán. Nacaupô si capitang Tiagong nacasúot n~g frac sa isá sa m~ga bangcóng laan sa m~ga pinunò, dahil sa bagay na itó'y ang isip n~g m~ga insíc na sa canyá'y hindî nacakikilala'y gobernadorcillo rin siyá cayá't hindî nan~gan~gahás na sa canyá'y lumapit.

Sa cawacasa'y dumating ang Alcalde na casama ang canyáng Estado Mayor, (ang m~ga guinoong sa canyá'y umaacbay), doon sa sacristía silá nagmulà at siyá'y lumucloc sa isá sa m~ga maiinam na m~ga sillóng nacapatong sa ibabaw n~g isáng alfombra. Pangdakilà ang casuutan n~g Alcalde at sa canyá'y nacalagáy ang banda ni Cárlos III at apat ó limáng m~ga condecoración (m~ga saguisag na inilalagáy sa dibdib, tandâ n~g sa nagdadala'y pagbibigay unlác n~g isáng harì ó n~g cataastaasang pûnò sa isáng nación.)

Hindî siyá nakikilala n~g bayan.

--¡Abá!--ang bigláng sinabi n~g isáng tagabukid; ¡isáng civil na nacasuot comediante!

--¡Tangá!--ang isinagót n~g canyáng calapit at siyá'y sinicó;--¡iyán ang principe Villardo na ating nakita cagabí sa teatro!

Tumaas n~gâ ang calagayan n~g Alcalde sa m~ga matá n~g báyan at siyá'y ipinalagay na encantadong principe, na nácapanalo sa m~ga gigante.

Nagpasimula ang misa. Nagsitidindig ang m~ga nauupô, ang m~ga natutulog ay nan~gáguisíng dahil sa cacacampanilla at sa matunóg na voces n~g m~ga cantór. Tila totoong natutuwâ si Párì Salví, baga man siyá'y may mukhang walang caibigan, sa pagca't sa canyá'y naglilingcód na diácono at subdiácono ang dalawá pa namáng agustino.

Bawa't isá'y nagcantâ, n~g dumatíng ang úcol na panahón, baga man humiguit cúmulang na nagdaraan sa ilóng ang caniláng voces at malabò ang pan~gun~gusap, liban na lamang sa nagmimisa na may pagca nan~gin~ginig ang voces at hindî mamacáilang nasirà ang tono, na anó pa't malaki ang ipinagtataca n~g m~ga táong sa canyá'y nacakikilala. Gayón ma'y gumágalaw siya n~g makinig na anyô at hindî nag-aang-ang; ikinácanta ang "Dominus vobiseum" n~g taimtim sa loob, ikinikiling n~g caunti ang úlo at tumitin~gala sa "boveda," (bubun~gan n~g simbahan). Sa pagmamasid n~g pagtanggáp niyá n~g asó n~g incienso, masasabing totoo n~gâ ang sabi ni Galeno, na naniniwaláng pumapasoc daw ang úsoc sa bao n~g úlo, pagcaraan sa bútas n~g ilóng na ang tulóy ay sa salaang but-ó, sa pagca't siya'y lumilindig, iniiling-ay ang úlo sa lícod, pagcatapos ay lumalacad na patun~gó sa guitnâ n~g altar n~g lubháng malakíng pagmamakisig at caguilasan, hanggang sa acalain ni capitan Tiagong daig niya sa cagalin~gang cumíyà ang comedianteng insíc n~g gabing nagdaang nacadamít emperador, may pintá ang mukhâ may maliliit na bandera sa licód, ang balbás ay buntót n~g cabayo at macapal ang "suclas" n~g sapín.

--Hindî n~gâ mapag-alinlan~ganan, higuit ang camahalang umanyô n~g isáng cura namin cay sa lahat n~g m~ga emperador.

Sa cawacasa'y dumating ang pinacananasang sandali na marinig, na si Párì Dámaso. Nan~gagsiupô sa caniláng m~ga sillón ang tatlóng sacerdote, na ang anyó'y nacapag-bibigáy ulirán sa cahinhinan, ayon sa sasabihin marahil n~g may malinis na caloobang "corresponsal;" tinularan silá n~g Alcalde at ibá pang m~ga taong may vara at may bastón; humintô ang música:

Pamucaw ang paghaliling iyón n~g catahimican sa úgong sa ating matandáng Hermana Pule, na humihilic na, salamat sa música. Túlad cay Segismundo ó gaya n~g "cocinero" sa kinathang búhay ni Dornroscheu, ang unang guinawa pagcaguising ay tuctucan ang canyáng apóng babae, na nacatulog din. Ito'y umatun~gal, datapuwa't pagdaca'y nalibang n~g makitang nagdaragoc sa dibdib ang isang babae sa lubós na pananalig at sa caalaban n~g loob.

Pinagsicapan n~g lahat na maipacaguinhawa n~g anyô; naningcayad ang m~ga waláng bangcô, umupô sa lupà ó sa caniláng sariling paa ang m~ga babae.

Tináhac ang caramihan ni Párì Dámaso, na pinan~gun~gunahan n~g dalawáng sacristan at sinusundan n~g isáng capuwa niya fraileng may daláng isáng malaking cuaderno. Nawala siyá pagpanhíc sa hagdanang palicawlicaw, n~guni't pagdaca'y mulíng sumipót ang canyáng mabilog na úlo, pagcatapos ay ang canyáng macacapal na bátoc at sumunod agad-agad ang canyáng catawan. Tumin~gin sa magcabicabila n~g boong capanatagan n~g loob at uubo-ubó; nakita niya si Ibarra. Ipinahiwatig niya sa isáng tan~ging kiráp, na hindî calilimutan sa canyáng m~ga pananalan~gin ang casintahan ni María Clara; tinitigan n~g tin~ging may towa si Párì Sibyla at saca niya sinulyap n~g tin~gíng calakip ang pagpapawalang halagá si Párì Manuel Marsing cahapo'y nagsermón. N~g matapos ang ganitóng pagsisiyasat; linin~gon ang casama n~g paalimís at sa canyá'y sinabi: "¡Magpacatalino, capatid!"--Binucsan nitó ang cuaderno.

Datapuwa't carapatdapat na isaysay sa isáng bahaguing bucód ang sermóng itó. Isáng binatang nag aaral n~g panahóng iyón n~g taquigrafia at malakíng totoo ang pagcalugód sa m~ga dakilang mananalumpati ang siyáng umalalay n~g pagtititic samantalang nagsasaysay si Párì Dámaso; at salamat sa ganitóng guinawa'y mailalagdâ namin dito ang isáng bahagui n~g pan~gan~garal tungcól sa religión sa m~ga lupaing iyón.

=XXXI.=

=ANG SERMON.=

Nagpasimulâ si Párì Dámaso, n~g madalang at mahinang pan~gun~gusap:

"Et spiritum tuum honum dedisti, qui doceret eos, et manna tuum non prohibuisti ab ore corum, et aquam dedisti eis in siti".--"At ibinigay mo sa canilá ang espíritu mong magaling upang caniláng iturò at hindî mo inalís sa caniláng bibig ang iyóng maná at binigyán mo silá n~g tubig sa caniláng pagcauhaw!"

"M~ga salitang ipinan~gusap n~g Pan~ginoon sa pamamag-itan n~g bibig ni Esdras, icalawáng aclát, icasíyám na bahagui, icadalawampong tulâ."

Sa udyóc n~g pangguiguilalás ay sinulyáp ni Párì Sibyla ang nagsesermón; namutla at lumun-oc n~g laway sa Párì Manuel Martin: marikit ang sermóng iyón cay sa canyáng sermón.

Ayawan cong nahiwatigan ni Párì Dámaso ang gayóng bagay ó baca cayâ naman talagang namamaos pa, datapuwa't ang guinawa niya'y umubóng macailan at ikinapit ang dalawang camáy sa palababahan n~g púlpitong mahal. Sumása tapat n~g canyáng úlo ang Espiritu Santo na bago lamang capípinta: maputi, malinis at culay rosa ang maliliit na paa at ang tucâ.

"¡Cárilagdilagang Guinoo (sa Alcalde), cábanalbanalang m~ga sacerdote, m~ga cristiano, m~ga capatid cay Jesucristo!"

Gumawa rito n~g dakiláng paghintô, at maling inilacad niya ang canyáng panin~gin sa m~ga nakikinig, at sa canya'y nacagalác ang pag-ulinig sa canya at canilang taimtim na pagtahimic.

Wicang castilà ang unang bahagui n~g canyáng sermón at wicáng tagalog ang icalawang bahagui: "loquebantur omnes linguas".

Pagcatapos n~g m~ga ¡oh! at ô n~g paghinto dakilang iniunat niya ang canyang canang camáy sa dacong altar at tumitig sa Alcalde, naghalukipkip pagcatapos, na waláng anó mang sinasabi; n~guni't caguinsaguinsa'y inihalili sa mahinhing kilos ang cagalawán, iniling-ay sa licód ang úlo, itinuró ang dacong pintóng malakí na pinutol ang han~gin sa pamamag-itan n~g taguiliran n~g camáy n~g boong cabilisán, hanggang sa acalain n~g m~ga sacristang ang cahulugán n~g gayong galáw ay ipinag-uutos sa caniláng ísará ang m~ga pinto, at gayón n~ga ang caniláng guinawâ; nagdamdam ligalig ang alférez at nag-alinlan~gan cung siyá'y lálabas ó hindî; datapuwa't nagpapasimulá na ang nagsesermón n~g pananalitang malacás, punô at mataguinting: tunay n~ga palá namáng totoong matalinò sa panggagamót ang dating canyáng tagaalagang babae.

"¡Nagniningning at cumikislap ang altar, malapad ang malaking pintô, ang han~gin ang sasacyan n~g santong wica n~g Dios na búbucal sa aking bibig, pakinggán n~ga ninyó n~g m~ga pangdin~gig n~g caluluwa at n~g púsò at n~g hindî man~galaglag ang m~ga salitâ n~g Pan~ginoon sa lupang batuhán at canin n~g m~ga ibon sa Infierno, cung dî ang cayó'y lumagô at sumibol na catulad n~g isáng santong binhî sa lináng n~g ating cagalanggalang at huwad sa serafing Amáng si San Francisco! Cayóng m~ga malalaking macasalanan, m~ga bihag n~g m~ga moro n~g cálolowa, na siyang lumalaganap sa m~ga dagat n~g waláng hanggang búhay, na pawang nacalulan sa macapangyarihang m~ga sasacyán n~g sa táong catawán at n~g m~ga lugód sa búhay na itó, cayóng hindî magcandadala n~g m~ga tanicalâ n~g mahahalay na hilig at n~g m~ga calibugan, at nan~gagsisigaod sa daóng n~g taga Infiernong si Satán, masdán ninyó riyan n~g mapitagang pagcahiyâ ang tumutubós sa m~ga cálolowa sa pagcabihag n~g demonio, ang matapang na Gedeón, ang malacás na loob na David, ang mapagwaguing Roldan n~g cacristianohan, ang tagalan~git na guardia civil, na higuít ang catapan~gan sa lahat n~g m~ga guardia civil cahi't pagsamasamahin ang m~ga guardia civil n~gayón at ang sa búcas pa".--(Pinapagcunót n~g alférez ang noo)--"Siya n~gâ, guinoong alférez, higuít ang canyáng tapang at lacás, na cahi't walâ siyáng fusil cung di isáng cruz na cahoy, canyáng guinágahis n~g boong cabayanihan ang walang hanggang tulisán n~g m~ga cadilimán, at gayón din ang lahát n~g m~ga cacampí ni Luzbel, at cung dî lamang hindî nan~gamamátay ang m~ga espiritu, siláng lahat ay nan~galipol na magpacailan man! Ang caguilaguilalás na laláng na itó n~g Dios, itóng hindî mapaglírip na himalâ ay ang maluwalhating si Diego de Alcalá, na, gagamit acó n~g isáng pagsusumag, sa pagca't nacatutulong na magalíng ang m~ga pagsusumag sa pagca unawà n~g m~ga bagay na hindî mapag-abót n~g ísip, ayon sa wicà n~gâ n~g ibá, sinasabi co n~ga na ang dakilang santong itó'y isáng catapustapusang cawal, isáng "ranchero" (tagapagpacain) lamang sa aming lubháng macapangyarihang hucbóng pinag-úutusan n~g aming tulad sa serafing Amáng si San Francisco, na siyang ikinararan~gal cong kinapapanigang acó'y cabo ó sargento sa talaga't awà n~g Dios."

Ang m~ga han~gal na "indio", ayon sa sabi n~g "corresponsal", walang nábingwit sa sinaysay na iyón, liban na lamang sa m~ga salitang "guardia civil", "tulisan", "San Diego" at "San Francisco"; namasid nilá ang pagsamà n~g mukhá n~g alférez, ang anyóng bayani n~g nagsesermón, at sa gayo'y inacala niláng kinagagalitan n~g Párì ang alférez dahil sa hindî niyá inuusig ang m~ga tulisán. Si San Diego at si San Francisco ang gaganap n~g bagay na iyón, at silá n~ga ang túnay na macagagawa, tulad sa pinatototohanan n~g isáng pinturang na sa convento n~g Maynila, na sa pamamag-itan lámang n~g canyáng cordón ay nahadlan~gan ni San Francisco ang paglúsob n~g m~ga insíc n~g m~ga unang taón n~g pagcatuclás sa Filipinas n~g m~ga castila. Hindì n~ga cacaunti ang catuwaang tinamó ó n~g m~ga namimintacasi, kinilala niláng utang na loob sa Dios ang ganitóng túlong, at hindî silá nag-aalinlan~gan sa paniniwalang pagca walâ n~g m~ga tulisán, ang m~ga guardia civil naman ang lilipulin ni San Francisco. Lalong pinagbuti n~ga nilá ang pakikinig, sinundan nilá ang m~ga sinasaysay ni Párì Dámaso, na nagpatuloy n~g pananalitâ:

"Cárilagdilagang guinoo: Ang malalaking m~ga bagay talagáng malalakíng m~ga bagay cahi't na sa tabí n~g m~ga maliliit, at ang m~ga maliliit cailan ma'y maliliit din na sa siping man n~g m~ga malalaki. Itó ang sabi n~g Casaysayan, (Historia), at sa pagca't ang Casaysayan, sa sandaang palo'y isá lamang ang tumatamà, palibhasa'y bagay na gawâ n~g m~ga tao, at ang m~ga tao'y nagcacamaling "errare es hominum" ayon sa sabi ni Ciceron, ang may dilà ay nahihidwâ, ayon sa casabihan sa aking bayan, ang nangyayari'y may lalong malalalim na catotohanang hindî sinasabi n~g Historia. Ang m~ga catotohanang itó, Cárilagdilagang Guinoo, ay sinabi n~g Espíritu Santo, sa canyáng cataastaasang carunun~gang cailan ma'y hindî naabót n~g pag iisip n~g tao mulâ pa sa m~ga panahón, ni Séneca at ni Aristóteles, iyang m~ga pantás na m~ga fraile n~g unang panahón hanggang sa macasalanang m~ga panahón natin n~gayón, at ang m~ga catotohanang itó'y hindî n~gâ ibá cung di hindî palaguing ang m~ga maliliit na bagay ay maliliit n~ga, cung di pawang malalakí, hindî cung isusumag sa m~ga mumuntî, cung di cung isusumag sa lalong malalakí sa lúpà at sa lan~git at sa han~gin at sa m~ga pan~ganurin at sa m~ga tubig at sa alang-alang at sa buhay at sa camatayan."

--¡Siya nawa!--ang isinagót n~g maestro n~g V.O.T., at saca nagcruz.

Ibig ni Párì Dámasong papangguilalasin ang m~ga nakikinig sa ganitóng anyô n~g pananalitáng canyáng napag-aralan sa isáng dakilang tagapagsermón sa Maynilà, at siya n~gang nangyari, na sa pagcápatan~ga sa gayóng caraming m~ga catotohanan, kinailan~gan niyang dunggulín n~g paa ang canyáng "espiritu santo" (ang fraile bagáng sa canyá'y tagadictá) upang sa canyá'y maipaalaala ang canyáng catungculan.

--Maliwanag na nakikita n~g inyóng m~ga matá!--ang sinabi n~g "espiritu" búhat sa ibabá.

"Maliwanag na nakikita n~g inyóng m~ga matá ang sumasacsing ganáp at napapaukit na itóng waláng hanggáng catotohanang naalinsunod sa Filosofía! Maliwanag na nakikita iyáng áraw n~g m~ga cabanalan, at sinabi cong áraw at hindî buwán, sa pagca't waláng malaking carapatang numingning ang buwán sa boong gabî; sa lupà n~g m~ga bulág ang dalawáng mata'y harì ang bulág ang isáng matá lamang (nacapangyayari sa bayan n~g m~ga han~gal ang may caunting dunong na pinag-aralan); mangyayaring numingníng ang isáng ílaw cung gabí, ó ang isáng maliit na bituin; ang lalong mahalaga'y ang macapagningníng cahi't catanghaliang tulad sa guinagawâ n~g áraw: ¡ganitó n~ga ang pagniningníng n~g capatid na si Diego cahi't sa guitna n~g lalong m~ga dakilang santo! ¡Nariya't nacahayág sa inyóng m~ga matá, sa inyóng pusóng na hindî pananampalataya sa uliráng gawà n~g Cataastaasan upang mabigyáng cahihiyan ang lalong m~ga dakila sa lupà; oo, m~ga capatid co, hayag, hayag sa lahát, hayag!"

Nagtindíg ang isáng lalaking namumutlâ at nanginginig at nagtagò sa isáng confesionario. Siya'y isáng maglalacò n~g álac na nag-aagaw-tulog at nananag-inip na hinihin~gan siyá n~g m~ga caribinero n~g "patente" na hindî niyá taglay. Hindî na raw siyá umalís sa canyáng pinagtaguan hanggang sa hindî natapos ang sermón. [258]

--"Mapagpacumbabà at maligpiting santo, ang iyóng cruz na cáhoy"--(ang dalá n~g larawan ni San Diego'y cruz na pilac),--"ang iyóng mahinhíng hábito'y pawang nagbibigay dan~gal sa dakilang si Francisco, na camí canyáng m~ga anac at nakikiwan~gis sa canyáng m~ga guinagawá! Inilalaganap namin ang layong santong lahi sa boong daigdig, sa lahát n~g m~ga suloc, sa m~ga ciudad, sa m~ga bayan at hindî namin tinitin~gî ang maputi sa maitim"--(piniguil n~g Alcalde ang canyáng paghin~ga)--"sa pagtitiis n~g hindî pagcain at n~g m~ga pagpapacahirap, santong lahi mo na sa pananampalataya at sa religióng may taglay na sandata"--(¡Ah! ang hinin~gá n~g Alcalde)--"na pinapananatili ang sangcataohan sa matatag na calagayan at pumipiguil na mabulíd sa malalim na ban~gin n~g capahamacán!"

Untiunting naghihicab ang m~ga nakikinig, sampo ni capitang Tiago: Hindî pinakikinggan ni María Clara ang sermón: nalalaman niyang malapit sa canyáng kinalalagyán si Ibarra at siyáng sumasaisip niya, samantalang siyá'y nag-aabanico at canyáng minámasdan ang toro n~g isá sa m~ga Evangelista, na waláng pinag-ibhán sa anyó n~g isáng calabaw na maliit.

"Dapat nating masaulong lahát ang m~ga Santong Casulatan, ang búhay n~g m~ga santo, at sa ganitó'y hindî co kinacailan~gang sa inyó'y man~garal, m~ga macasalanan; dapat ninyóng maalaman ang m~ga bagay na itóng totoong mahalagá at kinacailan~gang gaya n~g pagcasaulo sa Ama namin, bagá man nacalimutan na ninyó itó at nagbubuhay protestante ó hereje na cayó, na hindî nagsisigalang sa m~ga ministro (cawaní n~g Dios, na gaya n~g m~ga insíc), n~guni't cayó'y man~gagpapacasama, lálò n~g man~gapapahamac cayó, m~ga sinumpa!"

--Abá, cosa ese pale Lámaso, ese! (Abá anó ba namán ang párì Dámasong iyán)--ang ibinulóng n~g insíc na si Cárlos, na iniirapan ang nagsesermóng nagpapatuloy n~g m~ga pananalitáng naiisip niya n~g sandalíng iyón, at nagbúbubuga siyá n~g m~ga licaw-licaw na m~ga paglait at pagmumurá.

¡"Mamamatáy cayóng hindî macapagsisisi n~g inyóng m~ga casalanan, m~ga lahi n~g m~ga hereje! Mulâ pa rito sa lupa'y pinarurusahan na cayó n~g Dios n~g m~ga pagcapiit at pagcabilanggô! ¡Ang m~ga mag-amag-anac, ang m~ga babae ay dapat lumayô sa inyó: dapat cayóng bitayíng lahát n~g m~ga namummunô at n~g hindî lumaganap ang binhî ni Satanás sa halamanan n~g Pan~ginoon!... Sinabi ni Jesucristo: Cung cayó'y may masamáng casangcapan n~g catawáng humihicayat sa inyó sa pagcacasala, putulin ninyó, iabsáng ninyó sa apóy!..."

Nan~gin~ginig si fray Dámaso, nalimutan niyá ang canyáng sermón at ang maayos na pananalitâ.

--Náriníg mo ba?--ang itinanóng sa canyáng casama n~g isáng binatang estudianteng taga Maynílà;--¿puputulin mo ba ang iyo?

--¡Ca! siyá na muna ang magputol!--ang isinagót n~g causap, na itinuturò ang nagsesermon.

Naligalig si Ibarra; lumin~gap sa canyáng paliguid at humahanap n~g alin mang súloc, datapwa't punôngpunô ang boong simbahan. Walang nárîrinig at waláng nakikita si María Clara, na pinagsisiyasat ang cuadro n~g pinagpalang m~ga cáluluwa sa Purgatorio, m~ga cáluluwáng ang anyó'y m~ga lalaki't m~ga babaeng hubó't hubad na may nacapatong sa úlong "mitra," (sombrero n~g papa,) "capelo" (sombrero n~g cardenal), ó "toca" (talucbóng n~g monja), na nan~gaiihaw sa apóy at nan~gagsisicapit sa cordón ni San Francisco, na hindî nalalagot cahi't lubháng napacabig-at ang m~ga nacabiting iyón.

Sa gayóng pagdaragdag ni Fray Dámaso n~g canyáng m~ga naisipa'y nag-caligáw-ligáw ang espíritu santong fraile sa pagcacasunodsunód n~g sermón hanggang sa siya'y lumactaw n~g tatlóng mahahabang pangcát at sumamâ ang pagdidictá cay Párì Dámaso, na humihin~gal at nagpapahin~ga sa canyang maalab na pagmumurá.

"¿Sino sa inyó, m~ga makasalanang nakikinig sa akin, ang hihimod sa m~ga súgat n~g isáng dukhâ at libaguing magpapalimos? ¿Sino? Sumagót at itaas ang camáy cung sino! ¡Walâ sino man! Dati co nang nalalaman; walâ n~gang macagagawâ n~g gayón cung dî ang isáng santong gaya ni Diego de Alcalá; canyáng hinimuran ang boong cabulucán, at tulóy sinabi niyá sa isang capatid na nangguiguilalás; ¡Ganitó ang paggamot sa may sakít na itó! ¡Oh pagcacacawang gawâ n~g cristiano! ¡Oh pagcahabág na waláng cahulililip! ¡Oh cabanalan n~g m~ga cabanalan! ¡Oh cagalinggalin~gang hindî matutularan! ¡Oh waláng bahid na lunas!...."

At ipinagpatuloy ang isáng mahabang tanicalang m~ga ¡oh! na idiniripa ang m~ga camáy, at itinataas at ibinababa na anaki mandin ibig na lumipad ó bumugaw n~g m~ga ibon.