Part 23
Sarisaring minatamis na m~ga bun~gang cahoy rito ang nan~gacalagay sa m~ga "dulcerang" (lalagyán n~g matamís) cristál na may sarisáring masasayáng cúlay na pinag aayos-áyos n~g dalaga sa isang "mesita" (maliít na mesa), na natátacpan n~g maputing "mantel" na "bordado." Sumisiap sa "pátio" ang m~ga sisiw, cumacacac ang m~ga inahing manóc, humagukhoc ang m~ga baboy, na nan~gaguíguitla sa catuwaan n~g m~ga tao. Nagmamanhic manaog ang m~ga alilang may m~ga daláng doradang "vagilia" (sasisaring bágay na lalagyan n~g pagcaing napapamutihan n~g m~ga dibujong dorado), pilac na m~ga "cubierto" (cuchara, cuchillo at tenedor) dito'y may kinagagalitan dahil sa pagcabasag n~g isang pingan, doo'y pinagtatawanan ang isang babayeng tagabukid; sa lahat n~g daco'y may nan~gag-uutos, nan~gag-uusapan, sumisigaw, nan~gagpipintasan, nangagbabalacbalac, nan~gag-aaliwan ang isa't isá, at pawang caguluhan, ugong, cain~gayán. At ang lahat n~g pagsusumicap na itó at itong lahat na pagpapagal ay dahil sa panauhing kilala ó hindî kilala; ang cadahilana'y n~g pagpakitaan n~g magandang loob ang taong marahil ay hindî pa nakikita cailan mán, at marahil cailan man ay hindî na pakikita pagcatapos; n~g ang tagaibang bayan, ang naglalacbay-bayan, ang caibigan, ang caaway, ang filipino, ang castila, ang dukhâ, ang mayaman ay umalis doon pagcatapos n~g fiestang natutuwa at walang maipintas: hindî man lamang hinihin~gì sa canilang cumilala n~g utang na loob, at hindî hinihintay sa m~ga panauhing yaong huwag gumawâ n~g anó mang isasamâ n~g mapagcandiling magcacasambaháy samantalang tinutunaw ó cung matunaw na sa tiyan ang canilang kinain. Ang m~ga mayayáman, ang m~ga nacakita n~g higuit cay sa m~ga ibá, palibhasa'y nan~gaparoon sa Maynilà, nan~gagsisibili n~g cerveza, champagne, m~ga licor, m~ga alac at m~ga pagcaing galing Europa, m~ga bágay na bahagyà na nilá natiticman ang isáng subò ó isáng lagóc. Magandang totoó ang pagcacahanda n~g canyáng mesa.
Sa dacong guitnâ'y naroroon ang isáng "pinya-pinyahang" kinatutusucan n~g m~ga panghinin~gáng marikít na lubhâ ang pagcacagawâ n~g m~ga "presidiario" sa m~ga horas n~g caniláng pagpapahin~galay. Ang m~ga panghinin~gáng itó'y may m~ga anyong "abanico," cung minsa'y catulad n~g m~ga pinagsalitsalit na m~ga bulaclac, ó isáng ibon, isáng "rosa", isáng dahon n~g anahaw, ó m~ga tanicalâ, na pinapagmulâ ang lahát n~g itó sa isáng caputol na cahoy lamang: isáng bilanggong pinarurusahan sa sapilitang pagtatrabajo ang may gawâ, isáng pan~gal na "cuchillo" ang gamit na casangcapan at ang voces n~g bastonero ang siyang nagtuturò.--Sa magcabilang tabí n~g pinyang itó, na tinatawag na "palillera", nacalagáy sa m~ga cristal na "frutero" (lalagyan n~g bun~gang-cahoy) ang nacatimbóng m~ga "naranjitas" (santones ang tawag n~g iba), lansones, ates, chicos at manggá pa cung magca minsan, bagá man buwan n~g Noviembre. Sacâ sa man~ga bandeja sa ibabaw n~g m~ga papel na may burdang inukit at may m~ga pintáng makikináng na m~ga cúlay, nacahayin ang m~ga "jamong" galing Europa ó galing China, isáng malaking "pastel" na ang anyó'y "Agnus Dei," (tupang may tan~gay na banderang may nacadibujong isang cruz), ó cayá'y calapati, ang Espíritu Santo marahil, m~ga "pavo rellenado," at ibá pa; at sa casamahan n~g lahat n~g ito'y ang pangpagana sa pagcaing m~ga frasco n~g m~ga "achara" na may caayaayang m~ga dibujong gawâ sa bulaclac n~g bun~ga at ibá pang m~ga gúlay at m~ga bun~gang halaman na totoong mainam ang pagcacahiwà na idinigkít n~g "almibar" sa m~ga taguiliran n~g m~ga garrafón.
Linilinis ang m~ga globong vidrio, na pinagmanamana n~g m~ga ama't n~g m~ga anác, pinakikintab ang m~ga tansong aro; hinuhubdan ang m~ga lampara n~g petróleo n~g canilang mapupuláng m~ga funda, na sa canila'y naglalagac sa loob n~g isang taón sa m~ga lan~gaw at sa m~ga lamoc na sa canila'y sumisirâ; umuugoy, cumacalansing, umaawit n~g caligaligaya ang m~ga "almendra" at m~ga palawit na cristal na nagkikinagan n~g sarisaring maniningning na cúlay dahil sa anyô n~g pagcacatapyas; na ano pa't anaki'y nan~gakikisaliw sa pagcacatuwâ, nan~gagsasayá pinagpag-iiba't-iba ang ningning at pinasisinag sa ibabaw n~g mapuputing m~ga pader ang m~ga cúlay n~g bahag-hari.
Ang m~ga bata'y nan~gaglalarô, nan~gagcacatuwâan, hinahabol ang maniningning na m~ga cúlay, nan~gatitisod, nababasag ang m~ga tubo, datapuwa't ito'y hindî nacacagambalà upang ipagpatuloy ang catuwaan n~g fiesta: ibáng ibá ang caniláng casasapitan at ang m~ga luhà n~g caniláng mabibilog na m~ga matá, ang siyang magsaysay cung mangyari ang ganitóng pagbabasag sa ibáng panahon n~g isáng taón.
Lumalabás, na gaya rin n~g m~ga cagalang-galang na m~ga lámparang itó, sa m~ga pinagtatagúan, ang m~ga pinagtiyagaang gawín n~g dalaga: m~ga "velo" na sa "crochet" ang pagcacayarì, maliliit na m~ga alfombra, m~ga bulaclac na gawáng camay; inilalabás din ang m~ga caunaunahang bandejang sa calaguitnaa'y may nacapintáng isáng dagatang may m~ga maliliit na isda, m~ga buaya, m~ga lamáng dagat, m~ga lúmot, m~ga coral at m~ga batóng vidriong maniningning ang m~ga cúlay. Namamauló ang m~ga bandejang itó sa m~ga tabaco, m~ga cigarrillo at maliliit na hitsóng pinilí n~g maiínam na m~ga dalirì n~g m~ga dalága.
Cumikintáb na parang salamín ang tablá n~g báhay; m~ga cortinang júsi ó piña ang m~ga pamuti n~g m~ga pintúan, sa m~ga bintana'y nacasabit ang m~ga farol cristal, ó papel rosa, azul, verde ó pulá: napupuspos ang bahay n~g m~ga bulaclac at n~g m~ga lalagyan n~g m~ga halamang namumulaclac ó magaling na m~ga pamuti na ipinapatong sa m~ga pedestal na loza sa China; pati n~g m~ga santo'y nan~gagsisigayac, ang m~ga larawan at ang m~ga, "reliquia" ay nan~gagsásaya namán, pinapagpagán silá n~g alabóc at binibitinan n~g pinagsalitsalit na m~ga bulaclac ang caniláng m~ga marco.
Nan~gagtátayô sa m~ga daán, sa láyong hálos nagcacatuladtulad, n~g maiinam na m~ga arcong cawayang binurdahan sa libolibong paraang tinatawag na "sincában", at naliliguid n~g m~ga caluscós, na makita lámang n~g m~ga bata'y nan~gagsasayahan na. Sa paliguid n~g patio n~g simbaha'y naroon ang malaking toldang pinagcagugúlan n~g mainam, na m~ga punò n~g cawayan ang m~ga túcod, at n~g doon magdáan ang procesion. Sa ilalim n~g toldang ito'y nan~gaglalaró ang m~ga báta, nan~gagtatacbuhan, nan~gag-aacayatan, nan~gaglulucsuhan at caniláng pinupunit ang m~ga bagong barong talagáng caniláng pagbibihisan sa caarawan n~g fiesta.
Nan~gagtayô doon sa plaza n~g tablado, palabasan n~g comediang ang m~ga guinamit na kasangcapa'y cawáyan, páwid at cáhoy. Diyan magsasaysay n~g m~ga cahan~gahan~gà ang comediang Tundo, at makikipag-unahan sa m~ga dios sa cababalaghan: diyán cácanta at sásayaw si na Marianito, Chananay, Balbino, Ratia, Carvajal, Yeyeng, Liceria at iba pa. Kinalulugdan n~g Filipino ang teatro at nan~gagsusumicap n~g pagdaló sa m~ga guinágawang palabas na m~ga drama; pinakikinggang hindî umiimíc ang cantá, kinatutuwâan ang sayáw at ang "mímica", hindî-sumusutsot, (tandâ n~g pagpintas,) n~guni't hindi namán pumapacpac (tanda n~g pagpupuri) ¿Hindî niyá naibigan ang pinalabas? Ang guinágawa'y n~ginan~gan~gan~gà ang canyáng hitsó, ó cung dílì cayá'y umaalis na hindî guinagambálà ang ibáng maráhil ay nan~galúlugod sa pinalálabas na iyón. Manacanacang humíhiyaw lámang ang m~ga mámamayang han~gál, pagcâ hináhagcan ó niyayacap n~g lumálabas na m~ga laláki ang lumálabas na m~ga babae; datapwa't hindî lumálampas sa gayóng gawâ. N~g úna'y walang pinalálabas cung hindî m~ga drama lamang; gumágawa ang poeta n~g bayan n~g isáng cathang doo'y hindî naaaring hindî magcaroon n~g labanán, pagcacadalawang minuto, isang mapagpatawang "túpay" at cakilakilabot na m~ga malicmatang pagbabagobago n~g anyô. Datapwa't mula n~g maisipan n~g m~ga artista sa Tundóng gumawa n~g labanán bawa't icalabing limáng "segundo" at maglagay n~g dalawang túpay, at magpalabas n~g m~ga cathang lálò n~g dî súcat mapaniwalâan, mulâ noó'y caniláng natabúnan ang caniláng m~ga capan~gagáw na m~ga tagá lalawígan. Sa pagca't totoóng malulugdin sa bagay na gayón ang gobernadorcillo, ang guinawâ niya'y canyang piniling camalam ang cura, ang comediang "Principe Villardo, ó ang m~ga pácong binúnot sa imbíng yun~gib", dramang may "magia" at may m~ga "fuegos artificiales."
Mayá't mayá'y nirerepique n~g boong galác ang m~ga campanà, ang m~ga campanà ring iyón ang dumúdoblas n~g camacasampong araw. M~ga ruedang may m~ga bomba at m~ga "verso" (morterete) ang siyáng umu-ugong sa împapawid; ipakikita ang canyáng dunong n~g "pirotécnico" ó castillerong filipino, na natutuhan ang canyáng "arte" na sino ma'y waláng nagtuturo, naghahanda n~g m~ga toro, m~ga castillong may m~ga paputóc at may m~ga "luces de Bengala", m~ga globong papel na pinapantog n~g han~ging mainit, m~ga "rueda de brillante," m~ga bomba, m~ga cohetes at ibá pá.
¿Tumútunog sa maláyò ang caayaayang alin~gawn~gáw? Pagdaca'y nan~gag tatácbuhan ang m~ga batang lalaki at nan~gag-úunahan sa pagtún~go sa labás n~g báyan upang salubún~gin ang m~ga banda n~g música. Limá ang inupahan, bucód sa tatlóng orquesta. Hindî dapat mawala ang música n~g Pagsanghang ang escribano ang siyang may arì, at gayón din ang música n~g S.P. de T., na balitang totoo n~g panahóng iyón, dahil sa ang namamatnugot ay ang maestro Austria ang lagalag bagáng si "cabo Mariano," na ayon sa sabihana'y dala raw niya sa dulo n~g canyáng batuta ang pagcabantog at ang magagandang tínig. Pinupúri n~g m~ga musico ang canyáng marcha fúnebre "El Sauce", at canilang pinanghihinayang siya'y hindî nacapag-aral n~g música, sa pagcá't sa cagalin~gan niyáng umísip ay macapagbibigay dan~gal sana siyá sa canyáng kináguisnang báyan.
Pumasoc na ang música sa bayan at tumutugtog n~g masayang m~ga "marcha" na sinúsundan n~g m~ga bátang marurumi ang pananamit ó halos m~ga hubo't hubád: may ang bárò n~g canyáng capatíd ang suot, may ang salawál n~g canyáng amá. Pagdacang tumitiguil ang música'y nasasaulo na nilá ang tugtuguing caniláng nárinig, caniláng inuulit na sa aguing-íng n~g bibig ó isinusutsot ang tugtuguing iyón n~g lubós na cakinisan, at caniláng pinasisiyahan na cung magandá ó pan~git.
Samantala'y nan~gadaratin~gan ang m~ga carromata, m~ga calesa ó m~ga coche n~g m~ga camag-anac, n~g m~ga caibigan, n~g m~ga hindî cakilala n~g m~ga tahur na dalá ang canicanilang lalong magagaling na m~ga manóc at m~ga supot n~g guintô, at nan~gaháhandang ipan~ganib ang caniláng pamumúhay sa sugalan ó sa loob n~g "rueda" n~g sabun~gán.
--¡Tumatanggap ang alférez sa gabigabí n~g limáng pong piso!--ang ibinúbulong n~g isáng laláking pandác at matabâ sa tain~ga n~g m~ga bágong dating;--paririto si capitang Tiago at maglálagay n~g bangcâ; may labíng-walóng libong dalá si capitang Joaquin. Magcacaroon n~g "liampó," sampóng líbo ang ilálagay na puhúnan ni insíc Carlos. Magsisirating na gáling sa Tanawan, sa Lipá at sa Batan~gan at gayón din sa Santa Cruz, ang malalacás na m~ga "punto" (mananayà). N~guni't magchocolate cayó. Hindî tayo aanitan ni capitang Tiago, na gaya n~g taóng nagdaan: tátatlong misa de gracia ang canyáng pinagcagugulan, at aco'y may mutyâ sa cacáw. At ¿cumusta pô bâ ang familia?
--¡Mabuti po! ¡mabuti po! ¡salamat!--ang isinásagot n~g m~ga nan~gin~gibang báyan;--at ¿si párì Dámaso?
--Magsesermón sa umaga si pári Dámaso at pagcágabí casama nating siya'y magbábangcâ.
--¡Lalong mabuti! ¡lalong mabuti! ¡cung gayo'y walang ano mang pan~ganib!
--¡Panátag, totoóng panatag tayo! ¡Bucód sa roo'y susubò si insic Carlos!
At inaacma n~g matabang tao ang canyáng m~ga daliring warì'y nabibilang n~g salapî.
Sa labas n~g bayan ang nangyayari nama'y nabibihis ang m~ga tagabundoc n~g lalong magagaling nilang pananamit upang dalhín sa bahay n~g canicanilang mamumuhunan ang pinatabang magalíng na m~ga inahing manoc, m~ga baboy-ramó, m~ga usa, m~ga ibon; inilululan n~g m~ga ibá sa mabibigat n~g hilahing m~ga carretón ang cáhoy na panggátong; ang m~ga iba'y m~ga bún~gáng cáhoy, bihirang makitang m~ga dápò na nasusumpun~gan sa gúbat; at ang m~ga iba'y nagdádala namán n~g bigà na may malalápad na m~ga dáhon, ticás ticas na may m~ga bulaclac, na cúlay apóy upang ipamúti sa m~ga pintuan n~g m~ga báhay.
N~guni't ang kinaroroonan n~g lálong malakíng casayahang hálos ay caguluhan na'y doón sa isang malápad na capatágang mataas, na iláng hacbáng lámang ang láyò sa báhay ni Ibarra. Cumacalairit ang m~ga "polea", umaalin~gawn~gaw ang m~ga sigawan, ang mataguintíng na tunóg n~g batóng nilalabrá, ang martillong pumúpucpoc n~g pácò, ang palacól na inilalabrá n~g cahab-an. Caramihang táo ang dumúducal n~g lupa at gumágawâ silá n~g isáng maluang at malálim na húcay naghahanay ang ibá n~g m~ga batóng tinibág sa tibagan n~g báyan, nagbábaba n~g lulan n~g m~ga carretón, nagbúbunton n~g buhan~gin, nan~gaglálagay n~g m~ga torno at m~ga cabrestante....
--¡Dito! ¡doón iyan! ¡Madali!--ang isinísigaw n~g isáng maliit na matandáng laláking ang pagmumukhá'y masayá at matalínò, na ang háwac na pinacatungcód ay isáng metro na may tansô ang m~ga cantó at nacabilíbid doón ang lúbid n~g isáng plomada. Iyón ang maestro n~g paggawâ, si ñor Juang arquitecto, albañil, carpintero, blanqueador, cerrajero, pintor, picapedrero at manacánacâ pang escultor.
--¡Kinacailan~gang itó'y mayari n~gayón din! ¡Hindî macapagtatrabajo búcas at gágawin na ang ceremonia sa macalawa! ¡Madalî!
--¡Gawín ninyó ang hoyo sa isáng paraang maipasoc na angcáp na angcáp ang tila híhip na itó!--ang sinasabi sa iláng m~ga picapedrero na nan~gagpapakinis n~g isang malaking batóng parisucát;--¡sa loob nitó iin~gatan ang ating m~ga pan~galan!
At inuulit sa báwa't tagaibáng báyang lumalapit, ang macalilibong canyáng sinábi na:
--¿Nalalaman bâ ninyó ang áming itátayô? Talastasín ninyóng itó'y isáng escuélahan, huwáran n~g m~ga ganitóng bágay rin, catúlad n~g m~ga escuélahan sa Alemania, higuít pa ang cabutihan! ¡Ang arquitectong si guinóong R. at acó ang gumuhit n~g plano, at acó ang namamatnugot sa paggawâ! Siyá n~gâ, pô; tingnán ninyo. Itó'y maguiguing isáng palaciong may dalawáng pinacapacpác; úcol ang isa sa m~ga bátang lalaki at ang isá'y sa m~ga bátang babae. Magcacaroon dito sa guitnâ n~g isáng malaking halamanang may tatlóng huwád sa bucál n~g túbig na sumusumpít na paitaas, at caligaligaya ang sambúlat n~g m~ga patác; m~ga púnò n~g cáhoy diyan sa m~ga taguilíran, maliliit na halamanan, at n~g ang m~ga báta'y magtatanim at mag-aalágà n~g m~ga halaman sa m~ga horas n~g pagliliháng, sasamantaláhin ang panahón at hindi sasayán~gin. ¡Tingnán ninyó't malalalim ang m~ga simiento! Tatlóng metro at pitompó't limáng centímentro. Magcacaroon ang bahay na itó n~g tatlóng bodega, m~ga yun~gíb sa ilálim n~g lúpà m~ga bilangguan sa m~ga tamád mag-aral sa malapít, sa totóong malapit sa m~ga pinaglalaruan at sa "gimnasio", at n~g márinig n~g m~ga pinarurusahang bátà cung paano ang guinágawang pagcacatuwâ n~g m~ga masisipag-mag-áral. Nakikita pô bâ ninyó ang malaking lugar na iyáng waláng caanoano man? Itinátalaga ang capatagang iyáng lampaslampasan ang han~gin upang diyán man~gagtacbúhan at man~gaglucsuhan ang m~ga bátà. Magcacaroon ang m~ga batang babae n~g halamanang may m~ga uupán, m~ga "columpio", m~ga cacahúyan at n~g doon silá macarapaglarô n~g "comba", m~ga bucál n~g túbig na pumapaimbulog, culun~gan n~g m~ga ibon at ibá pa. Itó'y maguiguing isang bágay na cárikitdikitan.
At pinapagkikiskis ni ñor Juan ang m~ga camáy sa galác, at ang iniisip niya'y ang pagcabantóg na mátatamo. Magsisìparito ang m~ga tagá ibáng lupain upang daláwin iyón at sila'y man~gagtatanong:--¿Síno ang dakilang arquitectong gumawâ nitó?--¿Hindî bâ ninyó nalalaman? ¡Tila mandin hindî catotohanang; hindî ninyó makilala si ñor Juan! ¡Marahil totoóng maláyò ang inyong pinangalin~gan!--ang isásagot n~g lahát.
Nagpaparoo't paríto sa magcabicabilang dúlong taglay ang ganitong m~ga pagdidilidili, na canyang inuusisang lahat, at ang lahát ay canyáng minámasdan.
--Sa ganáng ákin ay napacarami namang cahoy ang gamit na iyan sa isang cabria--ang canyáng sinabi sa isang taong nanínilaw, na siyang namamatnubay sa ilang m~ga manggagawà;--casucatan na, sa ganang akin, ang tatlóng mahahabang trozo na papagtutungcuíng-calan ó "trípode", at sacâ tatló pang cahoy na papagcapitcapitin!
--¡Aba!--ang isinagót n~g laláking nanínilaw na n~gumín~gitî n~g cacaibá;--lálong malakíng pangguiguilalás ang áting tátamuhin samantalang lálong marámi ang m~ga casangcapang gamítin nátin sa gawaing itó. Lálong maínam ang anyô n~g caboôan, lálong mahalagá at caniláng wiwicâin: ¡gaano calakíng págod ang guinúgol díto! ¡Makikita ninyo cung anó ang cábriang áking itátayô! At pagcatápos ay áking pamumutihan n~g m~ga banderola, n~g m~ga guirnaldang m~ga dáhon at m~ga bulaclác ...; masasabi ninyó pagcatapos na nagcaróon cayó n~g magandáng caisipán n~g pagcacátanggap ninyó sa ákin sa casamahán n~g inyóng m~ga manggagáwa, at walâ n~g maháhan~gad pa si guinóong Ibarra!
Sa dácong malayôlayô roo'y may natatanawáng kiosko, na nagcacahugpong sa pamamag-itan n~g isáng bálag na nahahabun~gan n~g m~ga dáhon n~g ságuing.
Ang maestro sa escuélahang may m~ga tatlompóng bátang laláki ay nan~gaggágawâ n~g m~ga corona, nan~gagtatali n~g m~ga bandera sa m~ga malilíit na man~ga halíguing cawáyang napupuluputan n~g damít na putíng pinacumbô.
--¡Pagsicápan ninyóng umínam ang pagcacasulat n~g m~ga letra!--ang sinasabi sa m~ga nagpípinta n~g m~ga salitáng itátanyag sa lahát;--¿paririto ang Alcalde, maráming m~ga cura ang magsísidalo, maráhil patí n~g Capitan General na n~gayo'y na sa lalawigan! Cung makita niláng magalíng cayóng magdibújo, marahil cayo'y puríhin.
--¿At handugán camí n~g isáng pizarra ...?
--¿Síno ang nacaaalam! datapuwa't humin~gî na si guinoong Ibarra n~g isá sa Maynilà. Dárating búcas ang iláng bágay na ipamamahágui sa inyóng pinacaganting pálà.... Datapuwa't pabayaan ninyó ang m~ga bulaclác na iyán sa túbig, gágawin natin búcas ang m~ga ramillete, magdádala pa cayó ríto n~g m~ga bulaclác, sa pagca't kinacailan~gang malatagan ang mesa n~g m~ga bulaclac, ang m~ga bulaclác ay nacapagbíbigay sayá sa m~ga matá.
--Magdádala ríto ang áking amá búcas n~g m~ga bulaclác n~g bainô at sacâ isáng bácol na m~ga sampaga.
--Hindi tumatanggáp n~g báyad ang aking amá sa tatlóng carritóng buhan~ging dinalá rito.
--Ipinan~gacò n~g aking tiong siya ang magbabayad sa isáng maestro,--ang idinugtong n~g pamangkin ni capitang Basilio.
At túnay n~ga namán; kinalugdán ang panucálang iyón n~g lahát hálos. Hinin~gî n~g curang siyá ang mag-áamang-binyág at magbebendición sa paglalagáy n~g únang bató, pagdiriwáng na gágawin sa catapusáng araw n~g fiesta, at siyáng gágawing isá sa m~ga pinacamalaking pagsasaya. Patí n~g coadjutor ay lumápit n~g boóng cakimîan cay Ibarra, at sa canya'y inihandóg ang lahát n~g m~ga pamisang pagbayaran sa canyá n~g m~ga mapamintacasi hanggáng sa mayarì ang báhay na iyón. Mayroon pa, sinabi ni hermana Rufa, ang mayaman at mapag-impoc na babaeng sacali't cuculan~gin n~g salapî, canyáng lilibutin ang iláng báyan upang magpalimós, sa ilálim n~g tán~ging pagcacasunduang sa canyá'y babayaran ang paglalacbáy, ang m~ga cacánin at ibá pa. Pinasalamatan siyá ni Ibarra at siyá'y sinagót:
--Walâ táyong macucuhang mahalagáng bágay, sa pagcá't hindi acó mayáman at hindî namán simbahan ang báhay na itó. Bucód sa rito'y hindî co ipinan~gácong áking itátayô ang báhay na itóng ibá ang magcacagugol.
Pinagtatakhan siyá at guinagawang ulirán n~g m~ga bináta, n~g m~ga estudianteng gáling Maynilang pumaroón doón at n~g makipagfiesta; n~guni't gaya n~g nangyayari hálos cailán man, pagca ibig nating tuláran ang m~ga tinátakhang m~ga táo, ang nagágagad lámang natin ay ang canyáng waláng cabuluháng m~ga guinágawâ, at cung magcaminsan pa'y ang canyáng m~ga sawíng caasalan, nan~gagtataca palibhasa'y walá táyong cáya sa ibáng bágay, minámasdan n~g maraming sa canya'y nan~gagtátaca cung paano ang pagtatali n~g binátang iyón n~g canyáng corbata, ang m~ga ibá nama'y ang anyô n~g cuello n~g bárò, at hindî cácaunti ang nagmámasid cung ilán ang m~ga botón n~g canyáng americana at chaleco.
Tila mandin pawang nan~gapawi magpacailán man ang m~ga masasamáng nangyayari sa panahóng hináharap na guinuguniguni ni matandáng Tasio. Iyán n~gâ ang sinabi ni Ibarra isáng áraw sa canyá; n~guni't siyá'y sinagót n~g matandáng mapag-ísip n~g malulungcót:
--Inyó pô sánang alalahanin ang sinasabi ni Baltazar:
"Cung ang isalubong sa iyong pagdatíng Ay masayáng mukhá't may pakitang guìliw, Lálong pag-in~gáta't caaway na lihim..."
Cung gaano ang galíng ni Baltazar sa pagca poeta ay gayón din sa catalinuhang umísip.
Itó at ibá pang m~ga bágay ang m~ga nangyari sa áraw na sinusundan n~g fiesta bago lumubóg ang áraw.
=XXVII.
SA PAGTATAKIPSILIM.=
Gumawâ rin namán n~g malaking handâ sa báhay ni capitang Tiago. Nakikilala natin ang may báhay; ang canyáng hilig sa caparan~galanan, at dápat na hiyaín n~g canyáng capalaluang pagca tagá Maynila, sa caríkitan n~g piguing, ang m~ga tagalalawigan. May isá pang cadahilanang sa canya'y pumipilit na pagsicapan niyáng siya'y macapan~gibabaw na lubos sa m~ga ibá: casáma niyá ang canyáng anác na si María Clara at sacâ naroroon ang canyáng mamanugan~gin, caya't waláng pinag uusapan ang m~ga tao cung dî siyá lámang.
At siyá n~ga namán: hinandugan ang canyáng mamanugan~gin n~g isá sa lálong m~ga dalubasang pámahayagan sa Maynilà n~g isáng "artículo" (casulatan) sa canyáng únang mukhâ, na ang pamagát (n~g artículong iyón) ay "¡Siya'y inyong tularan!" pinuspos siya n~g m~ga pan~garal at inaalayan siyá n~g iláng m~ga papuri. Tinawag siyáng "marilag na binata at mayamang mamumuhunan;" pagcatapos n~g dalawáng renglon ay sinabing siya'y "tan~ging mapagcaawang-gawâ"; sa sumúsunod na párrafo'y ikinápit namán sa canyá ang saysay na: "alagad ni Minervang naparoon sa Ináng Bayan upang bumátì sa wagás na lúpà n~g m~ga arte at m~ga carunun~gan" at sa dácong ibabà pa'y "ang español filipino" at iba't ibá pa. Nag-aalab ang loob ni capitang Tiago sa magandang pakikipag-unahán sa gawáng magaling, at canyáng iniísip na bacá magalíng na canyáng pagcagugulan ang pagtatayô namán n~g isáng convento.
Nang m~ga nagdaáng áraw ay dumatíng sa báhay na tinatahanan ni María Clara at ni tía Isabel ang maraming caja n~g m~ga cacánin at m~ga inumíng gáling Europa, m~ga salaming pagcálalaki, m~ga cuadro at ang piano n~g dalaga.
Dumatíng si capitang Tiago n~g áraw rin n~g vispera: paghalíc sa canyá n~g camáy n~g canyang anác na babae, hinandugán niyá itó n~g isáng magandang relicariong guintô na may m~ga brillante at m~ga esmeralda, na ang lamá'y isáng tatal n~g bangca ni San Pedro, sa dacong inup-án n~g ating Pan~ginoong Jesucristo n~g panahón n~g pan~gin~gisda.
Walâ n~g lalalò pa sa galing n~g pagkikita n~g bibiananin at n~g mamanugan~gin; cauculán n~gang silá'y mag-úsap n~g nauucol sa escuelahan. Ang ibig ni capitang Tiago'y tawaguing "Escuela ni San Francisco."
--Maniwalà cayó sa ákin,--ang sabi ni capitang Basilio,--¡isáng magalíng na pintacasi si San Francisco! Wala cayong pakikinaban~gin cung tatawaguin ninyong "Escuela n~g Instrucciôn Primaria". ¿Sino pô si Instrucción Primaria?
Dumating ang iláng m~ga caibigang babáe ni María Clara at caniláng inanyayahan itong magpasial.
--N~guni't bumalic ca agád,--aní capitang Basilio sa canyáng anác na babáe na sa canyá'y humihin~ging pahintulot;--nalalaman mo n~g sasalo sa átin sa paghápon si parì Dámasong bágong carárating.
At canyáng linin~gon si Ibarrang nag-anyóng may iniísip, at idinugtóng:
--Cayó po namán ay sumalo n~g paghápon sa amin; magiisa cayó sa inyóng báhay.
--Malakíng totóo po ang áking pagca ibig, datapwa't dápat pong sumaaking bahay acó't bacá sacáling may dumating na m~ga "visita,"--ang isinagót n~g binatang nagcacang-uútal, at iniiwasan ang títig ni María Clara.
--Dalhín po ninyó rito ang inyóng m~ga caibigan, ang itinútol n~g boóng capanatagán ni capitang Tiago;--May sagánang pagcain sa áking bahay.... Bucód sa roó'y ibig cong cayó at si párì Dámaso'y magcáwatasan....