Part 21
Nang maalaman nilá ang gayóng paglalarô, nan~gagcapísan ang lahát n~g matatandáng lalaking marúnong n~g "ajedrez" sa palíguid n~g "tablero"; mahalagá ang laróng iyón, caya't nacaakit patí sa m~ga hindî nacacaalam. Hinaráp n~g m~ga matatandáng babae, gayón man, ang cura, upang makipagsalitaán sa canyá tungcól sa m~ga bagay na nauucol sa religión; datapuwa't hindî marahil minámagaling ni fray Salví ang lugar na kinálalagyan at ang capanahunang iyón, cayâ n~gâ't pawang m~ga malalábò ang caniyáng m~ga isinásagot at mapapanglaw at may gálit na hálò, at ang canyang m~ga matáng hindî tumitin~gin man lamang sa canyáng m~ga kinacausap ay nagpapalin~gaplin~gap sa magcabicábilâ.
Nagpasimulâ ang larô n~g boong cacadakilâan.
--Cung magtablá ang larô, papagtatablahín naman natin ang áting usapín--ang sabi ni Ibarra.
Nang na sa calaghatîan na ang larô, tumanggap si Ibarra n~g isáng telegrama na nagpaningning n~g canyang m~ga matá at nacapagbigáy sa canyá n~g pamumutlà. Itinagó niyá sa canyáng "cartera" ang telegrama, na hindî binucsán, at canyáng sinulyáp ang pulutong n~g m~ga cabatâang nagpapatuloy n~g pagtatanóng cay Capalaran, sa guitnâ n~g m~ga tawanan at m~ga sigawan.
--"¡Jaque" sa "Hári!"--anang binatà.
Napilitang itagò ni capitang Basilio ang "Hari" sa licód n~g "Reina."
--¡"Jaque" sa "Reina"!--ang muling sinábi ni Ibarra, na pinagbabalâan n~g canyáng "Torre" ang "Reina," na ipinagsasanggalang n~g isang "Peón."
Sa pagca't hindî matacpán ni capitang Basilio ang "Reina" at hindî namán niyá maiurong itó, dahil sa "Haring na sa sa licód", humin~gî siyá n~g panahón upang siya'y macapa-isip.
--¡Sumasang-ayon pô acó n~g boong tuwâ!--ang sagót ni Ibarra;--mayroon pa namang sasabihin acó n~gayón din sa iláng lalaki sa pulutóng na iyón.
At nagtindíg siyá, pagcapagcaloob sa canyáng calaban n~g icaapat na bahágui n~g isang oras upang mag-ísip.
Tan~gan ni Idáy ang mabílog na cartóng kinasusulatan n~g apat na po't walóng tanóng, at si Albino ang may tan~gan n~g libro n~g m~ga sagót.
--¡Casinun~galin~gan! ¡hindî totoo! ¡casinungalin~gan!--ang isinísigaw ni Sinang na halos umíiyac.
--¿Anó bâ ang nangyayari sa iyo?--ang sa canyá'y tanóng ni María Clara.
--Tingnán mo, aking itinanóng: "¿Cailán bagá acó magcacabait?" binitiwan có ang m~ga "dado", at ang guinawa niyang curang iyang bantilaw ay binasa sa libro ang ganito: "¡Pagca nagcabuhóc ang palaca!" ¿Itó ba'y mabuti?
At saca n~giniwian ni Sinang ang naguíng seminarista, na hindî tumitiguil n~g pagtatawa.
N~guni't ¿Síno ba ang may utos sa iyong magtanong ca n~g gayon?--ang sinabi sa canya n~g pinsan niyang si Victoria--¡Súcat na ang magtanóng n~g gayón upang marapat sa gayóng m~ga sagót!
--¡Tumanóng pô cayó!--ang sinabi nila cay Ibarra, casabay n~g paghahandog sa canya n~g "rueda"--Pinagcayarian naming cung sino ang magcamit n~g lalong magaling na sagót ay tatangap sa m~ga iba n~g isang handóg. Nacatanóng na camíng lahat.
--¿At Sino ang nagcamit n~g lalong magalíng na sagót?
--¡Si María Clara! ¡si María Clara!--ang isinagót ni Sinang.--Ibiguin man niya't hindî'y siya'y pinatanong namin: "¿Tapát baga't hindî magmamaliw ang canyáng pagliyag?" at ang libro'y sumagót....
N~guni't tinacpan ni María Clarang namúmulang mainam ang bibíg ni Sinang, at hindî itinulot na maipatuloy ang sinasabi.
--¡Cung gayo'y ibigay ninyó sa akin ang "rueda"!--ani Crisóstomong n~gumin~gitî.
Tumanóng: "¿Lalabas ba n~g magalíng ang casalucuyan conglinalayon?"
--¡Napacapan~git naman n~g tanóng na iyan!--ang sigaw ni Sinang.
Iniabsang ni Ibarra ang m~ga "dado" at alinsunod sa canyang "numero" ay hinanap ang mukha at ang talata n~g na sa libro.
--"¡Ang m~ga panaguinip ay pawang m~ga panaguinip n~ga!"--ang binása ni Albino.
Kinúha ni Ibarra ang telegrama at nan~gan~gatal na bínucsán.
--¡N~gayó'y nagsinun~galíng ang libro ninyó!--ang isinigaw na puspós n~g tuwâ.--Basahin ninyo:
"Sinang-ayunan ang panucálang escuela, hinatúlang cayó ang nanálo sa usapin."
--¿Anó ang cahulugán nitó?--ang itinanóng nilá sa canyá.
--¿Hindî bâ ang sábi ninyo'y bibigyan n~g pabúya (regalo) ang magtamó n~g lalong mabúting sagót?--ang itinanóng niyá, na nan~gan~gatal ang voces sa lakí n~g canyáng tuwâ, samantalang hinahati n~g boong in~gat ang papel.
--¡Siyá n~ga! ¡siya n~ga!
--Cung gayó'y nárito ang aking pabúyà,--ang sinabi, at ibinigay cay María Clara ang calaháti;--magtátayô acó sa báyan n~g isáng páaralang úcol sa m~ga bátang lalaki't babáe; ang páaralang itó'y siyáng áking pabúyà.
--At ¿anóng cahulugan niyang calahátì n~g papel?
--¡Itó'y iháhandog co namán sa nagcaroón n~g lalong masamâ sa m~ga sagót!
--¡Cung gayó'y acó! ¡sa akin marapat ibigáy!--ang sigáw ni Sínang.
Ibinigáy sa canyá ni Ibarra ang papel at matúling lumayô.
--¿At anó ang cahulugán nitó?
Datapowa't maláyò na ang mapalad na bináta, at nagbalíc na mulî siyá sa pakikilarô n~g "ajedrez."
Lumapit si Fr. Salví na wari'y nag-wáwalang anó man sa masayáng lúpon n~g m~ga cabatâan. Pinapahid ni María Clara ang isang lúha sa catuwâan.
Humintô n~g magcágayon ang tawanan at napipí ang salitàan. Tumítin~gin ang cura sa m~ga bagongtao't dalaga, na di niyá matutuhan cung anó ang sasabihin; hiníhintay namán niláng magsalitâ ang cura at hindî silá umíimic.
--¿Anó itó?--ang sa cawacasa'y naitanong n~g cura, at kinúha ang libro at canyang binúbuclatbuclat.
--¿Ang "Rueda de la Fortuna",--isáng librong liban~gan, ang sagót ni León.
--¿Hindî ba ninyó nalalamang casalanan ang maniwála sa m~ga bágay na ganitó?--ang winicà, at sacâ pinunitpunit n~g boong gálit ang m~ga dáhon n~g libro.
Nagpumiglás sa m~ga lábi n~g lahat ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at samâ n~g loob.
--¡Lálong malakíng casalanan ang gawín ang maibigan sa bágay na hindî canyá't lában sa calooban n~g túnay na may árì!--ang itinútol ni Albinong nagtindig.--Amang cura, nácaw ang táwag sa ganyáng gawâ at ito'y bawal n~g Dios at n~g m~ga táo.
Pinapagdaóp ni María Clara ang m~ga camay, at tinitigang tumatan~gis ang m~ga wacás n~g librong iyóng hindî pa nalalaong nag-alay sa canya n~g lubháng malakíng ligaya.
Hindî sumagót cay Albino si fray Salví, laban sa inaasahan n~g m~ga nanonood; nátira siyá sa panonood cung paano ang linipadlipad n~g m~ga pinagpunitpunit na m~ga dáhon n~g libro, na ang ibá'y ipináwid n~g hán~gin sa gúbat at ang ibá namá'y sa túbig; pagcatápos ay lumayóng guíguirayguíray at nacapatong ang dalawáng camáy sa ulo. Humintong sandalî at nakipág-usap cay Ibarra na naghatíd sa canyá sa isá sa m~ga cocheng náhahandang pangdalá ó panghatid sa m~ga panauhín.
--¡Mabuti at lumayas ang pang-abóy-galác na iyán,--ang ibinulóng ni Sinang.!May pagmumukháng wári'y sinasabing: "Huwág cang tatawa't nalalaman co ang iyong m~ga casalanan."
Sa malakíng catuwâan ni Ibarra, sa pagcapagbigay niyá sa canyáng maguiguing asawang si María Clara n~g canyang pabuyà, nagpasimulâ siyá n~g paglalaróng hindî na iniisip ang guinágawá, at hindî na nag-aabalá n~g pagbabálacbalac n~g pagwawárì n~g boong pag-iin~gat n~g calagayan n~g m~ga "pieza."
Dahil sa ganito'y ang nangyari, baga man si capitang Basilio'y báhagyâ n~g nacapagsásangalang, ang laro'y nagcapantay, salamat sa maraming pagcacamaling sa huli'y guinawâ n~g binátà.
¡Papagtablahin natin! ¡papagtablahin natin! ang sabi ni capitang Basiliong malakí ang tuwâ.
--¡Papagtablahin natin!--ang inulit n~g binátà,--cahi't maguíng anó man ang inihatol n~g m~ga hucóm sa ating usapín.
Nangagcamáy ang dalawa na nan~gagpisilan n~g boong pagguiguiliwan.
Samantalang ipinagcacatuwa n~g m~ga caharap ang nangyaring itó na nagbíbigay wacás sa isáng usapíng totoong nagpapahírap na sa dalawang magcalaban, ang bigláng pagdating n~g apat na guardia civil at isáng sargento, na pawang sandatahan at nacalagay sa dúlo n~g fusil ang bayoneta, siyáng sumirà n~g casayahan at nagdúlot n~g panghihilacbót sa pulutóng n~g m~ga babae.-
--¡Huwág kikilos ang sino man!--ang sigaw n~g sargento.--¡Papúputucan ang cumilos!
Hindî inalintana ni Ibarra ang gayóng paháyop na pagmamatapang, tumindig siyá at lumápit sa sargento.
--¿Anó pô ang inyóng ibig?--ang itinanóng.
--Na n~gayón din ay ibigáy sa amin ang isáng may casalanang nagn~gan~galang Elías, na sa inyó'y namimiloto canínang umaga,--ang isinagót na may anyóng pagbabálà.
--¿Isáng may casalanan?... ¿Ang piloto? ¿Cayó po'y nagcacamali marahil!--ang itinugón ni Ibarra.
--Hindî pô; n~gayo'y isinumbóng na naman ang Elías na iyáng nagbúhat n~g camáy sa isáng sacerdote....
--¡Ah! ¿at iyán ba ang piloto?
--Iyán n~gâ, áyon sa sábi sa amin; tumátanggap pô cayó sa inyong m~ga pagsasaya, guinoong Ibarra, n~g táong may masamang caasalan.
Tiningnan ni Ibarra ang sargento mulâ sa m~ga paa hanggáng sa úlo at sinagót siyá n~g lubháng malaking pagpapawaláng halagá:
--Hindî co cailan~gang acó'y magsúlit sa inyó n~g áking m~ga guinágawâ! Tinatangggap namin n~g boong cagandahan n~g loob ang sino man sa áming m~ga pagsasayá, at cayó man, cung cayó'y pumaríto sana, inyó disíng nasunduan ang isáng luclucan sa mesa, na gáya naman n~g inyóng alférez na capanayám namin ditong dalawáng horas lámang ang calálampas.
At pagcawicà nito'y tinalicuran siyá.
Kinagát n~g sargento ang canyáng m~ga bigote, at sa pagca't napagdilidili niyáng siyá ang lalong mahínà, ipinag útos na paghanapin sa magcabicabilâ at sa m~ga cacahuyan ang piloto, na ang anyô nitó'y nacatitic sa capirasong papel na canyáng dalá. Itó ang sinabi ni Don Filipo sa canyá:
--Inyóng talastasing naaangcap ang m~ga anyó't calagayang iyán sa siyám n~g bawa't sampong dalisay na filipino; ¡bacâ pô cayó'y magcamalî!
Sa cawacasa'y bumalíc ang m~ga sundalo, at caniláng sinabing waláng nakita silang bangcâ ó táong síno mang macapagbigáy hinála; nagsabi n~g pautál-utál ang sargento n~g iláng salitâ at sacâ umalis na tulad n~g pagdating: ása guardia civil.
Untîuntíng nanag-úli ang katuwâan, umulán ang m~ga tanóng at sumagána ang m~ga salisalitaan tungcól sa nangyári.
--¡Cung gayo'y iyán palá ang Elías na naghúlog sa alférez sa isáng pusáw!--ang sábi ni Leóng nag-iísip-isip.
--¿At paáno bâ ang nangyaring iyón, paano?--ang tanóng n~g iláng ibig macatantò n~g líhim.
--Ang sabi'y násalubong daw n~g alférez ang isáng táong may pas-áng cáhoy na panggátong, n~g isáng áraw na umuulan n~g mainam n~g buwán n~g Septiembre. Totoong mapútic ang daan at sa tabí lamang may makipot na landás na malalakaran n~g iísang táo. Ang guinawâ raw n~g alférez ay hindî piniguil ang cabayo na siyáng dápat sana, cung dî bagcós pinatulin at sumigáw sa táong siya'y umudlót: tíla mandin hindî íbig n~g taong iyóng bumalíc sa pinanggalín~gan ó áayaw na málubog sa pusáw, caya't nagpatúloy n~g paglacad. Sa gálit n~g alférez ay inacálang siya'y ipatáhac, n~guni't cumúha ang táo n~g caputol na cáhoy at pinacapalòpálô ang úlo n~g háyop nang boong lakás, na anó pa't nábulagtâ ang cabayo't napatapon sa pusáw ang alférez. Sinasabi ring ipinagpatuloy daw n~g táong iyón ang paglacad n~g boong tiwasáy, na hindî niyá alumana ang limáng balang ipinahabol sa canyá n~g alférez na nabulagan sa marubdób na gálit at sa lúsac. Sa pagca't túnay na hindî kilalá n~g alférez cung síno ang táong iyón, hininalang marahil ay ang bantóg na si Elías, na gáling sa lalawígang may iláng buwán pa lamang, na dî alám cung tagasaán, at napakilala sa m~ga guardia civil sa iláng báyan dáhil sa m~ga cawan~gis n~g gayon din m~ga cagagawán.
--¿Cung gayó'y tulisán palá siyá?--ang itinanóng ni Victoriang kiníkilig.
--Sa acálà co'y hindî, sa pagcá't minsan daw ay siyá'y nakilaban sa m~ga tulisán isáng araw na caniláng linolooban ang isáng báhay.
--¡Walang mukháng masamáng táo!--ang idinugtóng ni Sínang.
--¡Walâ, totóo lamang mapangláw ang canyáng tin~gín: hindî co nakitang siyá'y n~gumitî man lamang sa boong umaga,--ang sinábî ni María Clara.
Sa gayó'y nagdáan ang hápon at dumatíng ang horas n~g pag-owî sa bayan.
Nan~gagsialís silá sa gúbat n~g iliníliwanag ang m~ga hulíng sínag n~g naghíhin~galong áraw, at nagdaan siláng hindî umíimic sa malapit sa mahiwágang pinaglibín~gán n~g núnò ni Ibarra. Pagcatápos ay nanag-úlì ang masayang m~ga salitaang maín~gay, puspós n~g canin~gasan, sa sílong n~g m~ga san~gá n~g cáhoy na iyong hindî totóong sanáy na macárinig n~g gayóng caráming m~ga voces. Tila mandin namámanglaw ang m~ga cáhoy, umúugoy ang m~ga gumagapang na m~ga damó at warí'y sinasabi: ¡Paalam cabatâan! ¡Paalam, panag-ínip na isáng áraw!
At n~gayón, sa liwanag n~g mapupulá at malalakíng nin~gas n~g m~ga sigsíg; at sa tugtog n~g m~ga guitarra, bayaan natin siláng lumácad na patun~gó sa bayan. Nagbabawas ang m~ga pulutóng, namámatay ang m~ga ilaw, napípipi ang guitarra, samantalang silá'y nálalapit sa tahanan n~g m~ga táo. ¡Ilagáy ninyó ang inyóng "máscara", sa pagca't cayo'y makikipanayam na namán sa inyóng m~ga capatíd!
=XXV.=
=SA BAHAY NG FILOSOFO=
Pagca umaga n~g kinabucasan, pagcatapos na madálaw ni Juan Crisóstomo Ibarra ang canyang m~ga lúpà, siyá'y tumún~go sa báhay ni mátandang Tasio.
Lubós na lubós ang catahimican sa halamánan, sa pagca't ang m~ga lan~gay-lan~gayang nan~gagsasalimbayan sa palibót n~g balisbisa'y bahagyâ na umiin~gay. Sumísibol ang malilit na damó sa lúmang pader na guinagapan~gan n~g cawán~gís n~g báguing na bumubordá sa m~ga bintánà, malíit na bahay na anaki'y siyáng tahanan n~g catahimícan.
Maín~gat na itináli ni Ibarra ang canyáng cabáyo sa isáng halígui, siyá'y lumacad n~g hálos patiad n~g pagdadahandahan at canyáng tináhac ang halamanang malínis at totoong magaling ang alágà; pinanhíc ang hagdánan, at siya'y pumasoc, sa pagca't bucas ang pintô.
Ang únang nakita niyá'y ang matandâ, na nacayucód sa isang libro na tíla mandín canyáng sinusulatan. May napanood sa m~ga pader na tinitipong m~ga maliliit na m~ga háyop at m~ga dahon n~g m~ga cáhoy at damó, sa guitnâ n~g m~ga "mapa" at lúmang estanteng punô n~g m~ga libro at n~g m~ga súlat-camáy.
Lubhang nalilibang ang matandâ sa canyang guinagawâ, na ano pa't hindî naino ang pagdating n~g binatà, cung dî n~g ito'y aalis na sana, sa pagcaibig na huwag macagambalà sa matandang iyón.
--¡Abá! ¿nariyan pó bâ cayó?--ang itinanóng, at tiningnan si Ibarra n~g wari'y nangguiguilalás.
--Ipagpaumanhin pô ninyó,--ang isinagót nitó,--cayó pô pala'y maraming totoong guinagawâ....
--Siya n~gâ pô, sumusulat acó n~g cauntî, datapuwa't hindî dalî-dalì at ibig cong magpahin~gá. ¿May magagawâ pô bâ acóng anó mang sucat ninyóng pakinaban~gan cahi't babahagyâ?
--¡Malaki pô!--ang isinagót ni Ibarra at saca lumapít;--datapuwa't....
At sinulyáp ang librong na sa ibabaw n~g mesa.
--¡Aba!--ang biglang sinabing nangguíguilalas; guinagamít po ba ninyo ang inyong panahon sa pagsisiyasat cung anó ang cahulugán n~g m~ga "geroglífico?"
--Hindî pô!--ang isinagót n~g matandáng laláki, at tuloy nag-álay sa kanyá n~g isáng "silla";--hindî nacacawatas acó n~g egipcio ó n~g copto man lamang, datapuwa't may cauntì akóng nalalamang paraan sa pagsulat niyan, caya acó'y sumulat n~g m~ga "geroglífico."
--¿Sumusulat pô cayó n~g m~ga "geroglifico"? ¿At bákit pô?--ang itinanóng n~g binatang nag-aalinlan~gan sa nakikita't naririn~gig.
--N~g huwag mabasa nino man sa m~ga panahóng itó ang aking sinusulat.
Tinitigan ni Ibarra ang matandang lalaki, at ang ísip niya'y bacâ nasisirà ang ísip nitó. Madaling madalíng siniyásat ang aclat, sa pagca íibig niyang maalaman cung nagsisinun~galing, at canyang námasdang totoong magalíng ang doo'y pagcacaguhit n~g m~ga hayop, m~ga gúhit na bilóg, m~ga gúhit na anyóng pabilóg, m~ga bulaclac, m~ga paa, m~ga camay, m~ga bisig, at iba pa.
--¿At bakit pô cayó sumusulat cung talagang aayaw cayóng mabasa nino man ang inyóng sinusulat?
--Sa pagca't hindî co iniuucol ang áking sinusulat sa m~ga taong nabubuhay n~gayón; sumusulat acó at n~g mabasa n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pa sa m~ga panahong sasapit. Cung mababasa n~g m~ga tao n~gayon ang aking m~ga sinusulat ay canilang susunuguin ang aking m~ga aclat, na siyang pinagcagugulan co n~g pagal n~g boong aking búhay; datapuwa't hindi gayón ang gagawin n~g m~ga taong ipan~gan~ganak pang macababasa n~g aking m~ga sinusulat n~gayón; sa pagca't ang m~ga taong ipan~gan~ganak pang iyo'y pawang maguiguing m~ga pantas at mauunawâ nila ang aking m~ga adhicâ at canilang wiwikain: HINDI NATULUG NA LAHAT SA GABI N~G AMING M~GA NUNO! Ililigtas n~g talinghagà ó n~g m~ga cacaibang m~ga letrang itó ang aking gawâ, sa camangman~gan n~g m~ga tao, na gaya naman n~g pagcaligtas sa maraming m~ga catotohanan n~g talinghaga ó n~g m~ga cacaibang m~ga pagsambá at n~g di sirain n~g mapangwasak na m~ga camay n~g m~ga sacerdote.
--At ¿sa anóng wica sumusulat po cayo?--ang itinanong ni Ibarra, pagcatapos n~g isang sandalíng hindî pag-imíc.
--Sa wica natin, sa tagalog.
--¡At nagagamit pô ba sa bagay na iyan ang m~ga "geroglifico"?
--Cung di lamang sa cahirapan n~g magdibujo, nagcacailan~gan n~g panahón at tiyaga, halos masasabi co sa inyóng lalong magaling na gamitin ang m~ga "geroglifico sa pagsulat n~g ating wikà cay sa "alfabeto latino". Tagláy ang m~ga "vocal" n~g dating "alfabeto egipcio"; ang ating o na pangwacas na vocal na na sa calaguitnàan n~g o at n~g u; wala rin sa egipciong túnay na tunóg ang E; na sa "alfabeto egipcio" ang ating ha at ang ating kha na wala sa "alfabetong latín" ayon sa paggamit natin sa castila. Sa halimbawà; sa sabing mukha,--ang idinugtong na itinuro ang libro--lalong nababagay na aking isulat ang sílabang ha sa pamamag-itan nitóng anyóng isdâ cay sa letrang latina na ipinan~gun~gusap sa Europa sa pamamag-itan n~g iba't ibáng paraan. Sa isáng pan~gun~usap na hindî totoong ipinahahalatâ ang letrang itó, gáya sa halimbáwa dito sa sábing hain, na dito'y hindî totooog mariin ang pan~gun~gusap n~g h, ang guinagamit co'y itóng "busto" n~g leó ó itóng tatlóng bulaklak n~g loto, ayon sa bilang n~g "vocal." Hindî lámang itó, nagágawâ co rito ang pagsúlat n~g tínig na sa ilóng lumálabas, letrang walâ sa "alfabeto latinong" kinastilà. Inuulit cong cung hindî n~gâ lámang sa cahirápan n~g pagdidibujo na kinacailan~gang pacabutihin, hálos magagamit n~gâ ang m~ga "geroglifico"; datapowa't ang cahirapang ding itó ang siyang pumimipilit sa aking huwag magsalitâ n~g maláwig at huwag magsaysay cung dî iyóng catatagán at kinakailan~gan lámang: bucód sa rito'y sinasamahan acó n~g pinagpapagalan cong itó, pagca umáalis ang áking m~ga panauhing tagá China at tagá Japón.
--¿Anó pong sábi ninyó?
--Hindî pô ba ninyo náririn~gig? M~ga lan~gaylan~gayan ang áking m~ga panauhin; n~g taóng itó'y nagcúlang n~g isá; maráhil siyá'y hinúli n~g síno mang masamáng bátang insíc ó japonés.
--¿Bakit pô nalalaman ninyóng silá'y nanggagaling sa m~ga lupaíng iyán?
--Dahil pô sa isáng magaáng na paraan: may iláng taón na n~gayóng bágo silá umalís ay itinatalì co sa caniláng paa ang isáng maliit na papel na may nacasúlat na "Filipinas" sa wicang inglés, at inaacalà cong hindî totóong maláyò ang caniláng pinaroroonan, at sa pagcá't sinásalita ang wicang inglés hálos sa lahát n~g pánig n~g m~ga dácong itó. Hindî nagcamít casagutan ang maliit cong papel sa loob n~g mahabang panahón, hanggáng sa cawacasa'y ipinasulat co sa wicang insíc, at ang nangyari'y silá'y bumalic n~g noviembreng sumunód na may m~ga daláng ibáng m~ga maliliit na papel, na aking ipinabasa: nacasúlat ang isá sa wícang insíc, at yaó'y isáng báti magmula sa m~ga pampan~gín n~g Hoangho, at ang isá, alisunod sa insíc na áking pinagtanun~gan, yaón daw marahil ay wicang japonés. Datapuwa't cayó po'y áking linílibang sa m~ga bagay na itó, at hindî co itinatanong sa inyó cung sa paanong bagay macapaglílingcod acó sa inyó.
--Naparito pô acó't ibig cong makipag-úsap acó sa inyó tungcól sa isang bagay na mahalaga,--ang isinagót n~g binatà;--cahapon n~g hapo'y....
--¿Hinúli pó ba ang cúlang pálad na iyan?--ang isinalabat n~g matandang lalaking malaking totóo ang pagca ibig na macaalam.
--¿Si Elías pô ba ang inyóng sinasabi? ¿Bakin pô ninyó naalaman?
--¡Aking nakita ang Musa n~g Guardia Civil.
--¡Ang Musa n~g Guardia Civil! ¿At sino pô ba ang Musang iyan?
--Ang asawa n~g alférez, na inyóng inanyayahan sa inyóng pagcacatuwa. Cumálat cahapon sa báyan yaong nangyari sa buwaya. Cung gaano ang catalásan n~g ísip n~g Musa n~g Guardia Civil ay gayon din ang catampalasanan n~g canyáng budhî, at hininálà na maráhil ang piloto'y yaong napacapan~gahas na nag-abaáng sa canyang asawa sa pusaw at bumuntál cay párî Dámaso; at sa pagca't siya ang bumabasa n~g m~ga "parte" (casulatang nagbibigay álam n~g anó mang bagay na nangyayari) na dapat tanggapin n~g canyáng asáwa, bahagyà pa lamang dumarating itó sa canyang bahay na lan~gó at walang malay, inutusan ang sargento, sampô n~g m~ga soldado, at n~g bagabaguin ang fiesta, upang macapanghigantí sa inyó, ¡Mag-in~gat pó cayó! Si Eva'y mabait na babae, palibhasa'y nanggâling sa m~ga camay n~g Dios ... Masama raw babae si doña Consolación, at waláng nacacaalam cung caninong camáy siya nanggáling! Kinacailan~gang naguing "doncella" ó naguíng ina, minsan man lámang, upang gumalíng ang isang babae.
N~gumitî n~g cauntî si Ibarra, sacâ súmagót, casabay ang pagcuha sa canyang cartera n~g iláng m~ga papel.
--Malìmit na nagtátanong pô sa inyó ang aking nasírang amá sa iláng m~ga bagay, at natátandaan cong páwang casayahan ang canyang tinamó lamang sa pagsunód sa inyong m~ga cahatulan. May casalucuyan acóng isang munting gawain íbig cong papagtibayin ang magandang calalabasan.
At sinabi ni Ibarra sa matandang lalaki sa maiclíng pananalitâ, ang pinagbabalac na escuelahang canyang inihandóg sa canyang pinan~gin~gibig, at inilahad sa m~ga mata n~g nagtatacang filósofo ang m~ga planong galing Maynila na sa canya'y ipinadala.
--Ibig co sanang ihatol pô ninyó sa akin cung sinosino sa bayan ang m~ga taong aking susuyuin, at n~g lalong lumabás na magalíng ang gawaing itó. Kilalá pô ninyóng totóo ang m~ga táong nananahan dito; acó'y bágong carárating at hálos acó'y isáng manunuluyang tagá ibang lupaín sa aking sariling bayan.
Sinisiyásat ni matandáng Tasiong sa m~ga mata'y nangguiguilid ang m~ga lúhà, ang m~ga planong na sa canyáng haráp.
--¡Ang inyóng ipagpapatuloy na yariin ay ang aking panaguinip, ang panaguinip n~g isáng abáng sirâ ang ísip!--ang bigláng sinábing nabábagbag ang lóob;--at n~gayó'y ang únang ihahatol co pô sa inyó'y ang huwág na mulíng cayó'y magtanóng sa ákin magpacailan man!
Tinin~gnán siyá n~g binátang nangguíguilalas.