Noli Me Tangere

Part 20

Chapter 20 4,111 words Public domain Markdown

Lumitáw ang buaya: nacátalì ang lubid n~g lambal na pahilís sa líig at sa dacong buntót. Malakíng buaya iyón, na gaya na n~ga n~g ibinalítà na ni León may m~ga pintá, at sa ibabaw n~g canyáng licód ay may sumisibol n~g lúmot, na sa m~ga buaya'y siyáng pinacauban cung bagá sa táo. Umaatun~gal na parang vaca, hinahagkis n~g canyáng buntót ang m~ga dinding n~g baclád, cumacapit doon, at in~ginanán~gan~ga ang canyáng maitim at cagulatgulat na bun~gan~gà na anó pa't ipinakikita ang canyáng mahahabang m~ga pan~gil.

Nag-iisa ang piloto sa paghila sa buaya sa ítaas: waláng nacacagunitang sa canyá'y tumúlong.

Nang walâ na sa túbig at n~g mailagáy na sa ibabaw n~g batalán, tinapacan n~g piloto ang buaya n~g canyáng paa; tinícom n~g canyáng malacás na camáy ang pagcálalaking m~ga pan~gá, at binantang talían ang n~gúsò n~g matibay na gápos. Tinicmán n~g buaya ang hulíng pagpipiglás, ibinalantóc ang catawá't sacâ ipinálò sa batalán ang malacás niyang buntót, at pagcacawala'y sumibát at nilucsó ang dagátan, sa dacong labás n~g baclád, na anó pa't nacaladcad ang sa canya'y nagpapasúcò. Waláng salang mapapatay ang piloto; isáng sigáw n~g panghihilacbót ang tumacas sa lahát n~g m~ga dibdib.

Matuling tulad sa lintíc ay bigláng nahúlog sa túbig ang isáng catawán; bahagyâ na silá nagcapanahóng makitang si Ibarra iyón. Hindî hinimatáy si María Clara, sa pagca't hindî pa natututo ang m~ga filipinang maghimatay.

Nakita niláng namulá ang m~ga alon, nadampol n~g dugô ang tubig. Lumucsó sa malalim na tubigang binatang man~gin~gisda na hawac ang canyáng gúloc, sumunód sa canyá ang canyáng amá; datapuwa't bago pa lamang nacasisisid silá'y siyáng paglutang namán ni Crisóstomo at n~g piloto na capuwà nacacapit sa bangcáy n~g buaya. Ang boong tiyang maputî nito'y baác at nacapacò sa lalamunan ang sundáng.

Hindî maisaysay ang catowâan: libolibong camáy ang sa canilá'y umabót upang iahon silá sa túbig. Nahihibang hálos ang matatandang babae at silá'y nan~gagtatawanan at nan~gagdárasal. Nalimutan ni Andeng na macaatlo n~g sumulác ang canyáng sinigáng: nábubô ang lahát n~g sabáw at namatáy ang apóy. Si María Clara lámang ang hindî macapagsalitâ.

Hindî naano si Ibarra; nagcaroon n~g bahagyáng galos sa bisig ang piloto.

--¡Cayó ang pinagcacautan~gan co n~g aking buhay!--ang sabi n~g piloto cay Ibarrang nagbabalot n~g m~ga mantang lana at m~ga "tapiz".

Ang anyó n~g voces n~g piloto'y tila mandín may pighatî.

--Totoong masúlong pô cayó sa pan~ganib,--ang sa canya'y isinagot ni Ibarra;--ulî-ulî huwag pô ninyong tútucsuhín ang Dios.

--¡Cung dî ca sana nacabalíc!...ang ibinulóng ni María Clarang namumutlâ at nan~gan~gatal pa.

--¡Cung di sana acó nacabalíc at icáw ay sumunod sa akin,--ang isinagot n~g binátà, na canyáng ipinagpatuloy ang caisipán,--sa ilalim n~g dagata'y "mapapasama acó disin sa aking familia!"

Hindî nalilimutan ni Ibarrang doon humíhimlay ang m~ga but-ó n~g canyang amá.

Aayaw n~g pumaroon ang matatandang babae sa cabilang baclád, íbig na nilang umuwî, at ang caniláng minámatuwid ay nagpasimulâ raw n~g masamâ ang araw, at baca may mangyaring maraming sacunâ.

--¡At ang lahát n~g iya'y dahil, sa hindî tayo nagsimba muna!--ang ibinubuntong hinin~ga n~g isáng matandáng babae.

--Datapuwa't ¿ano pô bang sacunâ ang nangyari sa atin, m~ga guinoong babae?--ang tanóng ni Ibarra.--¡Ang buaya ang siya lamang kinulang pálad!

--At ang bagay na ito'y nagpapatotoo,--ang iniwacás n~g naguing seminarista,--na sa boong canyáng macasalanang buhay hindî nagsimbá cailan man ang sawing palad na buayang ito. Cailan ma'y hindî co makitang siya'y nácasama n~g lubháng maraming m~ga buayang malimit na pasasimbahan.

Nagsiparoon n~gâ ang m~ga bangcâ sa cabiláng baclad, at kinailan~gang mulíng maghandâ si Andeng n~g ibáng sabáw na pagsisigan~gan.

Umaaraw na; humihihip ang amihan: napupucaw at namamasag ang m~ga álon sa paliguid n~g buaya, at nagtátayo n~g "n~ga bundóc n~g bulâ, na doo'y cumíkintab n~g boong casaganaan sa m~ga culay ang liwanag n~g araw", ayon sa saysáy n~g poetang si P.A. Paterno.

Muling tumunóg ang música: tumutugtog si Iday n~g arpa, at ang m~ga lalakí namá'y m~ga acordeón at m~ga guitarra, na humiguit cumúlang ang "afinación;" datapuwa't si Albino ang magaling tumugtóg sa lahát, sa pagca't tunay na kinacamot ang guitarra, nagcuculang sa "tono" at mayatmaya'y sumisinsay sa compás, at caguinsaguisa'y nacalilimot, caya't lumilipat sa sonatang ibang ibá sa dating tinútugtog.

Pinaroonan ang cabiláng baclád na may malaking pag-aalinlan~gan; marami ang umaasang naroroon doon ang babaeng buayang asawa n~g nápatay, n~guni't mápagbirô ang "Naturaleza", caya't laguing punô n~g isda ang sáloc cailanis ma't ililitaw.

Nag-uutos si tia Isabel:

¡Mabuting isigang ang "ayun~gin"; pabayaan ninyó ang "biyâ" at n~g mágawang "escabeche", ipasà ninyó ang "dalag" at ang "buwan-buwan": mahábà ang búhay n~g dalág. Ilagay ninyó silá sa lambát at n~g manatili silá sa túbig. ¡Ilagay ninyó ang m~ga "sugpô" sa cawáli! Ucol na iíhaw ang "bánac" na may camatis sa tiyan, at nacabálot sa dáhon n~g ságuing.

Pabayâan ninyó ang ibá at n~g maguing pain. Hindî magalíng na pabayâang ang waláng calamánlaman ang baclád,--ang idinugtóng.

N~g magcágayo'y nan~gag-acálà siláng lumunsád sa pampáng, sa gubat na iyón n~g matatandang cáhoy na pag-áarì ni Ibarra. Doo'y sa lílim at sa tabí n~g malínaw na bátis ay manananghalian silá sa guitnâ n~g m~ga bulaclác ó sa ilalim n~g itatayô agad-agad na m~ga palapala.

Umaalin~gawn~gaw sa alang-alang ang música; napaimbulog n~g boong casayahan ang úsoc n~g m~ga caláng ang anyó'y manipís na ipoipo: umaawit ang túbig sa loob n~g mainit na palayóc; marahil ay m~ga salitáng pang-alíw sa m~ga isdáng patáy, marahil ay libác at cutyâ: nagpapapihitpihit ang bangcáy n~g buaya, cung minsa'y bigláng ipinakikita ang maputi at wacwác na tiyán, cung minsan nama'y bigláng ipinakikita ang may pintá at namemerdeng licód, n~guni't hindî nagugulumihanan ang táong minamahal n~g Naturaleza, sa gayóng caraming pagpatáy na cúsà sa m~ga capatíd, ayon sa sasabihin marahil n~g m~ga "bramin" ó n~g m~ga "vegetariano."

TALABABA:

[257] Maningning batóng azúl ang culay.

=XXIV.=

=SA GUBAT=

Maaga, maagang maaga n~g magmisa si párì Salvî, at sa iláng sandali'y canyáng nilínis ang may labingdalawáng calolowang marurumí, at ang ganitóng gawa'y hindî niyá nauugalîan.

Tila mandín nawal-an n~g gánang cumain ang carapatdapat na cura, dahil sa pagcabasa n~g iláng súlat na dumatíng na may m~ga "sello" at mabuti ang pagcacalagay n~g "lacre;" sa pagca't pinabayâang lubós na lumamíg ang "chocolate."

May sakít ang párì,--ang sinasabi n~g "cocinero," samantalang nagháhandà n~g ibáng "taza" n~g chocolate;--mahábà n~g áraw na hindî cumacain, sa anim na pinggang inihahayin co sa canyá sa "mesa," waláng dalawáng pinggán ang canyáng sinásalang.

--Dahil sa hindî siyá nacacatulog n~g mahusay,--ang sagót n~g alilang lalaki;--siyá'y binaban~gun~got mulâ n~g magbago n~g tinutulugan. Nalalao'y lalong nanglalalim ang canyáng m~ga matá, at totoong nanínilaw.

Tunay n~ga namáng nacaháhabag tíngnan si párì Salví. Hindî man lamang sinalang ang pan~galawáng taza n~g chocolate, hindî tinicmán man lamang ang m~ga hojaldeng Cebú; nagpaparoo't parito sa malúang na sálas at kinucuyumos n~g canyáng mabut-ong m~ga camáy ang isáng sulat na manacânacang binabasa. Hinin~gî, sa cawacasan, ang canyáng "coche", nag-ayos at sacâ nag-utos na siyá'y ihatîd sa gubat na kinalalagyan n~g nacapamámanglaw na cáhoy at sa malapit doo'y nan~gagcacatuwa n~g paglalakbay sa caparan~gan.

Pinaalis ni pári Salví ang "coche", pagdatíng sa lugar na iyón, at pumásoc siyang nag-íisa sa gubat.

Isáng mapangláw na landás na bahagyâ na nabucsán sa casucalan ang pinagdáraanang patun~gó sa isáng bátis, na ang tubig na umaagos doo'y gáling sa iláng bucál n~g malacúcong tubig, tulad sa m~ga na sa taguiliran n~g Makíling. M~ga bulaclác na cusang sumisibol na ang marami sa canila'y hindî pa napapan~galanan, ang siyang pamuti n~g m~ga pangpang n~g batis na iyón; n~guni't marahil ay kilalá na n~g m~ga doradong maliliit na háyop, n~g m~ga paróparóng sarisarì ang lalakí, at may m~ga cúlay na azúl at guintô, mapuputî at maiitím, sal-it sal-ít na cúlay maniningning, makikintab, may m~ga tagláy na m~ga rubí at m~ga esmeralda sa caniláng m~ga pacpác, at n~g m~ga libolibong m~ga tutubíng cumikinang n~g tulad sa metal, at wari nasasabugan n~g totoong mataas na guintô. Ang tunog n~g pagaspas n~g m~ga maliliit na m~ga hayop na ito, ang irit n~g yayay na nag-iin~gay sa araw at gabí, ang huni n~g ibon, ó ang lagapák n~g bulók na san~ga n~g cahoy na nahuhulog at nagcacasabitsabit sa lahat n~g lugar ang siyang tan~ging sumisirà n~g catahimican n~g talinghagang lugar na iyón.

Malaónlaon din siyáng nagpalacadlacad sa casucalan n~g m~ga gumagapang na damó, na canyáng pinan~gin~gilagan ang m~ga dawag na cumacapit sa canyáng hábitong guingón na tíla mandin ibig siyáng piguilin, at pinatitisodtisod maya't mayâ ang m~ga para ninyóng dî bihasang maglacád n~g m~ga ugát n~g m~ga cáhoy na lumálabas sa lúpà. Biglâ siyáng tumiguil: masasayáng m~ga hálakhakan at m~ga sariwang voces ang dumatíng sa canyáng m~ga tain~ga, at nanggagaling ang m~ga voces at ang m~ga halakhakan sa bátis, at nalalao'y lálong nálalapit.

--Titingnan co cung acó'y macacásumpong n~g isáng púgad,--ang sinásabi n~g isáng magandá at matimyás na voces na nakikilala n~g cura;--íbig co siyá makita na hindî "niyá" acó nakikita, íbig co siyáng sundán sa lahát n~g dáco.

Nagtágo si párì Salví sa licód n~g malakíng púnò n~g isáng cáhoy at sacâ nakinig.

--¿Sa macatuwíd ay íbig mong gawín sa canyá ang sa iyó'y guinágawa n~g cura, na binábantayan ca saan ca man pumaroon?--ang itinugón n~g isáng masayáng voces.--¡Mag-in~gat ca, sa pagca't nacayayayat at nacapagpapalalim n~g m~ga matá ang panibughô!

--Hindî, hindî panibughô; cung dî pagcaibig lámang na macaalam n~g dî co talós!--ang isinásagot n~g mataguintíng na voces, samantalang, inuulit n~g masayá:

--¡Siya n~gâ, panibughô, panibughô!--at humahalakhak n~g táwa.

--Cung acó'y naninibugho, hindî acó ang hindî pakikita; ang hindî co ipakikita'y siyá, n~g hindî siyá mámasdan nino man.

--N~guni't icáw may hindî mo siya makikita, at iya'y hindî magalíng. Ang lálong magalíng, cung macacasumpong táyo n~g púgad, ay ating "iregalo" sa cura, at sa gayo'y canyáng mabábantayan tayo, na hindî magcacailan~gang siya'y makita, ¿anóng acalà mo?

--Hindî acó naniniwalà sa m~ga púgad n~g m~ga tagác--ang sagót n~g isáng voces; n~guni't cailan ma't aco'y manibughô matututo acóng magbantay na hindî acó makikita.

--At ¿paano? ¿at paano? ¿Bakit, gaya bâ n~g isáng Sor Escucha?

Nacapagpahakhak n~g masayá ang gayóng alaala sa pagcacolegiala.

--¡Nalalaman mo na cung paano ang pagdayà cay Sor Escucha!

Nakita ni párì Salví, mulâ sa canyáng pinagtataguan si María Clara, si Victoria si Sinang na naglílibot sa ílog. Lumalacad ang tatlóng ang tin~gin ay sa salamín n~g túbig at nan~gagháhanap n~g talínghágang púgad n~g tagác: Basâ silá hangáng sa tuhod, na ano pa't nahihiwatigan sa m~ga malalapad na cunót n~g canilang m~ga sáyang pangpalígo ang calugódlugód na húbog n~g caniláng m~ga bintî. Nacalugay ang caniláng buhóc at hubád ang caniláng m~ga bísig, at natátacpan ang catawán n~g isáng bárong may malalapad na gúhit at masasayang m~ga cúlay. Samantalang nagháhanap silá n~g isáng bágay na hindî mangyayaring masumpun~gan ay namumuti tulóy silá n~g m~ga bulaclác at nan~gun~guha n~g m~ga gúlay sa pampáng.

Pinanonood n~g fraileng Acteón na namúmutlâ at hindî cumikilos ang mahinhing Dianang iyón; ang m~ga matá niyáng numíningning sa madilím na hungcág na kinálalagyan ay hindî nan~gapapagal n~g pagtatacá sa m~ga mapuputî at parang linalic na m~ga bísig, yaóng magandang liig hanggang pa pasimulâ n~g dibdíb; ang malíliit at culay rosang m~ga paang nan~gaglálarò sa tubig, pawang pumupucaw sa abang cataohan niyá n~g cacaibang m~ga damdamin at nagpapapanaguinip n~g m~ga bágong caisipán sa nilálagnat niyang budhî.

Sa licód n~g isáng pag-licô sa ílat, sa guitnâ n~g masucal na cawayanan; nan~gawalâ ang m~ga matitimyás na m~ga dalagang iyón, at hindî na marin~gig ang caniláng malulupit na m~ga parungguít. Halíng, nanglulupaypay, pigtâ n~g pawis umalís si párì Salví sa canyáng pinagtataguan, at nagpalin~gaplin~gap sa canyáng paliguidliguid, na ang m~ga mata'y hibáng. Humintóng hindî cumikilos, nagaalinlan~gan; humakbang n~g ilán at anaki'y íbig sumunód sa m~ga dalaga, n~guni't nagbalic at naglacad sa pampáng at ang ibáng m~ga casama n~g m~ga dalagang iyón ang siyáng hinanap.

Nakita niya sa malayô-layô roón, sa guitnâ n~g bátis, ang isáng wari'y paliguang magaling ang pagcacabacod, at ang pinacabubóng ay isáng malagong cawayan; may nanggagaling doong masasayáng m~ga voces n~g babae. Napapamutihan ang paliguang iyón n~g dahon n~g m~ga niyog, m~ga bulaclac at m~ga bandera. Nacatanaw namán siyá sa daco pa roon n~g isáng tuláy na cawayan at sa dacong malayo'y m~ga lalaking nan~galiligo, samantalang nan~gagcácagulo ang caramihang m~ga alilang lalaki at m~ga alílang babae sa palíbót n~g m~ga caláng biglaan ang pagcacágawâ at nan~gagsusumakit n~g paghihimulmol sa m~ga inahíng manóc, nan~gaghuhugas n~g bigás, nag-iiháw n~g "lechón" at ibá pa. At doon sa cabiláng ibayo, sa isáng calinisang caniláng hináwan, sa loob n~g lilim n~g isáng palapalang caniláng bagong itinayóng ang m~ga haligui'y cahoy at ang bubóng ay "lona" na" ang isang bahagui at ang isáng bahagui'y m~ga dahon n~g malalakíng cáhoy, nan~gagcacatipon ang maraming m~ga lalaki't m~ga babae. Doo'y naroroon ang alférez, ang coadjutor, ang gobernadorcillo, ang teniente mayor, ang maestro sa escuela at ang maraming m~ga capitan at tenienteng "pasado", patí ni capitang Basiliong amá ni Sínang, na dating caaway n~g nasírang si Don Rafael sa malaon n~g pinag-uusapan. Sa canyá'y sinabi ni Ibarra: "Pinag-uusapan natin ang isang catuwiran, at hindî mag-caaway ang cahulugan n~g pag-uusapín. At napahinuhod n~g boong galác n~g loob ang balitang mánanalumpatì n~g m~ga "conservador" sa anyaya ni Ibarra, at tulóy nagpadalá n~g tatlong payo at sacâ ipinanalim sa capangyarihan n~g binatà ang paglilingcód n~g canyáng m~ga alilà.

Sinalúbong ang cura n~g boong galac at pagpipitagan n~g lahát, patí n~g alférez.

--¿N~guni't saan pô nanggaling ang cagalanggalang na camahalan pô ninyó?--ang itinanóng sa canya n~g alférez, n~g makita nitó ang canyáng mukháng punô n~g gálos, at ang canyáng habito'y puspós n~g m~ga dahon at n~g m~ga tuyóng san~gá--¿Naparapâ pô ba ang cagalanggalang na camahalan ninyó?

--¡Hindî! ¡náligaw acó!--ang isinagót ni párì Salví, at ibinabâ ang canyáng m~ga matá upang siyasatin ang canyáng pananamít.

Nan~gagbúbucas n~g m~ga botella n~g limonada, nan~gagbíbiyac n~g m~ga niyog na múrà at n~g ang m~ga natatapos n~g paliligo'y macáinom n~g canyáng malamíg na túbig at n~g macacain n~g canyáng malambót na lamang higuít ang caputian sa gatas; at bucód sa roo'y pinag-aalayan pa ang m~ga dalaga n~g isáng cuintas na sampaga, na nasasal-itan n~g m~ga rosa at iláng-ilang, na siyang nagbibigay ban~gó sa nacalúgay na buhóc. Sila'y naúupô ó humihilig sa m~ga dúyang nacabitin sa m~ga san~ga n~g m~ga cahoy, ó nan~gaglilibang sa paglalaro sa paliguid n~g isáng batóng malapad, na may nacalagay sa ibabaw nitong m~ga baraja, m~ga tablero, maliliit na m~ga libro, m~ga sigay at m~ga batóng malilíit.

Ipinakita nila sa cura ang buaya, datapuwa't tila mandin nalílibang ang ísip sa ibáng bagay, at cayâ lamang pinansin ang sinalita sa canyá'y n~g sa canya'y sabihing si Ibarra ang may gawâ n~g gayóng calakíng súgat. N~guni't hindî mangyaring makita ang bantóg at hindî napagkikilalang piloto; bago dumatíng ang alférez ay siyá'y walâ na.

Sa cawacasa'y lumabás si María Clara sa páliguan, casama ang canyáng m~ga caibigang babae, saríwang túlad sa isáng rosa sa únang umágang pamumucadcad na numíningning ang hamóg na ang cawán~gis ay kisláp n~g diamante sa caayaayang ulbós n~g bulaclác. Inihandóg niya ang únang n~gitî cay Crisóstomo, at naucol ang únang pagdidilím n~g canyáng nóo cay párì Salví. Nahiwatigan nitó, n~guni't hindî nagbuntunghinin~ga.

Dumatíng ang oras n~g pagcáin. Nan~gagsiupô sa mesang pinan~gun~guluhan ni Ibarra, ang cura, ang coadjator, ang alférez, ang gobernadorcillo at ilán pang m~ga capitan, sampô n~g teniente mayor. Hindî ipinahintulot n~g m~ga ináng cumáin ang sinomang lalaki sa mesa n~g m~ga dalága.

--Hindî ca na n~gayón, Albino, macapag panucálà n~g m~ga bútas, pa na gáya n~g sa m~ga bangcâ,--ani León sa nagseminarista.

--¿Anó? ¿ano iyón?--ang tanun~gan n~g m~ga matatandang babae.

--Na ang m~ga bangcâ, m~ga guinoong babae, ay páwang m~ga buong-búò na túlad sa pinggâng ito;--ang ipinaliwanag ni León.

--¡Jesús, saramullo!--ang sigaw ni tia Isabel na n~gumín~gitî.

May nabábatid na pô bâ cayóng ano man, guinóong alférez, tungkól sa tampalásang nagpahírap sa catawán ni párì Dámaso?--ang tanóng sa alférez ni párì Salví, sa horas na iyón n~g pagcain.

--¿Síno pô bang tampalásan iyón, padre cura?--ang tanóng n~g alférez, na tinítingnan ang fraile, na guinágawang pinacasalamín sa matá ang vaso n~g álac na canyang iníinom.

--¡Abá, at síno pa pô ba? ¡Yaong tampalásang camacalawá n~g hapon ay bumuntal cay párì Dámaso sa daan!

--¿Bumuntal cay párì Dámaso?--ang tanun~gan n~g iláng voces.

Warì'y n~gumitì ang coadjutor.

--¡Túnay pô, caya't nararatay n~gayón si párì Dámaso! Sinasapantahang ang gumawâ n~g gayo'y si Elias ding sa inyo'y naglublób sa pusáw, guinoong alférez.

Namulá sa hiya ó sa álac ang alférez.

--Ang boong ísip co,--ang ipinagpatuloy ni párì Salví, na ang anyó'y warì nanglílibac;--ay nalalaman po ninyó ang nangyayari. Ang wícà co'y alférez n~g Guardia Civil....

Nagcagát-lábì ang militar at ibinulóng ang isáng halíng na pagtaliwacás.

Sa ganito'y siyang pagsipot n~g isang babaeng namumutla, payat, abang aba ang pananamit; sino may waláng nacakita n~g canyáng pagdaíng; palibhasa'y lumalacad siyáng waláng imíc at napácawaláng in~gay ang canyang paglacad, na cung naguing gabí sána'y marahil ipalagáy na siya'y isáng "fantasma."

--¡Pacanin ninyó ang cahabaghabág na babaeng iyán!--ang sabihan n~g m~ga matatandâ:--¡uy, pumarito cayó!

N~guni't ipinagpatuloy n~g babae ang canyáng paglácad, at siya'y lumapit sa mesang kinalálagyan n~g cura; ito'y lumin~gón, at nákilala siyá at nalaglág sa canyáng camáy ang cuchillo.

--¡Inyong pacánin ang babaeng itó!--ang ipinag-utos ni Ibarra.

--¡Madilim ang gabí at nan~gawáwalâ ang m~ga bátang lalaki!--ang ibinúbulong n~g magpapalimos na babae.

N~guni't n~g makita ang alférez, na sa canya'y nagsásalitâ, náguitlá ang babae at nagtatacbó, at nawalâ sa guitnâ n~g cacahuyan.

--¿Sino ang babaeng iyón?--ang itinanóng.

--Isáng cahabaghabág na babaeng pinílit sirâin ang ísip sa cagugulat at cápapahírap!--ang isinagót ni don Filipo;--may ápat na áraw nang iya'y ganyán.

--¿Iyan bagá ang isáng nagn~gan~galang Sisa?--ang tanong ni Ibarra n~g boong pagmamalasakit.

--Ang babaeng iyá'y dinakip n~g inyó pong m~ga sundalo,--ang ipinagpatuloy n~g sabing may capaitan n~g teniente mayor;--siya'y inilibot sa boong báyang batíd, dáhil sa hindî co maalamang m~ga bagay n~g canyáng m~ga anác na lalaki, na ... hindî nan~gagcaroon n~g caliwanagan.

--¿Bakit?--ang itinanóng n~g alférez na humaráp sa cura:--¿iyán pô bagá ang iná n~g inyóng dalawáng sacristán?

Sumáng-áyon ang cura sa pamamag-ítan n~g pagtan~gô.

--¡Na nan~gawaláng hindî man lamang guinawâ ang anó mang pagsisiyásat tungcól sa canilá!--ang idinugtong ni Don Filipo n~g wári may poot, at tinititigan ang gobernadorcillo na ibinabâ ang m~ga matá.

--¡Hanápin ninyó ang babaeng iyán--ang ipinag-utos ni Crisóstomo sa m~ga alílang lalaki:--Aking ipinan~gacong pagpapagalan co ang pag-uusísà cung saan naroon ang canyáng m~ga anac na lalaki.

--¿Nan~gawalà, ang wicà ninyó?--ang itinanóng n~g alférez.--¿Nan~gawalà ang inyóng m~ga sacristan, padre cura?

Inúbos ininóm n~g cura ang vaso n~g álac na na sa canyáng haráp, at sacâ tuman~gô, bilang sagót na oo.

--¡Carambas, párì cura!--anáng alférez na casabáy ang táwang libác, at natútuwa, dahil sa siya'y nacacaganti,--pagca nawáwalâ ang iláng píso lámang n~g cagaláng-gálang na camahalan pô ninyo'y maagang maaga pa'y inyóng guiniguising ang aking sargento, upang hanapin ang inyóng salapî; n~guni't nawáwalâ ang dalawang sacristan ninyo'y hindî pô cayó nagsasabi; at cayó pô, guinoong capitán ... totoo n~gang cayó po'y....

At hindî tinapos ang canyang salitâ cung dî ang guinawa'y nagtawá, casabay n~g paglulubóg n~g canyang cuchara sa mapuláng lamán n~g papaya.

Sumagot ang curang malakí ang hiyâ at natútulig.

--Nagcágayon acó't dahil sa acó ang nanánagot n~g salapî....

--¡Mabúting sagót, cagalanggalang na pastól n~g m~ga cáluluwa!--ang salabat sa canyá n~g alférez na namumualan n~g kinacain.--¡Mabúting sagót, banál na laláki!

Nag-acalang mamaguitna si Ibarra, n~guni't nagpilit si párì Salving manag-úli sa dating catahimican n~g loob, at sumagot na caacbay ang n~gíting pílit:

--At ¿nalalaman pô bâ ninyó, guinóong alférez, cung anó ang sabihanan tungcól sa pagcawalâ n~g m~ga bátang iyan? ¿Hindî? ¡Cung gayo'y ipagtanong pô ninyó sa inyóng m~ga sundálo!

--¿At ano?--ang sigaw n~g alférez na nawala ang towa.

--¡Ang sabihana'y n~g gabing iyón mawala ang m~ga bata'y may m~ga tumunóg na ilang putóc n~g fusil!

--¿Iláng putóc?--ang inúlit n~g alférez na canyang minámasdan ang m~ga cahárap.

Nan~gagsitan~gó ang nan~garoroon, bilang pagpapatunay na may nárin~gig n~ga silá.

Nang magcágayo'y sumagót si párì Salví n~g madalang na pananalita, taglay ang malupit na paglibac.

--Sa nangyayari'y aking nakikitang bucod sa hindî cayó nacacahuli n~g m~ga gumágawa n~g masamá'y hindî po ninyó nalalaman ang m~ga guinagawa n~g inyóng m~ga capamahay, at gayón ma'y íbig po ninyóng masoc na tagapan~garal at magtúrò sa m~ga iba n~g canilang m~ga catungculan: dapat po ninyong maalaman ang casabihang; lalong nacacaalam ang ulól sa canyang sariling bahay....

--¡M~ga guinoo!--ang isinalabat ni Crisóstomo n~g canyang makitang namumutla na ang alférez;--tungcol n~ga sa bagay na itó'y ibig cong maalaman cung anó ang inyóng pasiyá sa isang aking panucálà. Inaacalà cong ipagcatiwálà ang pag-aalágà sa babaeng diyáng sira ang ísip sa isang mabúting manggagamot at samantala'y hahanapin co ang canyang m~ga anác, sa pamamag-ítan n~g túlong at m~ga hatol ninyóng dalawá.

Ang pagbabalíc n~g m~ga alílang nan~gagsabing hindî nilá nasumpun~gan ang sirá ang ísip na babáe ang siyáng nacalubós n~g pagcapayapà sa dalawáng nagcacagalit, at caniláng dinalá ang salitaan sa ibang bagay.

Nan~gagbahabahagui sa iláng pulutong ang m~ga matanda't m~ga bátà n~g matápos ang pagcain at samantalang sila'y biníbigyan n~g chá at café. Cumuha ang ibá n~g m~ga "tablero" at ang ibá nama'y nan~gagsicuha n~g "baraja," n~guni't lalong minagaling n~g m~ga dalagá ang man~gatanóng sa "Rueda de la Fortuna" (gulong n~g capalaran), sa pagcaibig niláng maalaman ang sa canila'y mangyayari sa panahóng hínaharap.

--¡Hali cayó, guinoong Ibarra.--ang sigáw namán ni cápitang Basilio, na lan~gó na n~g cauntî. May usapín tayong labing limáng taóng taón na n~gayón ang itinátagal, at waláng hucóm sa Audienciang súcat macahátol: ¿mangyayari bang tingnan natin cung áting mabíbigyang hanggá sa "tablero"?

--¡N~gayón din pô, at sumasang-ayon acó n~g boong catowaan!--¡Hintayín po ninyó acóng saglít, sa pagca't nagpapaalam ang alférez!