Noli Me Tangere

Part 19

Chapter 19 4,064 words Public domain Markdown

Silá'y limáng m~ga batang dalagang nan~gagmámadalî n~g paglacad, na nagcacacapitcapit ó nacayacap cayá sa bayawang n~g calapít, na iláng matandang babae ang sumúsunod at saca iláng m~ga babaeng alilang sunong n~g calugodlugod na anyô ang m~ga bácol na punô n~g m~ga báon; m~ga pinggán at iba pa. Pagcakita sa caniláng m~ga mukháng ang cabatáa'y tumatawa at ang pag ása'y maníningning; sa panonood n~g linipadlipad n~g caniláng malalagò't maiitim na buhóc at malalapad na cunót n~g canilang m~ga damít, marahil ipalagáy nating silá'y m~ga diosa n~g gabí, cung dî sana talastás nating silá'y si María Clara na casama ang canyáng ápat na caibigan: ang masayáng si Sinang na canyáng pinsan, ang hindî makíbuing si Victoria, ang magandáng si Iday at ang mahinhing si Neneng na matimtiman at kimî ang cagandahan.

Nan~gagsasalitaan n~g boong ligaya, nan~gagtatawanan, nan~gagcucurutan, nan~gag-aanasan at pacatapos naghahalakhacan.

--¡Guiguisin~gin ninyó ang taong natutulog pa!--ang ipinagwiwicà sa canilá ni tía Isabel;--n~g cabataan namin ay hindî camí nagcacain~gay n~g ganyán.

--¡Marahil hindî namán cayó gumiguising n~g maagang gaya namin, at marahil hindî namán nápacamatuluguín ang m~ga matatanda!--ang panagót n~g maliit na si Sinang.

Sandaling hindî silá nan~gagsásalitâ, pinagpipilitan cayâ nilang magsalitâ n~g marahahan; n~guni't hindî nalalao't nan~gacalilimot, nan~gagtatawanan, at pinúpunô ang daan n~g caniláng m~ga bátà at sariwang tínig.

--Conowarì magtampó ca; huwág mo siyáng causapin!--ang sabi ni Sinang cay María Clara;--cagalitan mo siyá at n~g huwág mamihasa sa casam-an n~g ásal.

--¡Howag mo pacahigpít namán!--ani Iday,

--¡Magmahigpít ca, howag cang haling! Dapat magmasunurin ang nan~gin~gibig samantalang nan~gin~gibig; sa pagca't cung asawa na'y gagawin ang bawa't maibigan niya!--ang hatol n~g maliit na si Sinang.

--¿Anó ang kinalaman mo niyan, bátà?--ang ipinagwíca n~g canyáng pinsang si Victoria.

--¡Ssst! ¡huwag cayóng main~gay at dumarating silá!

Dumarating n~gâ namán ang isáng pulutóng n~g m~ga binatang nan~gagtátanglaw n~g sigsig. Nan~gagsisilacad siláng hindî umíimic na tinutugtugan n~g isáng guitarra.

--¡Tila guitarra n~g pulubi!--ani Sinang na nagtatawa.

Nang mag ábot na ang dalawáng pulutóng, ang m~ga babae ay siyáng nag-anyóng hindî makibuin at matimtiman, na pára manding hindî pa silá nacacapag-aral na tumawa; tumbalíc, ang m~ga lalaki namán ang nan~gagsasalitâ, nan~gagsisin~gitî at tumátanong n~g macaanim upang magtamó n~g isáng casagutan.

--¿Tahímic bagá cayâ ang dagâtan? ¿Inaacála bagá ninyóng magcacaroon tayo n~g mabuting panahón?--ang tanóng n~g m~ga iná.

--¡Huwág pô sana cayóng maligalig, m~ga guinoong babae, mabuti acóng luman~góy!--ang sagót namán n~g isáng binátang payát at matangcád.

--¡Dápat sanang tayo'y nagsimbá múna!--ang buntóng-hinin~gá ni tía Isabel na pinagduduop ang camáy.

--Nasasapanahón pa, guinoong babae: si Albinong n~g panahón niyá'y naguing "seminarista," macapagmimisa sa bangcâ,--ang isinagót n~g isá, na itinuturò ang binatang payát at matangcád.

Si Albinong may pagmumukháng palabirô, n~g márinig na siyá'y binábangguit, nag-anyóng mapanglaw at banál, na anó pa't guinágagad niyá si párì Salví.

Bagá ma't hindî nililimot ni Ibarra ang cahinhinán, nakikisalamuhà siyá sa casayahan n~g canyáng m~ga casamahán.

Pagdatíng nilá sa pasígan, hindî sinásadyá'y tumácas sa m~ga lábi n~g m~ga babae ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at catowâan. Doo'y caniláng nakita ang dalawáng bangcáng nagcacácabit, na mainam ang pagcacágayac n~g m~ga pinagtuhóg-túhog na m~ga bulaclác at m~ga dahon, casama n~g m~ga sarisaring cúlay na m~ga damít na pinacumbô: nacasabit sa bagong lagáy na bubóng n~g sasacyáng iyón ang m~ga maliliit na farol na papel, na may m~ga casal-ít na m~ga rosas at m~ga clavel, m~ga bun~gang halamang gáya n~g pinyá, casúy, saguing, bayabas, lanzones at ibá pa. Dinalá roón ni Ibarra ang canyáng alfombra, m~ga maririkit na panábing at m~ga cogín at ang lahát n~g itó'y siyáng guinawang upuang maguinháwa n~g m~ga babae. Napapamutihan din ang m~ga tikín at m~ga sagwán. Sa isáng bangcáng lalong marikit ang pagcacágayac ay may isáng arpa, m~ga guitarra, m~ga acordeón at isáng sun~gay n~g calabaw; sa isáng bangcâ nama'y nagninin~gas ang m~ga caláng lúpà at doo'y iniháhandâ ang chá, café at salabát na gágawing agáhan.

--¡Dito ang m~ga babae, diyán ang m~ga lalaki!--ang sabi n~g m~ga iná paglulan nilá sa bangcâ.--¡Man~gátali cayó! ¡Howag sana cayóng lubháng magaláw at málulubog tayo!

--¡Man~gagcruz muna cayó!--ang sabi ni tía Isabel na nagcucruz.

--¿At tayo ba'y man~gag-íisa lamang dito?--ang tanóng ni Sínang, na pinasásama ang mukhâ--¿Tayo ba lamang ...? ¡Aráy!

Ang cadahilanan n~g "¡aráy!" na itó'y gawâ n~g isáng curót na sa capanahuna'y ibinigáy cay Sínang n~g canyáng iná.

Lumálayong untîuntî ang m~ga bangcâ sa pasigan at naaanino ang iláw n~g m~ga farol sa salamín n~g dagatang waláng caalon-alon. Sa silan~gana'y sumusun~gaw ang m~ga unang cúlay n~g liwayway.

Naghaharì ang malakíng catahimican; ang m~ga binata't dalagang nagcacabucod-bucod, ayon sa calooban n~g m~ga ina'y tila nan~gaggugunamgunam.

--¡Mag-in~gat ca!--ani Albinong seminarista n~g sabing malacás sa isáng capuwà binátà;--yapacan mong magaling ang m~ga bunót na pangsicsíc na na sa ilalim n~g iyóng paa.

--¿Bakit?

--Sa pagca't maaaring mabunglós at pumasoc ang túbig; maraming bútas ang bangcáng itó.

--¡Ay, at tayo'y lumúlubog!--ang sigawan n~g m~ga babaeng malakí ang gulat.

--¡Huwág cayóng mabahála, m~ga guinoong babae!--ang pangpayapang sa canila'y sinabi n~g seminarista. Ang bangcáng iyá'y hindî maáano; waláng bûtas cung dî lílima lamang, na hindî naman totoong malalakí.

--¡Limáng bútas! ¡Jesús! ¿At ibig ba ninyóng lunurin camí?--ang sigawan n~g m~ga babaeng nan~gatatacot.

--¡Walâ pô namán cung dî lílima, m~ga guinoong babae, at ganyán calaki lamang!--ang patibay na sabi n~g seminarista, at sa canilá'y itinuturo ang maliit na bílog na gawâ n~g canyang hinlalakí at hintutúró na pinaghúhugpong ang capuwâ dulo. Yapácan ninyóng mabuti ang bunót na sicsíc at n~g hindî mabunglós.

--¡Dios co! ¡María Santísima! ¡Pumapasoc na ang tubig!--ang sigaw n~g isáng matandáng babaeng ang pakiramdam niya'y nabábasâ na siyá.

Nagcaroon n~g caunting caguluhan, ang iba'y tumitil-î, ang ibá namá'y íbig lumucsó sa túbig.

--¡Yapácan ninyóng magaling ang bunót diyan!--ang patuloy na sigáw ni Albino, at canyang itinuturò ang dácong kinalalagyán n~g m~ga dalaga.

--¿Saan? ¿saan? ¡Dios! ¡Hindî namin nalalaman! ¡Parang áwa na ninyó, cayo'y pumarini't hindî namin nalalaman!--ang pamanhíc n~g matatacutíng m~ga babae.

Kinailan~gang lumipat ang iláng bagongtáo sa cabiláng bangcâ upang papanataguin ang loob n~g m~ga natatacot na m~ga iná. ¡Laking pagcacátaon! Tila mandin may isáng pan~ganib sa tabí n~g bawa't dalaga. Walâ cahi't isáng nacapagbibigay pan~ganib na bútas sa tabí n~g lahat n~g matatandang babae. ¡At lalo pa manding malakíng pagcacátaon! Umupô si Ibarra sa tabí ni María Clara; naupo si Albino sa tabi ni Victoria at ibá pa. Mulíng naghárì ang catahimican sa cabilugan n~g mapag-in~gat na m~ga iná. Datapuwa't hindî sa limpî n~g m~ga dalaga.

Sa pagca't hindî gumágalaw n~g camuntî man lamang ang tubig, hindî nálalayô ang m~ga baclád at sacâ totoo pang maaga, pinagcayarîang bitiwan ang m~ga gaod at man~gag-agáhan ang lahat. Pinatay ang ílaw n~g m~ga farol, sapagca't nililiwanagan na ang alang-alang n~g liwaywáy.

--¡Waláng casinggalíng n~g salabát cung inumín cung umaga bago magsimbá!--ani capitana Tikâ na iná n~g masayáng si Sinang;--uminom pô cayó n~g salabát na may cahalong puto, Albino, at makikita ninyóng hangang sa sisipaguin pa cayóng magdasál.

--Iyán n~ga pô ang guinagawâ co--ang sagot naman nito;--caya't ibig co na tulóy magcumpisál.

--¡Huwag!--ani Sinang,--uminôm cayó n~g caféng nacapagpápasayá n~g calooban.

--N~gayón din, sa pagca't ganacacaramdam na acó n~g calungcutan.

--¡Huwag cayóng uminòm niyán--ang paalaala ni tía Isabel;--uminóm cayó n~g chá at cumain cayó n~g galletas; nacapagpapatahímic daw n~g ísip ang chá.

--¡Iinom din acó n~g chá at cacain acó n~g galletas!--ang sagót n~g mapagbigay loob na seminarista--ang cabutiha'y hindî catolicismo ang alín man sa m~ga inumíng iyán.

--N~guni't ¿mangyayari ba ninyóng ...? ang tanóng ni Victoria.

--¿Cung macaíinóm namán acó n~g chocolate? ¡Mangyayari rin! Huwag lámang na mapacalaon bago mananghalîan....

Maganda ang umaga: nagpapasimulâ na n~g pagtinggád ang túbig, at sa liwanag na nanggagaling sa lan~git at sa sinag na sa tubig nagmúmulâ, ang nangyayari'y isáng caliwanagang tumátanglaw sa m~ga bagaybagay, na halos hindî nagcacaanino, isáng maningning at malamíg na liwanag, na nahahaluan n~g m~ga culay na ating napagwawari sa m~ga tan~ging pintura tungcol sa dagat.

Hálos nan~gagagalac ang lahát, sinasanghod nilá ang mahínang amíhang untîunting napupucaw; sampóng ang m~ga ináng puspós sa paninimdim at m~ga pagpapaalaala'y nan~gagtatawanan at nan~gagbìbiruan silasilá.

--¿Natátandaan mo bâ? anang isá cay capitana Ticâ--¿natátandaan mo bâ n~g tayo'y nan~galiligo sa ilog n~g panahóng dalaga pa tayo? Di caguinsaguinsa'y dumárating na dalá n~g agos ang malilit na bancang úpac n~g saguing, na may lúlang iba't ibang bun~gang halámang nan~gásasalansan sa ibabaw n~g m~ga mababan~gong bulaclac. Bawa't isa sa m~ga bangcâ ay may maliliit na banderang kinasusulatan n~g ating canicanyang pan~galan....

--¿At cung bumábalic na tayo sa báhay?--ang isinalabat namán n~g isá, na hindî nagpabayang macatapos ang nagsásalitâ; náraratnan nating wasác ang m~ga tuláy na cawayan, at pagcacagayo'y napipilitan táyong tumawíd sa ílat ... ¡ang m~ga tampalasan!

--¡Siya n~gâ--ani capitana Ticâ;--datapuwa't iniibig co pang mabasâ ang laylayan n~g aking sáya cay sa ipakita ang aking paa: nalalaman co n~g may m~ga matáng nagmámasid na nagtatago sa m~ga damuhán sa pampáng.

Nan~gagkikindatan at nan~gagn~gin~gitîan ang m~ga dalagang nacacárinig n~g m~ga bagay na ito: hindî pumapansin ang m~ga ibá, sa pagca't may saríli namán siláng m~ga pinag-uusapan.

Isá lámang táo, ang gumáganap n~g pagcapiloto, ang nananatili sa hindî pag-imíc at hindî nakikisama sa gayóng m~ga pagcacatuwâ. Siya'y isáng binatang napagkikilalang malacás sa canyáng pan~gan~gatawan, m~ga camay at paa, at may pagmumukháng nacacaakit n~g pagmamasid dahil, sa canyáng mapanglaw na malalakíng mata at mainam na tabas n~g canyang m~ga labì. Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ.

Hindî miminsang nasubucan ang táong itó ni María Clarang siyá'y pinagmámasdan: cung nagcacágayo'y dalidaling tumítin~gin siyá sa ibáng dáco at tumátanaw sa maláyò, sa bundóc, sa pampáng. Nahabág ang dalaga sa canyáng pag-íisa, cayá't cumúha n~g iláng galleta at sacá inialay. Tiningnán siyá n~g pilotong wari'y nagtátaca; n~guni't sandalíng sandalî lámang tumagál ang gayóng tin~gin: nuha n~g isáng galleta, at napasalamat sa maiclíng salitâ na bahagyâ na mawatasan sa cahinâan n~g voces.

At sino ma'y hindî na mulíng naalaala siyá. Hindî nacapagpapacunót n~g alín mang bahagui n~g canyáng mukhâ ang masasayáng tawanan at m~ga birûan n~g m~ga binata't dalaga; hindî nacapagpapan~gitî sa canyáng matatawaníng si Sínang, na napipilitang sumandalíng icucót ang kílay cung tumátanggap n~g m~ga curót, upang manag-úlì sa dating casayahan.

Ipinagpatuloy ang caniláng pagparoon sa m~ga baclád, pagcatapos na macapagagahan.

Dalawá ang baclád na iyóng nátatayô sa catatagáng pagcacáalayô, at capuwâ pag-aarî ni capitang Tiago. Natatanaw buhat sa maláyò ang iláng tagác na nacadápò sa ibabaw n~g m~ga dúlo n~g m~ga cawayang tólos, na ang anyó'y nagsisipanood, samantalang nan~gagliliparang ang tun~go'y sa iba't ibáng dáco ang m~ga "kalaway" na hinihilahisan n~g caniláng m~ga pacpác ang dacong ibabaw n~g dagatan at pinúpuspos ang impapawid n~g caniláng m~ga húning nanunuot sa tain~ga.

Sinundán n~g tin~gín ni María Clara ang m~ga tagác, na n~g málapit ang bangcâ ay nagliparang ang tun~go'y sa calapít na bundóc.

--¿Nan~gagpupugad ba ang m~ga ibóng iyan sa bundóc? ang tanóng ni María Clara sa piloto.

--Marahil pô, guinoo,--ang isinagót--n~guni't sino ma'y walâ pang nacacakita n~g m~ga pugad na iyan.

--¿Walâ bang pugad ang m~ga ibong iyan?

--Inacalà cong silá'y may pugád, sa pagca't cung hindî totoong culang-pálad silá.

Nahiwatigan nî María Clara ang malungcót na pan~gun~gusap n~g piloto n~g gayóng m~ga salitâ.

--¿Cung gayo'y paano?

--Hindî raw, po, guinoo, nakikita ang m~ga pugad n~g m~ga ibong iyan, at taglay namán ang bísà na huwag makita ang may dalá n~g púgad n~g "calaway", at túlad sa cálolowang hindî nakikita cung dî sa makínis na salamín n~g m~ga matá; gayon din namáng hindî nakíkita ang m~ga púgad na iyan cung hindî lamang sa salamín n~g tubig.

Nag-anyóng nag-iísip-isip si María Clara.

Samantala'y dumating silá sa bangcâ; itinálì n~g matandang bangkero ang m~ga sasacyan sa isang tolos na cawayan.

--¡Hintay muna!--ani tía Isabel sa anác na lalaki n~g matandang talagang aacyat na sanang dalá ang panáloc,--kinacailan~gang mahandâ muna ang sinigáng at n~g tulóy-tulóy sa sabáw ang m~ga isdâ panggagaling sa tubig.

--¡Mabaít na tía Isabel!--ang bigláng sinabi n~g seminarista;--aayaw na susumandalî ma'y damdamín n~g isdâ ang pagcáhiwalay sa tubig.

Balitang magalíng na maglútò, baga ma't may malínis na mukhâ, si Andeng na capatid sa gatas ni María Clara. Naghanda n~g húgas-bigas, m~ga camatis at camìas, at tinutulun~gan ó inaabala caya siya n~g iláng marahil nan~gagnanais na sila'y canyang calugdán. Linilinis n~g m~ga dalaga ang m~ga talbós n~g calabaza, hiníhimay ang m~ga patánì at pinapuputolputol ang m~ga paayap n~g casinghahabà n~g cigarrillo.

Upang liban~gin ang cainipán n~g m~ga nagmímithing makita cung paano lálabas sa canilang bilangguan ang m~ga isdang buháy at nan~gaggagalawan, kinuha n~g magandang si Iday ang canyang arpa. Hindî lamang mainam tumugtóg si Iday n~g instrumentong itó, cung hindî bucod sa rito'y may magagandang dalírì.

Nan~gagpacpacan ang m~ga cabataan, hinagcán siya ni María Clara: ang arda ang siyang instrumentong lalong tinútugtog sa lalawigang iyon at siyang nauucol sa gayóng m~ga sandalî.

--¡Cantahin mo, Victoria, "Ang canción n~g Matrimonio"!--ang hinin~gi n~g m~ga iná.

Tumutol ang m~ga lalaki, at si Victoriang may mainam na voces ay dumaíng na siya'y namamalat daw. "Ang canción n~g Matrimonio'y" isáng magandáng tuláng tagalog na nagsasaysay n~g m~ga cahirapan at m~ga calungcutan n~g matrimonio, na hindî binábangguit ang alìn man sa canyang m~ga catuwaan.

Nang magcagayo'y hinin~gî niláng cumantá sí María Clara.

--Pawang malulungcot na lahát ang aking m~ga "canción".

--¡Hindî cailan~gan! ¡hindî cailan~gan!--ang sabíhan n~g lahát.

Hindî na siya napapamanhic; tinangnan ang arpa, tumugtóg n~g isáng "preludio" ó pán~gunahin at cumantang ang voces ay mataguinting, calugodlugod nat agad ang damdamin:

¡Sa sariling Báya'y cátamistamisan Ang lahát n~g horas na nan~gagdaraan, Palibhásà roo'y pawang caibigan Ang lahát n~g abót n~g sícat n~g araw. Pangbuhay na lubós, ang han~ging amihang Lumilipadlipad sa bundóc at parang, Lubháng maligáya sampong camatayan At lalong matimyás ang pagsintang tunay!

Nagsisipagsaya sa labing marikit Ang ganáp sa nin~gas at wagás na halík Nang mapag-arugang iná sa pag-íbig Cung siya'y máguising na calong sa dibdib, Tuloy hinahanap maguiliw na bísig Na iniyayacap sa liguid n~g liig At ang m~ga mata'y pagcâ tumititig Pawang n~gumin~gitî sa galác na akit.

¡Yaong camataya'y catamistamisan Pagca nahahandog sa sariling Bayang Ang lahat n~g abot n~g sinag n~g araw Ating cakilala't pawang caibigan: ¡Pangpatay na lubós ang hán~ging amihan Sa sino mang táong waláng maisaysay Na Bayang sariling pinacamamahal, Inang maaruga't isang casintahan!

Natápos ang voces, humintô, napipí ang arpa, at gayon ma'y nagsisipanatili sa pakikiníg; sino ma'y waláng pumalacpác. Naramdaman n~g m~ga dalagang napúpúno n~g lúhà ang canilang m~ga matá. Tila mandín nabábagot si Ibarra at ang binatang piloto'y nacatanaw sa maláyò at hindî cumikilos.

Dî caguinsaguinsa'y nárinig ang isáng tunóg na nacabíbin~gi; sumigaw ang m~ga babae at tinacpan ang canilang m~ga tain~ga. Yao'y gawà n~g naguíng seminaristang si Albino, na hinihipan n~g boong lacás n~g canyáng lalamunan ang sun~gay n~g calabaw, na "tambúlì" cung tawaguin. Nanag-ulì ang tawanan at ang galak; ang m~ga matang dating punô n~g lúhà ay sumayá.

--Datapuwa't ¿cami ba'y bíbin~gihin mo, hereje?--ang sigáw sa canyá ni tia Isabel.

--¡Guinoong babae!--ang sagót n~g naguing seminarista n~g boong cataimtiman;--may nárin~gig acóng sinasabing isá raw dukháng trompetero doon sa m~ga pampan~gin n~g Rhin, na nacapag-asawa, sa isáng dalagang mahal at mayaman, dahil sa pagtugtóg n~g trompeta lamang.

--¡Tunay n~gâ, ang trompetero sa Sackingen!--ang idinugtóng ni Ibarra, na hindî mangyaring dî makipanayam sa bagong casayahan.

--¿Nárinig na ninyo?--ang ipinagpatuloy ni Albino;--cayâ n~gâ ibig cong tingnan cung magcacaroon acó n~g gayón ding capalaran.

At mulî na namang hinipan n~g lálò pa mandíng malacás ang matunóg na sun~gay, at sinasadyang ilapít sa m~ga tain~ga n~g m~ga dalagang nagpapakita n~g capanglawan. Sa gayó'y nagcaroon n~gâ n~g caunting caguluhan; siya'y pinahimpíl n~g m~ga iná sa cáhahampas n~g chinelas at cácucurot.

--¡Aráy! ¡aráy!--ang sinabi niya, na hinihipò ang canyang m~ga bísig--¡Gaano ang láyong ikinahihiwalay n~g Filipinas sa m~ga pampan~gin n~g Rhin! "¡Oh tempora! ¡oh mores!" Binibigyán ang ibá n~g gantíng-pálà at balabal n~g cahihiyan ang ibiníbigay namán sa ibá.

Nan~gagtatawanan na ang lahát sampô ni Victoria, gayón ma'y sinasabi n~g may masasayáng matá na si Sinang cay María Clara n~g sabing marahan:

--¡Mapalad icáw! ¡Ay, acó ma'y cacanta rin cung mangyayari sána!

Sa cawacasa'y ipinagbigay alám ni Andeng, na nacahandâ na ang sabáw upang matanggáp ang doo'y ilalagay.

Nanhíc, n~g magcagayon, ang nagbíbinatâ n~g anác n~g man~gin~gisdâ, sa pabahay n~g baclád, na na sa dácong dulong pinagtatalicupan nitó at doo'y maisusulat ang "Lasciate ogni speranza voi ch'entrate", cung marunong sana at nacacawatas n~g wícang italiano ang m~ga culang pálad na m~ga isdâ: ang pumapasoc sa canilá roo'y hindî lumálabas cung dî n~g mamatay. Yaó'y isáng culóng na may m~ga isáng metro ang lúang, na ang pagcacaanyó'y macatítindig ang isáng táo sa itaas upang buhat doo'y mahaguíp n~g sáloc ang m~ga isdâ at maitaas.

--¡Diyán ang tunay na hindî acó mayáyamot na mamingwit!--ang sabi ni Sinang na nan~gín~ginig sa galác.

Nan~gagmámasid n~g dî cawásà ang lahát: nakíkinikinita na n~g ibáng nan~gagpapalagan at naglulucsuhan ang m~ga isdâ sa loob n~g lambát n~g panaloc, cumikináng ang caniláng makikintab na caliskís at iba pa. Gayón man, n~g isisilíd n~g binátà ang lambát ay waláng anó mang lumúlucsong isdâ.

--Marahil punô,--ang marahang sábi ni Albino; mahiguit n~g limáng araw na hindî pinapandaw.

Itinaas n~g man~gin~gisdâ ang sáloc.... ¡ay! cahi't isáng isdâ man lamang ay waláng nacapamuti sa lambát; sa pagcahúlog n~g masaganang patác n~g túbig na liniliwanagan n~g araw ay wari'y nagtátawa n~g mataguintíng. Isáng "¡ah!" n~g pagtatacá, n~g samâ n~g loob, n~g pagcabigô ang tumácas sa m~ga lábì n~g lahát.

Inulit n~g binátà ang paglulubog n~g sáloc, at gayón din ang kináhinatnan.

--¡Hindî mo nalalaman ang iyóng hánap-búhay!--ang sa canya'y sinabi ni Albino, at umukyábit itó sa pabahay n~g baclád at inagaw ang sáloc sa camá'y n~g binátà--¡Makikita ninyó n~gayón! ¡Andeng, bucsán mo na ang palayóc!

Datapuwa't si Albino ma'y hindî nacacaalam: nanatíli sa pagcawaláng lamán ang sáloc. Pinagtawanán siya n~g lahát.

--¡Huwág cayóng maín~gay at náririnig cayó n~g m~ga isdâ ay ayaw pahúli!--¡Marahil punít ang lambát na ito!

N~guni't waláng casirasirà ang lambat.

--Pabayaan mo't acó,--ang sa canya'y sinabi ni Leóng nan~gin~gibig cay Iday. Siniyasat na magalíng nitó ang calagayan n~g baclád, minasdán ang lambát, at n~g matantô na niyáng páwang magalíng ang calagayan ay tumanóng:

--¿Talastás ba ninyóng magaling na may limang áraw n~g hindî pinapandaw itó?

--¡Totoong nalalaman namin! Niyong áraw na bago mag "Todos los Santos" ang cáhulihulihang pagcápandaw nito.

--Cung gayo'y ó encantado ang dagatan ó macacahuli acó n~g cahí't iilán.

Inilubog sa tubig ni León ang sáloc; datapuwa't nalarawan sa mukhâ niyá ang panguiguilalas. Sandaling tiningnan niyá n~g waláng imíc ang calapít na bundóc at ipinagpatuloy ang pag paparoo't paríto n~g sáloc sa tubig: pagcatapos ay umanás na hindî inaalis sa tubig ang sáloc:

--¡Isang buaya!

--¡Isang buaya!--ang caniláng inúlit.

Nagpalipatlipat n~g boong tulin sa m~ga bibig ang salitáng iyón, sa guitnà n~g pagcatácot at pagcamanghâ n~g lahát.

--¿Anó ang sábi ninyó?--ang itinanong nilá sa canyá.

--Ang sábi co'y may isáng buayang nahuli,--ang ipinagmatigas na sabi ni León, sacâ inilubóg sa tubig ang tagdáng cawayan n~g sáloc, at nagpatúloy n~g pagsasalitâ:

--¿Naririníg ba ninyó ang tunóg na iyán? Iya'y hindî ang buhan~gin; iyán ang matigás na balát, ang licód n~g buaya. ¡Nakikita ba ninyó ang paggaláw n~g m~ga cawáyan? Iya'y siyá na nagpupumiglás, datapuwa't siya'y nababaluctot; ¡hintay cayó ...! malakí: may isang dangcál hálos ó mahiguit pa ang lápad n~g canyáng catawán.

--¿Anó ang marapat gawin?--ang tanun~gan.

--¡Hulihin!--ang sabi n~g isáng voces.

--¡Jesús! at ¿sino ang huhuli?

Sino ma'y waláng humahandóg na sumisid sa calaliman. Ang tubig ay malalim.

--¡Dapat na itáli natin siyá sa ating bangcâ at sacâ caladcarin n~g boong pagdiriwang!--ani Sinang.--¡Dapat bang cánin ang m~ga isdáng talagáng cacanin natin!

--¡Hindî pa acó nacacakita hanggá n~gayón n~g isáng buayang buháy!--ang ibinulóng ni María Clara.

Nagtindig ang piloto, cumuha n~g isáng mahabang lúbit at malicsíng pumanhíc sa pinacabatalán n~g baclad. Ipinagcaloob ni Leóng ang piloto'y siyáng humalili sa canyáng kinalalagyán.

Lumucsó ang piloto sa loob n~g pabahay n~g baclád, sa guitnâ n~g pagtatacá at baga man nan~gagsisigawan ang lahat.

--¡Dalhin po ninyó ang sundáng na itó!--ang sigáw ni Crisóstomo, at sa canya'y iniaabot ang binunot na isang malapad na sundáng na gawâ sa Toleod.

Datapuwa't napaiimbulog na ang libolibong patác, at naghílom na ang túbig n~g boong talinghagà.

--¡Jesús, María y José!--ang sigawan n~g m~ga babae.--¡Magcacasacunâ tayo! ¡Jesús, María y José!

--Huwág cayóng mabahálà, m~ga guinoong babae,--ang sa canila'y sinabi n~g matandang bangkero,--cung sa lalawiga'y may isáng macagágawâ n~g ganyáng bagay, iyá'y "siyá."

--¿Anó ang pan~galan n~g binatang iyán?--ang itinanóng nilá.

--Tinatawag namin siyáng si "Piloto": sa m~ga pilotong nakilala co'y siyá ang magalíng sa lahát; ang casam-an lámang ay hindî niyá kinaguiguiliwan ang hánap-búhay na iyán.

Ang túbig ay gumágalaw, umáalimpuyó ang túbig: tila mandin may nagbubunô sa ilalim; umuugâ ang baclád. Hindî umíimic ang lahát, pinipiguil ang paghin~gá. Pinípisil ni Ibarra n~g nan~gán~gatal niyang camáy ang puluhan n~g matalas na sundáng.

Tila mandin ang pagbubuno'y natapos na. Sumun~gaw sa ibabaw n~g túbig ang úlo n~g binátà, na binátì n~g masayang sigawan: punóng-punô n~g m~ga lúhà ang m~ga matá n~g m~ga babae.

Umakyat ang piloto na hawak ang dúlo n~g lúbid, at n~g na sa batalán na'y sacá hínila ang lúbid na iyón.