Part 16
--Mulâ n~g aco'y maalimura n~g gayóng pagcágaspang-gaspáng, sinúlit co ang áking sarili, at nakita kong tunay n~gâ namáng nápacahan~gal acó. Pinág-arálan co áraw-gabi ang wicang castílà, at ang lahát n~g m~ga nauucol sa áking catungculan; pinahihiram acó n~g m~ga libro n~g matandáng filósofo, binabasa co ang lahát n~g áking násusumpong, at sinisiyasat co ang lahát n~g áking binabasa. Dáhil sa m~ga bágong caisipáng násunduan co sa isa't isá ay nagbágo ang áking palácad n~g bait, at áking nakita ang maraming bagay na ibá ang anyô cay sa pagcâtin~gin co n~g úna. Nakita cong m~ga camalian ang m~ga dating ang boong acála co'y m~ga catotohanan, at nakita cong pawang m~ga catotohanan ang m~ga ipinalálagay co n~g únang m~ga camalian. Ang m~ga pamamálò, sa halimbawà, na búhat sa caunaunáhang mulá'y siyáng saguísag n~g m~ga escuélahan, at ang ísip co n~g úna'y siyáng tan~ging paráang lálong malacás sa pagcatuto,--binihasa tayo sa ganyáng ang paniniwálà,--aking napagwarì n~g matápos, na dî lámang hindî nacatutulong n~g pagsulong n~g bátà sa pag-aaral, cung dî bagcós pang nacasisirà sa canyá n~g di anó lamang. Napagkilála cong maliwanag na hindî n~gâ mangyayaring macapag-isip cung na sa m~ga mata ang "palmeta" ó ang m~ga pamálò; ang tácot at ang pan~gin~gilabot ay nacagúgulo n~g bait canino man, bucód sa ang panimdim n~g bátà, palibhasa'y lálong guisíng ay lálò namáng madalíng cálimbagan n~g anó man. At sa pagcá't n~g mangyáring malimbag sa úlo ang m~ga caisipán ay kinacailan~gang maghári ang catiwasayan, sa labás hanggáng sa loob, na magcaroon n~g catahimican ang isip, magtamasa n~g capayapaan ang catawán at ang cálolowa at magtaglay n~g masigláng loob, inacála cong ang únang dápat cong gawin ay ang maguing carayámà co ang m~ga bátà, sa macatuwid baga'y huwag nilá acóng catacutan at ipalagáy nilá acóng caibigan, at ang silá'y matutong magmahál sa caniláng saríli. Napagkilala co rin namáng ang caniláng pagcakita sa araw-araw n~g pamamalo'y pumápatay sa caniláng púsò n~g áwà, at pumúpugnaw niyáng nin~gas n~g dan~gal, macapangyaríhang panggaláw n~g daigdig, at nálalakip sa gayón ang pagcawalâ n~g hiyâ, na mahirap n~g totoong mulíng magbalíc. Naliwanagan co rin namang pagcâ napapálo ang isá, nagtátamong caaliwan pagcâ napapalò namán ang m~ga ibá, at n~gumin~gitî sa towâ pagcâ náririn~gig niyá ang canilang pag-iyac; at ang pinapamámalò, bagá ma't masamâ sa loob ang pagsunód sa únang áraw, nabibihása na cung matápos at ikinaliligaya ang cahapishapis niyáng tungculin. Ikinalaguím co ang nagdaang panahón, aking pinagsicapang pagbutihin ang casalucuyan sa pagbabago n~g dating cagagawán. Pinacsâ cong calugdán at cawilihan ang pag-aáral, áking tinícang ang "cartilla'y" huwág málagay na librong maitím na napapaligûan n~g m~ga lúhà n~g camusmusán, cung dî isáng caibigang sa canyá'y mag-uulat n~g caguiláguìlalas na m~ga líhim; na ang escuelaha'y huwág maguíng púgad n~g m~ga capighatîan, cung dî isáng paraisong liban~gan n~g ísip. Untîuntî n~gang inalís co ang m~ga pamamálò, dinalá co sa áking báhay ang m~ga pamálò, at ang inihalíli co'y ang pagbíbigáy unlác sa masisipag mag-áral at n~g caigayahan n~g ibá at ang pagpapakilala n~g canícanílang sariling dan~gál. Cung hindî natututo sa pinag-aaralan, ipinalálagay cong sa caculan~gán n~g pagsusumákit, cailan ma'y hindî co sinasabing dahil sa capurulán n~g ísip; pinapaniniwalà co siláng caniláng tagláy ang lálong masaganang cáya, cay sa tunay na abót n~g caniláng lacás, at ang paniniwalang itóng caniláng pinagsisicapang papagtibayin, ang siyáng sa canilá'y pumipilit na mag-áral, túlad namán sa pagcacatiwálà sa sariling lacás na siyáng nagháhatid sa cabayaníhan. N~g nagpapasimulâ pa lámang acó'y tíla mandín hindî lálabas na magalíng ang áking bágong palácad: marámi ang hindî na nag-áaral; datapowa't ipinatuloy co, at aking námasid na untî-unting sumásaya ang m~ga loob, dumarami ang pumapasoc na m~ga bátà at lálong nagmamálimit, at ang minsang mapuri sa harapán n~g lahát, kinabucasa'y nag-iibayo ang natututuhan. Hindî nalao't cumalat sa bayang hindî acó namamalò; ipinatawag acó n~g cura, at sa pan~gan~ganib cong bacâ mangyari na namán ang gaya n~g úna, bumatì acó sa canyá n~g mapangláw sa wícang tagalog. Nito'y hindî siyá nanglibác sa ákin. Sinábi sa áking pinasásamâ co raw ang m~ga bátà; na sinasayang co ang panahón; na hindî acó gumáganap sa áking catungculan; na ang amáng hindî namamálò ay napopoot sa canyáng anác, ayon sa Espíritu Santo; na ang letra'y pumapasoc sa pamamag-itan n~g dugô, at ibá't ibá pa; sinaysay sa ákin ang isáng buntóng m~ga casabihán n~g panahón n~g m~ga catampalasanan, na anó pa't wari'y casucatan n~g nasabi ang isáng bágay n~g m~ga táo sa úna upang huwág n~g matutulan, at alinsunod sa ganitóng palácad n~g ísip ay dapat na n~gâ marahil nating paniwalâang nagcaroon sa daigdíg n~g m~ga cakilakilabot na anyô n~g m~ga háyop na kinathâ n~g ísip n~g m~ga táo n~g m~ga panahóng iyón at caniláng iniukit sa caniláng m~ga palacio at m~ga catedral. Sa cawacasa'y ipinagtagubilin sa áking aco'y magsípag at manumbalic acó sa unang caugalîan, sa pagca't cung hindî, siya'y magsusumbong sa alcalde lában sa ákin. Hindî humintô ríto ang áking casaliwâang pálad: n~g macaraan ang iláng áraw ay nan~gagsirating sa sílong n~g convento ang m~ga amá n~g m~ga bátà, at nan~gailan~gan acóng pasaclólo sa boong aking pagtitiis at pagsang-ayon. Nan~gagpasimula n~g pagpupuri sa m~ga panahóng únang ang m~ga maestro'y may matigás na loob at ang pagtúturong guinagawa'y tulad sa pagtutúro n~g caniláng m~ga núno."--¡Ang m~ga taóng yaón ang túnay na m~ga marurunong!--ang sábi nilá;--ang m~ga táong yaó'y namamalò at tinútuwid ang licóng cáhoy. ¡Silá'y hindî m~ga bátà, silá'y matatandáng malakí ang pinagdanasan, may m~ga buhóc na putî at mababalásic! Si Don Catalinong hárì niláng lahát na nagtátag n~g escuélahang iyón, hindî nagcuculang sa dalawampo't limá ang pálong ibinibigay, caya't naguing marurunong at m~ga pári ang canyáng m~ga anác. ¡Ah! mahahalagá cay sa átin ang m~ga táo sa úna, ópò, mahahalagá cay sa átin."--Hindî nan~gagcásiya ang m~ga ibá sa ganitóng magagaspáng na m~ga pasáring; sinabi nilá sa áking maliwanag, na cung ipatutuloy co ang aking palácad, ang caniláng m~ga anác ay hindî matututo, at mapipilitan siláng alisín sa áking escuélahan. Nawalang cabuluhan ang aking m~ga pagmamatuwíd sa canilá: palibhasa'y batà acó'y hindî nila binibigyan n~g malaking catuwiran. ¡Gaano calaki ang aking iaalay, magcaroon lamang acó n~g m~ga úban! Binábangguit nila sa akin ang minamagalíng nilang pan~gan~gatuwiran n~g cura, ni Fulano, ni Zutano, at binabangguit naman nila ang canilang saríling catawan, at sinasabi nilang cung hindî sa m~ga pamamalò n~g canicanilang m~ga maestro'y hindî sana sila nan~gatúto n~g anó man. Nacabawas n~g cauntî n~g capaitan n~g capighatîan cong itó ang magandang paglín~gap na ipinakita sa akin n~g ilan.
Dahil sa nangyaring itó, napilitan acóng huwag gumamit n~g isang palacad, na pagcatapos n~g malaking pagpapagal ay nagpapasimulâ na n~g pamumun~ga. Sa aking pagn~gan~galit, dinalá co kinabucasan sa escuelahan ang m~ga pamalò, at mulíng sinimulâan co ang aking catampalasanang gawâ. Nawalâ ang catiwasayan, at mulíng nagharì na naman ang capanglawan sa m~ga mukhâ n~g m~ga batang nagpapasimulâ na n~g pagguíliw sa akin: sila ang tan~ging m~ga carayamà co, ang tan~gi cong m~ga caibigan. Baga man pinagsisicapan cong magdamót n~g pamamalò, at cung namamalò man aco'y pinagágaang co hanggang sa abot n~g caya; gayón ma'y dinaramdam nila n~g malabis ang canilang pagcaamís, ang canilang pagcaimbí at nan~gagsisitan~gis n~g dî ugaling saclap. Dumarating sa aking púsò ang bagay na iyón, at cahit nagn~gitn~gitn~git acó sa sariling calooban n~g laban sa canilang halíng na magúgulang, gayón ma'y hindî acó macapanghiganti sa m~ga walang malay-salang tinatampalasan n~g maling m~ga caisipan n~g canilang m~ga ama. Nacapapasò sa akin ang canilang m~ga lúhà: hindî magcasiya sa loob n~g aking dibdíb ang aking púsò, at n~g araw na iyo'y iniwan co ang pagtuturò, baga man dî pa sumasapit ang horas, at omowî acó sa aking bahay upang tuman~gis na nagíisa.... Marahil mamanghâ pô cayó sa aking pagcamaramdamin, n~guni't cung cayó'y malagay sa aking catayua'y inyóng mapagcucúrò. Sinasabi sa akin n~g matandang Don Anastasio:--"¿Humíhin~gî n~g palò ang m~ga ama? ¿Bakit hindî ninyó sila ang pinalò?" Dahil dito'y nagsasakit acó.
Nakíkinig si Ibarrang nag-iisíp ísip.
--Bahagyâ pa lamang acóng gumágaling sa sakít ay nagbalíc acó sa escuélahan at nasumpun~gan cong icalimang bahagui na lamang ang natitira sa canila. Nan~gagsitacas ang m~ga pinacamagaling, dahil sa panunumbalic n~g dating palacad, at sa m~ga natitira, sa ilang batang cayâ pumapasoc sa escuélaha'y n~g hindî macagawâ sa canilang bahay, síno ma'y walang bumatì sa akin sa aking paggalíng: sa ganang canila'y walang malasakit ang gumalíng acó ó hindî; marahil lalong inibiig sana nila ang acó'y manatili sa pagcacasakít, sa pagca't tunay n~ga't lalong mainam mamalò ang maestrong panghalíli sa akin, n~guni't ang capalít naman nito'y bihirang pumaroon sa pagtutúrò sa escuélahan. Ang m~ga ibang tinuturuan co, yaóng m~ga batang napipilit n~g canilang m~ga magulang na pumasoc sa escuelahan, ang guinagawa'y nan~gaglalagalag sa ibang daco. Binibigyang casalanan nila acó, na sila'y aking pinagpakitaan n~g mairuguíng loob at sinisisi nila acó n~g maínam. Gayón man, ang isang anac n~g tagabúkid, na dumadalaw sa akin sa boong aking pagcacasakít, cayâ hindî na pumapasoc ay dahil sa siya'y nagsacristan: sinasabi n~g sacristan mayor na hindî raw marapat na magmaranî sa escuélahan ang m~ga sacristan, sa pagca't bababà ang canilang urì.
--At ¿nagcásiya na pô bâ cayó sa inyóng m~ga bagong tinuturuan?
--¿May magagawâ pa pô ba acóng ibang bagay?--ang isinagót.--Gayón man sa pagca't maraming nangyaring m~ga bagay-bagay, samantalang may sakít acó'y nahalinhan camí n~g cura. Sumibol sa akin ang isang bagong pag-asa, at guinawâ co na naman ang isang pamulíng pagtikím, at n~g huwag malubos na totóo ang pagcasayang n~g panahón n~g m~ga batà at pakinaban~gan hanggang sa abót n~g caya ang m~ga palò; na ang m~ga pagcahiyang iyó'y mapag-anihan man lamang nilá n~g cahi't cacaunting bún~ga, ang siya cong inísip. Yamang hindî nila acó mangyaring caguiliwan n~gayón, ninais cong may maalaala sila sa aking hindî napacasacláp cung may maisimpan silang anó mang bagay na pakikinaban~gang acó ang may túrò. Talastas na po ninyóng na sa wícang castílà ang m~ga libro sa caramihan n~g m~ga escuelahan, líban na lamang sa catecismong tagalog na nagbabago, alinsunod sa samahan n~g m~ga fraileng kinapapanigan n~g cura. Ang caraniwan n~g m~ga librong itó'y m~ga "novena" m~ga, trisagio, ang catecismo ni pari Astete, na ang nacucuba nilang cabanalan doo'y cawan~gis din cung naguing sa m~ga hereje ang m~ga librong iyón. Sa pagca't hindî manyaring sila'y aking maturuan n~g wicang castíla, at hindî co rin naman maisatagalog ang gayóng caraming m~ga libro, pinapilitan cong halinhang untî-untî n~g maiiclíng bahaguing sipi sa m~ga napapakinaban~gang m~ga librong tagalog, gaya baga n~g maliit na casaysayan n~g pakikipagcapuwâ tao ni Hortensio at ni Feliza[253], ilang m~ga maliliit na librong patnugot sa pagsasaca, at iba pa. Manacanacang isinasatagalog co ang malilíit na libro, gaya n~g Historia n~g Filipinas ni parî Barranera, at pagcatapos ay aking idinídicta, upang canilang tipuning na sa m~ga cuaderno, at cung minsa'y aking dinaragdagan n~g saríling m~ga pagpapahiwatig. Sa pagca't walâ acong m~ga "mapa" upang sa canila'y macapagtúrô acó n~g Geografía, sinalin co ang isang mapang nakita co sa "cabecera" (pan~gúlong bayan n~g lalawigan), at sa pamamag-itan n~g sinalin cong itó, at n~g m~ga baldosa n~g yapacan, na iulat co sa canila n~g cauntî ang anyô nitông ating lupaín. N~gayó'y ang m~ga babae naman ang nan~gagcaguló; nan~gagcasiya ang m~ga lalaki sa pag-n~gitî, dahil sa gayóng gawâ co'y canilang namamasdan daw ang isa sa aking m~ga caululan. Ipinatawag acó n~g bagong cura, at cahi't hindî acó pinag-wicâan, gayón ma'y sinabi sa aking ang religión daw ang dapat cong pagsicapan, at bago co iturò ang m~ga bagay na itó'y dapat na ipakilala n~g m~ga batà, sa pamamamag-itan n~g isang pagsusulit, na totoong nasasaulo na nila ang m~ga Misterio, ang Trisagio at ang Catolicismo n~g Doctrina Cristiana.
Samantala'y nagpapagal n~ga acô at n~g maguíng "papagayo"[254] ang m~ga batà, at canilang masaulo ang lubhang maraming bagay na hindî napagtatalós isa man lamang salitâ[255]. Marami sa canila ang nacasasaulo n~g m~ga "Misterio" at "Trisagio", datapuwa't nan~gan~ganib acóng masáyang ang áking m~ga pagpupumilit tungcól sa cay párì Astete, sa pagca't hindî pa totoong napag-wawarì n~g marámi sa áking m~ga tinuturúan ang pagcacaiba't ibá n~g m~ga tanóng at n~g m~ga sagót, at ang dapat na maguíng cahulugán n~g dalawáng itó. ¡At sa ganitóng calagaya'y mamámatay táyo, at ganyán din ang gágawin n~g m~ga ipan~gán~ganac, samantalang sa Europa'y pinag-uusapan ang nauucol sa pagsúlong.
--¡Howág bagá namán táyong napacamahiliguín sa pag-ásang dito sa átin ay walâ n~g cagalin~gang mangyayári!--ang itinútol ni Ibarra, at sacâ nagtindíg. Pinahatdán acó n~g isáng anyáya n~g teniente mayor upang acó'y dumaló sa isáng púlong sa tribunal ... ¿Síno ang nacaaalam cung doo'y magcacaroon pô cayó n~g sagót sa inyóng m~ga tanóng?
Nagtindig din ang maestro sa escuela, n~guni't umíiling, tandâ n~g pagcuculang tiwála, at sumagót:
--Makikita ninyo't matutulad sa aking m~ga binálac ang láyong caniláng sinábi sa akin, at cung hindî, ¡tingnan natin!
TALABABA:
[252] Tinatawag na "m~ga elemento" n~g una ang lúpà, ang tubig, ang han~gin at ang apóy.
[253] Marahil ang ibig bangguitin ni Dr. José Rizal dito'y ang librong "PAGSUSULATAN NI URBANA'T NI FELIZA" (Urbanidad) na sinulat ni Guinoong Modesto de Castro, presbítero, taga Binyáng, Laguna, at naguing cura párroco sa bayan n~g Naic, Cavite. Ang libróng yao'y isáng carikitdikitang patnubay sa magandang pakikipagcapwa-tao at sa mainam na caasalan, bucód sa magalíng na ulirán sa mabuting pananalita't pagsulat n~g wícang tagalog.--P.H.P.
[254] Isáng ibong; minamagaling dahil sa carikitan n~g canyáng m~ga balahibo at sa cadaliang matutong ulitin ang m~ga salitáng sa canya'y itúrò.--Tinatawag na _papagayo_ ang nagsasalitá n~g m~ga bágay na hindî nauunawà--P.H.P.
[255] Ganito ang narinig cong salitaan n~g isang curang fraile at n~g isáng tagalog na mangmang baga, ma't mayaman.--_Tagalog._ Bakit po bá hindi isinasawicang tagalog ang pagmimisa at iba pang panalan~gin, gayóng talastas na ninyong hindi namin nalalaman ang wicang latin?--_Cura._ Sa pagcá't cung wicang tagalog ay kinakailan~gang sabihing macaitlo upang maunawa n~g Dios ang ating hinihin~gi sa canyá, cung wicang castila'y macalawa, at cung wicang latin ay minsan lámang; itó ang dahil at sa _Misterio_ at sa _Trisagio'y_ na sa wicang latin ang mahalagáng pananalan~gin.
N~gayón naliliwanagan na n~g ilaw n~g catotohanan ang pag-iisíp n~g halos n~g lahat n~g tagalog, ang gayong pananalità n~g curang walang mithî cung di mamahay tayo sa cabulagán ay magtátamo agad n~g matindíng pagpapawalang halagá. Cung ganap na catotohanán ang Dios puspós n~g carunun~gan waláng hanggán--sa pagca't cung di gayo'y hindi siyá Dios dapat náting sampalatayanang túnay na talós niyá ang lahát n~g wicà at sa anó mang wica sabihin ang pagtáwag sa canya'y caracaraca'y nauunawà niyá; hindi lámang itô; di pa natin binúbuca ang ating bibíg ay talastás na niyá ang íbig nating hin~gín. Ang masamâ ang casamasamaan, sa pagca't isáng pagaacsayá n~g panahón ay ang magsasalitâ n~g di alám cung anó ang sinasabi, tulad sa ibong _papagayo ó loro_.--P. H. P.
=XX.=
=ANG PULONG SA TRIBUNAL=
Yaó'y isang salas na may labíngdalawá ó labíng-limáng metro ang hábà may waló ó sampóng metro ang lúang. Ang m~ga pader n~g salas na iyó'y pinaputî n~g pintáng ápog at punóng-punô n~g m~ga dibujong úling ang iguinúhit na humiguít cumúlang ang capan~gitan, humiguít cumúlang ang casalaulàan, na may m~ga cahalong paunawang súlat upang mapag-unáwang magalíng ang m~ga cahulugán noón. Namamasdan sa isáng suloc na nacasandál n~g mahúsay na pagcacahanay ang may sampóng m~ga lúmang fusil na batóng pingkian ang pangpaputóc na cahálò n~g sableng cálawan~gin, m~ga espadin at m~ga talibóng: yaón ang m~ga sandata n~g m~ga "cuadrillero."
Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante. Man~ga siráng banccô at silla ang siyáng nacahúhusto n~g m~ga casangcapan.
Itó ang salas na pinagpupulun~gan n~g tribunal, n~g m~ga pagpapahirap at ibá pa. Dito nagsasalitaan n~gayón ang m~ga púno n~g báyan at n~g m~ga nayon: hindî nakikihálò ang pangcát n~g m~ga matatanda sa pangcát n~g m~ga báta, at hindî nan~gagcacasundò ang isá't isá; silá ang m~ga kinácatawan n~g partido conservador at n~g partido liberal, ang naguiguing catangîa'y totoong napapacalabis sa m~ga bayan ang caniláng m~ga pagtatalotalo.
--¡Nacacapagcúlang-tiwálà sa ákin ang asal n~g gobernadorcillo!--ani Don Filipong púno n~g partido liberal sa canyáng m~ga catoto; may dáti siyáng talagang pacay siya totoong ipinagpahuli niya ang pagtutuos n~g bálac na gúgugulin. Unawàin ninyóng labing-isáng araw na lamang ang sa áti'y nátitira.
--At ¡nátira siya sa convento upang makipagsalitaan sa curang may sakit!--ipinaalaala n~g ísa sa m~ga batà.
--¡Hindî cailan~gan!--ang sinábi namán n~g isá;--ang lahát, ay naihandâ na natin. Huwág bâ lamang magcaroon n~g lálong maráming "voto" ang bálac n~g m~ga matatandá....
--¡Hindî co inaacalang magcaroon!--ani Don Filipo;--acó ang magháharap n~g bálac n~g m~ga matatandâ....
--¿Bakit? ¿anó ang sábi pô ninyó?--ang sa canyá'y m~ga tanóng n~g m~ga nakikinig sa canyáng páwang nan~gagtátaca.
--Ang sinasabi co'y cung acó ang únang magsasalita'y áking iháharap ang bálac n~g ating m~ga caáway.
--At ¿ang bálac natin?
--Cayó pô namán ang magháharap n~g bálac natin--ang sagót n~g tenienteng n~gumin~giti, na ang pinagsasabiha'y isáng bátang cabeza de barangay;--magsasalità pô cayó, pagcâ aco'y natálo na.
--¡Hindî pô namin mawatasan ang inyóng caisipán!--ang sábi sa canyá n~g m~ga causap, na minámasdan siyáng puspos n~g pag-aalinlán~gan.
--¡Pakinggan ninyó!--ang marahang sinabi ni Don Filipo sa dalawá ó sa tatlóng nakikinig sa canyá--Nacausap co canínang úmaga si matandáng Tasio.
--At ¿anó?
--Sinabi sa akin n~g matandà: "Kinapopootan pô cayó n~g inyóng m~ga caaway n~g higuit sa pagcapóot sa inyóng m~ga caisipán. ¿Ibig bagá ninyóng howag mangyári ang isáng bágay? Cung gayó'y cayó ang humicayat na gawín ang bágay na iyán, at cáhi't ang bágay na iyá'y pakikinaban~gang higuít cay sa isáng "mitra" ay ipagtatacwilan. Cung cayó'y matálo na, inyóng ipasábi ang inyóng linalayon sa lalong cababababaan sa lahát ninyóng m~ga casamahán, at sasang-ayunan ang inyóng láyong iyón n~g inyóng m~ga caaway, sa han~gád niláng cayó'y hiyâin." Datapuwa't inyó sánang in~gátan ang líhim cong itó.
--N~guni't....
--Cayâ n~ga acó ang siyáng magsasalitâ upang gawín ang panucálà n~g ating m~ga caáway, na anó pa't pacalalabisin co ang pan~gan~gatuwíran hanggang sa catawá-tawá. ¡Howág cayóng main~gay! Narito na si Guinoong Ibarra at ang maestro sa escuela.
Bumáti ang dalawáng binátà sa isá't isáng pulutóng; n~guni't hindî nakialám sa m~ga salitâan.
Hindî naláo't pumásoc ang gobernadorcillong malungcót ang pagmumukhâ: siyá rin ang nakita nátin cahapong may daláng isáng arrobang candilà. Humintô ang m~ga alin~gawn~gáw pagpásoc niyá; bawá't isa'y naupô at untiunting naghárì ang catahimícan.
Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ, inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang paúlit-ulit na guinawâ.
--¡M~ga guinoó!--ang sinábi sa cawacasang nanglulupaypay ang voces:--nan~gahás acóng anyayáhan co cayong lahát sa pagpupulong na itó ... ¡ejem!... ¡ejem!... gágawin natin ang fiesta n~g ating pintacasing si San Diego sa ica 12 nitong buwán.... ¡ejem!... ¡ejem!... n~gayo'y ica 2 tayo ¡ejem!... ¡ejem!...
At dito'y inubó siyá n~g mahabà at tuyô na siyang pumíguil n~g canyáng pagsasalitâ.
Nang magcagayo'y tumindíg sa bangcô n~g m~ga matatandâ ang isáng táong may anyong makísig, na may m~ga apat na pong taón ang gúlang. Siya ang mayamang si capitang Basilio, caaway n~g nasírang si Don Rafael, isáng taong nagsasabing umanó'y mulâ n~g mamatay si Santo Tomás de Aquino, ang mundo'y hindî sumusulong n~g cahi't iisang hacbang, at mulâ n~g canyáng íwan ang San Juan de Letrán, nagpasimulâ ang Sangcataóhan n~g pag-udlót.
--Itúlot pô n~g m~ga camahalan ninyóng magsaysay acó tungcól sa isáng bágay na totoong mahalagá--anyá. Acó ang náunang nagsalitâ, bagá man lálong may carapatáng man~gáuna sa ákin ang m~ga caumpóc dito, n~guni't acó ang únang nagsalitâ, sa pagca't sa acalà co'y sa m~ga ganitóng bágay, ang magpasimulà n~g pananalita'y hindî ang cahuluga'y siyáng nan~gun~guna, at gayón ding hindî ang cábuntutan ang cahulugán n~g cahulihulihang magsaysáy. Bucód sa rito'y ang m~ga bágay na sasabihin co'y lubháng napacamahalagá upang maipagpaubáyà ó sabihin cayâ sa cahulihulihan; itó ang dáhil at íbig co sánang magpáuna n~g pananalitâ, at n~g máibigay ang dápat na cauculán. Itulot n~gâ ninyóng acó ang máunang magsalitâ sa púlong na itóng kinakikitaan co n~g m~ga nalílimping totoóng m~ga litáw na m~ga táo, gáya na n~ga n~g guinoong casalucuyang capitan, n~g capitan pasado, n~g caibigan cong tán~ging si Don Valenting capitan pasado, ang aking caibigan sa camusmusáng si Don Julio, ang ating bantóg na capitan n~g m~ga cuadrillerong si Don Melchor, at marami pang m~ga caguinoohang dî co na sasabihi't n~g huwág acóng humábà, na nakikita n~g inyóng m~ga camahalang pawang caharap natin n~gayón ípinamanhic co pô sa inyóng m~ga camahalan ipahintulot na acó'y macapagsalitâ bago magsalitâ ang ibáng síno man ¿Magtátamo cayâ acó n~g capalarang pahinuhod ang capulun~gan sa áking mapacumbabang capamanhican?
At sacâ yumucod ang mananalumpátì n~g bóong paggálang at ga n~gumin~gitî na.
--¡Macapagsasalitâ na cayó, sa pagcá't cayó'y pinakíkinggan námìn n~g boong pagmimithî!--ang sinábi n~g m~ga binan~guít na m~ga caibigan, at iba pang m~ga táong nan~gagpápalagay na siya'y dakílang mananalumpatî: nan~gag-úubo n~g bóong ligaya ang m~ga matatandâ at caniláng pinagpípisil ang dalawáng camáy. Pagcatápos na macapagpáhid n~g páwis si capitán Basilio n~g canyáng panyóng sutlâ, ay nagpatúloy n~g pananalitâ:
Yamang lubháng nápacaganda ang inyong calooban at mapagbigay lugod sa ating abáng cataohan, sa pagcacaloob sa aking acó ang macapagsalitáng máuna sa sino mang náririto, sasamantalahin co ang capahintulutang itóng sa aki'y ipinagcaloob n~g bóong cagandáhan n~g pusó at aco'y magsasalitâ. Iniisip n~g aking isip na aco'y sumasaguitnâ n~g cagalanggalang na Senado romano, "senatus populusque romanus", na sinasabi nátin niyóng m~ga caayaayang panahóng sa caculan~gang pálad n~g Sangcataóha'y hindî na magbábalic, at aking híhin~gin sa "Patres Conscripti", ang sasabihin marahil n~g pantás na si Ciceron, cung siyá ang málagay sa catayuan co n~gayón; hihín~gin co, sapagca't capós táyo sa panahón, at ang panaho'y guintô, áyon sa sábi ni Salomón na sa mahalagang pinag uusapan n~gayo'y sabíhing maliwanag, maiclí at walang ligóy-lígoy n~g báwa't isá ang canyang panucalà. Sinabi co na.