Part 12
--¿Sasama ba cayó sa akin, m~ga báta?--ang itinanóng sa canilá. May handâ sa inyó ang inyóng nanay na isáng hapunang marapat sa m~ga cura.
--¡Aayaw po caming paalisin n~g sacristan mayor hanggang hindî tumutugtog ang icawalóng horas--ang sagót n~g pinacamatandâ.--Hinihintay co pong másin~gil ang aking "sueldo" upang maibigay co sa aking iná.
--¡Ah! at ¿saán bâ cayó paparoon?
--Sa campanario pô upang dumublás sa m~ga cálolowa.
--¿Pasasacampanario cayó? ¡cung gayó'y cayó'y mag-in~gat! ¡howág cayóng lalapit sa m~ga campanà hanggáng umúunos!
Umalís sa simbahan, pagcatapos na masundán n~g isáng titíg na may habág ang dalawáng batang pumapanhic sa m~ga hagdanang patun~go sa coro.
Kinuscós ni Tasio ang m~ga matá, tumin~gín ulî sa lan~git at bumulóng: --N~gayó'y dáramdamin cong mahulog ang m~ga lintíc.
At nacatun~góng pumaroon sa labás n~g báyang nag-iisip-isip.
Dumáan pô muna cayó!--ang sabi sa canyá sa wicang castílà n~g isáng matimyás na voces mulâ sa isáng bintanà.
Tumungháy ang filósofo, at canyáng nakita ang isáng lalaking may tatlompô ó tatlompo't limang taóng sa canyá'y n~gumitî.
--¿Anó pô bâ ang inyóng binabasa riyán?--ang tanóng ni Tasio, na itinuturò ang isáng librong hawac n~g lalaki.
--Isáng librong pangcasalucuyan: ¡"Las penas que sufren las benditas ánimas del Purgatorio!"[218]--ang isinagót n~g causap na n~gumin~gitî.
--¡Nacú! ¡nacú! ¡nacú!--ang wicâ n~g matandáng lalaki sa sarisaring "tono" n~g voces, samantalang pumapasoc sa báhay;--totoong matalas ang ísip n~g cumathâ niyán.
Pagcapanhíc niyá n~g hagdanan ay tinanggáp siyá n~g boong pakikipag-ibigan n~g may báhay na lalaki at n~g canyáng asawa. Don Filipo Lino ang pan~galan n~g lalaki at Doña Teodora Viña namán ang babae. Si Don Filipo ang siyáng teniente mayor at siyáng púnò n~g isáng "partidong" halos ay "liberal"[219], sacali't matatawag itó n~g gayón, at cung sacaling mangyayaring magcaroon n~g m~ga "partido" sa m~ga bayan n~g Filipinas.
--¿Nakita pô ba ninyó sa libin~gan ang anác n~g nasirang si Don Rafael na bagong carárating na galing sa Europa?
--Opò, nakita co siyá, n~g siyá'y lumúlunsad sa coche.
--Ang sabihana'y naparoo't upang hanapin ang pinaglibin~gán sa canyáng amá ... Marahil cakilakilabot ang canyáng pighatî n~g maalaman....
Ikinibít n~g filósofo ang canyáng m~ga balicat[220].
--¿Hindî pô bà dináramdam ninyó ang casaliwâang palad na iyan?--ang tanóng n~g guinoong babaeng bátà pa.
--Talastás na pô ninyóng acó'y isá sa anim na nakipaglibing sa bangcáy; acó ang humarap sa Capitan General n~g aking makitang ang lahát dito'y hindî umíimic sa gayóng calakilakihang capusun~gán, gayóng cailán ma'y minamagaling co ang paunlacán ang táong mabait cung nabubuhay pa cay sa cung patáy na.
--¿Cung gayó'y bakit?
--Datapuwa't hindî pô acó sang-ayon sa pagmamanamana n~g caharîan. Alang-álang sa caunting dugong insíc na bigáy sa akin n~g aking iná, sumasang-ayon acó n~g cauntî sa caisipan n~g m~ga insíc: pinaúunlacan co ang amá dahil sa anác, n~guni't hindî ang anác dahil sa amá. Na ang bawa't isá'y tumanggáp n~g gantíng pálà ó n~g caparusahán dahil sa canyáng m~ga gawâ; datapuwa't hindî dahil sa m~ga gawà n~g ibá.
--¿Nagpamisa pô bâ cayó n~g patungcol sa inyóng nasírang asawa, alinsunod sa hatol co sa inyó cahápon?--ang itinanóng n~g babae nagbago n~g pinasasalitaanan:
--¡Hindî!--ang sagót n~g matandáng lalaking n~gumin~giti.
--¡Sayang!--ang isinagót n~g babaeng tagláy ang túnay na pagpipighatî;--casabiháng hanggang sa icasampong oras n~g umaga búcas, ang m~ga calolowa'y malayang naglilibot at naghihintay n~g sa canilá'y pagbibigáy guinhawa n~g m~ga buháy; na ang isáng misa sa m~ga panahóng itó'y catimbáng n~g limá ó anim na misa sa m~ga ibáng araw n~g isáng taón, ayon sa sabi n~g cura, caninang umaga.
--¡Mainam! ¿Sa macatuwíd ay mayroon tayong isáng caaliw-alíw na taning na dapat nating samantalahin?
--¡N~guni't Doray!--ang isinabad ni Don Filipo;--talastas mo n~g hindî naniniwálà si Don Anastasio sa Purgatorio.
--¿Na hindî acó naniniwalà sa Purgatorio?--ang itinutol n~g matandáng lalaking tumitindig na sa canyáng upuan.--¡Diyata't pati n~g "historia" n~g Purgatorio'y aking nalalaman!
--¡Ang historia n~g Purgatorio!--ang sinabing puspós n~g pagtatacá n~g mag-asawa. ¡Tingnán n~gâ natin! ¡Saysayin ninyó sa amin ang historiang iyán!
--¿Hindî palá ninyó nalalaman ay bakit cayo'y nan~gagpapadalá roon n~g m~ga misa at inyóng sinasabi ang m~ga pagcacahirap doon? ¡Magaling! yamang nagpapasimulâ na n~g pag-ulán at tíla mandín tátagal, magcacapanahón tayo upang howag tayong mayamót--ang isinagót ni Tasio, at saca nag-isíp-ísip.
Itiniclóp ni Don Filipo ang librong canyáng tan~gan, at umupô sa canyáng tabi si Doray, na náhahandang huwag maniwálà sa lahát n~g sasabihin ni Tasio. Nagpasimulâ itó sa paraang sumusunod:
--Malaon pang totoo bago manaog ang ating Pan~ginoong Jesucristo'y may Purgatorio na, at ito'y na sa calaguitnaan n~g lúpà, ayon cay párì Astete, ó sa malapit sa Cluny, ayon sa monjang sinasabi ni párì Girard, datapuwa't hindî ang may cahulugan dito'y ang kinalalagyan. Magaling, ¿sinosino ang m~ga nasásanag sa apoy na iyóng nag-aalab mulâ n~g lalan~gín ang sanglibutan? Pinapagtitibay ang caunaunahang pagcacatatág n~g Purgatorio n~g Filisofía Cristiana na nagsasabing walâ raw guinágawang bagong anó man ang Dios mulâ n~g magpahin~galáy siyá.
--Mangyayaring nagcaroong "in potentia"[221]; datapuwa't hindî "in actu"[222], ang itinutol n~g teniente mayor.
--¡Magalíng na magalíng! Gayón ma'y sasagutin co cayóng may iláng nacakilala n~g Purgatorio na talagang mayroon na "inactu", ang isá sa canilá'y si Zarathustra ò Zoroastro[223], na siyang sumulat n~g isáng bahagui n~g "Avestra"[224] at nagtatag n~g isáng religióng sa m~ga tan~ging bagay nacacahawig n~g atin at alinsunod sa m~ga pantas, si Zarathustra'y sumilang na nauna cay Jesucristo n~g walóng daang taón ang cauntian. Ang cauntian ang wícà co, sa pagca't pagcatapos na masiyasat ni Platón[225], Xanto de Lidia Plinio[226], Hermipos at Eudoxio,[227] inaacalà niláng nauna si Zarathustra cay Jesucristo n~g dalawang libo at limáng daan taón. Sa papaano mang bagay, ang catotohana'y sinasabi na ni Zarathustra ang isáng bagay na nawawan~gis sa Purgatoria, at naghahatol siyá n~g m~ga paraan upang macaligtás doon. Matútubos n~g m~ga buháy ang m~ga calolowang namatáy sa casalanan, sa pagsasalitâ n~g m~ga nasasaysay sa "Avestra" at gumawâ n~g m~ga cagalin~gan; datapuwa't kinacailan~gang ang mananalan~gin ay isáng camág-ánac n~g nasírà hanggang sa icaapat na salin. Ang panahóng táning sa bágay na itó'y sa taón taón, tumátagal n~g limáng áraw. Nang malaon, n~g tumibay na sa bayan ang gayóng pananampalataya, napagwárì n~g m~ga sacerdote sa religióng iyóng malakíng dî anó lamang ang pakikinaban~gin sa gayóng pananampalataya, caya't kinalacal nilá yaóng m~ga "bilangguang n~gitn~git n~g dilím na pinaghaharìan n~g m~ga pagn~gan~galit sa nagawang casalanan", ayon sa sabi ni Zarathustra. Ipinaalam n~gâ niláng sa halagáng isáng "derem", salapíng bahagyâ na ang halagá'y nababawas sa calolowa ang isáng táong pagcacasakit n~g dî cawásà; n~guni't sa pagca't ayon sa religiong iyó'y may m~ga casalanang pinarurusahan n~g tatlóng daan hanggáng isáng libong taón, gaya n~g pagsisinun~galíng, n~g pangdaráyà, at n~g hindî pagganáp sa naipan~gacò, at ibá pa, ang nangyari'y tumátanggap ang m~ga balawîs na sacerdote n~g maraming millong "derems." Dito'y mapag-wawari na ninyó ang caunting bagay na nawawan~gis sa Purgatorio natin, bagá man mapagtatantò na ninyóng ang pinagcacaibha'y ang m~ga religión.
Isáng kidlát na may casunód agád agád na isáng maugong na culóg ang siyáng nagpatindig cay Doray na nagsalitáng nagcucruz:
--¡Jesús, Maria y José! Maiwan co muna cayó; magsusunog acó n~g benditang palaspás at n~g m~ga "candilang perdón".
Nagpasimulâ n~g pag-uláng tila ibinubuhos. Nagpatúloy n~g pananalitâ ang filósofo Tasio, samantalang sinusundan niyá n~g tin~gín ang paglayô n~g may asawang babáeng bátà pa.
--N~gayóng walâ na siyá'y lalong mapag-uusapan na natin n~g boong caliwanagan ang dahil n~g áting salitaan. Cahi't may cauntíng pagcamapamahîin si Doray, siyá'y magalíng na católica, at hindî co íbig na pumacnít sa púsò n~g pananampalataya: naíiba ang isáng pananampalatayang dalísay at wagás sa halíng na pananampalataya, túlad sa pagcacaiba n~g nín~gas at n~g úsoc, wán~gis sa caibhán n~g música sa isáng gusót na cain~gayan: hindî napagkikilala ang ganitong pagcacaiba n~g m~ga halíng, na túlad sa m~ga bin~gí. Masasabi náting sa ganáng átin ay magalíng, santo at na sa catuwiran ang pagcacahácà n~g Purgatorio; nananatili ang pagmamahalan n~g m~ga patáy at n~g m~ga buháy at siyáng nacapipilit sa lálong calinisan n~g pamumuhay. Ang casam-a'y na sa tacsil na paggamit n~g Purgatoriong iyán.
N~guni't tingnán natin n~gayón cung bakit pumasoc sa catolicismo ang adhicáng itóng walâ sa Biblia at walâ rin sa m~ga Santong Evangelio. Hindî binábangguit ni Moisés at ni Jesucristo caunti man lamang ang Purgatorio, at hindî n~ga casucatán ang tan~ging saysay na canilang sabing na sa m~ga Macabeo, sa pagca't bucód sa ipinasiyá sa Concilio n~g Laodicea, na hindî catotohanan ang librong ito, ay nitó na lamang huling panahón tinanggap n~g Santa Iglesia Católica. Walâ ring nacacatulad n~g Purgatorio sa religión pagana. Hindî mangyayaring panggalin~gan n~g pananampalatayang itó ang casaysayang "Aliæ panduntor inanies" na totoong madalás bangguitín ni Virgilio[228] na siyáng nagbigáy dahil sa dakilang si San Gregorio[229] na magsalitâ n~g tungcól sa m~ga cálolowang nalunod, at idagdág ni Dante[230] ang bagay na itó sa canyáng "Divina Comedia".
Walâ rin namáng nacacawan~gis n~g ganitóng caisipán sa m~ga "brahman"[231], sa m~ga "budhista"[232] at sa m~ga egipcio mang nagbigáy sa Roma n~g caniláng "Caronte"[233] at n~g caniláng "Averno"[234]. Hindî co sinasaysay ang m~ga, religión n~g m~ga bayan n~g Ibabâ n~g Europa: ang m~ga religióng itó, palibhasa'y religión n~g m~ga "guerrero"[235], n~g m~ga "bardo"[236] at n~g m~ga mán~gan~gaso[237], datapuwa't hindî religión n~g m~ga filósofo, bagá man nananatili pa ang caniláng m~ga pananampalataya at patí n~g caniláng m~ga "rito"[238] na pawang nangálangcap na sa religión cristiana; gayón ma'y hindî nangyaring sumama silá sa hucbó n~g m~ga tampalasang nangloob sa Roma, at hindî rin silá nangyaring lumuclóc sa Capitolio[239]: palibhasa'y m~ga religión n~g m~ga úlap, pawang nan~gapápawì sa catanghaliang sícat n~g araw.--Hindî n~gâ sumasampalataya sa Purgatorio ang m~ga cristiano n~g m~ga unang siglo: nan~gamámatay siláng tagláy iyáng masayáng pag-asang hindî na malalao't silá'y háharap sa Dios at makikita nilá ang mukhâ nitó. Si San Clemente na taga Alejandría[240], si Orígenes[241] at si San Irineo[242] ang siyáng m~ga unang m~ga párì n~g Iglesiang tila bumábangguít n~g Purgatorio, marahil sa pagcadalá sa canilá n~g akit n~g religión ni Zarathustra, na namumulaclac at totoong lumalaganap pa n~g panahóng iyón sa boong Casilan~ganan, sa pagca't malimit nating nababasa ang m~ga pagsisi cay Orígenes, dahil sa canyáng malabis na paghílig sa m~ga bagay sa Casilan~ganan. Guinagamit ni San Irineong pangpatibay sa pananampalataya sa Purgatorio, ang "pagcátira ni Jesucristong tatlóng araw sa cailaliman n~g lúpà," tatlóng araw na pagcapasa Purgatorio, at canyáng inaacála, dahil dito, na bawa't cálolowa'y dapat manatili sa Purgatorio hanggáng sa mabuhay na mag-ulî ang catawán, bagá man tila laban mandin sa bagay na itó ang "Hodie mecum eris in Paradiso[243]." Nagsasaysay rin namán si San Agustín, tungcól sa Purgatorio; datapowa't sacali't hindî niyá pinagtibay na tunay na mayroon n~gâ, gayón ma'y ipinalálagay niyang mangyayari n~gang magcaróon, sa pag-aacálà niyáng maipagpapatuloy hanggáng sa cabilang búhay ang tinátanggap nating m~ga caparusahan sa búhay na itó, dahil sa ating m~ga casalanan.
--¡Nacú namán si San Agustin!--ang sinabi ni Don Filipo;--¡hindî pa siyá magcacásiya sa tinitiis nating m~ga hirap sa búhay na itó't ibig pa niyá ang magpatuloy hanggáng sa cabiláng-búhay!
--Ganyán n~ga ang calagayan n~g bagay na ito: sumasampalataya ang ibá at ang ibá'y hindî. Bagá ma't sumáng-áyon na si San Gregorio, alinsunod sa canyáng "de quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius ignis credendus est," hindî rin nagcaroon n~g patuluyang catibayan ang Purgatorio, hanggang sa n~g ipasiyá n~g Concilio sa Florencia n~g taóng 1439, sa macatuwíd ay n~g macaraan na ang walóng daang taón, na dápat magcaroon n~g isáng apóy na pangdalísay ó panglínis sa m~ga cálolowang bagá ma't namatáy na sumísinta sa Dios, n~guni't hindî pa lubós napagbabayaran ang Justicia n~g May Capal. Sa cawacasa'y ang Concilio Tridentino[244], sa ilalim n~g pan~gun~gulo ni Pio IV n~g taóng 1563, sa icalabinglimáng púlong ay ilinagdâ ang cautusán tungcól sa Purgatorio, na ang pasimula'y: "Cum catholica ecclesia Spiritu Sancto edocta etc.," na doo'y sinasabing ang m~ga patungcól n~g m~ga buháy, ang m~ga panalan~gin, ang m~ga paglilimós at iba pang m~ga gawáng cabanalan ay siyáng mabibísang paraan upang mailigtás sa Purgatorio ang m~ga cálolowa, bagá man sinasabing ang paghahayin n~g misa'y siyang lalong cagalinggalin~gan sa lahat. Gayón ma'y hindî sumasampalataya ang m~ga protestante[245] sa Purgatorio, at gayon dín ang m~ga páring griego[246], sa pagca't walâ siláng nakikitang pagbibigay catotohanan n~g Biblia[247], at sinasabi niláng binibigyáng wacás n~g camatayan ang taning upang macagawâ n~g m~ga carapatán ó n~g m~ga laban sa m~ga carapatán, at ang "Quodcumque ligaberis in terra" hindî ang cahulugá'y "usque ad purgatorium" etc.; n~guni't dito'y maisásagot na sa pagcá't na sa calaguitnàan n~g lúpa ang Purgatorio, talagáng dapat mapasailalim n~g capangyarihan ni San Pedro. Datapuwa't hindî acó matatapos n~g pagsasaysay, cung sasalitain co ang lahát n~g m~ga sabi tungcol sa bagay ni ìtó. Isáng araw na ibiguin pô ninyóng pagmatuwiranan natin ang bagay sa Purgatorio, magsadyâ, cayó sa aking báhay at doo'y babasahin natin ang m~ga libro at tayo'y maláyà at payapang macapagpapalagayan n~g canícanyang catuwiran. N~gayó'y yayao na acó: hindî co mapaghúlò cung bakit itinutulot n~g cabanalan n~g m~ga crístiano ang pagnanacaw sa gabíng itó.--Cayóng m~ga punong báyan ay nan~gagpapabayà sa ganitóng gawâ, at aking ipinan~gan~ganib ang aking m~ga libro. Cung sana'y nanacawin nilá sa akin upang caniláng basahin ay aking ipauubayà, datapuwa't marami ang nan~gag-iibig na tupukin ang aking m~ga libro, sa han~gád na gumanáp sa akin n~g isáng pagcacaawang gawâ, at dapat n~gang catacutan ang ganitóng pagcacaawang gawang carapatdapat sa califa[248] Omar[249]. Dahil sa m~ga librong itó'y ipinalálagay n~g ibáng linagdaan na aco n~g parusa n~g Dios....
--¿N~guni't inaacalà cong cayó po'y sumasampalataya sa parusa n~g Dios?--ang tanóng ni Doray na n~gumín~gitî at lumálabas na may dalang lalagyán n~g m~ga bágang pinagsusunugan n~g m~ga tuyóng dahón n~g palaspás, na pinagbubuhatan n~g nacayáyamot n~guni't masaráp na amóy na úsoc.
--¡Hindî co po alám, guinoong babae, cung anó ang gágawin sa akin n~g Dios!--ang isinagót ni matandáng Tasio na nag-iísip-ísip. Pagcâ acó'y naghihin~galô na, iháhandog co sa canyá ang aking cataohang waláng camuntî mang tacot; gawín sa akin ang bawa't ibiguin. N~guni't ma'y naiisip aco ...
--At ¿anó po ang naíisip ninyóng iyán?
--Cung ang m~ga católico lamang ang tan~ging mapapacagaling, at limá lamang sa bawa't isáng daang católico ang siyáng mápapacagaling, at sa pagca't ang dami n~g m~ga católico'y icalabingdalawang bahagui n~g m~ga nabubuhay na táo sa lúpà, sacali't paniniwalaan natin ang sinasabi sa m~ga estadística[250], ¿ang mangyayari'y pagcatapos na mapacasamâ ang yuta-yutang m~ga táong nabuhay sa daigdig sa boong dî mabilang na m~ga siglong nagdaan, bago nanaog sa lúpà ang Mananacop, at pagcatapos na mamatay dahil sa atin ang Anác n~g isáng Dios, n~gayó'y lílima lamang ang mapapacagaling sa bawa't isáng libo't dalawáng daang táo? ¡Oh, tunay na tunay na hindî! ¡Minámagaling co pa ang magsaysay at sumampalatayang gaya ni Job: "¿Diyata't magpapacabagsíc icáw sa isáng inilílipad na dahon at pag-uusiguin mo ang isáng tuyóng layác?" ¡Hindî, hindî mangyayari ang gayóng casaliwaang pálad na calakilakihan! ¡Cung sampalatayanan ito'y isáng capusun~gán; hindî, hindî!
--¿Anóng inyóng gágawin? Ang Justicia, ang cadalisayan n~g Dios ...
--¡Oh, datapuwa't nakikita n~g Justicia at n~g Cadalisayan n~g Dios ang darating bago guinawâ ang paglikhâ sa Sangsinucob!--ang isinagót n~g lalaking matandang nan~gin~gilabot na tumindíg.--Ang boong kinapal, ang táo ay isáng linaláng sa isáng nais lamang n~g calooban; n~guni't hindî niyá kinacailan~gan, cayá't hindî n~gâ marapat na likhaín niyá, hindî, cung cacailan~ganing mapacasamâ sa waláng hanggáng casaliwaang palad ang daándaáng táo upang mapaligaya ang isá lamang, at ang lahát n~g itó'y dahil sa m~ga minanang casalanan ó sa sandalíng pagcacasala, ¡Hindî! Cung iyá'y maguiguing catotohanan, sacalín na ninyo't patayin iyáng inyóng anác na lalaking diya'y tumutulog; cung ang ganyáng pananampalataya'y hindî isáng malaking capusun~gáng lában sa Dios na iyáng dapat na maguíng siyáng Dakilang Cagalin~gan; pagcacágayó'y ang Molok fenicio na ang kinacai'y ang inihahayin sa canyáng m~ga pinápatay na táo at ang dugóng waláng-malay-sála, at sinususunog sa canyáng tiyán ang m~ga sanggól na inagaw sa dibdib n~g caniláng m~ga iná, ang mamamatay-táong dios na iyán, ang dios na iyáng calaguimlaguím, cung isusumag sa Canyá'y masasabing isáng dalagang mahinà ang loob, isáng caibigang babae, ang iná n~g Sangcataohan!
At puspós n~g panghihilacbót, umalís sa báhay na iyón ang ul-ól ó ang filósofo, at tumacbó sa lansan~gan, bagá man umuulan at madilím.
Isáng nacasisilaw na kidlát na caacbáy n~g isáng cagutlaguitlang culóg na nagsabog sa impapawid n~g pangpatáy na m~ga lintic ang siyáng tumangláw sa matandáang lalaking nacataás ang m~ga camáy sa lan~git, at sumísigaw:
--¡Tumututol icaw! ¡Talastas co nang hindî ca maban~gís; talastas co nang ang dapat co lamang itawag sa iyo'y SI MABAIT!
Nag-iibayo ang m~ga kidlát, lalong lumálacas ang unós....
TALABABA:
[216] Parrarayo, pangpatiguil ó pangpahintô n~g lintíc. Isáng casangcapan ó aparato na cung ilagay sa taluctóc n~g isáng edificio ay nacacatawag n~g electricidad ó n~g lintíc at inihahatid itó sa pamamag-itan n~g isáng cáwad sa isáng lugar na hindî macasásakit canino man. Natuclasán ang paggawâ n~g "parrarayo" ni Benjamin Franklin n~g taóng 1732. Ang caraniwang táas n~g parrarayo'y ánim hanggáng labíng dalawáng metro, at natatangkilic na dî pinúputucan n~g lintíc ang paliguidliguid n~g kinátatayuan na ang sucat n~g sacláw ay ang lambál ó ibayo n~g sucat n~g taás. Si Benjamin Franklin ay pantás na diplomático, físico at economista, na gumamit n~g boóng cáya upang magtamó n~g casarinlán ang canyáng Inang Báyang Estados Unidos n~g América. Ipinan~ganác siyá sa Boston n~g 1706, at namatáy n~g 1790.--P.H.P.
[217] Caraniwang tinatawag n~g catagalugan "tumbá", marahil sa túro n~g m~ga fraile. Pinagpapatongpatong na m~ga mesa ó balangcás na anó man, tinatacpan n~g damit na maitím at doon guinágawâ ang m~ga ceremoniang ucol sa m~ga patáy.
[218] Ang m~ga cahirapang tinitiis n~g m~ga banál na cálolowa sa Purgatorio.
[219] Ang samaháng ang palatuntuna'y ang pagsisicap na camtán ang m~ga calayâan.
[220] Sa pagkikibit n~g balicat ay ipinakikilalang hindî niyá dinaramdam ó hindî niyá sinasakit n~g loób ó sa canya'y waláng halagang sabi ó balitang náririn~gig.
[221] Sa capangyarihan.
[222] Sa casalucuyan, sa horas ding iyón.
[223] Ang cahulugán n~g pan~galang Zoroastro'y: "ang lalong magalíng sa m~ga anác n~g m~ga táo.--Si Zoroastro'y pantás na filósofo na bumago n~g religión persa."--P. H. P.
[224] Ang librong kinapapalamnan n~g m~ga aral ni Zoroastro. Tinatawag ding "Zindavesta" ang librong ito.--P. H. P.
[225] Hindî malilimutang filósofo griego na ipinan~ganác sa Egina n~g taóng 429 n~g dî pa ipinan~gan~ganac si Jesucristo.--Ang m~ga pan~gulong librong sinulat niyá'y "Ang República" at ang "Salitaan n~g dalawá". Ang pan~galan niyá'y Aristocles, n~guni't pinan~galanan siyá Sócrates n~g Platón, dahil sa calaparan n~g noó. Siyá'y naguíng discípulo ni Sócrates at naguíng maestro ni Aristóteles.--P. H. P.
[226] Bantog na escritor at naturalista latino. Ipinan~ganác n~g taóng 23 at namatáy n~g taóng 79.
[227] Patriarca sa Constantinopla. Namatáy n~g taóng 271.
[228] Hindî malilimutang poeta na cumathâ n~g "Eneida", na doo'y sinásaysay ang pinagdaanang búhay n~g troyaneng si Eneas. Siyá rin ang cumathâ n~g "Las Eglogas" at n~g "Las Geórgicas."
[229] Bantóg na papang nagpatanghál at nagpakináng na lubhâ sa Pontificado.
[230] Balitang poeta sa Italia n~g Edad Media. Ipinan~ganác sa Florencia n~g 8 n~g Mayo n~g 1265 at namatay n~g 14 n~g Septiembre n~g 1321. Ang pan~galan niyáng tunay ay DURANTE at ang DANTE ay palayaw. Ipinalimbag niyá ang m~ga librong Vida Nueva, Canzones, El Infierno, El Banquete, De Vulgari Eloquio, El Purgatorio, De Monarchia Mundi, La Divina Comedia at iba pa. Ganitó ang saysáy niyá sa canyáng sinulat na librong "De Monarchia Mundi:" Hindî sa m~ga cónsul ang m~ga namamayan at hindî sa harì ang nación, cung dî pabaligtad: sa m~ga namamayan ang m~ga cónsul at sa nación ang harì. Hindî itinatag ang m~ga ciudad at n~g pag-uculan n~g m~ga cautusán; itinatag ang m~ga cautusán at n~g iucol sa m~ga ciudad. Cayâ n~ga't ang m~ga tumatalima sa m~ga cautusán ay hindî pinapagsama sa isáng báyan upang maguing tagapaglingcód sa naglálagdâ n~g m~ga cautusán: cung dî ang naglalagdâ n~g m~ga cautusán ang siyáng tagapaglingod sa báyan, at iba pa." Hindî minamagalíng ni Dante na ang papa'y magcaroon n~g capangyarihan sa búhay at pamumuhay n~g catawan, at dahil sa panucalà niyang canyáng itóng isinaysay sa canyáng m~ga casulatan, siya'y pinag-usig n~g m~ga papa, m~ga cardenal at n~g lahát n~g m~ga cacampí sa ang han~gad na ang papa'y magcaroon n~g capangyarihang hárì. Labingdalawang taón n~g patáy siyá'y ipinag-utos pa n~g cardenal del Poggetto na cunin sa baunan ang canyáng bun~gô at m~ga butó, sunuguin at itapon, sa pagca't excomulgado raw siyá, bagay na hindî natuloy, salamat sa paghadlang n~g maraming m~ga mamamayan. Siya'y poeta, filósofo, soldado, músico, filólogo, publicista, político, mabaít na táong bayan, nagtayô n~g isáng arte, siyá ang masasabing humusay at nagtatag n~g wicang italiano, naguing punò n~g canyáng ciudad republicana, nápatapong madalás dahil sa pagtatanggol n~g catuwiran n~g bayan, at sa kinatapuna'y halos nagpalimos n~g kinacain, teólogo, masicap na apóstol n~g caisipáng di dapat magharì ang papa, hinatulang sunuguing buháy n~g isáng tribunal revolucionario, at pinag-usig n~g boong calupitán n~g tribunal n~g Inquisicióng nagparatang na siyá'y hereje, bago'y banal na binyagan; n~guni't sa cawacasa'y inilagay ang canyáng larawan sa Vaticano, sa casamahán n~g m~ga Doctor n~g Iglesia Católica, at ang m~ga butó niyá'y iniin~gatan n~g boong galang sa catedral ni Santa María del Fìore; m~ga cagagawang nagpapakilalang maliwanag na ang m~ga papa'y nagcacamali ring gaya n~g lahát n~g tao at hindî catotohanang ang m~ga papa'y "infalible", hindî nagcacamali. Itó n~gâ sa maiclíng salitâ ang carilagdilagang buhay ni Dante, na ilinagdà co rito't n~g mapanghinularan.--P.H.P.
[231] Ministro n~g religión ni Brahma.
[232] Ang m~ga sumusampalataya sa religión ni Budha.
[233] Barquero ni Aqueronte sa ílog n~g infierno. Si Carón ó Caronte ang tunay na larawan ni Camatayan sa caban~gisang walang habág canino man, sa bata't matanda, sa maganda't pan~git, sa lalaki't babae--P. H. P.
[234] Ang isá sa m~ga pintuan n~g infierno.
[235] Ang m~ga táong ang pakikipabaca ang guinágawáng hanap-búhay.
[236] Poeta n~g m~ga unang "celta".