Nasawing Pagasa

Part 1

Chapter 1 3,841 words Public domain Markdown

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net (This file was made using scans of public domain works from the University of Michigan Digital Libraries.)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

ANGEL DE LOS REYES

KASAYSAYANG TAGALOG

¡¡NASAWING PAGASA!!

ITÓ RIN ANG NAPALATHALA SA PAHAYAGANG "ANG DEMOCRACIA" NOONG ABRIL ÑG 1910 NA NILAGDAAN ÑG "MULAWIN"

NAGKAROON ÑG MGA PAGBABAGO AT INAYOS ANG KAMALIAN

MAYNILA KAPULUANG PILIPINAS 1912

¡NASAWING PAGASA!

KASAYSAYANG TAGALOG

KASAYSAYANG NAPALATHALA SA PAHAYAGÁNG "ANG DEMOCRACIA" NOÓNG ABRIL ÑG 1910 NA NILAGDAÁN ÑG "MULAWIN". NAGKAROÓN ÑG MGA PAGBÁBAGO AT INAYOS ANG NAGÍNG KAMÁLIAN.

SINULAT NI =ANGEL DE LOS REYES=

KUMATHA ÑG MGA KASAYSAYANG "ANG DIYOSA INÉNG" "¡KRISTONG MAGDARAYA!" "¡IMBING KAPALARAN!" "¡PARUSA ÑG DIYÓS!" "¡HINAGPÍS NI LOLENG!" AT "¡TAYO AY MAMUNDÓK!"

MAYNILA, K.P. LIMBAGÁNG "ESFUERZO OBRERO" 1912

=LAHAT TUNGKOL PILIPINO=

AY DAPAT BUMASA ÑG BABASAHING TAGALOG

Bahag-hari............................. ni _Gerardo Chanco._ Sa Tabí n~g Ban~gín.................... " _José Maria Rivera._ Higanti at Pagsisisi................... " _Honorato H. de Lara._ ¡Duwág!................................ " _Gerardo Chanco._ ¡Imbing Kapalaran!..................... " _Angel de los Reyes._ ¡Halina sa Lan~git!.................... " _Gat-Dusa._ Ang Mananayaw.......................... " _Ros. Almario._ ¡Tadhana!.............................. " _Democrita P. Antonio._ ¡Sawíng Pagasa!........................ " _Bb. Francisca Laurel._ Larawan n~g Pagirog.................... " _Simplicio Flores._ ¡Waláng Diyós!......................... " _Honorato H. de Lara._ ¡Pinatatawad Kita!..................... " _Matanglawin._ ¡Parusa n~g Diyós!..................... " _Angel de los Reyes._ Buhay.................................. " _Aurelio Tolentino._ ¡Enchang!.............................. " _Honorato H. de Lara._ ¡Kristong Magdaraya!................... " _Angel de los Reyes._ Pan~garap n~g Buhay.................... " _Simplicio Flores._ M~ga Anak-Bukid........................ " _Ros. Almario._

* * * * *

=Inyong paghanapin sa mga aklatan at makabibili sa makákayanan upang huwag kayóng tamaa't masaktan sa mga kasunód na palo at uñgal.=

MGA PAGUNITA

NA DAPAT NUYNUYIN

SA MAGLÍLIWALÍW SA

Bayan n~g Antipulo

Anim na binibini ang nan~gakálupasay sa lilim nang isáng puno n~g manggá sa bayang Antipulo nang taóng nagdaan. Pawa siláng magágandá; pawa siláng mahíhinhín; n~guni't ang katakátaká, ang apat ay nakátawa at ang dalawá ay nakásiman~got. Sa lihim kong pagsísiyasat ay naunawa kong kaya palá gayón, ang apat ay nakápagdalá n~g m~ga babasahing Tagalog at ang dalawá ay nakalimot. Walang pagáalinlan~gan na yaóng di nakápagbaon ay siyáng nakásiman~got, pagka't wala n~g masaráp na aliwan sa bayan n~g Antipulo na para n~g magbasá n~g aklát. Maligo, pagkatapos ay magduyan, bago magbasá n~g aklat: iyán ang buhay mayaman.

Kaya kayóng maglíliwalíw sa Antipulo, nang huwág kayóng sumiman~got pagdatál doón, ay magbaon kayó n~g _Pinatatawad kitá!, Ang Mananayaw, Mga Anák Bukid, ¡Duwág! Sa tabi ñg bañgin, ¡Tadhana!, Halina sa Lañgit!,_ ¡SAWÍNG PAGASA!, _Larawan ñg Pagirog, Pañgarap ñg Buhay, ¡Walang Diyos!, ¡Higanti at Pagsisisi!, ¡Enchang!, ¡Kristong Magdaraya!, ¡Parusa n~g Diyós! ¡Imbing Kapalaran! Bahág-Hari,_ ¡MILAGROS! at _Lihim na pagluha!_ Sa gayón, tan~gi sa maáalíw ninyó ang inyóng sarili ay makatútulong pa kayó sa masisikap na kawal n~g pagpápalaganap n~g wikang minana natin.

ANG MGA PUMÁPATÁY SA

Kalulwá ñg Bayan

Masaráp ang wikang Ingglés, ang turing n~g Ingglés; lalo na ang wikang Kastila, ang saló n~g Kastila; lalo pa ang wikang Pransés, ang habol n~g Pransés, palibhasa'y para-para siláng may damdamin at marunong magmahál sa m~ga kalulwá n~g kaníkaniláng bayan, na alinsunod sa m~ga pantás na sinásamba n~g marami, ang wika, ay siyáng kalulwá n~g bayan.

N~guni't ... sa bibíg n~g ilang m~ga Tagalog, ay hindi ganitó ang namúmutawi. ¡Katiwaliang lahát at balót n~g m~ga kahan~galán ang lumálabás! Pawáng kapalaluan na anyá'y masaráp ang wikang Kastila at Ingglés kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang m~ga katha dito, n~guni't masdán mo ang aking m~ga nobelang Ingglés at Kastila ay hindi na mabilang.

Iyán ang m~ga kaaway n~g bayan; pagka't silá ang pumápatáy sa kalulwá nitó. Dahil sa kayaban~gang masabing sila'y nakaiintindí n~g wikang dayo, ay ipinagpápalít na, ang kaniláng dan~gál....

¡M~ga kamánunulát! ¡Kahabághabág ang ating katayuan! ¡Sa lahát n~g sandali'y nakaumang sa ating m~ga ulo ang tabák ni Damokles; nanunuláy tayo sa pan~ganib na guhit n~g m~ga batás; kalaban natin ang m~ga dayuhan at sampu n~g kalahi, ay kalaban pa rín!...

MABUTI KANG TAO NGUNI'T

Masama kang Kristiyano

--¿Bakit?

--¡Mangyari ay umáasa ka sa panghíhirám n~g bagong aklát! _Mabuti kang tao_, pagka't nabasa mo na halos lahát n~g nobela sa kahíhirám, n~guni't _masama kang kristiyano_, pagka't pinápatáy mo ang m~ga kumatha at nagpalimbág at ayaw kang bumilí n~g iyó, gayóng pinagkagastahán nilá. ¿Saán mabubuhay ang kuto, kung hindi sa ulo?

--¡Kung ayaw kang magpahirám ay huwág! ¡Kay dami mong rekubeko! ¡Pag ikáw namán ang nanghirám sa akin, ay tatawagin kitá n~g TUSO, pagka't para mo ríng tinuso ang kuwartang ibinilí ko, na nabasa mo ang aking binayaran n~g di ka nagkagastá!...

Ganyán ang taltalan n~g dalawáng magkaibigan, kaya't ikáw na bumábasa, upang huwág tawaging TUSO ó MASAMANG KRISTIYANO, ay bumilí ká n~g m~ga kasaysayang: "¡HALINA SA LAÑGIT!" ni _Gat-Dusa_: "¡SAWÍNG PAGASA!" ni _Bb. Francisca Laurel_; "¡DUWAG!" ni _Gerardo Chanco_: "LARAWAN ÑG PAGIROG" ni _Simplicio Flores_: "SA TABI ÑG BAÑGIN" ni _José María Rivera_; "¡IMBING KAPALARAN!" ni _Angel de los Reyes_; "TADHANA!" ni _Democrita P. Antonio_; "¡WALANG DIYÓS!" ni _Honorato de Lara_: "¡PARUSA ÑG DIYÓS!" ni _Angel de los Reyes_; "MGA ANAK-BUKID" ni _Ros. Almario_; "PAÑGARAP ÑG BUHAY" ni _Simplicio Flores_; "¡ENCHANG!" ni _Honorato de Lara_; at "¡KRISTONG MAGDARAYA!" ni _Angel de los Reyes_.

¿SINO ANG NATUMPÁK?

Kayó nga ang humatol

Si Petra at si Petring ay magkapatíd. Minsáng nalálapít ang Paskó, ay binigyán silá n~g kaniláng amá n~g muntíng halagá upang magugol sa dakilang araw. Si Petra ay ibinilí ang kanyáng bahagi n~g isáng hikaw, at si Petríng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyáw.

Dumatál ang araw n~g paskó, at gaya n~g karaniwan, ay nagdalawán ang dating mag-kákaulayaw. Sa dampa n~g magkapatíd ay mayroón díng m~ga panauhin. At ¿anó ang naisalubong ni Petra? ¿Naipagparan~galan bá ang kanyáng hikaw? ¡Hindi! Subali't si Petríng ay naipagmalakí niyá ang kanyáng m~ga aklát at tan~ging nakápagsabing "Mamiyang hapon na kayó umuwi at tayo ay magbasá nitóng masasaráp na kasaysayang bagong labás..."

Kayóng bumabasa nitó, ay inyóng hatulan kung sino ang natumpák: ang hiyás na nagagamit n~g isáng tao lamang ó ang aklát na pakíkinaban~gan n~g marami ang lalong mahalagá, Kauntíng pagkukuro ang inyóng papaghariin. Tutupín ninyó ang inyóng m~ga puso at siyáng magsasabing: mahalagáng pagaari ang m~ga aklat kay sa hiyás na nawawala.

Sa tahanan n~g isáng matalino, ay aklát ang matátagpuan; n~guni't sa tahanan n~g isáng mangmáng ay pawáng hiyás ang palamuti. Dahil doo'y magipon kayó n~g m~ga babasahing tagalog upang mapabilang kayó sa m~ga pantás.

SA KINAÚUKULAN

¡Maaliwalas ang daan ko!

Suriin natin ang ugali n~g umanó'y m~ga bantóg at pahám na manúnulát. Ayaw siláng makariníg na mayroóng makata; ayáw siláng makakita na mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nilá ang pula, lubha pa't isáng maliít ang sumulat. Sasabihing iyán ay mali, walang kabuluhan; at sayang lamang ang ipinagpalimbág. Palalo at pan~gahás ang gumawa niyán, huwág na di masabing siyá ay _autor_.

¡Kaawaawang m~ga manúnulát!

¡At silá daw ay m~ga kawal sa pagpápalaganap n~g wikang tagalog! Kung sa habang panahón ay ganyán ang aasalin nilá, ay sumpa n~g bayan ang kaniláng maáantay. Sa kaniláng pakikipagkapwa ay doon lamang uusbóng ang pagmámalasakitan n~g m~ga makatang pilipino, na, tan~ging daan n~g ikátatanyág n~g masaráp na wika ni Balagtás.

Kung sa akin silá hahadláng ay itutulak ko silá n~g dalawáng kamáy at bubulyawán kong: ¡Maaliwalas ang daan ko! ¡Nakikita ko ang aking nilálakaran! ¡Tanglawán ninyó ang inyóng landasin at di ko kailan~gan ang inyóng ilaw! ¡Manipís mán ang aming m~ga katha ay piniga namáng tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga makatang kastila, ingglés, pransés, at ibá pá! ¡Mura mán ang aming m~ga aklát ay madali namáng maubos at di ináamag sa m~ga aklatan!

PAN~GUNANG SALITA

NI AMADO JACINTO

PAN~GUNANG SALITA

Ang munti kong kaya at maiklíng pagkukuro ay minarapat n~g mahál kong kaibigang Angel de los Reyes na magbigáy n~g _Pan~gunang Salita_ dito, sa kanyáng bagong aklát na maliit, na noóng araw ay napalathala na sa páhayagang "ANG DEMOCRACIA;" at kung bagamán tinawag ko n~gayon n~g _bagong aklát_ ay sapagka't n~gayón lamang naipalimbág at di na paputól-putól.

Walang alinlan~gan akóng nayag sa hilíng n~g aking kaibigan, nan~giti ako n~g lihim n~g ito'y sabihin niyá, at naibulong ko sa sarili na siya'y sadyang matalino sapagka't totoóng maalám na magbagay-bagay: nababatid niyáng sa isáng maiklíng aklát, ay isá namáng maiklíng isip na lamang ang dapat mag-ukol n~g m~ga palagay at paghahaka. At dahil diyán, ay sisimulán ko ayon sa makákaya, ang paglalahad n~g aywán kung tumpák na aking m~ga pagkukuro tungkól sa kanyang katháng itó.

Sa ganáng akin, ang mátutunghayán n~gayón n~g m~ga mambabasa ay isáng aklát na mainam, isang aklát na dapat bigyán n~g papuri, hindi dahil sa itó'y nakáwiwili lamang basahin kundi alang-alang pá sa wagás at maníngníng na damdamin n~g kumatha: ang maalab niyáng nasang ang dukha ay igalang at masugpu ang ugaling hanggáng n~gayon ay umiiral pa sa ibá, at kung minsán ay sa dukha rín, na inuuna ang salapi bago ang lahát; minámahál na higít sa puri, sa dan~gal, sa katungkulan at wastong ugali.

Ganyáng-ganyán ang asal na makikita natin sa mag-amá ni Tuníng sa Kasaysayang itó, na bagamán mahirap ang búhay, nang mahulí ay ayaw na silá sa kapwa nilá mahirap at ang ibig ay ang mayaman, dahil sa may nakápan~gibig lamang na isang masalapi kay Tuníng at ito'y si Ruperto. At ang kasuklám-suklám na nagíng bun~ga n~g kasabikáng itó sa pilak ay ang pagkatapon n~g anák ni Osong, ang binatang unang inibig ni Tuníng, pinaglagakan n~g boo niyáng pagkábabai at hanggáng sa nagbun~ga pa n~ga. Datapwa't kay Tuníng, ay nagíng bula ang salitang _puri_ at _katapatan_ sa haráp n~g yaman ni Ruperto, kayá't dito siyá napakasál sa wakás, gayóng si Osong ay di namán tumatanggi sa pagtupád n~g kanyáng tapát na pan~gakó at wagás ná pagibig.

Si Osong na parang sinasakal n~g m~ga daliring bakal ay hindi nakatiis at nang araw n~g pagkakasál ay nagdamít-pulubing naparoón sa bahay n~g kasayahan nilá Tuníng at ni Ruperto na dalá ang larawan n~g kanyáng bunsóng na sagíp sá ilog, at nang makita ni Tuníng na yaón ang kanyáng anák ay hinimatáy na bigla, bago humingí n~g tawad kay Osong at hanggáng sa nalagót ang hinin~gá. Samakatwíd ay oo't nagsisi n~gá si Tuníng kayá't humin~gí pa n~g tawad sa pinagtaksilán niyáng binata, subali't dí dahil dito'y hindí siyá matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa't isasagunita ang pagkákatapon sa tunay na dugó n~g kanyáng pusó.

Kung ang gayóng ginawá n~g babaing ito'y oo't napatatawád n~g Diyós, sa m~ga tagá-lupa'y waláng makapagpapatawad marahil.

Sa haráp n~g ganyáng paglálarawan n~g kaibigan ko, ay labis niyáng ipinakilala ang lubós na kabagsikán n~g salapí na waláng dí naituturó sa tao, pati n~g lalóng kasamasamaan.

Subali't ¿ang han~gád kayá n~g mahál kong kaibigan sa paglalarawang itó n~g nakáririmarim na ugalí ay upang pulutin namán itó n~g m~ga mambabasa?

Kayóng tumútungháy n~gayón ang makásasagót, at kayó rin namán ang dapat makábatid sa túnay na layon n~g ¡NASAWING PAGASA!

Gayon man ay sasagot din ako n~g para sa akin.

Ang mithí n~g aklát na itó ay walá n~gáng ibá sa warí ko, kundí ang turuan ang m~ga dukhá sa pagpapakáran~gal sa kaniláng sarili, sapagkát kung ang m~ga dukhá'y maran~gál, kung ang lahát n~g dukha'y hindi nagbibili n~g puri ni napaaalipin sa salapí, ang m~ga mayáyaman ay hindí maaaring magpákatayog-tayog na para n~g madalás nating mapánoód n~gayón.

Ang isinasamá n~g m~ga mayayaman ay na sa mahihirap, at ang isinasamá n~g isáng pamahaláan ay na sa pinamamahaláan dín. Iyán ang m~ga katótohanang kailán má'y dí magkakabula at dapat dasalín n~g bawá't tao; katótohanang aywán kung kanino ko unang nadiníg o nabasa at n~gayo'y inankín ko na tulóy pagka't nakilala kong tapát.

Kayá n~ga, m~ga mambabasa, upang makinabang ang kumathá nitóng ¡NASAWING PAGASA! sa kanyang m~ga ginugol na pagod sa pagsulat n~g kasaysayang itó ay pagaralan sana ang huwág magbilí n~g puri at isagunitang _na sa kupurihán ang tunay na halagá n~g tao at wala sa kayamanan_.

Kung magkakagayón, siyá at akó'y maghahandóg sa inyó n~g masaganang pasalamat, palibhasá'y siyáng túnay na adhiká n~g tapát kong katoto.

_Amado Jacinto._

Malabón, Rizal, 1912.

¡NASAWING PAGASA!

Kasaysayang Tagalog

_Dahil sa kagahulán sa panahón at dahil sa kakula~gan pa sa n~gayón n~g m~ga gagamitin, ay hindi nasunód ang m~ga t u l d í k na nasa orihinál._

¡Nasawing Pagasa!

I

Mapangláw ang lahát, ang gabí'y tahimik at ang buwán noóng dapat nang sumilip, nagtatago pa rí't sa sangkatauhan ay nagmámasun~git bitui'y gayón dín at nakíkiwan~gis.

Ni isáng himutók walang mapakinggáng sukat gumambala sa katahimikan; ¡oh, ang aking lahi!... payapangpayapa sa kanyáng hihigán habang nawíwili ang m~ga kalaban.

Huni n~g kuliglíg, tinig mán n~g ibon ay kapanglawan dín, dinadalit noón; m~ga makata mán, siyáng tinutula n~g sandalíng yaón ang sun~git n~g pangláw, lagáy n~g panahón.

Anó pa't ang lahát ay yapús n~g lumbáy hihip mán n~g han~gin, mandi'y palaypalay; habagat má'y salát at pawáng dalita, ang balitang tagláy na kung pakikinggán ay taghóy na ¡ay!... ¡ay!...

Subali't sa isáng maralitang dampa sa bayang Malabóng saksí n~g pagtula: nagáalimpuyó, ang lugód, ang sayá, ang galák, ang tuwa sa piling n~ga noóng dalawáng nunumpa.

Itó ay si Tuníng na piling alindóg kapiling n~g kanyáng tan~gíng iníirog, pan~gala'y si Osong na lipi n~g dukha't di lahing matayog at binatang Udyóng na ulilang lubós.

Payapa n~gá silá, sa pagkákaupo siyáng ináani; galák n~g pagsuyo, pinagúusapan, ang ikárarangál n~g kaniláng puso na ganitóng saád nang minsáng mahinto:

«Kay damot mo namán,» kay Osong na sabi, «isáng halík lamang, itulot mo kasi, nang ako'y maalíw at nang magkaroón n~g isá pang saksí!...» «¡Ayáw ko! ¡ayáw ko!...» kay Tuníng na tanggí.

«¡Halina irog ko!» «¡Ayaw ko! ¡ayaw ko!...» «¿Diyata't ayaw ka?» «¡Talagáng totoó!» «¡Halina! ¡halina! ¡isáng halík lamang!...» «¡Kay ulitulit mo!» «¡Isáng halík lamang!...» «¡Tawad ko sa iyó!»

«¡Ah! at iyán bagá, ang lagi mong turing na lubháng dalisay pagibig sa akin ... ¡Ikáw ang bahala!... kung natuto akóng sa iyó'y gumiliw magisá sa dusa'y matútutuhan din ...»

«¡Nagtampó na namán!...» «¿Sino bagáng puso ang makababatá n~g asal mong liko?» «¡Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ...» «Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ...

Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit ay tatanggapín ko; n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig libong kamataya'y labis pa n~g tamís ...»

«¿Hiniya ba kitá? ¡Di ko ginagawa!...» «¿Ginaganáp n~gayó'y di bagá paghiya?» «Hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na baka kung ...» «¿Kulang bang tiwala?»

«Di lamang sa gayón,» «¿Sa anó pang bagay?» «Katungkulan naming magin~gat na túnay, at ang unang halík, ang katimbang noó'y sampu nitóng buhay sa pagka't daig pa, ang gawáng pakasál.

¿Hindi bagá Osong?» «Tapát ang turing mo, at ang pagkakasál ay pakitang tao; subali't ang halík, saksíng akin ikáw, at akó ay iyó, kaya itulot na; halina irog ko ...»

Iláng pang «¡Ayaw ko!» at iláng «¡Halina!» bago pinagusap ang labing dalawá; tumunóg ang halík; nilimot na yatang silá'y may hinin~gá na dapat malagót sa daratning dusa.

Hayán n~ga ang tuwang na~ghari sa puso n~g dalawáng yaóng isá sa pagsuyo, kaya ang paalam n~g ating binatang anaki ay biro: «¡Sarili na kitá, búhay má'y mapugto!...»

[Larawan]

II

Nang isáng umaga'y sa pangpang n~g ilog ay may nakaupóng binatang malungkót: itó ay si Osong; kanyáng inaalíw ang dusa n~g loób sa pagkákawalay kay Tuníng na irog.

At ang naglalaro sa kanyáng isipa'y ang dilág ni Tuníng na gayón na lamang, minsáng mapadagok; minsáng mapan~giti at ipinagsaysay: «¡Oh, anóng gandá mó, aking paraluman!...»

Subali't nabigláng nabakás ang lungkót sa masayáng mukháng nagulap n~g lubós: «¡Ay, palad na sawi!... ¡Oh, buhay n~g dukha!...» sunód na himutók, «sa dusa ni Tuníng, ikáw ang managot ...

Kung akó'y mayama't sagana sa pilak tatanuran siyá sa baníg n~g hirap, hanggáng sa sumilang n~g lubháng hinahon ang unang bulaklák n~g aming pagsintáng dalisay at wagás....

¡Ay, Tuníng kong irog, di ko kasalanan na sa iyóng dusa'y di ka madamayan; ang karukhaan ko, ang dapat sisihi't dapat managutan at oh, anóng sakláp, dustáng kapalaran ...»

Sandalíng tumigil at kanyáng námalas ang dalawáng ibong naba sa bayabas, na sabáy umawit; yaóng kanyáng dibdib ay halos mawalat sa pananaghili sa ibong mapalad.

Saká nang magsiping n~g lubháng payapa m~ga titig niyá'y di tumagál yata't mulíng naghinagpís: «Mapalad pa siláng may ganáp na laya at hindi gaya kong may sumásansala ...

At kahi't mán silá'y walang pagaari ginapas namá'y pawáng luwalhati; dí gaya n~g taong ang binabaníg má'y maraming salapi ay lumuluha rin n~g dusa't pighati.

At ¿anó ang yamang sadyang hinahanap sa akin n~g amá ni Tuníng kong liyág? ¡isáng talinhaga! at di niya talos: sa Sangmaliwanag ang puri n~g tao, ang mahál sa lahát.

Hangád niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gál ni Tuníng na sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalagá sa yaman mang alín ang dan~gál n~g tao kung lubháng maningning.

¡Oh, taksíl na pita sa dan~gál at yaman, ang nililikha mo'y laksang kamatayan; kung hindi sa iyó, disi'y kapiling ko si Tuníng n~g buhay at kasalosalo sa pinggán n~g lumbay!...

¡Oh, buhay n~g buhay, Tuníng ko at lugód... na sa karukhaan, ang sukal n~g loób na ating sinapit; libong kamataya'y masaráp pa irog huwág lang mariníg ang iyóng himutók!...

Palasóng may lason ang nakákaanyo n~g dusang sa dibdib n~gayó'y pumapako, tuwing mabúbuklát sa aklát n~g isip ang pagkasiphayo n~g banál na layong núnukál sa puso.

At magmulá rito'y aking nakikita sa baníg n~g hirap ay nagiisa ka; waláng dumadamay, at kung pumapasok ang mahál mong amá sa iyóng pagdaíng ang tumbás ay mura.

Naririníg ko ring kanyáng inuulit ang pagalipusta sa palad kong amís: ¡sa aba n~g dukha!... at nananariwa sa puso ko't dibdíb ang pagtabóy niyáng kapaita'y labis.

At námamalas ko, ang lubháng masakláp, luhang mapapaít sa matá mo liyág, di anóng gagawín sa itó ay utos n~g masamáng palad pawang pagtitiís ang gawíng kalasag.

Ibalita lamang sa tapát mong giliw kung makaraan ká, sa gabíng madilím, upang matalós ko kung ano ang bun~ga n~g pagsinta natin at kahi't malayo'y kapalaran ko rin.

At kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa tapat kong puso, at ang bawa't patak n~g perlas mong luha ay timbang n~g buhay kung manaw sa lupa.

Dito napahinto't kanyang napanood yaong isang kaban na tan~gay n~g agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang n~g upang matalos na baka may lihim doong natutulos.

At ¡oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay n~g isáng bagong kasisilang!... tuman~gis ang puso; nagluksa ang dibdib at ipinagsaysay na: «¡Baka n~ga itó, ang anak kong hirang!»

Kanyang ikinubli doon sa pangpan~gin, pumasok n~g bayang may in~gat na lihim at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na ¡itinapon n~ga ang anak ni Tuning!...

Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di malagotlagot «¡Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos!

Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin n~g bagong ninibig.....

¡Oh, taksil na sinta! ¡pusong magdaraya! ¡oh, han~gad sa yaman! ¡inang walang awa! pananagutan mo, sa harap n~g Diyos ang masamang gawa't may araw din naman kaming mabababa!....»

At kanyang hinagkan ang bangkay n~g bunso kasunod ang patak n~g luhang natulo, «¡Oh, sawi kong supling!.... ¡di ko kasalanan ang pagkasiphayo managot ang iyong inang walang puso!...»

At kanyang kinalong n~g hanggang sa bayan upang ipakuha n~g isang larawan; subali't ang loob ay di mapanatag kahi't bahagya man; ang daing at sumpa'y walang katapusan....

[Larawan]

III

Sa ilog ding yaon na kinasagipan ni Osong n~g kanyang bunsong minamahal, ang magamang Tuning minsan ay nagaliw sa masayang pangpang na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay.

«Talusin mo irog» ang turing n~g ama, «sa panukala ko, kung hindi nayag ka, disin hanggang n~gayo'y lumalagok ka pa n~g luha n~g dusa at di lumalasap n~g m~ga ginhawa.

¿At di mo ba tantong sa buhay na ito: salapi, salapi, ang Diyos n~g tao? ¿Bakit ka iibig sa han~gal na Osong na dukhang totoó gayong may mayamang iirog sa iyó?»

«¡Ama ko! ¡ama ko!» ang saad ni Tuning, «¡kay inam n~ga pala n~g inisip natin! salamat Diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay hindi natalos ang nangyaring lihim ...»

«¡Talaga! ¡talaga» ang sa amang tugon, «daig ang nagtiyap n~g pagkakataon, ¿at aling pan~gahas dilang sinun~galing magsasabi n~gayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon?

Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag.

Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.

N~guni't ¡anong saklap sa puso ko't buhay ang kataasan mo kung iyaagapay sa piling ni Osong! ¡masarap pang ako ay magpatiwakal! ¡oh, Tuning! ¡oh, Tuning!» at siya'y papanaw.

Pinigil n~g bunso: «Amang pinopoon, ako'y kaayon mo sa dakilang layon, at isinusumpang lilimutin ko na ang han~gal na Osong at ako'y dalaga na naman sa n~gayon ...»

Sila ay nagyakap at siyang tumunong ang halik n~g ama, at halik n~g irog; sigabo n~g tuwa ay hindi magkasyang sa puso manulos kaya't napatabi, ang panglaw, ang lungkot ...

¡Saka magkaakbay silang nagsilakad sa dukhang tahana'y nagtuloy umakyat; mahiwagang ilog na nilisan nila'y bago humalakhak na waring inuyam ang nangyaring usap.

IV

Bagong namimitak sa kasilan~ganan liwayway n~g araw, batbat n~g katwaan, yaong m~ga ama nagsisikilos na't nan~gagtutulinan sa pagtuklas noong pangtawid sa buhay.

Sa gitna n~g parang namá'y namukadkad ang hinirang ban~gong magandang bulaklak at isinusuob sa gintong liwayway n~g bagong ninikat nagsasayang araw sa bayan kong liyag.