Part 3
Na, ang inyong aklat ay busog na busog sa mga kagandahang dapat taglayin ng isang nobela: luwag sa pananalita, ayos sa pagsasalaysay at taas at linis sa mga isipan. Ang kabuuan ng aklat ay maiwawangis sa isang halamang hitik sa mga bulaklak ng pusong tunay na tagalog, pusong gaya ng kay Edeng na pinagtipunan ng yumi at hinhin, ng hinhin at bait, bait at hinhing aring ari lamang ng mga dalaga sa lupaing ito.
Kung ang lahat ng mga aklat na susulatin natin ay maitutulad sa aklat na ito--aklat na naglalarawan ng isang buhay at mga pangyayaring may tatak tagalog, tagalog na uri't lasang tagalog din ay hindi sasalang sa araw ng bukas ay buong dangal na nating masasabi na may wika tayong talagang sarili at damdami't diwa na ating atin din.
Aling Puring: sa wakas ay ipahintulot ninyong umasa ako ngayon pa, na sa mga papuring nasabi ko na rito sa inyo! ay mairaragdag sa mga hinaharap na araw itong mga sumusunod: ORIGINALIDAD sa pananalita at liwanag sa paglarawan.
Ros. ALMARIO.
"AKLATANG BAYAN"
LUPON NG MGA PARALUMAN.
Asuncion Palma
Asuncion Manahan
Emiliana Santos
Engracia Jacinto
Dolores Chanco
Dolores Medrano
Isidra Reuto
Pilar Navarrete
Pilar Reuto
Pura L. Medrano
Silvinia Chanco
Victoria Santos
PAMUNUAN
Pura L. Medrano, Pangulo
Asuncion Palma, Kalihim
Dolores Chanco, Ingat Yaman